You are on page 1of 5

University of San Agustin

COLLEGE OF LIBERAL ARTS, SCIENCES, AND EDUCATION


Languages, Humanities, and Literature Department
General Luna, St., Iloilo City

Aralin sa Filipino I
KORAPSYON SA PILIPINAS

Ano ang Korapsyon?

Ang korapsyon ay ang maling paggamit ng posisyon o kapangyarihan para sa sariling kapakanan
(Anand, Ashfort and Joshi , 2005).

Ito ay pag-abuso ng resposibilidad sa publiko para sa pansariling interes (Luo, 2004).

Nangyayari ito kapag ang isang tao ay nagbigay ng pabor sa isang taong may katungkulan para
maimpluwensyahan ang isang gawain na mapapakinabangan nya (Senior, 2001).

Ito rin ay isang anyo ng pagnanakaw na nag-ugat sa ilang konseptong sikolohikal katulad na lamang ng
pagiging makasarili, pagtatanggap ng mga maling impormasyon, maling paraan ng pag-iisip, pagnanais ng pabuya,
at ang kawalan ng pag-asa (Gisbert et al., 2008).

Sa kabuuan, ito ay dala ng kawalan ng kalinisan, intigridad, at katapatan ng isang taong nanunungkulan.

MGA HALIMBAWA NG KORAPSYON


Pang-aabuso ng Kapangyarihan
-hindi angkop na paggamit ng kapangyarihan at mga pasilidad sa paggawa ng desisyon

Pakikipagsabwatan (Kolusyon)

-kasunduan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga partido

-kasunduan sa mga kompanya o indibidwal na hatiin ang pamilihan, magtakda ng mga presyo, limitahan ang
produksiyon o limitahan ang mga oportunidad

Pagmamanipula ng  presyo (price fixing)

-kasunduang bumili o magbenta lamang ng isang produkto o komoditad sa isang itinakdang presyo

-panatilihin ang mga kondisyon ng pamilihan sa pamamagitan ng pagkokontrol ng suplay at


pangangailangan

Pagmamanipula ng Alok  (bid rigging)

-ang isang kontratang pangkalakalan (commercial) ay ipinangako sa isang partido bagaman alang


-alang sa hitsura, ang ibang mga partido ay nagtatanghal rin ng isang alok

Pandaraya sa Halalan

-ilegal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan

-kabilang dito ang pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagsabotahe ng mga balota at pagbili o
panunuhol ng mga botante.

Pagnanakaw sa Kaban ng Bayan

-paglustay ang pagnanakaw ng mga pinagkatiwalaang pondo na pampubliko sa pamahalaan

Bb. Daisy C. Fillo 1


Pandarambog

-panghahakot, pagtitipon o pangkamit ng kayamanan ng isang opisyal ng pamahalaan sa pamamagitan


ng kriminal na gawain

- maaring kinasansangkutan din ng kanyang pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o dugo,
mga kanegosyo, mga nasasakupan o iba pang mga tao

-ngunit kung ang isang opisyal ay makakuha ng kabuuang halaga ng hindi bababa limampung milyong
piso (P50,000,000.00), siya ay mapaparusahan ng reclusion perpetua

Panunuhol at Pagtanggap ng Suhol

-akto ng pagbibigay ng salapi o regalo na nagpapabago ng pag-aasal ng tumanggap nito

-pag-aalok, pagbibigay o panghihingi ng anumang bagay na may halaga upang impluwensiyahan ang mga
aksiyon ng isang opisyal o ibang tao na may pangangasiwa ng isang tungkuling pampubliko

Kickback 

-isang anyo ng panunuhol kung saan ang isang komisyon ay nanggaling sa kumukuha ng suhol

-layunin ng kickback ay karaniwang hikayatin ang ibang partido na makipagtulungunan sa ilegal na gawain

Extortion

-paggamit ng dahas upang makakuha ng pera sa isang tao

Pagtangkilik o Padrino

-tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta lalo na sa trabaho sa gobyerno

- halimbawa ay pagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad nang epektibo ang
mga patakaran nito

-pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o mga kaibigan (kronyismo)

-panunuhol sa paghiling sa isang negosyante na bigayan ng trabaho sa isang kamag-anak


Pangingikil
-paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na
nakikipagtransaksiyon sa kanila o sa kanilang opisina
-talamak sa mga ahensiyang nag-iisyu ng mga clearance at ibang mga dokumento
Pagtakas sa Pagbabayad ng Buwis
-talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi na ideklara ang taunang kinita at magbayad ng
mga angkop na buwis
Mga Ghost Project at Pasahod
- pagpopondo at pagpapasahod sa hindi umiiral na proyekto at mga tauhan
Pagpasa ng mga Kontrata Mula sa Isang Kontraktor
-sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga
trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa
-ang isang bahagdan ng halaga ng proyekto ay napapanatili ng bawat kontraktor at subkontraktor na
nagreresulta sa paggamit ng mga mababang uring materyal o hindi natapos na proyekto
Nepotismo at Paboritismo
-paghirang ng mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahalaan kahit pa hindi kwalipikado

Bb. Daisy C. Fillo 2


Mga Sagabal sa Pagsugpo ng Korapsyo sa Pilipinas

Kultura ng mga Pilipino

Malakas na Ugnayang Pampamilya

-pagbibigay ng mga benepisyo sa mga hindi kwalipikadong tumatanggap

-umaapekto sa propesyonalismo, kaigihan at pagiging epektibo ng serbisyo sa pamahalaan

Pagbibigay ng Regalo

-nagbibigay katwiran sa paglalagay o panunuhol at pangingikil

-gumagawang inutil sa batas na nagbabawal sa pagbibigay regalo

Pagiging Collectivist

-pagkakaroon ng iisang pagkakakilanlan, mga paniniwala at mga kaugalian

-pagbibigay ng priyoridad sa mga mithiin ng grupo

-konsepto ng kumparihan, pakikisama, utang na loob, at tayo tayo

Utang na Loob

-paniniwalang ang hindi makapagbayad ng utang na loob sa isang tao ay walang kahihiyan

Kawalan ng Pondo ng mga Ahensiyang Naatasang Labanan ang Korapsyon

-kawalan ng sapat na pondo na nagbi bigay ng pagkakataong mandaya

-kawalan ng pagkilala, mga merito, gantimpala at mga pabuya

Kawalan ng Transparency o Pagiging Bukas ng mga Transaksiyon

-kawalan ng pagmomonitor ng mga programa at proyekto ng pamahalaan

-ang mga gastusin ay hindi seryosong isinasagawa ng mga ahensya o tauhan na naatasang magmonitor

-pagtanggi sa publikong magkaroon ng kaalaman sa mga aktibidad ng mga opisyal ng pamahalaan

-kawalan ng kaalaman ng mga mamamayan sa pambansang badyet ng mga kagawarang

ehekutibo (pangulo), lehislatura (kongreso) o hudikatura (korte)

Kawalan ng Ahensiyang magsisiyasat ng mga datos ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN 

-maaaring itago ang mga nalikom na hindi maipaliwanag na kayamanan

Mga Kondisyong Pumapabor sa Korapsyon

 Kakulangan ng impormasyon
 Kawalan ng batas ng kalayaan ng impormasyon
 Kawalan ng pagsukat sa korupsiyon tulad na lamang ng paggamit ng mga regular na survey
 Mga tax haven kung saan binubuwisan ang mga mamamayan at kompanya sa bansa ngunit hindi ang mula
sa ibang mga bansa at tumatanggi na ibunyag ang kailangang impormasyon

Bb. Daisy C. Fillo 3


 Kawalan ng kontrol sa pamahalaan
 Kawalan ng pribadong organisasyong magmomonitor ng pamahalaan
 Kawalan ng kaalaman ng ilang mga botante tungkol sa politika lalo na sa mga halalan
 Mahinang serbisyong sibil at mabagal na usad ng reporma nito
 Mahinang pagpapatupad ng batas sa mga napatunayang tiwaling opisyal ng pamahalaan
 Mahinang kalayaan ng hukuman
 Kawalan ng proteksiyon sa mga whistleblower o naglalantad ng korupsiyon
 Kawalan ng benchmarking/ebalwasyon at pagkokompara ng mga nagawa ayon sa pamantayan 
 Ang matagalang pagtatrabaho sa parehong posisyon na maaaring lumikha ng mga relasyon sa loob at labas
 Kawalan ng matibay na batas laban sa mga dinastiyang pampolitika

Mga Ahensyang Nakaatas na Sugpuin ang Korapsyon

Office of the Ombudsman (OMB)

Nag-iimbestiga at kumikilos sa mga reklamong inihain laban sa mga opisyal at empleyadong pampubliko

Civil Service Commission (CSC)

Inatasang magtatag ng isang serbisyong karera at magtaguyod ng moral, kaigihan, integridad, pagtugon,
pagsulong at kagandahang loob sa serbisyong sibil

Commission on Audit (COA)

Bantay ng mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan

Sandiganbayan

  Isang hukumang anti-graft sa Pilipinas

Mga Batas Laban sa Korapsyon sa Pilipinas

Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas 

SEKSYON I-Ang mga opisyal at empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng mga panahon sa mga
tao, magsilbi sa kanila ng may sukdulang responsibilidad, integridad, katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo
at hustisya at may katamtamang pamumuhay.

SEKSIYON II- Ang Pangulo, Pangalawang-Pangulo, mga kasapi ng mag komisyong konstitusyonal
at ombudsman ay maaaring alisin sa opisina nito sa impeachment para sa panunuhol at graft at korupsiyon.

Republic Act No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960)

Nagdedeklara ng mga gawaing hindi naayon sa batas ng mga opisyal ng pamahalaan at nagbibigay ng mga
kaukulang parusa ng pagkabilanggo (sa pagitan ng 6 hanggang 15 taon) at walang katapusang diskwalipikasyon
mula sa pagtakbo sa opisinang pampubliko

Bb. Daisy C. Fillo 4


Artikulo XI Seksiyon 17 ng Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 at Seksiyon 8 ng Republic Act No. 6713

"Kodigo ng Pag-aasal at mga Pamantayang Etikal para sa mga Opisyal at Empleyadong Pampubliko" ay nag-
aatas na magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) taon-taon

Executive Order No. 292 o Administrative Code of 1987

Umuulit sa mga probinsiyon na nasa Seksiyon I, Artikulo XI ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas

Nagbibigay rin ng kapangyarihan sa Pangulo na magpasimula ng mga paglilitis upang mabawi ang mga ari-
arian ng mga opisyal at empleyadong pampubliko na nakamit ng mga ito nang hindi naayon sa batas

Republic Act No. 6713 na kilala rin bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and
Employees of 1989

Nagtataguyod ng isang mataas na pamantayan ng etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na
gumawa ng isang tumpak na mga pahayag ng ari-arian at liabilidad, ibunyag ang kanilang net worth at mga
ugnayang pang salapi.

Ito ay nag-aatas rin sa mga bagong opisyal na pampubliko na magbawas ng pag-aari ng anumang mga
pribadong negosyo sa loob ng 30 araw mula sa pag-upo sa opisina upang maiwasan ang alitan ng interes

Republic Act No. 6770 na kilala rin bilang Ombudsman Act of 1989

Nagbibigay ng organisasyong pangtungkulin at pang-istruktura ng Opisina ng Ombudsman

Republic Act No. 7055 na kilala rin bilang An Act Strengthening Civilian Supremacy over the Military

Lumilikha ng dalawang mga pakikitungo sa paglilitis ng mga nagkakasalang mga kasapi ng Sandatahang Lakas
ng Pilipinas at ibang mga kasaping nasa ilalim ng mga batas militar

Ang mga krimeng pinaparusan ng Revised Penal Code at ibang mga espesyal na batas ng kaparusahan at mga
ordinansa ng lokal na pamahalaan ay lilitisin sa mga hukumang sibil

Ang mga korteng militar ay dapat kumilala lamang sa mga nakatuon sa serbisyong krimen

Republic Act No. 7080 na kilala rin bilang Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder

Nagpaparusa sa sinumang opisyal ng pamahalaan sa pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng kanyang pamilya,


mga kamag-anak sa ugnayan o kadugo, mga ka-negosyo sa paglikom ng mga kayamanan na hindi bababa sa 50
milyong piso (P50,000,000)

Republic Act No. 8249 na kilala rin bilang Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandiganbayan

Umuuri sa Sandiganbayan bilang isang espesyal na hukuman at naglalagay rito na katumbas ng Hukuman ng


Apela

Bb. Daisy C. Fillo 5

You might also like