You are on page 1of 1

Editoryal:

Drawing: Bansang amerika laban sa hapon, nasa gitna ang pilipinas

Gaya ng naging epketo ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang World War II ay naging mitsa ng kamatayan
ng halos milyon-milyong tao sa buong mundo, partikular ng mga Hudyo sa Germany. Subalit ang dahilan
kung bakit ito itinuring na pinakamalalang digmaan sa daigdig ay hindi lang bunsod ng pagkakadawit ng
halos 30 na bansa, ngunit dahil na din sa dito unang nasaksihan ng sangkatauhan ang pwersang
maaaring tumapos sa kasaysayan: ang kapangyarihang atomika. Kung maaalala natin, ang Japan ay halos
pinulbos ng mga Amerikano nang sila ay magbagsak ng atomic bombs sa Nagasaki at Hiroshima. Bilang
resulta, ilan sa mga Hapon na nabubuhay pa rin ngayon ay nakaranas ng malulubhang epekto sa
kalusugan. Kaya nga’t bilang mga Asyano, huwag din nating kalimutan na maging ang Pilipinas ay naging
biktima ng labanang ito gaya ng Hapon na kung tutuusin ay isa sa mga naunang nagbomba sa Pearl
Harbor. Samakatwid, sa teknolohiyang mayroon tayo sa ngayon, hindi malabo na ang isa pang
malawakang digmaan ay maaaring tumapos sa sangkatauhan. Ngayon natin higit kailangan ang ganap na
kapayapaan.

You might also like