You are on page 1of 3

A Semi Detailed Lesson plan in Araling panlipunan 2

I.Layunin
Sa loob ng 60 minuto ng aralin ang mag-aaral ay inaasahan na:
a. Mabibigyang kahulugan ang salitang hanapbuhay
b. Matutukoy ang mga hanapbuhay ng mga tao sa komunidad
c. Mabigyang halaga ang mga hanapbuhay
II. Paksang Aralin
Paksa: Mga hanapbuhay sa aking komunidad
Sanggunian: Araling Panlipunan II Kagamitan ng mag-aaral (P-152-162)
Kagamitan: Laptop,Powerpoint, Mga larawan ng iba’t ibang hanapbuhay
III. Pamamaraan.
-Panimulang Gawain
-Pagdarasal
-Pagbati ng guro
-Pagtatala ng liban

a. Pagganyak

Tatanungin ang klase kung anong gusto nila paglaki at ipaliwanag ito kung bakit iyon
ang kanilang napili
Ano ba ang gusto ninyo paglaki?
Bakit iyon ang inyong napili?
b. Paunlarin
Ang klase ay mahahati sa limang grupo. Mayroon akong mga larawan dito. Tukuyin ninyo
ito kung ano ang ginagawa ng nasa larawan
May tanong pa ba kayo tungkol sa inyong gagawain?

Maari na kayong pumunta sa inyong grupo at pag-usapan ang inyong gagawing


presentasyon

Unang grupo Pangalawang grupo


LARAWAN LARAWAN

Pangatlong grupo Pangapat na grupo

LARAWAN LARAWAN
Panglimang Grupo

LARAWAN
c.Pagtalakay
Ano ang hanap buhay?

Magbigay ng halimbawa ng hanapbuhay ?

Ano ang bumbero?

Ano ba sa tingin niyo ang ginagawa ng bumbero?

Ano pang hanapbuhay ang inyong Nakita kanina sa larawan?

Ano ba ang ginagawa ng Guro?

Ano pang hanapbuhay ang inyong Nakita kanina sa larawan?

Ano ba ang ginagawa ng doctor?

Mayroon pa bang hanapbuhay na Nakita niyo sa larawan? Ano pa iyon?

Ano ba ang ginagawa ng pangingisda?

Mayroon pa bang hanapbuhay na Nakita na niyo sa larawan? Ano pa iyon?

Ano ba ginagawa ng karpintero?

Sa tingin niyo mahalaga ba ang mga hanapbuhay sa atin?

IV.Pagtataya

A. Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy na hanapbuhay sa bawat bilang. Isulat


ang letra ng sagot sa papel.

A. Guro D. Doktor
B. Karpintero E. Bumbero
C. Mangingisda F. Nars

1. Gumagawa ng ating tirahan


2. Gumagamot sa mga may sakit
3. Nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa,sumulat,bumilang at iba pang kasanayan
4. Tungkulin nito patayin ang apoy sa nasusunog na gusali
5. Humuhuli ng mga isda
V. Kasunduan

Kopyahin sa papel ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang mga hanapbuhay sa iyong
kamunidad.

HANAPBUHAY
SA ATING
KOMUNIDAD

You might also like