Professional Documents
Culture Documents
Elemento NG Pelikula
Elemento NG Pelikula
Panuto: Basahin ang mga impormasyong nakapaloob sa Modyul 2. Pag-aralan ang
mga ito bilang paghahanda sa Midterm na Pagsusulit sa Agosto 6, 2020 sa loob ng
isang oras lamang
Tema
Tauhan/Karakterisasyon
Disenyong Tagpuan
Kasuotan
Make-up at Pag-arte
TEMA/PAKSA
TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON
Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan sa isang
pelikula. Tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula. Itinuturing
silang pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong
pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Taglay ng mga tauhan sa isang pelikula ang
makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at humaharap sa
problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at kontrabida o
antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago ang katangian
mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng anumang
pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa pang uri ay ang pagoging tauhang bilog na may
katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na maaaring dahilan
ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking kaugnayan o tungkulin sa
papel na ginagampanan bilang tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa
pelikula.
GAWAIN
a. Protagonista
b. Antagonista
Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang
tagalikha nito. Ang kaalaman sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang
manunulat. Naging pangangailangan ito ng isang manunulat sa pagbuo ng kanyang istorya
sapagkat bibigyan buhay ito sa pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat isaalang-alang din ng
manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa pagsasapelikula ng kanyang nilikhang akda.
May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood.
Sinoman ang nagnanais na magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga
termino sa kuha o shot tulad ng master shot at cover shot.
Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang
pelikula. Ito ay serye ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng
isang pelikula (Webster, 1997). Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay ng
kaukulang dramatikong at makahulugang detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban ito
ng close-up, medium shot, tracking shot, at long shot.
Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at
ng kamera ay maliliit lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa isang
eksena sa pelikula. Ito rin ang paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang mga
detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng ibang
pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw, kaunting galaw lamang ng mga
artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing paghahanda gamit ang
close-up shot.
Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa
taas nito o mula sa baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at pakikitungo ng
isang artista kaugnay sa ibang artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa pagpapakita ng mga
serye ng mga diyalogo mula sa isang eksena kung saan makatutulong sa mga manonood
na maunawaan ang kumpas at galaw ng mga karakter mula sa isang pelikula.
Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na sumusunod sa
mga galaw ng karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng kamera ay
paharap, patalikod o sa magkabilang gilid. Ipinapakita ng direktor ang pagsunod ng lahat ng
detalye na kasama sa eksena para mabisang nitong maipakita sa mga manonood.
Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat
mula sa kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito ang kalipunan ng
mga bagay tulad ng magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang long shot bilang
establishing shot o pagpapakita ng lunan ng isang pelikula (Evasco, E. et al., 2011).
Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang pag-isipan
ng manunuri ang dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up shot ng isang
bagahe o ang dalawang taong nag-uusap, o dili kaya’y tracking shot ng kabundukan.
Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang kanyang manonood na mag-isip at kung bakit ito
ginagawa at kung paano pinatitingkad ang karakterisasyon at banghay ng pelikula. Esensyal
na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa manonood habang pinapanood ang
pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood ang kanyang emosyon habang
pinapanood niya ito.
ANGGULO
Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang maipakita ang
kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng
artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang
ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa
pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng
pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng direktor para
maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa
anggulong iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo
sa naturang pelikula.
Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang
kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay
simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang
eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger,
isang magandang halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at Captain America na
siyang ginamit ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang super hero sa
pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na
kalaban na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa
mga manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo.
MUSIKA
Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang
pangkalahatan at sa bawat eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon
hanggang sa paggalaw ng bawat kuha at ang takbo ng mismong pag-iedit. Samantalang
ang iskor ng pelikula ay gumaganap bilang pamuno at nagdaragdag ng naratibo at
dramatikong estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na pagtugon na kahanay sa
bawat indibidwal na sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan. Ang damdamin ay
nabubuo sa epektibong paggamit ng musika, samantalang ang musikal iskor naman ay
nagiging mainam na repleksyon sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng
pelikula.
Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa. Ang mickey mousing na teknik na
halaw sa animasyon. Ito ay tumpak, kinalkyula na musika at kilos. Ang ritmo ng musika ay
kapareho sa natural na ritmo sa mga gumagalaw na mga bagay sa iskrin. Samantala ang
pangkalahatang iskor (generalized score) naman ay walang paghahangad na
magkapareho sa musika at sa pangkalahatang emosyonal na kapaligiran at damadamin ng
sekwens o sa pelikulang bilang kabuuan.
ANG TUNOG
Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa
kwento, ay naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog, musika o soundtracks. Ang
mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri ang mga
ito, ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena at kanya mismo
komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan, ang isang
tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng makapagrekord, maghalo (mix),
magsala (filter), pahinain (modulate), palakasin (amplify), at maghudyat (cue up) ng mga
tunog kung kinakailangan. Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o
di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa internet. Mula sa mga pag-
awit ng mga ibon, pagtunog ng mga doorbell, tunog ng mga kuliglig sa gabing payapa,
pagtahol ng mga aso, hanggang sa mga pagputok ng baril, ang mga ito ay naggagamit
para sa isang tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o
kahulugan.
Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound). Ito ang
tunog na nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin. Ginagamit
ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa
pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto. Nagiging tungkulin ang mataas na eskpresibo o
simbolikong paraan bilang mga malayang imahe. Patunay ito na sa totoong buhay ay
marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan
na alamin pa kung saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang
pinanggagalingan. Sa madaling salita ang mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng
mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may kakayahang maglalahad ng
impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng mga
kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga taong nag-uusap sa sala ay
maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o kumakain sa kusina.
PAG-IILAW (LIGHTING)
Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi
mo na inisip ang manipulahin ang pag-iilaw. Ang modernong digital na pagkuha ay
makaprodyus ng malinaw na imahe sa maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa
maraming pakay, ang mahalaga sa lahat ay malinaw ang paksa.
Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga
bagay pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino. Ang isang highlight ay isang
tapal ng kamangha-manghang liwanag sa ibabaw. Ang highlights ay nagbibigay ng
mahalagang hudyat sa tekstura ng ibabaw. Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin
o or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag o kislap; ang isang magaspang o
maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong nakaharap, nagbubunga nang
higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin, nagpapahintulot sa mga
bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o patunguhin ang mga
anino papunta sa ibang bagay.
Direction. Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa
pinagmulan ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw. Para sa kaginhawahan, maaari
naming makilala sa mga frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top
lighting.
Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga anino.
Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha. Ang
itaas na ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe. “Ito ay isang bagay ng pagiging
totoo - lahat ng bagay ay hindi nakikita sa lahat ng oras”.
Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong
makilala sa pinagmulan nito. Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay
maaaring obligado na mag-shoot na may anumang liwanag ay magagamit. Gayunman,
karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay gumagamit ng mga karagdagang
pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga
imahe. Kadalasan ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi
malakas o iba't-ibang sapat upang lumikha ng isang malakas na imahe. Gayunpaman, ang
filmmaker ay kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga
mapagkukunan sa tagpuan. Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng nakikitang
pinagkukunan.
2. Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa mga
lugar saan walang makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa
pinagkukunang nakita o iminungkahi sa tabing?
TAGPUAN (SETTING)
KAHULUGAN NG TAGPUAN
Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula
nagaganap. Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito
ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang kuwento at gumagawang isang
mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng isang pelikula. Nang dahil sa
kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento – banghay,
tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay
kailangang sinuring mabuti maigi. At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin,
kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong pangsinema sa
kanyang sariling kakanyahan.
KAHALAGAHAN NG TAGPUAN
1. Temporal na Salik. Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula.
2. Heograpikong Salik. Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang ang
tipo ng kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak),
at anumang iabng pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga
tauhan ng kuwento at ang kanilang mga aksyon.
Tagpuan Para sa Manipis na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact). Ang
Filmakers ay pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak.
Kung ang paggawa nito ay pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng
pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan na may mataas na antas ng viswal impak o
malakas ang biswal impak.
Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol). Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula
ay maaaring nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban
ito o maging kinatawan hindi lamang sa isang lokasyon o lugar.
4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga
tauhan sa pelikula?
5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan
ng pelikula?
Kasuotan
Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga
magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa
pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago
pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang naihanda na sa kanyang
kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga
magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa
pagsasakatuparan sa mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan
niya ng suporta hindi lamang ang pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto
na siyang mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.
Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang
tagadisenyo. Ito ay maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o kostyum,
magrenta, bumili, o maaaring magpaggawa (made to order).
MAKE-UP
Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong
naman ng make-up ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa
kanyang karakter. Kung naging palasak ang paggamit ng make-up sa teatro katulad ng
Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-make-up ang isinasagawa gayundin
naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor ang kanilang
sarili sa ibang bersyon na kaiba sa kanyang pagkatao.
1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa halip
ginagawa lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional samakatuwid
mas nagiging maliwang siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang
mismong artista lamang sa kanyang sarili.
2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang hitsura
ng isang aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot sa
pagnanais na magmukhang matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas epektibong
may-edad, kailangan din ng aktor na magsuot ng balbas o peluka.
ANG PAG-ARTE
Halaga ng Pag-arte
Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung mahusay
ang gaganap sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay
pinapanood natin. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang artista upang maging
makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang kwento pero pangit naman
ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang pag-arte
sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula.
Kaya mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o
kasanayan ang isang aktor na gaganap sa anumang papel.
Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang
umaarte. Mahalaga na mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng
maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood sa makataong-pag-uugali (human behaviour)
at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba.
Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang
katalinuhan, imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na
kailangan sa higit pang pag-unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan,
motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na magkaroon ng abilidad
na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan, kilos, kumpas, o
pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na ginagampanan at sa
sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang
napananatili ng aktor ang ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat
simula hanggang sa waga. Dinagdag pa niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang
ego, upang makita nito ang kanyang karakter sa tamang perspektibo tungo sa dramatikong
paggawa ng kabuuan.
Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor).
Sila ang mga aktor na umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa
pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa
entablado. Bagaman, maaari namang maging artista sa pelikula ang isang aktor sa
entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino, pero hindi
magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado.
Mas madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina
Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng
pagkakataon na maging aktor sa pelikula.
Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula.
MGA TEKNIK SA PAG-ARTE
3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa aktor
para unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee Strasberg.
Ang metodo ni Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng emosyonal at
kognitibong pag-unawa kanilang papel, ang aktor ay nararapat na gamitin ang sariling mga
karanasan sa pagtukoy mismo ng papel na ginagampanan. Nakabatay ito sa aspeto ng
sistema ni Stanislavski.
URI NG AKTOR
Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni
Boggs (2008) sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri:
5. Flashback Pangkalahatang tawag sa pagbabago Sa kuwentong The Three
ng sikwens batay sa panahon na Apples ng Arabian
nagdadala sa mga tauhan sa mga Nights matapos madiskubre
naunang pangyayari. ang bangkay ng isang babae,
ipinakita na ang salarin ay
nagkukuwento tungkol sa mga
pangyayaring naganap bago
nadiskubre ang bangkay.
6. Flashforward Isang eksena na nagpapahiwatig ng Sa pelikulang A Christmas
magaganap sa hinaharap. carol kung saan ang kaluluwa
ng hinaharap ay nagpakita kay
G. Scrooge.
7. Foreshadowing Ito ay mga simbolikong pangyayari na Ang isang eksena na
nagmumungkahi ng maaring maganap nagpapakita ng di-kilalang lalaki
sa susunod na eksena. na nakikipag-away sa iba dahil
sa isang babae ay naunang
ipinakita, ang kasunod na
eksena ay nagpapakita sa
pangunahing tauhan na sangkot
sa isang suntukan dahil sa
kanyang kasintahan.
8. Plot twist Ito ay hindi inaasahang pagbabago sa Dalawang karpintero ang
direksyon o inaasahang resulta ng mga tinutukoy na salarin sa pagpatay
kaganapan sa pelikula. ng may-ari ng bahay na inaayos
ng mga karpintero. Tinutukan ito
ng mga pulis at kamag-anak ng
biktima subalit sa kalaunan ay
malalaman na ang salarin
pala ay ang mismong asawa ng
may-ari ng bahay.
9. Poetic Justice Batay sa pang-uugali at kilos na FPJ’s Ang Probinsyano
ipinakita ng tauhan, ang kanyang
kabutihan ay gagantimpalaan o di
kaya’y ang kanyang kasamaan ay
parurusahan.
10. Self-fulfilling Isang panghuhula na nagkatotoo Sa Harry Potter nang marinig ni
Prophecy Lord Voldemort ang propesiya ni
Sybill Trelawney na isang bata
ay isisilang sa katapusan ng
Hulyo at ang mga magulang
nito ay yaong nakipaglaban kay
Voldemort. Diumano, ang
nasabing bata ay ang magiging
katapat ni Voldemort. Ang
nasabing propesiya ay
nagkatotoo at batang yaon ay si
Harry Potter.
10. Ticking clock Napipintong panganib
scenario
11. Breaking the fourth Animoy direktang pakikipag-usap ng Sesame Street, Dora the
wall tauhan sa manonood. Explorer
12. Defamiliarization Pagsulat ng liham ng tauhan tungkol sa
isang paksa na naglalarawan ng
kanyang kagila-gilalas na karanasan.
13. First-Person Pagkukuwento sa pamamagitan ng
Narration pananaw ng isang tauhan, lalo na ang
bidang tauhan.
14. Hamartia Pagkakaroon ng kahinaan sa katauhan
ng tauhan na naging sanhi ng kanyang
kasawian.
15. Pathetic Fallacy Ang pagpapakita ng mga pangyayari sa Paggamit ng fireworks upang
kapaligiran o anumang bagay upang ipakita ang masayang
ipahayag ang damdamin ng tauhan. damdamin ng tauhan,
pagpapakita ng kulog, kidlat sa
madilim na gabi upang ipadama
ang matinding galit.