You are on page 1of 1

NAME: LLUPAR, KATHLEEN J.

DATE: AUGUST 19, 2020


COURSE: BSN1 B

MAHALAGA BA ANG WIKA SA BANSANG PILIPINAS?


And wika ay lubos na mahalaga dahil ito ang nagsisilbing salamin na tayo ay isa nang
malayang bansa. Masasabi ko na ito ay kayamanan ng isang bansa sapagkat ito ay nagbibigay
ng daan para sa pagkakaisa ng bawat mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-unlad sa iba't
ibang aspeto sa isang bansa. Mahalaga ito at kinakailangan din ng isang bansa sapagkat ito
ang ginagamit sa pakipagtalastasan at pakikipag-ugnayan ng bawat mamamayan.

Ang wika kasi ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito.
Ito ay nagsisislbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa.
Kaya't sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao. Higit sa
lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang iba't ibang
impluwensya sa bansa na siyang nagpabago at humulma sa pagkatao ng mga mamamayan. Sa
makatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa. Makapangyarihan
ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga
Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Sa paglipas ng panahon, dapat natin isaalang-alang
ang kahalagahan ng wika upang ito ay mas malinang at nararapat lamang na matutunan ito
ng mga mamamayan.

You might also like