You are on page 1of 6

DEBATE

CHIQUE S. ANG

Note: Please visit the website http://www.youtube.com/watch?v=0rUXmqeizxw to view the


video of the debate.

Title: “Utang na Loob”

Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipapakita ito sa utang na
loob. Nangyayari ang utang na loob sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong kapwa.
Ito ay pagkilala at pagtugon sa kabutihang ginawa ng kapwa sa iyo lalo na sa oras ng
matinding pangangailangan. Ngunit ang utang na loob minsan ay nagagamit din ng ilang tao
sa maling paraan o pag-aabuso
Kaya, tinanong ko ang aking mga estudyante kung ano ang kanilang pananaw tungkol sa
utang na loob. Kanya-kanya ang kanilang mga opinyon at duon nabuo ang aking plano na
magkaroong debate para mapakinggan ng mabuti ang kanilang mga pahayag ukol dito.

Guide questions for students in writing a Reflection Paper: (isinalin sa Filipino)

1. Ano ang iyong pananaw tungkol sa “Utang na Loob” pagkatapos pakinggan ang debate ng
dalawang pangkat?
2. Mahalaga bang pakinggan ang bawat opinyon ng dalawang pangkat? Bakit?
3. Bilang mag-aaral, ano ang pinakamahalagang natutunan ninyo sa debate?

Positibong Pangkat Negatibong Pangkat

1. Jexterroy U. Bayong 1. Princess O. Tagam


2. Sarah Grace Y. Bautista 2. Ivan Jay R. Daniel
3. Kate Louise C. Bahian 3.Maica S. Medio
4. Kiecy B. Dumaboc 4. Glenford A. Macalaguing
5. Maniza S. Andoy 5. Kristel L. Timba

Tagapamagitan:
Harvey James P. Bade

Taga-tanaw ng Oras:
Christian Roy S. Gaabon

Mga Hurado:

1. G. James Jay G. Llerin - Debate Enthusiast/SH Teacher


2. Bb. Irene Joy S. Cantago - EsP Teacher
3. Gng Glorilyn B. Liquido - Filipino Teacher
SAMPLE OF
STUDENTS’ REFLECTION PAPER ON THE DEBATE

Jexterroy U. Bayong
Grade 8- Dignity

Ang aming debate ay tungkol sa utang na loob. Kami ay hinati sa dalawang grupo, ang
positibong grupo at negatibong grupo. Ang binigay sa amin na mosyon ay tungkol sa “Utang
na Loob”. Pinagdedebatihan naming kung mabuti ba o masama ang tumanaw ng utang na
loob na kung saan ay talagang pinag-aralan, pinag-isipan at pinaghandaan ng dalawang
pangkat.

Bilang isa sa mga napiling mananalita, nalaman ko na maganda palang ipahayag ang sariling
saloobin tungkol sa tema ng iyong pinagdedebatihan sa maraming taong nakapaligid at
nakikinig sa’yo . Nalaman ko din na hindi pala madali ang maging isang mananalita lalo na
kung baguhan ka pa lang. Talagang masusukat ang galling mo sa pananalita at pagsagot sa
mga argumento ng katunggaling grupo. Natutunan ko sa aming nagawang debate na
mahalaga ang pagtanaw ng utang na loob. Huwag nating masamain ang pagtanaw ng utang
na loob dahil malay natin na bukal sa kalooban ng dalawang tao ang kanilang pagtutulungan.

Bilang isang mag-aaral, nakaapekto ang aming isinagawang debate dahil lumawak ang aming
kaalaman sa kung paano ang pagdedebate. Natutunan ko din kung paano magsaliksik ng mga
impormasyon at ideya. Sa pamamagitan din nito ay natuto akong magsalita sa harap ng
maraming tao at maipamahagi ang sariling opinyon o saloobin tungkol sa tema ng iyong
pinagdedebatihan.
FACILITATING SKILLS

Comments from
Adjudicators:

You might also like