You are on page 1of 226

MGA LEKTURA

SA PANITIKANG POPULAR
MGA LEKTURA
SA PANITIKANG POPULAR

VIRGILIO S. ALMARIO
Editor

NCCA
Pambansang Komisyon KWF
para sa Kultura at mga Sining Komisyon sa Wikang Filipino

AKLAT NG BAYAN
METRO MANILA

2013
Mga Lektura sa Panitikang Popular

Karapatang-sipi © 2013 Komisyon sa Wikang Filipino

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin
o gamitin nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Editor/ Validator: Virgilio S. Almario


Disenyo ng Aklat: Ma. Teresa S. Cultura
Disenyo ng Pabalat: Marne L. Kilates

The National Library of the Philippines CIP Data



Recommended entry:

Mga lektura sa panitikang popular / Virgilio S. Almario, editor .--
Manila : Komisyon sa Wikang Filipino, c2013.
p. ; cm.

ISBN 978-971-0197-21-7

1. Filipino literature -- History and criticism.


3. Popular literature -- Criticism, interpretation, etc.
4. Popular literature. I. Almario, Virgilio S.

PL6051 899.211009 2014 P320130763

Inilathala ng
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO
2F Watson Bldg., 1610 J.P. Laurel St., San Miguel, Maynila
Tel. 02-733-7260 • 02-736-2525
Email: komfil.gov@gmail.com • Website: www. kwf. gov.ph

sa tulong ng grant mula sa


PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING
633 General Luna Street, Intramuros, 1002 Manila
Tel. 527-2192 to 97 • Fax 527-2191 to 94
Email: info@ncca.gov.ph • Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts (NCCA) is the overall coordination
and policymaking government body that systematizes and streamlines national efforts in
promoting culture and the arts. The NCCA promotes cultural and artistic development:
conserves and promotes the nation’s historical and cultural heritages; ensures the widest
dissemination of artistic and cultural products among the greatest number across the
country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as a
dynamic part of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence
are pursued in programs and activities. The NCCA administers the National Endowment
Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
NILALAMAN

Introduksiyon Sa Panitikang Popular 7


Virgilio S. Almario

Ang Folklore o Kaalamang-Bayan Sa Filipinas 10


E. Arsenio Manuel

Ang Panunudyo’t Pagpapatawa sa Panulatang Tagalog 18


Leonardo A. Dianzon

Ang Lakan ng mga Makatang Filipino


na si Balagtas at ang kaniyang “Florante” 64
Hermenegildo Cruz

Ang Diwang Maginoo sa mga Awit at Koridong Tagalog 100


Dolores V. De Buenaventura

Mga Kasaysayan sa Iba’t Ibang Lupa Na Tulad Sa Ibong Adarna 117


Pura Santillan-Castrense

Duplo’t Balagtasan 132


Teodoro E. Genero

Ang Kundiman Ng Himagsikan 182


Antonio J. Molina

Mga Silanganin Ng Panitikan 199


Francisco Sugui

Mga Tala sa Paglilimbag 225


INTRODUKSIYON
SA PANITIKANG POPULAR
Virgilio S. Almario

MISTULANG ISANG GAWAIN ng artsibista ang aklat na ito dahil isang


koleksiyon ng mga lekturang hinango sa sinupan ng Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF). Surian ng Wikang Pambansa o Institute of National Language
pa noon ang tawag sa orihinal na ahensiyang itinatag ng pamahalaan upang
mangasiwa sa pagpapalaganap ng Wikang Pambansa at isa sa magandang
proyekto ng Surian ang pagdaraos ng mga panayam hinggil sa ia’t ibang
paksaing pangwika, pampanitikan, at pangkultura na binigkas ng mga
kilaláng iskolar at eksperto. Marami sa naturang panayam ang ginagamit na
sanggunian ngayon ng mga mananaliksik. Ang malungkot, kahit ipinalimbag
ng Surian ang mga ito ay mahirap nang hanapin sa mga aklatan.

Isang mahalagang tungkulin, sa gayon, ng KWF na muling ilathala


ang maituturing na “klasika” sa mga naturang panayam ng Surian.
Ang aklat na ito ay isa sa mga antolohiya upang ibalik sa madla ang
mga pinilìng panayam ng Surian. Gaya ng nakasaad sa pangkalahatang
pamagat, nilalaman ng antolohiyang ito ang ilang natatanging panayam
hinggil sa panitikang popular. Walo ang aming napilîng panayam at
maaaring ituring na introduksiyon sa panitikang-bayan at sa mga anyong
pampanitikang kinagiliwan ng sambayanan sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol at hanggang panahon ng Amerikano. Kapaki-pakinabang ang mga
panayam upang balikan ang mga katangiang pampanitikan na umakit sa
madla noon bukod sa maaaring gamiting simula ang mga ito sa pagsuri ng
panitikang popular sa kasalukuyan.

Maipagmamalaki namin ang nilalamang mga lektura ng aklat bilang


mga mohong saliksik (landmark research) dahil ito ang mga unang pahayag
hinggil sa kanilang mga paksa. Maganda namang isailalim ang mga ito sa
balidasyon sa tulong ng mga kasalukuyang saliksik upang matukoy din ang
isinulong ng pag-aaral sa panitikan at kulturang popular mulang 1956—ang
petsa ng pagbigkas sa pinakahulíng panayam. May sigla ngayon ang araling
kultural, lalo na sa larang ng kulturang popular. Ngunit nakapaghihinala

Mga Lektura sa Panitikang Popular 7


kung nasulyapan man lamang ng ating mga kabataang iskolar ang naritong
mga panayam.

Nása unahan ng koleksiyon ang lektura ni E. Arsenio Manuel,


kinikilálang “Ama ng Antropolohiyang Filipino,” dahil nagdudulot ng isang
magandang overview sa naging kasaysayan ng saliksik sa kultura ng Filipinas.
Bagaman “kaalamang-bayan” (ang salin niya noon sa folklore) ang kaniyang
paksa, maituturing na aplikable sa kultura sa kalahatan ang kaniyang
obserbasyong pangkasaysayan. Mahalaga para sa kaniya ang panimulang
impormasyong tinipon ng mga misyonero sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol sa kabila ng taglay na mga prehuwisyo at naiibang interes sa
pinag-aaralan. Kahit paano, ginamit din ito ng mga unang mananaliksik na
Filipino, gaya nina Isabelo de los Reyes, Jose Rizal, Mariano Ponce, at Pedro
Serrano Laktaw. Mahalaga din para sa kaniya ang saliksik ng mga Amerikano
nitóng ika-20 siglo, gaya nina H. Otley Beyer, Laura W. Benedict, at Dean S.
Fansler, dahil naging patnubay ng mga bagong Filipinong mananaliksik na
gaya nina Gabriel A.Bernardo, Amador T. Daguio, at Leopoldo Yabes.

Ang paksa ni Leonardo A.Dianzon ay pambihirang talakayin


hanggang ngayon. Ngunit siyá rin ang nagdidiin sa pamamagitan ng
kaniyang paninging historikal na isang katutubo’t matandang sining ang
panunudyo at pagpapatawa. Inihanay muna niya sa gayon ang mga tugma,
awiting-bayan, at kuwentong-bayan na nagtataglay ng sinaunang diwang
masayáhin upang talakayin pagkaraan ang “matalinong panunudyo” nina
Balagtas, Plaridel, at Rizal.

Mangyari pa, ang ibang lektura ay higit na nakaukol sa pinakapopular


na limbag na panitikan sa siglo 19—ang awit at korido. Muling binalikan ni
Hermenigildo Cruz ang kadakilaan ni Balagtas. Tinukoy naman ni Dolores V.
de Buenaventura ang “diwang maginoo” sa mga awit at korido at sinaliksik
ni Pura Santillan-Castrence ang mga posibleng pinagbuhatang bukal na
banyaga ng koridong Ibong Adarna upang isalungat sa naghahakang
katutubo ito.

Isang makabuluhang dokumentasyon ang lektura ni Teodoro E.


Gener sa naging metamorposis ng duplo upang maging balagtasan nitóng
siglo 20. Gayundin ang pananaw na ginamit ni Antonio J. Molina upang
gunitain ang transpormasyon ng kundiman mula sa isang awiting-bayan

8 Mga Lektura sa Panitikang Popular


tungo sa isang awit ng mga manghihimagsik. Samantala, ang lektura ni
Francisco Sugui ay higit na nagsisiyasat sa mga ipinalalagay niyang huwarang
pandaigdig para sa ating panitikan.

Nais kong wakasan ang introduksiyon kong ito sa pahayag ni


Bienvenido M. Gonzalez, Pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas, pagkaraang
makinig sa lektura ni A.J. Molina. Wika niya: “Ang gawaing paglilinang ng
ating mga katutubong wika ay nakaakit sa akin nang gayon na lamang,
sapagkat ito’y nagbibigay ng pag-asang mapapag-isa ang damdamin ng
ating bayan. Ang mga kaugaliang hinubog natin sa kabataan ay sadyang
mahirap mabago, kayâ ba’t sa aki’y taimtim na nagbibigay-isip ang kung
alin ang mabuting kaparaanang maisagawa natin sa paglinang ng isang
halo-halong wikang Pilipino, sa pagkakilálang ang lahat at bawat isa sa atin
ay inaruga at pinalaki sa ayam ng ating di mabilang na mga wikain. Dapat
nating mataho na ang unang hakbang sa ikalulutas ng isang suliranin ay
ang pagkilála sa mga sagabal na kailangang maligtasan, kayâ nararapat
na ang mga salin ng taong magsisisunod ay magkaroon ng katapangan at
pagpapakasakit na sapat makabago sa kinamihasnang ugali at makalikha
ng isang salitang Pilipino na buhat sa inang wika.” At para sa kaniya, isang
magandang simula ang serye ng panayam na nagsasaliksik sa kultura ng
bansa upang maging bigkis ang wika ng matibay na pagkakaisa.

Ferndale Homes
21 Oktubre 2013

Mga Lektura sa Panitikang Popular 9


ANG FOLKLORE O
KAALAMANG-BAYAN SA FILIPINAS1
E. Arsenio Manuel

Saklaw

M agmula nang ipasok ni William John Thoms, na isang Ingles, ang


katagang “folklore” sa salitalaang Ingles noong 1846 hanggang sa
kasalukuyan, pinagtatalunan pa ang saklaw nito, gayon din ang sangay ng
kaalaman na dapat kabilangan. Malawak ang pakahulugan ni Thoms—mga
gawi, kaugalian, pangingilin, pamahiin, awit, kawikaan, alamat, kuwentong-
bayan, atbp. Dinagdagan pa ito ng maraming dalubhasa ng dula, sining,
mga laro at laruan, bugtong at iba pa—hanggang sa ang pakahulugan sa
“folklore” ay lumaktaw sa bakuran ng ibang sangay ng palatauhan. Ang
Commission Internationale des Arts et Traditions Populaires sa Paris ay
nagsusumikap na isaayos ang mga di-nagkakaisang kaisipan hinggil sa
pag-uuri, pamamaraan, at pangangalap. Maikli ang ating panahon upang
talakayin ang bagay na ito, kaya’t hindi na natin pag-uukulan ng pansin.
Gayon man, may dalawang katukuyan ang kaalamang-bayan o folklore
(a) ang katipunan ng kaalamang-bayan na katatagpuan sa kathang-bayan,
kaugalian at paniwala, anito at igba: at (b) ang sining hinggil sa pag-aaral sa
mga sangkap na nabanggit.

Kasaysayan

Kahiman hindi nakapag-ukol nang mabuti ang mga Kastila sa pangangalap


at pag-aaral ng matatandang alamat at kuwentong-bayan, ang kanilang
mga aklat at kasulatan ang katatagpuan ng mga ulat ukol sa matatandang
kaugalian at kapaniwalaan ng mga Filipino bago sila dumating. Dahil
sa kakapusan nila ng kaalaman sa wikang katutubo o kakulangan sa
pagkakabatid sa kahalagahan ng ganap na pagtatala ng kabihasnang
taal, hindi nila pinagtiyagaang isulat ang mga kathang-bayan sa wika ng

1
Ang papel na ito'y binasa ng may-akda sa isang komperensiya ng mga mag-aaral na major
at minor sa Wikang Pilipino sa pagtitipong ginanap sa auditoryum ng Philippine Normal
College sa Maynila, noong 19 Agosto 1956..

10 Mga Lektura sa Panitikang Popular


taong-bayan o taong-bukid. Dahil din sa kawalan nila ng pagkakabatid sa
kahalagahan ng kabihasnang di-binyagan, nayurakan ito at napabayaang
mawala nang unti-unti. Kaya sa kaalamang-bayan ng mga Tagalog wala
tayong halimbawa ni isa man lamang ng pamatbat? (narrative song),
lungbos (divination song), ayag o dayaw (victory song), ni dalít (religious
poem, hymn, couplet) na matatawag na walang halong Kastila. Gayon din
ang nangyari sa ibang dako ng kapuluan na nasakop agad ng mga Kastila.
Ang kabihasnang bulubundukin lamang ang nakaligtas sa marahas at
mapanirang pangyayari.

Gayon man nakapagsalaysay at nakapagtala rin ng mahahalagang


ulat sina Antonio Pigafetta,2 Antonio de Morga,3 Miguel de Loarca,4 Fr. Juan
Plasencia,5 Fr. Francisco Colin,6 Francisco Combes,7 Fr. Jose Ma. Pavon,8
Jose Montero y Vidal,9 W. E. Retana,10 Fr. Gregorio Martinez at Fr. Mariano

2
Tingnan ang kaniyang Prime Viaggio Intorno al Mundo (salin sa Ingles ni James A.
Robertson) sa Blair & Robertson, IThe Philippine Islands, tomo 33-34. May salin din sa
Ingles si Lord Stanley na ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1874.
3
Tingnan ang kanyang “Succesos de las Islas Filipinas,” panganay na limbag sa Mexico,
1609; salin sa Ingles ni Lord Stanley at ipinalimbag ng Hakluyt Society, 1868; palimbag
ni Jose Rizal, 1890; isa pa ring salin sa Ingles na matatagpuan sa Blair & Robertson, The
Philippine Islands, tomo 16; palimbag ni W. E. Retana, 1909.
4
Tingnan ang kaniyang “Relacion de las Islas Filipinas,” Blair and Robertson, op. cit,
tomo 5.
5
Mababasa ang kanyang “Las Costumbres de los Tagalos,” sa Blair and Robertson, op. cit.
tomo 7.
6
Basahin ang bahagi ng kanyang Labor evangelica na may kinaalaman sa ating paksa sa
Blair & Robertson, op.cit., tomo 40.
7
Ang mahahalagang bahagi ng kaniyang Historia de las Islas de Mindanao, Jolo y sus
Adjacentes ay mababasa sa Blair & Robertson, op. cit, tomo 40.
8
Ang kaniyang Las Antigua Leyendas de la Isla de Negros (1837-1839) ay hindi pa
nalilimbag; may sipi sa aklatan nina H. Otley Beyer, E. A. Manuel, at Jorge Vargas.
9
Tingnan ang kaniyang Historia General de Filipinas (Madrid, 1887) at Cuentos Filipinos
(Madrid, 1876).
10
Ilang sa kaniyang mga aklat na dapat tunghayan ay Archivo del Bibliofilo (5 tomo, 1895-
1905); Supersticiones de los Indios (1894); El Indio Batangueño (ika-3 palimbag, 1888); at
Diccionario de Filipinismos 1921).

Mga Lektura sa Panitikang Popular 11


Martinez Cuadrado,11 Fr. Juan Villaverde,12 Fr. Jose Castaño,13 at marami
pa. Lamang may isang malaking kakulangan ang kanilang ulat—hindi nila
ginamit ang katutubong wika sa pagtatala ng mga kahang-bayan lalung-lalo
na.

Nang dantaong ika-19 unti-unting namulat ang mga Filipino sa
kayamanan ng kanilang kabihasnan at paalamatan. Kahima’t huli na sa
maraming dako, malaki at makahulugan ang nasagip ni Isabelo de los Reyes
sa kaniyang El Folklore Filipino (2 tomo, 1889-1890) na kinapapalooban
ng isang tulawit (epic; epiko) Ilokano, ang Lam-ang. Tumaliwas si I. de los
Reyes sa gawing Kastila na sulatin o itala ang alamat sa wikang Kastila,
palibhasa’y napag-alaman niya ang kahalagahan nito, marahil kay Ferdinand
Blumentritt14 na naging kasulatan niya. May ilang Filipino ang nagsitulong
sa kaniya sa pangangalap, kagaya nina Miguel Zaragoza, Mariano Ponce,
Pedro Serrano Laktaw, at Pio Mondragon, ngunit ang wikang ginamit ng
mga ito ay Kastila. Sina Pedro A. Paterno15 at Jose Rizal16 ay nagpamalas din
ng pagpapahalaga sa mga kaugalian at mga alamat at ng huli ang siyang
nakabanaag ng liwanag sa kahulugang makasaysayan na pag-aaral at
paghahambing ng mga kathang-bayan ng mga silanganin.17

Nausiyami palibhasa ang damdaming-bayan sa pananakop ng


mga Amerikano kung kaya’t napaugto ang panganalap ng mga Filipino.

11
Akda nila ang Coleccion de Refranes, Franses y Modismos Tagalos (1890).
12
Kasapi sa Orden de Predecadores; ang karamihan ng kanyang sinulat tungkol sa kalagayan
at kabihasnan ng mga taong-bulubundukin ng Luzon ay matatagpuan sa El Correo Sino-
Annamita, kagaya ng “Informe Sobre la Reduccion de los Infieles de Luzon,” loc. cit., tomo
13 (1879), dahong 9-107. Kabilang din dito ag kaniyang “The Ifugaos of Quiangan and
Vicinity, “ salin sa Ingles ni Dean C. Worcester, The Philippine Journal of Science, tomo 4,
A (Hulyo, 1909).
13
Tingnan ang kaniyang “Breve Noticia acerca del Origen, Religion, Creencias y
Supersticiones de los Antiguos Indios de Bicol,” sa Archivo del Bibliofilo Filipino ni W. F.
Retana, tomo 1.
14
Malaki ang utang na loob ng mga Filipino sa pantas na ito at kabilang na rito and kaniyang
“Diccionario Mitologico de Filipinas” na matatagpuan kay W. E. Retana, tomo 1.
15
Tingnan ang kaniyang nobelang Ninay (Madrid, 1885) na nababatay sa kaugaliang
Tagalog at ang La Antigua Civilizacion Tagalog (Madrid, 1887).
16
Ang kaniyang nobelang Noli me tangere at El filibusterismo ay napapalooban ng
maraming kaugalian at kapaniwalaang Tagalog; bukod dito sinulat niya ang “Specimens
of Tagal Folklore,” Trubner’s Record, Mayo 1889, “Two Eastern Fables,” Trubner’s Record,
Hulyo 1889, “Mariang Makiling,” La Solidaridad, Dis. 31, 1890.
17
Mababasa ito sa “Two Eastern Fables,” Trubner’s Record, Hulyo 1889.

12 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Gayon man dapat banggitin ang pagsususmikap ni Carlos Ronquillo at
ilan niyang kapanahon.18 Dapat ding pahalagahan ang malaking naitulong
ng mga Amerikano sa pamamaraan at pangangalap na rin ng iba’t ibang
kaalamang-bayan, hindi lamang sa looban ng mga binyagan, kundi pati na
rin ng sa mga tagabundok, tagabukid, at tagagubat. Kaya ang mga pag-aaral
at pagtatala sa panahon ng mga Amerikano ay maunlad at makahulugan.
Namumukod dito ang mga akda nina B. L. Maxfield at W. H. Millington,19
Frederick Starr, 20 Fletchner Gardner, 21 H. Otley Beyer, 22 Laura W. Benedict,
23
Fay-Cooper Cole,24 Mabel Cook Cole, 25 R. F. Barton,26 C. R. Moss27 Dean
S. Fansler,28 John Garvan,29 at marami pa. Mayroong ding ilang dayuhang
misyonero na mahalaga ang naiambag, kagaya nina Fr. Francis Lambrecht,30

18
Tinipon niya ang “Kantahing Pulube,” “Palipas,” at iba pa na matatagpuan sa dahon ng
Renacimiento Filipino (1910-1913). Si Sofronio G. Calderon ay isa ring mag-aalamat.
19
Tingnan ang kanilang “Visayan Folk-tales,” Journal of American Folklore, tomo 19 at 20.
20
Napalathala ang kaniyang Some Filipino Beliefs (London, 1908) at A Little Book of Filipino
Riddles (1909).
21
Sinulat niya ang “Tagalog Folk-tales,” Journal of American Folklore, tomo 20; Philipine
Folklore, (1941).
22
Ito na ang matatawag na ama? ng mga palaaral hinggil sa kabihasnang Filipino.
Sinulat niya ang “Origin Myths Among the Mountain Peoples of the Philippine.” The
Philippine Journal of Science, tomo 8, bilang 2 (Abril 1913) at tinipon niya at isinaayos
ang pinamalaking lagom ng kaalamang-bayan ng mga Filipino na pinamagatang Philippine
Folklore, Social Customs and Beliefs sa 20 tomo (tomo 1, Bisaya; tomo 2, Bisaya; tomo 3,
Bisaya; tomo 4, Bisaya at Bikol; tomo 5, Tagalog; tomo 6, Tagalog; tomo 7, Tagalog; tomo
8, Tagalog at Sambal; tomo 9, Kapampangan; tomo 10, Panggasinan at Iloko; tomo 11,
Iloko; tomo 12, Iloko, Ibanag, atbp.; tomo 13, Pangkalahatan at Bisaya; tomo 14, Bisaya at
Bikol; tomo 15, Iloko; tomo 16, Iloko at Bisaya; tomo 17, Bisaya at Bikol; tomo 18, Tagalog;
tomo 19, Tagalog; tomo 20, Tagalog). Ang kaniyang Philippine Ethnographic Series ay may
mahigit na 150 tomo.
23
Tingnan ang kaniyang “Bagobo Myths,” Journal of American Folklore, tomo 26, at
Bagobo Cermonial, Magic and Myth (1916).
24
Tingnan ang kaniyang Traditions of the Tinguian, a Study of Philippine Folklore (1915)
at A Study of Tinguian Folklore (1915).
25
Sinulat niya ang Philippine Folk Tales (1916).
26
Kabilang ni H. Otley Beyer, isa sa mga nagtatag sa pag-aaral ng kabihasnang Filipino.
Sinulat niya ang mga sumusunod: Ifugao Law (1919), Ifugao Economics (1922), The
Religion of the Ifugaos (1947), The Kalingas (1949), at The Mythology of the Ifugaos
(1955).
27
Tingnan ang kaniyang Nabalai Songs (1919), Nabalai Law and Ritual (1929), at
Kankanay Ceremonies (1920).
28
Ang pinakamahalagang akda niya ay ang Filipino Popular Tales (1921).
29
The Manobos of Mindanao (1929) ang pinakamalaking akda niya.
30
Ang pinakamahabang akda niya ay ang The Mayawyaw Ritual (1932-1941).

Mga Lektura sa Panitikang Popular 13


Fr. Alphonse Claerhoudt,31 at Fr. Morice Vanoverbergh.32 Utang ng bayang
Filipino sa kanilang matiyagang pagpupunyagi at kaalaman ang kapalaran at
kalaliman ng ating kabatiran sa ating katutubong kabihasnan at kagalingan
sa pagtitipon ng mga sangkap ng karunungang-bayan.

Dapat ding banggitin natin dito ang ilan sa ating mga kalahi na tila
naligaw ng landas o humiwalay sa karamihan dahil sa katutubong hilig
o dili kaya’y nalahiran ng mga palaaral na mga Amerikano. Sina Eulogio
B. Rodriguez,33 Gabriel A. Bernardo,34 Leopoldo Y. Yabes,35 Mariano
Manawis,36 Eugenio Ealdama,37 Timoteo Oracion,38 at Amador T. Daguio,39
ay makabuluhan din ang naiambag sa pag-aaral a pagtatala ng kaugalian,
laro, alamat, tulawit at kaalamang-bayan ng mga Filipino.

Yugto-yugto ang pag-aaral ng kaalamang-bayan. Ang mga


sumusunod ay kinikilala at nababatid ng mga dalub-aral: (a) pangangalap,
(b) pagsasaliksik at pagpapatunay, (c) pagtitipon at pag-uuri, at (d) pag-
aaral o paghahambing. Ang bawat yugto’y may kani-kanyang tuntunin na
mahirap maipaliwanag sa maikling panahon. Mapapansin na pagkatapos
lamang matipon ang lahat ng uri ng likhang-bayan at iba pang anyo ng
kaalamang-bayan saka lamang maaaring maihalayhay ang mga ulat at
mapaghahambing-hambing.
31
Lumabas ang kaniyang “East Benguet Legends,” sa The Little Apostle of Mountain
Province, tomo 7-9.
32
Mahaba ang talaan ng mga sinulat ng paring ito.
33
Ang kaniyang pag-aaral sa Isneg ay dapat banggitin (tingnan sa Publications of the
Catholic Anthropological Conference, tomo 3, bilang 1-4); “Negritos of Eastern Luzon,”
Anthropos, tomo 32 (1937), tomo 33 (1938); “Songs in Lepanto Igorot,” Anthropos,
tomo 14-15, 16-17, 18-19, 21, 23, 33, 41-44; at “Tales in Lepanto-Igorot or Kankanay,”
University of Manila Journal of East Asiatic Studies, tomo 1-2.
34
Sinulat niya ang “The Development of Philippine Literature,” The Historical Review,
tomo 5, bilang 1 (Marso 1933); nagturo din ng “Philippine Folklore” sa Philippine
Women’s University.
35
Isa sa pinakamahusay niyang gawa ay ang “Sungka—Philippine Variant of a Widely
Distributed Game,” Philippine Social Science Review, tomo 9, bilang 1 (Marso 1937) at
ang A Critical and Annotated Bibliography of Indonesian and Other Malayan Folklore
(1923), na hindi pa nalilimbag.
36
Dalawa ang kaniyang sinulat na mahalaga: The Ilocano Epic, A Critical Study of the “Life
of Lam-ang” at A Brief Survey of Iloko Literature (1936).
37
Ang kaniyang mga sinulat hinggil sa kabuhayan ng mga magbubukid sa Nueva Ecija at
Cagayan ay matatagpuan sa Philippine Magazine mulang1933 hanggang 1941.
38
Tunghayan ang kaniyang “The Monteses of Panay,” Philippine Magazine, tomo 35.
39
Hinggil sa Magahat, mga taong-bundok sa timog ng pulong Negros ang kanyang pag-
aaral.

14 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Gayon man, babanggitin ko ang pinakamahalaga sa mga tuntunin
sa pangangalap dahil sa ito ang simula at pinakamahalaga. Unang-una,
kinakailangang piliin at tiyakin ang isang pook na pangangalapan;l ikalawa,
itala ang kathang-bayan sa wika ng tagapook; ikatlo, sikaping maitalang
lahat na walang pinipili at itinatapon; ikaapat, usisain sa tagapagsalaysay
ang pinanggalingan, kinaringgan, o kinapulutan ng alamat, kuwento,
atbp.; ikalima, ipagtanong kung gaano kalaganap ang mga kathang-
bayang natipon; at ikaanim, pag-aralan ang kaugnayan at kahulugan ng
mga ulat sa kabuuang kabihasnan ng taong-bayan o ng palangan. Iyan
ang mahahalagang tuntunin na dapat isaalang-alang ng mangangalamat
sa pangangalap lamang. Ang ibang alituntunin ay nangangailangan ng
mahabang paliwanag, kaya’t di na natin tatalakayin.

Tunguhin ng Pag-aaral ng Kaalamang-bayan

Ang kaalamang-bayan ay isang sangay ng palatauhan (antropolohiya) na


ang layunin ay upang pag-aralan at malaman ang pinagmulan ng tao at
kasaysayan ng sangkatauhan at ang pag-unlad ng tao sa kabihasnan. Ang
pag-aaral ng kaalamang-bayan kung gayon ay nauugnay sa pagbuo ng
kaalamang ito, lalo na sa pagkakabatid sa paniniwala ng mga tao at kanilang
mga alamat. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa iba’t ibang kultura maaaring
maliwanagan ang pinagbuhatan ng lahi at naging kasalamuha nito sa
kanyang napakalawig na kasaysayan at kung paano nabuo ang kabihasnang
katutubo. At makapagbibigay-liwanag sa pinagmulan, pinagdaanan, at
kasalukuyang lakad at hilig ng panitikang sarili. Sa madaliang pangungusap,
ang sangay na ito ng palatauhan ay katatagpuan ng mga batayan ng ating
matandang kabihasnan at kasaysayan bago dumating ang mga Kastila sa
ating lupain at kaugnayan nito sa ibang lahi at kabihasnan, at mauunawaan
ang yaman ng sariling panitikang-pambayan, mga pagbabago at
pagkakaugtol nito, at pag-unlad ng mga bagong kaanyuan sa kalukuyang
panitikan.

Ang Kasalukuyang katayuan ng Pag-aaral

Ang damdaming Filipino ay matatagpuan sa ating panitikan, maging ito’y


lutang (nasa bibig ng mga mamamayan) o nakasulat na. Magmula nang
sakupin tayo ng mga Amerikano, unti-unting nagiging sangkap ng ating
babasahin ang mga likhang-bayang iyan. Ngunit ito’y isang maliit na

Mga Lektura sa Panitikang Popular 15


bahagdan lamang ng kayamanan ng panitikan ng sambayanang Pilipino.
Ang kalakhan ng kayamanan ay di pa natatala at napag-aaralan. Ito’y
matatagpuan sa mga di-binyagan sa Luzon at Mindanaw, sa Mindoro at
Palawan, at sa iba pang pulo at ilang na pook. Ang kailangan ay maraming
kamay, upang bago malimutan ng mga mamamayan ang mga kathan-
bayang iyan ay maitala muna nang lubusan. Kamakailan lamang, halimbawa,
natuklasan namin sa Dabaw ang isang tulawit ng mga Bagobo. Ang kabuuan
ng epiko ay wala sa sa ulo ng iisang tao. Mayroon ding mahahabang tulawit
ang mga kapatid natin sa Lalawigang Bulubundukin na balang araw ay
hindi na natin maririnig dahil sa ating kapabayaan.

Ang ating mga pamantasan sa iba’t ibang kursong iniaalay sa mga


kabataan hinggil sa panitikan. Lalong marami ang mga kurso tungkol sa
panitikang dayuhan ang matatagpuang nakalahad sa mga katalogo kaysa
panitikang sarili. Simula nang ibunsod ang pagtuturo ng wikang pambansa,
nagkaroon ang mga paaralan ng mga kurso tungkol sa panitikang Tagalog,
ngunit wala sa ibang pulungan. Nitong dakong huli’y may mga ilang
pamantasan na nagbibigay na rin ng mga kurso hinggil sa pag-aaral ng
panitikang Filipino, at kamakailan lamang ang Pamantasan ng Pilipinas ay
lumikha ng isang kurso hinggil sa pag-aaral ng panitikang Iloko. May iilan
lamang pamantasan ang nagbibigay ng kurso sa paalamatan at kaalamang-
bayan ng mgaFilipino (Philippine Folklore).

Ang saligan ng panitikang Filipino ay nababatay sa ating sariling


kaugalian, damdamin, paniwala, at nauugitan ito ng ating kasaysayan, lahi,
kabihasnan at wika. Upang mawatasan ang saligang iyan ay kinakailangang
pag-ukulan natin ng pag-aaral ang ating kathang-bayan. Ang matataas na
paaralan at pamantasan ang siyang dapat manguna. Napag-alaman namin
na may ilang pamantasang nagbibigay ng digri na ang paksa ng tesis ng
estudyante ay hinggil sa paalamatan o kaalamang-bayan, ngunit wala
namang kurso tungkol sa sining na ito, ni pambungad na kurso hinggil sa
palatauhan (introductory course in anthropology). Dapat itong mapansin
ng pamahalaan.

Mga Katnig

Upang makatulong sa pagbuo ng isang damdaming makabayan at lalong


madama natin ang tunay na pagkailipino, kainakailangan nating pag-ukulan

16 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ng pansin at pag-aaral ang ating kabihasnan muna. Isa sa mga hakbang
na dapat gawin ay ang pagtatatag ng isang kapisanan ng mag-aalamat o
mangangalamat, o dili kaya’y paglilikha ng isang sangay ng kabihasnang
sarili sa tangkilik ng pamahalaan. Ang bawat kolehiyo at pamantasan
ay dapat magkaroon ng kurso sa paalamatang Filipino bilang saligan sa
pag-aaral ng panitikang Filipino. Lamang, dahil sa ito’y isang siyensiya o
sining, kinakailangang may kaalaman, kakayahan, at kasanayan ang mga
magbibigay ng kurso. Ito’y isang sangay ng palatauhan (antropolohiya),
kaya’t kinakailangang bihasa ang magtuturo ng karunungang ito.

SALITALAAN

alituntunin— procedural detail, by-rule.


ayag— victory song (rec. In Noceda and Sanlucar: Vocabulario de la Lengua
Tagala (1704, 1860).
dalit—couplet, religious song or hymn.
dayaw—victory song (rec. In Noceda and Sanlucar, op. Cit.).
igba— ritual (see my A Lexicographic Study of Tayabas Tagalog, MS., 1954).
kaalamang-bayan—folklore.
karunungang-bayan—folk knowledge.
kathang-bayan—folk creation, folk literature.
katnig—suggestion, advice (in my work already cited).
lungbos— divination song.
mag-aalamat—antiquarian, collector of old things.
mangangalamat—mythologist.
paalamatan—mythology, myths and legends collectively.
pamatbat—narrative song (rec. In Noceda and Sanlucar, op. cit.).
palatauhan—anthropology (taken from G. E. Tolentino, Ang Wika at
Baybaying Tagalog, 1937).
panitikang-bayan—popular literature.
pangangalap—the act of collecting, gathering (see my work already cited).
pulangay—ethnic group (see my work already cited).
salitalaan—vocabulary, wordlist.
tulawit—long narrative song, epic.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 17


ANG PANUNUDYO’T PAGPAPATAWA SA
PANULATANG TAGALOG1
Leonardo A. Dianzon

A ywan ko kung ako’y ginagaling o kung sinasama sa pangyayaring ang


panayam kong ito’y napataon sa mga araw pa namang ito ng pag-akyat
hanggang langit ng halaga ng bigas at ng lahat ng pangunang kailangan
natin, panghalili o hindi man panghalili sa ating kinakain sa araw-araw.
Sapagkat sumulat at maghanda ng isang panayam na babasahin sa loob
ng isang oras na singkad ay nangangahulugan ng paggugugol ng maraming
araw na pag-iisip, pagdidili-dili at pagsusuri’t pagkakatnig-katnig ng mga
isipan, kuro at hinuha, tangi pa sa kailangang pagsaliksik ng mga dapat
halimbawain sa mga sinulat ng mga tanyag sa panitikang tagalog, lalo na
sa paksang tatahakin ko ngayon, na dili iba’t Ang Panunudyo, Panunuya,
Pagbibiro’t Pagpapatawa sa Panulatang Tagalog.

Ginagaling o Sinasama?

Inuulit kong hindi ko malaman kung ako’y ginagaling o sinasama, sapagkat


paanong makapag-iisip na mabuti, paanong makabubuo ng maiinam at
mga di-karaniwang kuro ni makababalangkas ng mga tumpak at kahanga-
hangang hinuha kung walang nakapupuno sa iyong ulo kundi ang kung
paanong makasusunod ka sa pataas nang pataas na lipad ng halaga ng
bigas, lalo pa’t kung makapa mong limas na pala ang iyong palabigasan?
Anong mahalagang kuro, anong maganda’t hinog na bunga ng isipan ang
mahihintay na mapitas sa isang ulong hungkag sa malabis na pag-aalaala
sa sikmurang walang laman o bukas makalawa’y wala nang mailalaman?
Nariyan ang dahilan kung kaya nasabi ko sa unahang ako’y sinasama. Sa
kabilang dako’y masasabi rin namang ako’y ginagaling, sapagkat kung
dahil nga sa pakikipagpaligsahan sa malungkot na isiping likha ng mala-
eroplanong lipad ng halaga ng bigas, na hindi natin abot-abutan, ay hindi
ako makapaghandog sa inyo ng isang kasiya-siyang panayam, aniko’y
may masasangkalan na akong pagtatadtaran ng kung ano-anong dahilan,

1
Panayam na binasa ng may-akda noong 20 Hulyo 1944 sa Bulwagan ng Paaralang Nor-
mal sa Maynila, sa pamamahala ng Surian ng Wikang Pambansa.

18 Mga Lektura sa Panitikang Popular


at sa gayon, kung baga sa isang nasasakdal sa harap ng hukuman ay may
pampagaan na ng kasalanang nagawa, at baka pa sakaling mapawalang-
salang lubos. Sa ano’t ano man, naririto na rin lamang ako sa harap ng
dakilang hukumang ito ng mga pantas-wika, na, tabi sa di gayon, ay
maraming pihikan at nagkakaiba-iba ng panlasa at pangmalas, na anupa’t
ang maputi sa isa’y maitim sa iba, hanggang sa pagkakabisala’y may
naghahanap pa ng tatlong paa sa pusa, ang wika nga ng mga Kastila, o
nagpipilit na maging apat na sulok ang guhit na pabilog, yamang narito na
rin nga lamang ako sa harap ng di-mahapayang-gatang na hukumang ito ay
tutularan ko ang belyakong sumasali sa larong dupluhan sa pagsasabi ng
ganito:

Naririto na po sa mahal mong harap


ang pinakahuling kawal ng panulat;
sa ihahain ko’y walang malalasap
kundi asim lamang, anghang, pakla, alat.

Kung bakit pinili ang paksang ito

Mga kapatid sa wika: ang paksang napili ko upang siyang himaymayin sa


panayam na ito, kung baga sa ulam, ay niluto ng maraming kusinero, at mga
kusinerong batikan, palibhasa’y pawang taga-Surian ng Wikang Pambansa.
Ibig kong sabihi’y sila ang nangag-udyok sa akin upang ang paksang ito ang
sulatin ko’t basahin ngayon. At sinang-ayunan ko naman ang mungkahi,
sapagkat kung hindi ako nakalilimot ay wala pa yata hangga ngayon, sa
dinami-rami ng mga bumigkas na ng panayam sa ilalim ng pamamanihala
ng Surian ng Wikang Pambansa, na tumutukoy nang tahasan sa uri ng
panulatang Tagalog na nauukol sa panunudyo, panunuya, pagbibiro at
pagpapatawa—hindi lamang ngayong ito’y sumasailalim ng kapangyarihan
ng isang taong anang ilang “nalulugod” sa kaniya ay diktador ng wikang
pambansa, ngunit sa ganang akin na “hindi nalulugod” sa kaniya ay isang
dalubhasa, at higit sa dalubhasa ay isang pantas at higit pa sa pantas ay isang
paham sa Wikang sarili, na ang kadalubhasaan, kapantasan at kapahaman
ay parang lastikong saan mo man batakin sa panitikang Tagalog ay hindi
mo masusubukan, na dili iba’t si LOPE K. SANTOS, hindi lamang ngayon,
inuulit ko, kundi noon pa mang pinamamatnugutan ng Surian ng Wikang
Pambansa ni JAIME C. DE VEYRA, kilalang manunulat sa Kastila at masiglang
palaaral at tagapagmalasakit ng wikang Tagalog. Iyan ang pangunang sanhi

Mga Lektura sa Panitikang Popular 19


kung bakit ang paksang ito ang aking napili, sapagkat naniniwala akong ang
uring iyan sa panitikan natin ay makapagpapatingkad at ikatatampok ng
wikang sarili sa piling ng mga ibang wika sa daigdig.

May manunulat ba tayong mapanudyo’t mapagpatawa?

Ngayon ay itanong natin: Mayroon ba tayong mga manunulat na


mapanudyo? Mayroon bang mapanuya? May mapagbiro’t mapagpatawa?
Ang sagot ay tiyak na mayroon. Sapul pa kay Balagtas, kay Plaridel at
kay Rizal, ang uri ng ganiyang panitikan ay kilala na natin. Si Balagtas,
bagaman siya’y bantog sa pagkamakata ng damdamin at ng puso, tangi pa
sa pagkamakatang pilosopo ay may mangilan-ngilan ding tulang masaya
at mapagpatawa. Si Marcelo H. del Pilar ay di lamang sumulat ng mga
tulang katatawanan at palabiro o mapanukso, kundi lalo’t higit siyang
napatangi sa pagiging manunulat na mapanudyo (satira) at mapanuya
(ironya o sarkasmo). Ito’y pinatutunayan ng pantas na Alemang si Herr
Langerbruch, na nagsabing si M. H. del Pilar ay “nag-aangkin ng lakas at
malabis na katalinuhan sa panunudyo.” Ang ating dakilang bayaning si Rizal
ay hindi rin huli kay Plaridel sa pagsulat ng mga akdang puno ng matutulis
at maaanghang na pangungusap o pananalita. Ang kaniyang walang
kamatayang Noli me tangere at El filibusterismo ay puno ng mahahayap
na pasaring at parunggit sa mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan
at sa mga taong ang kaugalian at gawain ay nakapipinsala’t nakasisira sa
katutubong damdamin ng mga Filipino. Sa panunuya (ironya o sarkasmo)
at panunudyo (satira) ay isa siyang gurong katulad ni Plaridel. Hindi ko
kaliligtaan, sa dakong huli, na hindi banggitin sa panayam na ito ang ilang
mahahalaga’t kahanga-hangang akda ng dalawang bayaning ito ng ating
kalayaan, gayundin ang mga katatawanang tula ng dakilang makata ng
Panginay na si Francisco Balagtas.

Ang pamumulaklak ng uring ito ng panitikan

Ang masasabing pamumulaklak ng uring panunudyo, panunuya pagbibiro’t


pagpapatawa o masaya sa panitikang Tagalog ay namalas nang panahon
ng mga Valeriano Hernandez Peña, Patricio Mariano, Lope K. Santos,
Godofredo B. Herrera, Carlos Ronquillo, Diego Moxica at iba pa, na pinapag-
ibayo’t pinapaging hinog na bunga ng sumusunod na kapanahunan ng mga
Rosauro Almario, Julian C. Balmaseda, Iñigo Ed. Regalado, Benigno R. Ramos,

20 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Jose Corazon de Jesus, Florentino Collantes at iba pa. Sa pamamagitan
ng mga dahon ng mga pahayagan, ng mga lingguhan at buwanan, gaya ng
Muling Pagsilang, Ang Mithi, Taliba, Watawat, Pagkakaisa, Ang Bansa,
Pagkakaisa ng Bayan, Renacimiento Filipino, Bayang Pilipino, Lipang
Kalabaw, Telembang at iba pang marami, ang panulat ng mga mapagbiro’t
mapagpatawa, mapanudyo’t mapanuyang manunulat na kababanggit ko
pa lamang ay itinagis at inihasa nang buong hayap na wala man munti
man pag-aalinlangang masasabing siyang naging masarap na hain sa mga
tudling ng mga pahayagan at siyang una-unang hinahanap ng mga sabik na
mata ng mga mambabasa bago ang mga pang-araw-araw na balita o ang
mga pangulong tudling at iba pang babasahing nakalathala.

Ang tudyuhan at tuyaan, ang biruan at pagpapatawa, ay may


sadyang dulang sa bawat pahayagang pang-araw-araw o lingguhan. Kung
minsa’y nagsasa-Alipato’t Bulalakaw; kung minsan nama’y nagsasa-Bato-
bato sa Langit; kung minsan pa’y nagiging-Biro-biro Kung Sanlan, kapag
nais na gumamit ng mahahayap na mga pasaring o maaanghang na tuligsa
sa loob ng uri ng panunudyo o panunuya; at kung ibig namang magbiro,
magpatawa, manukso o magmasaya ay nagsasa-Buhay Maynila, nagsasa-
Buhay Lalawigan, nagsasa-Butlig ng Panahon. Anupa’t nang mga araw
na yaon, araw ng kasiglahan at kaningningan ng panulatang Tagalog,
araw ng pagpapalaki ng puso at pagpapataba ng diwa, ang mga kabig ng
sariling wika’y parang mga kawal ng isang hukbo na nagsisihandang lagi
sa pakikilaban at bawat isa’y umiisip ng mga bago’t bagong kaparaanan sa
ikatatanghal sa panitikan, sa ipangingibabaw sa mga kapuwa manunulat
at sa ikadadakila ng wikang sarili. Kaya’t maging sa larangan ng tulaan,
maging sa tanghalan ng tuluyan, sa pagsulat ng mga nobela o mumunting
kasaysayan at lalo’t higit sa pagsulat ng mga tudyuhan, tuligsaan, biruan
at katatawanan, ang matatandang pares nang panahong yaon ay naging
masusugid at nangag-uunahan sa pagpapalabas ng itinago at parang
mga komedyante sa moro-morong nagsisikaransa sa mga tudling ng
pahayagan, at walang bigong kilos na di may “ulos” at “taga,” may tagang
galing sa araw at galing sa lubugan at may salag na paurong-sulong. At
ang lahat nang iyan—maniwala kayo, mga bagong-sapong makabago,
gayundin kayong mga bagong hulmang materyalista—ang lahat nang
iyang pagsasakit at pagpapakasakit ay ginawa ng tinatawag ngayong
matatandang pares na gratis et amore, walang gantimpala ni “salamat,”
kundi mahanga pa’y silang mga nagpagod, nagpuyat at nagasgas ang isip

Mga Lektura sa Panitikang Popular 21


at talino, ay siyang “nagpapasalamat” sa Patnugot ng pahayagang pang-
araw-araw o lingguhang pinaglalathalaan ng kanilang mga akda. Ang lahat
noon, nang panahong yaong hindi na magbabalik, ay ginagawa’t sinisikap
ng masisiglang kampon ng panitikang Tagalog nang, ang wika nga’y por
amor al arte at wala bahagya mang pag-iimbot na “maabutan” dahil sa
kanilang sinulat.

Hindi hiram o gaya ang uring ito ng panitikan

Ang uring panunudyo, panunuya, pagbibiro’t pagpapatawa sa panitikan


ng wikang sarili ay hindi masasabing hiram o gaya sa panitikang banyaga.
Bago pa ituro sa mga paaralang itinatag dito sa Filipinas ng mga Kastila
ang kanilang Balarila o Gramatica Castellana, gayon din ang Retorika at
Poetika, ang ating mga kanuno-nunuan ay nakatatalos na, gumagamit
at nagsasalita ng mga pampatawa o pambiro’t panunudyo, gayundin ng
matutulis at maaanghang na panunudyo at panunuya. Ang mga kuwentong
naglalarawan ng buhay ni Suwan, ang mga sinasabing salita o katwirang
pagutsinanggo, ang mga katwirang kay Gusting Bibas at iba’t iba pang
naririnig noong araw sa ating matatanda, ngunit ngayo’y bihirang bihira
nang marinig, ay pawang katunayang nagpapakilala na ang panunudyo’t
panunuya, ang pagbibiro’t pagpapatawa sa ating panulatan at sa mga
umpok-umpukan o pagtitipon-tipon, ay katutubo’t likas sa mula’t mula pa
sa Katagalugan, at gayundin, marahil, sa iba’t ibang dako ng Sangkapuluang
hindi Tagalog. At lalo pang tumitibay ang hinuhang ito kung sasayurin natin
ang katotohanang ang ganyang mga kuwentong sa-Suwan at sa gutsinanggo
ay lalong natitisod sa malalayong nayon, sa mga labas ng kabayanan, sa mga
bukid, kaparangan at kabundukan, doon sa mga pook na malayo sa liwanag
ng kabihasnan at ang mga nagsisitahan, ay di man lang nakatuntong ng
paaralan, ni walang aklat na binabasa kundi ang sa kalikasan, ang lupang
inaararo, ang gubat na nilalawag, ang bundok na kinakaingin o tinatamnan
ng iba’t ibang halaman, ang malalaking punong-kahoy na sinisilungan at
ang araw, ang buwan at mga hanging kasala-salamuha’t katu-katulong sa
kanilang paggawa’t pagkita ng ikabubuhay.

Sa bibig ng mga taong yaong kung tawagin nati’y mangmang at


hangal madalas na marinig ang mga makasakit-tiyang kuwento o buhay
ni Suwan, mga kuwentong hindi sasalang pinagmana-manahan sapul sa
kanilang kanuno-nunuan at nagkasalin-saling parang mga butil na ginto

22 Mga Lektura sa Panitikang Popular


hanggang sa mga araw na ito. Itanong mo sa kanila kung saang aklat nabasa
ang gayong mga sa-Suwan at sagot-sinanggong kuwento’t salawikain, gaya
rin naman ng mga bugtong at dalit, at walang isasagot sa iyo kundi yao’y
narinig nila sa kanilang ama o sa kanilang nuno, at ang mga ito nama’y wala
ring sasabihin kundi yao’y isinaysay o narinig nila sa kani-kanila ring ama o
nunong pawang nagsiyao na.

Ang buhay at mga kuwento ni Suwan

Ang buhay ni Suwan ay laganap at siya na lamang nagiging libangan sa


mga umpok-umpukan sa lahat ng dako, at siyang pinagkakatuwaan, kapag
isinasaysay ng mga matatandain, na karaniwang mga may kagulangan na.
Gaya nito, halimbawa:

“Si Suwan umano nang bata pa ay pinagsabihan ng kaniyang ina ng


ganito: Suwan, ako’y aalis, at ang bilin ko sa iyo’y maglinis kang mabuti sa
bahay. Ayokong maratnang may sukal diyan at dumi. Ibig ko’y malinis na
malinis.

Pagkaalis ng ina ay sinimulan ni Suwan ang totohanang paglilinis.


Lahat ng makitang nakakalat sa bahay ay inihagis sa bintana, ang mga
tampipi, baul, kalan, sandok, pinggan, mangkok, tapayan, inuminan
at lahat-lahat na ng matagpuan sa bahay. Nang dumating ang ina ay
naratnang malinis na malinis ang buong kabahayan, pati na kusinaan at
batalan. Nagtaka nang gayon na lamang at buong galit na hinarap ang anak
na si Suwan:

—Bakit mo ipinanaog na lahat ang mga kasangkapan sa bahay na


nagkabasag tuloy?
—E hindi po ba ang bilin ninyo’y linisin kong mabuti ang bahay at
ayaw kayong may maratnang sukal na ano man? Kaya hayan po, wala nang
sukal at malinis na malinis.

*
* *
Minsan pa ring si Suwan ay pinagsaing. Datapwat matapos isalang
sa kalan at gatungan ay nalimutan namang lagyan ng tuntong ang palayok.
Nang malabasan ng ina ay pinagsabihan si Suwan:

Mga Lektura sa Panitikang Popular 23


—Hoy, tuntungan mo ang palayok.
—Opo—ang matuling sagot, at dagling niyapakan ang palayok, na
lumusot sa kalan at nagkadurog-durog.
Ang galit ng ina ay gayon na lamang.
—Walanghiya—ang sabi—Bakit mo niyapakan ang palayok?
Tingnan mo’t nagkadurog-durog at natapon tuloy ang bigas na niluluto?
—E hindi po ba ang utos ninyo’y tuntungan ko ang palayok? Kayo
ang may kasalanan niyan kung nagkadurug-durog man.
—Salbahe, tarantado—anang ina—ang ibig kong sabihin ng
tuntungan ay lagyan ng tuntong ang palayok; hindi tuntungan ng paa o
yapakan.

*
* *

Ngunit minsan ay naglatag ng banig ang ina ni Suwan upang


pagbilaran ng palay sa kanilang looban. Sapagkat malakas ang hangin at sa
tuwing ilalatag ang banig ay inilululon o inaangat, tinawag ng ina ni Suwan
at pinagsabihang:

—Suwan, tuntungan mo nga ang kabilang dulo ng banig na ito


upang huwag iangat ng hangin!
—Opo—ang sagot, at patakbong nagtungo sa bahay. Namangha
ang ina at inalihan na naman ng galit.
—Saan ka paparoon ay pinatutuntungan ko sa iyo itong banig?
—Sandali po lamang inang; ngayon din po’y babalik ako—at patakbo
rin nga namang bumalik taglay ang tuntong na kinuha sa kanilang bahay, at
di man pinansin ang pagmumura ng ina na ipinatong ang tuntong sa dulo
ng banig. Ngunit sa dahilang maliit at magaan ang tuntong at napakalakas
ng hangin, ang banig ay naaangat din.
—Tinamaan ka ng kulog—ang galít na galít na mura ng ina—
tinawag kita upang tuntungan mo iyang dulo ng banig at ang ginawa mo’y
kinuha ang tuntong sa bahay upang siyang idagan diyan. Talaga bang
napakatarantado ka na?
—Hindi po inang; hindi ko lamang nalilimot ang utos mong
tuntungan ko ang palayok, na ang ibig mo palang sabihin ay lagyan ko ng
tuntong at hindi yapakan. Kaya naman ngayong pinatutuntungan mo sa

24 Mga Lektura sa Panitikang Popular


akin ang banig ay tuntong muna ang kinuha ko upang siyang idagan.

Mga katawa-tawang pag-alo sa bata

Daan-daan at libo-libong may ganiyang uring katuwirang Suwan o


buhay-Suwan ang nagpapalipat-lipat sa dila ng ating bayan, at masasabing
diyan nagsimula ang katutubong pagkamapagpatawa’t mapagbiro ng ating
mga manunulat sapul pa nang panahon ng mga Huseng Sisiw at Francisco
Balagtas. Datapwat hindi lamang ito. Tayong mga Filipino’y sadyang may
katutubong hilig at talino sa mga salita’t isipang may uring panunudyo
o panunuya, pagbibiro o pagpapatawa’t panunukso. Buhat sa ating
kamusmusan, sa pakikipaglaro sa kapuwa bata o kung nakakatagpo ng
ibang batang hindi kakilala o tagaibang pook, karaniwan nang pumupulas
sa ating bibig ang mga salitang mapanukso o mapagbiro na nakatatawa
kundi man nakapagpapanting ng tainga. Halimbawa’y:

Bata . . . bata
Pantay lupa
Asawa ng Palaka

Karaniwan namang ang ganitong tukso ay sinasagot ng taga-ibang


dakong bata, paglait na humaharang sa bumiro sa kaniya at sinasabakan ng
ganitong tula rin:

Putak-putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad

Iyan at marami pang mga tuksong-bata ang mababanggit natin,


mga panunukso’t pagbibirong naglalahad ng likas na pagkamahiligin ng
Filipino sa ganitong uri ng panitikan.

Hanggang sa pagpapatulog ng sanggol ay katatawanan din ang


madalas awitin ng nagpapatulog, maging ito’y ina, yaya o alila sa bahay.
Karaniwan nang marinig natin ang ganito:

Meme, meme na, malikot na bata

Mga Lektura sa Panitikang Popular 25


Ang nanay mo’y buntis, ang tatay mo’y wala,
Kung ikaw’y matulog para kang mantika
At kung magisig ka ay para kang guya.

Kung minsan, ay ganito naman ang inaawit sa paghehele sa batang


pinatutulog:

Meme na ang batang munti,


Isisilid ka sa gusi,
at pagdaraan ng pare’y
ipapalit ng salapi.
Meme na ang batang sanggol
Isisilid ka sa bumbong
at pagdaraan ng patron
Ipapalit ng bagoong.

Panunudyo sa dalaga at binata

Datapwat hindi lamang diyan nauulat ang pagkamasaya’t mapagpatawa ng


mga Filipino. Sa alin mang pagkakataon, sa ano mang gawain o hanapbuhay,
sa kasuotan o mga “moda” sa pananamit, ang pagbibiro’t panunukso, na
ang kadalasa’y hindi na nga biro ni tukso kundi isa ang tudyo o tuya sa
pinag-uukulan, ay may mga katapat at kakapit na tulang naging palasak
na’t pangkaraniwan ngayon sa bibig ng bayan.

Upang tudyuin ang isang tinderang masungit o tuso na ayaw


magpapautang sa isang mamimili ay may ganitong tulang kinakanta pa:

Sitsiritsit, alibambang
puto-seko sa tindahan,
Kung ayaw kang magpautang
uubusin ka ng langgam.

Hagkis naman sa mga sumasama sa pamamalakaya o pangingisda


na ang hangad ay hindi lamang ang makaparti sa huli, kundi upang
magpasarap-pagkain at makapag-uwi ng isda sa kanilang bahay ay may
isang tugmang ganito ang sabi:

26 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Doon po sa aming nayon ng Balsahan,
upisyo ng tao’y sumama sa taksay,
ang dalang sandata kaserola’t pinggan,
palaot-pagilid, hustong kasangkapan.
Panudyo at biro sa mga babae noong una na mapagsunod sa bagong
moda ng damit ay may isang kantahing ang ilang tugma ay nagsasaad ng
ganito:

At lalong-lalo na tayo pong Tagalog,


palalong tutoo, sa “uso” nasunod,
sa galing-galing at tabas na bombachos
maris sa pestañas na pistong puputok.

At gayon din naman para sa kanila


babaing nasunod sa nasabing moda
Kung sila’y magtabas ng kanilang saya
palabis sa likod ay halos sangbara.

Saka tatabasin ng korteng mainam


Abot hanggang puson haba ng katawan,
manggang de perdida na sadya ng luwang
anaki’y pamaypay ng mais-inihaw.

Kung sila’y lumakad at gumiray-giray


pag-inog ng puwit anaki’y gilingan,
ang sadyang de kola’y panglinis ng daan
isip mo ay pukot ng taga-Bulakan

Datapwat ang lalong mainam na panunudyo’t pambiro ay ang
nauukol sa mga nagsisidalo sa mga pistahan o kainan, gaya ng kapistahan ng
bayan, pabinyag, kasal, parangal at iba pang may salo-salong inihahanda,
mga nagsisidalong hindi naman sadyang inaanyayahan kundi ang wika
nga’y mga kolado at nakikibuntot-buntot sa mga inaanyayahan. Ganito ang
panunudyo sa kanila:

Aba estandarte
ng kutsara’t sandok,
aba estandarte

Mga Lektura sa Panitikang Popular 27


ng pingga’t palayok,
tigilan lang ninyo
ang higop sa mangkok
alang-alang lamang
sa nilagang manok.
Alabado sea
santisimong kanin,
bendita tu eres
anong ulam natin?
—Nilaga pong manok,
piniritong sisiw,
may alak sa boteng
ating iinumin.

Hindi lamang ngayon, o sa lalong maliwanag na pagsasabi’y hindi


lamang nang matatag dito ang pamahalaang Amerikano, nang humalili,
pagkatapos, ang Malasariling Pamahalaan at ngayong matatag ang ating
Republika pinag-uusig at ipinagbabawal ang paggamit ng mga takalang
walang tatak ng Pamahalaan, kundi noon pa mang panahon ng Kastila,
at sa mga pag-uusig at pagbabawal na ginagawa noo’y may panukso ring
tulang ibinagay na ipinatutungkol sa mga nagsisigamit ng takalang walang
selyo o tatak ng pamahalaan. Ganito ang turing:

Ale, ale, dala rine
ang bigas mong kire-kire,
ang gatang mong walang silbe,
babasagin ng tininte.

Mama, mama, dala rito


ang bigas mong de-numero,
ang gatang mong walang selyo
Babasagin ng kuwadrilyero.

Sa dalaga’t binata ay may mga patungkol din naman na kundi man


taga ay walang sala namang iwa. Ito’y hagkis sa dalagang pangit at mayabang.
Gayundin naman sa mga binatang mahangin at mapagsamantala. Isa’t isa’y
biro at tukso na maaari rin namang magkauring maanghang na parunggit o
tudyo. Pakinggan natin ang ilang tugmang tungkol sa babae:

28 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang huni ng pirituwid
sa itaas ng kalumpit,
pag ang dalaga ay pangit,
baguntao’y nabubwisit.

At ang huni ng kilyawan


sa itaas ng kawayan,
pag ang dalaga’y mayabang,
baguntao’y nasusuklam.

At parang sagot naman dito ay dinggin ninyo ang dalawang tugmang


hagkis sa binata:

Nagkakatotoo ang huni ng gansa


mga baguntao’y tantong walang hiya,
uupo sa papag, sasali-salita,
hitso ng dalaga, siyang nginanganga.

Nagkakatotoo ang huni ng lawin,


ang binata’y tantong mga sinungaling,
dudukot sa bulsa’y walang dudukutin,
paglabas ng kamay ang laman ay hangin.

May mga tudyo rin namang katawa-tawa na iniuukol sa mga babaeng


hindi marunong maglinis ng katawan, na kung mamasdan mo’y malinis sa
labas, makinis ang gayak, maputing-maputi sa pulbos ang mukha at batok,
may kolorete pa’t pampapula ng labi at nguso, ngunit nangangapal sa libag
ang loob ng katawan. Ang mga tudyong itong nakapagpapasakit ng tiyan
ay nagiging isang aral, isang tapik sa balikat at paalaala sa mga ganyang uri
ng babae. Narito ang tugmang iniuukol sa kanila:

May isang babaeng


naligo sa ilog,
tatlong kaskong bato
ang dalang panghilod,
nagkabiyak-biyak,
nagkadurog-durog,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 29


hindi pa naalis
ang libag sa batok.

Saka ito pa, na patungkol naman sa babaing parang lalaki o binalaki:

May isang babaeng


umakyat sa bunga,
nalaglag ang tapis,
lumitaw ang letra,
kung dedeletrahin
se-o-ko, se-a-ka
kung poprununs’yahin
Biskotso de Kanya.

Nagpapakilalang ang sumulat o kumatha ng huling tulang ito ay


sanay na magbigay ng dalawang kahulugan sa pananagalog, isang may kato
sa katawan o may kulukoy ang ulo na pagsulat ay may “tinutukoy” o “ibig
sabihing” hindi tiyakang sinasabi at sadyang ipinauubaya sa makababasa
ang ibig na ipakahulugan. Ang ganiyang uri ng panunudyo o pagbibiro’t
pagpapatawa ay lubhang marami sa panitikang Tagalog, lalo na sa mga
manunulat ngayon.

Pampatawang kayabangan

Sa mga tulang kayabangang pampatawa, mga tulang masagwa’t hindi


mangyayari, ngunit naglalarawan ng kayamanan ng isip at di karaniwang
katalinuhan ng may-akda ay may maipagpaparangalan din tayong katulad
ng kayabangan ng mga kuwentistang Kastila, lalong-lalo na ang mga
Quevedo at ang mga maykatha ng mga kuwentong “baturro.”

Narito ang isa sa mga tulang may gayong uri:

Doon po sa aming maliit na bayan,


nagpatay ng hayop niknik ang pangalan
ang taba po nito’y aking pinalusaw,
humigit-kumulang sa pitong tapayan.

30 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang buto po nito’y aking ’pinakorte
ipinagawa kong tatlong taburete,
Ang uupo dito’y babae’t lalaki,
tinyenteng pasado’t kapitang babae.

Hindi ba nakatatawang kayabangan iyan? Alam ng lahat na ang


niknik ay isang hayop na napakaliit, gaya ng pulgas, ng hanip, tuma at iba
pa, gayon ma’y makukunan ng pitong tapayang taba at ang buto—kung
may buto nga—ay magagawang tatlong taburete. Datapwat nariyan sa
kasagwaang iyan, sa kayabangang iyan ang ipinagiging katawa-tawa at
kahala-halakhak.

Ang uring ito ng pagpapatawa sa panitikang Tagalog ay naging


palasak na rin at pinauunlad ng ating mga manunulat sapul nang mga
dalawampu o tatlumpung taon nang nakararaan o buhat nang lumaganap
ang hilig sa pagbabasa ng mga pahayagang Tagalog. Hindi lamang sa mga
patulang akda kundi sa mga tuluyan at sa pamamagitan ng mga palagiang
pitak sa mga pahayagan ay natunghayan natin ang mga kahanga-hanga’t
makasakit-tiyang akda ng gayon at ganitong manunulat, ng mga L.K. Santos,
mga Mariano, mga I.E. Regalado, mga J.C. Balmaseda, mga Ronquillo, mga
Herrera at lubha pang maraming hindi ko na magunita. Sa uring ito ng
babasahin ay mababanggit ang ilang gaya ng sumusunod:

“Dalawang abogadong walang usapin ang nagkasalubong sa tapat


ng Katedral sa loob ng Maynila. Isa’y may salamin, ang isa’y wala. Ang
una’y nagsabi, bilang pagpaparangalan ng kagalingan ng kaniyang salamin.
—Tingnan mo, tsiko, ang langgam na gumagapang doon sa
kampana, at hanggang dito’y natatanaw ko.
Pinakatingnan-tingnan ng kausap, ngunit hindi nito makita. Kaya’t
sumagot ng ganito:
—Tsiko, tinalo mo ako sa liwanag ng iyong salamin. Hindi ko nga
matanaw ang langgam na itinuturo mo sa kampana, ngunit naririnig mo ba
naman, gaya ng pagkarinig ko, ang lagapak ng mga paa ng langgam sa tanso
ng kampana?”

*
* *

Mga Lektura sa Panitikang Popular 31


Isa namang hindi mahapayang-gatang sa kayabangan ang nagsabi sa isang
kaibigang nasalubong ng ganito:

—Hoy katoto, doon sa amin ay may isang talyase na sa buong buhay


mo, marahil, ay wala ka pang nakikitang kasinlaki.
—At gaano ba kalaki?
—Ba! Hindi magkasiya sa silong ng bahay namin.
—Ganoon lang pala—pakli ng pinahahangang kausap—Sa amin ay
mayroon namang alimango na kung iluluto ay hindi magkakasiya sa iyong
talyase.

*
* *

At narito ang isa pang pampatawang kayabangan:

“Dalawang metisong kapuwa umano nakapaglibot na sa iba pang


lupain ang nagkita sa isang restoran.
—Tsiko—anang isa—Masaya sa Alemanya at maraming bagay
doong wala rito sa Filipinas. Doo’y may isang “aparato,” na kung ipasok mo
ang isang bakang buhay, paglabas ay tosino na.
—Gayon lamang pala!—sagot ng kausap—Pues, sa Awstralya ay
may isang makinang pag ipinasok mo ang isang arobang tosino, paglabas
ay isa nang bakang buhay.”
Hindi ba iyan ay pataasan ng bulabok sa kayabangan?
Sa dako ng ganyang uri ng pagpapatawa ay makasusulat tayo ng
daan-dang dahon ng isang aklat. Iyan ang uring katapat ng ating mga
sinasabing kuwentong sagutsinanggo at sa-Gusting Bibas at sa –Suwan.

Nakahahangang panunudyo

Datapwat hindi lahat ay payak na pagpapatawa o pagbibiro na lamang.


Mayroon tayong mga tunay o lantay na panudyo o panuya, na hindi tawa o
halakhak ang karaniwang ibinubunga o iniaanak, kundi pag-iisip, paghanga,
pagkamangha o pagkatanga. At ito’y sa dahilang ang mga sinasabi o iniuulat
ay may latak na nakatago, may ikinukubli sa ilalim, na kaya lamang matarok
o mapag-alaman ay pagkatapos na nilay-nilayin o isip-isiping mabuti. Kung
panunudyo, ang ayos at hawig ng mga salitang ginagamit ay may halong

32 Mga Lektura sa Panitikang Popular


anghang, pait o pakla at iniuukol sa paghagkis sa mga pagpapakalabis o
pagmamasagwa sa gawa o sa salita. Kung panunuya, bukod sa masakit
na pasaring ay nasusulat sa isang ayos na tiwali o pabaligtad sa talagang
ibig na sabihin o tukuyin at nagiging isa nang tunay na pagkutya kung ang
panunuya’y napakasakit, ibayo ang tingkad at isa nang tunay na paghamak
sa ping-uukulan.

Sa mga matatandang tula ay may mababanggit tayong isng huwaran


ng nakapagpapatigagal na panunudyo, na gaya nito:

May isang batsilyer na sakdal ng alam,


nagmula sa klase, uuwi ng bahay
sa isang bangkero siya’y nakisakay
ang talaga’t nasa’y magpapahingalay.

Pagtugpa sa bangka, binuksan ang libro


at saka tinanong ang pobreng bangkero:
magmula sa langit hanggang sa impyerno
turan mo kung ilan ang “signos” ng tao.

Sagot na bangkero’y “di ako bihasa,


ni hindi napasok ako sa eskuwela,
laman ng bangka ko ang aking ‘materia’
dulo ng tikin ko ang siya kong ‘pluma’.”

“Sinusulatan ko’y buong kailugan,


silbing “margareja” sa taong upahan
magmula sa laot sagad hanggang pampang
turan mo sa akin ang kampay ng sagwan.”

Sagot ng batsilyer: “Ikaw ay pangahas,


Sa isang gaya ko’y palalong mangusap,
Sa iuutos ko’y gawin mo nang agad,
‘hayo na’t dakpin mo ang alon sa dagat.”

Sagot ng batsilyer: “Ikaw ay pangahas


sa isang gaya ko’y palalong mangusap,
Sa iuutos ko’y gawin mo nang agad,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 33


‘hayo na’t dakpin mo ang alon sa dagat.”

Sagot ng bangkero’y “Batsilyer na bunyi


aking sasagutin iyong talumpati:
Hayo’t ang buhangi’y lubiring madali,
sa darakping alo’y siyang itatali.’”

Ang abang batsilyer di na nakakibo,


kinagat na lamang dulong hintuturo:
“Magmula na ngayo’y di ako bibiro,
Sayang ang dunong kong hindi naitago.”

Tinangka ng batsilyer na tudyuhin ang isang walang muwang na


bangkero, ngunit ang nangyari’y siyang may pinag-aralan at may malabis
na kaalaman ang natudyo; at ang nakatudyo pa naman ay isang wala. Ito’y
isang magandang aral sa lahat ng ibig magpasikat o magparangalan ng
angking karunungan, at ibig maglako ng kagalingang dapat lamang ipili ng
tumpak na pagkakataon upang upang ilabas at gamitin. Ang katulad niya’y
nag-umang ng bitag ngunit siya rin ang nahuli. Nagpain ng butas, at siya rin
ang nasilat.

Matalinong panunudyo

Sa mga pangkasalukuyang manunulat natin ay may mahahalaw din tayong


likha ng kanilang mayamang isipan na nagpapakilala ng kasanayan sa
panunudyo. Narito ang ilan:

—Mang Anong—anang isang kareristang kalabang palagi nito at


mahigpit na kapangagaw sa karera ng kabayo—Kumusta po ba ang inyong
kabayo?

Ilang sandal muna ang pinaraan at saka sinagot ang nagtanong:

—Mabuti po, Mang Tibo, at . . . kayo naman?—Sa sagot na ito’y


maliwanag na si Tibo ay ipinaris sa kabayo ni Mang Anong.

*
* *

34 Mga Lektura sa Panitikang Popular


At narito ang isa pa:

—Ibinabalita ko sa iyo, Tinong, na ang ating kapanalig na si Dr. Lucas


ay . . . namatay kahapon.
—Namatay?—ang sagot ng kausap—Marahil ay siya rin ang
gumamot sa kanyang sarili.

*
* *

Datapwat ang mainam na tudyo, na masasabing isa nang pagkutya,


ay ang sumusunod na mga talata:

“May isang mapagpatawang nang malapit nang mamatay ay


ipinatawag ang dalawang kapitbahay niyang relohero at platero. Pagdating
ng dalawa, na kapuwa kinamamasdan sa mukha ng pagkahapis, ay
pinagsabihan ng maysakit ng ganito:
—Mga mahal na kaibigan, mangyari lamang magsilagay kayo sa
magkabilang tabi ng aking hihigan: isa sa kanan at isa sa kaliwa.
Sumagot ang dalawa, na halos magkapanabay:
—Ano ang ibig ninyong sabihin sa amin? Ano ang nais ninyong
gawin namin?
Itinaas ng maysakit ang dalawang kamay, itinirik ang mga mata at
saka nagsalita:
—Salamat po sa Iyo, Diyos Ko, at itinulot Mong matularan ko, sa
mga huling sandaling ito ng aking buhay, ang anak Mong si Jesus, sapagkat
mamamatay ako ngayong katulad Niya sa gitna ng dalawang magnanakaw.”

*
* *

Sa isa sa mga bayan naman ng lalawigan ng Bulakan ay ay dalawang


taong mahigpit na magkagalit, ngunit palibhasa’y kapuwa nag-aaral at
marunong magtimpi ng nasa sa loob ay hindi nagpapamalas ang isa’t isa
ng kagalitan, nagbabatian din sila at kung magkatagpo saan mang pook ay
nag-uusap na parang walang itinatago sa loob. Isang araw ay nakatagpo

Mga Lektura sa Panitikang Popular 35


sila sa himpilan ng tren sa kanilang bayan, at ang ginawa ng isa’y lumapit sa
isa:

—Kumusta po kayo Kabisa?—anang lumapit.


—Mabuti po naman.
—Kaysama ng panahon, ano po? Ulan nang ulan at naglulusak ang
daan.
—Siyanga po, talaga pong napakasama, lalo na kung ikaw ay
nakakatisod ng mga duming gaya ngayon.
Ang bumati ay nagmalas-malas sa kaniyang paligid, ngunit walang
nakitang anumang duming sukat matisod. Kaya’t nasabi sa sariling:
—Walang salang ako ang duming sinasabi ng tinamaan ng . . . kulog
na ito . . . at unti-unting lumayo sa kausap.

Pagdadalawang kahulugan ng pangungusap

Ang lahat ng ito’y aking binanggit at inihayag sa inyo upang patunayang ang
panunudyo’t panunuya, ang pagbibiro’t pagpapatawa ay kakambal na yata
ng kaugalian at kaasalan ng mga Filipino. Ang pangyayaring ang wikang
Tagalog ay sadyang maluwag at magaang na gamitin sa pagdadalawang
kahulugan ay siyang ipinagiging wikang Tagalog ay sadyang maluwag at
magaang na gamitin sa pagdadalawang kahulugan ay siyang ipinagiging
wikang angkop na angkop sa mga panunudyo’t panunuya o pangungutya,
at lalong-lalo na sa panunukso’t pagbibiro. Hindi na kailangang
magmahaba pa ng pagsasalita, hindi na kailangang bumalangkas ng
mahabang pangungusap upang gumawa ng isang panunudyo o panunuya,
lalo’t higit ang pagbibiro’t pagpapatawa. Sukat ang isang salita, o ang
isang kataga, ay nakapanunudyo na tayo o nakapanunuya, nakapagbibiro’t
nakapagpapatawa.

Halimbawa’y ang salitang Ehem! Kung may isang magandang


dalagang dumaraan sa ating harap, pag-ehem natin ay nalalaman na niyang
siya’y ating pinupuri, kinalulugdan, napupusuan, kinatutuwaan. Ngunit
kung isa namang babaeng pangit ang pag-ukulan ng gayong pag-ehem,
ay pinakakahulugang siya’y ating pinagpalibhasa, nililibak, kinukutya,
hinahamak. Ang Ehem! dito sa huli ay nagiging isang tudyo kundi man
tuya. Katumbas na rin ng sabihin nating maganda ang isang babaeng
pangit; sabihing mabait ang isang dalahira; sabihing mahinhin ang isang

36 Mga Lektura sa Panitikang Popular


maharot; sabihing marangal ang isang masamang babae . . . .

Ang patiwali o pabaligtad na pagtuturing na iyan sa isang pinag-


uukulan ay isang mariing sampal na dapat nga namang ipagbaba ng
batulang. At sa panitikan natin, kung tawagin ang ganiyan ay “tuya” o
“panunuya.”

Ang ating Aba! at Aru!, ang Oho! at Uy! ay nagiging panudyo


rin o panuya, alinsunod sa hawig ng pagbigkas at sa uri ng taong pinag-
uukulan, gayundin sa ayos ng pangyayari o pagkakataong pinaggagamitan.
Kapag tayo’y napa-aba o napa-aru o napa-oho o napa-uy sa pagkakita sa
isang babaeng gayong napakapangit ay nagpahid ng makapal na pulbos
o naglagay ng napakapulang kolorete o malabis na pampapula sa labi at
nguso, ay maliwanag na siya’y tinutuya o kinukutya; gaya rin naman ng
kung ang mga salitang yao’y iniuukol natin sa isang lalaking kumikilos,
gumagayak, nag-aasal o nagsasalita ng alangan sa kaniyang kabuhayan, sa
kaniyang pagkatao o sa kaniyang kakayahan. Datapwat kung ang aba! aru!
oho! uy! ay binibigkas natin sa pagkakamalas sa isang bagay na maganda,
kaakit-akit, kahanga-hanga, kalugod-lugod o kagila-gilalas, ang mga salitang
yao’y nabibihisan na ng ibang gayak at hindi na nagiging panuya o panudyo,
kundi pamuri, panghanga, panlugod o panggilalas.

Mapagpatawa rin si Balagtas

Gaya ng aking nasabi na sa dakong unahan, ang dakilang makatang si


Balagtas, bagaman isang ganap na makata ng puso’t damdamin, makatang
pilosopo’t naratibo o deskriptibo ay bihasa rin namang gumawa ng mga
tulang pampatawa’t palabiro. Isa sa mga sinulat niya kundi man siya
tangi, na tulang pampatawa o masaya ay ang kaniyang “saynete” na may
isang yugto na pinamagatang “La India Elegante y el Negrito Amante.”
Hahalawin ko ang ilang tugma sa sayneteng ito upang malasahan natin
kung paano magpatawa’t magbiro si Balagtas. Sa bibig ni Uban, ay sinabi
niya ang ganito:

Puwera munti’t malaki,


babae man at lalaki,
at nang hindi makarumi
sa plasa ng komedyante.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 37


……………………………………

Dito’y walang makikita


kung hindi giri at salta,
kunday at tadyak ng paa,
pampalubid ng bituka.
+
Kay hirap nitong magkumon,
lalo’t bituka’y naghilom,
saka ako’y walang patron
na magpalagok ng rom.
…………………………………….
Bamos, bata, mag-agwanta,
alang-alang na sa pista,
K’widado aking bituka
masama ang maimpatsa.

At sa bibig naman ni Toming ay sinabi ang ganito:

Bien, bien, hustong-husto;


si Kapitang Toming ako,
ang itang chichirikuwelo
o El Amante Negrito
………………………………
Ita bagang kumakasi
Sa India Elegante,
Uban, tingnan mong mabuti
Ang dikit ng aking talye.
………………………………..
A ber kung siya’y suminta
ngayong ako’y de levita,
pagkat ang aking hitsura
Kastila’t di na Ita.

Bilang sagot ni Uban ay isinabibig naman nito ang ganitong pakli:

Palibhasa’y Itang burol,


isip ay palinsong-linsong;

38 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Bamos! Magwalis ka ngayon,
halinhan akong magkumon.
……………………………………
……………………………………

Pinasagot naman si Toming ng ganito:

Yao’y mahirap na, Uban,


di ko na matututuhan,
pagkat tatlumpu at siyam
bitones niring salawal.
……………………………………
……………………………………

Hindi ko na sisipiin pa ang ibang tulang nasasaad sa sayneteng


“La India Elegante y El Negrito Amante” upang huwag pakahaba ang
panayam na ito. Sukat ang sabihing bawat tugma, bawat taludtod ng
naturang saynete ay may katatawanang nilalaman, na nagpapakilalang
si Balagtas, kung sanay mang maglarawan ng tibok ng kaniyang puso at
pintig ng damdamin ay sanay din naman at hindi baguhan sa pagpapatawa
o pagsulat ng katatawanan.

Isang guro sa panunuya’t panunudyo: M.H. del Pilar

Si M. H. del Pilar, ang bayani nating si Plaridel, ay napatanghal, hindi lamang


sa pagsasanggalang sa mga karapatan at kalayaan ng mga Filipino laban
sa mga paniniil at pagyurak sa buhay at kabuhayan natin ng mga prayle’t
pinunong Kastila, kundi nabantog din siya sa katalinuhan sa panunudyo
at panunuya. Sa kaniyang mga sinulat nang panahong yaon ng kadiliman
ay maraming maituturo tayong, bukod sa masasabing panunukso o
pagpapatawa, ay isang tunay na hagkis na maanghang, masidhi at
masakit, na sa isang pandamdam o may bahagyang talino ay sapat na
makapagpanting ng tainga o makawala ng ulirat. Ang mga panunukso’t
pagpapatawa ni Plaridel kung may uri mang ganito, ay nakapagpapatino’t
nakapagtutuwid sa isip na pabaluktot o pahilako.

Sa karamihan ng mga sinulat ni Plaridel na pampatawa, panunukso,


na, masasabi na ring panunudyo’t panununuya ay hahalaw ako ng ilan,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 39


upang huwag kayong mainip. Simulan natin sa kaniyang Dasalan at
Toksohan.
Pagsisisi

“Panginoon kong prayle, Diyos na hindi totoo at labis ng pagkatao, gumaga at


sumalakay sa akin; pinagsisisihan kong masakit sa tanang loob ko ang dilang
pag-asa ko sa iyo, ang ikaw nga ang berdugo ko, Panginoon ko at kaaway ko na
inihihibik kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na muli-
muling mabubuyo sa iyo, at lalayuan ko na at pangingilagan ang bala nang
makababakla ng loob ko sa pag-asa sa iyo, at makalilibat ng dating sakit ng mga
bulsa ko, at magtitika naman akong maglathala ng dilang pagkakadaya ko, umaasa
akong babambuhin ka rin, alang-alang sa mahal na panteón at pangangalakal mo
ng Krus, sa pag-ulol sa akin. Siya Nawa.”

Ang Amain Namin

(Sa halip ng Ama Namin, na siyang nasasaad sa Dasalang Katoliko,


pinanganlan ni Plaridel ng “Amain Namin”, sapagkat hindi sa Diyos
patungkol kundi sa prayle.)

“Amain namin, sumasa-kombento ka, sumpain ang ngalan


mo, mailayo sa amin ang kasakiman mo, kitlin ang leeg mo dito sa
lupa para ng sa langit. Saulan mo kami ngayon ng aming kaning
iyong inaraw-araw at patawarin mo kami sa iyong pag-ungol para
ng pagtawa mo kung kami’y nakukuwaltahan; at huwag mo kaming
ipahintulot sa iyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong
dila. Amen.”

Ang Aba Ginoong Barya

(Ito’y sa halip naman ng Aba Ginoong Maria)

“Aba ginoong Barya, nakapupuno ka ng alkansiya, ang


prayle’y sumasaiyo, bukod ka niyang pinagpala’t pinahigit sa lahat,
pinagpala naman ng kaban mong mapasok. Santa Barya, ina ng
deretsos, ipanalangin mo kaming huwag anitan ngayon at kami’y
ipapatay. Siya nawa.”

40 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang mga Utos ng Prayle

Ang mga utos ng prayle ay sampu:

Ang nauna: Sambahin mo ang prayle na lalo sa lahat.


Ang ikalawa: Huwag kang magpapahamak manuba ng ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Mangilin ka sa prayle, linggo man o pista.
Ang ikaapat: Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina.
Ang ikalima: Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping pampalibing.
Ang ikaanim: Huwag kang makiapid sa kaniyang asawa.
Ang ikapito: Huwag kang makinakaw.
Ang ikawalo: Huwag mo silang pagbibintangan, kahit na masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huwag mong ipagkait ang iyong asawa.
Ang ikapulo: Huwag mong itanggi ang iyong ari.

Itong sampung utos ng prayle’y dalawa ang kinauuwian:

Ang isa: Sambahin mo ang Prayleng lalo sa lahat. Ang ikalawa: Ihayin
mo naman sa kaniya ang puri mo’t kayamanan. Siya nawa.”

Gaya ng inyong narinig, ang ayos at hawig ng mga salitang ginamit


ni M. H. del Pilar sa “Dasalan at Toksohan” ay katulad o kawangki ng
ginamit sa sadyang “Dasalan at Tanungan” ng mga Katoliko na sinulat ni P.
Astete. Datapwat iniba nga lamang ang ilang salita at inayos sa hawig na
mapanudyo o mapanukso, at sa halip na ipatungkol sa Diyos ay ipinatungkol
sa mga prayle, na sa ganang kay Plaridel at sa lahat ng Bayani’t magigiting
nating kababayan nang panahon ng Kastila ay siyang mga pangunang
kaaway ng bayan natin, siyang humahadlang at pumipigil sa kalayaan ng
Filipinas at siyang mga sumisipsip at umaagaw ng kayamanan at kabuhayan
ng sambayanang Filipino.

*
* *

May mga pilantik at parunggit si Del Pilar na ang hapdi at kirot ay


tumatagos sa kaibuturan ng kaluluwa ng pinag-uukulan. Isang panunuyang
may uri nang pagkutya, gaya ng kaniyang pabuntot sa sagot na ginawa sa
Agustinong prayleng Jose Rodriguez.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 41


Ang prayleng ito’y naglathala ng isang munting aklat na
pinamagatang “Kaiingat Kayo” patungkol sa mga katolikong Filipino, at
doon ay niligis at dinikdik na mabuti ang dakilang bayani nating si Rizal,
dahil sa pagkakalathala nito ng kaniyang Noli me tangere hanggang sa
tawaging “hangal at tampalasan sa Diyos sapagkat kung sisiyasatin umano
ang pagkagawa noon ay isip ninyo’y hindi ang kamay ng may bait na tao
kundi ang paa ng isang mangmang ang isinulat doon.”

Sa pagsagot ni Plaridel sa masakit na paratang na ito ay sinabi ang


ganito:

“Di maulatang grasya ang isinabog sa atin ng kagalang-galang na


Agustinong Fr. Jose Rodriguez sa kaniyang libritong ang pangala’y Kai-ingat
Kayo!

“Huwag ninyong sayangin, mga kapatid ko, ang mga biyayang ito,
at pakaasahang sumunod lamang kayo sa pangaral ni P. Jose Rodriguez, na
huwag bumasa ng mga librong kaniyang pinagturan, ay inyo na ang langit,
inyo na ang kaluwalhatiang walang hanggan, at walang salagoy na aakyat
kayo roon sa kataas-taasang bayan na pinamamayanan ng mga anghel.

“Sumunod kayo kay P. Jose Rodriguez, at isang huli lamang ay


maaakyat kayong may patumbi pa kung ibig.

“Bihira tayong sapitin ng gangganitong biyaya: KAYA TULARAN NA


natin yaong mag-iigat na may igat man at wala ay karit nang karit sa burak
na tinutuntungan, at pag may igat na natuklasan ay ipinagpapasalamat,
dadakmain nang malaking tuwa at ihahampas ang ulo sa hawak na pang-
igat at isisilid sa buslo na pinagtitipunan ng kaniyang mga huli.

“Sa burak na ating nilalakaran ay huwag din tayong maiinip! Nakita


na nga nating sa kakakarit ng ating mga kapuwa tagalog, ay may lumitaw
ring P. Jose Rodriguez.

“Kaya nga, Kaiingat Kayo!”

At bilang pangwakas ng kaniyang tugon sa bagkis ni P. Jose Rodriguez


kay Rizal, ay sinabi ang ganito, na kundi man taga ay iwa:

42 Mga Lektura sa Panitikang Popular


“Sa mga talatang ito’y mapagwawari natin na wala ang
“mapapanganyaya” dito’t sa isang buhay na para ni Jose Rizal kapag si P.
Jose Rodriguez ang nakapagmaestro sa Panginoong Diyos.

“Kahimanawari ay makapaghunos-dili rin ang Poong Maykapal at


huwag pahibo kay P. Jose Rodriguez.”

Nahalata ba ninyo ang tuya at tudyo ni Plaridel kay Rodriguez?


Hindi ba ninyo napunang ang prayleng ito ang sa di-tiyak na pagsasalita’y
tinawag niyang igat na nakarit ng kapuwa natin tagalog, na dili iba’t si
Rizal, sa burak na ating nilalakaran, na dili iba’t ang pakikipamuhay ng mga
Filipino noon sa mga kaaway ng bayan?

At sa dakong huling aking sinipi, gaanong pagtuya ang tinanggap


ng prayleng si Rodriguez sa panulat ni Plaridel! Magmaestro si Rodriguez
sa diyos, sa tuwiran at lantay na pangungusap ay parang sinabi ang isang
bagay na hindi mangyayari, katulad ng pagputi ng uwak o pag-itim ng tagak,
at higit pa rito, marahil o wala mang marahil.

Ang uring iyan sa panitikang Tagalog ang mahirap na gawin o


parisan. Isa lamang sanay, pambihirang katalinuhan, linang na isipan,
mulat na palaaral at bihasang mapanuri ang makasusulat ng gayong uri ng
panunudyo’t panunuya, mga manunudyo’t manunuyang tabas-Plaridel o
tabas-Rizal.

Isa pang guro sa panunudyo’t panunuya: Rizal

At ngayo’y ang pagkamapanudyo’t pagkamapanuya ni Rizal ang ilagay


natin sa tanghalan. Sa isang bukas na liham na inilathala sa La Solidaridad
noong ika-15 ng Hunyo 1889 sa Kgg. Vicente Barrantes, bilang kasagutan
sa isang lathala nitong nauukol sa Dulaang Tagalog, na lumabas sa La
Ilustracion Artistica sa Barcelona, ay hinalaw ko ang ilang bahaging puspos
ng panunudyo’t panunuya, na sa panulat lamang ng isang Rizal maaaring
mahintay. Naito:

“Sinasabing ang lalo mang matinong tao ay nakakagawa ng isang


kaululan samantalang nabubuhay; ako, kagalang-galang na ginoo, na

Mga Lektura sa Panitikang Popular 43


hindi nagpapalagay sa sariling matino ni kagalang-galang, ay minarapat
kong makagawa ng isang kaululan sa pagsulat sa inyo ng mga talatang
sumusunod . . .”

“Nabasa ko ang inyong lathala . . . at ikinalulungkot kong matalos na


kayo’y maraming nalalaman. Higit sa lahat ay ikinalulugod kong mamalas
ang mabuting pagkakilala ninyo sa inyong sarili, at ang masamang
pagkakilala sa iba, lalo na sa aming mga walang-kaya at walang muwang
na mga tagalog sapagkat ang kasiyahan sa sarili ay nagpapakilala ng
kalinisang-budhi, at ang paghamak sa iba ay nangangahulugan ng
kapangyarihan ng sariling pagkatao, mga bagay itong ikinalulugod kong
matagpuan sa inyong kahanga-hanga’t matalinong katauhan.”

*
* *

Hindi kinakailangang tumupad nang buong katapatan sa kaniyang


tungkulin ang isang gobernador sibil o puno ng pangasiwaan (Dapat
alaming si Barrantes ay naging gobernador sibil sa Filipinas); sukat ang
pamahalaan ng patiwali ng pangasiwaan nang masama ang bayan,
ngunit mabuti sa sariling kapakanan, saka maging walang galang, at iba
pa. Kayo at ako’y nagkakaisa sa palagay na walang kinalaman ang mga
pangalan sa bagay na ito (dito man lang sa Filipinas) at ang mga titulo
ay nakakawangki ng lahat ng mga pulbos na pamatay ng surot o ng mga
tonikong pampatubo ng buhok. Kung makamatay o hindi ng surot, kung
makapagpatubo o hindi ng buhok ay walang katuturan; ang nararapat
ay kumita o gumawa ng salapi. Kaya’t sakali mang hindi ninyo iniulat
ang dulaang Tagalog, kundi minura lamang ang mga Tagalog, ay walang
anumang dapat punahin . . . . “

*
* *

“Gaya ng inyong sukat asahan ay nararapat din namang


ipagsanggalang ko kayo sa ibang mga paratang sa inyo, yamang ako’y
inyong kakampi. Sinasabi nilang ang inyong kamahalan ay nagkadulas-
dulas pa sa mga unang talata sa suliraning nauukol sa kasaysayan, at
binanggit nila ang ganitong sinabi ninyo: “nang mga sandaling itatag

44 Mga Lektura sa Panitikang Popular


nina Miguel Legaspi at P. Urdaneta ang isang pananakop na pakunwari
at hindi totohanan sa mga baybayin ng Maynila.” Ipinagtataka ng mga
tunggak na Tagalog ang pangyayaring si P. Urdaneta ay napasa-Maynila,
gayong sinasabi ng Kasaysayan na siya’y ipinadala sa Mehiko panggagaling
sa Sebu, bago dumaong sa Luson si Legaspi. Sinasabi pa ng mga hayop na
Tagalog na nang unang sumama si Urdaneta sa paglalakbay ni Villalobos
ay ni hindi rin niya natanaw man lamang sa malayo ang mga baybayin
ng Luson, at noo’y hindi pa siya prayle kundi kawal lamang, na anupa’t
sa buong panahong yao’y nasa Molukas siya’t nakikipagbaka sa mga
Portuges. Ano ang masasabi ng inyong kamahalan sa mga upasalang ito
ng mga mangmang na Indiyo, na nangagpapalagay na ang Kasaysayan ay
lalong may katwiran kaysa inyong kamahalan? Kinakailangang maging
hayop na Tagalog, kamahal-mahalang ginoo, upang mag-angkin ng
gayong isipan. Sukat ang sabihin ninyo, kamahal-mahalang ginoo at taong
nabibilang sa nakatataas na lahi, upang kayo’y paniwalaan ko nang higit
sa lahat ng binabanggit sa kasayayan, maging totoo man o hindi. Sukat
na, sa ganang akin, ang sabihin ang gayon ng isang kabilang sa lahi ng
mga mala-Bathala. Ngunit pagpalagay nang sila nga ang may katwiran, ay
ano? Hindi ba ninyo maaaring sirain ang nakaraan at sa pamamagitan ng
malikmata ay paraanin sa Maynila si P. Urdaneta? Hindi ba naririnig natin
ang pagka-walang-di-kinadoroonan ni San Alfonso de Ligorio at iba pang
mga monghe at mga banal? Ang nagawa ng Diyos ay hindi ba magagawa
rin ng mala-bathalang katauhan ng inyong kamahal-mahalan sa isang
bayan ng mga taong bundok? Ba! Maraming-marami na akong natatalos
na ginawa ng inyong kamahal-mahalan, at tinitiyak kong ni ang diyos, ni
sino mang santo ay hindi makapangangahas na gumawa ng inyong mga
ginawa.”

*
* *

Ibig ko pa sanang ipagpatuloy ang pagsipi sa mahabang liham na


bukas na ito ni Rizal kay Barrantes, yamang sa bawat talata’t talataan ay
panay na panunuya’t panunudyong makapanindig-balahibo ang mababasa;
datapwat pakahahaba ang panayam na ito at nag-aalala akong kung tayo’y
gabihin dito ay baka mawalan tayo ng masakyan sa pag-uwi, lalo pa kung
abutin tayo ng blackout o pagpapadilim o ng curfew (Ipagpatawad ninyo sa
akin ang paggamit ng huling salitang Ingles na ito, sapagkat wala pa yatang

Mga Lektura sa Panitikang Popular 45


nahuhulmang katapat sa Tagalog ang mga maginoo ng Surian.)

Sa Noli me tangere’t sa El filibusterismo ay marami ring panuya o


panudyo tayong matatagpuan. Sa mga sagutan ng mga tauhan sa dalawang
kathambuhay na yaon ng dakilang Rizal ay may mga butil na ginto sa uri ng
tudyuhan at tuyaan. Gayunma’y hindi na rin ako babanggit ng marami,
sanhi sa mga katwirang nasabi ko na sa dakong unahan, maliban sa isa.
Ito’y matatagpuan sa bahaging tumutukoy sa piging na handog ni Kapitan
Tiago alang alang sa pagdating sa Maynila ni Ibarra. Nang kasalukuyang
nagkakainan ang mga panauhin, kabilang si Padre Damaso, marami ang
nagtanong kay Ibarra ng mga buhay buhay sa Espanya, mga tanong na
sinagot naman ng binata, nguni’t walang anu-ano’y sumabad si P. Damaso,
at ang wika:

—At wala ka bang nakita kundi iyan lamang? . . . Sayang ng


kayamanang ginugol mo kung ang kaunting bagay na iyan lamang ang iyong
natutuhan; sino mang bata sa paaralan ay nakaaalam niyan!”
Ang hagkis na ito ng prayle ay sinagot nang buong kahinahunan ni
Ibarra ng ganito:

—Mga ginoo, huwag kayong mamangha sa kapalagayang-loob na


ipinamamalas sa akin ng ating dating kura ganyan din ang pagpapalagay
niya sa akin noong ako’y bata pa, palibhasa’y walang ano mang dumaraan
ang mga taon sa kaniyang kagalang-galang; ngunit pinasasalamatan ko
siya, sapagkat buhay na buhay na ipinagugunita sa akin ang mga araw na
yaon nang ang kaniyang kagalang-galang ay laging dumadalaw sa aming
bahay at pinararangalan ang handa ng aking ama . . . .”

Ang bahaging ito ng Noli me tangere ni Rizal ay hindi pagbibiro ni


pagpapatawa at ni hindi rin panunudyo. Ito’y taal na panunuya (ironya) na
hindi nakakatawa kundi nakasasakit; parang duro ng matulis na karayom
na ang kirot at hapdi ay abot sa kailaliman, sa kaibuturan ng kaluluwa.
At ganiyan, maraming may ganyang uring panunuya o pantuya ang
matutulungan sa Noli at Filibusterismo.

Mga sanay at batikang mapanudyo’t mapagpatawa

At ngayo’y balingan natin ng tingin ang mga humaliling manunulat

46 Mga Lektura sa Panitikang Popular


na mapagpatawa’t mapanudyo. Matapos ang himagsikan noong 1896, ay
sumipot sa liwanag ang mga unang pahayagang tagalog na gaya ng Kapatid
ng Bayan ng nasirang Pascual H. Poblete at ang Muling Pagsilang na
pinamatnugutan ni L.K. Santos.

Si Poblete, may-ari’t patnugot ng Kapatid ng Bayan ay isa sa mga


unang napagitna sa larangan ng madlang pakikipagtagisan ng panitik, at
sa kanyang mga sinulat ay hindi kakaunting panunudyo’t pagpapatawa o
pagbibiro ang kaniyang mga nasulat. Hindi paghuhugas ng kamay kundi
atas ng pagtitipid sa panahon ay kinusa kong huwag nang bumanggit ng
mga halimbawa ng kanyang mga sinulat na pagbibiro’t pagpapatawa. At
ganito rin ang gagawin ko sa ibang natanyag na manunulat, maliban ang sa
mangisa-ngisang dahil sa kainaman ng akda ay hindi ko mapaglalabanang
hindi ipagparangalan sa pagkakataong ito. Sa mga pitak ng Muling Pagsilang
unang namukadkad ang mga naging bulaklak nang kapanahunang yaon, na
nagpasimula, kundi ako namamali nang taong 1902. Ang mga Valeriano
Hernandez Peña ang walang kamatayang maykatha ng Nena at Neneng,
sa pitak ng “Buhay Maynila” ay namayani ng gayon na lamang. Dito
nagsimula ang mga biro’t pagpapatawang ang wika nga’y lantay na ginto
at di kuwaltang atsoy lamang. Ang masasayang lathala niya, maging tukso
o tudyo ay kinahibangan ng marami at parang batubalaning humihigop sa
matang tumutunghay. Sa pitak ding yaon ay nagsimulang matanyag ang
mga Patricio Mariano at Godofredo B. Herrera, at hindi na rin napatangi
ang Patnugot noon na si L.K. Santos.

Itong Tagalog huli’y nangagpatuloy sa paglinang ng uring iyan ng


panitikang Tagalog, at sa mga tudling ng mga lingguhang mapagpatawa’t
mapagbiro, gaya ng Lipang Kalabaw at Telembang, ng Bagong Lipang
Kalabaw, gayundin sa mga lingguhang Renacimiento Filipino, at Bayang
Pilipino, ay namalas ang kani-kanilang kisig. Sina Mariano’t Herrera ay
nangapabantog sa uring mapagpatawa’t mapagbiro, na ang kadalasa’y
hindi lamang nakapagpapatawa sanhi sa mga buhay-buhay na inilalarawan
kundi sa amoy-lansa ng pagsulat kundi man sadyang malansa o malaswa.
Si Ronquillo, bagaman marunong ding magpatawa o manukso ay lalong
natanyag sa panunudyo at panunuya, gaya rin naman ng pagkakabantog
ng nasirang Rosauro Almario. Narito ang bilis ng kanilang panulat, na hindi
marunong pumurol sa mga tudyuhan at patutsadahan, sa mga batikusan
at tuyaan. Ang mga pitak ng Taliba, na pinamatnugutan ni Ronquillo

Mga Lektura sa Panitikang Popular 47


hanggang bago siya tawagin ni Bathala ay saksing maliwanag ng kanyang
katalinuhan at kasanayan sa uring iyan ng ating panulatan. Nagkaroon ng
isang panahong ang mga pitak ng Taliba at Ang Mithi ay parang naging mga
kutang pinanganlungan ng dalawang lakas na naglaban, sa pamamagitan
ng tudyuhan at tuyaang siyang mahayap na sandatang ginamit sa
pagtutuligsaan. Sa kuta ng Taliba’y heneral na naroon si Ronquillo, at
sa kuta ng Ang Mithi’y heneral na nag-uutos si L.K. Santos. Ang dalawang
lakas na ito sa tudyuhan at tuyaan ay nakapagpayanig din noon sa malapad
na larangan ng panitikan at pamamahayag, at nang magkatapos ay . . .
magtataka kayo: walang natalo, bagkus kapuwa nanalo. Hindi, nagkamali
pala ako; ang natalo’y ang maraming umaasang pagkatapos ng kanilang
mahabang tuligsaan, tudyuhan, tuyaan at pulaan ay magbababag na sila
nang totohanan.

Sina I.E. Regalado, Balmaseda, De Jesus, Benigno R. Ramos, Collantes


at iba pang kapanahon nila ay nangagsisikat sa pagbibiro’t pagpapatawa sa
mga pahayagang Ang Mithi at Taliba muna, bago pagkatapos ay sa Ang
Watawat at Pagkakaisa, sa pamamagitan ng mga Buhay Lansangan,
Buhay Lalawigan, Buhay Maynila, Butlig ng Panahon at kung ano-ano
pang palagiang pitak sa araw-araw. Datapwat ang lalong ikinababantog
nila, lalong-lalo na nina Regalado at Balmaseda, ay sa mga lingguhang
manunukso’t mapagpatawa, gaya ng Lipang Kalabaw, Telembang, Bagong
Lipang Kalabaw at iba pa. Gayunman, sina Regalado at Balmaseda ay
nangapatangi rin sa pagsulat ng mga tula at tuluyang panudyo at panuya,
lalo pa kung panahong nag-iinapoy ang labanan sa halalan o kung may mga
suliraning politikong pinagbabalitaktakan sa mga pahayagan, kaya’t sila ang
mga kaura-urali ng “matatandang pares” na sina L.K. Santos at Ronquillo sa
ganiyang mga paligsahan sa pahayagan.

Si L. K. Santos, sa pagbibiro’t panunudyo

Kung isa-isang sisipiin natin ang mga tulang panudyo’t panuya o


pampatawa’t panukso ni L. K. Santos ay mangangailangan tayo ng
maraming araw bago maisulat, at maghapon mang basahin ko sa inyo’y
hindi matatapos. Isipin na lamang ninyo na bawat bilang ng kanyang
pinamatnugutang Lipang Kalabaw, Telembang, Bagong Lipang Kalabaw,
Renacimiento Filipino, Bayang Pilipino, Ang Kaliwanagan, at iba pa ay may
isa siyang akda kung hindi man dalawa o tatlo, na kundi tula ay tuluyan,

48 Mga Lektura sa Panitikang Popular


mga akdang pawang nauukol sa katatawanan o panunukso, panunudyo’t
panunuya, at makukuro na ninyo kung gaano karami ang nasulat ng ngayo’y
Patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa na may gayong uri. Kaya’t bilang
muestra o huwaran ay babanggit na lamang ako ng ilang tugma ng kanyang
tulang Matandang Dalaga, na gayong hindi tinangka, marahil, ng may-
akda na maging panudyo’t panukso, sapagkat isinama sa aklat ng kaniyang
mga tulang “seryo” o “pormal,” ay itinuturing kong isa na sa mainam na
panunudyo at panunukso sa kaniyang mga ginawang may ganitong uri:

Ganito ang simula:

Ibig kong maawang ibig kong magalit


sa dalagang yaong masayang masungit,
ibig kong sisihi’t hilatang masakit;
dapwat sa tuwi nang aking masisilip
ang kanyang anyuin na kahapis-hapis,
anaki ba’y hibang at sira ang isip.
Kung nananalamin at kung nagbibihis,
Sa puso ko’y habag ang gumigiyagis;
dangan sa lalaki lumuha’y di kapit,
marahil biro man ako’y nakitangis.
.....................................

Kapag ganito na ang kanyang katwiran,


ang panunukso ko ay tinitigilan;
ako’y natatanga sa matang mapungay;
ang lundo ng pisngi at haba ng kilay,
ang gaspang ng balat at pusyaw ng kulay,
ang kubot ng noo’t buhok na madalang
ay nakaaawang nakahihinayang,
At sa sarili ko’y ikinawiwikang:
“Ang Dalagang ito’y isang Kayamanang
Kakanin ng lupa nang pagayon lamang.”

Ang hula kong ito ang siyang natupad,


Nang may tatlumpu na’t limang taong singkad
sa pagsasarili at pagmamatigas,
saka ang Dalaga’y nabuyong lumiyag,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 49


sa isang Binatang halos di pa anak:
isang hampas-lupang nangyari sa kiyas
ang kinabulugan ng gandang palipas;
nang siya’y ina na, saka naglagalag,
dinala ang kanyang puri, yaman, lahat
at saka ang sanggol. . . patay nang ilabas!
.....................................

Talagang totoong habang tumatanda


ang isang dalaga’y nagiging pindangga,
at kung mamatay na’y lalong lumalala
ang mga kulubot at gaspang ng mukha.
.....................................

Matandang dalaga’y isang balasubas,


may utang sa ina ay ayaw magbayad;
inianak siya at ipinaghirap,
ayaw mahirapan namang magkaanak.
.....................................

Anhin ko ang manggang sagana sa lago


kung di mapitasan ng kahima’t paho?
at anhin ang bunga, hinog man sa puno,
kung ang lama’t buto’y may bunot na tubo?
.....................................

Ang babai’y hindi pagkaing lutuin,


mahanga’y lutuan ng mga pagkain;
ngunit ang palayok, pag luma’t mauling,
madalas humilaw’t sumunog sa kanin.

Hindi rin tahure, ni dalok, ni alak


na kapag naluma’y lalong sumasarap,
iba sa kalakal na inaiimbak
upang ang halaga’y iantay ng taas.

Kung bagama’y tulad sa isdang sariwa


na pag tinanghali ay nabibilasa;

50 Mga Lektura sa Panitikang Popular


gaya rin ng bahay, bato man o dampa,
habang walang tao’y lalong nasisira.
.....................................

Sayang nga at ako’y hindi naging Diyos


nang kahi’t man lamang sa lupang tagalog!
ang mga dalagang matanda at baog,
disi’y sinumpa ko nang katakot-takot.
.....................................

Sa dal’wampu’t limang taon ng dalaga


at mamatay pa rin nang walang asawa,
sa kabilang buhay ang aking parusa
ay limampung taong magbayo ng ipa;

Kapag tumatlumpu ay sandaan namang


papagbabagkatin ng nilagang bakal;
kung umapat na pu’y gagawin kong yayay
sa limbo ng mga batang walang-malay.

Bagaman pahalaw ay tila humaba rin ang aking sining sa “Matandang


Dalaga” ni L.K. Santos. Datapwat wala akong magagawa! Napakagaganda
ng kaniyang mga biro at tudyo na kung paano ang kaniyang panghihinayang
sa kaniyang “Matandang Dalaga” ay gayon din naman ang panghihinayang
ko kung hindi masipi’t masama sa panayam kong ito!

Nitong mga huling araw na si L.K. Santos, na galit na galit sa


“Matandang dalaga,” ay wala nang makalantareng ibang uri ng dalaga, ang
hinarap naman ay ang “Kung Paano ang Pagtawa ng mga Makata,” sapagkat
siya rin ang nakatuklas na ang mga makata natin, karamihan sa kanila kundi
man ang lahat ay walang kinahihiligan kundi ang manambitan, lumungoy,
humibik, tumatangis, sa pamamagitan ng mga tulang malulungkot at
madalamhati, pawang pagdaramdam at paghihinanakit, na para bagang
wala nang kinakain sa araw araw kundi ang dusa’t hinagpis, pagkaruhagi’t
pagkaaba ng kanilang puso’t kaluluwa. At sapagkat si Lope’y isang taong
ayaw na ayaw ng malulungkutin at ang ibig niya, kung maaari’y tumawa
o kundi man tumawa’y ngumiti man lamang hanggang sa labi ng hukay
na paglilibingan, kung kaya pinatatawa ang mga makatang katulad niya,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 51


sakaling makatatawa, lalo na sa mga araw na ito ng panghahapdi ng ating
tiyan at paglulubid ng ating bituka. Hinalaw ko rin ang ilang tugma lamang
ng kaniyang panuksong tulang “Kung Paano ang Pagtawa ng mga Makata,”
sapagkat ang wika nga ng mga Kastilaloy ay “para muestra bastun boton.”
Pakinggan ninyo:


Panong si Kulyantes, na hari-harian
sapul nang malibing ang kanyang kalaban,
ay makangingiti sa pagtutulaan,
Sa mahahalata ang matang may . . . pilay?
.....................................

Panong ang prinsipe Remundo di-Borbon


at makatatawa habang nagpuputong,
baka mahingahan ang lahat ng parol,
ang Rena’t tribuna ay magkulay-karbon?
.....................................

Ni si Gatmaitang autor ng lambing,


panganay sa landing bigkas-bulakanin,
hindi po tatawa, kahi’t na piliti’t
ginu-guniguni ang loob ng karsel.
.....................................

Si Ilyo Sarmento ay nagpupumilit
mag-ubos ng kaya sa tulang deskriptib,
kung kaya lagi na sa pamimilipit,
bakit ay parating wala ni sambeles.
.....................................

Si P. Bilyanweba’y paris din ni Tinong,


pagtawa’y lilitaw ang matang may-kanlong;
at si Bensuseso, kaya sinisipo’y
sa bigkas ng tula na paugoy-ugoy.
.....................................

Ang mga makatang yaang dyeneresyon


na may kahambugang sintaas ng Mayon,

52 Mga Lektura sa Panitikang Popular


sa mga “story” sila nauulol,
at para nang ito’y buong Literetyur.

Ang lalong “may-kato” sa katawan: si Balmaseda

Yamang naipagparangalan ko na rin lamang ang mga “pamukha” ng


pagkamanunukso’t mapanudyo ni L.K. Santos ay ipupuspos ko na ang
pagbatak hanggang sa ilang sa palagay ko’y karapat-dapat mabilang
sa pangunahing hanay ng mga may-kato ang katawan sa uring ito ng
panitikang tagalog. Si Balmaseda ay isa sa mga masasabihan na rin ng
“tuson” sa pagkamanunudyo’t mapagpatawa o mapanukso. Lubhang
marami rin siyang kabantugan sa pagkamakatang liriko, epiko at pilosopo
ay maaagapayan, kundi man mapaibabawan ng pagkasatiriko-humoristiko-
hokoso. Siya ang tunay na buto’t lamang nagkakanlong sa pamagat na
Martin Martinez Martires, na sumulat ng mahabang kuwintas ng “Hu is Hu
ni Alpahol sa lingguhang Alitaptap, na sa patulang paghahanay ay ibinilad
sa mata ng bayan ang mga milagro at misteryo ng mga makatang Tagalog.
Narito ang isang butones na muestra sa kaniyang Hu is Hu na naglalarawan
kay L.K. Santos. Ilang tugma lamang ang aking pinili:

“Tawag ng tungkuling si Lope’y nataboy sa malayong hangin sa Ka-biskayahan, si


Lope’y malaong doon nagtumigil . . .
Tandang-tanda ko pang nang siya’y paalis may ginawang piging
at ako ang siyang sa kanya’y makatang tumula pa mandin . . .
Noo’y nasabi kong yaong Lopeng yaon saan man dumating
ay Lope at Lopeng sa Wikang Tagalog, doon malilibing . .
Saan man matungo, ang binhing Tagalog, kanyang itatanim
at nang kung mamunga’y mga bagong Lope naman ang susupling

“Ako, palibhasa, hindi man “propeta” ay makata naman


kaya ko nagawang hulaan si Lope, kahi’t kaululan . . .
Mula sa Biskaya, nagbalik si Lopeng tila nagtagumpay
at ang unang sabi: “Ang Wikang Tagalog kailan ma’y buhay . . .
—Bakit?—ang tanong ko.—Pagka’t sa lahat kong lupang natuntungan
ang Wikang Tagalog ay naihasik ko, nagbunga’t naglaman . . .
Ang kanyang sinabi, nang aking maisip, ay may kahulugang
Ang “Wika” kay Lope’y isang “simbolismo” na may katuturan.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 53


.....................................

“Siya’y may “librito”, isang munting aklat ng “pinigang dagta”


na aywan” kung saang “museo” iiwan kung siya’y mawala. . .
ang aklat na ito’y isang katipunan ng kanyang “ginawa”
ng “ginagawa” na at ng “gagawin” pa sa kanyang pagtanda. . .
sa aklat na ito’y dito natitipon ang ahat ng tala
ng lahat ng kanyang mga kaisipan at “dagtang piniga”. .
Oh, ito’y talaan ng lahat ng arte at yaman ng “tula”
at sa tulang laman . . . talagang patay ka pag di ka namutla!

“Isang experiencia ang nagsasalita sa aklat na munti


na bihirang isip ang makahahabi’t makapagtatagpi . . .
isang Lope lamang ang siyang may kaya na magtagni-tagni
sa paglalarawan ng arte ng “lalong dakilang sandal” . . .
Talaga nga namang “puso” ng babae’y may lihim na ngiti,
“titig” ng lalaking tumama sa “puso’y may ngiti ring sukli. . .
isang pilosop’ya ng “titig” at “puso” ng nalikhang sawi
at sa kabuhayan ng tao ay parang bukid na may binhi
.....................................

“Ang “misay” ni Lope’y katulad ng kanyang sariling pagtula,


may “tigas” na sadyang kanyang-kanya lamang, sa dulo at mula. .
kung minsa’y panduro sa mukhang pangahas ng maraming “wala,”
kung minsa’y panghalik sa labi ng kanyang paralumang tuwa . . .
Ang “balbas” ni Lope’y isang monumentong di na mawawala,
isang alaala, samantalang tayo’y nagtutula-tula
pinag-aralan kong gayahin si Lope sa lahat ng gawa
ngunit ang “bigote”, nang aking partisan, ako’y napahiya!

Dahil sa isang kuwento ng yumaong mapagpatawa rin at


manunuksong si Mariano, na pinamagatang “ang Simoy ng Hingin,” si
Balmaseda ay sumulat ng isang tulang pampatawa na nag-uulat ng kung
ano ang “Simoy ng Hangin” ni Tisyo, at kung bakit ang simoy na itong
nang una’y buong lugod na nilalanghap ng lahat ng tao, sapagkat simoy
na nakapagbibigay-buhay, ay pinandirihan na’t nilayuan, at pag dumaraan
ay ipinagtatakip ng ilong huwag lamang maamoy. Ulinigin ninyo ang ilang
halaw na puta-putaking sinipi ko dahil sa kahabaan. (Huwag ninyong

54 Mga Lektura sa Panitikang Popular


lilimuting ang tula’y sa bibig ni Pat Mariano inilagay, pagkat ito ang siyang
may kuwento.)

. . . Nang unang panahong ako ay bata pa’y


may simoy ng hanging sa himpapawirin lamang nakilala
.....................................

At matapos na iulat na naglaban-laban ang apat na uri ng mga


hangin, ang Habagat, Sabalas, Timog at Amihan, ay sinabing ang “simoy
ng hangin’” sapagkat isang maliit na pag naglalaban ang malalaki ay siyang
natitiris, ay napalayas siya sa himpapawid na kinatitirhan at nataboy dito sa
lupa. Kaya’t ang patuloy ng tula:

Ating ipatuloy: Siya’y narito na’t sa mga lansangan


ay lumaboy-laboy, parang hampas lupang walang matuluyan .
Sa nilibot-libot nang may ilang araw’y
Napadako siya sa isang simbahan.
.....................................

Siya’y napatigil. Kanyang pinagmasdan. Talagang makisig


ang dalagang yaong sa kanyang isipa’y nagpaulik-ulik,
Sa tabi ng mukha’y marahang lumapit
At ibig pa waring sa pisngi’y kumapit.
.....................................

Ngunit di nangyari. Siya’y napatapat sa palahingahan


ng dalagang yaong minimithi niyang mahagkan man lamang
at siya’y nadala . . . nasok lang tuluyan
at ni ang dalaga’y di man nakamalay.

Ano pang gagawin? Ibig mang lumabas ay di matutuhan


at siya’y napiit na parang salaring napabilangguan.
Kampana’y tumugtog. Pari’y nagbendisyon. Natapos ang misa
Katawa’y masamang, umuwi sa bahay ang ating dalaga;
Kaya nga’t pagdating, nahiga pagdaka
Ina ang tumanong: —Napa’no ka, iha?
—Ako po’y may sakit . . . At gaya ng ating dapat na mataya
sa ganitong sakit ay mediko lamang ang makababawa.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 55


Mediko’y dumating. Ang ating dalaga’y agad linapitan.
Pulso’y hinawakan. Tiningnan ang dila. Mabuti na lamang
at sa isang purga’y agad natamaan,
ang “simoy ng hanging” nasa bilanggua’y
Lumabas nang walang matutuhang gawi’t malamang tunguhan.
datapwa’y iba na sa dati ang kanyang uri, amoy, ngalan.
At sinumang taong kanyang malapita’y agad nagagalit,
dalagang mahinhi’t kausapin niya’y nagmamakasungit,
magpakaganda ma’y nagmumukhang pangit.
At kanyang kinuro sa sariling isip
na siya, marahil, ay nagpakalampas sa tadhanang guhit
na dapat asalin ng kahima’t sino sa silong ng langit.

Lubhang marami pang mababanggit ako sa mga kata-tawanan,


panunudyo’t panunuksong utang sa panulat ni Balmaseda, ngunit hahaba
pa ito sa kiryeleson kung aking gagawin.

Matulis na panulat sa panunudyo: Regalado

Si I.E. Regalado’y hindi na kailangang ikuha pa ng butones na magagawang


muestra ng kaniyang mga katatawanang sinulat, gayon din ng mga
panunudyo’t panunuyang naging parang panyong sutlang nalalamukos
ng kaniyang talino, kailan ma’t ibig na hagkisin o kilitiin ang sinuman.
Sukat ang basahin na lamang ninyo ang buong koleksiyon ng Telembang,
ng Lipang Kalabaw, ng Ngiyaw, gayon din ng mga pang-araw-araw na ang
Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ang Taliba, at sa mga pitak ng mga yao’y
mababakas ninyo ang bakas ni Itoy, sa iba’t ibang anyo at asta, kilos at kiyas,
na sariling kaniya lamang ang tatak at di maipagkakamali sa iba. Datapwat
may dalawang talatang sinulat siya sa Pangulong Tudling ng Ang Mithi, na
ttoong napabantog, at dahil sa kabantugang iyan ay di mangyayaring di ko
sipiin o ulitin dito.

Kasalukuyan noong ipinahuhuli’t ipinalilipol ng Kawanihan


ng Sanidad ang mga asong ulol na naglisaw sa Maynila. Kasalukuyan
din namang nagkakabalitaktakan ang dalawang pahayagang kapuwa
tagapamansag ng dalawang lapiang pulitikong nasyonalista’t demokrata o
terserista. At si Itoy ay nakaisip noon ng isang mahayap, maanghang at
makirot na panudyo sa patnugot ng pahayagang kalaban ng Ang Mithi, sa

56 Mga Lektura sa Panitikang Popular


pamamagitan ng dalawang salita lamang na ginamit. Narito:

“Ibinabalitang pangatawanan ang utos ng Kawanihan ng Sanidad


na hulihin at lipulin ang mga asong ulol na naglipana sa mga lansangan ng
Maynila.”

Saka idinugtong:

“Ligpit, Tiago.” (Ito ang pangalan ng Patnugot ng pahayagang


demokrata-terserista.)

Hindi ba sa huling dalawang salitang iyang tila “walang sinasabi”


ay nasabi ni Regalado ang ibig sabihin? Iya’y hindi na panunudyo, hindi
pangkutya (sarkastiko). Iyan si Regalado, ang taong pormal na pormal kung
iyong mamasdan, parang hindi mabibiro, ngunit puno ng kato ang katawan
at isang pintungan ng mga katatawanan at kasaragatihang kung minsa’y
malansa, malansang-malansa.

Ang may “bodega” ng katatawanan: Godofredo B. Herrera

May isa pa ring “bodega” ng katatawanan at panunukso na bagaman liblib


sa madla ang kanyang pangalan, lalo na sa mga makabagong manunulat, ay
kilalang-kilala noong kaniyang kapanahunan at ng kanyang mga kapanahon.
Ito’y si Herrera, ama ng kilala ring manunulat sa Tagalog, gayon din sa Ingles
at Kastila, na si Carmen Herrera-Acosta, na ngayo’y isa sa mga sangkap ng
kabalangkasan ng Surian ng Wikang Pambansa. Si Edong, gaya ng tawag sa
kaniya ng mga kasama’t kaibigan ay may mga kuwentong katatawanan na
makapangasim-sikmura, na nangalathala sa Telembang, Lipang Kalabaw at
Bagong Lipang Kalabaw. Paiikliin ko ang dalawang natatandaan ko upang
huwag pakahaba:

“May dalawang mag-asawang kakakasal lamang nang gabing yaon.


Ika-12 nang sila’y magpahinga; ngunit ika-2 pa lamang ng madaling araw
ay dinarakip na ng mga sekreta ang lalaki sa kasalanang pagnanakaw. Ang
lalaki’y nabilibid ng tatlong taon at nang lumabas ay naratnan ang asawa
na may dalawang anak. Namangha siya nang gayon na lamang; at nang
itanong sa asawa ay sinagot na ang dalawang yao’y kanilang anak.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 57


—Hindi maaari. Kasinungalingan iyan. Dadalawang oras pa tayong
nagsasama ay dalawa na rin ang aking magiging anak? Hindi? Ako’y
pinagtaksilan mo. Walanghiya ka. Papatayin kita.

—Maghunusdili ka, asawa ko. Nakalilimot ka lamang. Alalahanin


mong mabuti at mapagkikilala mong talagang dalawa ang dapat na maging
anak mo.

—Ano ang aalalahanin ko? Alin ang aking nalilimot? Tatalimuwangin


mo pa ako, ha? . . . Sabihin mo kung ano yaon?

Pakinggan mo: Hindi ba makalawa kang magpaalam sa akin?


Alalahanin mo sana. Hindi ba’t namamahinga na tayo nang dumating
ang mga sekretang humuli sa iyo? Isa iyan. At noong manaog ka nang
dalawang mga sekreta, hindi ba’t pumanhik ka uli at nagdahilan kang may
nakalimutan lamang sa bahay?”

At narito ang isa pang hinango ko sa “bodega” ng mga tukso’t


katatawanan ni Edong Herrera.

“May isang Intsik na nag-asawa kay Maria. Pagkaraan ng ilang


buwang pagsasama ay nagpaalam ang insik na uuwi muna sa Sunsong,
gaya ng pinagkaugalian na ng mga anak na ito ni Kompusyo. At sapagkat
panibughuin si Siyonga—tawagin na nating ganito—ay nilagyan niya ng
tanda ang asawa. Ginuhitan ng tintang Intsik ng isang larawan ng baka; at
sinabing pag nakatkat yaon ay tandang nagtaksil siya kay Siyonga.

“Sapagkat narito pa man pala si Siyonga ay sadyang may kalaruan


nang ibang lalaki ang babae, kaya nang makaalis ang insik ay lalo silang
napanatag at sa bahay na ni Siyonga nagtutumira ang kanyang kasosyo.
Makaanim na buwan ay nabalitaan nilang darating na ang bapor na
kinasasakyan ng insik. Dalidaling tiningnan ng babae ang bakang iginuhit ni
Siyonga at nakitang halos katkat na. Isinangguni sa kanyang kalaruan at ang
ginawa nito’y kumuha ng tintang insik at iginuhit din ang larawan ng baka
sa dating pinagguhitan. Buhay na buhay nga naman!

“Dumating si Siyonga at ang unang itinanong ay kung siya’y hindi


pinagtataksilan. Buong katiningang loob na nanindigan si Maria at dali-

58 Mga Lektura sa Panitikang Popular


daling tinawag ang asawa at ipinakita ang baka. Pinagmasdang mabuti ng
insik, na minsang mapatango at minsang mapailing, at saka nagwika:

—Balia, baki iyan baka may sungay? Akin baka gawa wala sungay.
Baki ganiyan?

—Aba si Siyonga naman pala—sagot ng babae—wala ngang


sungay ang ginawa mo, pero tumubo ang sungay sa loob ng panahong
ipinagbakasyon mo sa Sunsong. Hindi ba talagang tinutubuan ng sungay
ang baka?

Sina De Jesus at Collantes

Sina De Jesus at Collantes, bukod sa kanilang mga panunukso’t katatawanang


sinulat sa mga pahayagang pang-araw-araw at sa mga lingguhang
mapagpatawa’t mapanukso, ay may mga mumunting aklat pang sinulat na
pawang panunukso rin at panunudyo. Mababanggit dito ang “Balugbugan”
ni Collantes, na isang pagpapalimbag lamang sa ayos aklat ng “Buhay
Lansangang” inilathalang sunod-sunod sa araw-araw sa pahayagang Ang
Watawat, sa ilalim ng pamagat na Kuntil Butil. Si De Jesus, na sa daigdig
ng pagpapatawa sa mga “Buhay Maynila” ay nagkakanlong sa pamagat
na Anastacio Salagubang, kung minsan, Huseng Batute, ang kadalasan,
ay siyang karapat-dapat na tagapagmana ng korona sa pagpapatawa at
panunukso nina Kintin Kulirat at Si Salamin sa “Buhay Maynila” sa Muling
Pagsilang; si Kintin Kulirat, gaya ng talos na ng madla ay siyang sagisag
ng dakilang nobelistang si Peña, at si Salamin ay siya namang sagisag ng
kilalang makata, nobelista at mandudulang si Mariano. Ang dalawang
huling ito ay kapuwa patay na. Masasabing pagkatapos na makapamayani
sa mga pitak ng katatawanan at panunudyo ang mga Regalado’t Balmaseda,
sina Batute at Kuntil Butil o sina De Jesus at Collantes ay siyang nagsihalili
sa kanila sa larangang ito, at sila’y naging karapat-dapat naman sa kanilang
mga sinundan. Datapwa’t kung sina Collantes man at Corazon de Jesus ay
kapuwa naging batikan sa panunukso’t pagpapatawa, ay totoo rin naman na
sila’y hindi gaanong natanyag sa panunudyo (satira) o sa panunuya (ironya).
Kung bagaman, sila’y maibibilang natin sa hanay ng mga manunulat na
masaya’t mapagpatawa (humoristiko) na ang mga biro’t tuksong sinusulat
ay may layuning maitwid ang mali at maitumpak ang lihis, sa pamamagitan
ng masayang panunula na nakaaaliw at nakapagpapatawa.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 59


Wala na ni bakas

Mga kapatid sa wika’t panunulat: Dumarating na tayo sa wakas nitong


aking munting panayam. Pagkatapos kong ihain sa harap ninyo ang sari-
saring luto ng ating mga lalong tanyag at lalong bantog na manunulat
na luminang ng uring masaya, pagpapatawa, pagbibiro, panunudyo’t
panunuya sa panitikang tagalog, ay ibaling natin ang ating mga mata sa
kasalukuyang kinatatayuan ngayon at itanong, pagkatapos, kung ang bakas
ng ating mga sinundan noon man lamang mga huling taon, ay namamalas
sa kasalukuyang ito. Tutupin natin ang ating puso’t sa kanyang tibok ay
matatalos natin ang sagot na hindi! Ni bakas ng mga araw na yaon ay wala!

Sa mga manunulat ngayon ay bihira, bihirang-bihira tayong


makatitisod ng sadyang humaharap sa uring ito ng panulatan sa tagalog.
Wala kang makikitang sinusulat, maging sa tula’t maging sa tuluyan, kundi
pawang mga makasaysayan, munting kasaysayan o kathambuhay na
seryo, mabigat na tunawin sa isip at humihingi ng mahabang pag-iisip at
pagmumunimuni, mga babasahing kung tinutunghayan mo’y napapakunot
ang iyong noo, kung di man inaabot ka ng antok. Walang pinag-iwan sa
kumain ng mabigat sa tiyan, na dahil sa kahirapang tunawin ay inaabot ka
tuloy ng katamaran, ibig mo’y laging nakahilig sa silyon kundi man nakahiga
sa katre o sa sahig.

Aywan kung bakit nagkakaganyan ang ating mga manunulat ngayon,


ngayon pa naman, na, ang wika nga ng maginoong Patnugot ng Surian ng
Wikang Pambansa, “mga kuha at hawa ang dunong nila sa diwang amerikano
at sa wikang Ingles; datapwa’y nakapagtataka nga kung bakit ang diwa ng
katatawanan at ang sining ng masayang pananagalog ay bihirang-bihirang
mabakas sa kanilang mga sinulat, maging sa mga sanaysay at katha, maging
sa mga paglalathala at pananalumpati, sa tuluyan man o sa tula.” At sa di
pangyayaring matiyak ni L.K.Santos ang puno’t ugat ng ganyang katiwalian
ay nasabi tuloy niya: “Aywan kung may kinalaman sa ganyang mahiwagang
pangyayari ang diwa ng pagkamakasarili (individualism at egoism) at ang
hilig sa mga kayamanang nadadama (materialism), na labis ng sagwang
natutuhan sa mga paaralan at sa mga halimbawang buhay, na sa mga diwa
nila’t damdami’y siya noong humuhubog at umaakay.”

60 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Hindi nakatatawa, kundi nakagagalit

Dili ang hindi sa maminsan-minsan, saklaw na rito ang mga huling taon bago
tayo dalawin ng digmaang ito, ay mga sumusulat, sa tuluyan man o sa tula,
ng mga umano’y katatawanan o panunukso, nguni’t ang nangyayari’y sa
halip na makatawa o makasaya’t makaaliw ay di’t nakagagalit, nakayayamot
o nakaiinis at pagkakabisala pa’y nakasusulusasok at nakasusuklam sa
kalooban ng isang bumabasa. Bakit? Sapagkat sa pagpipilit na makagawa
ng isang katatawanan, at dahil sa kakapusan ng pisi ng katalinuhan ay
nakakagamit ng mga salita o nakababalangkas ng mga isipang malalaswa’t
malalansa, kaya’t ang nagyayari’y hindi nagiging humoristiko o masayang
nakatatawa ang naisusulat kundi ang tinatawag ng mga kastilang berde o
malansa, kundi man obscene o mahalay.

Sa aking ginawang munting pananaliksik sa mga aklat, mga


pahayagan at mga lingguhang pampatawa’t mapanukso ay marami akong
nakitang mga akda, sa tula man o sa tuluyang may ganyang tabas: Hindi
nakakatawa kundi nakagagalit; hindi nakapagpapasaya kundi nakayayamot,
hindi nakaaaliw kundi nakapaghihinawa. Mangyari’y hindi nga mga akdang
katatawanan kundi kalaswaan o kahalayan. Ibig ko sanang sumipi ng ilan sa
mga akdang nabanggit upang ipanamnam sa inyo at nang kayo nang iyan
ang humatol kung maaari nga nating tanggapin ang gayong uri ng mga akda
sa loob ng malinis na uri ng panunudyo, panunuya, pagbibiro’t pagpapatawa
sa ating panitikan; datapwa’t ako nang ito’y nahahalayang isama ko sa
panayam na ito ang gayong nakahihiyang hugis ng pagpapatawa.

Lalong katalinuhan ang kailangan

Dapat nating malamang ang masayang akda (humoristiko) ay


nangangahulugan ng pag-aangkin ng lalong katalinuhan sa pagpapatawa,
masagwa kung masagwa, nguni’t malinis at di mahalay o malansa
sa pananalita’t sa isipang nilalaman. Iba sa panunudyo (satira) na
nangangahulugan naman ng maanghang, matulis at masakit na pagtuligsa
sa isang tao o kapisanan o sa gawain ng isang tao o kapisanan. Ang dalawang
uring iyan ay iba pa rin sa panunuya (ironya), sapagkat ito’y nag-aangkin ng
katuturang iba ang sinasabi sa dinaramdam, iba ang ibig sabihin sa talagang
sinasabi, kaya nga naman tinatawag na tuya o panunuya. Datapwat maging
alin man sa tatlong uring iyan ng panulatan ay hindi maaaring tumanggap

Mga Lektura sa Panitikang Popular 61


ng mga salita o mga isipang may kalansahan, kalaswaan o kahalayan,
sapagkat mawawala ang kawagasan at kadalisayan ng kani-kanilang uri o
halaga sa panitikang tagalog o sa alin mang wika.

Sa katotohana’y hindi ako lamang, na pinakahuli sa mga manunulat


sa wikang tagalog, ang nakapuna niyan, kundi marami, isa na sa kanila
si L. K. Santos, na sa kanyang huling lathalang pinamagatang “Masayang
Pananagalog,” ay sinabi ang ganito:

“Ang pana-panahong iyan ng mga dula, katha at lathalang katatawanan,


ay nagkaroon ng isang batik na panlahat, na sukat makapusyaw sa puri
ng Panitikang Tagalog. Ang sining ng pagpapatawa ay unti-unting nabatak
hindi na sa pamamagitan ng mga talagang katawa-tawang pangyayari
at pananalita, kundi sa pamamagitan ng mga salita, pananalita at kilos
na may dalawang kahulugan—isang malinamnam at isang malansa. Ang
kalansahan naman ay siyang lalong napagkakalugdang pulutin at lasapin
ng mga nanonood at bumabasa; nguni’t ang kalinamnaman ay bahagya na.
At ang sining ng panunukso at panunuligsa ay unti-unti rin namang nahila,
hindi sa mga pagpansin at pagbirong nakapagtuturo at nakatutuwa, kundi
sa pamimintas at panghahamak, nakagagalit at nakasisirampuri. Ang mga
batik na ito ay siya pa ring karaniwang natatanghal natin sa maiikling dula
at bodabil na pinalalabas sa mga sine, at sa mga lathalang pinalalabas sa
mga pahayagan ng ilan nating mga walang-hunusdiling manunuligsa.

“Sa biglang sabi, dili ang hindi nagkaroon tayo ng mga manunulat
na may likas na hilig sa sining ng pagpapatawa, pagbibiro at pamumuna;
datapwa’t ang sining na iyan ay laging kimi at pasulpot-sulpot lamang sa
larangan ng pananagalog, at karaniwan pang nalalahiran ng mga batik na
nakapupusiyaw sa dangal ng ating Panitikan.”

Magtatapos ako sa pagsasabing, ang araw na ang ating mga


manunulat sa sariling wika, lalong-lalo na ang mga hubog sa bagong
panahong ito ng kabihasnan, ay mangahilig sa pagsulat, sa tula man o
tuluyan ng mga akdang masasaya’t kaaliw-aliw, maging pampatawa o
panunudyo, panunuya o panunukso, sa ayos na malinis, wagas at dalisay,
tulad ng lantay na ginto; ang araw na ang mga akdang iya’y mapisan sa
isang aklat ng bawa’t maykatha upang maging babasahing pambahay o
panlakbay-bayan at ang araw na ang mga buhay-buhay ni Suwan, ang mga

62 Mga Lektura sa Panitikang Popular


kuwentong sa-gutsinanggo, na siyang kauri ng mga kuwentong “baturro”
ng mga Kastila, ay mapisan sa isang aklat na maipamamana sa mga
susunod sa atin sa panahong hinaharap; ang araw na iyan ay darakilain
ng Kasaysayan ng ating bayan at siyang ipagsisimula ng pamumulaklak
ng malagong halaman ng ating wika at makatutulong ng di gayon-gayon
lamang sa lalong ikaririlag, ikadarakila’t ikayayaman ng wika nina Balagtas,
Rizal at Del Pilar, ang Wikang Pambansa ng Sangkafilipinuhan.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 63


ANG LAKAN NG MGA MAKATANG
FILIPINO NA SI BALAGTAS AT ANG
KANIYANG “FLORANTE”1
Hermenegildo Cruz

(Sumulat ng Kung Sino ang Kumathá ng Florante, 1906, kauna-unahang salaysayin ng


buhay ni Francisco Balagtás)

N ang ako’y tumanggáp ng paanyaya ng Pangulo ng Urian ng Wikang


Pambansâ, na si Jaime. C. de Veyra, upang “bumigkas ng pa isang
panayam ukol kay Balagtas at ng kaniyang walang kamatayang awit na
Florante at Laura,” ay sumilid sa aking gunam-gunam yaong kasabihang
“nag-uulit-ulit man din ang mga pangyayari.” Alalaong baga’y, ang mga
pangyayari dito sa ibabaw ng lupa, kung magkaminsa’y nauulit, bagaman
di sinasadya.

Kaya nga’t ang naisip ko noo’y tanggaping walang atubili ang


tungkuling inaatang sa akin ng Pangulong Veyra, yayamang walang ibang
pagsisikap na pupuhunanin, sa panayam na ito, kundi buksan ang aming
aklat na pinamagatang Kung Sino ang Kumatha ng “Florante” at ulitin sa
inyo ang mga naisulat doon sa aming kabataan na may mga 32 taon na
ngayong nakararaan.

Subalit di gayon ang aming gagawin. Magmula noon magpahangga


sa kasalukuyan ay marami na rin tayong nalakaran; mahaba na rin ang
landas na tinahak, at, sa ganito’y nararapat sundin yaong matinong
salawikain natin na: “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan di makararating
sa paroroonan.”

Gunitain natin.

Noon nga’y mainit-init pa ang abó ng mga nalabí ng ating mga


himagsikan laban sa kapangyarihan ng Espanyang naibagsak natin at laban
sa Amerikang sumupil sa atin sa dahilang bukod sa hapong-hapo na ang
1
Panayam na binasa sa Bulwagang Villamor, U.P., noong 11 Agosto 1938.

64 Mga Lektura sa Panitikang Popular


lakas ay maliit pa at maralita. Subalit gayon man ang bayan nama’y hindi
nanatili sa panglulupaypay, pagkapalibhasa’y natanim sa kaniyang puso
ang aral ng kaniyang mga bayani, kaya’t napipilan man ang angking lakas,
ang dakilang mithi ng lahi nama’y iyo’t iyon din, hindi nagbabago, bagkus
sumiglang lalo sa loob ng kapayapaan, na, sa kasiglahang ito’y pangunang
kinakasangkapan ang sariling wika, iyang wika na, ani Rizal, “habang
nabubuhay ay buháy ang wikang Tagalog, ang wika ni Balagtas, na siyang
ginamit nina Bonifacio at mga kasama sa Katipunan sa pagtuturo’t pag-
akay sa mga anak ng bayan sa paghihimagsik laban sa kapangyarihang dayo
na sa ati’y sumasakop.

Ang mga alagad ng wika’y nag-uunahan halos sa pagsasanggalang


ng dakilang mithi ng bayan sa loob ng kapayapaan. Nagsilabas nga noon
ang isang di malilimutang Pascual H. Poblete, na, sa pamamagitan ng
kaniyang pagsulat sa sariling pahayagan ay nagwasiwas ng watawat ng
simulaing makabayan; ng pagtatanggol ng kalayaan ng pananampalataya’t
pagbaka sa mga kampon ng karimlang umiinis sa bukal na paniniwala ng
isa’t isa; katulong sa banal at makabayang gawaing yaon ang mga Modesto
Santiago, Gabriel Francisco at iba’t iba pa.

Ang mga Lope K. Santos ay siya naman ang nagsipamuno sa


pagsisikap at pagtatatag ng isang Wikang Filipino, at ng Samahan ng mga
Mananagalog, na kasama sina Eusebio Daluz, Mariano Sequera, Rosauro
Almario, Patricio Mariano, T. Fenoy, Sofronio Calderon, Faustino Aguilar,
Celestino Chavez, Carlos Ronquillo, Julian Balmaceda, Iñigo Regalado at iba
pa. Mahabang salaysayin ang kanilang pagsisikap, pakikibaka, pagpupuyat
at masasabing pagsasapalaran, pagkapalibhasa’y ang sariling wikang
pinagsisikapang maihatid sa tugatog ng tagumpay ay di siyang tinatangkilik
ng mga kababayang noo’y nangapiling magsitulong sa mga dayuhan ng pag-
ugit ng pamahalaang itinatag ng bagong bansang sumakop sa Pilipinas.

Sa gayong pagpupunyagi ng bayan sa loob ng kapayapaan—


sa pamamagitan ng isip, panulat at pananalita’y—mangyari pang di
mangangailangan ng isang paraluman, ng isang sagisag, isang liwayway
na sukat mapagpakuan ng mga mata’t kaluluwa, na sukat makapagbigay
sigla sa kaloobang lupaypay, lakas sa katawang hapo at pag-asa sa puso na,
malao’t madali’y, magtatagumpay katulad ng nangyari.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 65


Ang kumatha ng maningning na Florante at Laura ang siyang naging
sagisag. Siya ang napagpakuan ng gunita ng mga taong bayan at ng mga
nagsipagwasiwas ng dakilang mithi sa loob ng kapayapaan. Siya’y halos
poonin sa harap ng pagsasakit na yaon na walang ibang sandata maliban
ang sariling wika, na, kung inulila man sa mataas na lipunan ay nag-ibayo
naman ang pag-ibig ng mga anak ng bayan sa paggamit at pagtatanghal.
Ang mga aklat at madlang salaysayin sa mga pahayagan ay sunod-sunod
halos kung ilathala at gayon din ang mga dula na napamayanihan din ng
ating mga mandudulang, kinagigiliwang panoorin ng madla, gayong hindi
naman tayo namihasa sa gayon kundi sa moro-moro.

Ngunit sino ang sumulat ng napakagandang awit na yaong batbat


ng mga dakilang aral? Sinong makata yaong kilala ng marami sa pangalang
Francisco Baltazar at ang marami rin naman ay sa turing na Balagtas
lamang? Sino nga ba ang kumatha ng awit na yaon, na, sa kabaitang taglay
niya’y walang ibang hiningi sa kaniyang paraluman kundi ipamintakasi sa
Birheng mag-ina “ang tapat na lingcod na si F.B.”?

Ang ganiyang mga pagtatanong ay napisanan pa man din ng pag-


aagawan ng ilang lalawigan nating maipagmalaki na, ang makata natin, ay
doon sa kanila sumilang sa maliwanag. Nariyan ang angkinin ng mga taga
Silangan (Laguna), na nanununton sa patotoo ng dalubhasang si Pardo
de Tavera na siyang nagpatunay ng gayon sa kaniyang aklat na Biblioteca
Filipina, nalimbag noong 1903; nariyan ang sabihing taga-Pandakan, taga-
Tundo, taga-Bulakan, taga-Batangas, at ang parang pinagpapakuan ng
paniniwala ng marami’y taga-Bataan nga si Balagtas.

Datapwa, walang makatiyak kung siya’y tagasaan, kung ano ang


kaniyang naging kabuhayan at kung ano ang kaniyang pagkatao.

Dahil sa isang mahalagang pangyayari sa buhay namin ay nakilala ang


mga anak ng ating makata. Sa tulong ng ilang kaibigan at kamamanagalog,
na nagpasigla ng maikli’t dahop naming kaya, ay naibunsod ang pagsulat
ng aming dagliang pag-aaral sa naging kabuhayan ng tunay na kumatha
ng bantog na awit ng Florante at Laura, na, kung nakapagdulot sa atin ng
kasiyaha’y salamat sa kagandahang loob ng mga anak ng kumatha.

Sa aming aklat nga’y naipakilala noon lamang ang tatlong mahalagang

66 Mga Lektura sa Panitikang Popular


pangyayari sa buhay ng ating makata, na ito’y, ang kapanganakan sa kaniya
ng ika 2 ng Abril ng taong 1788 sa nayon ng Panginay, bayan ng Bigaa,
lalawigang Bulakan; ang pagkakapag-asawa niya kay Juana Tiambeng sa
Udyong noong ika 22 ng Hulyo ng taong 1842; at ang kaniyang kamatayan
na nangyari rin sa baying ito ng ika 20 ng Pebrero ng taong 1862.

Naipakilala rin namin na, si Balagtas ay nag-aral sa isang mataas


na paaralan, bagaman siya’y isang anak-maralita; siya’y naglingkod sa
isang may kapangyarihan na parang kawani at interprete. Nagkaroon siya
ng siyam na anak na, ang dalawa’y buháy pa, magpahanggang ngayon, na
matatandang dalaga: sina Isabel at Silveria.

Ang isa pang talinghaga sa mga panahong yao’y nasa ganitong


tanong: Sino baga ang Celiang pinagalayan ng kaniyang dakilang katha?
Ano ang tunay na pangalan ng dilag na yaong tumutugon sa mga titik na
M.A.E. na, ani Balagtas,

Ikaw na bulaklak niyaring dilidili,


Celiang sagisag mo’y ang M.A.R.
sa Virgeng mag-ina’y ipamintakasi
ang tapat mong lingcod na si F. B.?

Ang palaisipang ito’y naisaayos din. Naipakilala naming kung sino


ang kasi ng kumatha na pinag-alayan ng kaniyang awit. At ito’y salamat
din sa kagandahang loob ng mga anak ng ating Makata, sapakat ito’y
nagkaroon ng dalawang kasintahan na, ang sagisag ng kanilang pangalan,
ay nagkakawangki: si Magdalena Ana Ramos at si Maria Asuncion Rivera.
Itong huli, na, taga-Pandakan, sang-ayon nga sa mga anak ni Balagtas,
ang pinag-alayan, daw, ng kaniyang awit; at yaong si Magdalena ay taga-
Gagalangin Tundo, ayon naman sa aming mga balitang natanggap.

May mga ilang nag-ukol ng pansin sa mga salaysay namin; ngunit


sino ma’y hindi nagharap ng mga katibayan bagay sa kanilang pinapansin
o pinasusubalian kundi bagkus ibinibitin ang kanilang palagay at ang
pinananaligan din ay ang ipinakilala ng aklat na talagang sinulat na
parang pasimula lamang, at bahala nang tuwirin at punan ng lalong mga
nakakaalam, gaya ng maliwanag na ipinagpapauna namin, ngunit nararapat
na ialinsunod lamang sa katotohanang natuklasan.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 67


Si Jose Maria Rivera ay sumulat ng isang matalinong salaysayin hinggil
kay Huseng Sisiw, noong taóng 1933. Sa aklat namin ay sinasabing ito’y
sinasanggunian ni Balagtas sa pagkatha ng dula. Subalit ang pinakatukod ng
aklat na yaon ni Rivera ay hindi mapanghahawakan, sapagkat nasasalig sa
isang katha lamang ng mga nagbalita sa kaniya. Napatunayan sa isa naming
pagsusuri ang agwat ng maraming taóng magmula nang mamatay si Huseng
Sisiw (1829) at noong nagsisilang sa maliwanag ang mga nagbalitang yaon
na, umano’y, nakilala nila ito. Ang mga talâng pinanuntunan sa pagsusuri
nami’y ang mga talâ na rin ni Rivera.

Ngunit si Balagtas ay may 31 na taon na nang mamatay si Huseng


Sisiw, na, sa gayo’y di kataka-takang ito’y napagsanggunian niya.

Ang pinatunayan naming si Balagtas ay naging kawaní ng Juez de


Residencia sa Bataan na si Victor Figueroa ay napatotohanan, salamat sa
pagsisikap ng pangulo ng Surian ng Wikang Pambansa na si Jaime C. De
Veyra. Sa mga kasulatang iniingatan ngayon sa Kataas-taasang Hukuman ay
naroroon ang kasulatan ng usaping ipinaghabol ni Sotero Gregorio, laban
kay Francisco Guevara hinggil sa pagsingil ng isang halaga, noong taóng
1841, at ang kumatha ng Florante ay nakalagda sa kasulatan sa kaniyang
pagkainterprete sa nasabing usapin. Salamat sa pagsisikap na ito ni Veyra
tayo’y may mapanununtunan ukol sa anyo ng titik ni Balagtas.

***

Kami’y talagang nag-aantay ng mga pasubali’t pagbabago, mula


pa nang panahong isulat ang aming aklat, sa matwid na, ang gayong mga
salaysayin, ay talagang hindi gawain ng isa o ilang katao lamang, kundi ng
marami o ng sambayanang may pagmamalasakit na makatanto sa naging
buhay ng kaniyang mga pantas, tulad ni Balagtas.

Samantalang maraming pagbabagong naisususog sa aming aklat,


na naayon sa katotohanan, ay lalong ikasisiyang loob namin at ipalalagay
na ang “tubò’y dakila sa puhunang pagod,” gaya ng wika nga ng ating
makata, kung kaya ang mga pangkatapusang pangungusap na patungkol
sa mga magsisibasa ng Kung Sino ang Kumatha ng Florante, ay gayari, na
ipahintulot ninyong basahin namin:

68 Mga Lektura sa Panitikang Popular


“Wala nga akong ibang pakay kundi ang makatulong
sa ilalim ng kaunti kong kaya, sa ikaririlag at
ikalalaganap ng matamis at mayamang wikang
Tagalog, na, sa mga panahong ito’y, gumigiit na sa
atin at kusang nagbubukas pa man din ng landas sa
pamumuhay at pakikipanayam ng maraming Filipino,
na sa ganitong pangyayari’y maaaring umasa tayo
na darating ang isang panahong ang wikang ito’y
sasapiling ng iba’t ibang wikang ginagamit ng mga
bayan sa sansinukob.

“Ang hangad ko sana’y huwag munang ilathala


agad ang aklat na ito, upang makatipon ng lalong
maraming tala at kasulatang hinggil sa buhay at mga
katha ni Francisco Baltazar, tuloy mapasagana pang
lalo sa ilaw at uri ng katotohanan ang pagsasalaysay
ko; datapwa’y nakapanaig din sa akin ang pag-
aakalang mabuti na rin ang magagap ng kaunti kong
mga nadulang at natipon na hanggang sa mga araw
na ito, upang makapagbigay simula man lamang at
magkaroon na ng mga mapagpupunuan ang ibang
mananaysay na lalong nakakakilala sa pantas na
manunulang iyang umawit ng kawili-wiling Ilog
Beata.

“Sa mga pagkakahidwang hindi sasala’y matutunghan


ng nangagsisibasa sa kabuuan ng aklat na ito, ako’y
malugod na tatanggap sa sino mang lalong may
kaya at may batid ng madlang paaninaw na kanilang
maibibigay, yayamang sa palagay ko’y hindi sa aking
sariling hangad sila tumutulong, kundi sa hangad
ng bala ng kababaya’t hindi, na nakakaibig ng isang
lalong ganap na pagkakilala sa maykatha ng Florante
at Laura, isang aklat na munti man sa anyo ay malaki
sa laman, at matayog na watawat ng isang marikit
na wika sa Dulong Silangan.”

Mga Lektura sa Panitikang Popular 69


Ngayo’y magsisimula tayo sa pag-uukol ng dagliang kuro-kuro hinggil sa
ubod ng ating panayam.

Ang awit na Florante at Laura ay napabantog sapagkat kinagiliwang


basahin ng madla. Ang kahalagahan ng mga tula ng awit na ito ay nabubuo:
sa maliwanag at magagaang mga salita; magandang pagkakahanay ng
mga tula; makabuluhang mga isipan at pagkukuro; dakilang simulain at
buo’t ganap ang pagkakasalaysay na naglalarawan ng mga pangyayaring
kunwa’y sa komedyang moro-moro, bago’y katumbas na katumbas ng mga
nangyayaring pasakit at madlang kahidwaan sa kulang-palad na bayan
natin noong panahong sinulat.

Ang mga simulain ng pag-ibig, ng dakilang asal, katapangan,


katarungan, at pagmamahal sa kapuwa; kabaitan sa sarili; ang asal at
ugaling dapat sundin ng tao sa kaniyang buhay at pamumuhay; may
matataas na aral sa mga anak at gayon din sa mga magulang; ang lahat ng
iyan ay matatagpuan natin sa walang kamatayang mga tula ng Florante, at
sa wakas, ay ang sa akala namin ay tumpak na pagkakilala sa kapangyarihan
ng Diyos na lumikha ng Sangtinakpan na, sa apat na hanay ng pananalita ay
ipinatanto sa atin.

Ano pa nga’t sa magagandang tula ng awit na iyan ay nasisilay ang


kaluluwa ng Lahi at laging nagpapagunita sa atin ng karapatan sa pagtutol
laban sa panlulupig.

***

Ang katutubong pag-ibig na, ayon sa ilan, ay maaaring damdamin


ng lalaki’t babae at maghari, huwag mang sumunod sila sa kautusan ng
Lumikha ng Creced y multiplicaos o Mabuhay kayo’t nang makapagbigay
buhay sa marami, ay tila di sinasang-ayunan ni Balagtas. Manapa, siya ay
naniniwala na, kundi rin lamang masusunod ang utos na iyan ng Diyos, ay
mabuti pa ang huwag nang umibig. Sa kaniya ay walang kabuluhan ang
buhay natin kung hindi makalalasap ng kakang-gata ng pag-ibig. Kaya,
ang kasiyahan ng kaniyang puso hinggil sa bagay na ito, ay nasa tulang
sumusunod na patungkol niya kay Celia:

70 Mga Lektura sa Panitikang Popular


6—Sa larawang guhit ng sa sintang pinsel,
kusang inilimbag sa puso’t panimdim,
nag-iisang sanglang naiwan sa akin
na di mananakaw magpahanggang libing.2

Ang tulang ito ay laganap. Nasasaulo ng maraming binata. Nang


kapanahunan namin, kapag ang isang binatang Tundo ay nagpakilala
sa kaniyang mga kaibigan o mabalitaan kaya ng mga ito na, ang pag-ibig
niya ay nasiphayo, ang mga kaibigan at di man ay nagtatanong ng gayari:
“Nagsanglang Florante ba?” Tinutukoy kung ang kasintahang babaing
tumalikod sa sinumpaan ay “nakapagsangla” sa kaniyang kinakasing
“nilimot sa pag-iibigan.”

2
Ang awit na Florante ay naipalimbag na nang makapupu ng iba’t ibang tao. Sa
pagsisiyasat na ginawa namin sa may mga 18 pagkakalimbag (edisyon) sa iba’t ibang taon
at palimbagan, ang pinakamatanda sa lahat ay ang inilimbag sa “Imprenta de M. Sanchez
& Cia.” na nasa Binundok, 1865. Kung pagbubukod-bukurin ang bilang ng mga tula ng awit
ay nabubuo sa ganito:
“Kay Celia”—22 tula o estansiya;
“Sa babasa nito”—6 na tula at ang
“Puno ng salita”—399 na tula.
Kabuuan—427 tula.
Ang bilang na inilagay sa mga tulang sinipi ay katugon ng talagang bilang na iyan
ng mga tula ng awit.
Bagaman ang pagkakalimbag ay nagkakaiba ng ayos at gayon din ang mga titik na
ginamit ang lahat ay bumibilang ng ganiyang mga tula, maliban sa dalawa, na may kulang
na tig-isang tula, na ito’y ang ipinalimbag ni J. Martinez, 1937, nawala ang ika-16 na tula
ng Puno ng Salita, na nagsisimula sa: “Nguni ay ang lilo’t masasamang loob…”
Sa ipinalimbag naman ng palimbagan Ilagan at Sanga, na anila’y “sadyang iniayos
sa tunay na ‘Ortograpiya’ ng wikang tagalog ng ilang pantas at dalubhasang manunulat,”
ay wala naman ang ika-137 tula ng Puno ng Salita rin, na nagsisimula naman sa: “Halos
nabibihag sa habag ang dibdib…”
Marahil, sa mga ipinalimbag ng mga nakaraang taon na ngayo’y wala nang
matagpuan sa mga tindahan at aklatan, ay may mga pagkakamali at pagkukulang ding
nakaligtaan; ngunit ang lahat ay nabubuo sa 427 tula, na naaayon sa inilathala sa aming
aklat na sinuri ng mga anak ni Balagtas. Kanilang pinatotohanan sa amin na tama ang
bilang ng mga tulang yaon nang tanungin naming kung totoo ang balitang, umano’y
makapal ang awit na Florante na may mga kulang-kulang sa isang dali, bagay na kanilang
pinasinungalingan.
Kung ibig din lamang ipalimbag ang tinurang awit sa lumang ortograpiya, ay
kailangang sundin, sa ganang amin, ang limbag ng taóng 1870 ni Dr. Pardo de Tavera, na
nilagyan ng mga kudlit, isinaayos at sinulatan ng ilang tala ni Rizal, na iniingatan ngayon
ng Aklatang Pambansa.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 71


Sa sayneteng kinatha ni Balagtas na ang pamagat ay La India Elegante
y el Negrito Amante, na ang kauna-unahang pagkakalathala ay naganap sa
aking aklat, utang sa kagandahang loob ng mga anak ng kumatha, ay may
mga tulang nagpapakilala ng kaniyang kuro-kuro at palagay ukol rin sa pag-
ibig. Narito:

Sa mundo ang pagsinta


siyang unang ligaya,
kayamanan at ginhawa,
ay, tuwa ng kaluluwa!

Kung ang buhay nati’y katipunang sakit


at siyang sadlakan ng dalita’t hapis,
ang buong ligaya’y nasa sa pag-ibig,
ang pagsinta’y siyang gamot sa hinagpis.

Sa pagsinta’y walang hindi susuko


ang lalong mailap ay napaaamo,
ang tigreng mabangis na uhaw sa dugo
daig ng pag-ibig at napasusuyo.

At sa ganiyan ding dahilan, ang damdaming iyang mula’t sapul ng


buhay ng mga nilalang ni Bathalang may isip at pakiramdam, ay naririto
naman ang dalawang tula:

80—O pagsintang labis ng kapangyarihan!


sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw,
pag ikaw ang nasok sa puso nino man,
hahamaking lahat masunod ka lamang.

81—At yuyurakan na ang lalong dakila,


bait, katwira’y ipanganganyaya,
buong katungkula’y wawaling bahala,
sampu ng hininga’y ipauubaya.

Ang mga tulang iyan ay sa awit na Florante. Tingnan naman natin


ang kaniyang tula sa komedyang Abdal y Miserena na, kung nailathala, sa
kauna-unahan, sa aming aklat, ay salamat din sa kagandahang loob ng mga

72 Mga Lektura sa Panitikang Popular


anak ni Balagtas. Narito ang kaniyang kuro ukol sa pag-ibig:

Ikaw na ligayang walang kasing dupok


at taling matibay na di malalagot,
ang mababang kubo’t palasyong matayog
napapanhik mo ri’t kusang pinapasok.

Walang dibdib na di mo dala sa kamay,


ang puso ng lahat ng iyong laruan,
ang tapat ay siyang pinarurusahan,
at ang alibugha’y siyang minamahal.

Pinalalakas mo ang lalong mahina,


haring may korona ay pinabababa,
ang bait, katwira’y iyong sinisira,
sa mundo ay bakit lumitaw ka kayâ?

Kung sa mundo’y walang alibughang puso


sa luha ng sinta’y walang maliligo,
at ginhawa lahat ang tapat sumuyo,
hindi maghahari lilong panibugho.

Ang tunay na katapangan, ayon sa dakilang makata, ay hindi ang


pagsubo ng walang hunos-dili sa panganib o sa kamatayan. Oo’t ang
gawaing ito ay hinahangaan din at madalas namang magkamit ng tapat na
papuri. Ngunit sa kay Balagtas, ang tunay na katapangan ay ang pagsupil
sa sariling sindak at takot. Kadaop o kakambal ng katiningan ng loob at
isip sa harap ng nakaambang panganib upang makapagsanggalang sa
paglusob ng kalaban o sa pagdating ng sakuna. Ang Diyos ng tagumpay ay
maramot umampon sa mga duwag na kalooban at kaluluwang hindi sanay
sa sadlakan ng buhay.

Aniya sa Florante:

245—Huwag malilingat at pag-ingatan mo


ang higanting handa ng Konde Adolfo,
pailag-ilaga’t parang baselisko
sukat na ang titig ang matay sa iyo.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 73


246—Kung ang isalubong sa iyong pagdating
ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakalabanin.

Nahahalata man natin, dahil sa sidhi ng pakiramdam, ang masamang


tangka ng kunwa’y kaibigan bago ay kalaban, kundi natin taglay ang tunay
na katapangan, ay walang salang mapipipilan tayo o di maigugupo ang
ganiyang “kaaway na lihim,” sapagkat ang pagkalito, na bunga ng kakulangan
ng katiningan ng loob sa harap ng panganib, ay siyang ikapapariwara natin.
Kaya’t ang hatol naman ni Balagtas ay gayari:

247—Datapwa’t huwag kang magpapahalata


tarok mo ang lalim ng kaniyang nasa,
ang sasandatahi’y lihim na ihanda
nang may ipagtanggol sa araw ng digma.

262—At saka madalas ilala ng tapang


ay guniguning takot ng kalaban,
ang isang gererong palaring magdiwang
mababalita na at pangingilagan.

263—Kung sa katapanga’y bantog si Aladin,


may buhay rin namang sukat makikitil,
iyong matatantong kasing pantay mo rin
sa kasamang palad at dalang hilahil.

Bagay naman sa kadakilaang asal o pagmamaginoong ugali—na


hindi na laganap dito sa atin sa kasalukuyang panahon—ay isa ring simulaing
nalalahad sa Florante. Marami tayong mapanununtunan sa kaniyang mga
tula.

Nang dumating dito ang mga Amerikano, na mga 40 taon na nga


ngayon, dalawang bagay ang kara-karaka’y nakatawag ng pansin natin: ang
kaugalian nilang isagawa sa katumpakan, hangga’t maaari, ang ano mang
bagay, at ang di pag-aaksaya ng panahon. Alalaong baga’y ang lahat ng
gaganapin nilang gawai’y pinag-uukulan ng sadyang panahon upang huwag

74 Mga Lektura sa Panitikang Popular


mag-aksaya nito na, sa ganang kanila’y ginto. Ang mabuting kaugaliang
yao’y naibadha na sa atin sa Florante sa dalawang hanay na tulang aniya:

(Alay)
11—............................................
....................................................
na kung maliligo’y sa tubig aagap
nang hindi abutin ng tabsing sa dagat.

Iyan ay katugon din ng sawikain nating “ang maagap ay daig ng


masipag.”

Ang tumpak na aral ng ating matatanda na “magdahan-dahan ng


paglakad upang kung matinik man ay mababaw,” ay isa ring simulain ni
Balagtas. Kaniyang ipinagugunita na huwag tayong kadadali sa paghatol sa
ating kapuwa; huwag tutuligsain ang isinulat o ginawa ng iba na di muna
natin pinag-aaralang maigi’t pinagtimbang-timbang ang dulo’t hulo, upang
tayo ay huwag malisya at makasira sa karangalan ng ating kapuwa. Ang
hiling niya sa mga magsisibasa ng Florante, ay:

(Sa babasa)

2—Kung sa biglang tingi’y bubot at masaklap


palibhasa’y hilaw at mura ang balat,
ngunit kung namnamin ang sa lamang lasap,
masasarapan din ang babasang pantas.

Hindi raw tayo dapat manunton lamang sa natatanaw ng ating


paningin na, ang kadalasan ay nasisilaw kung ang tinititigan ay makinang.
Ang mabuti ay saliksikin ang kaibuturan ng isang bagay at huwag manangan
at sukat sa nasasalat ng ating mga kamay kundi sa nakikita ng isip na siyang
dapat talasin sa pagsusuri ng alin mang bagay. Sa sayneteng binanggit na
namin sa simula, ay ganito ang wika ng Itang si Kapitang Toming nang siya
ay ayaw ibigin ni Menangueng sinisinta niya, sapagkat siya ay itang maitim
at di Tagalog:
.............................
laki niyaring kamalian
isip ko’y di ka pihikan,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 75


iyo palang tinitingnan
ang balat, hindi ang laman.

At ang paggamit ng hinahon at bait sa harap ng mga natatanggap


na balitang sa atin ay nagdudulot ng kapaitan o karalitaan; ang payong
kaibigang “huwag padadala sa kataka-taka” (kathakatha), at yaog “tayo’y di
dapat malunod sa isang tabong tubig,” ay kaniyang inilarawan sa dalawang
hanay na tulang ito:

261—.........................................
..................................................
aniya’y bihirang balitang magtapat,
kung magkatotoo ma’y marami ang dagdag.

Hinggil naman sa pagmamahal sa kapuwa, ano man ang kaniyang


bayang sinilayan at kaibayo man natin sa pananampalataya, ay itinuro na
rin sa atin ng ating makata, sa pagkupkop ni Aladin, isang di binyagan, sa
Kristiyanong si Florante na nakabaliti sa isang punongkahoy, ay gayari ang
badya ng Morong yaon:

147—Sagot ng gerero’y huwag na manganib


sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib,
ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit,
may kalong sa iyo’y ang nagtatangkilik.

148—Kung nasusuklam ka sa aking kandungan,


lason sa puso mo ang hindi binyagan,
nakukutya akong di ka saklolohan
sa iyong nasapit na napakarawal.

149—Ipinahahayag ng pananamit mo
taga-Albania ka at ako’y Pers’yano,
ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

Palibhasa ay ang hangad ng mga paring Kastilang may kapangyarihan


din na bigay ng pamahalaan nang panahong sila ang nakakapangyari dito
sa atin, ay mamayani ang pananampalatayang Katoliko, na siya lamang

76 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ang ipinahihintulot ng mga batas; palibhasa sa ganang kanila ay wala
nang mabuting pananampalataya kundi ang kanila lamang at ang hindi
pa binibinyagan, ng mga panahong yaon, anak man ng mga binyagan, ay
ipinalalagay na moro; at, ang moro ay dapat kasuklaman at ipalagay na
kalaban magpakailanman pa man. Kaya nga sa mga paaralan noon ay
sadyang iminumulat sa mga bata ang kunwa’y paglalaban-laban ng mga
taga-Roma at taga-Cartago sa pagganap ng paligsahan ng nalalaman ng
mga nagsisipag-aral.

Iyan ay pinisanan pa man din ng mga komedyang moro-moro, na, ang


madalas matalo ay ang mga ito. Kung paminsan-minsan man ay magsipanalo
sa mga Kristiyano, ang nagsisipagtagumpay, sa katapos-tapusan, ay ang
mga ito rin. Sa gayon ay patuloy ang paniniwala na ang mga magkakalabang
iyan ay talagang magkalaban at kailanman ay hindi dapat magtulungan at
magmalasakitan. Ang ganiyang mga hidwang aral sa atin ng panahon ng
Kastila ay tandisang tinuligsa ni Balagtas. Para bagang ipinamumukha sa
mga nagsasabog ng ganiyang mga isipang mali ang paglabag nila sa utos ng
Diyos, na tayong mga nilalang Niya ay dapat magtinginan na parang tunay
na magkakapatid, sapagkat tayo ay magkakapatid nga, ayon din sa mga
simulaing itinuturo ng kanilang pananampalataya. Narito ang pangwakas
na pangungusap ng Morong si Aladin sa kay Floranteng Kristiyano:

150—Moro ako’y lubos na taong may dibdib,


ay nasasaklaw rin ng utos ng langit,
dini sa puso ko’y kusang natititik,
natural na leong sa aba’y mahapis.

Ang tuntuning ginto na nararapat sundin sa panunungkulan


sa bayan ay matatagpuan natin sa matipunong aklat ng dalubhasang
paring Filipino, na si D. Modesto de Castro, na sumulat ng isang aklat na
kinawiwilihan ding basahin ng madla, na ang pamagat ay Pagsusulatan
ng dalawang binibini na si Urbana at si Feliza na nagtuturo ng mabuting
kaugalian. Ani Urbana kay Feliza:

“Ang nagnanasang magkamit ng kamahalan sa bayan,


sa karaniwan ay hindi magandang nasà, sapagkat ang
pinagkakadahilanan ay di ang magaling na gayak ng
loob na siyang pakinabangan ng tao, kundi ang siya

Mga Lektura sa Panitikang Popular 77


ang makinabang sa kamahalan; hindi ang pagtitiis ng
hirap sa pagtupad ng katungkulan; kundi ang siya’y
maginhawahan; hindi siya’y pagkaginhawahan ng
tao kundi ang siya’y paginhawahin ng taong kaniyang
pinagpupunuan.

“Ang masakim sa kamahalan, sa karaniwan ay hindi


marunong tumupad ng katungkulan, sapagkat
hindi ang katungkulan, kundi ang kamahalan ang
pinagsasakiman; salat sa bait sapagkat kung may
iniingat na bait, ay makikilala ang kabigatan, at
hindi pagpipilitan kundi tatanggihan, kaya marami
ang makikitang pabaya sa bayan; ang mayaman ay
kinakabig at ang imbi ay iniiring...”

Ang kay Balagtas namang pagtugligsa sa isang may mataas na


katungkulang lumilisya sa tuntuning dapat sundin ay ganito:

(Puno ng Salita)
19—O taksil na pita sa yama’t mataas!
O hangad sa puring hanging lumilipas!
Ikaw ang dahilan ng kasam-ang lahat
niyaring nasapit na kahabag-habag.

Ayon sa kaniya ay mabuti pang tayo ay pagpunuan na ng isang


hangal at hindi maganda ang asal, kaysa isang puno na ang hangad ay
magpayaman lamang sa panunungkulan, kaya’t ang naibadya niya ay ito:

341—Mahigit kang aba sa mapagpunuan


ng hangal na puno at masamang asal,
sapagkat ang haring may hangad sa yaman,
ay mariing hampas ng langit sa bayan.

Ang mga dakilang aral sa mga magulang bagay sa pag-aaruga sa


kanilang mga anak, ay isang magandang punpon kumbaga sa bulaklak, ang
ipinamana niya sa atin. Sa kasaysayan ng mga taong pantas at dalubhasa
sa iba’t ibang karunungan, sa sining at sa panitikan, ay lalong nakararami
yaong mga anak-maralita; yaong mga nagsipanalat sa kanilang pag-aaral

78 Mga Lektura sa Panitikang Popular


at sa kabuhayan kaysa mga anak-mayaman at nagkaroon ng katayuang
maginhawa sa mga unang hakbangin ng kanilang buhay. Paano’y ang
kaginhawahan ay hindi maalam makipagkapatiran sa katalasan ng isip at
lalong maramot makipagkaibigan sa karunungan. Tingnan natin ang mga
pangaral na ginto kay Florante ng kaniyang ama. Aniya:

212—Akong pagkabata’y ang kinamulatan


kay ama’y ang bait na di paimbabaw,
yaong namumunga ng kaligayahan,
nanakay sa pusong suyui’t igalang.

196—Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa


ng kabataan ko’t malawig na lubha,
pag-ibig ni ama’y siyang naging mula,
lisanin ko yaong gubat na payapa.

197—Pag-ibig anaki’y aking nakilala,


di dapat palakhin ang bata sa saya,
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

198—Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis


namamaya’y sukat tibayan ang dibdib,
lumagi sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang mapagmataas, ang palalo, maykaya’t mayaman o nasa


kapangyarihan o nakahihigit sa kalagayan ng kaniyang kapuwa, ay kailangang
maglingong-lingkod din, kailangang alalahanin ang katotohanang may
katapusan ang alin mang bagay na may simula. Sa dalawang hanay na tula
ng ating makata, na sumusunod, dapat manunton ang mga ang wika nga
ay “nasa sa itaas,” na bukambibig ng ating mga magulang noong panahong
nagdaan sa pagsansala sa hilig ng kanilang mga anak sa pagmamataas.

Aniya:

285—.....................................................
..............................................................

Mga Lektura sa Panitikang Popular 79


Kung ano ang taas ng pagkadakila,
siya ring lagapak naman kung marapâ!

May isang parang salot sa mga panahong ito na, sino man sa
atin ay nakapapansin marahil. Sa ilang bayan ay kabayanihan ang aming
tinutukoy kung ang kadahilanan ay ang dangal na ibig hugasan o ipakilala
kaya ang pag-ibig sa bayan o sa sinasambang kataas-taasang puno ng
bansa. Tinutukoy namin ang pagpapatiwakal na, sa bayang Hapón, ay
isang dakilang katungkulan sa sarili ng mga tagaroon—kung yaon ang mga
sanhi—at sa mga kampon ni Mahoma’y paghahandog ng buhay upang ang
kaluluwa ng huramentadong pumapatay muna ng mga sukat na mapatay
na kapuwa, ay umaakyat daw, sa langit na tuloy-tuloy.

Datapwa dito sa atin ay nagmumula ang sakit na iyan na


“pagpapatiwakal,” sa kakulangan ng katibayan ng puso at sa kasalatan
sa pagkakilala ng lakad ng “mundong magdarayà.” Sa mga kulang-palad
na mga yumao sa pagkitil ng sariling buhay ay dalangin na lamang ang
bagay ipatungkol; ngunit sa mga magulang, tagapag-ampon ng mga
bata’t kabinataan, at sa mga guro, ay kailangang ipagunita natin ang mga
ginintuang tulang sumusunod ng dakilang makata upang ikintal sa puso’t
isipan ng kanilang mga anak, mga inaaruga at mga tinuturuan. Narito:

199—Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil,
na daratna’y di na matutuhang bathin.

200—Para ng halamang lumaki sa tubig


daho’y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.

201—Munting kahirapa’y mamalakhing dala


dibdib palibhasa’y di gawing magbata
ay bago sa mundo’y balang kisapmata
ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

202—Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

80 Mga Lektura sa Panitikang Popular


sa bait at muni’t sa hatol ay salat,
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

203—Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


ang isinasama ng bata’y nunukal,
ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

Ang larawang mapanglaw ng kalagayan ng Inang-Bayan nang tayo


ay nasasakupan pa ng Espanya, na ang pamahalaan ay napanghihimasukan
ng pananampalataya o ng relihiyon; alalaong baga’y nang ang mga pinuno
ng tanging pananampalatayang dito ay nakapanghihimasok sa mga
tinutungkol ng pamahalaan, ay maliwanag na matutunghan natin sa mga
tulang sumusunod. Kung sa panahong kasalukuyan o sa kailan man, ay ibig
nating malaman kung ang kalagayan ng ating bayan ay mabuti o masama
at kung siya ay pinaghaharian ng katarungan o hindi ay walang dapat gawin
kundi alalahanin ang mga matipunong tulang panaghoy ni Duke Florante
dahil sa hirap na tinitiis sa pagkakatali sa punongkahoy, doon sa gubat na
“masukal at mapanglaw.” Ganito:

14—Sa loob at labas ng bayan kong sawi


kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

15—Ang magandang asal ay ipinupukol


sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong,
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing nang walang kabaong.

16—Ngunit ay ang lilo’t masasamang loob,


sa trono ng puri ay iniluluklok,
at sa balang sukab na may asal hayop
mabangong insenso ang isinusubsob.

17—Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo,


at ang kabaita’y kimi’t nakayuko,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 81


santong katuwiran ay lugami’t hapo,
ang luha na lamang ang pinatutulo.

18—At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

At ang paghihiganti naman sa isang kinagagalitan ng may


kapangyarihan na pinaaabot pa man din hanggang sa kabila ng kamatayan,
ay matutunghayan sa tulang ito:

91—Sampu ng lingkod mo’t mga kaibigan


kung kampi sa lilo’y iyo nang kaaway,
ang di nagsiayo’y natatakot namang
bangkay mo’y ibao’t mapaparusahan.

***

Walang tula kung walang pag-ibig. Ito ang apoy na nagbibigay lakas
at buhay sa puso’t kaluluwa ng Makata. Kaya, bago tayo lumipat sa bahaging
pangwakas ng ating panayam, ay ipahintulot ninyong ipagunita namin ang
kadalubhasaang di karaniwan ni Balagtas sa suliranin at palaisipan ng pag-
ibig. Sa ganang kaniya, ay may dalawang mukha ang damdaming iyan:
liwanag at dilim, na ito ay namamayani, ang dilim, sang-ayon sa karilagan
ng babae. Tila balintuna. Sa kaniya ay mapanganib, sa gawaing pag-ibig, ang
kagandahan ng babae. At ang kung bakit ang wika nga ng mga palaaral—ay
tunghan natin sa ilang tula sa awit niya’t sa sayneteng binanggit na:

Anya, sa Florante:

41—Katiwala ako’t ang iyong kariktan,


Kapilas ng langit anaki’y matibay,
Tapat ang puso mo’t di nagunam-gunam
Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

Ang sa saynete naman, ay ito:

82 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Palibhasa’y aking tatap
Aral ng sa mundo’y lakad
Ang pagsinta’t pagsusukab
Mahigit ang pagkakalapat.

Sa mga tulang iyan ay mahuhulo na ang sino man ay walang


karapatang sarilinin ang karilagan ng isang babae. Kapag ito ay talagang
maganda, ang kahit sino ay may layang umibig sa kaniya. Sa mga simulaing
iyan ng ating Makata nanggaling, marahil, yaong salawikain ng mga tenoryo
doon sa amin sa Tundo, na anila: “Kung magkakasala rin lamang ang isang
lalaki ay kinakailangan na ang dahilan ay isang magandang babae!”

Narito pa ang dalawang tula sa awit na ukol pa rin sa pag-ibig na iisa


lamang ang simulain ngunit iba’t iba ang pagkakatula, na nagpapakilala sa
atin ng kaniyang kakisigan sa pagpapakilala ng kaniyang pagkukuro:

60—Wala na Laura’t ikaw na nga lamang


Ang makalulunas niring kahirapan,
Damhin ng kamay mo ang aking katawan,
At bangkay man ako’y muling mabubuhay!

278—Sa kaligayaha’y ang nakakaayos,


Bulaklak na bangong hinawi ng hamog,
Anupa’t sinumang palaring manood,
Patay o himala kung hindi umirog.

***

Si Balagtas ay naniniwala na may isang Bathalang lumalang ng


Santinakpan. Ang kaniyang mga tula ay batbat ng mga pagkukurong
mapagkikilanlan ng ganiyang paniniwala. Anya:

24—Datapwa’t sino ang tatarok kaya


Sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
Walang nangyayari sa balat ng lupa
Di may kagalingang iyong ninanasa.

Sa ganang kaniya ay pawang kagalingan ang mga ninanasa ng Diyos

Mga Lektura sa Panitikang Popular 83


sa ating mga nilalang Niya. Tumbalik sa isinilid sa ating paniniwala sa isang
Diyos na marunong magalit at kung nagagalit ay nagtatanim ng sakuna at
ligalig na ikinapipinsala ng kaniya ring mga anak na sa kaniya ay umiibig at
sumasampalataya.

II

Pagkatapos gunitain ang magaganda’t makabuluhang mga tula ni


Balagtas—na di pa ang lahat—ay atin namang pag-ukulan ang kabantugang
sinapit, bagaman siya ay di kilala o kung kilala man ay sa kaniyang sagisag
na mga titik B. B. lamang na inilagda sa alay ng kaniyang awit.

Ayon sa mga natipon naming mga paputol-putol na tala simula noong


ipalimbag ang Florante, ang mga siping naipalimbag na ay hindi kukulangin
sa 300,000 ang sa wikang Tagalog lamang, bukod ang pagkakalimbag ng
mga salin sa wikang Kapampangan, magmula pa ng taong 1884, at ang sa
Pangasinan, Bikol, Bisaya, Ibanag, Hiligaynon, at iba pa.

Sa wikang Kastila ay naihulog na rin mula pa nang taong 1886


ang isa at ang isa naman ay noong 1892, bagaman ang mga ito ay di
naipalimbag; ngunit ang salin sa ganiyan ding wika ni Epifanio de los Santos
ay nailathala sa isang rebista noong 1916. Hindi rin napalimbag ang salin sa
wikang Aleman at Pranses kundi sa mga rebista lamang—ayon sa ibinalita
sa amin—bagaman ang sa wikang Ingles ay naipalimbag, na ang ginawang
tuntunin ay ang salin sa wikang Kastila ng binanggit na mananalaysay. May
nasusulat pa rin sa matandang titik natin.

Maliban sa Florante, tayong mga Filipino ay wala nang iba pang


aklat na napasalin sa lahat halos ng wikang sarili at gayon din sa mga
pangunahing wika ng ibang bansa. Kumbaga man, ay ang mga aklat ni
Rizal, ngunit nasusulat sa wikang Kastila, na napasalin din sa maraming
wikang sarili at wikang banyaga. Daig nang kaunti ni Balagtas, sa bagay na
ito, si Rizal, sapagkat ang Noli na siyang ebanghelyo natin, bukod nga sa di
nasusulat sa sariling wika, ay hindi nagkaroon ng maraming pagkakasalin
na ipinalimbag katulad ng Florante. Sa aklat na nasusulat sa wikang sarili,
ay wala isa mang naisalin sa maraming wika kagaya ng awit na iyan.

Dapat ding alalahanin ang maraming salaysayin at pagsusuri sa

84 Mga Lektura sa Panitikang Popular


wikang Tagalog at iba pang wikang sarili at sa wikang Ingles ukol sa Florante
na napalathala sa mga pahayagan at mga rebista, bukod pa ang kung
makailang gawing saligan o tesis ang buhay ni Balagtas at ang kaniyang
Florante ng mga nagtatapos sa pag-aaral sa matataas na paaralan.

May isang pangyayaring di makakakat sa ating mga puso na ito ay


ang katotohanan na, si Balagtas, ay una kay Rizal sa pagkakilala sa mga
kahidwaang nangyayari dito sa bayan natin, bagaman si Rizal, ay una
naman sa ating gunam-gunam, sapagkat siya ay talagang nangatawan sa
pagsasakit ukol sa kaligtasan ng Filipinas, hanggang sa ang buhay niya
ay ihandog sa ikatutupad ng kaniyang mithi “nang walang agam-agam,
maluwag sa dibdib, matamis sa puso’t di ikahahapis.”

Tangi sa riyan ay katotohanan din naman na si Rizal ay isang


tagahanga ni Balagtas na marami sa mga inilalarawan sa kaniyang Noli ay
bungang-gunita niya sa mariringal na tula ng Florante na kinahuhumalingan
niyang basahin lalo na kung siya ay nangingibang-bayan.

Hindi na namin babanggitin pa rito ang makailang paggunita ni Rizal


sa kaniyang aklat na Noli sa mga tula ni Balagtas na sinipi sa aming aklat.
Sukat ang sabihin na si Rizal sa mula’t mula pa ay talagang isang masugid
na balagtasista. Ang awit na Florante ay laging dala raw sa lukbutan
sa pangingibang-bayan at minsan ay pinagbilinan ang isang kaibigan
upang pangasiwaan nito ang pagpapalimbag ng tinurang awit na dapat
palamutihan ng mga tugmang larawang hango sa isinasaysay.

Ang sipi ni Rizal ng Florante ay ipinagkaloob umano sa isang aklatan


sa Alemanya. Kaya madalas niyang hiramin ang sipi ni Dr. Pardo de Tavera
na limbag noong 1870. Parang pagganti sa kagandahang-loob ng tinurang
doktor, ang siping ito ay kinudlitan ni Rizal, sang-ayon sa kaniyang tuntunin
sa wikang Tagalog at linagyan pa ng ilang tula. Ang tinurang sipi ay iniingatan
ngayon ng Aklatang Pambansa.

Sang-ayon kay Epifanio de los Santos, pantas nating mananalaysay,


ang palagay ni Rizal, sa awit na Florante, ay “aklat ng wikang Tagalog na
batbat ng lahat ng kagandahan at karingalan ng wika.”

At, ayon din sa kaniya, si Elias, ng Noli, na isang anakbayang

Mga Lektura sa Panitikang Popular 85


mapagmahal sa tinubuan na makalawang iligtas si Ibarra, at itinago pa ito,
sukdulang sumapanganib ang sarili niyang buhay—ni Elias—at si Menandro,
ng awit ni Balagtas, ang katotong lalong tapat ni Florante, na makalawang
iniligtas ang buhay nito, na walang ano mang pag-iimbot at si Florante at si
Laura, ay itinanghal pang hari at reyna.

Si P. Salvi naman na hiniya ni Ibarra at namamatay sa pag-ibig


kay Maria Clara na sa ganito ay pinagtangkaang patayin si Ibarra sa
pamamagitan ng iba; naghanda ng isang paghihimagsik at tinangkang
gahasain si Maria Clara sa loob ng monasteryo ng Santa Clara ay dili iba
kundi ang mapagkuwanri’t sukab na si Adolfo.

Si Maria Clara man ay maitutulad kay Laura sa kaniyang


pagkamahinhin at gayon din sa kagandahan ng kaniyang asal at karilagan.
Kung si Ibarra ay nagdamdam ng matinding panibugho kay Maria Clara ay
gayon din ang nangyari kay Florante sa kaniyang kasing si Laura.

Anupa’t ang simoy na humahalimuyak sa nobela ni Rizal ay


singsimoy din ng awit na Florante at parang magkakamag-anak, gaya sa
halimbawa, ang ilog sa Binondok at ang labasan nito sa Ilog Pasig, na may
kababawan, ay kawangki ng mga Ilog Beata at Hilom na mababaw.

Natanim nang gayon na lamang sa kaluluwa ni Rizal ang mga tula


rito sa palatuntunan ng kaniyang Arte metrica tagala. Ani Rizal: “Ang tulang
Tagalog, ay kinikilalang magkakatugma ang mga salitang nagkakaparis sa
mga katinig o konsonanteng mariin sa mga titik na b, d, g, k, p, s, at t, at
magaan naman ang l, m, n, ng, y, at w.” Itong ito rin ang mga katinig ng
konsonante ng awit na Florante, lalong lalo na ang apat na tula sa ikalawa’t
sa unahan.

***

Hanggang diyan ang sinipi naming palagay ng ating mananalaysay


na sumulat din noong 1916 ng isang matalino’t matipunong pagsusuri ukol
kay Balagtas at sa kaniyang Florante, na kaniyang ipinatanto na ang ginamit
na mga tala ukol sa kabuhayan noon ay hinango sa aming aklat (1906).

Sa ganang amin naman ay maidaragdag ang ilang pangungusap

86 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ni Rizal na himig-Balagtas—ang wika nga—sa mahalaga, makabayan, at
magandang sulat na iniukol niya sa mga kababayang dalagang taga-Malolos
niyong taong 1886. At di lamang himig kundi sinipi pa man din ang isang
hanay ng tula ng awit na Florante:

Ani Rizal sa sulat na yaon:

“Gisingin at ihanda ang loob ng anak sa balang


mabuti at mahusay na akala: pagmamahal sa puri, matapat
at timtimang loob, maliwanag na pag-iisip, malinis na asal,
maginoong kilos, pag-ibig sa kapuwa, at pagpipitagan sa
Maykapal, ito ang ituro sa anak. At dahil ang buhay ay puno
ng pighati’t sakuna, patibayin ang loob sa anumang hirap,
patapangin ang puso sa anumang panganib. Huwag mag-
antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang liko ang
pagpapalaki sa bata…”

At ang kaniyang dalawang habilin ay gayari:

“…Ang ipinagiging taksil ng ilan ay nasa kaduwagan


at kapabayaan ng iba.
“…Ang ikinaaalipusta ng isa ay nasa kulang ng
pagmamahal sa sarili at nasa labis na pagkasilaw sa
umaalipusta.”

Ang sulat ni Rizal at winakasan ng ganito:

“ ‘Tubò ko’y dakila sa puhunang pagod’ at


mamatamisin ang anumang mangyari, ugaling upa sa
sinumang mangahas sa ating bayang magsabi ng tunay.”

Si Marcelo H. del Pilar naman, upang mapatunayan daw ang


kaniyang sinasabi na ang “nagtatapat sa baya’y pinapalibhasa, at ang
pagkukunwaring pagpupuri ay siyang pinahahalagahan,” ay nagwika ng:
“Talagang ganito ang nagtatapat sa bayan: siyang alimura,

“At sa balang sukab na may asal hayop


Mabangong insenso ang isinusuob.”

Mga Lektura sa Panitikang Popular 87


Iniingatan naming ang isang sulat-kamay ng Pangulo ng Pilipinas
na isinulat ng may mga anim na taon na. Doon ay kaniyang ipinahayag ng
buong liwanag na ang awit ni Balagtas ay siyang kauna-unahang mga tula
na kinalugdan niyang basahin nang siya ay bagong sibol, at mula noon ay
natalâ na sa kaniyang isip ang mga simulaing ukol sa katarungan, karapatan,
katapangan, at pag-ibig, sang-ayon sa pagpapalagay ng dakilang makata. At
nitong huling pagkakaligpit niya sa pagamutan, ayon sa tagaingat-aklat ng
Malacañang, ang babasahing hiningi raw sa kaniya ng Pangulo, ay ang awit
na Florante.

Ang mga magagaling nating manunulat na sina Fernando Ma.


Guerrero, Rafael Palma, Claro M. Recto, Teodoro Kalaw, Manuel Briones,
at iba pa, ay paraparang nagsihanga rin sa mga tula ni Balagtas, at ang ilan
sa kanila ay nagsikap na maihulog sa wikang Kastila ang hiyas na iyon ng
sariling wika bagaman di naipagpatuloy.

Ang manunulang si Manuel Bernabe ay siyang naghulog sa wikang


Kastila, sa tula rin, ng mga tulang patunkol kay Celia na nagkamit ng unang
gantimpala sa timpalak na binuksan ng Aklatang Bayan dahil sa ika-127
taon ng kapanganakan ni Balagtas.

***

Sa mga tagaibang lupa nama’y mayroon ding mga nagsihanga sa


awit ng ating manunula. May mga paring Kastila na hindi nakapagpigil na
purihin ang tinurang katha at gawing uliran ng kakayahan ng ating lahi,
danga’t noo’y di nila tayo binibigyan ng pagkakataon. Di ang lahat ng
mga kinatawan ng pananampalatayang tanging pinahihintulutan dito ng
nakaraang panahon ay taganas na mapang-inis ng katotohanang nakikita
nilang nagpapatotoo ng kakayahan ng ating lahi.

Dahil sa bagay na iya’y di namin mapaglabanang di sipiin ang isang


salaysay na sinipi na sa aming aklat na sinulat ng isang paring Kastila na ang
lagda ay Glauco. Ipinagkakapuri niyang ipabatid na ang magagandang tula
ng Florante, aniya’y mapanununtunan na dito sa Filipinas, ang kaniyang
mga anak, ay may kaya rin tulad ng mga taga-ibang lahi upang makasulat
ng mga mahahalagang salaysaying karapat-dapat malagay sa piling ng mga

88 Mga Lektura sa Panitikang Popular


katha ng taga-ibang bansa. Naito:

“Na dito’y—sa Filipinas—maaaring magkaroon ng


lirika o lumagong ganap, gayon din ang drama at komedya at
sampu ng nobela, bagay itong hindi maikakait, pagkat dito’y
sumisilakbo din naman ang kalooban at may pakikipagbaka’t
nabubuhay ang mga kaugalian, at mga pagkakamag-anak
at kapamayanan. Dito’y may samyo rin naman ang mga
bulaklak at umaawit ang mga ibon, sumisinta ang mga babae,
at ang tao at ang katalagahan ay naghahandog ng sukat
mapaglaganapan ng gayong mga bagay. Hindi kinakailangan
ng sining ang malalaking kaligaligan ng Ewropa, ni ang
kasipagan niyang laging masikal, ni ang paglalaban-laban
ng kaniyang mga panukala at kani-kaniyang kapakanan;
may paraluman din at nakapagbubulay-bulay sa tahimik na
dampa ng tagabukid, katulad ng paghahanap ng paraluman
sa mga alingawngaw ng malalaking bayan.

“Ang kinakailangan ng Filipinas upang magkaroon


ng panitikang hango sa mga sariling bagay ay ang pag-
aaral at giliw, kailangan ang mga taong may pag-ibig artista
sa pagmamasid, na makakasaliksik hanggang sa mga
karurukan ng sariling tahanan, gayon din sa mga kaibuturan
ng puso, pagkatapos makilala ang kabuhayan ng sari-
saring bagay na bumubuo’t naninirahan sa lupang ito. At
sapagkat ang ganito’y mahirap gawin ng isang Ewropeo, sa
di pagkakilala ng mga salitang ginagamit dito at sapagkat
siya’y napapalagay na iba sa bayang ito; saka, sa kabilang
dako, sa pagtuturong ginagawa natin sa mga tagarito,
ay wala tayong huwarang ibinibigay sa kanila liban ng
ginagamit sa Ewropa; kaya ang mainam na palatuntunan ng
pangungusap sa sangkapuluang ito ay di napabuting kamay
na kung pagyayamaning maigi ay labis na matatamo, paris
ng ginagawa saa’t saan man ng matatalinong makata. Ito ang
dahilan kung kaya sa Filipinas ay wala niyang sining na may
lubos na mga karilagan; datapwat sa pagbasa ng marikit na
‘corrido’ na pinamagatang Florante, at sa pagtunghay ng
mga kainaman ng hawig ng mga pangungusap at ng mga

Mga Lektura sa Panitikang Popular 89


katamisang nalalasap sa mga pananalita, ay gumigiti sa pag-
iisip na ang ganap na Indiyong iyan, kung may karampatang
dunong, ay sukat dising makagawa ng kaunti pang bagay
na maitatala na sa mga walang kamatayang dahon ng
kasaysayan ng panitikan.

“Ang mga panitikan ng isa’t isang bayan ay bunga rin


ng mga anak ng tinubuang lupa; hindi si Homero ang nagbunyi
ng mga kababalaghan ni Brahma, ni si Ossian ang nagsaysay
ng pagkamananalo ng mga Cid. Ang sariling pangungusap
ay siyang tanging makapagpapahayag ng buong dingal ng
mga bagay at damdamin ng lupang tinubuan at sapagkat
ang mga salitang Filipino ay siya na lamang gamit ng bayang
hangal kaya maipalalagay ngang halos patay ang tunay na
panitikang Filipino hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan
ng lahi kundi dahil sa inuukol na kalagayan niya sa harap
ng pangasiwaan at ng pamayanan. Pagtanggap ng pag-aaral
ng mga batang Filipino ay nahahawa na sa mga pagkukuro
ng ibang bayan at nangamumulat sa ibang wika; sapagkat
hindi maaaring mapag-aralan itong lubos at nakikita nilang
tayong mga Ewropeo ay walang pag-ibig sa mga bagay-bagay
na Filipino, ang nangyayari’y halos ang lahat, ni sa kanilang
sariling wika, ni sa iba ay nakalilikha ng mga salaysaying
sukat malangkap sa kasaysayan ng panitikan.”

Ang sumulat ng makatarungang salaysaying ito ay isa ngang


paring Kastila ayon sa patotoo sa amin na kinikilalang isa sa mga pantas
sa panitikan na inilathala sa isang rebistang pinalalabas ng taong 1889. Sa
ganang kaniya ay may kaya ang ating lahi upang makasulat ng mga bagay
na sukat ikapuri at matala sa kasaysayan ng panitikan at ang lahi natin ay
maisapiling sa iba, danga’t tayo noo’y iminulat sa pag-aaral ng ibang wika
na aniya’y “kailanman ay di natin lubos na matututuhan,” bakit ang ating
ginagawang huwaran sa pagsulat ay mga pagkukurong hindi sarili kundi
hiram lamang sa mga tagaibang lupa?

Subalit kinikilala niya na ang sumulat ng awit na Florante ay may


ganap na kakayahan upang makasulat ng isang aklat o anumang salaysaying
karapat-dapat matala sa kasaysayan ng panitikan kung si Balagtas sana’y

90 Mga Lektura sa Panitikang Popular


binigyan lamang ng pagkakataon.

May iba pang nagsisikilala sa pagkapaham ng ating Makata na di


rin natin kalahi, ilan pang Kastila, at ang isa, na maka-Filipino at marunong
na taga-Austria, ang propesor Blumentritt, na nagsumikap sa pag-aaral
na maigi ng wikang Tagalog upang maunawaan lamang ang mga tula ng
Florante na sa kaniya’y ipinamarali ni Rizal.

***

Ang sariling panitikan ay walang gaanong isinulong nang


kapanahunan nina Rizal, di sa kakulangan ng kaya ng ating lahi, gaya
ng kinikilala na rin ng mga pantas na manunulat kundi sa kasalatan ng
pagkakataon at ng mga alagad ng wikang tagaritong sila ang tanging
makapagmamalasakit sa pagbibigay buhay at pagpapalago sa sariling wika.

Nang si Rizal daw ay nasa Espanya ay madalas na magdamdam


ng matinding pananabik sa pagsasalita ng wikang Tagalog sapagkat ang
pananalita niya ay nasisira dahil sa wala siyang mapagkausap at ang sabi ay
“Kung nasa sa akin sana ang Florante ay walang kailangan ngunit naiwan
ko sa Barcelona.”

Sa pagpapalaganap ng ating karapatan sa kalayaan at sa pagtatanggol


ng ating katwiran, oo’t sina Rizal at Del Pilar ay gumamit ding paminsan-
minsan ng wikang sarili. Ngunit ang karaniwan nilang ginagamit ay ang
wikang Kastila sapagkat sa ganito’y nauunawaan sila ng mga nakakasakop
sa atin ng panahong yaon at ng mga bansang pinapakuan nila ng tingin
upang humingi ng tulong sa aba nating kalagayan.

Datapwa nang dumating ang kapanahunan nina Andres Bonifacio


at Emilio Jacinto, ang sariling wika’y siyang ginamit at kusang itinakwil
ang wikang Kastila. Ang mga tula na naman ng Florante ang kanilang
pinanuntunan sa pagtuturo at pag-aakay sa bayan sa paghihimagsik.
Dala-dala raw sa kanilang lukbutan ang tinurang awit. Sa isinulat ni Emilio
Jacinto na pinamagatang Liwanag at Dilim, sa bahaging may pamagat na
Ang Bayan at ang Pamahalaan, pagkatapos na sabihing siya ay nananalig
na ang kaluwagan ng alinmang bayan sa bayan din dapat hanapin sapagkat
nakakakilala at umiibig sa matuwid, kabaitan, at mahal na kaasalan, ay

Mga Lektura sa Panitikang Popular 91


ganito ang kaniyang pananalig:

“Kaya nga’t dahil sa ito’y siya kong pinaniniwalaan, ay


siya ko namang ipinaliliwanag sa mga anak ng bayan, pagkat
sa paraang ito lamang makakalimutan na’t di masasabi
kailanman sa atin ang sumusunod na mga tula ni Baltazar:

“Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo


At ang kabaita’y kimi’t nakayuko!”

Hindi lamang iyan. Ang salitang Tagalog, ang wikang ginamit ni


Balagtas, ay binigyan nina Bonifacio at kasamahan, sa palatuntunan ng
Katipunan, ng kahulugang Filipino; alalaong baga’y kapag isinulat o binigkas
ang salitang Tagalog ang kahuluga’y ang sinumang Filipino, maging Bisaya
man, Ilokano, Kapampangan, Bikol, Pangasinan, at lahat na ng mga tubo
dito sa Filipinas.

Ang wikang Tagalog ay siya nilang tanging ginamit sa pagbabagsak


sa kapangyarihang noo’y nakasasakop sa atin.

***

Sa harap ng mga isinaysay ay maliwanag na lumalabas na si Balagtas


ay siyang unang paham ng lahing nakakilala ng madlang kahidwaang
nangyayari sa bayan natin. Ang kaniyang awit, kung munti man sa anyo’y
malaki naman sa laman, ay siyang nagwasiwas ng pagtutol laban sa mga
maling palakad at paglabag sa katarungan na dito’y pinaiiral ng mga
maykapangyarihan. Una siyang nagpunla at nakapaghandog ng bungang
ani sa halamanan ng mayaman niyang guniguni na siyang nagpasigla sa
puso ng ating mga kababayang nagsipagpunyagi sa pagbabangong-puri ng
ating lahi.

Kung si Rizal nga ang nanguna sa pagmamalasakit sa pagtuturo ng


dapat gawin ng kaniyang mga kababayan upang matutong magsanggalang
sa katarungan ng ating bayan at ipaglaban ang kalayaan, si Balagtas naman
ay siyang sa baháy-baháy, sa mga kubo’t dampa, may mga ilang taon na
bago pa sumilang ang bayani ng Filipinas sa paraan ng magagandang
tula—upang huwag mapansin ng mga maykapangyarihan—ay nakuha niya

92 Mga Lektura sa Panitikang Popular


na ang Florante at gawing dasalan ng lahi na nagtanim sa puso ng ating
mga magulang at anak ng dakilang asal, pag-ibig sa kapuwa, katarungan,
katibayan ng loob, pagmamahal sa karangalan, at pagtutol sa kalupitan.

Kaya naititik tuloy ng makisig na mananalumpati nating yumao na si


Macario Adriatico ang ganitong mga kataga:

“Alin-alin naman ang mga bayani at paham na dapat


nating alalahanin at pagnilay-nilaying tuwina o dili kaya’y
maminsan-minsan ang mahalagang bagay na kanilang
nagawa o ang mga dakilang kasaysayan at lathala na inihabilin
sa atin? Marami tayong nasasabi ngunit pangulo sa kanila,
ang bantog na si Rizal. Si Balagtas, ay bilang pangalawa,
kung pagtutuusin. Si Rizal ay pangulo, una sa ating gunam-
gunam, bagaman sa paglitaw ay huli siya sa kampon ng mga
bayaning nakapagsanggalang at nakapagbigay puri sa Inang
Bayan. Kung tayo ay naglalakad sa kapatagan o naglalayag
sa karagatan ang unang nakikita natin ay ang taluktok ng
kabundukan o dili kaya ay ng mga simbahan; datapwat ang
mga taluktok ay huli sa panahon ng kayarian o ng kalitawan;
una munang gawin ang mga batayan saka ang bubungan o
dakong itaas.”

***

Maaari nating hatiin sa tatlo ang maningning na kasaysayan ng ating


bayan sa kaniyang pagpupunyagi upang kamtan ang kalayaan. Ang una ay
ang paglitaw ng awit na Florante na inilahad sa magagandang pananalitang
tinugma-tugma ng isang paham na makata, si Balagtas, na hanggang
ngayon ay di pa napapantayan, ang pag-inis sa katwiran at sa katarungan
ng isang bayang nagmimithi ng kaniyang katubusan; ang ikalawa ay ang
paglitaw nina Rizal at mga kasamahang nagsipagsakit sa ikapagtatagumpay
ng dakilang mithi ng bayan na ang ginamit namang kaparaanan ay ang
kapangyarihan ng panulat at ng pananalita; at ang ikatlo ay si Bonifacio
at ang “Katipunan,” sa pamamagitan ng mga anak ng bayan at ng lakas ng
sandata.

Kung pagtutuusin, ang kapasiyahang pinagtibay ng Surian ng

Mga Lektura sa Panitikang Popular 93


Wikang Pambansa na naghandog sa atin ng pagkakataong ito upang sa
ganitong mga panayam ay maitanghal, minsan pa, ang wikang Tagalog, na
gawing saligan ang wikang iyan sa pagbubuo ng isang wikang pambansa
na pinagtibay ng dakilang lalaki na umuugit sa kasalukuyan ng ating
Pamahalaan—na isa ring masugid na maka-Balagtas at utang sa kaniyang
makabayang puso ang ganiyang tagumpay—ay udyok ng bungang-gunita
ng mga ipinunla ni Balagtas katulad ng nangyari sa mga bayani ng lahi na
ipinakilala na naming sa dakong unahan.

Kung si Rizal ay nanunton sa mga inihasik ni Balagtas at si Bonifacio


naman ay nanalig sa mga aral at simulain ni Rizal; tayong lahat, ang
pamahalaang ito, sa pagpapatibay at pagsasakit na dito ay magkaroon
nga ng isang wikang pambansa, ay di tayo gumagawa ng ibang bagay
kundi anihin ang ipinunla ng Lakan ng mga Makatang Filipino na ito ay
ang mamalaging buhay—ang kaluluwa ng ating lahi na gumigitaw sa mga
dahon ng Florante at Laura.

Si Balagtas ay may sarili, matayog at maningning sa karurukan sa


Kasaysayan ng Filipinas. Sa bagay na ito, siya ay karapat-dapat na ipagtayo
ng isang bantayog na pambansa na katugon ng pagkilala at paghanga sa
mga dakilang aral na itinanim niya sa puso at kaluluwa ng kaniyang mga
kababayan.

NOTES ON FLORANTE AND ITS TRANSLATIONS


J.P. Bantug

Hermenegildo Cruz, former Director of the Bureau of Labor, the biographer


par excellence of Francisco Balagtas, is authority for the statement that it
was in 1838 that the first edition of Florante at Laura came out of the Santo
Tomas Press, although no original copy of this edition is extant, nor of the
1853 cited by Epifanio Santos Cristobal, nor of the 1861 that had belonged
to the library of Alfonso E. Mendoza of Manila. Without contradicting his
statement in his Kung sino ang kumatha… published in 1906, Mr. Cruz in
his recent lecture on 11 August, of this year, Ang lakan ng mga makatang
Filipino…, he seems to imply in his statement “sa pagsisiyasat na ginawa
namin sa ikalabingwalong pagkakalimbag sa iba’t ibang taon at palimbagan
ang pinakamatanda sa lahat ay ang inilimbag sa Imprenta de M. Sanchez

94 Mga Lektura sa Panitikang Popular


& Cia. na nasa Binundok, 1865” that that is the oldest known edition,
although we cannot lay lightly aside the statement of no less a scholar than
Epifanio Santos Cristobal that he had made use of a manuscript copy of
the edition of 1853 (“Literatura Tagala,” The Philippine Review, Vol. I, No. 8,
pp. 36-64. August, 1916), nor ignore the edition of 1861, which was seen
by the Tagalog writers Guillermo Santiago-Cuino and Carlos Ronquillo, the
latter having made a literal typewritten transcription of it which we had
occasion to examine. The earliest edition known de visu at the present
time therefore is that of 1865, from the press of M. Sanchez y Cia. in
Binondo, of which there are three copies known: the first is now in the
Edward E. Ayer collection in Chicago, U.S.A., with its corresponding Spanish
prose translation, formerly in the Barrantes’ collection; the second in the
Philippine National Library; and the third in our own modest collection.
Even before the appearance of Cruz’s Kung sino ang kumatha… in 1906,
which popularized even more this corrido, as noted by President Jaime de
Veyra in a manuscript note made in 1905 in the 1865 copy, it was already
“celebre y renombrado.”

In its various editions in Tagalog, up to 1906, Cruz estimates that no


less than 300,000 copies had been printed. Several thousands more have
to be added since 1906. Indeed, if not a reprint, an entirely new edition
crops up each year.

Nineteen hundred and thirty eight (1938), therefore, is the centenary


year of the publication of Florante at Laura. Considered the foremost
product of Tagalog literature in the period of its greatest development, it
has delighted generations of Filipinos and public acclaim after one hundred
years shows no signs of waning.

Florante is the most famous of the corridos and is justly considered


the best representative of epic poetry in the whole range of Tagalog
literature. Spanish writers and other foreign authors have extolled it as a
model to follow. Fray Torribio Minguella, in his Ensayos de la Gramatica
Tagala, 1876, makes copious quotations from the original. We see in the
narrative a kind of proto-Noli me tangere which, besides containing some
romantic elements, there are also autobiographic glimpses of the author,
portraying besides, like Rizal’s novel, the evils then rampant in the author’s
country. The work is so popular that it has been translated into almost

Mga Lektura sa Panitikang Popular 95


all the Philippine languages like Kapampangan (1884, 1922), Pangasinan
(1925), Hiligaynon (1928), Bikol (1931), Cebuano (Mss. 1933), Ibanag
(Mss.), and Ilocano (Mss.). There are three Spanish prose translations: one,
by an unknown author appended to the Barrantes’ copy of 1865; another
by Ferrer (unpublished, 1892); and still another by Santos Cristobal (Mss.,
1916), from the latter of which has since gone through a second edition. In
1933, Miss A. del Rosario, of Cebu, made a direct translation from Tagalog
into English (unpublished Mss.), while a third translation was finished this
year by one born in the heart of the Tagalog provinces, Mrs. D. Yap, who
made a literal English rendering in rhyme (unpublished Mss.). How well she
succeeded maybe judged by the easy flow of the language, the rhythmic
cadences of the verses, and above all, the straight rendering of the author’s
thoughts which is at once obvious to all Tagalog-speaking readers more or
less familiar with Balagtas’s immortal poem. The late Otto Scheerer, noted
German Austrian newspaperman, has made a second German translation,
and who, because of lack of pecuniary support, was not able to finish it.
Madame A.B. de la Cantera, for some time connected with the Department
of Modern Languages of the University of the Philippines, made a French
version.

It is desirable that the Institute of the National Language sponsor a


critical edition of this masterpiece of Balagtas who contributed in a splendid
way to make Tagalog the language of a future independent nation.

EDITIONS OF “FLORANTE AT LAURA”

1838 (?). Manuscript—no title. (In Dr. Bantug’s collection.)


1853. Pinagdaanang Buhay Ny Florante at Ny Laura Sa cahariang Alvania
Quinuha sa madlang cuadro Historico o pinturang nagsasaby nang
manga nangyayari nang unang panahon sa Ymperio nang Grecia
at tinula nang ysang matouain sa versong Tagalog. Reimpreso En
Manila: Ymprenta de los Amigos del Pais, de 1853.
1861. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa Cahariang Albania
Quinuha sa madlang “cuadro historico” o pinturang nagsasabi sa
mga nangyayari nang unang panahon sa Imperio ng Grecia, at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Reimpreso-Manila:
Imprenta de Ramirez y Giraudier, 1861.

96 Mga Lektura sa Panitikang Popular


1865. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania.
Quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi nang
manga nangyayari nang unang panahon sa Imperio nang Grecia, at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Binondo: Imprenta
de M. Sanchez y C.a, 1865.
1870. Pinagdaanang Buhay ni Plorante at ni Laura, sa cahariang Albania.
Quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi nang
manga nangyayari nang unang panahon sa Imperio nang Grecia, at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Binondo: Imprenta
de B. Gonzales Moras, 1870.
1875-A. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania
Quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyayari nang unang panahon sa Imperio nang Grecia, at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Binondo: Imprenta
de M. Perez Anloague 6, 1875.
1875-B. (This is exactly the same as the above except that it is without a
vignette in the title page and it is in a different type.)
1889. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa cahariang Albania.
Quinatha sa madlang cuadro-historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyari nang unang panahon sa imperio nang Grecia at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Manila: Imprenta
de Don Esteban Balbas, Letran, 17, esquina a la Real, 1889.
1893. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa cahariang Albania.
Quinuha sa madlang cuadro-historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyari nang unang panahon sa imperio nang Grecia at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Nueva Caceres:
Libreria Mariana, 1893.
1894. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa cahariang Albania.
Quinatha sa madlang cuadro-historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyari nang unang panahon sa imperio nang Grecia at
tinula nang isang matouian sa versong tagalog. Manila: Imprenta
“Amigos del Pais” Calle num. 34, esquina a la de Palacio, 1894.
1901. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa cahariang Albania
Quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyayari ng unang panahon sa imperio nang Grecia At
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Maynila: Limbagan
ni Modesto Reyes at C.a, 1901.
1904. Pinagdaanang buhay ni Florante at ni Laura sa cahariang Albania

Mga Lektura sa Panitikang Popular 97


quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyari ng unang panahon sa imperio ng Grecia at tinula
nang isang matouain sa versong Tagalog. Manila: Libreria tagala,
1904.
1906. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albania
kinuha sa madlang “cuadro historico” o pinturang nagsasabi sa mga
nangyari nang unang panahon sa imperio nang Grecia, at tinula
nang isang matuwain sa bersong tagalog (In Kun Sino ang Kumatha
ng “Florante.” Maynila: Libreria “Manila Filatelica” Daang Soler, bil.
453, Santa Cruz, 1906).
1909. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania
quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga
nangyayari ng unang panahon sa imperio nang Grecia at tinula
nang isang matouain sa versong tagalog. Manila: Imprenta Libreria
y Papeleria de J. Martinez, Plaza Moraga 34-36 Plaza Calderon 263
y Estraude 5, Binondo, 1909.
1913. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania
quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga
nangyayari ng unang panahon sa imperio nang Grecia at tinula nang
isang matouain sa versong tagalog. Maynila: Imprenta, Libreria
at Papeleria ni J. Martinez, 34-36 P. Moraga, 108 P. Calderon at 7
Estraude-Binundok, 1913.
1919 (?). Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania
quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyayari ng unang panahon sa imperio nang Grecia at
tinula nang isang matouain sa versong tagalog. Maynila: Imprenta
Libreria at Papeleria ni J. Martinez.
1919. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albania
kinuha sa sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga
nangyayari ng unang panahon sa imperio ng Grecia at tinula nang
isang matuwain sa versong tagalog. Maynila: Imprenta Libreria y
Papeleria de P. Sayo, Vda. de Soriano Rosario No. 225, Plaza del
Conde No. 1008, Binondo y Azcarraga, No. 552, Tondo, 1919.
1921. Pinagdaanang Buhay ni Florane at ni Laura sa kahariang Albania.
Mahalagang tula. (Edited by de Leon). Manila: Limbagan “La
Pilarica,” 1921.
1923 (?). Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albania
kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga

98 Mga Lektura sa Panitikang Popular


nangyayari nang unang panahon sa imperio ng Grecia at tinula
ng isang matuwain sa bersong Tagalog. Bahay Palimbagan ni P.
Sayo Balo ni Soriano. Maynila: K. P. Rosario No. 225, Binondo, at
Azcarraga 552, Tondo.
1926. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura sa kahariang Albania
kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga
nangyayari nang unang panahon sa Imperio ng Grecia at tinula ng
isang matuwain sa versong Tagalog. Maynila: Bahay Palimbagan ni
Sayo balo ni Soriano, 1926.
1931. (The story appeared as serial in Alitaptap, a weekly paper, from 1
January to 10 December 1931.)
1933. Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa kahariang Albania
Kinuha sa madlang “Cuadro Historico” o Pinturang kinalalarawanan
ng mga pangyayari nang unang panahon sa Imperio ng Gresia
At sinulat ng kinikilalang Dakilang Ama ng Tulang Tagalog na si
Francisco Baltazar Sadyang isinaayos alinsunod sa kasalukuyang
pagsulat sa mga salitang Tagalog. Sa tulong ni Teodoro E. Gener.
Maynila: Limbagan nina Ilagan at Sanga 351 Juan Luna, Binondo,
1933.
1937. Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa kahariang Albania
kinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa mga
nangyayari nang unang panahon sa imperio ng Grecia at tinula ng
isang matuwain sa Bersong Tagalog. Maynila: Limbagan at Aklatan
ni P. Sayo balo ni Soriano, Rosario Blg. 225 Binondo at Azcarraga
552, Tondo.
1937. Pinagdaanang Buhay ni Florante at ni Laura, sa cahariang Albania
quinuha sa madlang cuadro historico o pinturang nagsasabi sa
manga nangyayari ng unang panahon sa imperio nang Grecia at
tinula nang isang matouainsa versong Tagalog. Maynila: Imprenta
Libreria at Papeleria ni J. Martinez 116 P. Calderon, Binundok—253
Cabildo Intramuros, 1937.
1938. Pinagdaanang Buhay ni Florante at Laura sa kahariang Albania
tula ni Francisco Baltazar Kinuha sa madlang “Cuadro Historico” o
pinturang kinalalarawan ng mga pangyayari nang unang Panahon
sa Imperio ng Grecia (Edited by Emiliano Rionda). Maynila: Mga
Aklatan ni Juliana Martinez 116 Plaza Calderon at 161 J. Luna,
Binundok, 1938.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 99


ANG DIWANG MAGINOO SA MGA
AWIT AT KORIDONG TAGALOG1

Dolores V. De Buenaventura

P alibhasa ang ating Palatitikan (literatura),kahit may sariling búhay,


ang mga paksa ng mga awit at korido natin ay hango ang karamihan
sa mga tinatawag na obras caballerescas sa Kastila, kayâ at sisimulan ko
ang panayam na itό sa munting pagsasaysáy ng ukol sa mga nabanggit na
obras caballerescas. Noong unang panahong matatawag nating gintong
panahon, dahil sa buháy na pananalig, wagas na pag-ibig at bayaning
pakikibaka sa pag-iingat ng mga layunin ng isa’t isa, ay para-parang bumukal
ang mga nasabing obras caballerescas na bungâ ng mga pagkukuro at mga
damdaming umiiral noong mga panahong yaong.

Sapagkat noong mga unang araw ay walang ibang batás na nakikilála


ang mga tao kundî ang batas ng karangalan na makikintal sa kanilang mga
budhi na kung marungisan man ay dugo ang ipinanghuhugas, dahil dito
ang mga damdaming ito ang siyá ring nalimbag sa mararaming aklat na
nasulat noon.

May mga caballero na ang sagisag nilá ay: Dios, Patria, Dama, na
kung sa sariling wika’y tatlong B ang kinauuwian, Bathalà, Bayan, Babae.

Iyang babaeng, kung sa ama ay anak, kung sa lalaki ay asawa, at


kung sa batà naman ay ina, ang siyáng naging maningníng na paralumang
pumatnubay sa mga panitik noong mga manunulat nang mga panahon,
lalong-lalo na sa Espanya, duyan at baníg ng mga nasabing obras
caballerescas PREAMBULO Ang El Burlador de Sevilla y el Convidado de
Piedra ni Fray Gabriel Tellez na nagkubli sa sagisag (seudónimo) na Tirso
de Molina noong dantaong labíngwalo (siglo XVIII) na pinamagatang Siglo
de Oro ng Literatura Española at ang mga pangyayari sa Don Juan Tenirio
ni José Zorilla na halos ay hango sa El Burlador de Sevilla; bagamá’t ang
isa at isa’y may sariling ningníng katulad ng mga bituin sa langit na kung
nagkakaisa man sa landas, subalit may kaní-kaniyang ningas at liwanag,

1
Panayam na binasa sa Bulwagan Villamor noong 3 Agosto 1939.

100 Mga Lektura sa Panitikang Popular


gayon din naman ang dalawang nabanggit na drama na kung susukatin,
tatakalin at kakatasín,ay walang tiyak na mag-aalinlangan ang sino mang
mapasubò sa ganitong pagkakataon, dahil sa dalawa man silá sa aklat
at dalawa man silá sa kumatha, datapwat iisá silá sa bigat, ningníng, at
linamnam.

Ang pagtatagpo ni Don Juan Tenorio at Don Gonzalo de Ulloa


comendador de Calatrava (ang caballeros de calatrava, ayon sa
nasasaklawan ng lahat ng mayroong kauntíng kabihasnán sa historia
universal ay isá sa mga kapulungan ng mga caballero noong panahong
una sa Espanya), sa El Burlador de Sevilla y el Convidado de Piedra, na
lumalagáy na si Don Juan ang “burlador de Sevilla” at si Don Gonzalo de
Ulloa namán ang “convidado de piedra” ay nagmulâ sa pag-anyaya ni Don
Juan sa estatwa ni Don Gonzalo na nakita sa simbahan dahil nga dito’y
pinamagatan na El Convidado de Piedra; samantalang sa Don Juan Tenorio
ni Zorilla sa panteon o libingan nakita ni Don Juan ang estatwa ni Don
Gonzalo nang kaniyang anyayahang humapon sa kaniyang tahanan. Gayon
na lamang ang matibay na pananalig sa karangalan noong mga unang
panahon na kapag ang bagay na ito ang tinukoy kahit patay ay dadalo.
At ang ganitong mga panimdím, damdamin at pagkukuro ay para-parang
lumaganap di lamang sa buong Espanya kundi sa mga nasasakop ng
Espanya at isa na nga rito’y ang ating Filipinas.

Umugat ang mga ganitong damdamin. Sumibol na masagana ang


mga layunin ng mga nasabing obras caballerescas at halos ay naging parang
simoy na lason sa mga tunay na lakad ng mga pangyayari sa kabuhayan.
Hanggang nangailangan na ang isang Don Miguel Cervantes de Saavedra
ay kumantha ng isang Don Quijote de la Mancha na kung tinuturing
mang obra caballeresca ngunit itó’y isang pagsalungát sa himig noong
panahóng yaong na nabunsod na malabis sa ganong pagkilos at mga ayos
na halos ay parang mga himalang tao dito sa ibabaw ng lupa. Kaya’y sa
nasabing nobelang Don Quijote de la Mancha ay matindíng ipinagdiriinan
ni Cervantes ang masagwang asal ni Don Quijote de la Mancha na sa
kaniya’y nalalarawan ang mga caballero sa Espanya noong panahong yaon
sa mabilis at masidhíng pakikibaka kahit sa mga talaga ng panahon at
tadhaná ng mga araw-araw na pangyayari.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 101


Upang maipakilala ni Cervantes na hindî karapat-dapat kawilihang
basahin ang mga nasabing obras caballeresca ay binanggit sa wakás ng
nobelang ito ang huling bilin ni Don Quijote bago mamatay ukol sa kaniyang
pamangkín na si Antonia. Ang tagubilin ay ganito; ipinamamana niya (ni
Don Quijote) ang lahat ng kaniyang kayamanan sa kaniyang pamangkíng si
Antonia, gayon din nama’t ipinagtatagubilin niya na kung ito ay ibig mag-
asawa, dapat niyang piliin ang isang lalaking hindî nakabása ng ano mang
obra caballeresca at kung sakalì na ang pamangkíng Antonia ay sumuway
sa ganitong tagubilin at mag-asawa rin sa lalaking nakabása ng ano mang
obra caballeresca ay binawi ang pamana sa kaniya. Ang kalulwa’t budhî ng
ating mga awit at korido ay katas ng mga obras caballeresca na masaganang
sumibol noong dantaong ikasiyam (siglo IX), panahon ng Emperador Carlo
Magno (ciclo Carolingio).

Hatid ng Espanya sa ating mga pampangin ang mayaman niyang


alamat ang mga manunulat ay nagsawang lumasap sa ganoong kasaganaan
at nag-angkin naman ng sariling yaman na nalulan sa maraming mga awit
at korido na nalimbag at walang pinagkunan kundi ang mga nasabing obras
caballeresca.

Katulad ng isang namimitas sa isang mayamang halamanan na


namimilì at maselang itinapon ang mga luoy na dahon at dinadagdagan
namang palamutihan ang kapos sa dahon, gayon din naman ang ating mga
manunulat. Inangkin ang mga nasabing obras caballeresca at pinaghusay
at iniayos sa lakad ng panahon at simoy ng sariling lupa ang ilan at ang iba
ay pinagyaman sa ganda at kabaitan na namamalas nilá noón sa babaing
Filipina kahima’t nangyaring ipinahiram niláng sumandali sa mga ibang
lupaín.

Ang karamihan ng ating mga awit at korido ay walang nag-aangkíng


sumulat (mga anónimo). Mangisa-ngisa lamang ang naglalagay ng may
katha.

* * *


Ang damdamin ng dangal na lumulutang sa ibabaw ng ating malilinaw na
tubig at namamandila sa mga pampangin ng ating ilog ay nakintal sa mga

102 Mga Lektura sa Panitikang Popular


dahon ng ating mga awit at korido na siyá ngang tanging libangan noong
mga unang panahon ng ating mga batà at matatanda. Palibhasa noo’y
walang ibang palibangan, wala pa ang maraming mga sine na ngayo’y
nagiging dayuhan ng kabataan at ng mga may gulang na rin. Di katulad
noong araw na ang tao’y sa kaniyang pagpapahingalay sa tanghali’t
gabí, ang mamamayan at ang magsasaka ay walang ibang kasa-kasama
kundî ang nasabing mga awit at korido. Bunga ng ganitóng pangyayari
ang kalinisan ng kanilang budhi, ang kaayusan ng kanilang pamumuhay,
ang paggalang sa magulang, pagsusunuran ng mag-asawa, pagmamahal
sa anak, pagtitinginan ng magkakapatíd, paglingap sa kapuwa tao at
paggalang sa kaní-kaniláng mga karapatan. Lalong-lalo na sa mga babae’y
may sarili at lihim na aral ang mga nasabing mga awit at korido; ang dalaga
at may asawa sampu ng balo ay maaaring manalamín sa mga pangyayari
ng mga kasaysayang ito.

* * *

Pasisimulan ko na sa mga sandaling ito ang pasusuri na sa ganang


akin ay isang pagsasanay lamang sa mga ilang awit at korido na dumapo sa
kamay ko at kinawilihang basahin. Subalit bago ko simulan ay ipahintulot
ninyo sa akin na sumandalíng angkinín ko ang mga sumusunod na banhay:

“Icao na mataro’c at babasang guilio


sa adhicang tuláng bucál sa panimdim,
Quinaya cahima’t ang pula’i, sapitin
nang lalong bihasang nangagsisitingin.

“Ugali sa mundo,i, ang may dusang taglay


ninita ng sucat na mapalibangan,
at ang ninanasang ligaya’i, ng upang
maquita ng pusong nasa capanglauan.

“Caya inadhicang ito’i, ipalimbag


ng mapalibangan cahit ualang lasáp,
ang namamalagui sa lauac ng hirap
cung ito’y sudhiin tua’i, matutuclas.

“Di co ninanasang ang pantás na isip

Mga Lektura sa Panitikang Popular 103


mamulat sa abang nacaya ng dibdib,
cundi ang hangad co’i ang saát na bait
ang siyang magtimbang sa quilo’t matuid.

“Hanggang dito aco mga liniliyag


huag-ding maabâ yaring imbing palad,
cahima’t, sa loob ninyo ay masacláp
parahing matamis ng babasang pantás.”

Ang Poema del Cid, ang la Canción, ang Burlador de Sevilla ni Tirso
de Molina. Ang D.Juan Tenorio ni Zorilla, ang Don Quijote de la mancha ni
Cervantes; ang El Desdén ni Agustín Moreto, ang lahát ng mga kasaysayang
sa mga obras caballerescas sa Kastilá, ay para-parang tumagintíng sa
ating sariling wikà, at nabadhâ sa ating mga awit at koridong sumibol
na masagana gaya ng: Conde Urbano, Duque Almanzor, Principe Arnísto,
Diego Marcilla at ni Isabel de Segura, Princesa Claudina at ng Henerál
Rodriguez, Principe Paris, Haring Asuero, Haring Salomón, Gonzalo de
Córdoba, Doncella, Don Juan Teñoso, Ibong , Pitóng Infantes de Lara, Don
Alejandre at Don Luis, Doce Pares sa Francia, Rodrigo de Villas, Julieta at
Prinsipe Igmidio, Jacobina, Dama Ines, Florentina, Reina Beatriz, Blangca
Flor, Infanta Clotilde, Florante at Laura, at ibá pang napakarami.

DON JUAN TEÑOSO

Ang búhay na pinagdaan ni Don Juan Teñoso at ng infanta


Flocerpida ay nakakawangis nang El Desdén con el Desdén ni Moreto.
Dito si Laura na mapagwalángbahalà sa mga namimintuhong caballero
sa kaniyá ay nabighanì ni Don Carlos de Urgel sa kaniyang pabalatkayong
pagwawalang-bahalà din. Sa Don Juan Teñoso itó’y nagbalatkayong nag-
asal na matandáng sugat-sugatan. Datapwat siyá’y nasubukan ng infanta
Flocerpida sa paliligó sa balon isáng madalíng araw. Kayâ nga’t namasíd
ng infanta Flocerpida na ang matandang yaon ay balatkayo lamang at siyá
nga’y tunay na makisig, malakas, at may sariwang katawan. Mulâ noon
ang infanta Flocerpida ay nag-ingat ng isang lihim na pagsinta sa pulubing
si Don Juan Teñoso. Ang Conde de Barcelona na ama ni Laura sa El Desdén
con el Desdén ay nagdaos ng mararangál na fiesta at inanyayahan ang
mga caballeros na namimintuho kay Laura at ang sino mang magwagí sa
paligsahang (torneo) idaraos ay siyáng magkakapalad sa kamay ni Laura.

104 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sa Don Juan Teñoso naman, ang Haring Don Diego sa Ungria na ama ng
infanta Flocerpida at tatlong prinsesa pa ay nagdaos din ng paligsahan
(torneo) dahil sa nais niyáng ipakasal na ang kaniyang apat na anak na ang
bunso nga’y dilì iba kundi ang infanta Flocerpida. At ang bawat makasaló
ng granadang ihahagis ng apat na prinsesa ay siyáng tunay na magiging
asawa nila. Doon nagkatipon, ayon sa saysay, ang tanang mga grandes
at caballeros ng mga iba’t ibang reyno. Sinimulan na nga ang torneo at
ang tatlong prinsesa ay inihagis na ang granadang nása kamay; ngunit ang
infanta Flocerpida ay hindî binitiwan ang kaniyang granada. Kayâ’t ang
amang Haring Don Diego ay agad ipinaurong ang torneo at ipinabúkas.
Nang dumatíng ang kinabukasan ay gayon din ang nangyari. Ang infanta
Flocerpida ay ayaw bitiwan ang tangang granada. Muling iniurong ang
torneo at ang Haring Don Diego ay nag-utos na libutin ang loob at labas
ng reyno at ilakad ang real bando na sino mang makasaló ng granadang
ginto ay siyáng pakakasalan ng infanta. Dahil sa real bando na nag-uutos
na ang lahat ay dumalo sa harapan ng palasyo at sumali sa torneo kahima’t
bilyano, nangyari ngang kinuha nila pati ang pulubing si Don Juan Teñoso,
at pagkatanaw ng infanta Flocerpida ay agad inihagis ang tangang granada
at pagkadaka namá’y sinalo ni Don Juan Teñoso na nakabalatkayong
matandang sugatan. Ang pagbabalatkayo ni Don Carlos de Urgel sa El Desdén
con el Desdén ni Moreto ay nása kilos at anyô niyá na pagwawalang-bahala
kung nakikita ang butihing si Laura; ang balatkayo naman ni Don Juan
Teñoso ay nasa pananamít niyang nag-anyong matandang sugatan. Marikít
at kawili-wiling basahin ang kasaysayan at búhay ni Don Juan Teñoso at
ang infanta Flocerpida, gayon din naman ang kaaya-aya at malinamnan na
kasaysayan sa El Desdén con el Desdén. Kung ang una’y kuha sa pangalawa,
o kayâ kung ang Don Juan Teñoso ay hangò sa El Desdén con el Desdén, sa
inyo ko na ipinauubaya. Nagkakaisang landas ang mga pangyayari, bagamat
may kani-kaniyang urì ang isa at hindî ko nga mapangahasang wikain na
hiram lamang ang panitik na ginamit ng kumatha ng Don Juan Teñoso,
dahil sa kung aking pagkuro-kuruin, may sariling búhay niya ang ating Don
Juan Teñoso na, kung sakalì ma’t katulad sa mga halamang nasimuyan ng
dayuhan, datapwat may inaangking sariling bangong nasasamyo sa ating
sariling bakuran.

SI DON ALEJANDRE AT SI DON LUIS

Ang kawili-wiling salita’t búhay ng dalawang magkapuwa-batàà na si Don

Mga Lektura sa Panitikang Popular 105


Luis ay nagdudulot sa atin ng maiinam at mararangál na pangyayari. Mga
ugaling bayani na halos ay di-makuhang aminín ng mga pangkaraniwang
budhî na nasanay maghilahod sa landas ng búhay. Yaong mga walang
kabihasnan sa matataas na layunin ng isang táong nanalig na kung siyá’y
nabubúhay dito sa lupa ay hindî upang sundin lamang ang nais at pita
ng katawan; kundî lalo at higít ang tumupad sa kaniyang tungkulin at
matataas na layunin ng isang táong may-baít at may-loob na bumubuo ng
kabayanihan sa isang lalaki. Ito’t dili iba nga ang sagisag ng mga naturang
obras caballerescas.

Bukal sa kabayanihang ito ang kalugod-lugod na kasaysayan nitóng


dalawang magkapuwa bata na si Don Alejandre at si Don Luis sa kaharian
ng Aragon at Moscobia. Ayon sa nasabing kasaysayan, ang dalawang
magkaibigan ay lubhang magkamukha na halos ay parang magkakambal
na kung nagkakapiling ay parang iisa at kung nagkakahiwalay namán ay
gayon din. Si Don Alejandre ang katipán ni Da. Lucena na anak ng Haring
Oliva sa Moscobia at si Don Luis naman ay kapalad ng matimtimang si
Florida, anak ng Haring Fernando sa Aragon. Hiling ng Haring Fernando
sa sino mang may nasàng pakasal sa prinsesa Florida na mapatay muna
at mapugutan ng ulo ang higanteng Gualberto Moron na binubuwisán ng
Haring Fernando malaon nang panahon. Dahil dito’y napilitan si Don Luis
na humarap sa harì at ipangako ang ulo ni Gualberto nang matamo niya ang
kamay ni Florida. Subalit ang ating Don Luis ay di umaasa sa sarili niyang
lakas kayâ’t humingî siyá ng taning na panahon at sakâ agad naglakbay,
tinungo ang kahariang Moscobia upang pasaklolo sa kaniyang kasi at tunay
na katoto na si D. Alejandre.

Ngunit sa labas pa lamang ng reyno ay nabalitaan na ni D. Luis na


ang anák ng Haring Oliva ay ikakasál kay Don Alejandre. Dahil dito’y di na
nga nakuhang bigkasín ang tunay na pakay niyá. Subalit si D. Alejandre na
may tunay na paglingap sa kaniya ay agad nabakas sa kaniyang paga-anyo
ang taglay na hapis ang kaniyang katotong si D. Luis. Kayâ nga’t siyá na
ang naunang nagsalita at nagtanong kung ano baga ang sadya’t pakay sa
ganoong paglalakbáy.

Tinuran na nga ni D. Luis at ang napagkaisahan nila’y si D. Luis ang


napagkaisahan nilá’y si D. Luis ang maiwan sa Moscobia na tumanggáp sa
matrimonio kay Doña Lucena na anak ng Haring Oliva at si Don Alejandre

106 Mga Lektura sa Panitikang Popular


naman ang siyáng makipagbáka sa higante at mag-alay ng kaniyang ulo sa
Haring Fernandong ama ng Prinsesa Florida na katipán ni D. Luis. Ang lahat
ng ito’y nangyari na wala kahit salagimsim man lamang na sila’y nagpalít,
palibhasa’y lubos ang pagkawangis nilá at mistulang iisa ang kanilang
anyo. Nairaos na ang pagdedesposoryo ni Doña Lucena na anák ng Haring
Oliva. Matapos ang mga pagdiriwang, sumapit ang dakilang sandali ng
pagpapahingalay nitóng mag-asawa; kusang inilagak nitóng si Don Luis sa
pagitan niláng dalawá ni Doña Lucena ang kaniyang espada na ang dakong
puño ay nása prinsesa at ang dulo nama’y bandá sa kaniya. Hindi iisang
gabí at dilì din naman mga ilang gabí kundi buwanan na naingatan nitóng
bayaning si Don Luis ang dangal at puri ng prinsesang si Doña Lucena na
ipinagkaloób at ipinakasal ng Haring Oliva kay Don Alejandre na naglakbay
sa Aragon upang matupad ang ipinangako ng katoto niyáng si Don Luis sa
Haring Fernando.

Na kung ito man ay isang tunay na pangyayari, o kayâ maaaring


mangyari sa mundong ibabaw, o dili kayâ naman hango sa isang kasabihan
na kung totoo man sa punò’y may dugtóng na sa dulo, ang lahat ng kuro-
kurò ay ipinauubaya ko na sa inyong malugod na nakikiníg sa akin sa mga
sandalíng ito. Suriin, takalin, at sukatin ang ganitong kataasan ng uri ng
mga unang ugali na nag-udyók at bumúhay sa matiyagang nagsisulat ng
mga obras caballerescas na siyáng batis na binukalan ng ating mga awit at
korido.

PRINSESA FLORENTINA

Matapos tayong manalamín sa mahiwagang paglingap ng infante Flocerpida


sa matandang sugatan na si D. Juan Teñoso; atin nang natunghayan si
D. Alejandre at si D. Luis. Atin naman ngayong liripin ang marangál na
kilos ng matimtimang si Florentina na, ayon sa kasaysayan, ay anák ng
emperador sa Alemania. Na kung anong tukso ang dumapo sa batok ng
amang emperador na magiliw suminta sa kaniyang anák. Mano nga nang
isang araw, ayon sa kasaysayan, ay nagpadalá ng isáng marikít na regalo
sa kaniyang anak na si Florentina at ang bilin at pasabi ay ito: wala siyáng
hinihintáy na kundî ang marikít niyang kamay.

Ang maganda at matimtimang si Florentina ay di nag-alinlangang


putlín ang kaniyang kamay at inilagay sa isang bandeha’t pinalamutihan

Mga Lektura sa Panitikang Popular 107


ng sari-saring bulaklak at sakâ tinakpan at ipinadala sa kaniyang mahal na
ama bilang katugunan sa kaniyang hilíng.

Palibhasa’y anak, di nakuhang sumuway sa hilíng ng ama bagama’t


hidwa. Kung dangan at matimtiman, walâng daáng mapagbigyán ang
nakamumuhing asal ng emperador. Kayâ’t sa karaniwang gamit ugalì sa
pamimintuhò sa pag-aasawa na ang sabi ay hinihingî ang kamay, hihilingin
ang kamay, hiningi na ang kamay; at ito rin nga ang pangungusap na ginamit
ng emperador sa kanyang anák na si Florentina. Subalit isinaletra cumplió
al pie de la letra ni Florentina ang kahilingan ng kaniyang amá sa marikit
niyang kamay. Sa ganitong paraan at kadakilaan ng puso ay napaunlakan
ng anak ang amang namamanhík at naipagtanggol naman ng dalaga ang
kaniyang puri sa amang sukaban at taksíl na di man lamang nangiming
magpahayag sa anák ng ganoong maruming damdamin. Kabayanihang
ikinintal ng kumatha sa karupukan ng isang babae, na nagdudulot sa atin
ng mataas na aral!

EL CID CAMPEADOR / RODRIGO DE VILLAS

Ang bantog na El Cid Campeador na naglarawan ng pakikibáka ng kahariáng


Castilla at ng mga Moro noong mga taóng 1049-1099 (magpahanggá ngayon
ay hindî pa matiyák ang tunay na kumatha bagama’t may paniwalang isang
pari, na dili iba kundi isang abad na nagngangalang Pedro gawa ng may
ilang kasulatan na parang nagpapaunawa na isang nagngangalang Per Abba
ang siyáng kumatha ng El Cid Campeador na marahil ay hindi na ngalan
at apelyido dahil sa ang ibig sabihin nga’y isang abad na nagngangalang
Pedro ang siyáng sumulat ng pamanang itó sa ating panahón) ay naging
batis ding binukalan ng ating mga awit at korido at sa katotohanan ay
ang ating Rodrigo de Villas na marami ang may paniwala na ito’y katha
ni Huseng Sisiw, ang siyáng tugon sa El Cid Campeador, na magmulâ sa
mga bukid ng Castilla ay umabot hanggang sa ating mga pampangin,
bagamá’t may kauntíng pagiiba ang mga pangyayari. At ito naman ang
siyáng dapat mangyari dahil sa kung sakalì mang ang ating Rodrigo de
Villas ay nag-ugat sa El Cid Campeador, subalit may sarili siyáng búhay na
hindi natinmasasabing isang pagsasalin lamang at di isáng pagkatha ang
ginawâ ng ating manunulat. Nasalin sa kasaysayan na ang ngalan ng El Cid
Campeador ay Ruy Diaz de Vivar o kayâ ay Rodrigo Diaz De Vivar.

108 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Rodrigo de Villas naman sa ating korido. Ayon sa kasaysayan,
panahon ng haring Alfonso VI sa Castilla nang mangyari ang mga bagay kay
Rodrigo Diaz de Vivar, na pinamagatan noong panahon na Cid Campeador,
na nangangahulugan ng ganitó: “pinunòng mapagwagí,.Sa ating korido
naman ay Haring Octabio sa España ang binabanggít; bagamá’t nagkakaisá
sa ngalan ni Da. Jimena, anak ng konde Lozano ng napangasawa ni
D. Rodrigo. Sa balangkas ng mga pangyayari ay di rin naman lubhang
nagkakaisa dahil sa El Cid Campeador, ang nag-udyók kay Rodrigo Diaz
de Vivar na mangibáng bayan at makibáka ay ang sariling kalagayan niya
at ng kaniyang asawa’t mga anak na naapí ng harì; samantalang sa D.
Rodrigo de Villas ang nagbulíd sa kaniya sa digmaan ay ang masidhing nais
na maipagtanggol ang karapatan at kapayapaan ng kahariang Espanya sa
kataksilan ng mga Moro. Tatapusin ko, ayon sa unang sinabi ko, bagama’t
ang ating Rodrigo de Villas ay hangò sa Rodrigo Diaz de Vivar ng Cid
Campeador, gayon man ay kumatha ang sumulat ng nasabing korido at
hindi isinalin lamang sa Tagalog ang Poema del Cid sa Kastila. Kawangis
ng mga uhay ng palay na kahima’t íisa ang sanga na sinusuplingan ay may
sarili siláng laman.

* * *

LA CANCION DE ROLDAN / Doce Pares sa Francia

Hindi lamang ang simoy ng inang Espanya ang naghatíd sa ating mga bukid
ng himig ng kaniyang diwang maginoo (espíritu caballeresco). Ang Francia
man sa pinamagatan ng Chanson de Roland (La Cancion de Roldan) ay
inihatíd din sa pamamagitan ng kaniyang mararahas na alon hanggang sa
ating mga pampangin ang kaniyang diwang maginoo (espíritu caballeresco).
Kayâ’t tumugon din ang ating mga mánunulat at mayroon nga tayong isang
koridong pinanganlang Doce Pares sa Francia na ayon sa palagay ay sinulat
ng isang manunulang bulag na taga-Tundo na ang unang letra ng kaniyang
ngalan at apelyido ay T.L. at ang sumulat naman (dahil sa siya’y bulag) ang
unang letra ng pangalan at apelyido ay C.G. Kayâ’t sa hulíng banháy ng
Doce Pares sa Francia’y ito ang nasasabi:

“Ito na hangá’t, siyang naguing uacás


nang búhay nang Magno at Pares na lahat,
cun may caculanga’t, uicang hindi tapát

Mga Lektura sa Panitikang Popular 109


cay T.L.C.G. ibuhos ang tauad.”

Sa La Canción de Roldan ay magiliw na isinasalaysay ang malambíng


na pagpapaalamanan ng magkatotong si Oliverio at si Roldan at ang
matamís at kagiliw-giliw na pananambitan ni Roldan sa kaniyang Durandal
— sandatang katoto’y saksí ng kaniyang mga pagtatagumpay. Sa Doce
Pares sa Francia ay nalalarawan ding kagiliw-giliw ang mga nabanggít na
pangyayari at ang makatà nating tumulâ ay hindî máhuhulí sa ningas ng
diwa at sa tamís ng mga damdamin ng sumulat ng La Canción de Roldan.
Katulad na nga ng mga sumusunód na banhay.

“Palibhasa siya,i, sugata,t, mahiná


at saca pagal pa,i, uala nang magauá
dito na nanaghoy nang icaluluhá
nono mang maquinig cahit batóng diuá.

“Pananaghóy niya,i, ganito ang saysay


ó emperador co icao ay nasaan,
natatalastas mo ang quinalalaguian
nang lincód mong abáng ualang capalaran.

“O catotong Roldan icao ay gumising


cun nacacatulog at na sa hilahil,
ang cahabag-habag abuluyan mo rin
maca cun dalhin na,i, hindi mo abutin.

“O minamahal co,t, aquin iniibig


magpacailan ma,i, di co sinasapit,
cundi ngayón lamang maghahandog hapis
icamamatay mo cun iyong mabatid.”

Ito ang panaghoy ni Oliveros, ngalan sa ating Doce Pares sa Francia,


samantalang sa La Canción de Roldan ay Oliverio. Si Roldan, o Rolando, o
kayâ Orlando Furioso na nangunguna sa mga Doce Pares sa Francia, na
pamangking buo ng emperador Carlo Magno, ayon sa kaniyang himutok
na naguhit sa ating korido

“Sa mahimasmasa,t, mapagsaulang loob

110 Mga Lektura sa Panitikang Popular


binatac ang balbas sabay naghimutoc,
aniya,i, ó Roldang alio co sa lúnos
at sa boong Francia,i laguing nagcucupcup.

“O pamangquing mahal na púso,i, sála


principe nang hocbó,t, sa moro,i, pamucsá
tangulan ng reino,t, dulugan nang madla
at uliran lubos nang na sa sacuná.”

Nang siyá’y mamatay na sa Ronsesvalles gawa ng taksíl na si


Galalon—itó ang ngalan sa ating Doce Pares sa Francia; Ganelon sa La
Canción de Roldan—-na ipinagkanulo silá, ay ganito ang pahayag ng
maningas na panitik ng ating makatà:

“Humalic sa cruz nang tangan espada


at pinapagdoop camay na dalaua,
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Saca nang matapos sa langit tumingin
at tuloy nag-uica nang gayaring turing
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

At saca niyacap ang cruz nang espada


. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .”

Ito ang mairog na paalam ni Roldan sa kaniyang espadang Durandal.


Ang masidhíng pangarap na nag-akay sa sumulat ng La Cancion de Roldan
ay tila mandin siya ring naging sulo at liwanag na panitik ng kumatha ng
ating Doce Pares sa Francia.

Sa una’t ikalawa ay pinagyaman niláng inilarawan kay Roldan at kay


Oliverio (ayon sa una) at Oliveros (ayon sa kalawá) ang buong sangkap ng
kabayanihan, ang dalisay na damdamin ng isang tunay na pagkakaibigan
at ang marangál na asal ng isang tapát at liyag na paglilingkod sa lupang
tinubuan.

* * *

Mga Lektura sa Panitikang Popular 111


FLORANTE AT LAURA

Ang Florante at Laura ng ating di malilimot na si Francisco Baltazar


ay may himig ding diwang maginoo na nagtagumpay noong mga unang
araw at kung atin ngang babakasín ay malugod nating mamamalas ang
ganoong diwa sa marangál at di pangkaraniwang kilos ng mga nababanggít
na nagsiganap.

Kay Menandro inilarawan ni Balagtas ang urì ng isáng tunay


na kaibigan; kay Aladin iginuhit niyá ang diwang maginoo, (espíritu
caballeresco) isáng mabangís na kaaway, ng magiliw na kandungin sa
kaniyang sinapupunan ang lustay na katawán ni Floranteng (kaniyang
kaaway) na nasumpungan niya sa liblíb ng kagubatan; kay Fleridang
mahinhín ikinintal niya ang kagandahan ng bait sa isang babae; at sa
katapusan ay ipinamana niya sa matimtimang si Laura ang karikitan ng
isáng babaeng tapat magmahal at pinagtibay sa butihing si Florante ang
kadakilaan ng kabayanihan. Para mandíng di ko mapigilang banggitín sa
mga sandalíng ito ang mga ilang banhay ng Florante at Laura kahit talastas
kong lubos na ito’y di nalilihim sa lahat ng sa aki’y nakikimatyag at ang nag-
uudyók sa akin ay ang kadakilaan ng kaniyang mga aral.

(Sa Kagandahan ni Laura)

Sa kaligayaha’y ang nakakaayos


bulaklak na bagong winahi ng hamog,
anopa’t sinomang palaring manood
patay o himala ang hindi imirog
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

(Sa mga anak at magulang)


Ang laki sa layaw kariniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat,
masaklap na bunga ng maling paglingap
habag ng mauling sa irog na anak.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

(Sa lahat)

112 Mga Lektura sa Panitikang Popular


aniya’y bihirang balita’y matapat
magtutoo ma’y marami ang dagdag
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
kung ano ang taas ng pagkadakila
siya rin lagapak naman kung marapa
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Kung ang isalubong sa inyo pagdating
ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
lalong kaingatan kaaway na lihim
siyang isaisip na kakabakahin.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Gaya ng halamang lumaki sa tubig
daho’y nalalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init
gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Dito naniwala ang bata kong loob
na sa mundo’y walang katuwaang lubos
sa minsang ligaya’y tali nang kasunod
makapitong lumbay hanggang sa matapo.

EPILOGO

Palibhasa ang mga pangyayari’y umaayon sa panahon at ang takbo ng pag-


iisip ng mga tao ay nakikiayos sa lakad ng kasaysayan; kayâ’t noong Lumang
Panahong Bato (Paleolithic or Old Stone Age) ang ugalì at damdamin ng
mga tao ay wagas na katulad ng malinis na bato na nahuhugasan ng ulan
at sinisinagan ng araw; at nang sumunod ang Panahong Bato bago ang
kasaysayan (Neolithic or New Stone Age) ay lumambot nang kaunti ang
mga damdamin ng mga tao na para ngang tunay na nakikibagay sa simoy
ng panahon; at nang dumatíng ang Panahon ng mga Bakal (Age of Metals)
ay parang nagbagong ugalì, kilos, at mga damdamin ng nasasakupan
ng Sansinukuban; gayon din naman ang kanilang mga pangarap at mga
layunin sa búhay. Katulad na nga ng mga pangyayaring nababása natin
sa mga aklat na pinag-aralan, na noong mga unang araw sanhi sa diwang
maginoo (espiritu caballeresco) na naghahari at lumalaganap sa maraming
mga bayan-bayan ng Europa ay nangyaring ang araw, ang buwan, ang unos,
ang tubig, ang apóy, ang lahát ng mga angkán ng Kalikasán.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 113


At nang kumupas ang ganitong kasidhian ng loob ay napahimaling
silá sa pakikibáka sa mga kapuwa tao na ibinibilang niláng kaaway kung
sumalungat sa kaniláng mga damdamin at layunin, gaya nang kung ang
isang lalaki ay nagkukulang sa paggálang sa isang babaeng pinipintuho ng
ibáng lalaki; o dili kayâ sa kapuwa lalaki’y mayroong isang tumatanggi sa
salitang binitiwan; búhay nga ang katumbás ng mga ganitong pagkukulang
at dugo naman ang inihuhugas sa mga sugat ng alaala ng sinumang
naaapi. Dahil dito’y lubhang pangkaraniwan noong mga unang araw ang
mga duel at mga desafio na ating mga nababása na kung minsán ang
pinaggagalingan ay napakaliít na bagay na kung baga’y isáng butil na
buhangin sa dalampasigan. Katulad na nga ang sa hindî pagbato o hindî
panggantí sa bumabatì; ang isang titig ng mata, ang isang pagpapahiwatig,
ang isang ngiti, ang isang bulong, ang anumang kilos na nakapagbibigay
ligalig sa kalooban, ay kusang linilitis sa dulo na sandata na ang puluhan
ay nagmumulâ sa pusong nasugatan at tumatalab naman sa katawan ng
palamarang kusang lumapastangan.

Subalit lumipas na rin ang panahong ito at kasáma niyang napawi ang
ganoong ugali. Humalili sa sandata ang panitik, na kundî man nakahihiwà
sa katawan, datapwat nakasusugat sa puso; at kung mabilís man ang galaw
ng sandata sa kamay ng bihasa ay lalong lubhang maliksi ang takbó ng
panitik sa kamay ng dalubhasa. Dahil dito’y humalili ang panahon na ang
paglilitis ay ginaganap sa panitikan sa halíp ng sandata.

Kayâ nga noong unang panahon ay malimit nating mabása na isang


gintong granada ang inihagis ng mga prinsesa sa mga paligsahan (torneo)
sa nagtagumpáy; samantalang ngayon ay isáng sariwang bulaklák ang
ikinakabít ng isang dalaga, mutya o paraluman sa manunulat o manunula
na nagwagí.

Kayâ nga’t bulaklak ng diwang maginoo (espíritu caballeresco)


ang ating mga balagtasan na siyáng humalili sa mga paligsahan (torneo)
noong mga unang araw. Ang makata o manunulat nating tumutula o
kaya’y naghahanay ng kaniyang mga damdamin alang-alang sa isang
pagdiriwang ng bayan, sa isang mahalagáng pangyayari, o dili kayâ sa
pamimintuho sa isang minumutyang dalaga; iginugugol ang kaniyang mga
damdamin; iniuubos ang káya ng kaniyang mga pangarap at ang lahat ng

114 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ito’y mahinahong iniaalay at idinudulot sa paanan ng kaniyang marikít na
paraluman at nasisiyahan sa isang gantingpalang nalalarawan sa isang
sariwang bulaklak, na kahit masamyo’y naluluoy din naman. Matangi
nga lamang na kung sa kaniyang pagkaluoy ay naisasabog na kasáma ng
kaniyang bangó ang pangalan ng makata o ng manunulat na nagkapalad
nagwagí. Ang kauna-unahang Balagtasan ay ginanáp noóng ika-2 ng Abril ng
taóng 1922 sa bulwagan ng Instituto de Mujeres sa ilalim ng pangangasiwá
ng Kapulungang Balagtás.

Mga nagsiganap:

José Corazon de Jesus (s.I.n.)


(paruparong itim),
Florantino Collantes
(bubuyog),
Sofia Enriquez
(kampupot).

At sa Kastilà namán, ang unang balagtasan, o justa poética ay


ginanáp sa Opera House noong taóng 1926 ng mga sumusunod:
Jesus Balmori—Recuerdo,
Manuel Benabe—Olvido,
Francisco Varona—Mantenedor

* * *

Sa balagtasan nga ng ating panahon nauwi ang diwang maginoo


(espiritu caballeresco) noong mga unang araw. Sa ningning ng panitik
natin ngayon hahanapin ang kislap ng sandata noong araw, at sa tamis ng
panananalitâ ngayon malalasap natin ang bagsik ng pakikibáka nilá noon.

Mga maginoo silá (caballeros) na ipinagtatanggol ang pagkamaginoo


(caballerosidad); mga makata at manunulat ang atin ngayon na
pinalalaganap ng budhi at damdamin.

Kaaway ng mga maginoo (caballero) ang kalikasan; kasalimuha


naman ng atin mga makata ang mga panganorin, ang mga bukid, ang

Mga Lektura sa Panitikang Popular 115


kaparangan sampu ng mga bituin at kabundukan.

Ano pa’t sa madalíng salita, dugong buháy ang pinaaagos ng mga


maginoo noong unang panahón sa kaniláng mga pagbabáka; ngayo’y dugo
ng kaluluwá naman ang pinadadaloy ng ating makata at manunulat.

Marangal ang layunin nila doon. Maningas ang pangarap nila dine.
Matigas na bakal, katulad ng kanilang panahón, ang ginagamit nilá sa
pakikibáka; marupok na panitik ang kasangkapan ng ating mga manunula’t
manunulat.

Matigas at gintong granada ang gantímpalà nilá noong unang


panahon sa kanilang mga pagtatagumpay; sariwa’t masamyong bulaklák
naman ang sagisag na taglay sa kaniyang dibdib ng sino mang makata o
manunulat na nagwawagí sa mga pagdiriwang sa kasalukuyan.

Sa gintong granadang di natutunaw, ngunit walang bangong


humahalimuyak nalilimbág ang pagwawagí ng mga maginoo; subalit sa
isang maselan at naluluoy na bulaklak nasusulat ang pagtatagumpay ng
ating mga makata o manunulat, na kung malagas na ang kaniyang mga
talulot ay ibinubulong sa hanging naghahatíd sa himpapawid kasáma ng
kaniyang bango ang ngalan ng nagtagumpay.

116 Mga Lektura sa Panitikang Popular


MGA KASAYSAYAN SA IBA’T IBANG LUPA
NA TULAD SA IBONG ADARNA1
Pura Santillan-Castrense

B ilang pagpapaunlak sa anyaya ni Ginoong Julian C. Balmaseda, kilalá sa


panitikang Tagalog, na pag-ukulan ng pansin ang ating mga awit at korido,
lalong-lalo na ang pinamagatang Ibong Adarna, na inaakala niyang hindi
likás na Filipino, ay pinag-inutan kong magtipon ng mga saligan, hangga’t
magagawa at hangga’t mayroong pagkukunan at mapagsasanggunian.
Bagama’t ang gawaing ito’y maaaring makabawas sa mga papuring iniukol
ng ibang manunulat sa ikatatanghal ng panitikang Filipino2, mga manunulat
na nagsasabing ang Koridong Ibong Adarna o ang kasaysayan nitó ay
katutubong atin, ay minabuti ko na ring ituloy ang masusing paghanap ng
landas na ikalalantad ng katotohanan, upang sa ganitó’y maisiwalat ang
lalong dapat na paniwalaang pinagmulan ng nasabing kasaysayan.

Ibig ko nga sanang matiyak sa inyo ang tunay na pinanggálingan


ng alamat ng Ibong Adarna; halimbawa’y masabi ko nang walang pag-
aalinlangan na ito’y gáling sa India o sa Arabia. SubalitSubalit hindi sa
kakulangan ng mga aklat at kasulatang sukat pagbatayan ng isang matalinong
haka-haka, ay napilitan akong magkasiya na muna sa natuklasan kong mga
salaysay na totoong hawig sa Adarna sa lalong makabuluhan nitóng mga
bahagi, na nagbigay sa akin ng paniwala na bagama’t maaaring hindi táyo
pumaris kanino man sa kathang ito, marahil ay hindi naman táyo pinarisan.
At ikinalulungkot kong aminin na biglang bunga ng aking mga pagsisiyasat
ay may-paniwala ako na tila mandin táyo pa nga ang siyáng namaris.

Ang mga dalubhasa’y may tinatawag na theory of polygenesistheory


of polygenesis (na hindi ko káyang tagalugin) na nagpapatunay na sa iba’t
ibang dako ng daigdig ay halos sabay-sabay na sumibol sa isipan ng mga
makata, manunulat, mananalaysay, ang mga pangarapin o bungang-isip
na magkakahawig o magkakaparis. Halimbawa, ukol sa mga salawikain, ay
1
Panayam na binigkas sa Bulwagan Villamor noong 14 Marso 1940.
2
Balmaseda, J.C. “Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog”. Panayam noong 28 Hulyo
1938. (Publications of the Institute of National Language, August, 1938, 4, no. 3, pp. 19-
20.)

Mga Lektura sa Panitikang Popular 117


may nabasáhan akong isang aklat na nagsasalaysay na lubhang mahirap
matukoy ang pinanggálingan ng mga ito, dahil sa mula’t mula pa’y nagisnan
na sa iba’t ibang dako ng daigdig ang magkakasindiwang mga salawikain.
At kung bagama’t magkakaroon silá ng bahagyang pagkakaiba-iba, ito’y
dahil sa pagkakaiba-iba naman ng kanilang pook na kinaroroonan, ng
panahon, ng simoy, ng ikinabubúhay at ng mga biyayang kaloob ng
kalikasan. Halimbawa, ang mga salawikaing ukol sa pamatid-gutom: sa atin
ay maaaring banggitin ang kanin, sa Kastila ang tinapay, sa Italyano ang
ispagheti, sa Aleman ang patatas. Gaya nga ng salawikaing ito: “Walang
matigas na tutong sa taong nagugutom”, ang tutong ay kilala natin dahil sa
ating kinakain iyan; sa Ingles naman ay “Hunger is the best sauce”, sapagkat
madalas gamitin ang salsa sa mga bayang nagsasalita ng wikang Ingles. Sa
Kastila naman, itong salawikaing “A falta de pan, buenas son las tortas”, ay
nagpapakilála na ang mga ito ang karaniwan nilang kinakain.

“A falta de pan, buenas son las tortas”, ay nagpápakilala na ang mga


itó ang karaniwan niláng kinákain.

Hindî lamang sa mga saláwikaín nákikita ang pagkakáhawig ng


mga bungang-isip; nasásaksihán din natin na sa pag-unlád ng pánitikán
dunong, kabihasnán ay tila bagá ang ibá’t ibáng bansá (doón man
lamang sa mga tagádakong kalunuran na siyá kong nápag-aralan) ay
sumúsulong na halos sabáy-sabáy at magkakawangis, bagamá’t walâ
siláng paraán ng pagpapálitan ng diwà, lalò na noóng hindî pa nálilikha
ang limbagan. May nádidiníg pa tayong mga pagtatalo ukol sa tinátawag
na plagio o panghuhuwád ng isipan sa mga súliranin ng pagtuturò at ng
dunong (education and science), na ang kadalasáng pasiyá ay ang hindî
kusang naghúwaran kundî talagáng nagkáparis lamang. Lahát ng itó ay
nagpápatibay sa kawastuán ng theory of polygenesis.

Laban sa teoryang ito ang tinatawag na diffusion theory na


nasásaysáy na ang isipan ng tao ay lumálaganap at nagkákawangki-
wangkî sa pamamagitan ng paglilipatán o sa paglalakbáy, at dahil dito’y
nagkákahiraman din ng ugalì, kuro-kurò, kabihasnán at mga buód ng mga
kasaysayan o kuwento. Sa ganáng sarili, sa paglimì ng mga saláwikaín o
proberbiyo, o anumáng ísipang likás sa lahát ng tao sa buóng sansinukob sa
lahát ng panahón, ay tamà ang theory of polygenesis. Dátapwát kung ukol
sa mga kasaysayan o kuwento sa likháng sarili o bungang-isip ng isá’t isáng

118 Mga Lektura sa Panitikang Popular


tao, ay tila lalong angkóp ang diffusion theory na ináakalà kong siyáng dapat
nating sundín sa pag-aaral nitóng koridong Ibong Adarna. Dahil sa kulang
táyo ng mga aklát sa tatlóng pinakamalalakíng aklatan dito sa Filipinas,-
ang Aklatang Pambansá, ang Aklatan ng Kawanihan ng Karunungan, at ang
Aklatan ng Unibersidad ng Filipinas, — ay ipagpaumanhín ninyó sa akin,
inuulit ko, ang hindî pagkakádugtung-dugtóng ng mga nátuklasán kong
talâ tungkól sa maáring pinagmulân ng Adarna. Gayón din ipagpaumanhín
sana sa akin ang hindî pagtiyák sa tunay na pinagmulán ng Ibong Adarna.
Sapagkát sa kakulangán ng mga katibayan ay náuwî na lamang akó sa
matiyagáng pagbuú-buô at paghahaká-hakà.

At bago ko simulán ang pag-uulat ng aking mga nátuklasáng


variyant o kawangkî ng koridong itó sa ibá’t ibáng lupà ay minámarapat
kong pasalamatan muna ang lahát ng sa aki’y nangagsitulong sa mga
pagsisiyasat. Ang mga itó’y siná Dr. Dean S. Fansler, bantóg na folklorista
na pinagsásanggunián hindî lamang sa atin kung hindî sa ibá’t ibáng
bansá (ang pangalan niyá ay nábabanggit saán mang aklát at taláaklatan o
bibliography); tungkól sa folklore si Profesor Bernardo, na kailanmá’y hindî
nagkaít ng tulong sa kanino mang may kailangan sa kaniyáng panahón at
dunong; si Profesor de Veyra, na isá pang buóng lugód na tumulong sa aking
mga paghahanáp; si Dr. Steiner at si Profesor Natividad na bilang nagíng
mga sanggunián ko sa pagsasalin ng mga aklát na alemán at olandés; ang
mga kawaní sa Aklatang Pambansá at Aklatan ng Káwanihán ng Karunungan
na buóng pusong nagsigugol ng panahón sa paghanap ng mga aklát at
talâ na aking kinailangan; at ang kapatíd kong si G. Conrado Santillan na
nagwastô nang kauntî sa aking hindî lubháng mahusay na pananagalog.
Siláng lahát, na aking pinasásalamatan, ay makasásaksí sa kadahupán ng
ating mga aklatan sa mga kasulatan at aklát na súkat magamit sa kailangan
ng tunay na may-nasàng makatuklás ng bagay-bagay (bilang research) sa
ating pánitikáng pang-unang dako; silá’y makapagsásabi rin na madalás
na ang mga bibliography card na kinátatalaan ng aking mga hináhanap
ay bumábalík sa akin na ang nakalagáy ay “none in library,” “walâ rito sa
aklatan.” Marahil ang ganitóng kasalatán ng ating mga aklatán ay maáaring
mabigyán ng lunas kung sa pamamagitan ng gáwaing gaya nitóng aking
sinimulán ay máipakilala sa madlâ, o sa mga kináuukulan, ang ating
masidhing pangangailangan ng mga aklát na saligán (fundamental works)
sa pagtuklás ng anumáng tungkól sa folklore natin na sukat makapagbigay
liwanag sa kayamanan o kasalatán ng ating likás na diwà.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 119


Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ay hindî kailâ sa atin. Si Dr. Fansler,
na tinuran ko na, ay nag-ukol na ng dî kákauntíng panahón sa pag-aaral ng
koridong itó. Siyá, at akó man, matapos ang masigasig na pagsisiyasat, ay
buúng-buô ang paniniwalà na ang mga bahagi ng koridong itó ay tumútukoy
sa pinamámagatáng motif at cycle ng pandaigdigang folkloritas, gaya niná
Stith Thompson, Andrew Lang Grimm (magkapatíd), Bolte, Kohler, Polivka,
Antti Aarne, atbpp. Ang mga tinátawag na motif at cycle ay siyáng bumúbuô
ng pinakabalangkás ng isáng kasaysayang may uring folklore.

Ang motif at cycle ng Ibong Adarna kung ang pagbábatayan nati’y


ang mga folkloristang nábanggít, marahil ay ang mga sumusunód:

May isang amá (isáng hari), kung minsa’y iná (o reyna), na maysakít.
Kailangan nitó ang isáng bagay upáng siyá ay gumalíng: - ibong kumákantá,
tubig ng buhay, bulaklák, halaman, bunga ng buhay, o ibá pang bagay na
makalúlunas. May tatlóng anák, na siyáng maglálakbáy upang tumuklás ng
sukat makalunas sa karamdaman ng kaniláng magulang. Maghíhirap ang
tatló; mákakamtán ng bunsô ang ninanais na lunas, sa pamamagitan ng
tulong ng engkanto o isáng matandâ o hayop na kaniyáng kinalingá, o sa
pamamagitan ng mabuting gawâ, ngunit siyá’y paglíliluhan ng dalawáng
kapatíd upáng ang lunas ay magíng kanilá at silá ang magkamít ng papuri.
Mga hirap ang dáraanan nitóng pinakabatà, at sa hulí ay ang ginhawa,
tagumpay; kung minsan’y nagtátapós sa kaparusahan ng dalawáng taksíl
na kapatíd.

Mulâ sa ibáng lupà ay may mga kasaysayan ding nababatay sa motif


na násabi: sa kaniyákaniyáng bibliografia o taláaklatan ay kinailangan ni
Grimm ang pitóng mukhâ (páhina) upáng máibigay lamang ang sari-saring
varyantvaryant o pagkakáiba-iba ng kuwentong pinamagatáng Goldene
Vogel (Ang Gintóng Ibon), at ang motif ng Adarna natin ay náhahawig sa
motif ng mga itó, malakí o maliít man ang pagkakáhawig.

I. Halimbawá, ang sumúsunód na kasaysayan (sinásabi


na kathâ itó noón pang taóng 1300- ang pinanggalingan ay ang
kuwentong Scala Celi, ng paring Dominiko na nagngángalang
Johannes Gobii Junior sa Provenza) Isáng harî na may sakít na
malubhâ: kailangan niyá ang tubig ng búhay. Ang tatlóng anák

120 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ay naglakbáy, nagtawíd-dagat, at sumalunga sa bundók at gubat
upáng mákamtán ang lunas. Ang hulíng anák na mabaít at magálang
ay tinulungan ng isáng matandâ sa paggapì ng mga panganib na
kaniyáng hinaráp bago sumapit sa palasyong kinálalagyán ng lunas
ng tubig,— ang ahas na makamandág, ang mga dalagang nakaáakit
sa tingín, ang mga kawal na nagbábantáy sa paligid ng palasyo; at
tinuruan pa rin siyá kung paano mapapasok ang palasyo. Binigyán
siyá ng isáng esponha na makatutulong sa kaniyáng paghanap.
Pinagtagumpayán niyá ang mga panganib, at pagkatapos niyáng
madulutan ng lunas ang kaniyáng amá ay nápangasawa pa niyá ang
prinsesa sa palasyo.

II. Mulâ sa Hessen (Alemanya)taóng 1812, itóng


kasaysayang sumúsunód na hawig na hawig sa ating Adarna:

Isáng harì na nagkasakít o dilì kayâ’y nabúlag. Náriníg niyá
(sa ibáng kuwento ay nápanaginip niyá) na ang lunas sa kaniyáng
sakít ay isáng ibon, ang Phoenix, na kung ang kantá o sutsót nitó
ay kaniyákaniyáng mádiníg ay sápilitáng siyá’y gágalíng sa kaniyáng
karamdaman. Ang tatlóng anák ay sunód-sunód na nagpakahirap
upáng mátuklasán ang ibon; ngunit ang pinakabatà lamang ang
nagtagumpáy sa pamamagitan ng isáng zorra na ang hiningíng
pinakagantimpalà sa kaniyáng mga mahalagáng tulong ay ang
siyá’y barilín upáng sa ganitóng paraán ay manumbalik siyá sa
dáting anyô—ang pagkatao—na nawalâ sa kaniyá dahil sa bagsík ng
isáng engkanto. Itóng gantimpalang itó ay nákalimutang igawad ng
prínsipé matapos mákamtán ang nais.

III. Sa Paderborn (Alemanya) ay ganitó namán ang


pagkakáibá ng kasaysayang kababanggít lamang. Itó’y pinamagatán
ding Ang Ibong Gintô.

Isáng harì na may hálamanáng kinároroonan ng isáng punò


ng mansanas na ang bunga ay gintô. Ngunit tuwíng mahihinóg ang
mga bunga ay nawáwalâ ang isá nitó. Ang tatlóng anák ng harì
ay isá-isáng inatasang magbantáy sa mansanas at ang bunsô ang
siyáng nakákita sa ibong gintô na siyá paláng nagnánakaw. Binaríl
niyá ang ibon at nalaglág ang isáng bagwís. Nang mákita itó ng amá

Mga Lektura sa Panitikang Popular 121


ay sinabi sa mga anák na hulíhin nilá ang ibón.

Nangagsápalarán ang tatlóng magkakapatíd—ang dalawáng


matandâ, sa halíp na makinig sa payo ng isáng zorra ay binaríl pa
itó; ang pinakabunsô ang siyáng kinalingà ng zorra Sapagkát siyá
lamang ang nagpakita rito ng magandáng loob. Itinurò sa kaniyá ng
hayop kung paano niyá mádadakíp ang gintóng ibon. Ipinagbilin pa
sa kaniyá na itó’y huwág niyáng ilálagáy sa háwlang gintô kung hindi
sa háwlang kahoy. Nágkamalî ang bunsóng prínsipé nang kaniyáng
suwayín ang biling itó, Sapagkát inilagáy niyá ang ibon sa háwlang
gintô rin at dahil dito’y nádakíp tulóy siyá ng mga tagabantáy.
Subalit hindî namán nagalit ang haring may-arì ng ibon at siyá’y
pinangakuang ibíbigáy sa kaniyá ang ibong gintô kapagká náhuli
niyá ang kabayong gintô.

Tinuruan siyáng mulî ng zorra ng paraán ng pagdakíp dito,


lakip ang bilin na huwág lamang gágamit ng munturang gintô.
Sinuwáy na namán ang zorra, at sa halíp na munturang katad ay
gintô ang ginamit. kayâ’t Kayâ’t nádakíp na namán siyá. Ang haring
may-arì ng kabayo’y nangakò namán na ipagkákaloob itó sakali’t
mádalá sa kaniyá ang prinsesang nasa kastilyong gintô. Mulî na
namán siyáng tinuruan ng zorra. Mulî na namán niyáng niwaláng-
bahalà ang payo, kayâ’t nahuli siyá ng haring amá at prinsesa.
Ang hari’y nangakò na ipagkákaloob sa kaniyá ang anák sakali’t
máilipat niyá sa loób ng walóng araw ang bundók na nasaharáp ng
dúrungawán ng palasyo.

Pitóng araw siyáng naghukáy, ngunit walâ siyáng nasapit.


Nang ikawalóng araw ay tinulungan na siyá ng mapagkalingang
zorra at tinuruan pa kung paano ang paraán upáng masarili niyá
ang prinsesa, ang kabayo, at ang ibon. Sa pagkakátaóng itó ay
tinupád niyá ang lahát ng bilin ng zorra. At dahil dito’y nakauwî
siyá na daláng lahát ang gantimpalà, at náiligtás pa ang dalawáng
kapuspalad na kapatíd niyá.

Ang kasaysayang itó’y halos waláng pinag-ibhán sa


kuwentong Tseko na binanggít ni G. Balmaseda sa kaniyáng salaysáy.
Ang kaibhán lamang ng kasaysayang Tseko ay lalong mahabà itó

122 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sapagkát naglamán pa ng sumúsunód: Ang prinsesa, ang kabayo
at ang ibon sa kuwentong Tseko ay inagaw ng dalawáng matandáng
kapatíd, at iniwan ang bunsô pagkatapos na itó’y paslangin.
Náiuwî ngâ sa haring amá ang mga kailangan nitó, Dátapwát mulâ
noon ay hindi na umawit ang ibon, hindi na kumain ang kabayo
at hindi na sinukláy ng prinsesa ang buhók niyáng gintô, hanggá’t
hindi dumárating ang prinsipéng bunsô na muling pinagsaulán ng
búhay sa pamamagitan ng tubig ng buhay na ibinuhos sa kaniyá
ng mabait na zorra. Hindi ngâ ba namán kapansin-pansin ang laki
ng pagkakáhawig ng balangkás o motif ng kuwentong tsekong itó
sa ating Adarna? Tila hindi námali si G. Balmaseda sa kaniyáng
palagáy.

IV. Mulâ sa Vaderborn, taóng 1808, ay sinulat ni


Gretchen Wild ang kasaysayang sumúsunód na pinamagatáng Ang
Maputing Kalapati:

Ang isáng hari ay may isáng punò ng peras na nagbúbunga


taon-taón. Ngunit kapág ang mga bunga nito’y hinóg na ay isá-
isáng nawáwalâ. Kayâ ang náisipan ng harì ay pabantayán ang
peras sa kaniyáng tatlóng anák na lalaki. Ang panganay na anák
ay nákatulog sa pagbabantáy, gayón din ang ikalawá, ngunit ang
pinakabunsô na tinátawag niláng “Ang Gunggóng” ay siyáng
nakásaksí sa pagnanakaw ng peras ng isáng kalapating putì dahil
sa hindî niyá pagtuúlog hábang nagbábantáy . Hinabol niyá itó na
nákita niyáng nagtungo sa isáng bundók. Sa tulong ng isáng matandâ
na kaniyáng pinagpakitahan ng magandáng loob ay nakapasok siyá
sa bundók. Ang ibon ay nákita niyáng balót ng sapot ng gagambá.
Kaniyáng pinakawalán ang kalapati at sa ganyáng pagkakápawalâ
ay lumipas ang bisa ng engkanto at ang dating kalapati ay naging
isáng magandáng prinsesa, na sa hulí’y naging asawa ng prínsipéng
bunsô.

V. Gáling sa Dinamarka, noóng taóng 1696, sa mga


kasulatang tinipon ni Nyerup; isinaling galing sa Alemán ni P.J.
Hegelund, ang kasaysayang sumusunód tungkól sa Haring Eduardo:

Mga Lektura sa Panitikang Popular 123


Ang Haring Eduardo sa Inglatera ay nagkasakít, kayâ’t
siyá’y pinagpayuhan ng matatandáng babaeng marurunong sa
lupaing yaón na ipahanap ang lunas sa kaniyáng tatlóng anák. Ang
prinsipéng panganay at ang pangalawá’y hindi nagtagumpáy, ngunit
ang bunsô ang nagdalá sa amá ng ikinaginhawa nitó, na di ibá’t ang
Ibong Phoenix na galing sa reynareyna sa Arabia. Sa katapusán ay
nápangasawa pa nitóng bunsóng prinsipéng matapang ang násabing
reyna.

Marami pang lubhâ ang mga ibá’t ibáng varyant o kahawig


nitóng ating kasaysayan, kayâ mapípilitan akóng banggitin na
lamang ang mga pamagát, dahil sa páhahabà ang aking pag-uulat
at kúkulangin tayo sa panahón. Ang mga sumúsunód ang mga
pamagát ng ibá pang mga kasaysayang hawig na hawig sa Adarna:
sa Rumanya, Ang Gintóng Ibon at ang Ibon ng Paraiso; sa Tyrol,
ang Ibong Phoenix, ang Tubig ng Búhay at ang Kahanga-hangang
Bulaklak; sa Austriya at Suwesa, Ang Anák ng Harì at Ang Ibon;
sa Norwega, Ang Ibon ng Kabataan; sa Eskosya’t sa Irlanda, Ang
Haring Inglés at ang Kaniyáng Tatlong Anák; sa Malta, Ang Ibong
Nagpápabatà sa Pamamagitan ng Kaniyáng Pag-awit; sa Portugál,
sa Gresya at sa Bulgaria, mga kasaysayan tungkól sa Salaming
Máhikó o Ibong Marilág na Nakagágaling sa Maysakít; sa Rusya,
Litbiya, Estonya, Pinlandiya, Laplandiya at Hungriya, Ang Ibong may
Ginintuang Tinig; sa Armenya, Ang Makababalagháng Ruisenyor;
sa Espanya, El Cuento del Pájaro Adarna na marahil ay sa atin din
kinuha, Sapagkát nang limbagìn ay nang mga unang taón na nitóng
siglo XX; sa Tartarya, Ang Ibong Murgi-Guli-Chandan, na nagpagalíng
sa hari sa pamamagitan ng kaniyáng awit; sa Madagaskar, Ang
Isilakólona na nagsásaysáy tungkol sa magkakapatid na humanap ng
isáng putting manók, mapupuláng peras, at baka, upáng ibigay ang
mga itó sa kaniláng amá, at sa katapusá’y ang nakákuha nitó’y ang
pinakabatà; sa Kabyl, Hilagang Apriká, Ang Tatlóng Magkakapatìd,
atbp.

Itútulóy ko na ngayón ang ibá pang mga kasaysayang


náwawangkî sa Adarna, kung kayó’y hindi pa nangángawit sa
pakikinig sa akin. Sa buóng Europa at sa Kasilanganan, alinsunod
kay Grimm, sa kaniyáng mahalagáng aklát, ay nákikilala ang

124 Mga Lektura sa Panitikang Popular


kasaysayan ng Tubig ng Buhay na ang alamát ay ang sumúsunód,
humigit-kumulang.

Ang amáng hari ay may sakit. Ang tatlóng anák na lalaki ay


nangalúlungkót. Pinagpayuhan silá ng isáng matandâ na hanapin
ang tubig ng búhay. Ang pinakamatandáng prinsipé, na siyáng
náunang lumakad upáng hanapin ang lunas na itó, ay nakásalubong
ng isáng unano. Hinamak niyá itó, at nagpatuloy siyá sa kaniyáng
paglakad, ngun’t pagdating sa isáng bundók ay hindi na siyá
makasulong ni makaurong. Nátirá siyá roón. Gayón ang nangyari
sa ikalawáng prinsipeng kapatìd niya. Ngunit ang ikatló, na
pinakabunsô sa kanilá, na nagpakita ng pagpipitagan sa unano, ay
tinulungan nitó na makapasok sa kastilyo na mahalagá, at náiligtás
pa ang prinsesang nábibilanggô roón. Tinulungan din ng unano na
mátuklasán ng bunsóng prinsipé ang kinálalagyán ng dalawá niyáng
kapatid, bago silá umuwing apat (ang tatlóng magkakapatid at ang
prinsesa), matapos matulungan ng pinakabatang prinsipé, laban sa
mga kaaway, ang tatló namang haring násalubong nilá.

Samantalang silá’y naglálakbáy na pauwî ay ninakaw ng dalawáng


matandáng kapatid ang tubig ng búhay na dalá ng pinakabunsô,
at pinalitán ng tubig sa dagat. Pagdatíng sa palasyo ng amá ay
idinulot ng bunsô ang tubig, na sa halip na makagalÍng ay lalò pang
nagpabigát sa sakÍt ng magulang. Ang tubig na ibinigáy namán ng
dalawáng may masasamâng-loob na kapatid ang nakalunas sa sakít
ng hari. Ang prinsipeng pinakabunsô ay pinalayas sa palasyo at
ipinag-utos pang patayin. Ngunì’t ang inutusang pumatáy sa awà sa
bunsóng prinsipé, ay lihim itóng pinalayà; sa kaniyáng paglalagalag
ay nátagpuan niyáng muli ang tatlóng haring tinulungan niya
sa una. Ang mga itó ang naghatid sa kaniyá sa palasyo ng amá.
Kasalukuyan namang may malaking kasayahan sa palasyo noon,
sapagkat ang prinsesang iniligtás niyá sa león ay nagpagawâ ng
isáng kalsadang lantáy na gintô at nagpahayag na ang sinumáng
makasalunga sa daáng itó ay siyáng mámarapating maging asawa
niyá. Ang dalawáng matandáng kapatid ay hindi nangahás, ngunì’t
ang pinakabunsô, na siya namang pagdating, ay daglíng lumakad na
waláng kakabá-kabá sa daáng gintô.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 125


Ang prinsesa ay naging asawa ng bunsóng prinsipé at siyáng
nagpatunay sa amá sa kataksilán ng dalawáng kapatid. Ngunit ibig
man ng haring parusahan ang mga itó ay hindi na naarì sapagkát
silá’y nangagtanan na sa dagat.

Mápapansin ninyó marahil na halos lahát ng mga


kasaysayang aking tinukoy ay galing sa Europa. Ngayón namán ay
bábanggít akó ng ilán sa maraming kasaysayang nátuklasán ko, na
laganap sa dakong silangan.

Sa Isáng Libo’t Isáng Gabì na salin sa wikang árabe ay nároón


ang kuwento na nagpápamagát na Tatlóng Prinsipé sa Tsina.5 Sa
kuwentong itó, ang may sakay ang iná, ang lunas ay ang tubig ng
buhay, at ang nagkamit nitó ay ang pinakabunsóng anák pagkatapos
ng maraming pinagdaanan niyáng pakikipagsápalarán; ang wakás
ng kuwento ay ang pagiging sultan nitóng prinsipéng nanagumpáy
at ang kaniyákaniyáng mga ibá naming suliranin sa pagkahari.

Sa Malayo-Polinesya – sinulat ni Renward Brandstetter – ang


kasaysayan ni Djajalankara na ang motif o balangkás, bagamá’t ang
kabuua’y ibá sa Adarna, ay may mga bahaging hawig na hawig dito,
halimbawà ang bahaging nagsásaysáy na may isáng kung tawag’y
“Halaman ng Buhay” na pinagháhanáp ng ibá’t ibáng tao; isá pang
bahagi na nagsásabi namán ng tungkól sa dalawáng kapatid ni
Djajalankara na ibig siyáng siraán sa haráp ng haring amáng may
karamdaman; isá pa ulíng tumutukoy sa paraán ng pagtuklás sa
Halaman ng Buhay sa pamamagitan ng isáng panaginip; at gaya
namán ng bahagi sa motif ng Adarna, ang bayani ng kasaysayang
malayo ay mayroón ding nákatulong upáng magtagumpáy – at sa
Adarna ay ang mga ermitanyo, ang zorra, at ibá pa; sa kuwento ng
malayo namán ay ang dragon.

Isa pang kuwentong Malayò na malaki ang pagkakahawig sa


Adarna ay nása aklat na tinatawag na Mallische Marchen na tinipon ni Paul
Ambruch. Dito’y dalawa lamang ang anak ng hari, sa halip na tatlo gaya
ng karaniwan. Nabúlag ang ama at nabingi pa. Ang mga sanggunian niya
ay nagpayo sa kaniya na dakpin ang isang sadyang ibon na magdudulot
sa kaniya ng lunas. Ang dalawang anak ay nagsialis nang hiwalay, ang

126 Mga Lektura sa Panitikang Popular


nakatatanda ay nagtungo sa isang masayáng look na nagpalimot sa kaniya
ng kaniyang layunin. Ang bunso ay nagtungo sa isang dako na kinakitahan
niya ng isang táong patay na walang maglibing. Ang bangkay ay kaniyang
inilibing at ang kaluluwa nitó ang tumulong sa kaniya upang matuklasan
ang lunas na ibon. Ang ginamit na anyo ng kaluluwa ay ang isang uwak
na siyáng nagturo sa bunso kung paano mahuhuli ang nais na ibon. Ito’y
binabantayan ng dalwang ahas at isang babaeng may pakpak, ngunit sa
mabuting paraan na ginamit ng prinsipe ay napaglalangang madali itong
mga bantay at nakuha hindi lamang ang ibon kung hindi pati ng magandang
babaeng may pakpak na kaniyang napangasawa. Nang magkita silá ng
kaniyang kapatid ay pinagliluhan síya nitó—ibinulid siyá sa isang malalim na
balon, at tinangay ang babae at ang ibon sa palasyo. Mula noon ang babae
ay hindi na kumain at ang ibon ay ayaw nang umawit. Ang uwak naman
ay nag-anyong tao, iniahon at binúhay ang prinsipe. Ito’y nagbalatkayo ng
damit dukha at pumasok na tagapagluto sa hari. Sa kaning niluto niya na
idinulot sa babae ay inilagay niya ang singsing na kaloob sa kaniya nitó.
Nakilála agad ng babae ang kaniyang singsing kaya’t kumain na at ang
ibon naman ay umawit. Mula noon ang hari ay lumiwanag na ang matá
at nanauli ang pandinig. Ang taksil na kapatid ay nilapatan ng parusa.
Isang bahaging kapansin-pansin dito ay ang pagkalimot niya sa uwak na
tumulong sa kaniya, bahaging nawawangki sa bahagi naman ng Adarna na
nagsasaysay ng pagkalimot ng prinsipe sa prinsesa Maria na nagkalinga sa
kaniya.

Dahil sa pinalalawig ang salaysay na ito ay inaakala kong sapat na


ang banggitin na lamang ang mga pamagat ng ilan pang kuwento sa dakong
silangan, na ang motif o balangkas ay tunay na hawig sa Adarna. Ito’y mga
sumusunod:

Sa Indonesya—sa mga kuwentong tinipon ni T.J. Bezemer ay


kabilang ang Kasaysayan ng Siyam na Prinsipe: sa mga pulo ng dagat
Pasipiko, gaya ng Australya, Nuweba Ginea, Pidhi, Karolinas, Samoa, Haway
at Nuweba Selandiya; sa mga kuwentong tinipon naman ni Paul Hambruch,
ay matutuklasan ang kasaysayang pinamagatang Karoeman; sa India
Olandesa’y may isang kuwento ring ang pangalan ay Banta Beransah3, Sa
Batabya nanggáling naman ang kuwentong Ang Mahirap na may bahagyang

3
Cf. Bijdragen tot de Taal—, Land— en Volkenkunde van Nederlandsch-Indië,
‘s-Gravenhage, 1916, Deel 71, pp. 633-635.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 127


pagkakatulad sa Adarna.

Sa mga nabanggit sa una ay atin nang nakita ang pagkakahawig-


hawig ng mga kuwento sa buong sandaigdig na sa kanilang balangkas o
motif ay kawangki ng Adarna. Ang pagkakahawig na ito ay mapapansin
din natin kung ating paghihiwa-hiwalayin ang motif o balangkas ng Adarna.
Samakatwid kung paghati-hatiin sa tatlo o apat na bahagi, ang bawat isa
nitó’y maitatagpo natin ng katapat na bahagi sa mga kuwentong gáling sa
ibang bansa. Halimbawa (a) ang motif na paghahanap ng lunas ay laganap
sa lahat ng kuwentong binanggit ko na; laganap din ang mga bahaging
sumusunod: (b) ang isang haring maysakít; (k) ang paglalakbay ng tatlong
anak sa pagtuklas ng lunas; (d) ang pagkakaroon ng katulong; (e) ang paraan
upang huwag makatulog sa pagbabantay at mamalaging gisíng (dayap sa
sugat, asin sa sugat, suot na nagbibigay kati; at iba pa); (g) ang mga balakid
sa pagtuklas; (h) ang pagkakaroon ng isang prinsesa; (i) ang pagtatápon sa
balon sa bunsong kapatid; (l) ang paglimot ng prinsipe sa prinsesang kasi
na tumulong sa kaniya; (m) ang tagumpay sa hulí ng prinsipeng bayani ng
kuwento.

Marahil ay makapagbibigay kasiyahan sa mga nakikinig kung isaysay


ko na may mga folkloristang bantog (sina Grimm, Lang, atbpp. ) na nagsasabi
na kung tungkol sa pagkabanggit sa motif na balon at sa ibong panlunas,
na nagkakataóng naging bahagi ng Adarna ay ang una (ang sa balon) ay
maaaring nanggáling pa sa kuwento ni Jose Vendido na nasa Bibliya, at ang
ikalawa (ang sa ibong panlunas) ay gáling din sa ave fenix ng bibliya.

May mga folkloristang nagsasabi na ang pinanggalingan ng


lahat ng folktales, o ang maiikling kasaysayang katutubo ay ang India.
Pinasisinungalingan o hindi sinasang-ayunan ito ng ibang bantog
na folkloristo rin. Ngunit silá’y para-parang sang-ayon sa diffusion o
transmission theory, o kayâ ang teorya ng pagpapalit-palitan. Danga’t
gaya na nga ng sinabi ko na, kulang na kulang táyo sa mga saligang aklat,
kayâ’t hindi maaaring makabuo ng pagsasalaysay kung paano, kung kailan,
at kung saan-saan nagawa ang pagpapalitan ng diwa ukol sa folklore. Ang
masasabi ko lamang sa sansinukob, at ang pagkakaiba-iba lamang ng
maliliit na bahagi ay dala ng pagkakaiba-iba ng ugali, pananampalataya, at
kabihasnan.

128 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sa ginawa kong pagsusuri ay napansin kong ang tanging kaibhan
at marahil ay siyá lamang masasabi nating bahagi ng Adarna na likás na
Filipino ay ang bahaging nagsasaysay na ang Ibong Adarna —ipagpatawad
ninyo ang salitang sumusunod—ay tumae at dahil dito’y ang tinamaa’y
nangaging bato. Sa ibang mga kuwento ay mayroon ding nangaging bato,
datapwat ang dahilan ay tila mandin malinis-linis kaysa iniluwal ng Adarna.
Hangga ngayon ang salitang “adarna” ay hindi pa matiyak kung aling wika
ang pinaggalingan o kung katha natin.

Hindi ko sana ibig tumuligsa sa mga nagtataguri na ang Adarna


ay maiaagapay sa Florante at Laura4, sa Iliada at sa Divina Comedia5,
ngunitngunit napipilitan akong bumanggit sa bagay na ito alang-alang
sa katotohanan at sa wastong pagpaparis-paris. Wala akong makitang
maaaring pagsaligan sa ganitong pagwawangki-wangki. Totoong napakalayò
ang agwat ng Adarna sa mga akdang binanggit nilá na maibibilang nating
isang kalapastanganan ang kailan man lamang gawin ang pagpaparis na
ito. Ni sa Florante at Laura, na bagaman kinikilála nating lahat na siyáng
sukdulan ng Panitikang Tagalog ay labis ang kaliitan sa Divina Comedia
at Iliada, ay hindi pa rin táyo dapat magkaroon ng kapangyarihang iparis
ang Adarna sapagkat ito’y isang awit na hubad na hubad sa mga hiyas ng
diwa ng Wikang Tagalog. Ano pa kayâ kung iparis natin ang abang koridong
Adarna sa mga kahanga-hangang tula ni Homero at ni Dante, mga kathang
walang kamatayan at niyuyukuran ng panitikan ng sanlibutan?

Ang buong tamis ng wikang Tagalog ay malalasap natin sa Florante,


ang Iliada (na kilalá ko lamang sa pagkasalin na), kahit na sa salin ay lubhang
mayama’t marikit, at ang Divina Comedia ay hindi kaila ang kadakilaan ng
diwa at pagkakatha. Tunghayan natin ang ilang talata ng Adarna upang
makita kung hindi nabubulagan ang mga nagnanais magparis dito sa
malalaking akdang binanggit. Mamamalas natin ang kadahupan hindi
lamang sa uri at sa kadalisayan ng wika (masamang salitang Kastila ang
ginamit ng kumatha)6 kung hindi sa paglabag sa mga batas (laws) ng
pagtula sa Tagalog sa sadyang kailangan sa anumang kathang may sariling
bilang ng pantig at uri ng pagkakatugma ng isang koridong gaya ng Adarna.
Halimbawa (at itong mga sumusunod ay hinalaw ko lamang) kung tungkol

4
Cf. Rodriguez, Eulogio, The Adarna Bird, General Printing Press, Manila, 1933.
5
Cf. Alip, Eufronio, The Ibong Adarna, 1935.
6
Binanggit din itong kapintasang ito ni Ginoong Eufronio Alip, op. cit., pp. 13-14

Mga Lektura sa Panitikang Popular 129


sa mga salitang hiram:

Nanhic sa palacio real


sa lamesa’y inilagay
sa cuarto’y nagtuluyan
at natulog capagcuan (p.29)

Ang uica ng secretario


sampong manga consejero
ano baga’t naparito
ang principeng loco-loco (p. 28)

at ano’y ng matapos na
ng pacain sa lamesa
capagdaca ay quinuha
garrafang may lamang lana (p. 9)

Kung sa kadahupan sa mga pantig o tunog na pandulo sa mga tugma


(rima) ay sukat na ang mga sumusunod na halimbawa:
At cun baga mahina na
laway ay tumutulo na,
atbp. (p. 36)

Ay ano’y nang tahimic na


ang gabi ay lumalim na
siya nangang pagdating na,
atbp. (p. 3)

Kung tungkol naman sa di pagsunod sa mga batas ng pagsúkat o


pagbilang ng mga pantig at tunog ng bawat salita (ritmo), at pagpilì ng
mga salitang malubay at wasto sa diwa ng pagtula:

may cahoy siyáng dinatnan (8 pantig)


diquit ay ano lamang (7 pantig)
(p. 4)

Ang dalawang tampalasan (8 pantig)


sa canya ay pumatay, (7 pantig)

130 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang ikalawang talata ng unang halimbawa ay mali hindi lamang
sa bilang ng mga pantig kundi sa wastong pananalita , sapagkat ang ibig
sabihin ng talata ay “dikit ay di ano lamang”. Ang huling talata naman ang
ikalawang halimbawa marahil ay isang kamalian lamang sa pagkalimbag
ng salitang “kaniya” na siyáng tama, ay hindi “canya”, isang pagkakamaling
palasak hindi lamang sa mga manlilimbag kung hindi sa marami pa mang
mga kinikilala nang dalubhasa sa pananagalog. Kahit ang mga talatang
sinipi ko rito ay pagkakakilanlan na ng kababaan ng uri ng buong korido.

Dahil sa ganitong kadahupan ang Adarna at sa kadakilaan naman ng


pinagpaparisang mga akda, ay akin ding isinasamo sa mga nabibigla dahil
sa pagnanais na matanghal ang sariling wika, na bawahan nila ang ganitong
sigabo ng pagkamakabayan upang huwag siláng malabag sa katotohanan.

Hindi dapat kalimutang banggitin dito na si G. Norberto Romualdez ay


nagpahayag din sa kaniyang sinulat7 na dahil sa kapansin-pansing mga
maka-Kastilang pagkakaayos at pagkakasulat ng Adarna, ito’y kinatha at
sinulat nang náriritó na sa Filipinas ang mga kastilà. Ngunit máitatanóng
natin: Hindî pa maáaring sulatin ang korido’y matagál nang itó’y isinásaysáy
ng mga tao na bilang kuwentong biníbigkás (oral) at pasalin-salin nang
hindî isinúsulat? Totoó man itó, ngunit dahil sa nákita nating mga katibayan
ng pagkalaganap ng motif ng Adarna, ay mapaníniwalaán natin na ang
koridong Ibong Adarna, sa kaniyáng kabuuán, marahil ngâ ay hindî likás na
Filipino.

7
“Tres Documentos en Escritura Filipina Antigua,” Phil. Hist. Quarterly, Sept. 1919, v. 1,
no. 1, pp. 2-14.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 131


DUPLO’T BALAGTASAN1
Teodoro E. Genero

M

ga Kaginoohan at Kabinibinihan:

Sa atas ng Surian ng Wikang Pambansa, sa pamamagitan ng


Pangulo ng Lupon sa Pagdiriwang kay Balagtas, na kumakatawan sa taong
ito, ay tinutupad namin ngayon ang isang tungkulin: bumasa ng panayam
sa paksang DUPLO’T BALAGTASAN.

Naghumindig ang aming damdamin at kami’y kinikabutan nang


mabatid na ang pakda ay balagtasan, sapagka’t nagbabalik sa aming alaala
ang buhay at kapalaran ng wikang tagalog noong 1942, samakatwid ay
pumapatak ngayon sa limampu’t dalawang taon.

Limampu’t dalawang taon! O! Magandá ang panahón noón at ang


simoy ay mabangó! Mahalimuyak ang mga hardin at sa mga lansangan ay
tinutuntungan ng mga diwata ang mga lagás na talulot, samantalang ang
panganorin ay maliwanag at nagtitipán sa mga makata, na:

1
Binasa ng may-akdâ sa bulwagan ng pámahalaang-lunsód ng Maynila bilang parangál sa
Linggó ng Wikà, noóng 29 Marso 1944, sa pangangasiwa ng Surian ng Wikàng Pambansá.
Ang “Kapulungáng Balagtás,” sa kanyáng ikalawáng taóng buhay, ay siyáng
katipunan noón ng mga mánanagalóg at makátagalog; nasa kanyáng sinápupunan ang
mga pahám na siná Pedro Serrano Laktaw, Rafael Palma, Teodor M. Kalaw, Carlos ronquillo,
at ang mga moóg na matibay ng pánitikán at karunungan na siná Norberto Romualdez,
Ignacio Villamor, Francisco Varona, atbp. Maáari bagáng ang isáng lahing gaya ng atin,
pilipino ang puso at ang diwa ay pilipino, kayumanggi pa ang kulay na pinag-áalab ng
tapang at pusók, ay hindi tumuklás ng ibáng hiyás ng pánitikán? Maáari bang ang mga
tagapagmana niná Tomas Pinpin, Francisco Baltazar, Modesto de Castro, atb., ay hindi
mag-iwan ng anó mang sanla ng pagkakáunlád sa kasaysayan ng wika? Kung tayo man
ngayón ay humáhalakhák sa sayáw ng mga Piyerót at natutuwa sa kagagawán ng mga
Arlekin, ay sapagká’t ang mga Kulumbina'y malindi sa pag-inák sa tama ng liwanag at pisík
ng dagitab. Ang lahát ay sikláb at titis na bantil ng panahóng lumipas. Gayán din ang ating
pánitikán, nang sumapit sa karurukan ng pagiging ginto at nang sundán ng panahón ng
pagsusulit ng kakayahán at pagpapkita ng tunay na magágawa kung ang wikang pambansá
ay maáaring iturong katulad ng ibáng wika, at mapanánatiling pampámahalaán, ang
wikang pilipino ay nagtataás ng kanyáng kamáy na hawak ang watawat na nagsásabing
ang Lahi ni Rizal ay hindi mayuyupi at hindi mawawalán ng kanyang wika, hindi masasawi
at hindi magkakámali magpákailán pa man.

132 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Luwalhati ang daìgdíg na puno ng salamisim,
dito’y waláng hindi tula at ang lahát ay tulain;
dito’y waláng di pag-ibig at ang lahát ay paggiliw,
nabúbuhay tayo kahit sa lagaslas lang ng hangin.

Anupá’t masásabing noóng nagdaáng limampu’t dalawang taon


ang buhay ng tao ay ganap na maluwalhati at mabiyaya ang diwa ng
sangkatauhan. Ang bayan ay lumulutang sa ginhawa at hindi kakilala ang
malalalim na buntunghininga sa mga oras ng panimdin. Walang hinanakit
ang kapalaran sa katalagahan, walang irap ang kasiyahan sa inggit, at
hindi umaasim ang mukha ng balana. Ang lahat ay lugod, katiwasayan,
pagtatalik, at kaaya-aya...

Tulaan dito’t tlaan doon, noon ay masaya pati mga ibon at nakikisaliw
sa buhay, kaya ang mga timpalak-kagandahan ay pang-araw-araw at pang-
oras-oras halos, at bawa't binibini ay ganap na reyna at ilaw ng diwa sa
tahanan. Iyán nga ang dahilan kung bakit ang mga manunulat ay umisip ng
ibang paraan kung paano at sa ano madudulutan ng ng bagong pagkain ang
lalong pihikang panlasa ng bayan. Nagpasasa sa mga bigkasan at tulaan,
nanghimagal sa mga talumpatian, at mabangan sa mga kilusang pulos na
karangyaan nguni walang aral na iniiwan sa isip at damdamin ng kabataan
at ng mga mamamayan. Iyan ang panahon ng pagpapakasagana... !

Sa ganyáng simulain, mga kaibigan, ang liwayway ng pánitikán natin


ay tumama sa puso ng bansáng pilipino, at sa ganyán sumilang at umunlad
ang pánulaan sa tawag na bálagtasan. Nguni bakit bálagtasan? At sa anu-
anóng hiblá ng kadalúbhasaan hinabi ang magandáng damít ng bálagtasan?
Dito tayo magsísimula...

Ang bálagtasan ay hindi natin lubós natin lubós na matátanto sa


katutubong kahulugán at dalisay na katuturán kundi muna pag-áaralang
muli ang tiná tawag na duplo. At ang duplo, na itiniklóp na ng panahón at
niluma ng mga pangyayari, ay maúunawaan natin sa maikling paliwanag.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 133


DUPLO

Katuturán - Ang duplo ay pagtatalo sa tula at págandahan sa


pagbigkás. Tagláy ng duplo ang magagandang talinghaga, ang matatayog
na paláisipán sa palábilangán, ang hiwaga at dunong sa lahát ng sangáy
ng buhay, hindi ng karaniwang tao lamang kundi gayón din namán ng
mga hari at banál, ng mayayaman at kaawa-awa, sa mga lunsod, bayan, at
nayon. Ang duplo ay isáng laróng pangmáginoó: ang pagtatalo ay sa ula
at sa bigkás nagpapahusayan sa pagmamatwíd nang sa dibdib ay waláng
anó mang hinagap o masamáng kalooban ng sino mang kasali. Masásabi
nating ang duplo ay isáng timpalák sa bigkasan at isáng páligsahan sa
katwiran, na minana natin sa kánunúnunuan ng ating lahi; at sapagká’t ang
mga salitang ginágamit sa duplo ay mga pili at dalisay, hindi matútutulang
isang maningníng na sangáy ng pánitikán ang násabing laro.

Katangian. - Ang tuláng gamit sa dupo ay dapat magkaroón ng sukat,


wsto ang tugma, marikít ang mga parirala at pananalitáng may talinghaga.
Ang duplo ay pasalita (oral) nang hindi iniháhanda, nangsásagutang hindi
maliwanag ang nagtatalo, nasa-pakda ang túgunan, at ang lah ng kisig
ay ipinakikita habang bumibigkás ang manduduplo. Sa laróng duplo ay
nakíkilala ang talas ng isip sa pagsasaulo g mahahabang tula, ang kabilisán
ng pangwaring tumugón sa katunggali alinsunod sa paksa, at ang kasanayán
ng dila sa pagbigkás nang tumpák ng mga salit. Sa duplo náririnig ang
dilang matatás sa sariling wika, garil sa salitang banyaga, at utál o umíd
kung nagkákataltalan na.

Paghahanda. - Ang mga manduduplo ay waláng sinásayang


na panahón sa pag-aaral ng duplo. Dalá nilá sa paggawa sa bukid,
sa pagpapastól sa parang, ang mga tula ay isinásaulo sa mga oras ng
pagpapahingá sa kubo o sa lilim ng mga punungkahoy, at ang pag-aaral
na muli’t muli ay sa likód ng kalabáw. Ang mga tula ay hango sa mga
awit at kurido (buhat sa salitáng ocurrido), sa mga babasahin at kawikaáng
nátatagpuán nilá sa tuwi-tuwina. Ang ibá nama’y nárinig sa matatandang
may pinagdanasan sa mga dupluhan, kay nagíng manát mana ang mga
paraán ng talinghaga at paláisipán. Ang masisikhay na binatay ay
nagsasadya sa mga nayoong kanugnóg at nagtátanóng ng magagandang
tula hanggán sa ipinakikipagpalit ang mga tinali at inahing manók kung may
mábalitaang mahusay na papél sa duplo. Ganyan din ang mga binibini,

134 Mga Lektura sa Panitikang Popular


nagsásakit na mátuto ng mga tula upáng may panalág at huwág maging
kahiya-hiya kung náhihiling na dumaló sa mga dupluhan.

Nagháhanda ng maririkit na damít ang mga binata kung sumásali


sa duplo, ibát ibáng habi ang isinusuót, barung-tagalog na madadalang at
maninipis, at may mga tungkód na kamuning, asana, o luyong. Ang mga
dalaga ay nakadamit-pilipina, baro at saya, at gumágamit ng maningníng na
hiyás na katulad ng hikaw, galáng, kuwintás, singsing.

Sanhi o Dahilan. - Ang duplo ay idináraos bilang parangál sa


káluluwá ng isáng ymao. Sa gabi ng patapús o sa gabi ng paglalaglag ng
luksa karaniwang gináganáp. Nagháhanda ng pagkain ang mga ulila o
kamag-anak ng pinatútungkulán, at nag-áanyaya sa mga piling dalaga at
binata sa pook, sa mga kalapit na bayan at nayon.

Pook na Paglálaruán. - Ginaganáp ang duplo sa loob ng isáng


kamalig o sa maluwáng na bakuran. Iginágawa ng isáng magandáng damara
(palapala) o balag na may mga palamuti, may atip na mga dahon ng saging
at buga o niyóg, at sa pinakámukha ay may balantók na nagágayakán ng
mga papél na sarisaring kulay. Sa ulunán ay may isáng hapág o dulang
at sa dalawáng panig ay may dalawáng hanay na bangko; at kung waláng
bangko ay tigalawang wayway na kawayan ang ginágawáng úpuan.
Anupát ginápupunan ng dupluhan ay maging kaaya-aya sa mga panauhin
at magsisipanoód.

Kagamitán. - Sa ibabaw ng hapág o mesa ay may isáng langguwáy


ng mga hitsó at sigarilyo, pósporó o gurabis, pará sa mga panauhin ng may
palaro. Kung waláng mesa ay dulang ang ginágamit, na siyáng bábagayan
ng upuan ng hari o ng sinumáng tutupád ng tungkulin nitó. Sa isang panig
ng hapág o dulang ay nakalagáy ang palmatorya na gamit sa pagpaparusa;
kung waláng palmatorya, ang karaniwang pamalo ay isáng kotso o sinelas, o
isáng suplina na talagang ginawa pará sa duplo. Ang suplina o palmatorya
ay kahoy na binilog nguni lapád na kasinlaki ng ating palad na ng tagdán.

Kabilugan o sírkuló (círculo) ang tawag sa sinapupunan ng laro.

Mga tauháng kasali. - dahil sa totoóng malaganap ang larong


duplo nang panahóng una, ang mga katawagán ay nálahiran ng wika ni

Mga Lektura sa Panitikang Popular 135


Cervantes. (Bilang pag-alinsunod sa baong paraán ng pagsulat, ang mga
salita ay isinúsulat nang ayon sa Balarila.)

(1) Hari; punung-halamanán; pangulo; presidente, ang tawag


sa patnugot ng duplo;
(2) Manduduplo, duplero o duplera, ang tawag sa lalaki o
babaing kasali sa laro;
(3) Belyako ang tawag sa binata o lalaking makikipagduplo;
(4) Belyaka ang tawag sa dalaga o babaing makikipagduplo;
(5) Piskál ang tagausig;
(6) Regla ang sásabihin bilang pagtawag sa pinatatamaan;
(7) Numero, numerasyón, ang sásabihin upáng alamin kung
sinu-sino ang mga kasali, kaya bawa't kinauukulan ay sasagot
ng kanyáng bilang;
(8) Agregado ang isásagót ng tinútukoy na ang ibig sabihin ay
ibilang na siyá sa hanay ng mga kasali;
(9) Punung-abala ang may palaro ng duplo;
(10) Embahador ang manánawagan sa dakong labás na ang
hangád ay lumahók sa laro.

Paraán ng paglalaro. - Sa pamumuno ng mahál na Hari ang lahát


ng nároon ay magdásál muna ng isáng "Amá Namin," isang "Abá,
Ginoóng Santa María!" at isáng rekyementernam bilang patungkol
sa káluluwá ng pumanaw na pinag-úukulan ng tapús. Kapagkaraka
ay maririnig sa labi ng hari ang salitáng "numerasyon," at ang
mga kasali sa laro ay magsisitugón ng kani-kanilang bilang buhát
sa nasa-unahán hanggán sa káhuli-hulihang manduduplo. Sa
gawíng kanan ng hari ay nakaluklók ang mga binibini, samantalang
sa kaliwa ay ang mga binata o kalalakihan, maáaring ang isáng
lalaki ay wala sa hanay at nasa dakong labás ng kabilugan upáng
kanawanawa na lamang manawagan. Kung may bilang na
ang bawa't dalaga o binatang kasali, ang mahál na hari ay saka
magsisimula. Kung minsán ang simula ng hari ay:

-Tribulasyon!...
-Tribulasyon... ! — ang sagót ng mga kasali.
-Estamos en la buena composición ... — (anáng hari).

136 Mga Lektura sa Panitikang Popular


(Titindig ang harì at mangangaral mandin)
Ang kumpusisyón ng tanán
ay paglalarong mahusay;
ang maguló ay mahalay
sa matâ ng kapitbahay ...

(Náritó na ang pasimuno ng ...)
Mga binibini at mga ginoó,
Matatandá't batang ngayó'y náriritó,
malugód na bati ang tanging handóg ko
sa pagsisimula nitóng laróng duplo.

Ang duplo ay laró ng magkákapatid,


patamà ng dila'y huwág ikagalit;
ang lakas at diin ng taglay na tinig
ay simbuyó lamang sa pagmamatuwid.

Ang hindi kasali'y di dapat lumahók.


kung ibig kumai'y magsabi't sumahóg;
magpasintabì lang muna bago masok,
makatutuloy pa hanggáng dakong loob.

Harì palibhasang maykapangyarihan,
ang utos ko'y inyóng sundín at igalang,
itóng palmatorya'y pag hawak sa kamáy,
tagláy ang parusa't may parúrusahan

Bawal dito ngani ang salitáng atsoy.


sa tula sabihin ang hibik at taghóy;
kung luha’y áanod sa pagkáparoól
huwág sásabay án niyóng balinguyngóy

Itong kaharia’y may rosas sa hardin


sa umaga’t hapo’y dinidilig mandin
ng agua bendita’t tubig-miningmining;
sa maysakit, bangó ay nakagágaling.

Ang hardin ay kubkób ng rehas na bakal,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 137


asero ang pinto’t patalim ang urang;
rosas na nasabi'y nawalá pagkuwán,
ang mga belyako ang nuha’t nagnakaw.

(Sagot agád ang mga ...)

Belyaro: hindi kami nagnánakaw.

Hari: Sino ang nagnakaw?

Mga Belyaro: Mahál na harì po.

Hari Ang hari ay hindi ninitás ng rosas,


rosas na alagá ng hari'y bulaklak
na sa ganáng kanyá'y kapilas ng palad;
kung nuha'y may-ari, bakit maghahanáp?

Sa ganyán, ang dapat tapunan ng sisi,


ang bantáy sa rosas, kamya'y pitimini;
ang ibon kong loro ang siyáng may sabi.
ang unang belyako ang nitás kagabi.

Unang (Sa sarili; nakaupo; dahan-dahang


tumitindig
Belyako: Tindig katawan ko't ikaw'y hinahampás.
pinagbibintangáng nagnakaw ng rosas;
O!... kung totoó lang na ikáw ang nitás.
maáari ka nang ipabitay bukas.

Nguni, hindi!... Hindi, katawán kong, aba,


huwág mong pansinin ang bigat ng samâ;
ang pagparunán mo'y waláng magdaraya
sa bayang sinuma’y di napadadaya.

(Háharáp sa ... hari)

Haring mahál namin, O! Dwenyo dehato,


Na lugod at aliw ng lahat ng tao,

138 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Pakinggan pô muna ang aking diskurso
Bago maniwalang ang nitás ay akó.

Sa malayong bukid ng nayon ng Tigbi,


May nagkatuwaang apat na pulubi
Nagsayaw ang lumpo’t nakinig ang bingi,
nanuod ang bulag, tumugtog ang pipi.

Pipi ang may wikang nakita ng bulag


ang lumpong nagnakaw ng mahal mong
rosas,
patunay ng bingi’y narinig at sukat
ang sigáw ng piping nagkakangmamalát.

Kung ang lumpo’y atin ngayong


tanungin ang lupa’t langit ang tanungin
kung hindi makita sa yungib at bangin.
makimatyag sa takbo ng hangin.

(Sa dakong labas ay maririnig ang


pagbibigay-galang ng isang....)
Magandang gabi po!... O! Gabing maganda!
mangilag na kayo sa isang pangamba,
at dumaragono’t ang mga espada,
mamamatay ngayon ang di tumalima.

Hari: Tigil na muna katoto’t


dumarating ang peligro...

Nananawagan: Bababa si Marte mula sa itaas.
sa kailalima’y dahon ang Parkas,
buong galit nila ay ibubulalas,
yayakagin niring kamay na marahas.

Sa kuko ng lilo’y aking aagawin


may kabiyak niring kaluluwang angkin,
liban na kay amá ang sinuma't alin

Mga Lektura sa Panitikang Popular 139


ay di igágalang ng tangang patalim.2

Sa araw at gabì ako'y naglalakbáy,


nilangoy ang dagat sa gabì at araw,
sinaliksik patí gubat, kabundukan,
upáng paghanapin yaóng kapalaran.

Kapalarang hanap ay inihimatón,


nasa mga gandáng nálilimpî ngayón,
kayá’t itulot po ninyóng makituloy
itóng naglálakbay na tataghuy-taghóy.

Hari: Tulóy ang may baon,


Ang wala’y sa silong.

(Pápasok sa kabilugan).

Nananawagan: Maligayang oras kayó po ay bigyán


at bating malugód nitong naglálakbay,
talang maliwanag tayo ay ilawan,
máligtás sa hirap na lubhang marawal.

Di náitatanóng akó'y magtátapát,


isang naglálakbáy na kapós ng palad,
nguni sa sandaling itó'y magagalák
kung mátatagpuán ang pinághahanap.

Nalamuray yaring lamán ng katawán,
pati butó't balát ay nagkáhiwalay,
malikmatà mandin ngayóng nabúbuhay,
pagká't mákikita yaóng paraluman.

(Maáaring tumindig at sumagot ang isa sa


mga dinatnang belyako sa kabilugan.)
Belyaro: Luhà ng hira mo ay kung titigisin.
mahigit sa isáng lumbót ng inumin,
mahabaging pusò sa nasa hilahil

2 Sa Florante at Laura

140 Mga Lektura sa Panitikang Popular


sa lagáy na iyá’y tatapunang aliw.

Kaya't turan ninyó ang tandá ng dilág


kung talagáng dito'y inyóng mátutuklás,
huwág lamang ganyáng matigíb ng hirap,
talo ang pulubing ang supot ay butás.

Nanánawagan: May isáng dalagang sa pisngí'y may puyó


na kung ngumingití'y katulad ng oo,
labing malasaga'y pintuan ng mundó
at kabán ng tipáng pang-aliw sa tao.

Ngalan ng dalaga ay pípitong titik,


di kayang bigkasin ng alin mang bibig,
isá sa maraming náriritong dikít,
siyá pong kabiyák ng amís kong dibdib.

Nákaugalian ng mga tagalog,


pag nabigóng minsán sa gawáng pag-irog,
hahamaking buô itóng sansinukob
hanggán sa makamtán ang mithing alindóg.

(Sapagka't ang hangád ay makápasok at


mákabilang sa mga kasali sa kabilugan,
walang anu-ano’y wiwikain ng...)

Nanánawagan: Agregado na po akó,


haring mahál nitóng reyno.

(Tulóy upó sa huling hanay ng mga belyako.)

Hari: Ang gabing tahimik, wikà ni San Martin,


Hindi hinuhukay, kusang lumálalim;
Ang larong nauntol ay ituloy natin.
Makapagsasakdal ang may sasabihi.

Piskal: Humihinging tulot sa inyong kalakhan.


mahal naming haring kapita-pitagan,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 141


ang may sala’y dapat usigi’t isakdal;
sa salang nagawâ, parusa'y ibagay.

Sa kúlugang gintó'y isang kulasisi


ang alagang ibon ng mahal na duke,
magandang kakanta’t mainam huhuni
pati balahibo ay kawili-wili.

Wala namáng sakit, waláng dináramdam.


dating balahibo ay walá ring kulay,
huni ay nawala at biglang naparam;
nang pagsiyasatin, ang ibon ay patay.

Mula noong namatay yaong kulasisi,


di na nakatulog ang mabunying duke,
prinsesa Urduha’y nagdamdam, nagsisi.
sinisi ang tanáng lalaki't babae.

Naniwala akó sa isáng humulà


na natáy sa ibo'y dilág na himalâ
kaagáw ang tinig na may malikmatà,
kalaban ang gandá ng prinsesang mutyâ.

Ang himaláng dilág ay náritó ngayón,


hindi man ituro'y aking matútukoy,
hindi man tawagan ay kusang tútugón,
sala'y isisigáw hindi man ibulóng.

Sino siyá? Siyá’y una’t hindi huli,


titig ay balani sa madláng lalaki,
datapwa’t pamtáy sa may kulasisi
at salot sa ibong matamís huhuni.

Unang Belyaka: (Hindi sásagót, at wala ring sásagót


sa mga belyako, kaya magpápasiyá ang ...)

Hari: Ang hidni pagkibo'y tandá ng pa-ayon,


sa salang nágawá'y parusa ang ukol;

142 Mga Lektura sa Panitikang Popular


itóng palmatorya ay tanggapin ngayon,
paluin ang kamáy na natáy sa ibon.

(Lalapit sa harì at ang saád:)

Bago ko tanggapin iyáng palmatorya,


bigyáng halimbawá ang pagpaparusa;
ang kamay na yari ay hampasin muna
ang aking málaman ang hatol sa sala.

Hari: (Háhampasin nang malakas at lumalagapak,


nguni sa kanya ring palad patatamain,
kasabáy ang sabing: ...)

Hayán ang lagapák


ng parusang hampás.

Piskal: Masakit ma’t tunay na sala sa loob,


tindí ng parusá'y tiniis kong lubós,
pano kayâ ngayon ang lagay ko't ayos,
paluin ang palad ng isang alindóg?

Nasa-gitná akó ng dalawáng sibát;


sa likod ay tulis ang handáng tumarak,
sa haráp ay ngiping may laso kamada,
ngunì sa tungkulin akó'y nanúnupád...

(Hihinging iabót ang palad; nang iáabot na


ng unang belyaka, siyáng pahadláng ng...)

Ikalawang Tigil, maginoo, huwag sásalangin,


Belyako dulo ng daliri ng mahal na birhen;
ang kamáy na iyan kung bibigyang dusing,
una muna akóng dapat na patayin.

Waláng kasalanang tao, lalo't mutya,


pag pinarusaha’y bubugá ng samâ;
dî ka na natakot, hindi pa nahiyâ,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 143


sa dilag na iyán, kamay mo’y iambâ.

Ibig kong matantô ang puno't dahilán


na sa binibini’y ipinararatang;
mahál naming harì, waláng sala iyán,
kayâ ang hingî ko’y huwág parusahan.

Piskal: Kung anó ang sanhi? Wala akóng dilà,


kulang ang dunong ta't kapós sa salitâ,
upang isiwalat ang sala ng mutyâ,
nguni yamang nais: náito ang samâ...

Ibong may kudyapî sa may-lalamunan


nang marinig yaóng mutya’y naging pagáw;
balahibong sutlá’t sarisaring kulay,
tinig ng dalaga ang nagpugulapay...

Matang walang silaw sa Araw na sikat,


sa mata ng mutya’y napinid at sukat;
ang pakpak na buká at namámayagpag,
nálupi nang minsáng tamaan ng sulyáp.

Kataká-taká bang ang buhay ng ibon


ay mawalá’t sukat kahit nákukulóng?
At sino pa kayâ ang mag-sala ngayón
kundi iyáng dilág ninyong pinupoón?

Ikalawang Dilág na pamatáy ang ibig sabihin,


Belyaro: liwanag na tangi’t himala ang ningning
tinig na sa tamis ay pang-alis-hirin,
iyán ang paratang sa ubod ng hindhin.

Diyós ko! O! Diyós!... Buhay na tumbalik


ang nasà ng aking katalong matalik;
anupá't ibig mong lupa'y maging langit
at ang lahat namá'y sa lupà pumalit...

Kariktáng nilikhâ ng Diyós ng Buti,

144 Mga Lektura sa Panitikang Popular


gandáng pinágpalà at kawili-wili,
hindi kumikibó't waláng kinákasi,
natáy raw sa isáng ibong kulasisi.

Sayang! Iká't akó'y di maniniwalà


na may kagandang alangán sa lupá;
at sapagkát hindî tunay ang hinalà,
ang sakdal moý hindi dapat bigyáng bisà.

Kung sadyang namatay ang alagang ibon,


pumatay ay iba't di ang aking poón;
kung wawaling-bisa ang námaling sumbóng,
aking ituturò ang sadyáng lumason.

Piskal: Kung gayon po, hari naming minamahál,


iturò lang niyá, urong na ang sakdal.

Hari: Niwáwaláng-bisà ang sumbóng na ampáw,


panibagong lutò namán a pakinggán.

Ikalawang Belyaro: Akóy nanulakan sa bayan ng Pila,


nagtuloý sa Bai't doon napahingá;
sa isáng tindahan ay aking nákita
ang buwíg ng saging na sakdal ng gandá.

Ang saging na yaón nang aking bilangin,


Sa punò at dulo ay siyám na piling;
Bawa't puling nitoý nang isa-isahin,
ang waló'y tigsampû ang kabit na saging.

At ang huling piling na aking binilang


ay may labing-isa at sadyâ ng inam,
aking itinanong ang kahálagahan,
ang turing sa akin: tig-isang kusing daw.

Aking binayara’t di ako tumawad


sa inihalaga dinala ko agad;

Mga Lektura sa Panitikang Popular 145


pinasán sa bapór at ang aking hangád,
iuwi sa aking inang nililiyág.

Nang nasa-bapór na't akó'y nakálulan,


Naupô sa isáng bangkóng nálalaán,
di-karingat-dinát aký nágulaylay
sa lamig ng hanging biyaya ng buhay.

Sa pagkáhilig ko nang lubháng tahimik,


akó ay pinukaw ng himaláng dikit;
mata’y idinilat sa pagkakapikit,
minalas ang talang liwanag ng langit.

Aking itinanóng ang kadáhilanan


ng paglapit niyá't sa akí'y pagpukaw;
iyáng langit noón sa akí'y nabuksán,
nakangiting mukhá ay saká nagsasáy.

Tunay ngâ pô bagá, mahál na ginoó,


kayo ang may-ari ng saging na itó?
turò ng daliri sa mga saging ko,
waláng náisagót liban na sa oo.

Kayâ, ang tinuran ng bunying dalaga,


inalók na bilhin ang saging kong dalá
kahima’t magkano ang maging halaga.
siya'y nabighani sa bilog at gandá.

(Babasahin ang liham)

"Kahanga-hanga pô ang saksing náturan


na dalawáng uring sa dilág mo'y alay;
ang una’y salamig totoóng makináng
tulad sa pag-ibig na iniingatan.

"At ang ikalawaý ang matinding hibik,


pagsintáng dalisay na di mapapaknit,
sapúl nang mámalas ang buti mo't dikit,

146 Mga Lektura sa Panitikang Popular


puso'y nánlupaypáy sa tindi ng sakit.

"Itó ang utang mong aking sinisingil


sa ingat mong gandáng nagbigay hilahil,
sa kipkip na hapis sa puso’y kikitil,
higit sa salaping aking itinuring.

"Maliban sa rito'y walâ nang halagâ,


kahit ganong yaman, bulâ ang kapara;
ang isáng paglingap, mutyáng sinisintá,
katimbang ng langit ng tuwa’t ligaya.

"Huwág ikailá't utang mo nang tunay.


tahimik kong dibdib na pinaghirapan,
waláng nasisingil at may karapatang
magbayad sa hirap kundi ikaw lamang.

"Kayâ maawà ka't puso mo'y mahabag


sa nagdaralitang sakbibi ng hirap
Hirap na nagmula sa binhing pagliyag.
wala nang ligaya kug di ang paglingap.

(Sumasayapak mo: iká-2 Belyako.)

Belyaro: Yáyamang iyo nang natalastas ngayón


ang buód ng aking darakilang layon,
hukóm ka pong hari na makahahatol
sa tunay na sakdal at tapát na sumbóng

Hari Lubháng mahiwagang suriin sa isip


ang sinabing sakdal na aking nárinig,
nguni sa kabilâ nito'y ang matuwid
ang titimbangin ko sa masusing litis.

(Tátanungin ang belyaka.)

Nárinig na ninyó ang lahát ng sumbóng


ng isáng binatang nagsakdál ng layon,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 147


ako'y waláng sukat isagót, itugón,
kundî ang tumupád sa maihahatol.

Ang saksiý lumitaw at ipinakita


na ang katunayan kayó ay may sala,
ngayo'y hatol namán ang itatalagá,
magbayad ng utang sa taong may hablá.

At kung hindi ninyo ito mabayaran


sa isinusumbóng na inyong inutang,
ang iháhatol ko: kayo’y parusahan,
pápaluin kayó ng dalawáng siyám.

(Utos sa belyajong nagharáp ng hablá)



Hayo't tuparin mo, hatol kong talagá.
Belyaka’y paluin at bigyang parusa,
sa da;awáng siyam at walâ nang ibá,
kulangin ay huwág, huwág magbabawa...

(Tútupdin ang hatol, títindíg at lálapit


sa Belyaka ang nagsakdal na...:)

Belyako: Ipagpatawad mo ang aking paglapit,


pagtupád sa hatol ng punong lumitis
sa nágawáng sala't utang sa pag-ibig,
na di binayaran ng tapát na dibdib.

Kung sa bagay, sadyáng isáng kataksilán


na papágdusahin ang iyóng kariktán,
uaóng si Kupido'y lumuluhang tunay
at dahil sa hapis ay hinihimatáy.

Waláng paglulanan ang kipkip na habág,


habág sa parusang sa iyó ay gawad,
anó ang gágawin, akó'y tumutupád
na dibdib ko't puso ay halos máwalat.

Kayâ ang kamáy mo sana ay íabót

148 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sa inuútusang kapalara'y kapos .. . .

Belyaka. Akó sa parusa'y kusang sumusunod


Kung talagang hatol: tuparin ang utos

(ilalahad ang palad ngbelyaka,
nguni kapág pápaluin na
ay magsásalita ang isa, mga...:)

Beyako: Tigil ang pagpalò ng pusong may galit


sa isang bulaklak na hulog ng langit;
ang lahat ng ninfa halos ay tumangis
at pati ng puso ngayo’y nanginginig.

Hindi ko matitiis na tunghán ng matá


na ang binibini ngayón ay magdusa;
ako'y náriritó at natatalagá,
katawán at buhay sa iparúrusa.

Kung sabagay ako’y walang karapatang


mag-usig sa sala ng parurusahan,
Datapwa't ang pusò ay waláng itagál
kundi ang matuwid ay ipagsanggalang

Totoô marahil na ang naging sala


ay pagpapahirap ng kaniyang ganda,
siyáng naging sanhi ng taglay mong dusa,
siya ring pagpatíd sa tangang hininga.

Ngunì dî magiging isáng kasalanan


ng isâng dalaga ang ikaáw'y magdamdám,
sa kaniyáng anyó'y walá siyáng malay,
anó't di sabihin ang sintáng sinimpán?

Kapagdaka ngayón nang iyóng mámalas


ay paráratangan ng salang mabigát,
parúrusahan pa ang kahabag-habág,
hindi man nilitis, hinatula sukat...

Mga Lektura sa Panitikang Popular 149


Kayó ay matakot, dapat panginigán,
sa hatol na waláng mga katuwiran,
lalò sa mahinhi't sawing paraluman
waláng tagatanggol sa hampás ng buhay.

Ang isáng bulaklák na kagaya nitó,


waláng iwing lakás kung di yaóng bangó,
panong pagmamatwid, patunay ay pano,
tangi sa asiwâ ay babaing tao?

Kayó'y may sarili't buóng kakayahán,


marunong, malakás, at sakdal ng yaman;
ang isáng kawawa'y pagkákaisaháng
hatula ilugmók sa kapighatián.

Ang dakilang aral ay isaalala


niyóng Mánanakop nang nabúbuhay pa;
sa Ebangheliyó'y inyong mábabasa:
Huwág parusahan yaóng waláng sala.

At sakâ, ang awaý huwág lilimutin


At sa kápwà-tao'y waláng tatangiin;
Gayon din sa kulay: maputi’t maitim,
Sinumán ay waláng sukat pahigitin.

Ngayón ay kaibá yaring námamalas,


walâ nang ápihin kundi ang mahirap;
kahit may matuwid, pinupuwing agád,
ang kapangáhasa'y sa yaman at lakas...

Kayá't napilitang nahabág ang dibdib


sa parúrusahang himalâ ng dikit,
kalapastangan ang magbigáy sakit
sa isáng luningning na buhat sa langit.

Ikalawang Belyako: Karárahan kayo niyáng pangungusap
na labis ng hapdi at sa am’y gawad,

150 Mga Lektura sa Panitikang Popular


gawáng pamumusóng ay di hináhangád
pagkatao ko na sa mundó'y mámulat.

Itóng pagsasakdál na aking ginawâ


laban sa bulaklák na kahanga-hangà
ay hindi sa galit, hindi rin sa kutyâ,
kundî sa simbuyó ng pusong tinudlâ.

At isáng pagsubok na pagpaparamdám


sa tinitiis kong mga kahirapan,
hirap sa pagsintáng kikitil sa buhay
buhat nang mákita ang kanyáng kariktán...

(Sa Belyaka...:)

Ang akin pagganáp sa pagpaparusa


ay di sa adhikáng ikáw'y bigyang sala;
nais koý ihibik sa mahál mong gandá
ang subyáng ng pusong bihag ng pagsintá.

Ipagpatawad mo yaring kakulangán


sa pagkakámalí't mga pagbibintáng;
upáng makabayad ang sawíng katawán.
itarak sa dibdib iyáng iyóng punyál.

Yáyamang walá nang ligaya ang dibdib


at nihag sa pusò ay putós ng galit,
mabuti pa ngayón, buhay ko'y mapatid
sa haráp ng aking tanging iniibig.

Unang Belyaka: Akó'y waláng kaya at sukat iganáp,


at walá ring pusong nilikhâ sa tigás
kahit na dinustâ ang abâ kong palad;
akó'y magtitiis, dátapwá't... patawad!

Patawad sa iyóng mithi't kahilingan


na akó ay siyáng bumihag sa buhay,
hanggán dito'y sukat at iyóng hanggahán

Mga Lektura sa Panitikang Popular 151


hibik mong pagsiá'y ipaibáng araw.

Ikalawang Belyako: Kung ganitó, akó'y napasásalamat


sa huling pangakong iyóng kabibigkás,
salamat at yaring pusong naghihirap
ay may panahón pang magkakáliwanag.

Ipagpaumahin ang lahát ng bagay


at akó sa inyó ay magpápaalám,
huwág ipagkait iabót ang kamáy
dini sa áalis na lingkód na tunay.

(Makikipagkamáy ang belyaka, ang


belyako’y
yuyukód sa Hari saká bibigmasin ang ...:)

Yamang naganap na at aking natupád


ang layon ng pusong sa gandá'y nabihag,
mahál naming Hari, maraming salamat,
mag-utos kang muli sa iong alagád.

Hari: Salamat sa inyó


bekyaka’t belyako,
tapos ang nagbayo,
dala pati halo.

(wakas)

(Hangò sa “Busog ni Kupido,” ni A. Fernandez, Imprenta at


Litografia ni J. Fajardo, 1910, Maynila. Ang mga pagtutuwid ay
amin.)

152 Mga Lektura sa Panitikang Popular


II

BALAGTASAN

Pumasok tayo ngayón sa ikalawáng bahagi ng panayám sa


bálagtasan.

Katuturán. — Bálagtasan ang tawag sa makabagong


duplo. Nagbuhat ang salitáng bálagtasan sa pamagát ng kumatha
ng Florante at Laura, kay Francisco Baltazar. Sa pamagát na
Balagtás kinuha ang bálagtasan, hinulapian ng an ang salitáng-
ugat na balagtás na siyáng banság o pamagát ng násabing Hari ng
mga Makata, sapagká't ipinatungkól sa pagdiriwang ng kanyáng
pagsilang, tuwing iká-2 ng Abril. Ang katuturán ng Bálagtasan ay
matataho natin sa iká-47 mukha ng aklát na "Ang Kudlit at Tatás ng
Wikang Tagalog," na ang sinásabi sa ikatlóng saknóng (lakma) ay
gayarí:

"Itóng Bágtasa'y galing kay Balagtás


Na Hari ng mga mánunulang lahát,
Itó'y dating duplong tinátawag-tawag,
Bálagtasan ngayón ang ipinamagát."

Nang likhaìn ang násabing salita, ang Lupong Pámunuan


ng "Kapulungáng Balagtás" ay hindi sumangguni sa anó mang
aklát, bagama"t mayroón nang "balagtasan" sa ika-81 mukha ng
Talátinigan ni Don Pedro Serrano Laktaw, na nilimbág sa Maynila
noóng 1914. Anyá:

Balagtás, directo, ta; recto, ta; adj. Direcfamente, adv.


Fammet, Poesía. Poeta. Poetisa. De aqui el sobrenombre de
Balagtás, que el pueblo tagalog aplicó a su predilecto poeta don
Francisco Baltazar, autor del muy popular folleto en ber Florente at
Laura.

Balagtasín, dejar de metáforas o de expresiones enigmáticas


u oscuras. Escribir o hablar en verso. Decir claramente y sin rodeos

Mga Lektura sa Panitikang Popular 153


alguna cosa.
Bálagtasan; balagtás. Claro, ra; evidente Claramente.
Sinonimo de agtas; bagtas; balatas; tapat; tula.

Bálagtasan. Claro, ra; evidente. Claramente, de balagtás.


Balagtasín. Decir claramente y sin rodeos alguna cosa.
Dejar de metaforas o de expresiones enigmáticas u oscuras. Escribir
ó hablar en verso. De balagtás.

Kung áno ang tinátawag na bálagtasan?

Isáng tunggálian ng mga makata sa gitna ng nagkákatipong mga


paralumang nagbibigáy ng pakpák sa diwang mapangarapin, upáng
buhayin nguni langkapán nga lamang ng panibagong ayos at palamuti ang
matandáng duplong di-miminsang pinagtagumpayán ng diwa ni Balagtás.
Iyán ang sanhi kung bakit tinawag na bálagtasan.

Pagkakáibá ng duplo sa bálagtasan, - Ang kasali sa bálagtasan


ay hindi na tátawaging hari, belyako o belyaka, wala na ang número o
numerasyon, hindi na circulo o sirkulo ang pinaglálaruan, wala na rin
ang palmatorya, at hindi na ipátutungkol sa patáy. Ang mga tuntunin ng
bálagtasan ay ang mga sumúsunód:

A. Ang pámunuán ay búbuuin ng isáng Lakandiwa, isáng Gatpayo, at


isáng Lakan-ilaw, na siyáng pinaká-Lupon ng Katarungan. Ang mga
kasali ay tátawaging Makata, Paruparó, Paraluman o Bulaklák. Ang
Lakandiwa ay may kapangyarihang magpasyá sa bálagtasan sa bisa
ng mga tuntuning sumúsunód:

(1) Humatol sa pagtatalo ng tagausig at ng nagtatanggol sa


Paralumang ipinagsásakdal:
(2) Pumutol sa anó mang pagtatalo kailán pa ma't ináakala niláng
dapat nang wakasán ang pag-uusap;
(3) Magparusa sa Paralumang násasakdal kundi mapawalang-sala
sa pagmamatwíd ng nagtátanggól ang mga bintáng at paratang
ng nag-úusig;
(4) Magpawaláng karapatán at pumigil sa pambabalagtás ng

154 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Makata o mga makatang lumálabág sa tuntunin ng bálagtasan,
o sa sínumáng sumusuwáy sa kaatasán ng Lupong Katarungan;
(5) Ang mga makatang magsásakdál ay siyyáng may tungkuling
manawagan at ang magtátanggól namán ay siyáng sásagót,
pagkatapos ng Lakandiwa at maipagbigáy-alám sa Paraluman
ang uri at mga sanhi ng sakdál o paratang at mabigyáng
pahintulot ang sino mang makatang háhandóg na magtanggól;
(6) Ang mga Paralumang sásali sa bálagtasan ay dapat magkaroon ng
bilang upáng sa gayón ay matukoy kung sino ang ipinagsásakdal
o ipinagtatanggól ng makata. Sa ikaáayos ng bálagtasan ay
itinátagubilin ng Lupon, na gawín ang wastóng sunud-sunód ng
mga Paraluman ayon sa hanay ng pagkakálikmo.

B. Ang paraán ng pagpaparusa ay dapat mábatay sa ganitóng tagubilin:

1. Kung hindi mapawaláng-saysáy ang sakdál o paratang, ang


Lupong Katarungan sa pamamgitan ng Lakandiwa ay karapatáng
maglagda ng hatol, na:

(a) Paawitin o patulain, o pagtalumpatiin, ang Paraluman sa


halip na paluin ang palad ng pinarúrusahan;
(b) Maáari ring lapatan ng ibáng parusang inaáakalang tumpák
ayon sa hinihingi ng mga pagkakátaon;
(c) Ang makata namáng makapagwaláng-saysay sa sakdál o
paratang ay gágantimpalaan ng Paralumang ipinagtátanggól
ng anumáng minámarapat niyáng ihandóg.

2. May kapangyarihan din ang Luping Katarungan, na magpasiyáng


mákasaling muli ang makatang natalo o nanalo sa bálagtasan,
hanggá't kaya niyá ang magsalita o ipináhihintulot ng mga
pangyayari.
3. Itinátagubilin sa lahát ng makatang sásali sa bálagtasan, na sana
ay iwasan ang pagbanggit o pagbigkás ng anumáng malaswáng
salita sa hangád lamang makapágtugma-tuma; at ang sinumáng
márapatan ng Lupon ay mapawáwaláng-karapatáng magpatuloy
pa ng pagtula o makasali pa muli sa ibáng yugto ng bálagtasan.

Ang mga tuntuning nasa-unahán ay maáaring baguhin, dagdagán

Mga Lektura sa Panitikang Popular 155


o susugan ng Lupong Katarungan, sa kapasiyahan ng buóng kapulungán.

Kasaysayan. - Ang ikatlóng taóng pagdiriwang sa karangalan


ng Dakilang Makata na si Francisco Baltazar ay idinaos sa "Instituto de
Mujeres, daáng Tayuman, Tundó, Maynila, noóng Linggó, Abril 6, 1924. At
upáng málaman natin ang kasaysayan ng násabing pagdiriwang ay basahin
ang katitikan sa mga unang paghahanda ng "Kapulungáng Balagtás."

Katitikan. - Sa pulong ng "Kapulungáng Balagtás", na idinaos sa


táhanan ng Patnugot ng "Instituto de Mujeres, na noón ay nasa daáng
Tayuman, Tundó, Maynila, nang ika-28 ng Marso ng 1924, hapon ng araw ng
Linggó, ay pinagtibay ang maringal na pagbubunyi sa kaarawán ng dakilang
Makata sa Panginay. Ang Lupong Pámunuán na siyáng nagsásagawa sa
paná-panahón, ay ang sumúsunód:

Pangulo: Rosa Sevilla ni Alvero;


Pangalawa: Lope K. Santos;
Kalihim: Teodoro E. Gener;
Tagaingat-yaman: Carlos Ronquilio;
Tagapansin: Rosauro Almario;
Kagawad: Jose N. Sevilla,
Deogracias A. Rosario, at
Patricio A. Dionisio.

Pinagtibay sa pulong na nábanggit, na sapagkát ang ikalawáng


araw ng Abril ng 1924, ay hindi nátaón sa araw ng Linggó, ang
pagdiriwang ay iniliban sa iká-6 ng násabing buwán. Sa lubós na
pagkakaisáng ang parangál kay Balagtas ay gawing katangi-tangi at may
kaugnayán sa tuláng tagalog ay nangyari sa pulong ang túgunang humigit-
kumulang ay ganitó:

-Kung may-kinálaman sa tuláng tagalog ang pagdiriwang, ang ating


gawín ay duplo, makabagong duplo- ani Lope K. Santos;

-Nguni dapat ibahín ang tawag, huwág duplo- nag tugón ni


Teodoro E. Gener;

-Ang mabuti ay hango kay Balagtás – ang sabi ni Pat A. Dionisio;

156 Mga Lektura sa Panitikang Popular


-Balagtasan kung gayón ang dapat itawag-ang sambót ni Jose N.
Sevilla.

At ang lahát, matapos unawain at nilayin, ang kahulugán


at ibig ipakahulugán sa salitang bálagtasan ay nasiyahán. Agad
pinagkásunduang ang dalawáng magháhamok na pángunahin sa larangán
ng bálagtasan ay ang palaging namamayani noón sa mga paguputong sa
mga pagdiriwang: siná Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes.
Ang una ay madalás magwagi sa mga timpalak ng mga tula, at ang
ikalawa'y pulutgata sa pagbigkás at pagpupuri sa mga paralumang nápipili
at nagwawagí sa mga timpalak-kagandahan sa iba't ibáng dako.

Palatuntunan. - Sa maghapong pagdiriwang noóng ika-anim ng


Abril ng 1924, ay sinunód ang ganitong palatuntunan:

SA UMAGA

8:30 - Pagpapatala ng mga kapulong at pagtitipon sa gusali ng


“Instituto Mujeres;”
8:50-9:30 - Sa loob ng oras na itó ang sino mang kapulong ay malayag
makapagsásalita ukol sa alin mang súliranin ng wika;
9:30 - Salitáng pambungad ng Pangulo ng "Kapulungáng Balagtás,"
Ginang Rosa Sevilla ni Alvero;
9:45 - Ulat ng Kalihim Teodoro E. Gener ng Kapulungán;
9:50 - Ulat ng Tagaingat-yamang Carlos Ronquillo;
10:00 - Panayam ni G. Pedro Serrano Laktaw;
10:00 - Panayám ni Gng. Florentina Arellano;
11:00 - Pagsusulit ng mga lupon ng kani-kanilang nágawa;
pagtanggáp ng mga mungkahing sinulat ng mga kapulong;
11:30 - Paghahalál ng bagong Lupong Pamunuáng manunungkol
hanggáng Abril ng 1925;
12:00 - Tanghalian.

SA HAPON
Pagtanggáp ng tungkulin ng bagong magsisibuô ng Lupong
1:30 -
Pámunuán;
2:00 - Pagtatalo at pagpapasiyá sa mga natanggáp na mungkahi.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 157


SA GABI
7:30 - Lamayán.

1. Tugtugin ng Orkesta Ilaya.


2. Pagpapakilala sa bagong Lupong Pámunuán ng "Ikatlóng Kapulungáng
Balagtas."
3. Talumpati ng bagong Pangulo.
4. Awit ni Bb. Rosa Piñon.
5. Panayám ng Kgg. Norberto Romualdez.
6. Diwa ni Balagtás: saán ka naroón? (Isáng maikling tugma.)
7. Timpalák ng mga binibini sa pagbigkas ng tula.
8. Awit ni Gng. Felipa Santos.
9. Papapahayag ng hatol na inámpalán sa timpalák ng bigkasan.
10. "Pighati," kundimang áawitin niná Bb. Luwalhati K. Santos at Generosa Cruz.
11. Pagbibigáy ng katibayan sa mga makatang nagwagí noóng nagdaáng taón, at
sa mga binibining nanalo sa bigkasan.

II

UKOL SA BÁLAGTASAN

(Ang laróng itó ay nákakatulad ng dating duplo at karagatang bagamán


makabago na. Ang lalaki ay tátawaging Makata at ang babae ay
Paraluman, o kaya'y Paruparó at Bulaklak, o Panganorin at Bituin.
Sásaliham ng marami nating mga batikáng makata.)

Tagapágpakilala — Jose Corazon de Jesus

Ulat. — Upáng maging waláng kinikilingan ang ulat na itó ay tunghán


natin ang bilang 82 (Taón III) ng páhayagáng "Ang Watawat noóng lunes,
Abril 7, 1924; sa kanyáng unang mukha ay ganitó ang balita:

“SI G. ROSA SEVILLA RIN ANG LUMABAS NA PANGULO NG KAPULUNGANG


BALAGTAS”

"Sang-ayon sa kinálabasán ng hálalan kahapon ng tanghali sa


"Kapulungáng Balagtás"ay maipagpapauná na ngayón pa ang

158 Mga Lektura sa Panitikang Popular


dati ring kilos at pamamalakad na nákikita sa kasalukuyan ng
kapulungáng itó. Ang nagsisibuo ng bagong Lupong Pamunuán ay
ang mga sumúsunod:

“Pangulo: Rosa Sevilla (muling halal);


"Pangalawá: Jose Corazón de Jesus;
“Kalihim: Teodoro E. Gener (muling halal);
"Tagaingat-yaman: Mateo Herrera;
"Tagapansin: Iñigo Ed. Regalado.

"Ang binasang panayám ni G. Pedro Serrano Laktaw na isang


matanda at siyáng kumathâ ng diksiyonaryong tagalog ay nagíng
palasô at busog sa mga pagpintas sa mga mánunulát ngayón.
Ang karamihan ng kanyáng binanggit sa panayám ay pawang mga
bagay na hindi bago sa pandinig at kaálaman ng mga mánunulát sa
tagalog, nguni ang tanging masabing mahalagá ay ang pangkát na
ukol sa pagbilang ng tagalog. Sang-ayon kay G. Serrano ay dapat
maging laksa ang "million," yuta ang "billion"at angaw ang "trillion."
Sa ngayón anyá ang laksa ay lumilitáw na sampúng libo lamang, ang
yuta ay isáng daáng libo. Ang panayám ni G. Serrano Laktaw ay
násusulat sa tagalog at maáaring makipag-agawán sa mga bagong
sumisikat sa panunulat. Ang diwang pinakamatayog ng kanyang
panayam ay ang pagmamahal sa sariling atin at pagwawaksi nang
labis na paggagád sa mga dayuhan. At ito ang sanhi kaya pinilantik
ding kasama ng mga"disiyembre," Diyos" atbp., ang masagwáng
pananamit ng ating mga babae."

Sa kaliwáng panig namán ng násabing páhayagán ay ganito


ang taglay na ulat:

“ANG BALAGTASAN AY NAGING MASIGLA”

Sa mga pagdiriwang na náiukol na kay Francisco Baltazar


(Balagtás) ang idinaos kagabi ng "Kapulungáng Balagtás " ay
nápatangi.

Ang panayám ng Mahistrado Romualdez ay masásabing


siyáng nápapatangi sa lahát na ng panayám na nábasa ukol sa

Mga Lektura sa Panitikang Popular 159


pánitikán at kabuhayan ng wikang tagalog. Sa panayám ng náturang
kagawas ng Ktt. Húkuman ay natipon ang lahat; ang tamis, ang
ningning, ang liwanag, ang buhay, ang siglá, ang katangian, ang
kawalang-kamatayan ng ating wika. Pagkatapos ay binanggit ang
pagkakáwangiswangis ng mga wikang ginágamit sa Pilipinas mula
sa siyudad hanggán sa mga sulok ng kabundukan, sa mga wikang
euripeo na siyáng katutubong kapitbahay ng wikang pinagyaman
ni Balagtás. Ipinkilala rin namán ng Mahistrago Romualdez na ang
Pilipinas ay hindi lamang may sadyáng kayamanan sa wika kundi sa
áwitin at tugtugin mang likás sa Silanganan.

SI ‘LIWAYWAY’ ANG UNA

Apat na tanyág n dalagang tagalog, siná Epifania Alvarez, Flordelis


Santiago, Josefina Ampil at Filomena Alcanar, ang naglaban kagabi
sa páligsahan sa pagbigkás ng tula. Waláng itulak-kabigin sa apat
sa kainaman ng kaniláng mga tulá, tinig, kilos, anyo at pakikibagay
sa mga tuláng kaniláng binigkás. Dátapwát sa ibabaw ng liwanag
at katotohanan — ang wika nga — ay may nakahigit sa apat, si Bb.
Epifania Alvarez, ang nagkákanlong sa pamagát na "Liwayway."
Ipinákilala ni Liwayway ang pagiging kilabot siya sa bigkasan na
hindi maipagkakait na pamana sa katutubong simoy at lamig ng
hangin sa kabukiran ng Malolos, Bulakan. Ang lupong humatol
dito ay binuo ng mga makatang Julian Cruz Balmaceda, Iñigo Ed.
Regalado, at ng manunulat na Jose Maria Rivera.

ANG DALAWANG BITUIN SA LANGIT NI APOLO

Ang kaalipinan ng wikang tagalog as mga wikang kastila at inglés,


na sa mula't mula pa ay siyáng mahigpit na sagabal ng ating paglaya
at lumalason sa tunay na pag-ibig natin sa sarili, ay buung-buóng
inilarawan ng maikling tugma ni Pepe Sevilla, na pinamagatáng
Diwa ni Balagtas: saán ka nároon? Sa tugmáng itó ay ipinakilala
rin ng may-akda na ang kaunting pag-asa at buhay pang nálalabi
ng wikang tagalog ay utang sa waláng patid na pagsisikap ng mga
kapisanang mánanagalóg na binubuo ng matatalinong kabataán sa
kasalukuyan.

160 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ANG BALAGTASAN

Ang káuná-unahang pagkakáraos ng Bálagtasan ay nagtamó ng


tagumpáy. Lubós ang pag-asa ng lahát na ang pagkakábukás ng
bagóng landás na itó sa túlaan ay siyáng dahilán ng panunumbalik
ng buháy na larawan ni Francisco Baltazar. Siyá rin namáng magiging
saligán ng pagkaparam ng mga duplong waláng puno't dulo na
karaniwang ganapin sa mga padasal dito sa atin.

Siná G. Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes


ang nanguna sa Bálagtasan kagabi, na sinálihan din namán niná
Guillermo Holandez Olay, Amado V. Hernandez at Tomás de Jesus."

Papuri sa bálagtasan. - Hindi kamí ni ang páhayagáng


kinábibilangan ng sinumán sa mga sumali sa káuna-unahang bálagtasan
ang magpúputog ng mga pangungusap na papuri sa makabagong duplo
kundi ‘Ang Watawat sa kanyang pitak na “Sariling Kuro” noong lunes, Abril
1924, ang basahin natin. Náitó:

"Isáng tunay na pagwawagí. - Ang lahát ay nagkakaisá sa palagáy


na ang ikatlóng "Kapulungáng Balagtás" ay isáng tunay na pagwawagi,
hindi dahil sa mga balak o kapasiyahang pinagtibay sa kapulungan, kundi
sa mga kabaguháng ipinasok sa pagdaraos ng lamayán. Masásabing sa
pagkakaroón ng mga bagong uri ng pagpaparangál sa amá ng wikang tagalog
ay nagbagong landás sa dati'y pangkaraniwan nang tinatahak. Hindi na
nagkákasiya sa mga tálumpatian at bigkasan ng tula ng ating mga makata,
ni sa mga páligsahan o timpalak na pangkaraniwan na irn, kundi dumako
pa roón ngayón sa pagbuay sa matandáng laro ng ating mga tanyág na
duplero at sa pagbibigáy pagkakataón upáng sa taun-taón ay mapagkilala'y
mátanghál ang ating mga kadalagahang nárarapat pagyukurán sa pagiging
mga batikáng mámimigkás ng tula.

"Ang ganyáng mga kabaguháy dili ang hindi makatútulong nang


malaki sa pagpapaunlád at pagpapalaganap na lalu't lalo ng wika ni Balagtás,
at hindi rin namán mapag-áalinlanganang siyáng pagkakásimulán na ng
pagkaakit sa piling natin ng mga nagpápaking-pakingan at nagwáwala-
walaan sa tawag ng sariling lahi at sariling lupa. Dátapwát kung ang mga
kabaguhán mang itóng ipinasok ay nakapukaw ngayón ng damdamin ng

Mga Lektura sa Panitikang Popular 161


madláng nakinig ay ináasahang sa pagbubukás ng bagong landasing iyan ay
lalo pang masisiyahán ang madla sa taóng hahalili, sa pagdaraos ng pang-
apat na "Kapulungáng Balagtás.

"Subali't sa ibabaw ng lahát ng iyá'y karapat-dapat sa lalong


mataos na papuri ang panayám na binigkás ng Mahistrado Romualdez,
isang panayám na sa aming paniniwala'y wala pang nákakawangis hanggá
ngayón sa liwanag ng pag-uulat, sa lawak ngmga súlraning sinásakláw at
sa kahusayan ng ginawáng pagpapakilala ng bawa't súliraning inibig na
patimuin sa gunitá't isipan ng mga nakikinig."

(Ang tagapamatnugot ng Ang Watawat noóng Abril, 1924, ay si G.


Leonardo A. Dianzon.)

Kauná-unahang bálagtas. - Ang tumpák at tunay na káuna-


unahang salin ng bálagtasan, na sinulat ni Jose Corazon de Jesus
at binigkás nang buóng ningning niláng dalawá ni Florentino T.
Collantes, ay ang sumúsunód:

Paksa: Bulaklak ng Kalinisan


Kampupot: Sofia Enriquez
Lakan-ilaw: Rosa Sevilla ni Alvero
Gatpayo: Iñigo Ed. Regalado.

Lakandiwà: Yamang akó'y siyang Haring inihalál,


binúbuksán ko na itóng Bálagtasan,
lahat ng makata'y ináanyayahang
sa gawáng pagtulá ay makipaglaban.

Ang makásasali'y batikáng makatà


at ang bibigkasi'y magagandang tulá
magandang kumilos, may gatâ sa dilà,
at kung di ganitô ay mapapahiyâ.

Itóng Bálagtasa'y galing kay Balagtás


ng Hari ng mga Manúnulang lahát,
ito'y dating duplong tinátawag-tawag,
bálagtasan ngayon ang ipinamagát.

162 Mga Lektura sa Panitikang Popular


At sa gabing itó, sa haráp ng bayan,
binúbuksan ko na itóng Bálagtasan,
sakâ at ibig kong ditó'y pag-usapan:
bulaklak ng lahing kálinis-linisan.
Tinátawagan ko ang mga makatá,
ang lalong kilabot sa gawáng pagtulá;
lumitáw na kayó'y ditoý pumagitnâ
at magbálagtasan sa sariling Wikà.

Magandáng gbi pô sa kanilang lahát,


mga nálilimping kawal ni Balagtás;
akó'y paruparóng may itim sa pakpák
at nagbábalità ng masamáng oras.

Nanánawagan pô, bunying Lakandiwà,


ang uód na dating ngayo'y nagmakatà
naging paruparó sa gitnâ ng tulâ
at isáng bulaklák ang pinipithayá,

Sa ulilang hardíng pinanggalingan ko,


laon nang panahóng nagtampó ang bangó,
ngunì aywan bagá't sa sandaling itó
ay may kabánguhang binubuhay akó.

May iláng taón nang nagtampó sa akin


ang bangó ng mga bulaklák sa hardín,
luksang Paruparó kung akóy tawagin,
mata ko'y luhaán, ang pakpák ko'y itím.

Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin,


ikinágagalak na kayóy tanggapin;
magtulóy pô kayô at sa aking hardin,
tingnan sa kanilá kung sino at alin.

Paruparó: Sa aking panlangáp pong pinakaiirog,


Ubod pô ng gandá't putî ang talutot,
bulaklák pô itô ng lupang Tagalog,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 163


kapaták na luhang pangalaý Kampupot.

Kayâ namán mandín dî ko masansalà


ang taghóy ng dibdib na kanyáng dinayà;
matapos na siyá'y diligin ng luhà,
nang siyá'y umunlad, nagtagó... nawalâ.

Isáng dapíthapong palubóg ang Araw,


sa loob ng hardin, kamí'y nagtaguán,
-Paruparó-anyá-kitá'y tátalian,
akó'y hanapin mo kung mákita'y hagkán.

Isáng panyóng puting may dagtâ ng lason


ang sa aking matá'y itinakip noón,
at ang Kampupot ko'y bumabâ sa dahon,
nagtagò pa madin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bangó at samyô


hanggáng makarating akó sa malayò,
at nang alisin na ang takip na panyô,
walâ si Kampupot, walâ yaring puso...

Ang taguáng biro'y naging tótohanan


hanggáng tunay na ngáng mawalâ sa tanáw,
at ang hinagpis ko noóng akó'y iwan,
baliw na mistulà sa pagsisintahan.

Sa lahát ng sulok at lahát ng panig


ay siyá ang laging lamán niring isip,
matulog man akó'y nápapanaginip,
mistulang nálimbág sa sugatáng dibdib.

Sa apat na sulok ng mundóng payaa


ang aking anino'y tila nabandilà,
Paruparô akóng sa matá'y may luhà,
ang mga pakpák ko'y may paták na luksâ.

Ang sakdál ko'y itó, Lakandiwang mahal,

164 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ibalik sa akin, pusò kong ninakaw;
at kung si Kampupot ay ayaw pô namán,
yaóng pusò niyá sa aki'y ibigáy.

Bubuyog: Hindî mangyáyari at ang pusò niyá'y


karugtóng ng aking pusong nagdúrusa;
pusò at Kampupot pag iyóng kinuha,
ang lálagutin moý dalawáng hiningá.

Pusong pinagtalì ng isáng pag-ibig,


pag pinághiwaláy, kapangá-panganib;
dagat ma’t hatiin ang agos ng tubig
sa ngalan ng Diyós ay maghihimagsík.
Ang dalawáng ibon na magkásintahan,
papaglayuin mo't kapwà mamámatáy;
kambál na pag-ibig pag pinághiwaláy,
bangkáy ang umalis, patáy ang nilisan.

Paruparóng sawing may pakpák na itim,


waring ang matâ mo'y nagtakipsilim,
at dahil sa diwang baliw sa paggiliw,
dî man Kampupot mo'y iyóng ináangkin.

Dináramdám ko rin ang dináranas mo


at sa kasawia’y magkauri tayo,
akó ma'y mayroóng nawáwalang bangó
ng isá bulaklák, kayâ naparito.
Buhat pa kaninang ikáw'y nangúngusap.
bawa't salitâ mo'y matulis na sibát,
sakâ ang hanap mong mabangóng bulaklák.
luksáng Paruparó, siyá ko ring hanap.

Ipáhintulot mo, Paruparóng luksâ,


dalitín ko yaring matinding dalitâ,
itulot mo rin pô, hukóm na dakilà,
Bubuyog na sawí'y makapagsalitâ.

Paruparó: Di ko pinipigil ang pagsasalaysáy,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 165


lalo't magniningning ang isáng katwiran;
ngunì tantuin mo na sa daigdigan,
ang bawa't maganda'y pinag-áagawán.

Lakandiwà: Magsalitâ kayó at ipaliwanag


ang ubod ng lungkot na inyóng dinanas
paano at saán ninyó nápagmalas
naitó ang siyá ninyóng hináhanap.

Bubuyog: Sa isáng malungkót at ulilang hardin


ang binhi ng isáng halama'y sumupling,
sa butas ng bakod na táhanan namin
ay kasabáy akóng isinisilang din.

Nang iyóng halama'y lumakim umunlád,


lumaki rin akó't tumibay ang pakpák;
at nang sa butas ko akó'y makalipád,
ang unang hinagká'y katabing bulaklák.

Sa kanyáng talulot unang isinanlâ


ang tamis ng aking halik na sariwâ,
at sa aking bulóng na matalinghagà.
napamukadkád ko ang kanyáng sanghayá.

Nang mamukadkád na ang aking kampupot


sa araw at gabi akó'y nagtátanod,
langgám at tutubing dumapò sa ubod
sa panibughô ko'y aking tinátapos.

Ngayón, tandâ ko ngang kayó'y nagtaguán


habang akó'y kanlong sa isáng halaman,
luksáng Paruparó, nang ikáw'y maligaw
ang aking halakhák ay nakábulahaw.
Ang inyóng taguán, akalá koý birò,
kayá ang tawa ko'y abót sa malayó,
nguni nang ang sayá'y tumagós sa pusò
sa akin man palá ay nakapagtagò.

166 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Lumubóg ang Araw hanggán sa dumilim,
giliw kong bulaklák di rin dumárating;
nang kinábukasa't muling mangulimlim
ay hinanap ko na ang nawaláng giliw.

Nilipád ko halos ang taá ng langit


at tinaluntón ko ang bakás ng ibig,
ang kawikaán ko sa aking pag-alis
kung di ko mákita'y di na magbabalik.

Sa malaong araw na nilipád-lipád


dito ko natuntón ang aking bulaklák;
bukong sa halik ko kayâ namukadkád,
di ko pápayagang mápaibáng palad.

Luksáng Paruparó, kampupot na iyán,


iyán ang langit ko, pag-asa at buhay,
ang unang halik kong katamis-tamisan
sa talulot niyá ay nakalarawan.

Paruparó: Hindi mangyáyaring sa isáng bulaklák


kapwà mápaloob ang dalawáng palad;
kung ikáw at akó'y kanyáng tinatanggáp,
nagkásagì sana ang kanitáng pakpák.

Ikáw ay bubuyog sa urang sumilang


nang makalabás ka'y sakâ mo hinagkán;
akó ay lumabás sa kanyá ring tangkay,
sino ang malapit sa pagliligawán?

Una muna akóng nag-uód sa sangá


na balót ng sapot ng pagkaulila;
bang buksán ng Diyós yaring mga matá
bulo’t dahon namin ay magkasama na.

Sa ugóy ng hangin sa madaling-araw


nagdúduyan kaming dalawá sa tangkáy,
at kung bumabagyó't malakas ang ulán

Mga Lektura sa Panitikang Popular 167


ang kanyá ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyáng talulot kung may dumadaloy


na paták ng hamóg, aking iniinóm;
sa dahon ding iyán akó nagkakanlóng
sa init ng Araw sa buóng maghapon.

Papano ngang siyá ay pagkakámalán,


sa, kami’y lumaki sa iisáng tangkay;
kayâ ngâ kung akó'y sa kanyá nabuhay.
ibig ko rin namáng sa kanyá mamatáy.

Bubuyog: Huwág kang matuwâ, sapagká't kaniíg


niyáng bulaklák tang ináaring langit
pagká't tantuin mo sa ngalang pag-ibig,
malayó ma't ibig, daig ang malapit.

Sakâ ang sabi mong sa mutyang kampupot


nakikiinóm ka ng paták ng hamóg;
kaunting biyayà na bigáy ng Diyós,
tapang ng hiyâ mong ikáw ang lumagók.

Ikáw'y isáng uód, may bulo kang tagláy,


sa isáng bulaklák, laso't kamátayan,
at akóng bubuyog ang dalá ko'y buhay,
bulóng ng hiningáng kátamis-tamisan.

Paruparó: Akóng malapit na'y napipntasán mo,


ikáw na malayò namán kayá'y pano?
dalaw ka nang dalaw, di mo naiinó,
ay ubós na palá ang iyóng sabao.

Bubuyog na laging may ungol at bulóng


ay nakáyayamot saanmán pamarón;
at ang katawán mo ay mayróng karayóm.
pano kang lalapít, di naduro tulóy?

Di ka humalik sa mga bulaklák,

168 Mga Lektura sa Panitikang Popular


talbos at kamote ang siyá mong liyág,
ang mga bintana'y iyóng binubutas,
doón ang bahay mo, Bubuyog na sukáb.

Ikáw ay bubuyog, akó'y paruparó,


iyóng mga bulóng ay náririnig ko;
kung dinig ng lahát ang panambitan mo,
hiyâ ni Kampupot, ayaw na sa iyó.

Bubuyog: Kung di náiibig ang nakikiusap,


laló an tahimik na tatapat-tapat;
kung ang magsalita’y di magtanong palad;
lalò na ang dungóng dî makapangusap.

Lilipád-lipád ka na payao't dito,


pasaguláng-bingit na patanáw-tao,
pagligaw-matandáng sa panahóng itó,
pagtátawanan pa ng liligawan mo.

Ikáw'y paruparó, akó ay bubuyog,


nilang ka sa tangkay, akó ay sa bakod,
nguni saáng panig nitóng sansinukob
nákakatuwaán ang paris mong uod?

Sakâ, Paruparó, dapat mong málamang


Sa mulá't mula pa'y di ka minamahál,
Ang panyóng panali nang ikáw ay takpán,
Ikáw ang may sabing may lason pang tagláy.

Paruparó: Ganyán ang hinalang namugad sa dibdib,


pagká't nápaligaw ang aking pangmasid,
hindi palá laso't dagtâ ng pag-ibig
ang sa aking panyó'y kanyang idinilig.

Bubuyog: Dádayain ka nga't taksil kang talagá


at sa mga daho’y nagtatago ka pa...

Paruparó: Kung akó'y dinaya't ikáw ang tátawa,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 169


sa tagláy kong bulo, nilason na kita.

Bubuyog: Pagka't ikaw'y taksil, akin ang Kampupot;

Paruparó: Nagkákamali ka, hibáng na Bubuyog.

Bubuyog: Siya'y bulaklák mo sa tabi ng bakod,

Paruparó: Bulaklák ngâ siyá't akó'y kanyáng uód.

Lakandiwà: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparô,


Inyó nang wakasán iyáng pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nitó,
Kampupot na iya”y paghatian ninyo.

Bubuyog: Kapág háhatiin ang aking bulaklák


sa kay Paruparó'y ibigáy nang lahát;
ibig ko pang akó'y magtiís ng hirap
kaysá ang talulot niya ang malagas.

Paruparó: Kung háhatiin po'y ayoko rin namán,


pagkát patì akó'y kusang mamámatáy;
kabyák na kampupot, áanhin ko iyán?
o buô o walâ, nguni akin lamang!

Lakandiwà: Maging si Salomóng kilabot sa dunong


dito'y masisirá sa gawáng paghatol;
kapwà nagnanasà, kapwà naghahabol,
nguni kung hatii'y kapwà tumututol.

Ipáhintulot pong sa mutyáng náritó


na siyáng kampupot, sabihin kung sino,
kung sino ang kanyáng binigyan ng oo,
o kung si Bubuyog, o si Paruparó

Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luhà ng langit,


ang Araw , ang Buwan sa gabing tahimik,
at si Bubuyog po't Paruparóng bukid,

170 Mga Lektura sa Panitikang Popular


kapuwà hindî ko silâ iniibig.

Paruparó: Mátanóng ngâ kitá, sinta kong bulaklák,


Limót mo na bagá ang aking pagliyág?
Limót mo na bagáng sa buóng magdamág
Pinápayungan ka ng dalawáng pakpak?

Kampupot: Tila ngâ, tila ngâ sa aki'y mayroóng


sa hamóg ng gabi ay may nagkakanlong,
nguni akalà ko'y dahon lang ng kahoy
at di inakalà na sinumán yaón.

Bubuyog: Sa minsáng ligaya'y talì ang kasunód,


makápitóng lumbáy o hanggáng matapós.

Sabáy siná Bubuyog Ang iisáng sanláng naiwan sa akin


at Paruparó: ay dî mánanakaw magpahanggáng libing.

Lakandiwa: Ang hatol ko'y itó sa dalawáng hibáng


na baliw ay hindi kinábabaliwán;
yamang ang panahón ay inyóng sinayang,
kayo'y nárarapat na máparusahan.

Ikáw ay tumulâ ngayón, Paruparó,


ang iyóng tulain ay "Pagbabalik" mo,
at ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulaìn, itó ang hatol ko.

(Tútulain ni Paruparó ang


Pagbabalik."
Sakâ sásabihin ng Lakandiwà ang
sumúsunód...:)

Sang-ayon sa aking inilagdáng hatol


ay ikáw, Bubuyog, ang tútulâ ngayón;
ang iyóng tulain ay ang "Pasalubong"
ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 171


(Tútulaín ni Bubuyog ang
"Pasalubong," at pagkatapos ay háharáp sa
bayan at bibigkasin
ang sumúsunód....:)

Minámahál nami't sinisintáng bayan,


ngayón po'y tapós na itóng Bálagtasan,
kung sa aki'y patas ang kaniláng laban
at kung ibig ninyóng silá ay hatulan,
hatulan na ninyó pagdating ng bahay.

WAKAS

Damdamin ng bayan. - Nágising nang buóng siglá at galák ang


matamlay at natutulog na dadamin ng bayan, pagkatapos ng pagdiriwang
ng kaarawán ni Balagtás. Ang pihikang panlasa ng marami ay muling nágiliw
at nahulog ang loob sa tula. Ang kabataáng hindi nakásasaksi ng laróng
duplo ay humanga sa bálagtasan at náakit sa kariktán ng tuláng tagalog.
Mula noón, ang kambál na makata (Batute-Collantes) ay palaging nápita
sa mga pagdiriwang upáng ganapin ang balagtasan. Anupát kumakat at
lumaganap ang bálagtasan sa lahát ng dako, pagka't ang pook na palaring
makapanoód ay hindi maáaring hindi mahikayat sa kaningningán ng túlaan.

Sa pagdiriwang kay Plaridel. - Nang ganapin ang pagdiriwang sa


kaarawán ni Plaridel sa pangangasiwa ng Samaháng Bulakán, sa Maynila,
ang Bálagtasan ay nagíng tampók ng palátuntunan sa noó'y Teatro Zorilla,
sa daáng Azcarraga, noóng Linggó, Setyembre 6, 1925. Ang Ktt. Puno ng
Samaháng bulakán, si José Corazon de Jesus, ay minsán pang nagpakita ng
kakayahán nang ihandóg sa bayan ang bálagtasan ng dalawáng paralumang
totoóng bantóg sa pagbigkas ng tula: Bb. Beatriz Pablo at Epifania Alvarez,
sa paksáng "ilaw ng Bayani." Sa pamagát na yaón aty Bituin si Betty at si
Paning ay Liwayway. Mábabakás ninyo na ang mga tulang balagtasan “Ilaw
ng Bayani,” ay katha ng panulat ni Corazon, tagláy ang katutubong ningning
at lambíng. Naitó:

BITUIN: Beatriz Pablo Liwayway: Epifania Alvarez


172 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Paksa: “ILAW NG BAYANI”

Lakandiwà: Rosa Sevilla ni Alvero


Tagausig : Filomena Alcanar

Lakandiwà: Ang tabing na luksâ nitóng daigdigan


ay hinawi ko nang buóng pitagan;
sa oras na itóng tulaát kundiman
ay batiin kayó ng kaliwanagan.

Káluluwáng hindi nátutong umawit,


ináanyayahang umawit ng nais,
pihikang diwatang sa tulâ nahilig,
tulaín ang gandá ng buóng daigdig.

Mayroóng namatáy na isáng bayani


sa lungkót ng isáng luksáng hatinggabi;
ang kanyáng pag-irog ay hindi masabi
kung na kay Liwayway o bituing kasi.

Bumilang ng taón ang maraming araw,


ilaw ng Bayani ay hindi málaman;
mayróng nagsásabing Bituin ang hirang,
at may nagwiwikang hirang ay Liwayway!

Sa nangáriritóng magagandáng tilà,


humáhanap akó ng ilaw ng tulâ
pinamámanhikáng silá'y magsalitâ,
bigkasin ang awit ng pusò at diwà...

Bukás na ang pinto! Kayó ay tumulóy,


at ang Bálagtasa'y sisimulán ngayón!
Ang hináhanap ko'y kung saán nároón,
Ilaw ng Bayaning sa parang náburol!

Si Beatriz Pablo, Bituin kung turan,


Si Paning Alvarez namán ay Liwayway;
Ang dalawáng itoý magbábalagtasan,

Mga Lektura sa Panitikang Popular 173


Sa ngalan ng Wika ng Katagalugan!

Bituin: Buting malamlám na áandap-andáp,


sa dilim ng langit ay naging bulaklák;
hinipan ng hangin, sa lupa’y nalaglag,
nagkatawáng-tao sa may Balintawák!

May isáng Bayaning sa taglay kong ningning


ay sinundán akó sa gitnâ ng dilim;
sa lungkót ng kanyáng panawaga't daing,
nabagbág ang aking pusò at panimdim.

Sinabi sa akin na ang kanyáng baya'y


salanta't alipin, walang kalayaán;
sa gabi ng mga luha’t panambitan,
nagháhanáp silá ng bituing ilaw.

At akóng Bituin, noó'y nakatungó,


nákita ang ilaw sa mga matá ko!
Bituin! Bituin, tingnán mo ngâ ako't
nangángailangan niyáng liwanag mo.

Tanáng kapatid kong tala't alitaptáp,


nalaglág sa lupa'y di nilá námalas,
at akóng Bituing malungkót ang sinag
ang siyáng sinundán sa dilim ng landás.

Akin pang nákitang daán ay nabuksán


sa dulo ng isang tabák na makináng;
at nang maágawak na iyáng kadiliman,
pumuslit sa dilim ang laya tagumpay!

Nguni ang bayaning sa digmá'y nalagas


ay di nakaiwan ng anó mang hiyás;
walâ kandi isáng punit na watawat,
may tatlóng Bituing sa akin náhuwád!

Ang kay Veronicang panyô ang kapara,

174 Mga Lektura sa Panitikang Popular


nápahid kay Kristo'y Kristo ang nákita;
ang watawat natin nang gamitin ko na,
sa dulo, Bituin, mukhâ ko'y námarká.

Kaya't bilang saksi ng kanyáng paggiliw,


akó'y ikinintál sa watawat natin:
bituing sinundán ng bayang alipin,
hanggáng ang paglaya'y nátuklas sa dilim.

Sa Belén ng ating mithing ninánasà,


akó ang nagturò sa pangakong lupà;
nagpakabituin sa panánalasà't
nákintal ang aking dilag sa bandilà!

Liwayway: Ngumingiting sinag ng kaligayahan,


silahis ng Diyós sa aliping bayan;
layang nakasusing nang buksán ng Araw.
sa bayang Malolos nagbukáng-liwaywáy.

May isáng sugatáng walâ nang pag-asa


na kinákalarô ng buntunghiningá,
tigmák na sa dugó't may luhà sa matá
at ang bukambibig: paglaya... Umaga!

Sa kalungkut-lungkót na kanyáng pagtawag,


aking pusò kayâ ang di maháhabág?
kayâ akó namá'y naglawit ng lingap,
nagliwayway akó't nagbigáy ng sinag.

Nang aking mahawi ang dilim ng langit


at nang isabog ko ang ganitong silahis
ang hapóng bayani'y nag-inót, tumindig,
hawak ang bandilang pinakáiibig.

Nguni't ang bandilà nang itinátanghál


ang abáng bayani'y hindi nakatagál,
hawak ang watawat na nápatimbuwáng
habang ang paglayà namá'y dumúrungaw.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 175


At sa bayang aping nakatanikalâ
ay waláng naiwan kundî ang bandilà,
watawat ng lahing walâ pang paglayà,
tigmák na sa dugoý basâ pa ng luhà.

Nguni't ang bayani nang bago mamatáy


ay nagpakilalang akó'y minámahál;
sa tanging pamana na kanyáng iniwan
sa pinakagitnâ, ako'y may larawan.
Naliligid akó ng mga bituin,
nasa-pusò akó at nasa-panimdim,
náririnig ko pa nang itagubiling
mahigit sa madláng akó ang mahalin.

Akó ang liwaywáy ng magandáng sinag


ng bayang aliping kinakapus-palad;
sa madaling-araw ako'y tinátawag
ng mga bayaning nakikipaglamas.

Sa naghihingalo't katawáng salantâ,


bawa't silahis ko'y tilamsik ng awà,
sa isang bayaning nabuwál sa digmâ
kung mákita ako'y para nang lumayà.

At sa bayang api na nasa-karimlán


ang laging dalangin ay bukáng-liwayway...
at si Bonifacio, Rizal at Del Pilar,
akó ang sinuyò bago nangamatáy.

Sakâ ang bayani na kinulang-palad


ay dahil sa aking malmig na sinag;
siyá ay naglamay sa buóng magdamág
dahil sa pagtuklas ng aking liwanag.

Sa buóng magdamág na pakikilaban


waláng hintáy kundi ang bukáng-liwayway;
kung akó'y mákita't aking masinagán,

176 Mga Lektura sa Panitikang Popular


lalo't kung magwagi'y lugód nang mamatáy.

O! Mutyáng Bituin, akó'y nagtátaká,


hinanap na akó'y háhanapin ka pa;
kung ang bayani ko ay ikáw ang pita,
anót nang mamatáy, di kitá nákita?

Ano’t nang ang sugat niya ay bugas


ako rin ang siyang sa kanya’y tumanggap.
ano’t nang bigkasin ang huling paalam
ang nulás sa labi ay bukang-liwayway.

Bituin: Talagáng ang aking ulilang pag-ibig


ay salát sa lahát ng pagmamakisig,
balabal ng aking kadimlán sa langit
ang ipinahid ko sa sugatáng dibdib.

Ang luhá ng aking ináng ngala'y hamóg


sa bayaning uháw'y ipinánggágamót...
ang ningning ng aking noóng maalindóg
ang sinundán-sundán ng lahing tagalog...

At sa bayan noóng ibig magbalikwás,


langit kong palasyoý nawasák kong lahát;
ang kanyón ko'y kulóg, ang sibát koý kidlát,
tumulong ang langit sa bayaning liyág.

Siyá'y nagkasugat, ginamót ng hamóg;


siyá'y nápaligaáw, sinag ang kumupkóp;
siyá nang magwagi'y ikáw ang humandóg,
sadyáng sa hirap ko ang ganti'y himutók...

Ikáw ang naghugas ng sugat ng giliw


nang madaling-araw na siyá'y dumating;
tagumpáy ang iyó, pahirap ang akin,
akó ang nagluto't ikáw ang kumain.

Ikáw baý may hirap na naging puhunan

Mga Lektura sa Panitikang Popular 177


sa dilim ng gabi ng kabayanihan...?
ang mga bayani ng bukáng-liwayway,
galing na sa akin kayâ nagtagumpáy!

Liwayway: Sa bulwagang itó'y aking náririnig


ang tinig ng isáng naghihinanakit,
kawawang bituing tigib ng hinagpis
sa pagkaulila sa bayaning ibig.

Parang pinagtiyáp ng katalagahán


akó man sa ngayó'y alipin ng lumbáy;
kung tunay mang akó ang bukáng-liwayway,
di lahát g sinag ay kaligayahan.

Akó'y isinilang sa gitnâ ng sayá,


inarú-arugâ ng Araw kong amá,
sa pag-aáwitan ng pipit at maya'y
isinilang akó sa dakong umaga.

Sa langit na luksáng balót ng karimlán


Akó'y tagabukás ng kaliwanagan,
Ang mundó kung kayâ naliligayahan,
Dahil sa pagngiti ng bukáng-liwayway.

Bituin: Isinilang akó ng Buwán kong iná


sa lungkót g isáng gabi ng pangambá,
liwanag ko'y hangò kay Araw na amá,
sa iná kong Buwán kuha yaring gandá...

Sa panyô ng langit na habi sa itím


akó'y ibinurdá sa gitnâ ng dilím.
at nang mátuto nang kumisláp, magningning,
ay tinawag akóng ulilang Bituin.

Walâ sa ligaya ang lahát kong galák,


ang aking tagumpáy ay lipós ng sakláp;
sa Bayani'y akó ang tangláw sa landás,
at kung magtagumpáy, Liwayway ang liyág.

178 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Di akó ang hanap ng lahát ng pusò,
pagká't ang sinag koý malamlam, malabo,
dátapwá't ang aking Bayaning kasuyò
kapagka namatáy ay di maglalahò!

O! Mutyáng Liwayway, nagkátagpô tayong


sa akin ang lungkót, ligaya'y sa iyó;
kung ang bayani ko'y siyáng bayani mo,
bunga ng ligaya'y pagsaluhan ninyó.

Liwayway: Yamang Bituin ka't ilaw sa magdamág,


akó namáng yarí'y sa araw liwanag;
magkarugtóng tayo sa iisáng palad
na sa ating mga bayani’y sumikat...

Bituin: Ang unang tumanglaw sa ating bayani


ay akóng Bituing patnubay ng api;

Liwayway: Akó ang sa araw't ikáw ang sa gabi,


magkapatid katá sa isáng pagkasi...

Bituin: Kay Plaridel alay itóng sampagita,


tandà ng paghangà sa talino niyá;

Liwayway: Sariwang bulaklak itóng alaala,


waláng paglalahót walang pagkalanta!

(Si Bituin at si Liwayway ay kapwà maghahandóg


ng mga lagás na bulaklák, gaya ng sinásabi nilá,
sa paanan ng larawan ni Plaridel.)

WAKAS

MGA KAIBIGAN: Ináasahan namin, humigít-kumulang na natanto na ninyó


ang pagkakaibá ng duplo sa bálagtasan, gaón din ang pagkakáunlad nitó
roón. Ang kasaysayan ng bálagtasan ay patuloy, at ang pinakabantayog
ay itinindig nang ganapín sa Olympic Stadium noóng ika-18 ng Oktubre ng

Mga Lektura sa Panitikang Popular 179


1925, sa ilalim ng paksáng "ANG DALAGANG PILIPINA," at ipinagtanggól ni
Jose corazón de Jesús ang panig ng "Ang Dalagang Kahapon" laban sa "Ang
Dalaga Ngayón" ni Florentino T. Collantes, na pinágtagumpayán ni Corazón
sa hatol ng bayan, kaya siyá tinawag na Hari ng Bálagtasan.

Mula noón, marami ang hindi mákali. Si Corazón at si Collantes


ay palaging ináanyayahan sa mga pagdiriwang sa mga bayán-bayán, inalók
na't hinandugán ng malalaking halagá ang dalawá ng mga may-papistá
masunód lamang ang hikap na magkábalagtasan si Batute at si Collantes.
Palibhasa'y waláng itulak-kabigin ang mga taong-bayan, pagkatapos ng
pagtatalo sa tula ng dalawá ay lalo lamang nábibitin ang paghanga ng
bawa't sumaksi sa bálagtasan. Ang kaniláng pagpipingkian sa Malolos at
sa Baliwag, Bulakan, sa paksáng Ang Dalagang Pilipina at ang mga anyaya sa
iba't ibáng kapisanan ay siyáng nagpalab pang lalo sa tulóg na damdamin
ng bayan noón. Lumaganap ang pagdaraos ng bálagtasan sa lahát ng
dako; pati mga tagalalawigan ng Kapampangan ay nagtanghal ng kaniláng
"Krisotan," ang mga ilukano ay ng "Bukanegan," at ang mga kastila na siyáng
kapagkaraka'y sumunód sa tagalog ay nagtalo na rin sa ilalim ng pamagát
na bálagtasan. Hindi miminsán-makalawáng nagsubukán siná Manuel
Bernabe at Jesus Balmori sa wika ni Cervantes, at nang silá'y manghimagál
ay sumagupa na rin si Manuel Bernabè kay Joé Corazón de Jesús sa tagalog
sa paksang PURI at BUHAY. Ipinágtanggól ni Bernabé ang "Puri," at ang kay
Batute ay "Buhay."

Sumigla nang gayón na lamang ang bálagtasan. Hindi nakatiís ang


mga dambuhala sa pánulaan, at sumunód na ring naglaban siná Pedro
Gatmaitan at Benigno R. Ramos noóng iká-16 ng Disyembre ng 1925, sa
paksáng "INA" ang ipagtanggól ni Gatmaitan at "AMA" ang kay Ben Ruben,
o kung alin sa dalawáng iyán ang dapat mahalin ng isang anák.

Sa maraming labanáng idinaos sa mga lalawigan at Maynila, ang


pinagdumugan ng mga taong-bayan ay ang kay Corazon at Collantes tuwing
sila'y nagbábalagtasan. Ang mga paksa niláng pinagtalunan ay ang mga
sumúsunód:
1. Bubuyog at Paruparó
2. Panganorin at Alapaap
3. Magdaragát at Magbubukid
4. Makatà at Músiko

180 Mga Lektura sa Panitikang Popular


5. Ang Dalagang Pilipina
6. Sandata Panulat
7. Anti-Koalisyón at Koalisyón
8. Gintô at Bakal.

Mga Kaibigan: Náriyán ang unang bahagi ng kasaysayan ng Bálagtasan, at


sapagká't totoóng

"Hindi mainam pagpunán


ang labis kundî ang kulang
ay inyô nang pagdamutan"
itóng aming nákayanan.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 181


ANG KUNDIMAN NG HIMAGSIKAN1
Antonio J. Molina

ALAALA, HINAHARAP AT PAG-ASA

A ng paksâ ng panayám na itó ay ang “Kundiman ng Hímagsikan.” Totoó


ngâ at ang hímagsikan ay isá sa mga dahong gintô ng kasaysayan ng
ating bayan, ngunit hindî maitatakwíl na ang hímagsikan ay nauukol sa
nakaraáng panahón: isáng bagay na lumipas na, isáng bagay na kung
ihahambíng sa isáng damít ay lumang-lumà na, matandáng gamit at lipás
na sa panahón.

Tila yatà ang lalong mabuting pag-usapan ay ang mga tugtuging


pangkasalukuyan, ang mga kundimang yarì ngayón at huwág na ang
kundiman ng hímagsikan, sapagkát may kasabihán sa wikang Kastilà na “Lo
muerto, muerto esta,” ang patáy ay patáy na. Alalaóng bagá’y yaóng mga
bagay-bagay na nauukol sa ating kahapon ay walâ nang saysáy.

Subalit totoó ngâ kayáng ang mga nauukol sa nakaraáng panahón


ay walâ nang saysáy? Walâ ngâ kayáng kapakinabangán kung ating suriin
ang mga gawain ng ating mga ninunò? Hindî na bagá kailangan nating
maalaman ang kaniláng mga nagawâ upáng matutuhan namán natin kung
anó ang ating dapat gawín?

Ang mga sumusunód na talatà, maindayóg na isipan, diwang gintóng


isinulat ng mga pantás at mga pahám na buhat sa ibá’t ibáng bayang ay
magalang na inihaharáp sa lahát bilang kasagutan sa mga tanóng na itó:

“Nothing more than one single sound of a musical composition


belongs to the present; the rest is before and after, the past and future,
remembrance and expectance.”2

1
Panayám tungkól sa “Jocelynang Baliwag”, isáng katibayang pangkasaysayan: Ang
kabuluháng tagláy sa larangan ng sining at ang pagkakabuklód sa mga likháng-tugtugin
ngayón sa Pilipinas; ginanáp sa Bulwagang Villamor noóng 1 Febrero 1940, sa ilalim ng
pangangasiwà ng Surián ng Wikang Pambansá.
2
Eric Bloom, Musical Review of London. The Chesterian. October, 1926.

182 Mga Lektura sa Panitikang Popular


(“Hindî hihigít sa íisáng tunóg ng tugtugin ang nahihinggíl sa
kasalukuyan; ang ibá’y nauukol sa bago at matapos mayarì ang tugtugin,
ang ibá namá’y kumakatawán sa nagdaán at sa haharapín—sagisag ng
alaala at pag-asa”.)

“. . . pero el pasado, no obra menos que el porvenir sobre el


presente; lo que fué, es; como es, lo que será. El pasado! Acaso es otra
cosa que un presente que está en segundo término? El pasado no está
detrás de nosotros como suele creerse, sino delante; lo que ha muerto nos
precede, no nos sigue”.3

(“. . . ang diwà at lakás ng kinabukasang pumapaloób sa mga


gawaing pangkasalukuyan, ay hindî nakalalamáng sa diwâ at lakás ng
kahapon. Ang nasa kahapo’y nasa kasalukuyan, katulad din namán ng
ang nasa kinabukasa’y nasa ngayón. Ang kahapon! Hindî bagá iyá’y isáng
kasalukuyang tumatayô lamang sa pangalawáng hanay? Ang kahapo’y
walâ sa ating likurán gaya ng ating malimit na paniniwalà, kung hindî nasa
haráp natin. Ang nangabuwál sa dilím ng gabí’y siyang nangunguna at
hindî sumusunód sa atin”.)

“We are anxious to learn of the Philippine’s past, which we need to


understand in order to plan intelligently for the future. We want to know
all that our ancestors knew, and then add our own studies to theirs. Thus
we shall progress the faster because we can go on from where they left
off.”4

(“Masidhî ang nais nating mapag-aralan ang pinagdaanang buhay


ng Filipinas. Ito’y kailangan nating malaman upáng maliwanag nating
maihandâ ang kinabukasan. Kailangang matutuhan natin ang lahát ng
nalalaman ng ating mga ninunò, at pagkatapos ay ating maidagdág namán
ang ating mga napag-aralan. Sa ganitóng paraán ay lalong mádadalî ang
ating pag-unlád sapagká’t kung alín man ang kaniláng naiwanan, ay siyá
namáng ating ipagpapatuloy.”)

3
Juan Zorrilla de san Martin, La Epopeya de Artigas.
4
Letter of Dr. José Rizal to Reverend Vicente Garcia who wrote a defense of Noli Me
Tangere.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 183


“Human nature has the advantage over animal nature in that it is
capable of learning and coordinating the experiences of the past so that it
may use them in the future under similar situations”.5

(“Ang kalikasán ng tao ay nakalalamáng sa kalikasán ng hayop dahil


sa kaniyáng kakayaháng mag-aral at mag-ugnáy ng mga karanasán ng
kahapón upáng ang mga itó’y magamit sa kinabukasan sa gayón ding mga
pagkakataón.”)

Kawikaan.—“Ang hindî lumingón sa pinanggalingan, dì makararatíng


sa paroroonán”.

JOCELYNANG BALIWAG

Itó ang pamagát ng isáng matandáng kundimang kilalá sa buóng Katagalugan


at hanggáng ngayón ay madalás pa ring mariníg sa radyo.

Ang isáng siping limbág ng kundimang itó, sirâ-sirâ at waták-waták,


ay napapaloób sa isáng kabán na halos kalahatì ng lamán ay kinain ng anay.
Ang lamán ng kabang itó ay pulós na papél ng músiká: mga balse, rigodón,
paso-doble, obertura, mga sarsuwelang Kastilà at Tagalog at ibá pang
tugtuging yarì para sa orkestra. Ang lahat ng itó ay gamit ng matandáng
Orkesta Molina na itinatag at pinangasiwaan ng nasirang Don Juan Molina.

Isáng tunay na himalâ ng langit na ang sipí ng kundimang itó ay


máligtás sa dahás ng anay. Salamat na lamang at ang kaunting sirà ay nasa
gilid ng mga papel at hindî inabót ang kalamnán. Kayá’t ngayón sa kaniyáng
bagong ayos, at bagong pabalát, ay maaaring matunghán ng buúng-buô at
waláng kakulang-kulang.

Sa lahát ng mga kundimang nálimbág ng mga araw na yaón, ay itó ang


siyáng natatampók, sapagkát sa ilalim ng pamagát na “Jocelynang Baliwag”,
ay maliwanag na mababasa ang mga sumusunód na katagâ: “Musica del
legitimo kundiman procedente del campo insurrecto”—tugtugin ng taál na
kundimang nagbuhat sa larangan ng mga manghihimagsík.

At kung itó’y hindî pa sapát, lalong kahangà-hangà ang pangyayaring


5
President Bienvenido M. Gonzáles.

184 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ang katibayang itó’y hindî lamang limbág, kundî may kasama pang
magagandáng guhit at larawan.

Ang ibáng tugtuging kasama ng kundimang itó ay ang mga


sumusunód: una, “Liwayway”—danza filipina por la Banda de Baliwag,
instrumentada por el Prof. Lucino Buenaventura; pangalawá, “El Anillo de
la Dalaga de Marmol”—tanda de valses por el Dr. Domingo Enrile y el Prof.
Joaquin Chico, dedicada a Pepita Tiongson y Lara; pangatló, “Pepita”—
danza tagala, letra de Pascual H. Poblete; at ang hulí ay ang nábanggít nang
“Jocelynang Baliwag.”

Lahát ng mga tugtuging itó, lalong-lalò na ang mga tulâ na iniagpáng


sa dalawáng danza at sa kundiman ay pawing inialay sa binibining Pepita
Tiongson y Lara, na noóng mga panahóng yaón ay isáng diwatang sinasambá
at pinipintuhò sa boóng Baliwag, Bulakan, kayá’t sa pangunahing dahon ng
mga tugtuging itó ay nálimbág ang larawan ng butihing paraluman at sa
dakong kanan namán ay makikita ang simbahan at ang liwasan ng Baliwag.
At ang dalawáng danza at sa kundiman ay pawang inialay sa binibining
Pepita Tiongson y Lara, na noóng mga panahóng yaón ay isáng diwatang
sinasambá at pinipintuhò sa boóng Baliwag, Bulakan, kayá’t sa pangunahing
dahon ng mga tugtuging itó ay nálimbág ang larawan ng butihing paraluman
at sa dakong kanan namán ay makikita ang simbahan at ang liwasan ng
Baliwag. At ang dalawáng taluktók ng simbahan ay napapalamutihan ng
tig-isang watawat: ang watawat ng Sangkafilipinuhan.

Sa anyô ng pagkakalimbág, sa kulay at urì ng papél na ginamit sa


ayos at pagkakasulat ng mga tuláng Tagalog, sa himig Bulakan, sa himig
tagalog ng mga tugtugin, sa mga pangalang doó’y nakatalâ, at ibá pang
mga sangkapin ng pagkakalimbág, ang lahát ng makabasa, makádiníg o
makakita sa katibayang itó ay sinasabing itó’y nálimbág noóng taóng 1897
o 1898, mga taóng sumunód sa hímagsikang nagbuhat sa Balintawák noóng
1896.

Sapagkát sa apat na tugtuging nábanggít sa itaás ay ang kundimang


“Jocelynang Baliwag” ang siyáng pag-uukulan ng isáng pagsusurì at pag-
aaral, kayâ namán ang panayám na itó ay pinamagatáng “Ang Kundiman ng
Hímagsikan.”Sang-ayon kay ginoong Eusebio Reyes (Ana Haw), masigasig na
mananalaysay at magiting na manunulat sa pahayagang “La Vanguardia,”

Mga Lektura sa Panitikang Popular 185


ang pangalang Enrile ay hindî nalilingíd sa kanyang kaalamán: ang mag-
anak na itó ay kilalá sa kasaysayan ng hímagsikan. Si Dr. Domingo Enrile ay
kapatíd ng matapang na kapitáng Fernando Enrile ng mga manghihimagsík,
sa brigada ng Heneral Gregorio del Pilar.

Ang pangalang Pascual H. Poblete ay kilalá rin sa larangan at


himpilan ng mga katipunan, bukód sa siyá’y namumukód na manunulat,
siyáng nagtayô at namanihalà sa mga pahayagang “El Grito del Pueblo” sa
wikang Kastilà at “Ang Kapatíd ng Bayan” sa wikang Tagalog noóng bagong
tatag dito ang pamahalaáng Amerikano.

Kung susuriin namán ang pananagalog na ginamit sa mga tuláng


napapaloób sa buntóng itó ng mga tugtugin, ay maaaring ipagpalagáy na
klasiko ang pananagalog na yaón: taál na mga pangungusap, gamit hindî
lamang noóng panahón ni Balagtás kundî noóng mga araw pa ni Huseng
Sisiw na naging gurò ng dakilang makatà.

Sa mga pangalang nákasama sa tugtuging kaumpók ng “Jocelynang


Baliwag” ang lalong tanyág sa mga músikó ay ang sa gurong Lucino
Buenaventura.

Kung isasagawâ ang isáng buóng talakhayan [biyograpiya] ng gurong


itó, marahil ay kakailanganin ang isáng makapál na aklát upáng maisalaysáy
ang kanyáng mga pambihirang katangian. Subali’t sukat na sa ngayón ang
mga iláng ulat na ipinagkaloób ni ginoong Mariano Siauinco de Guzman,
isáng palaarál, mapaglunggatî, at tanyág na manglililok [eskultor].

Si ginoong Sinauingco de Guzman ay ipinanganák noóng taóng


1871. Akay palibhasà ng kaniyáng pagkagiliw sa músiká bukód panglililok
kayá’t nagkaroón siya ng pagkakataóng makilala ang kabantugan ng gurong
Buenaventura.

Ang gurong itó ay lalong kilalá sa tawag na “Maestrong Lucino”


sa boóng Bulakan, dito sa Maynilà at sa mga ilán pang lalawigan. Siyá’y
isáng rekinto solista ng bantóg na “Banda del Regimiento Peninsular de
Artilleria,” na pinamamahalaan ng balità sa kabagsikáng gurong Teodoro
Villapol, isáng músikong kastilà.

186 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Humigít-kumulang noóng mga taóng 1886, 1887, o 1888, si
Maestrong Lucino ay siyáng katiwalà [engkargado] at katulong ni Villapol
sa pamamahalà ng Banda. Bagamá’t ang buóng rehimyento ay binubuô ng
mga sundalong kastilà, ay naiibá ang banda sapagkáit itó’y binubuô ng mga
músikóng Filipino. Kung araw ng linggó at ng mga malalakíng kapistahan sa
ganáp na ikapitó ng umaga, ang nasabing banda ay siyáng tumutugtóg sa
mga simbahan ng San Francisco o kundî kayâ sa Recolectos sa Intramuros.

Madalás makita na kung walâ si Villapol, ay isáng magarà at makisig


na músikóng Filipino ang siyáng kumakakì [kumukumpás] sa bandang yaón,
at ang músikóng itó ay dì ngâ ibá kundî si Maestrong Lucino.

Bukód sa kanyáng paglilingkód sa nabanggít na rehimyento ay kaniyá


rin namáng itinatag at pinamahalaan ang hinahangaan at napatanging
Banda ng Baliwag. Subalit hindî lamang sa banda siyá kilalá, kung hindî ang
kaniyáng mga katangian ay lubusang lumaganap kayá’t ang pamamatnugot
sa balitang Orkesta Mariláw ay sa kaniyá rin ipinagkatiwalà.

Hanggáng dito ang ulat ni ginoong Siauinco de Guzman, ng ibá pang


bagay hingíl dito, marahil ay maaarì nang ipagtanóng sa anák ni Maestrong
Lucino na katulad niyáng dalubhasà rin sa sining ng tugtugin: itó ay ang
gurong Antonio Buenaventura, mangangathâ at dalubkakì [composer-
conductor] na ngayón ay lalong kilalá sa tawag na Lieutenant Buenaventura
ng Hukbo ng Pilipinas [Philippine Army] at tagapamahalà ng banda ng mga
kadete sa Philippine Military Academy sa Bagyó.

Magbalík tayo sa pinag-uusapan: may maraming bagay na


nakakatawag ng pansín sa kundimang “Jocelynang Baliwag”.

Ang una, sa siping natuklasán ay hindî nakalagáy kung sino ang


may kathâ ng titik at ang may kathâ ng tugtugin. Dahil dito at dahil din
namán sa kaniyáng pagkamalaganap, ang himig na itó, kung sakali’t dì
man maituturing na katutubong awitin (canto primitivo o canto nativo) ay
maaaring tiyakíng isáng kantahing bayan [canto popular o folk-song].

At kung itó ay isáng “folk-song” ay huwág nang ikamanghâ ng


sino man na ang himig na iyán ay magamit na paksâ (tema) sa sari-saring
tugtuging likhâ ng ibá’t ibáng mangangathâ.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 187


Pangalawá, maipaghuhulò-hulò na ang tugtugin ay nakatatandâ ng
halos isáng daáng taón sa titik na inilapat.

Pangatló, ang diín (acento) ng bawat pantíg ng tulâ ay hindî tama sa


diíng gamit sa músiká, kayá’t masasabing ang tuláng itó ay pilít na pilít na
iniagpáng sa tugtugin.

Pang-apat, ang tugtuging itó ay kilaláng-kilalá sa buóng Katagalugan,


nguni’t nagyón pa lamang natuklasán ang isáng siping limbág.

Isang kaugalian noóng mga panahóng yaón ay ang paggamit ng


sari-saring tulâ sa íisáng tugtugin, kayá’t hindî sukat ipagtaká na sa himig
ng Jocelynang Baliwag ay hindî lamang íisa o dádalawá ang mga tuláng
naiagpáng.

Panglimá, bagamá’t ang boóng kundiman ay nahahatì lamang sa


dalawáng bahagi, ang tuláng inilapat ay nagtatagláy ng anim na taludtód o
estropa Ang bawat taludtód ay sukát lamang sa isáng bahagi ng tugtugin
kayá’t kung hahatiin nag dalawáng tugtugin ng makaitlóng inog upáng
magamit ang anim na taludtód.

Isá pa rin sa mga bagay na nakatatawag ng pansín ay ang anyô


ng tulâ: ang anyóng kung tawagin ay “akrostiko”. Ang anim na titik ng
pangalang Pepita, ay ginamit na pambungad na titik sa simulâ ng bawat
taludtód. Alalaong bagá’y ang titik “P” ay siyáng nasa unang talatág (linya)
ng unáng taludtód; ang titik “E” ang nasa unang talatág ng pangalawáng
taludtód; ang titik “P” asa pangatló, ang “I” sa pang-apat, ang “T” sa
ikalimá, at “A” sa pang-anim.

Ang ganitóng pagkakayarì ng tulâ ay totoóng palasák at siyáng


kinahimalingan ng mga makatang lalong litáw ng mga araw na yaón.

188 Mga Lektura sa Panitikang Popular


JOCELYNANG BALIWAG

(Música del legítimo kundiman procedente del campo insurrecto)

P— inopoong sinta niring calolowa,


nacawawangis mo’y mabangong sampaga,
dalisay sa linis, dakila sa ganda,
matimyas na bucal ng madlang ligaya.
E— deng masanghayang kinaluluclucan
ng galac at towang catamistamisa,
hada cang maningning na ang matunghaya’y
masamyong bulaclac agad sumisical.
P— inananaligan niring aking dibdib;
na sa paglalayag sa dagat ng sakit,
di mo babayaang malunod sa hapis,
sa pagcabagabag co’y icaw ang sasaguip.
T— angapin ang aking wagas na pagibig,
marubdob na ningas na taglay sa dibdib,
sa buhay na ito’y walang linalangit
cung di icaw lamang, ilaw niring isip.
A— t sa cawacasa’y ang capamanhican
tumbasan mo yaring pagsintang dalisay,
alalahanin mong cung di cahabagan
iyong lalasunin ang aba cong buhay.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 189


Subalit sa karamihan ng mga tuláng naiagapay sa tugtuging itó ay
mayroón pang isáng mapaguukulan ng pagsusurì. Hindî limbág kundî sulat-
kamáy ngâ lamang at itó’y utang sa kagandahang-loób ni ginoong Jose Y.
Zulueta, naninirahan sa bilang 49 Lope de Vega, Santa Cruz, Maynilà.

Kagaya rin ng náuná, sa tuláng itó’y namumutawì ang gandá’t


alindóg ng mga pananalitâ, ang yaman at ningníng ng katutubong wikà,
matatayog na isipan at wagás na damdamin.

Ang nátutungkól sa diín ay masasabing itó’y may kauntíng


ikinalalamáng sa dati, sapagká’t bagamá’t mayroón pa ring mga iláng
pantíg na nálilihís sa aguy-oy (ritmo), ay hindî na totoóng pilit o mahigpít
ang pagkakalapat ng tulâ sa tugtugin.

JOCELYNANG BALIWAG

Kundiman
Sa tarík ng sintá, pagál na sa hirap.
Ang bunga ng nasa’y lagging ináakyát
Anyóng pagdúduló’y bigláng itinulak
Ng kapangagáw ko na sintá mo’t liyág.
Ang idinidilíg ko’y luhang bumábatis
At inabakuran ko pa masinsíng pag-ibig
Sa hardín ng sintá akó ang naglinis
Sakâ ng namunga’y ibá ang nagkamít.
Adios, hálamang aking binakuran
Hirap at dálitâ ay di ko kinamtán
Kung kayâ ngà lamang dì ko málimutan
Palibhasà, Neneng, pinámuhunanan.

—Tuklás ni Jose Y. Zulueta, 249 Lope de Vega, Maynila

190 Mga Lektura sa Panitikang Popular


BUHAY, LAKÁS AT KATAPANGAN

Bakit tinawag na “Kundiman ng Hímagsikan”?

Bago sagutin ang tanóng na itó, ay kailangang maunawaan muna,


na sa buóng tulâ ay walâ mang isáng salitáng nauukol o bumabanggít sa
“hímagsikan”.

Pangalawá, ang tugtugin ay malambíng, mabini, malumanay, sunód


sa tulâ, at parang nagmamakaawà. Samakatuwíd, ay waláng tagláy na
kaugnayán sa digmaan, sa mga paglalaban, o sa hímagsikan.

Kayá’t warì balintunà (paradoja) na ang tulâ at ang tugtuging itó ay


tawaging “Kundiman ng Hímagsikan”.

Sabalit bilang tugón sa katanungan ay maaaring sabihin na kayâ itó


tinawag na “Kundimanng Hímagsikan” ay sapagka’t ang kantahing itó ay
siyáng lalong palasák, kilaláng-kilalá at iyán ang kinagiliwang awitin (favorite
song) ng ating mga manghihimagsík: awiting, higít sa lahát ay natatangì at
natatampók a kaniláng mga pusò. Itó ang himig na nagbibigáy buhay at
gumigising sa kaniláng mga alaala noóng mga kaligaligayang sandal ng pag-
uulayaw at pagsusuyuan: warì bagáng nababanaág nilá sa himig at aliw-iw
nitó ang larawan ng ináng minamahál, ang kabiyák ng pusò o ang mga anák
na pinagbuhusan ng paglingap.

Itó ang tugtuging pumupukaw sa damdamin, nagpapasilakbó sa


kaniláng dugô, nagbibigáy tapang at lakás, upáng ipaglaban ang katwiran,
ipagtanggól ang Ináng Bayan at sariling lah ì. Dito na ngâ marahil
maikakapit ang mga nangungusap at nagniningníng na katagâ ni Doktor
José Rizal:

“Un canto para el que gime


un reto para el que oprime.”
(“Isáng awit sa tumatangis
isáng hamon sa manggagahís.”)

Hindî kailangang itanggí na noóng mga panahóng yaón ng


hímagsikan ay hindî íisá o dádalawá ang mga tugtuging inaawit ng mga

Mga Lektura sa Panitikang Popular 191


kawal ng bayan. Ang totoó’y sa lahát ng dakong kaniláng pinagtitipunan ay
may kaní-kaniyáng tugtuging kinagigiliwan.

Subalit ang “Jocelunang Baliwag” ay napapatangì sa lahát ng


tugtuging kaniyáng kasabáy.

Unang-una, itó ay hindî lamang inawit, hindî lamang lumaganap sa


ibá’t ibáng dako ng Katagalugan, hindî lamang sulat-kamay kundî limbág.
Pangalawá, kung totoó man at mayroóng ibáng tugtuging palasák noóng
mga araw na yaón ay maaaring ibá ang kaniláng urì, gaya halimbawà ng
mga danza menor, habanera, valse, marcha o pasodoble, datapwát hindî
kundiman. Pangatló, kung sakali’t magkaroón pa rin ng kundiman ay
maaaring sabihin na hindî bagá nasusulat na ang kundimang iyán ay galing
sa o gamit ng mga manghihimagsík. Pang-apat, itó’y nilimbág hindî ngayón
kung hindî sa mga lumang limbagan noóng mga panahóng sumunód sa
hímagsikan. Ikalimá, kung sakasakali’t mayroóng mga tugtuging nákalimbág
na kasabáy nito, ang totoó, ay itó lamang ang may tagláy na katagáng “Taál
na kundimang nagbuhat sa larangan ng mga manghihimagsík.”

Dahil dito’y maaaring panindigán na sa lahát ng mga tugtuging


kumalat o lumaganap noóng mga pahanóng yaón ay itó ang siyáng lalong
katangì-tangì at naiibá sa lahát. Kayá’t sa tugtuging itó na pinamagatáng
“Jocelynang Baliwag,” ay maaarì na ngáng idagdág ang taguríng “Kundiman
ng Hímagsikan”: Itó’y isáng mabini, matamís at mapang-alíw na kundiman
sa isáng naghihinagpís, subali’t isáng marahás na hamon sa manggagahís.

“BY THE FRUIT YE SHALL KNOW”


(Sa Bunga mo Mákikilala)

Kung sa pamamagitan ng kaniyáng bunga ay nákikilala ang pagkadalisay ng


isáng punò, ay maaaring masabi na ang kundimang “Jocelynang Baliwag”
ay isáng dalisay na punò, isáng dalisay na binhí, isáng binhíng nagbigáy
buhay, gandá’t kariktán sa ibá’t ibáng mga tugtuging lumitáw pagkatapos
ng halos isáng daáng taón at ngayó’y itinatanghál sa mga lalong pihikang
palátuntunan ng mga konsierto at ng radyo.

Maaaring matukoy dito ang “Kundiman” ng gurong Bonifacio Abdon


at ang “Canto Filipino” ng gurong Francisco Santiago. Ang dalawáng itó ay

192 Mga Lektura sa Panitikang Popular


isá lamang halimbawà ng mga maraming tugtuging ibinunga ng kundimang
“Jocelynang Baliwag”.

Ang “Kundiman” ng gurong Abdon ay may titik ni Patricio Mariano


at inialay sa “Asociación Musical de Filipinas”, kayá’t ang kaunaunahang
pagkakaawit ng kundimang itó ay ginanáp ng isáng hinlipon (koro),
isáng orfeon ng nasabing Asociación Musical—waláng kasaliw na piano
o anó mang instrumento at sa pamamahalà ng hinahangaang birtuso
ng bionlonselong si Gogumil Sykora, isáng dalubsining na taga Rusya, at
napadalaw dito sa Maynilà. Kung hindî kamí nagkakamalî ang pangyayaring
itó ay naganáp noóng mga taóng 1918 o 1919.

Ang pagkakalimbág ng kundimang itó ay naging parang isáng


hudyát ng pagbabagong buhay sa mga kantahing pilipino. Noon na ngâ
nagsimulâ ang paglalakip ng mga tugtuging kathâ ng mga taga-rito sag
ma palatuntunan ng lalong malalaking konsierto. Itó ay isá sa maraming
tagumpáy ng matalino at masipag na gurong Bonifacio Abdon: siyá’y isáng
dalubhasà sa pagtugtóg at sa pagtuturò ng biolin; utang sa kanyá ang ngayó’y
hinahangaan at itinatanghál na mga birtuso at gurò nsa instrumentong itó
gaya nina Ernesto F. Vallejo, Ramon Tapales, Veneranda Acayan-Carreon,
Dr. Francisco Abellana, Dr. Edmundo Reyes, at marami pang ibá.

Sa larangan ng opera ay natatangì ang gurong Abdon sa kanyáng


pagkakì (pagkumpás) o pamamahalà. Bukód dito ay kilalá rin siyá na isá sa
mga namumukód na mangangathâ ng tugtugin: bungang-isip ng kaniyáng
mapangarap na diwà ang bantóg na sarsuwelang “Anák ng Dagat,” na ang
titik ay akdâ namán ng dakilang makatang si Patricio Mariano.

Anó ang kinalaman ng kundimang itó sa kundimang “Jocelynang


Baliwag?”Ating suriin ang magandáng akdâ ng gurong Abdon at ating
matutuklasán ang isáng makulay at mabangóng bulaklák na binuhay
at pinagyaman ng kundimang “Jocelynang Baliwag.”Ang akdáng itó,
pagkatapos ng tatlóng kulóng o kumpás na pambungad (Introducción) ay
nahahatì sa tatlóng bahagi.

Ang una, ay nasa alanog o tonong do menor, kayá’t kung bagá


sa langit ay malamlám at may tagláy na mahiwagang kalungkutan. Ang
pangalawá ay nasa alanog do mayor, kayá’t ang aliw-iw (melodia) at tanig

Mga Lektura sa Panitikang Popular 193


(armonia) ay para bagáng maaliwalas, maluwág, at maliwanag at itó’y
pinatutunayan ng mga sumusunód na talatà ng tulâ:

“O Bayang maligawya ng aking paggiliw


pusong lakambini kalong salamisim
ang iyóng pagluha’y sangdalíng pigilin
ang kundimang itó, Mutyâ inyóng dinggín.”

Ang ikatlóng bahagi ay nagsimulâ sa alanog a menor at natapos sa


do mayor. Subalit may apat na kulóng o kumpás na kahugis ng bigkasawit
[recitative], sa alanog do menor na idinagdág at itó ang pinakasamból
[coda] o bahaging pangwakás sa boóng akdâ.

Kung pakikinggáng mabuti ang ikatlóng bahaging itó, ay kaagad


matutuklasán na itó’y isáng aliw-iw na kung bagá sa larawan ay kuhangkuha
sa ikalawáng bahagi ng kundimang “Jocelynang Baliwag”. Sapagkát gaya
ng nabanggít na sa dakong itaás, ang isáng kantahing bayan (folk-song) ay
maaaring gamitin at malayang ginagamit ng sino mang mangangathâ ng
tugtugin.

Itó ang ginawì nina Franz Liszt, Chopin, Dvorak, Grieg, Balakiref,
Rimsky-Korsakof, Cesar Cui, Mussorgsky, at hanggáng ngayón ay ginagawì
pa rin ng mga Manuel de Falla, Bela Bartok, Percy Grainger at marami pang
ibá.

Ang tugtuging may pamagát na “Canto Filipino”, ay kathâ ni Dr.


Francisco Santiago, kilaláng dalubhasà sa sining ng músiká at kasalukuyang
tagapamahalà ng Konserbatoryo ng Unibersidad ng Pilipinas.

Ang akdáng itó ay isá sa mga apat o limáng pambihirang tugtuging


pilipino na málimbág sa Estados Unidos ng Amerika. Dalawáng himig ang
bumubuô sa tugtuging itó, at ang dalawa ay kapwà “folk-song” o kantahing
bayan. Ang una, ay kilalá sa pamagát na “Kundiman of 1800”.

At ang pangalawá ay ang “Jocelynagn Baliwag”. Ang pagkakaibá


ngâ lamang ng akdáng itó sa mga kantahing pinagsaligan ay sapagkát
itó’y sinulat hindî para sa tinig o boses kung hindî para sa biolin at piano,
kayá’t sa kasalukuyan itó’y kinagigiliwang tugtugín [favorite piece] sa mga

194 Mga Lektura sa Panitikang Popular


konsiyerto at sa radyo.

Maraming bagay ang maaaring masabi tungkól sa awiting


pinamagatáng “Kundiman of 1800” lalong-lalò na ang malíng paglalapat ng
isáng tuláng katatawanán sa isáng himig na mahál, magiting, at maindayog,
ngunit ang mga bagay na iyán ay nangangailangan ng isang buóng panayam
kayá’t upang huwag kapusin sa panahón, kailangang sa ibáng araw na pag-
ukulan iyán ng isáng matamáng pagsusurì.

VINO VIEJO EN ODRES NUEVOS


(Alak na Laón sa Bagong Sisidlán)

Bukód sa mga nábanggít ay marami pang ibáng tugtugin na kahit hindî


ibinatay o isinalig sa “Jocelynang Baliwag” ay may tagláy pa ring mga
katangiang nauukol sa nasabing kundiman. Subalit ang bagay na itó ay
hindî na sarili ng “Jocelynang Baliwag” kung hindî itó’y laganap sa lahát ng
mga kundiman at ibá pang awiting pambayan sa Filipinas.

Dito ay tinutukoy ang diín [acento] at ang aguy-oy [ritmo] na


nangingibabaw sa bawat pangalawáng kulóng o kumpás ng bawat paksâ
[motibo] ng tugtugin. Ang tanging aguy-oy [characteristic rhythm] na itó ay
binubuô ng mga nugláng (nota) sumusunód: isáng corchea, isáng puntillo,
isáng doble corchea at isáng blanca na napapaloób sa isáng kuláng ng tatló-
sa-apat o compass de tres por cuatro. Itó ang tanging aguy-oy na siyáng
nagbibigáy ng makulay na kaibhán sa mga kundiman at sa ibá pang awiting
Filipino.

Sa mga hindî mabilang na akdáng may tagláy na ganitóng katangian


ay ating suriin ngayón ang mga tugtuging “Alín mang Lahì”, “El Mensaje”, at
“El Canto de Maria Clara.”

Hindî lamang ang titik o tulâ kung hindî patí ng himig o aliw-iw ng
“Alín mang Lahì” ay kathâ rin ng ating magiting na bayaning si José Rizal.
Ang bagay na itó ay naipaliwanag na ng inyóng linkód sa isáng panayám na
binasa sa Peñaranda, Nueva Ecija, noóng Disyembre ng 1937 at nalathalá
namán sa “Liwaywáy” at sa “Talibà” noóng Enero ng 1938.

Anó ang kinalamang ng “Alín mang Lahì” sa “Jocelynang Baliwag?”

Mga Lektura sa Panitikang Popular 195


Sa dalawáng tugtuging itó ay daliang mátutuntón na bagamá’t
mayroóng mga iláng pagbabago o pagkálihís (variation) ay nangingibabaw
din ang tanging aguy-oy (characteristic rhythm) na nábanggít na kangina.

Ang pagbabagong itó’y karaniwang mangyayari sa mga gawain at


pamamaraán sa larangan ng sining: itó’y nasasalig sa batás ng pagkakaibá
[ley de variedad].

Ang tulâ at ang himig ng tugtuging “El Mensaje” ay akdâ ng


kagalang-galang na Norberto Romualdez, nagíng mahistrado ng Korte
Suprema, kasalukuyang kinatawán at pangulo ng WIkang Pambansá sa
ating Kapulungang Bayan. Bagamát ang tulâ ay nasa wikang Kastilà at ang
tugtugin ay nahahawig sa tango o habanera, ay hindî rin maipagkakaít, hindî
maitatakwíl na sa tugtuging itó ay nangingibabaw rin ang mga katangian ng
mga katutubong awitin sa Filipinas.

Ang awiting may pamagát na “Canto Patriotico de Maria Clara” ay


waláng ibá kundî ang waláng kamatayang tuláng napapaloób sa “Noli me
Tangere” ni José Rizal at nilapatan namán ng tugtugin ng gurong Juan de S.
Hernandez.

Ang akdáng itó ay nahahatì sa tatlóng bahagi. Ang una ay nasa alanog
do menor; ang pangalawá ay isáng magandang halimbawà ng tinatawag na
pagbabago ng alanog (modulación). Itó’y nagsisimulâ sa fa menor, tulóy
sa sol mayor at natapos ulî sa do menor, lamang ay sa pangalawáng balík
ay nabago ang pangatlóng nuglâ [nota] ng tonika: sa halíp na mi bemol ay
nagíng mi natural. Sa teknika ng músiká itó ang tinatawag na “Tierce de
Picardie”.

Ang pangatlóng bahagi ay nasa alanog do mayor at dito na ngâ


makikitang maliwanag na maliwanag ang pangingiabaw ng tanging aguy-
oy na sadyáng palasák at totoóng laganap sa mga kundiman, sa mga danza
menor at ibá pang kantahing bayan.

Noón unang araw, ang mga hulíng talatà ng mga “awit” o “corrido”
ay malimit matapos sa ganitóng mga pangungusap:

196 Mga Lektura sa Panitikang Popular


“Akin nang bibigyang hanggá
corridong ipinagbadya,
kung sa letra’y may sumala
kapupunan ay kayo na.”

kundî namán kayá’y ganito:

“Kung sa halimbawa’t may mali’t may kulang


husto ninyong siensia’y siyang karagdaran.”

Ang mga isipang itó’y maaarì ding maikapit sa panayám na itó, sa pagká’t
kung paglilimiin at pagtutuustuusin ang paglalahad ng mga bagay-bagay
na nasakláw ng panayám, ay mukháng hindî pa tapós, hindî pa ganáp na
ganáp. Manapá’y ang gayóng paglalahad ay isá lamang saligan ng gma
ibáng pagsusurì o pag-aaral: isáng pampagising (stimulus) ng diwà sa mga
taong may higít na kakayahán sa mga pag-aaral na itó.

Sa kabiláng dako, maaarì namáng ipang-alíw ng kalooban ang


kasabihán sa wikang ingglés at kastilà:

“a word for the wise . . .”


“para muestra sirve un boton”

Sapagka’t kakauntî man ang mga halimbawang naiharáp ngayón


bilang paliwanag sa mga suliraning maibadhâ sa panayám, ang mga itó
ay sapát na upáng makilala ang namumukód na kahalagahan ng bagong
tuklás na kundimang “Jocelynang Baliwag.”

Ang mga halimbawang itó ay nagpapatunay minsan pa sa matandáng


salawikaíng “Vino viejo en odres nuevos” [Alak na laón sa bagong sisidlán],
sapagká’t kung tunay man na ang mga akdâ ng mga gurong Abdon,
Hernandez, Santiago, Abelardo, Buencamino, Estella, at ibá pa, ay anák ng
bagong panahón, magagandáng bulaklák ng kasalukuyan, ay hindî namán
kailangang ipaglihim at tanggihán na ang nilalamán ng mga tugtugin iyán
ay bungang-isip ng matandáng panahón.

“Ang nasa kahapon ay nasa kasalukuyan, katulad din namán


ng ang nasa kinabukasan ay nasa ngayón, kayâ ngà’t “Masidhî ang nais

Mga Lektura sa Panitikang Popular 197


nating mapag-aralan ang buhay na pinagdaan ng Pilipinas. Itó’y kailangan
nating malaman upáng maliwanag nating maihandâ ang kinabukasan”,
sapagká’t “Ang hindî lumingón sa pinanggalinngan ay hindî makararatín sa
paroroonán.”

ALÍN MANG LAHÌ

Alín mang lahi’y isinásanggaláng


sa lupít ang kaniyáng lupang tinubuan
tuloy pinagháhandugán
ng buhayat dugô kung kailangan.
Ang kamátayan man kung saka-sakali’t
igíginhawa ng mga kalahì
tatanggapíng nángingitî
kaaliwá’t tuwáng dì mumuntî
Nguni’t pagkásawíng palad yatà
ng Katagalugang nápapanganyayà
bukód pa sa ibáng umáabâ
lalong nagbíbigáy-hapis ang ibáng kapuwà.
Sa bagay dì kulang sa púpuhunanin,
lakás, dunong, tapang, yaman ay gayón din
aywán kung bakit at ináalipin
ng alín mang lahing másunò natin.

198 Mga Lektura sa Panitikang Popular


MGA SILANGANIN NG PANITIKAN1
Francisco Sugui

N ang aking matanggap ang liham ng Patnugot ng Surian ng Wikang


Pambansa, na nag-aanyayang makilahok ako sa pagbigkas dito ng
panayam, ay nagtaka at may ilang sandaling natigilan ang sarili dahil
sa pagkabigla. Sinasabi sa sulat na kaya hinihiling sa aking makisali sa
gayong mahusay at mapalad na panihala ng Surian, ay sapagkat isa ako,
anila, sa mga mapapalaring tagalinang ng wikang Tagalog. Ang totoo’y
may kaunting hilig lamang ako sa pagsulat sa ating wika, at napakaliit pa
ang aking nagagawa at halos wala pa akong pangalan sa bagay na ito,
kayâ’t nag-atubili sa pagtanggap ng binanggit na anyaya. Ngunit matapos
isaalang-alang na maigi ang katayuan ng hinihilingan at ng humihiling, ay
nanibulos ding magpaunlak yaon upang makapag-abuloy naman ng kahit
isang maliit na sangkap sa pagbuo ng dakilang gusali ng wikang pambansa.
Kayâ nga’t nagpapasalamat ako, una’y sa Patnugot ng Surian, alang-alang
sa pag-alok sa aking magsalita hinggil sa mga silanganin ng panitikan, at
ikalawa’y sa maginoong tagapagpakilala na nag-ukol sa akin ng maiinam na
pangungusap at papuring sa wari ko’y alangan dini sa di-kasapatan.

Dahil nga sa hangad na makatulong nang kahit kaunti sa mahirap na


gawaing itinataguyod ng Surian ng Wikang Pambansa, at gayon din naman
sa ating panitikan, ay narito akong mahinà man ang tuhod ay naglakas-loob
na tumayô sa harap ninyo. Talos kong maselang at mabigat, hindi na ang
pagsayod—na talaga namang di ko káyang gawin dalá ng aking kakapusan
sa kailangang kaalaman—kundi ang isa man lamang karampatang
paglalahad ng aking paksa sa panayam na ito. Dapat sana’y isang dalubhasa
sa panitikan ang magsabi sa inyo ngayon ng kanyang mga kuro-kuro ukol
sa nasambit nang paksa, at hindi akong ang wika nga’y walang gaanong
sinasabi. Ngunit yayamang wala na táyong magagawa sapagkat napasubò
na ako (at napasubò na rin kayó), ay umaasa akong ipagpapaumanhin ninyo
ang aking mga kakulangan.

1
Panayam na binasa ng may-akda sa Bulwagang Villamor, U.P., noong 19 Setyembre 1940.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 199


Ngayo’y magsisimula ako. Gaya ng nasabi ko na, ay “Mga Silanganin
ng Panitikan” (Orientaciones Literarias) ang aking paksa sa hápong ito,
isang paksang mangangailangan ng mahabàng pagsasalita kung iuulat
ang kaniyang malawak na saklaw, bagay na sa akala ko’y hindi ukol sa
pagkakataóng ito at sa aking pakay. Ang mga silanganin o landasin ng
panitikan ay nahahati sa dalawang pangkat—ang isa’y binubuo ng mga
akdang ang una-unang minimithing maitampok ay ang kaganapan lamang
ng sining ng panitikan, alalaong baga’y súkat nang maging tunay na marikit
at sa gayo’y makapagdulot ng aliw at kasiyahang-loob; at ang isa naman ay
siyáng kinabibilangan ng mga sinulat na ang pangunang nais ay malunasan
ang mga sakit ng lipunan kahit hindi totoong mapaayos sa sining ng
panitikan.

Ang layon ko sa panayam natin ngayon ay mag-ukol ng ilang kuro-


kuro hinggil sa mga landasing ito ng panitikan; at dahil sa wala nga táyong
sapat na panahon ay pipiliin kong banggitin sa inyo ang ilang banyagang
akda sa panitikang pansandaigdig na nagtataglay ng dalawang uring
tinuran, samakatwid bagá’y hindi lamang marikit at nakaaaliw, kundi
nakapagtuturo pa; at gayon din ng isa o dalawang nabibilang sa pangalawa
lamang. Pagkatapos ay sakâ táyo maglalahad ng ukol naman sa sariling
panitikan, sa ganyan ding paraan.

Kukunin ko bilang unang panghalimbawa ang Divina Comedia ni


Dante, isang kathang kilalá, hindi lamang ng mga nakapag-aral at palabasang
marurunong ng ibang wika, kundi pati ng mga walang nalalaman maliban
sa Tagalog, salamat sa mainam na pagkakasalin sa wikang ito sa tuluyan
ni Ginoong Conrado S. Acuña na inilathala sa magasin ng Taliba. Sa aking
pagpilì ng mga akda’y hindi ko na isasaalang-alang ang pagkakauna-una sa
panahon, alalaong bagá’y kung nabibilang sa Matanda, sa Panggitna, o sa
Bago, sapagkat ang ganitong mga bahagi ay bilang mga tanda lamang sa
pasigan at hindi nakatutulong nang malaki sa ating paglalakbay. Ang mga
akdang bantayog at ang mga táong sukdulan ang talino ay pansadaigdig at
panghábang-panahon.

Ang Divina Comedia ay may ganitong uri at siyáng tanging akdang


sa kalawakan ng saklaw ng kaniyang paksa’y lumabas pang marikit maayos,
ganap; ang lahat dito’y sakdal inam. Walang kawangis sa alinmang nauna
at walang anumang nasulat mula noon na makakahambing. Sariling-

200 Mga Lektura sa Panitikang Popular


sarili ni Dante ang buod, ayos, at hugis ng mga pangungusap sa kathang
ito; at bagaman walang táong nakalikha ng kahit anong bagay nang hindi
pumupulot sa isip ng mga nauna sa kaniya, ang Divina Comedia ay sariling
bunga ng tanging talino ng isang tao.

Ang akda’y sinulat sa paraang parang isang pangarap na paglalakbay


sa Impiyerno, Purgatoryo, at Paraiso. Ang buong kathang-tula ay isang
dakilang gusaling niyari sa pamamagitan ng mga sagisag o talinghaga: ang
gubat na kinaliligawan ng makata ay naglalarawan ng gusot sa pamamayan
at pananampalataya na naghahari sa lipunan; ang kapalaluan ay ikinakapit
sa liping naghahari sa Pransiya; ang kainggitan ay dili iba’t ang tinubuan
niyang lungsod ng Plorensiya; ang kasakiman ay iniuukol sa korte ng mga
papa; si Virgilio ay inihahalip sa katwiran at sa imperyo; si Beatriz, na hindi na
sagisag ng pag-ibig dito sa lupa, ay kumakatawan nang buong-kadakilaan sa
tulong mula sa kabilâng -buhay, na, ayon sa paniwala ni Dante, ay kailangan
ng tao upang makarating sa kaniyang dakilang mithi, ang Diyos. Ngunit
sa ganitong magandang gusaling binubuo ng mga sagisag o talinghaga ay
namamaibabaw ang napakarikit at tangi-tanging ayos ng tula.

Sa pagmamasid sa mga kaluluwa ng nagsiyao ay ginamit ni Dante


ang buong kasaysayan at mga tauhan; sinasabi niya sa pamamagitan ng
kahanga-hangang tula ang búhay ng lahat ng uri ng mga makasalanan,
ng mga mababait at mabubuti o halos-banal, at ng mga tunay na banal
o pinagpalà. Ang mga kasaysayang ito ay nagbibigay sa katha ng di-
pangkaraniwang halaga sa kalooban ng tao, lalong-lalo na sa Impiyerno,
sapagkat ang búhay ng mga makasalanan ay higit na maladula kaysa búhay
ng mga banal. Ang palagay ni Dante sa mga makasalanan ay napakahigpit,
kakila-kilabot kung minsan; katawan at diwa’y kapuwa nagtitiis ng mga
pahirap sa kaniyang daigdig-sa-ilalim. Gayunman, ang namamatnugot sa
damdamin ay hindi paghihiganti kundi pagkahabag. Inilalarawan ni Dante
ang mga tinitiis ng mga makasalanan at ang kaluwalhatiang tinatamo ng
mga banal. Ang wakas ng pangarap na paglalakbay ay isang maluwalhating
pagmamalas sa kabathalaan.

Isa pang katangian ni Dante ay ang pangyayaring sinulat niya ang


kaniyang aklat sa wikain o diyalektong Toskano, sa halip ng Latin na siyang
kaugaliang ginagamit nang panahong iyon ng marurunong na tao. Ginawa
niya yaong wikang pampanitikan, hanggang sa maging siyáng marikit na

Mga Lektura sa Panitikang Popular 201


salitang Italyano sa ngayon; bagama’t kahit hindi lumitaw si Dante ay
maaaring magkaganito rin dahil sa kabihasnan ng Plorensiya at mga bayang
kalapit nitó. Ganyan din ang masasabi natin tungkol kay Francisco Baltazar
at sa wikang Tagalog sa kasalukuyan.

Ang nais ni Dante ay malantad sa ating lahat ang larawang iyon


upang matanim sa isip at kalooban natin ang mga iniaaral niya, alisin táyo
sa pagkagumon sa kasamaan at akayin sa landas ng kabanalan. Hindi niya
nagawang mangyari ang ganito, kahit sa mga tao noong panahon niya—
isang gawaing wala sa kapangyarihan ng isang makata, at kung mahahatulan
sa mga nakikitang pangyayari ay masasabing wala rin sa kapangyarihan ng
Panginoon na tinularan at kinunang halimbawa ni Dante. Ngunit nanunton
naman siyá sa mahalagang landasing ito ng panitikan, at nakatupad siyá sa
kanyang tungkulin.

Isa pang mababanggit nating manunulat na sumunod sa silanganin


ng panitikang ang unang tinutungo’y makapagturo at hindi makaaliw
lamang, ay si Balzac. Sa mga nobelistang Pranses ay ito ang may lalong
mayaman at makapangyarihang panulat. Tinangka niyang ilarawan ang
lahat ng anyo ng búhay ng tao, at ang kabuuan ng kaniyang mga katha
ay pinamagatan niyang La Comedia Humana. Siyá’y namatay nang hindi
pa tapos ang binalangkas niyang sulatin. Ang dula ng búhay ng katauhan
ay hindi masasaklawan ng isang tao lamang, bayan, o panahon. Ngunit
walang sinumang nobelistang nauna o sumunod kay Balzac na may higit
na karapatan sa gayong pansadaigdig na pamagat. Gumawa siyá ng
totoong maraming tauhan sa mga katha niya, mga tauhang naglalarawan
ng sari-saring ugali at hilig sa iba’t ibang bayan at panahon. Karamihan
sa mga aklat niya’y isinalin sa lahat ng wika sa Europa. Pinag-aralan ni
Balzac ang lahat ng uri ng tao, mga mamamayan sa Paris, mga taganayon,
at ang mga nakakakaya-kaya sa mga bayan sa lalawigan. Ang ganitong
sariling pagkakilála niya sa napakaraming uri ng lipunan ay nakapagtataká
kung isaalang-alang na ang malaking bahagi ng kaniyang búhay ay ginamit
niya sa kaniyang mesang sulatan at pumasok pa siyá sa mga gusot ng
pangangalakal na nagbigay sa kaniya ng mga ligalig at kagipitang sapat na
makaubos ng lakas ng isang pangkaraniwang tao.

Ang kadakilaan ni Balzac ay nasa-lawak ng saklaw ng kaniyang

202 Mga Lektura sa Panitikang Popular


mga malasakit. Sa isang nobela’y inilalarawan niya ang isang abang
dalagang bukid na kumikilos sa kaniyang maliit na daigdig. Sa mga ibang
aklat naman ay inilalahad ang mga nakasisilaw na karangyaan at mga
kapahamakan sa búhay ng mga babaeng nabibilang sa ibang uri ng lipunan.
Siyá ang unang nagpasok sa kathang-buhay ng paksang hinggil sa kalakal
at salapi. At sa lahat halos ng kaniyang mga nobela ay inilalantad niya
ang kasamaan ng iba’t ibang anyo ng kasakiman, malabis na pag-iimbot,
at masagwang pagmamakasarili. Si Balzac ay hindi maibigin sa búhay
sa anumang anyong malambing at maramdamin; ang palagay niya rito’y
makatarungan, kadalasa’y mahigpit, kalimita’y magiliw, kapag nahihinggil
sa mga kabataang babae. Ang kaniyang loobin sa mga kabataang lalaki ay
ganap na matalangas. Dinadalá niya ang galak, lungkot, hilahil, at iba pang
damdamin ng buhay hanggang sa malayòng dako pa roon ng pagharap sa
dambana ng dalawang pusong nagtatalik sa kaligayahan; ang mga tauhan
niya’y nagsisitanda, at kahanga-hanga ang paglalarawan niya ng kanilang
mga ugali, hilig, at himaling. Siyá’y tunay na nakahahanga. Maihahambing
siyá sa isang malaking-malaking katedral sapagkat ang mga manunulat
na nagsisunod ay kumuha sa kaniya ng mga bato upang bumuo ng may
kaliliitang gusali.

Tutukuyin ko naman ngayon si Victor Hugo, ang lalong dakila


sa panitikang Pranses sa loob ng kalahating dantaon. Siyá’y makata,
mandudula, nobelista, manunuligsa ng masasamâng pamalakad at mga
pasunod ng pamahalaan. Ipinatapon siyá sa loob ng dalawampung taon, at
pagbalik niya sa kaniyang bayan ay dinakila siyá nang gayon na lamang.

Sariwain natin sa alaala ang bantog na nobelang Los Miserables. Sa


mga salin nitó sa wikang Ingles, ang pamagat ay pinapanatiling gaya ng sa
pinagkunang Pranses, sapagkat sang-ayon kay John Macy ay walang tunay
na katumbas kahit sa mayamang wikang yaon, sa dahilan, aniya, na ang
tinurang pamagat ay hindi nangangahulugan ng miserable, o ng poor, o ng
wretched, o ng unfortunate (abâ, dukha, imbi, kulang-palad)—lahat ng ito
ang ibig sabihin at mahigit pa nang kaunti. Marahil ay si Victor Hugo ang
nagbigay sa pamagat na yaon ng kanyang mayamang kahulugan sa Pranses.
Ang ibig niyang sabihin, ang ginagawa niya, ay ipakita ang lahat ng sahol na
anyo ng búhay. Kaipala’y ganito rin ang akala ng nasirang Gerardo Chanco,
kayâ nga’t ang kanyang salin sa Tagalog ay nginalanan niya ng angkop at
mainam na patalinghagang Sakit ng Sangkatauhan.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 203


Sa nais ni Victor Hugo na malunasan nang kahit kaunti ang malabis
na kahirapang tinitiis ng isang dukha at ang malupit na parusang inilalapat
ng batas sa nagkakasala, ay nilikha niya ang tauhang si Juan Valjean, na may
katutubong bait at talino ngunit napakaabâ, walang inaasahan maliban sa
magpaupa ng lakas ng bisig at malimit pang hindi makakita ng magagawa.
Wala siyáng pamilya, kapisan ng isang ale niyang bálong mahirap na
mahirap din at may pitó pang anak.

Sukdulan ang paghihikahos nila. Inalintana na niya ang sarili, ngunit


paano ang ale niya, lalong-lalo na ang mga batà! Napilitan siyáng magnakaw
ng tinapay upang may maipagtawid-gutom ang mga kaawa-awang ulila. Si
Juan Valjean ay ipinagsakdal at hinatulan. “Walang pasubali ang mga salita
sa kodigo. Sa gitna ng ating kabihasnan ay may mga sandaling kakila-kilabot,
at yaon pa namang ang batas ay naggagawad ng isang parusa. Malungkot
na sandaling ang lipunan ay lumalayô at ginaganap ang di malulunasang
pagtatakwil sa isang nilikhang may-isip! Si Juan Valjean ay hinatulang
mabilanggo nang limang taon.” At ang parusang ito’y naragdagan nang
naragdagan hanggang sa umabot ng labinsiyam dahil sa muli’t muling
pagtatangka niyang tumakas.

Upang mapatunayan ang nagagawang kabutihan sa táong may


katutubong kabaitan ng aral na “kung pukulin ka ng bato ay gantihin mo
ng tinapay”, o ng “kapag tinampal ka sa isang pisngi ay iharap mo pa ang
kabila” at “ang kasamaan ay hindi nagagamot ng kasamaan din” ay lumikha
rin si Victor Hugo ng isa pang tauhan, ang mabait at banal na Obispong si
Monsenyor M. Myriel.

Sa paniniwalang inapi siyáng totoo at pinagmalupitan nang labis,


si Juan Valjean ay naghinanakit, tumigas ang kalooban, napoot sa lipunan.
Pagkalabas niya sa bilangguan, sa kaniyang paglalakad ay inabot siyá ng gabi
sa daan; kahit pagod na pagod at gutóm na gutóm siyá ay walang sinumang
magpatuloy sa kaniya pagkaalam na siyá’y gáling sa bilangguan, gayong
mayroon naman siyang ibabayad. Ngunit sa tahanan ni Monsenyor M.
Myriel ay magiliw na tinanggap siyá nitó, kinasálo sa pagkain, at pinatulog pa
sa kama. Sa ganitong pakitang-loob ang iginanti niya’y pagnakawan pa ang
nagpalà sa kaniya, ngunit iniligtas din siyá nitó. Ang dakilang asal na iyang
ipinakita sa kaniya ng Obispo ay siyáng naging sanhi ng pagbabagong búhay,

204 Mga Lektura sa Panitikang Popular


ng panunumbalik niya sa landas ng kabutihan, hanggang sa siyá’y maging
isang tanyag, kapita-pitagan, at mapagkawanggawang mamamayan.

Ang Los Miserables ay nakapukaw na totoo sa kalooban ng lipunan.


Ito ang tanging aklat na bukod sa isinalin sa iba’t ibang wika ay dinadalá’t
binabanggit sa pangangaral ng mga alagad ng pananampalataya at ginagawa
pang pandagdag na babasahin sa pag-aaral ng batas.

Ngayon ay ilang salita naman ukol kay Emilio Zola. Sa mga


nobelistang nagsisipanalig na kailangang ilarawan ang búhay nang buháy
na buháy, hubad na hubad, ay siyá ang lalong may mayamang panitik. Isa-
isang tinitipon niya ang mga sangkap ng kaniyang mga akda at natatamo ang
ninanais niya sa pamamagitan ng dami at bigat ng mga iyon; punong-punô
ng búhay ang mga aklat niya, kayâ’t ang mambabasá’y parang inaabot tuloy
ng pagkasuya sa búhay. Ang ayos ng panunulat ni Zola’y walang balani at
hindi maganda, at pinakapintasan ng mga mamumunang kababayan niya.
Sa napakaraming nobelang sinulat ni Zola ay wala isa mang akdang-guro,
hiyas o tampok palibhasa’y nása diwa, sa buod, ang kaniyang katangian.
Ipinararating kay Zola ng mga pumipintas sa kaniya na totoong pinalilitaw
niya ang kasamaan, ang kaimbihan, ang kalait-lait, ang asal-hayop. Ngunit
hindi masamâ ang pagkakilála niya sa búhay; katulad lamang iyon ng
pag-uulat ng manggagamot ng mabibigat na sanhi ng karamdaman o
ng gumagawa hinggil sa ikagagalíng ng lipunan na naglalahad sa atin
ng mga kamalian nitó sa nais na mapabuti ang katauhan. Hindi mapag-
aalilanganan ang pagkamatapat ng layon ni Zola, at ang kamahalang-ugali
niya’y sinaksihan ng mahigpit niyang pakikilaban sa balitang usapin ni
Dreylus na ikinapaging isang bayaning pambansa niya.

Isunod nating sambitin ang isa pang manunlat na totoong


nagmamalasakit sa ikabubuti ng kaniyang kapuwa, si Leon Tolstoy.
Maituturing siyáng isang banal, karapat-dapat na alagad niyong Taong-Diyos
na tinularan niya. Nang mamatay si Tolstoy noong 1910 ay siyá ang lalong
dakilang tampok ng panitikan sa buong daigdig. Hindi siyá magtatamo
ng totoong laganap na pagpaparangal kung sa pagkanobelista lamang
niya, at hindi siyá magiging napakatayog sa kaniyang pagkatagapagbago
at pagkatagapagtanggol ng kalayaan kung di sa kaniyang pagkanobelista.
Marahil at si Tolstoy ang tanging nagtangkang isa-isantabi ang likás na
kakayahan niya sa sining ng pagsulat dahil sa palagay na ito’y laban o

Mga Lektura sa Panitikang Popular 205


walang kapararakan sa kaniyang lalong mahalagang layon. Sa kabutihang-
palad ay hindi nangyari ang ganito. Nagkaroon siyá ng mga karanasan sa
digma kayâ’t nasulat niya ang Sebastopol at iba pang kathang hinggil sa
labanan ang paksa na ikinapabantog agad niya. Nakita nga niya kung ano
ang digma, kakila-kilabot at walang saysay. Siyá noon ay hindi pa isang
alagad at tagapagpalaganap ng kapayapaan. Kahit nang kilaláng-kilalá na
siyá ay higit pa rin ang malasakit niya sa mga tao at bagay-bagay kaysa
panitikan—at iyan ang pinanggalingan ng kaniyang lakas. Iniukol niya ang
kaniyang panahon sa pagpapamulat sa mga batà sa nayon at pagpapabuti
ng kalagayan ng mga abâ at magsasaka.

Ipahintulot ninyong bumanggit ako ng isang nangyari. Isang


sundalong kabataan at may kaunting napag-aralan na kabilang sa mga
utusan (ordenanza o asistente) ng isang kapitan sa hukbo, ay nakagawa ng
isang maliit na kamalian sa pagsulat ng isang report, at dahil dito’y iniutos
ng tinurang kapitan na alisin siyá sa tungkulin at hampasin pa. Ang ganito’y
hindi na natiis ng kaawa-awang kawal. Sinundan niya ang pinunò sa paglabas
sa silid ng mga utusan, at sinuntok sa mukha. Noon din ay ipinahúli siyá, at
ang balita hinggil sa nangyari ay mabilis na kumalat sa mga nayong kalapit.
Dalawang opisyal ng rehimyento ang nagsaysay kay Tolstoy ng kapaslangang
iyon at nakiusap sa kaniyang ipagtanggol ang sundalo. Sumang-ayon siya
kapagkaraka, at sapagkat hindi nagsisalungat ang mga maykapangyarihang
militar, ay humanda siyá agad sa pagharap sa hukumang-digma. Pagkaraan
ng ilang araw ay nagkatipon ang nagsisibuo nitó. Sa paalaala ng pangulo
tungkol sa kahigpitan ng mga batas-militar, ay sumagot si Tolstoy na siyá’y
pumaroon upang ipagtanggol, hindi ang isang salarin kundi ang isang
táong laban sa sariling kalooba’y pinilit ng mga pangyayaring gumawa
ng pagkakasala. Ang hinihinging isaalang-alang ay ang pagdidilim ng isip
ng bilanggo; ngunit ito’y hindi pinahalagahan. Ang kawal ay hinatulang
barilin, at walang nasapit ang ubos-káyang pagtatanggol ni Tolstoy. Ang
poot, ang pagkahabag na nalarawan sa mukha ng karamihang nalilimping
napukaw ng kaniyang pagmamatwid, ang piping pagsang-ayon ng sundalo
(sa pananalig na makalilibong mabuti ang kamatayan kaysa magtiis ng
kakila-kilabot na mga parusa sa tapunan), ang wakas ng kasawiampalad
na yaon—lahat ng ito at ang maraming tagpo ng digma at pagdanak ng
dugo na nasaksihan na niya, ay natanim sa kaniyang loob at naging sanhi
ng lalo pang mahigpit na pagtuligsa niya sa mga kalaban ng kapayapaan at
pagkakapatiran ng mga tao.

206 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sa gitna ng maraming gawain ay sinulat ang kaniyang dalawang
dakilang nobela, La Guerra y la Paz at Ana Karenina. Hindi ko na tatangkaing
ilahad sa inyo ang buod ng mga akdang-gurong ito upang di kayó mainip.
Súkat ang sabihing sa kanila’y napatunayan ang likás at walang kaparis na
kakayahan ni Tolstoy sa paglikha ng tauhan at paglalarawan ng anumang
uri ng tagpo. Mayaman at malawak ang pagsasalaysay niya sapagkat
tumutukoy sa totoong marami’t mahahalagang suliranin ng búhay. Hindi
man kusain ay sinusunod niya ang isang paraang tinatawag niyang isang
simulain: kailanma’y huwag pilitin ang pagwawakas ng isang kathang-
buhay; bayaang ito’y tila lumalakad nang mag-isa sa kaniyang sariling
landas at kusang natatapos.

Sa ganang kay Tolstoy, sa panitikan ang sining ay pangalawa lamang.


Ang ganitong pagtatakwil ay isang kasalanang walang kapatawaran, sang-
ayon kay Tourgenev, na nagsabing si Tolstoy ay walang kapantay sa panitikan
sa Europa nang panahong iyon. Ngunit sa palagay naman ni Tolstoy, isa
sa mga pagkakasalang hindi pinatatawad ay ang pagsunod sa paraan ng
pagsulat na walang sinisikap maliban sa lumabas na mainam ang akda.
Minsan, nang pitumpung taón na ang gúlang niya, ay pinagbalikan niya ang
nobela at kaniyang sinulat ang Resurreccion, hindi sa nais na makagawa ng
isang marikit na akda, kundi upang makatipon ng salapi para sa isang pinag-
uusig na sekta ng mga Kristiyano. Itinatakwil ni Tolstoy ang salapi, ngunit
hinahanap niya ito para sa iba. Ang binanggit na aklat ay punong-puno ng
mga aral at lumabas pang napakaganda, kahit hindi ganito ang layon niya.
Dahil sa kaniyang isipan at mapayapang panghihimagsik ay naging kalaban
siyá ng Pananampalataya at ng Pamahalaan. Kung naging isang mahirap
at abâng tao lamang si Tolstoy ay walang pagsalang ibinilanggo siyá at
itinapon sa Siberya. Ngunit siyá ang hari ng panitikan, makapangyarihan
kaysa lahat ng hari. Kung pinangahasan ng Pamahalaang gawin sa kaniya
ang gayon ay matitiyak na tututol nang mahigpit ang buong Europa. Kayâ’t
ang pinag-usig na lamang ng mga maykapangyarihan ay ang mabababàng
táong kapanalig niya, bagay na totoong ikinalungkot ni Tolstoy. Mabuti na
ngang namatay siyá bago dumating ang taong 1914 at hindi niya naaksihan
ang kahambal-hambal at kakila-kilabot na mga pangyayaring parang isang
masakit na aglahi sa kaniyang mga mithiin.

Si Cervantes naman ang babanggitin ko ngayon. Bago natin


isaalang-alang ang mga layon niya sa pagsulat, ay ipahintulot ngayong

Mga Lektura sa Panitikang Popular 207


magpahayag muna ako ng ilang salita tungkol sa kaniyang buhay. Ang mga
táong tampok, hindi lamang sa panitikan kundi sa iba’t iba mang sangay
ng karunungan, ay pinag-aagawang angkinin ng mga lipi, bayan, at bansa,
kailanma’t may kaunting matwid na mapagbabatayan ang mga ito. Ngunit
sa kabilâng dako’y tila sadyang inaapi ng kapalaran ang mga yaon, sapagkat
samantala ngang ikinararangal siláng paglunggatian ay nagdaranas naman
ang marami sa kanila ng malaking kahirapan sa búhay. Ganyan ang nangyari
kay Cervantes. Dahil sa kabantugan niya ay pinunyagi ng mga nagsisulat
ng kaniyang búhay na maibilang siyá sa isang dakila’t maharlikang angkan,
ngunit walang nangyari. Ang kaniyang akdang-guro ay sa bilangguan niya
sinulat. Hikahos na hikahos siyá nang bagong kalalathala ang Don Quijote.
Ang mga tanging sugong Pranses na pinapagsadya sa Madrid noong Pebrero
ng 1615, na pinanguluhan ni de Sillery, ay nangamangha nang malaman
niláng si Cervantes ay matanda, isang sundalo lamang, at mahirap.

Alin-alin ang mga landasing tinunton ni Cervantes sa pagsulat?


Tingnan natin sa Don Quijote yayamang ito ang kaniyang akdang-guro,
ang lalong dakilang nobelang katatawanan sa panitikan sa buong daigdig.
Sinasabi ni Cervantes na ang tanging layon niya sa pagsulat ng aklat na ito
ay itanghal sa madla ang masasagwa, katawa-tawa, at walang kapararakang
mga katha hinggil sa mga kabalyerong pagalà-galà (caballeria andante).
Nagtagumpay kayâ ang kaniyang mithi? May nagsasabing kusang
nangamatay ang mga akdang yaon; ang totoo’y malaki ang nagawa ng Don
Quijote laban sa sakít na ito ng lipunan. At kung iyon nga lamang ang layon
niya, ay nakagawa siyá ng higit, makapupong malaki, gaya ng makikita natin
sa dakong hulí.

Ang Espanya’y bayan ng mga pangarap at salamisim, na maiinit


ang dugo at mapupusok ang loob, ng may maiitim na matá, ng magagara
at mapalamuting pananamit, at ng maibigin sa mapanganib na mga
pakikipagsapalaran o pagsuong sa malalaking panganib. Ang mga
katangiang ito ay iniuukol sa kaniya, hindi ng mga nagsisipagliwaliw lamang
doon, kundi ng mga manunulat sa Kastila, pati ng ilan sa magagalíng na
nobelista sa kasalukuyang panahon. Ngunit bukod sa mga tinurang
katangian, ang Kastila’y likás na may kahili-hiling masayáng kalooban.
Kayâ’t nagawa ni Cervantes na ang tumutunghay sa Don Quijote ay matulad
sa isang nasisiraan ng bait; napapahalakhak kahit nag-iisang bumabása.

208 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Sinong hindi matutuwa sa kaniyang katawa-tawang kabalyerong
si Don Quijote? Ito’y nasiraan ng bait dahil sa pagbabasá ng totoong
maraming kuwento tungkol sa mga kabalyerong pagalà-galà, at lumakad
nang lumakad na gaya ng ginagawa ng mga bayani sa mga kathang nabása
niya. Sa kaniyang paghanap ng kapalaran, kabantugan, at karangalan, ay
nakipagsukatan siyá ng lakas sa mga molino de viento na akala niya’y mga
higante, at sa mga kawan ng tupa na ipinagkamali niya sa mga hukbo; nilusob
niya ang tahimik na mga bahay-kainan at pahingahan o tulugan (posadas)
dahil sa palagay na mga kastilyo ang mga yaon. At kapag sinisisi ni Sancho
Panza pagkatapos na masalanta ay iginigiit ding ang mga tinurang bagay
ay talagang mga higante, hukbo, at kastilyo, ngunit inengkanto lamang
ng kaniyang mahiwagang kalaban upang huwag siyáng magtagumpay at
mapabantog. Katawa-tawang paghahamok ng mga pangarap at ng mga
tunay na nangyayari sa buhay! Mapupunang malaki ang pagkahabag ni
Cervantes sa nilikha niyang tauhang mapangarapin; at ganito rin ang
nangyari sa bumabása. Si Don Quijote ay isang matandang baliw, ngunit
isang matandang baliw na nakaaakit. Siyá’y isang mabuting táong naligaw
sa landas. Ang tinutuligsa ni Cervantes ay ang punò’t dahilan ng mga
kabaliwan ni Don Quijote.

At sinong hindi matatawa sa pulpol at maang na eskudero niyang


si Sancho Panza na nanonood lamang kung nakikipaglamas ang kaniyang
panginoon sa mga guniguning kalaban, at pagkatapos malamog ang
katawan ni Don Quijote ay sakâ lamang lalapit at sisisihin ito? Sinong hindi
matutuwa sa ganitong isinasagot ng eskudero kung itinutuwid ng kabalyero
ang mga kamalian niyon sa pagsasalita: “Minsan o makalawa na, kung hindi
ako namamali, na ipinakiusap ko sa inyong kamahalan na huwag baguhin
ang aking mga pangungusap, kalian pa ma’t mauunawaan na ninyo ako, at
kung hindi naman ay sabihin ninyo sa akin ang ganito: Sancho o diyablo,
hindi kita mawatasan”? At kapag sinabi ni Don Quijote na maunawaan din
sa wakas si Sancho, ay gayari naman ang ipinapakli nitó: “Pupusta akong sa
mula’t mula pa’y nawawatasan na ninyo ako, danga’t talagang ibig lamang
ninyong marinig buhat sa aking bibig ang lalo pang maraming kabalbalan.”

At lalo na itong halaw sa isang pag-uusap ni Sancho Panza at


ng asawa niyang si Teresa Cascajo. Anang babae: “Kung palarin kang
maging gobernador, ay huwag mong lilimutin ako at ang iyong mga anak.
Isaalang-alang mong si Sanchico ay mayroon nang labinlimang taóng
ganap at dapat nang mag-aral. Gayon din naman, si Marisancha ay hindi

Mga Lektura sa Panitikang Popular 209


mamamatay kung papag-asawahin natin siyá. Manalig ka, tugon ni Sancho,
na kapag niloob ng Diyos na maging gobernador ako, ay aking ipakakasal
si Marisancha nang napakataas na hindi siyá maaabot kundi tawagin ng
senyorita. Iyan ang ayoko, Sancho, ang tugon ni Teresa, papag-asawahin
mo siyá sa kaniyang kauri, na siyáng lalong tumpak, sapagkat kung mula
sa mga bakya’y pinagamit mo siyá ng maiinam na butitos, at buhat sa
mga sáyang siyesgo, babarahin at magaspang na káyo, ay pinapagsuot
ng mga de cola, raso, at sutla, at mula sa isang abâng si Marica ay gawin
siyáng isang donya at senyorita, ay walang kalalagyan ang batà, at sa tuwi-
tuwina’y makagagawa siya ng totoong maraming pagkakamali, bagay
na magpapakilála ng kababaan niya. Magtigil ka, hangal, ani Sancho,
sapagkat pagkaraan ng dalawa o tatlong taon ay mamimihasa na siyá sa
donya at senyorita at matututong umanyo nang ayos; at kung hindi man,
ano? Maging donya siyá, at mangyari na ang mangyayari. Sukatin mo,
Sancho, ang iyong kalagayan, ang sagot ni Teresa, huwag kang maghangad
na tumaas . . . tunay ngang mainam na ipakasal ang ating si Maria sa isang
konde o kabalyero, na kapag naisipan nitó ay hahamakin siyá: mag-uwi ka
ng salapi, Sancho, at ipaubaya mo sa akin ang hinggil sa pag-aasawa niya,
yayamang nariyan si Lope Tocho, na anak ni Juan Tocho, binatang batibot
at malusog, at kilála natin, at alam kong may pag-ibig sa ating anak; at
sa binatang ito, na kauri natin, ay mapapabuti siyá, at hindi malalayò sa
ating píling at magsasáma táyong lahat, pati mga apo at manugang natin,
at mananatili ang kapayapaan at biyaya ng Diyos sa atin; at huwag siyáng
ipakasal diyan sa mga nása korte at malalaking palasyo, sapagkat doo’y
hindi siyá mauunawaan, at hindi rin siyá makakaunawa.”

Sinabi namin sa dakong una na hindi lamang pagtatanghal sa madla


ng masasagwa, katawa-tawa, at walang saysay na mga katha ukol sa mga
kabalyerong pagalà-galà ang nagawa ni Cervantes sa pagsulat ng Don
Quijote, sapagkat ang nobelang ito’y naglalarawan ng sari-saring anyo ng
búhay na nakaaaliw sa mga táong hindi nakakikilála o walang malasakit
at kinaalaman sa mga kathang inaaglahi niya. Sa mga paglalakbay ni Don
Quijote at ng kaniyang matapat na eskudero ay nakakatagpo silá ng lahat ng
uri at kalagayan ng mga tao, at sa pamamagitan ng mga ito’y inilalarawan ni
Cervantes ang búhay sa Espanya, ngunit ang mga taong iyon ay hindi mga
Kastila lamang kundi mga Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, Insik, Amerikano
rin naman . . . Silá’y táyo rin.

210 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang Don Quijote ay isinalin sa lahat ng wika sa Europa at iba’t iba
pang bansa. Sa Tagalog ay nariyan ang una at mainam na salin nina ginoong
Dionisio San Agustin, Cirio H. Panganiban, Teodoro E. Gener, at Buenaventura
G. Medina, na nagtamo ng unang gantimpala sa Pambansang Timpalak sa
pagsasalin sa wika natin ng aklat na itong isa sa pinakamaningning na hiyas
ng panitikan sa lahat ng panahon.

Ngayo’y papasok na táyo sa pangwakas na bahagi ng ating panayam.


Hindi na ako tutukoy ng ukol sa panahong wala pa rito ang mga Kastila.
Para sa kapakanan ng aking paksa ay súkat na ang ipakilála ko ang ilang
tampok na akdang nasulat mula nang sakupin táyo ng Espanya hanggang
sa paghihimagsik. Sa loob ng panahong ito, ang uri ng mga aklat at iba
pang babasahing nangingibabaw sa bilang ay ang mga dasalan at novena
o pagsisiyam; ang kasaysayan ng mga santo o banal, mga sermon, platicas,
santos ejercicios; ang mga awit, corrido at comedia.

Hinggil sa mga una o ang nauukol sa pananampalataya at kabanalan,


ay babanggitin ko ang Pasion, na siyáng may mataas na uri sa kanilang
lahat sapagkat nagtataglay ng magagandang aral na pinakikinabangan ng
lipunan. Ang unang bahagi ng mahalagang aklat na ito ay nag-uulat ng
Banal na Kasaysayan at ang ikalawa’y nagsasaad naman ng búhay at mga
sákit na dinanas ng Anak ng Diyos. Sáyang at ang mahalagang aklat na ito’y
malimit na ginagawang parang libangan kundi man laruan lamang ngayon;
sa pagbása’y pinapasukan ng sari-saring hindi bagay na himig ng pag-awit,
gaya ng fox-trot, one-step, valse, opera, at iba pa, sa halip na basahin nang
taimtim at nuynuyin ang mga itinuturong matatagpuan sa katapusan ng
bawat kabanata ng búhay ng Mananakop, gaya nitóng hinggil sa paglilimos
at pagpapalimos.

Ngunit kung kaya mahirap


na pobre siyang natatawag
ay tamad lamang maghanap,
vicioso kaya’t bulagsak,
limusan ay di dapat.

At itong tukoy na inaasal ng isang anak kapag nalilingid sa mata ng kaniyang


mga magulang:

Mga Lektura sa Panitikang Popular 211


At ikaw na palamara
na napawaglit sa mata
ng iyong ama at ina
ay doon ka nakikita
sa gitna ng madlang sala.

At ito namang ukol sa kasiyahang-loob na tinatamo ng magulang sa


nakikitang kabaitan ng anak:

Ang anak na minamahal


ay masarap makitahan
ng suyong nakakayanan
at siyang kaligayahan
ng malulugding magulang.

At ito pang bagay naman sa pagpapasunuran ng mag-asawa:

Mag-asawa’y magsintahan
magsing-isang kalooban,
ilagan ang aglahian
na mga pagbibintanganan
na daan ng pag-aaway.

At ito pa ring may kinalaman sa pagbabayad ng utang:

Ang utang ay pagbayaran


hanggang may ikabibigay;
kung wala pa namang tunay
ay di muna kasalanan
sukat ang nasain lamang.

At itong isa pang may kaugnayan naman sa kainggitan:

Ah! Kataka-takang lubha


ang pangingimbulong gawa,
walang tubong mahihita,
bagkus pang nagdaralita
ang buong puso at diwa.

212 Mga Lektura sa Panitikang Popular


At saka ito pang tungkol sa taksil na pagpuri:

May pagpuring panunuya


na ang budhi ay masama,
pawang kasalanang gawa
ng may loob na kuhila.

Na pawang sipi sa Pasion ni Pari Aniceto de la Merced.


_______

Sa panununton sa ganito ring silanganin ng panitikan, ay isinalin sa
Tagalog ng isang pari ang La Imitacion de Cristo (Ang Pagtulad kay Kristo),
na sinulat sa Latin ni Venerable Tomas Kempis. Hindi ko na iisa-isahing
sabihin ang kahalagahan ng aklat na ito. Sukat ang ulitin ko rito ang mga
kuro-kuro ng nangakabása at nagsipag-ukol ng pansin sa tinurang akda.
“May nangagpupuring anila’y ito ang gintong aklat; may nangagsasabing
ito ang librong maipalalagay na ikalimang Evangelio; may nagwiwikang
sinumang binyagang lalaki o babae o makasalanan, kung bumása sa aklat
na ito ng ilang talata, kahit hindi pumilì ng kabanatang babasahin, kundi
buksan saan mang punò, maging sa dakong gitna, maging sa dakong dulo,
at ang unang talata na tamaan ng matá’y siyáng basáhin, tantong kagila-
gilalas! Ang aral na mababása’y sadyang nauukol mandin sa bumabása
na tila pinilì, at parang hamog na nararamdaman sa puso ang matamis
na lamig.” At sa ganang nagsalin naman, ay wala siyáng nabásang aklat
na kahambing nitó, na lubhang nababagay sa táong nagnanais ng tunay
na kabanalan. Sa paksa lamang ng mga kabanata ay mahuhulo na ang
kahalagahan ng aklat. Sinipi ko ang ilang sumusunod:

“Kapakumbabaan. Aral ng katunayan. Paglayô sa magdarayang


pananalig at kapalaluan. Pag-ilag sa pakikilaguyo. Pagtupad sa utos at
pagpapasakop. Pag-ilag sa panganib ng katabilan. Pag-ilag sa walang
wastong paghihinala. Pagkakawanggawa. Pagtitiis ng mga kakulangan ng
kapuwa-tao. Paglaban sa mga tukso. Pagpapakabanal. Pagpapakagalíng
ng búhay.”

Tungkol naman sa mga awit, corrido, at comedia, na halos lahat ay

Mga Lektura sa Panitikang Popular 213


pawang pampalipas lamang ng panahon ang nilalaman, ay alam na nating
ang mga ito’y huwad sa mga kathang hinggil sa mga kabalyerong pagala-
gala na inaglahi ni Cervantes sa kaniyang Don Quijote. Nangingibabaw sa
kanila ang mga kababalaghan, gaya ng sa Ibong Adarna, Buhay ni Maria
na naging alimango, at iba pa; mga tagpong hindi maaaring mangyari,
tulad, sa halimbawa, ng ngayon-ngayon lamang ay nangasa-Ungriya ang
mga tauhan at walang abog-abog ay nangapalipat na sa Persiya; at mga
pangungusap na walang kapararakan o labis ng kasagwaan, gaya nitóng
bahagi ng sagot ng isang hari sa isang sugo o embahador:

Kayo’y umakyat man hanggang panganorin


at kayo’y pakupkop sa ulap at hangin,
papanhikin ko rin kayo’t uusigin,
lintik na kamay ko kayo’y pupuksain.

Ngunit sa gitna ng gayong mga walang saysay na katha ay may


sumikat ding isang maningning na tala ang hari, marikit na hiyas, tampok
niláng lahat, ang lalong dakila sa mga nasulat sa Tagalog, at ipinagkakapuri
hindi lamang ng lalawigang Bulakan kundi ng buong Filipinas man, —
ang Florante at Laura ni Balagtas. Bagaman alam kong kilaláng-kilalá na
ninyo ito, at kahit nag-aalaalang maabala kayó nang labis, ay isasalaysay
ko rin ang lalong namumukod na mga katangian ng tinurang kathang-tula.
Manghahawak ako sa paniwalang ang tunay na mabuti at mainam ay hindi
pinagsasawaan.

Ang akdang ito’y may malawak na saklaw: tumutukoy hindi lamang


sa mga sakít ng lipunan at pananampalataya kundi pati sa dakilang-asal, at
naglalaman ng napakatalino at makataong mga isipan at makabayang mga
aral.

Sariwain natin sa alaala ang inilagay sa bibig ni Florante tungkol sa


panlulupig, pagmamalabis, at masamâng pasunod ng pamahalaan:

Sa loob at labas ng bayan kong sawi


kaliluha’y siyang nangyayaring hari,
kagalinga’t bait ay nalulugami,
ininis sa hukay ng dusa’t pighati.

214 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Ang magandang asal ay ipinupukol
sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong
balang magagaling ay ibinabaon
at inililibing na walang kabaong.

Nguni ay ang lilo’t masasamang loob


sa trono ng puri ay iniluluklok,
at sa balang sukab na may asal-hayop
mabangong incienso ang isinusuob.

Kaliluha’t sama ang ulo’y nagtayo


at ang kabaita’y kimi’t nakayuko,
santong katuwira’y lugami at hapo
ang luha na lamang ang pinatutulo.

At ang balang bibig na binubukalan


ng sabing magaling at katotohanan,
agad binibiyak at sinisikangan
ng kalis ng lalong dustang kamatayan.

At ang sa kalait-lait na pag-iimbot:

Oh taksil na pita sa yama’t mataas!


oh hangad sa puring hanging lumilipas!
ikaw ang dahilan ng kasamang lahat
niyaring nasapit na kahabag-habag.

At ang sa pag-ibig sa tinubuang lupa. Albanya ang tinutukoy sa sumusunod:

Pagkabata ko na’y walang inadhika


kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga,
di makailan kang babal-ing masira
ang mga kamay ko’y siyang tumimawa.

Mga Lektura sa Panitikang Popular 215


At ang sa matibay na pananalig sa Diyos kahit nagdaranas ng malupit na
sakit:

Datapuwa’t sino ang tatarok kaya


sa mahal mong lihim, Diyos na dakila?
walang mangyayari sa balat ng lupang
di may kagalingang iyong ninanasa.

At ang sa kabaitan ng isang anak:

Inabutan niya’y ang ganitong hibik


“ay mapagkandiling amang iniibig!
bakit ang buhay mo’y naunang napatid,
ako’y inulila sa gitna ng sakit?”

Ay amang-ama ko! Kung magunam-gunam


madla mong pag-irog at pagpapalayaw,
ipinapalaso ng kapighatian
luha niring puso sa mata’y nunukal.

Sa pamamagitan ni Aladin ay ganito naman ang iniaaral hinggil sa


dakila at magandang asal na pagsaklolo sa nása panganib at paggálang sa
pananampalataya ng iba:

Ipinahahayag ng pananamit mo
taga-Albania ka at ako’y Persiano,
ikaw ay kaaway ng baya’t secta ko,
sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo.

Moro ako’t lubos na taong may dibdib,


ay nasasaklaw rin ng utos ng langit,
dini sa puso ko’y kusang natititik
natural na leing sa aba’y mahapis.

Anong gagawin ko’y aking napakinggan


ang iyong pagtaghoy na kalumbay-lumbay,

216 Mga Lektura sa Panitikang Popular


gapos na nakita’t pinamumutihan
ng dalawang ganid, ng bangis na tangan.

At ang sa kahinhinan ng ugali:

Humihinging tulong at nasa-pangamba


ang Krotonang reino’y kubkob ng kabaka,
ang puno sa hukbo’y balita ng sigla,
Heneral Osmalik ng bayaning Persa.

Ayon sa balita’y pangalawa ito


ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo,
Alading kilabot ng mga guerrero,
Iyong kababayang hinahangaan ko.

Dito’y napangiti ang morong kausap
sa nagsasalita’y tumugong banayad,
aniya’y bihirang balita’y magtapat,
magkatotoo ma’y marami ang dagdag.

At saka madalas ilala ng tapang


ay ang guniguning takot ng kalaban,
ang isang guerrerong palaring magdiwang
mababalita na at pangingilagan.

Kung sa katapanga’y bantog si Aladin,


may buhay rin namang sukat na makitil,
iyong matatantong kasimpantay mo rin
sa kasamang palad at dalang hilahil.

Sina Laura at Flerida ay salamin ng pagkamatimtiman at pagkamatapat sa


pag-ibig. Si Haring Linceo ay larawan ng mabait at marunong magpasunod
na magulang gaya ng makikita sa sumusunod na mga katugmaang inilagay
sa bibig ni Florante rin:

Pag-ibig anaki’y aking makilala


di dapat palakhin ang bata sa saya,
at sa katuwaa’y kapag namihasa

Mga Lektura sa Panitikang Popular 217


kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.

Sapagka’t ang mundo’y bayan ng hinagpis


mamamaya’y sukat tibayan ang dibdib
lumagi sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?

Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,


mahina ang puso’t lubhang maramdamin,
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratni’y di na matutuhang bathin.

Gaya ng halamang lumaki sa tubig,


daho’y nalalanta munting di-madilig,
ikinalolooy ang sandaling init,
gayon din ang puso’y sa tuwa’y maniig.

Munting kahirapa’y mamalakhing dala,


dibdib palibhasa’y di gawing magbata,
ang bago sa mundo’y balang kisap-mata
ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad


sa bait at muni’t sa hatol ay salat,
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.

Sa taguring bunso’t likong pagmamahal


ang isinasama ng bata’y nunukal,
Ang iba’y marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang.

Si Menandro ay larawan ng isang tapat na kaibigan. At si Konde Adolfo


naman ay ng pagbabalatkayo, inggit, kataksilan, at pag-iimbot.


Ngayo’y tutukuyin ko naman ang dalawang aklat na siyáng aking
pinilì bilang pangwakas sa panahong itong mula sa pagsakop sa atin ng

218 Mga Lektura sa Panitikang Popular


Espanya hanggang sa paghihimagsik natin laban sa kaniyang kapangyarihan.
Ang dalawang aklat na tinuran ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Ang mga ito, gaya ng pagkaalam nating lahat, ay siyáng lalong mahalaga
sa mga akdang sinulat ng mga Filipino, nagkaroon ng totoong malaking
bisa sa atin ang mga itinuturo kayâ’t tinawag tuloy mga Evangelio o Biblia
natin. Sumasaklaw sa buong kalagayan ng Filipinas nang panahong iyon:
inilalantad ang mga hidwang kaugalian ng bayan at ang mga sakít ng lipunan;
nagtuturo ng damdaming makatao, ng dakilang-asal, ng pagpapakasakit,
ng pag-ibig sa tinubuang-lupa; pinagpapaalalahanan ang Pamahalaan at
ang Pananampalataya dahil sa kanilang pagmamalabis.

Gawa ng di-mababayarang utang na palà at ng walang kahambing na


paghanga natin sa dalawang aklat na iyan, ay lumabas tuloy sa maningning
na panulat ng Gurong Lope K. Santos ang ganitong kuro: Sinabi, aniya, ng
isang Arkimedes, na bigyan siyá ng isang katangian at kikilusin niya ang
sandaigdig man; siyá naman, aniya rin, ay sasagot, na ibigay sa kaniya ang
panulat ni Rizal at iguguho niya’y kaha-kaharian at ibabango’y samba-
sambayanan. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay isinalin hindi
lamang sa Ingles, Tagalog, at iba’t ibang wikain sa Filipinas kundi pati sa
mga ibang wikang bihasa sa daigdig, gaya ng Ruso, na pinangasiwaan ng
Pamahalaang Sobyet upang gawing isang babasahing-bayan. At talagang
ganito naman ang dapat mangyari sapagkat ang maykatha’y di lamang
dakilang bayani ng Filipinas kundi gayon din naman ng alin mang bayang
nagdanas o nagdaranas ng gaya ng dinanas natin. At sa kagandahang-asal
ay katulad siya ng mga Lincoln at Tolstoy. Ang ganito’y hindi nagmaliw
hanggang sa huling oras ng kanyang buhay, gaya ng napapatunayan sa
Huling Paalam niya, isa sa mga dakilang tula sa buong daigdig at sa lahat ng
panahon. Hindi naglalaman ng anumang mabigat, masakit, o mahayap na
pangungusap, o paninisi; maliban sa kaunting hinanakit na ipinahahayag
ng katugmang sinusundan ng hulí, na gayari:

Ako’y yayao na sa bayang payapa


Na walang alipi’t punong mapang-aba,
Doo’y di nanatay ang paniniwala
At ang naghahari’y Diyos na dakila.

Nguni’t kung wala naman ang mga taludtod na ito’y masasabing si Rizal ay
higit pa kay Kristo, sa Taong-Diyos, na naghinanakit din nang mga hulíng

Mga Lektura sa Panitikang Popular 219


sandali ng kaniyang buhay sa pamamagitan ng ganitong parirala: “Diyos
ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan!”

Ang mga nobelang iyon ni Dr. Rizal ay siyáng lalong angkop sa ating
paksa ngayon kayâ’t ipahintulot ninyong ilahad ko nang kahit pahapyaw
lamang ang kanilang balangkas. Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang
nakaririwasa, makabayan, may malaking pagtitiwala sa Pamahalaang
Kastila ngunit wala pang gasinong karanasan; ang kaalaman niya tungkol
sa bagay-bagay ng kaniyang bayan ay gáling lamang sa mga aklat na pinag-
aralan o nabása niya. Nang makilála ang mga tunay na nangyayari ay
pangatawanang nakipagtunggali sa loob ng batas at kapayapaan, ngunit
pawang pagkabigo at kasiphayuan ang tinamo dahil sa kapangyarihan ng
mga prayle at makaprayle. Nag-iba ng landas, inisip na gumawa sa dilim,
gumamit ng lalang, daanin sa lakas at kagahasaan ang hindi makakuha sa
mahusayan, kasakdalang maputi ang báhay ng mga maykasalanan o wala
man. Upang maisagawa ang ganito ay nagkubli sa pangalang Simoun,
ngunit hindi niloob ng Lumikha na magtagumpay ang kaniyang mithi hinggil
sa bayan sa pamamagitan ng isang kakila-kilabot na paraan: natuklasan
ng mga maykapangyarihan ang kaniyang lihim at siyá’y pinag-usig, tinugis,
ngunit hindi niya inibig na mahúling buháy kayâ’t uminom siyá ng lason.
Pinasamâ siyá ng mga tao, kaya’t namutawi sa bibig ni Pari Florentino ang
ganitong mga salita, samantalang nangingilabot na pinagmamasdan ang
kaniyang bangkay: “Kaawaan nawa ng Diyos ang mga naglihis sa kaniya ng
landas!” At ang mahalagang mga pangungusap na binanggit ng tinurang
pari nang itapon niya sa dagat ang takbang kinasisidlan ng napakalaki, di-
matayang kayamanan ni Simoun: “Itago ka ng Kalikasan sa kailaliman na
kasáma ng mga korales at perlas ng kaniyang walang-pagkapawing mga
dagat! Kung kailanganin ka ng mga tao sa isang banal at dakilang layon, ay
kukunin ka ng Diyos sa sinapupunan ng mga alon . . . samantala, diyan ay
hindi ka makagagawa ng kasamaan, hindi mo mababaluktot ang katwiran,
hindi ka mag-uudyok ng kasakiman!”

Si Elias ay isang binatang makabayan din ngunit mahirap, kabilang


at kumakatawan sa mga taong-bayang api at pinag-uusig; nadadama niya
sa pamamagitan ng sariling karanasan ang mga kahirapang tinitiis ng
bayan. Ang mga nuno at magulang niya ay pinarusahan nang malupit at
kahalay-halay dahil sa isang bintang na kasalanang gawa ng isang lihim
na kalaban. Nang malaman niya ang mga nilalayon ni Ibarra ay lihim na

220 Mga Lektura sa Panitikang Popular


kinapulong ito at inilahad ang kaapihan ng mga taong-bayan. Hindi silá
nagkaunawaan, ngunit nang pag-usigin na’t pagmalupitan si Ibarra ng mga
maykapangyarihan sa lalang ng mga prayle ay nakilala niyang may katwiran
si Elias. Ito’y lihim na tumulong sa kaniya, pangatawanang dumamay sa
kaniyang kasawian, tinulungan siya sa pagtakas sa bilangguan, hanggang sa
mapahamak sa pagtugis sa kanila ng mga kawal sa Look ng Bay.

At hindi ko na ilalarawan ang iba’t iba pang tauhang nagbibigay ng


malawak na saklaw sa katha. Sasabihin ko na lamang na bagaman mga
ikagagalíng ng bayan ang una-unang layon ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me
Tangere at El Filibusterismo, ay nagawa rin niyang ang mga ito’y makaaliw
sa bumabása, sa pamamagitan ng mga tagpong tunay na nakatutuwa at
nakatatawa, bagay na nagpapakilálang si Rizal ay nása hanay ng magagalíng
na nobelista. Gaya, sa halimbawa, nang punahin ni Don Tiburcio de
Españada ang pagbuong ginawa ng asawa niya sa pangalan at mga
apelyido nitó: Doña Victorina de los Reyes de de Espadaña. Sinabi ng
lalaking kalabisan na’t pangit pang pakinggan ang salitang de na kasunod
ng Reyes, ngunit ganito ang ipinakli ng babae: “Kung isang de lamang ang
ilagay ko ay aakalaing walang de ang iyong apelyido, pulpol.” At walang
nangyari sa puna ni Don Tiburcio. Ang kabyak niya’y pilit na nagpakilála sa
pamamagitan ng walong salitang iyon—Doña Victorina de los Reyes de de
Espadaña.

Isa pang totoong nakatutuwa rin at hindi mapipigil ng bumabása


ang pagtawa kahit nag-iisa siyá, ay ang nangyari samantalang nagsesermon
o nangangaral si Pare Damaso. Pakinggan natin ang bahaging lumikha ng
nakatatawang tagpo: “Ayan at patente sa inyong mga matá (lantad ang ibig
niyang sabihin, at tinutukoy ang santong pintakasi) ang katunayang hindi
mapupuwing, ang walang maliw na katotohanang ito! Ayan at patente
rin iyang Araw sa kabaitan, at sinabi kong Araw at hindi Buwan, sapagkat
walang gasinong kabuluhan ang pagkinang ng Buwan sa gabi; sa bayan ng
mga bulag ang pisak ang isang matá’y siyáng hari; sa gabi’y mangyayaring
kuminang ang isang ilaw, ang isang munting bituin; ang lalong may
malaking kabuluhan ay ang kumikinang sa umaga, na gaya ng ginagawa ng
Araw; gayon ang kinang ng kapatid na Diego, kahit nasa-gitna ng lalong
malalaking santo! Nariyan at patente sa inyong mga tampalasang walang
pananalig ang lalong maayos na likha ng Maykapal upang halayin ang
malalaki sa lupa, oo, mga kapatid ko, patente, patente sa lahat, patente!”

Mga Lektura sa Panitikang Popular 221


Ang mga hulíng salitang ito’y naulinigan ng isang lalaking
nakakatúlog sa pakikinig. Tumindig na putlang-putla’t nanginginig at
nagtago sa isang pakumpisalan. Ang hanapbuhay niya’y magbili ng alak,
at nang mga sandaling yaon ay nananaginip na hinihingi sa kaniya ng mga
karabinero ang patente, at siya’y wala nitó. May nagpapatunay na hindi
umalis sa pinagtaguan niya hanggang di natapos ang sermon.

Ngayo’y papasok na tayo sa pangwakas na bahagi ng ating panayam,
bahaging sumasaklaw sa panahong nagsisimula sa pagkakatatag dito ng
kapangyarihan ng Amerika hanggang sa kasalukuyan.

Pinairal ng bagong Pamahalaang ito ang pagkahiwalay niya sa


pananampalataya, ang kalayaan sa pagsasalita, pahayagan, at pagpupulong.
Ang ganyang kaluwagan ay sinamantala ng mga manunulat. Sumilang
ang mga unang pahayagang pinunyaging itaguyod sa ilalim ng malaking
pagsasákit at paghihikahos. Sa mga tudling nila’y namamaibabaw ang layon
at damdaming makabayan. Karamihan sa nagsiugit ng mga pahayagang
iyon ay nagsiyaon na sa kabilâng-buhay; sa kaunting nangangalabí ay
may ilang kabilang sa nangalilimpi. Utang sa kanila ang nakahihili nang
kalagayan ngayon ng mga pahayagan natin. Nagsilabas ang mga dula,
zarzuela, at mangisa-ngisang opera na nangahalili at pinagbuhatan ng
pagkapawi ng mga comedia at moromoro. Sa mga iyon ay namumukod din
ang hinggil sa pag-ibig sa tinubuang-lupa at sa kaapihang dinanas natin,
gaya ng itinatanghal ng Walang Sugat!, Los Martires de la Patria, Kahapon,
Ngayon, at Bukas, Tanikalang Ginto, at iba pa. At sumunod na ang maiikling
kasaysayan o kuwento, mga kathang-buhay o nobela, gaya ng Nena at
Neneng, Mag-inang Mahirap, Anino ng Kahapon, Pinaglahuan, Banaag at
Sikat, at iba pa, at ang pagsasalin ng mga akdang banyaga. Nagsimula ang
pagbabagong-buhay ng panitikan natin.

Sa mga akdang binanggit sa itaas ay maitatangi ang Banaag at Sikat,


na, bukod sa kinikilálang kapatid na matanda ng mga nobelang Tagalog,
ay siyáng higit na sumasaklaw sa kalagayan ng lipunan at sa mga bagong
mithiin at suliraning bunga ng bagong panahon. Nailarawan ang marangal,
kapuri-puri, ngunit sahol, abâ, at gipit na kalagayan ng mga manunulat,
mamamahayag, at nagtataguyod ng mga kilusang–bayan noon; ang
pagtutunggali ng Puhunan at ng Paggawa dahil sa labis na pagkamakaako

222 Mga Lektura sa Panitikang Popular


o makasarili ng una at totoong kasahulan nitóng huli, at maglalahad din
ng mga isipan at damdaming makatao. Sa kasamaang-palad ay bihira na
ngayon ang mga Delfin at Felipe at may-karamihan pa rin ang mga Don
Ramon at Don Felimon.

At ngayo’y magtatapos táyo. Tutukuyin ko na ang hinggil sa


kasalukuyang panahon. Hindi maitatangging utang sa kalaganapan ng
panitikan ngayon ang malaking pagkaunlad ng salitang Tagalog, hanggang
sa ito’y kinilala’t ginawa nang wikang pambansa. Sasadyain kong huwag
nang dumaliri ng mga akda at mga may-akda upang ipakilála ang mga
landasing tinutunton nila, gaya ng aking ginawa sa una, hindi dahil sa walang
masasambit—ang totoo’y labis-labis—kundi sapagkat ako’y nanghahawak
din doon sa sinabi ng Gurong Lope K. Santos sa panayam na binigkas niya
sa bulwagan ding ito. Aniya: “Nguni, ano kayâ bagá’t ako’y magpapakawili
pang mang-abala sa mga nakikinig sa akin, samantalang ang ninanasà kong
maiulat sa kanila’y mga pangyayaring nakikita’t nadadamá na niláng para-
para nang mahigit pa sa akin? . . . Ang kasalukuyan ng panitikang Tagalog
ay nasasamatá ng lahat. Kapangahasan nang magsabing may nalalaman
akong hindi pa ninyo nalalaman.”

Magpapahayag lamang ako ng ilang pasubali. Sa panitikang


Tagalog ngayon ay totoong namamayani ang mga kathang ang paksa’y
halos taganas na ukol sa pag-ibig at kasayahan, kayâ’t naitatanong tuloy
kung táyong mga Filipino ay talaga ngang walang ginagawa liban sa umibig
at magsayá na lamang. Kailangan nga namang bungkalin din at linanging
maigi ang nahihinggil sa iba’t ibang panig ng búhay, gaya, sa halimbawa, ng
mga akdang kaugnayan sa mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan;
ng mga naglalarawan ng mga karapat-dapat tularang mga ginawa, ginawi, at
inasal ng mga bayani, dakila, at dapat panalaminang mga kababayan natin;
at lalong-lalo na ang mga naglalantad ng ating mga kasiraan at kapintasang
nakapupusyaw at nakasisirang-puri sa lahi at sa bansa, mga kapintasan at
kasiraang hindi na kailangang tukuyin at isa-isahin pa sapagkat nadadamá,
nakikita natin oras-oras, araw-araw.

Dapat ngang samantalahin ng mga manunulat ang malaking


pagkahilig ngayon ng bayan sa pagbabasá. Kailangang ipasok nilá at
palaganapin ang iba’t ibang landasin ng panitikan. Gawing pangunang
layon ng anumang punyagi ang katotohanan. Sikaping ang panitikan ay

Mga Lektura sa Panitikang Popular 223


maging salamin nitó, alalaong bagá’y tunay na larawan ng búhay o mga
pangyayaring iniuulat. Dapat magtaglay ng magandang mithi. Hindi sapat
ang lumabas na marikit lamang; kailangan ding magkaroon ng isang tiyak
na aral na pakikinabangan upang malunasan ang mga sakít ng bayan, at
masabi ng magsisisunod sa atin, na, “Hindi lahat ng mga ninuno namin ay
nagsipagwalang-bahala.”

224 Mga Lektura sa Panitikang Popular


MGA TALA SA PAGLILIMBAG

Manuel, E. Arsenio. "Ang Folklore o Kaalamang-bayan sa Pilipinas."


Publications of the Institute of National Language Blg. 14 (Setyembre
1956).

Dianzon, Leonardo A. "Ang Panunudyo't Pagpapatawa sa Panitikang


Tagalog." Publications of the Institute of National Language Taon
VI, Blg. 1 (Hulyo 1947).

Cruz, Hermenegildo. "Ang Lakan ng mga Makatang Pilipino na si Balagtas


at ang kaniyang Florante." Publications of the Institute of National
Language Taon IV, Blg. 4 (Agosto 1938).

De Buenaventura, Dolores V. "Ang Diwang Maginoo sa mga Awit at Koridong


Tagalog." Publications of the Institute of National Language Taon IV
Blg. 17 (Agosto 1939).

Castrense, Pura S. "Mga Kasaysayan sa Iba't Ibang Lupa na Tulad sa Ibong


Adarna." Publications of the Institute of National Language Taon
IV, Blg. 26 (Oktubre 1940).

Gener, Teodoro. "Duplo't Balagtasan." Publications of the Institute


of National Language Taon VI, Blg. 8 (Hunyo 1948).

Molina, Antonio J. "Ang Kundiman ng Himagsikan." Publications


of the Institute of National Language Taon IV, Blg. 22 (Pebrero
1940).

Sugui, Francisco. "Mga Silanganin ng Panitikan." Publications of the Institute


of National Language Taon IV, Blg. 25 (Setyembre 1940).

Mga Lektura sa Panitikang Popular 225

You might also like