Professional Documents
Culture Documents
ST - Araling Panlipunan 4 - Q3
ST - Araling Panlipunan 4 - Q3
ARALING PANLIPUNAN – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Sagutin ng tama o mali. Kung mali, isulat ang salita o mga salitang nagpamali rito at itama
ito.
________ 1. Nasasakupan ng pambansang pamahalaan ang buong bansa.
________ 2. May dalawang sangay ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas.
________ 3. Ang sangay na tagapagbatas ay binubuo ng mga piling hurado.
________ 4. Pinamumunuan ng Pangulo ng bansa ang sangay na tagapagpaganap.
________ 5. Magkakaugnay ang lahat ng mga sangay ng pambansang pamahalaan.
________ 6. Ang sangay na tagapaghukom ay kinabibilangan ng mga mambabatas.
________ 7. Ang pambansang pamahalaan ay nangunguna sa pagbabalangkas at
pagpapatupad ng mga programa para sa mga mamamayan.
________ 8. Nahahati sa dalawang kapulungan ang sangay na tagapagbatas.
________ 9. Ang pamahalaan ng Pilipinas ay siya ring tinatawag na pambansang pamahalaan.
________ 10. Tinitiyak ng pambansang pamahalaan ang kapakanan ng mga mamamayan nito
maging yaong mga nasa ibang bansa man.
II. Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A. Isulat ang letra ng t a m a n g sagot.
HANAY A HANAY B
11. Pinakamaliit na politikal na yunit A. Alkalde
12. May kitang 20 milyon o higit pa B. Barangay
13. Tawag sa lehislatibong sangay ng lalawigan C. Kapitan
14. Lehislatibong sangay sa bayan D. Lalawigan
15. Namumuno sa bayan o lungsod E. Lungsod
16. Namumuno sa lalawigan F. Sangguniang
Pambayan
17. Pinuno sa barangay G. Sangguniang
Panlalawigan
18. May lawak na lupain na 100 kilometro kuwadrado H. Pangulo
19. Punong ehekutibo ng bansa I. Gobernador
20. Ahensiyang nangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan J. Kagawaran
(#2) LAGUMANG PAGSUSULIT SA
ARALING PANLIPUNAN – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Tukuyin ang mga sumusunod na pangungusap.
_____ 1. Ito ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan
_____ 2. Pamahalaan ng Pilipinas na pinamumunuan ng Pangulo ng bansa.
_____ 3. Sangay ng pamahalaan na gumagawa ng batas.
_____ 4. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng batas.
_____ 5. Sangay ng pamahalaan na nagbibigay ng interpretasyon ng batas.
_____ 6. Mataas na kapulungan ng sangay na tagapagbatas
_____ 7. Mababang kapulungan ng sangay na tagapagbatas.
_____ 8. Kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang panukalang batas na ipinasa sa Kongreso.
_____ 9. Dito dumudulog ang sinumang tao na hindi sumasang-ayon sa anumang desisyon ng mababang
hukuman
_____ 10. Ito ang kaagapay ng Pangulo sa pagpapatupad ng mga batas.
II. Hanapin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A.
A
B
_____ 11. Pinakamaliit na politikal na yunit A. Alkalde
_____ 12. May kitang 20 milyon o higit pa B. Barangay
_____ 13. Tawag sa lehislatibong sangay ng lalawigan C. Kapitan
_____ 14. lehislatibong sangay sa bayan D. Lalawigan
_____ 15. Namumuno sa bayan o lungsod E. Lungsod
_____ 16. Namumuno sa lalawigan F. Sangguniang
Pambayan
_____ 17. Pinuno sa barangay G. Sangguniang Panlalawigan
_____ 18. May lawak na lupain na 100 kilometro kuwadrado H. Pangulo
_____ 19. Punong ehekutibo ng bansa I. Gobernador
_____ 20. Ahensiyang nangangasiwa sa mga lokal na pamahalaan J. Kagawaran
III. Tukuyin ang mga sumusunod na opisyales ng pahalaan sa kasalukuyan. Isulat kung ano ang posisyon
nila sa
pamahalaan ng bansa.
21. Benigno Simeon Aquino III ________________________________________
22. Jejomar Binay ________________________________________
23. Franklin Drilon ________________________________________
24. Feliciano Belmonte Jr. ________________________________________
25. Grace Poe ________________________________________
26. Maria Lourdes Sereno ________________________________________
27. Dinky Soliman ________________________________________
28. Armin Luistro ________________________________________
29. Jaye Lacson Noel ________________________________________
30. Len Len Oreta ________________________________________
(#3) LAGUMANG PAGSUSULIT SA
ARALING PANLIPUNAN – IV
IKATLONG MARKAHAN
PANGALAN: ______________________________________ ISKOR: ____________
BAITANG/PANGKAT: _______________________________ PETSA: _____________
I. Panuto: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng salitang may salungguhit sa pangungusap
at
Isulat ang wastong salita kung ito ay mali.
__________1. Ang pangulo ang siyang pinuno ng estado, pamahalaan at punong kumander ng
sandatahang lakas.
__________2. Ang pambansang pamahalaan ay mayroong dalawang sangay.
__________3. Ang sangay ng tagapagpaganap ay pinamumunuan ng punong mahistrado.
__________4. Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga
grupo ng tao para sa kaayusan ng lipunan.
__________5. Ang impeachment ay ang kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang isang
panukalang batas na ipinasa ng Kongreso.
II. Analohiya: Panuto: Isulat ang kapareha ng salita batay sa naunang group ng salita.
6. mataas na kapulungan – senado; mababang kapulungan- ________________
7. tagapagbatas- lehislatibo; ___________________- hudikatura
8. _____________________- lalawigan; alkalde- lungsod
9. senador – 24, mahistrado - _________________
10. _____________________ - kinatawan; pangulo ng senado- senado
III. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Piliin at bilugan ang titik nang wastong sagot.
11. Ang mga sumusunod ay maaring maalis sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment
maliban sa ______________.
a. Pangulo b. Pang. Pangulo c. Gabinete d. Mahistrado
12. Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan, maiiwasan ang
a. pananakop ng ibang bansa
b. pagmamalabis sa kapangyarihan
c. pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
d. pangingibang-bayan ng mga mamamayan
13. Alin sa mga sumusunod ang kuwalipikasyon ng isang punong mahistrado.
a. Isang abogado sa Pilipinas sa loob labinglimang taong.
b. Nakapanirahan sa Pilipinas sa loob ng dalawang taon.
c. Apatnapung taong gulang sa araw ng halalan.
d. Tatlumpu’t limang taong gulang sa araw ng halalan.
14. Ang mga sumusunod ay kapangyarihan ng mga mambabatas maliban sa
a. paggawa ng batas
b. pagpapatibay ng budget ng pamahalaan
c. pagsisiyasat para makatulong sa paggawa ng batas
d. veto power
15. Ano ang pinapangasiwaan ng Department of Interior and Local Government (DILG)?
a. Kapakanan ng mga manggagawa sa loob at labas ng bansa.
b. Namamahala sa mga usaping may kinalaman sa mga lokal na pamahalaan.
c. Namamahala sa tamang paggastos ng pamahalaan.
d. Nangangalaga sa likas na yaman ng bansa.
16. Anong ahensya ng pamahalaan ang pinamumunuan ang kalakalan at industriya ng bansa.
Pinangangasiwaan din ng ahensyang ito ang tamang presyo ng mga bihilin.
a. Department of Health c. Department of Trade and Industry
b. Department of Energy d. Department of National Defense
17. Ito ang pinakamaliit nay unit ng lokal na pamahalaan.
a. gobernador b. barangay c. lalawigan d. lungsod
IV.Panuto: Ibigay ang kahuluhan ng mga sumususod;
18. DOH - ___________________________________________________
19. DSWD- ___________________________________________________
20. DENR- ___________________________________________________