Professional Documents
Culture Documents
F9 Q1 Module 2
F9 Q1 Module 2
Filipino
Kwarter 1 – Modyul 2:
Paghahatol o Pagmamatuwid
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 2: Paghahatol o Pagmamatuwid
Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa
bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang
modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para
sa kaukulang tunguhin.
Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!
ii
Paghahatol o Pagmamatuwid
Panimula:
Layunin
1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.
Basahin natin.
Panimulang Pagsubok
Basahin natin.
Ang Ama
Salin ni Mauro R. Avena
3
Panuto: Batay sa kuwentong binasa. Bumuo ng sariling
paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob dito.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang Ama
Salin ni Mauro R. Avena
5
Kung isa ako sa mga anak, sasawayin ko ang tatay sa
panununtok niya sa nanay kahit ako ang mapagbalingan niya.
Dahil hindi dapat sinisuntok ang asawa. Isusumbong ko siya
sa DSWD. Sapagkat pang-aabuso sa kababaihan ang
kaniyang ginagawa.
Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing
kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang
dahila’y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay
mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti,
na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong paulit-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng
paghiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas
siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;
pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si
Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito’y nakakabulahaw na sisigaw, at
kung hindi pa iyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din
ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang
kabuwisitan.
Sapat bang dahilan na pagbuntunan ng galit ang
mga anak? Bakit?
Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang
lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin. Ngayo’y naging
napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang
ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang
dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas
na pagmamahal sa patay na bata, kaya’t madalamhati siyang
nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!” Nakita
7
niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat, maputla, at
napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba’y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, “Maaaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata.”
Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka
tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo
sa asawa (na kiming iniabot naman nito agad sa kanya, tulad ng
nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi
niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kaya ito
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote
ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong
malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang
dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon ba’y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti.
Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang
mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang
lalaki’y biskwit; nakakita na siyang maraming kahong tulad niyon sa
tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang
babae ay kendi, y’ong katulad ng minsa’y ibinigay sa kanila ni Lau Soh,
na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng Nanay. Ang
kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na
sila ano man ang laman niyon. Kaya’t nagtalo at nanghula ang mga bata,
takot na hipuin ang yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang
lumabas ito ng kanyang kuwarto.
8
Ipagpatuloy mo ang pagbasa at
sagutin ang mga tanong
9
Ipagpatuloy mo.
Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan
10
Simulan mo na ang iba’t
ibang gawain.
Basahin at unawain.
Pagsasanay 1
1. “Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay
dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon,
pero sa natira sa kanilang nailigtas ay nagsalo-salo sila tulad sa
isang piging na alam nilang ‘di nila mararanasang muli.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
2. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka
tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang inilagay ng
kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa
kanya, tulad ng nararapat).
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod – payat,
maputla, at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa na
nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong
kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga
kapitbahay, na ang iba’y lumayo na may luha sa mga mata at
bubulong-bulong, “Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable,
pero tunay na mahal niya ang bata.”
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
11
4. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman.
Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya
ng mga bata. Saan kaya ito pupunta, tanong nila. Sinundan nila
ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila
na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
12
inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang
kilometro ang layo, doon sa tabi ng
gulod.
2.Ilan sa taga-nayon na
nakakatanda sa sakiting bata ay
dumating upang makiramay. Sa
ama na buong araw na nakaupong
nagmumukmok ay doble ang
kanilang pakikiramay, dahil alam
nilang nawalan ito ng trabaho.
3.Nangolekta ng abuloy ang isang
babae at pilit niya itong inilagay sa
mga palad ng ama na dikawasa,
puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulang humagulgol.
4.Nang makita niya ang dati niyang
amo at marinig ang magaganda
nitong sinabi bilang
pakikiramay sa pagkamatay ng
kanyang anak, ang
lalaki ay napaiyak at kinailangang
muling libangin
5.Ngayo’y naging napakalawak ang
kanyang awa
sa sarili bilang isang malupit na
inulilang ama na ipinaglalamay
ang wala-sapanahong pagkamatay
ng kanyang dugo at laman. Mula
sa kanyang awa sa sarili ay
bumulwak ang wagas na
pagmamahal sa patay na bata,
kaya’t madalamhati siyang
nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui
Mui! Kaawa-awa kong anak!”
13
Balikan ang mga natutuhan sa
naunang mga gawain upang
masagutan ang sumusunod na
pagsasanay.
Pagsasanay
1. Nagtalo ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng
pinakamatandang lalaki’y biskwit; nakakita na siyang maraming
kahong tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit
naman ng pinakamatandang babae ay kendi, y’ong katulad ng
minsa’y ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng Nanay.
14
Panuto: Ibigay ang iyong nabuong paghahatol o pagmamatuwid sa mga
ideyang nakapaloob ayon sa naunawaan mo sa akdang binasa. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.
☺
Panapos na Pagsubok
15
iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga
pinag-aagawan”.
☺
16
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain
at pagsasanay.
Karagdagang Gawain
Panuto: Mula sa mga nabasa, napakinggan o napanood
mong akda, o maikling kuwento, isulat mo ang nabuo mong
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
17
18
Panimulang Pagsubok
1. Ang ama sa kuwento ay hidi ulirang ama.
2. Sarili po niya ang inuuna at t malupit siya sa kanyang asawa at mga
anak.
3. Hindi makatuwiran sapagkat dapat po minamahal ang kanyang
asawa at mga anak at dapat po siya ang nagsisilbing haligi ng tahanan.
4.Nasabi ko po ito, dahil mas inuuna niya ang kanyang sarili. Hindi
niya iniisip kung kumain na ang kanyang mga anak at asawa.
Pagsasanay 1
1. Nais niyong ipahiwatig na sabik sa pagkain ang mga anak. Ito
ang naging saloobin ng mga bata sapagkat bihira nila itong
maranasan at ang pagkakataong iyon ay maaaring hindi na
muling maulit pa.
2. Mahihinuhang ang magiging isang mabuting ama na ito sapagkat
nagsisi na siya sa kanyang mga ginawa.
3. Ipinahiwatig nang Nakita ng ama na larawan o itsura ng anak ay
palatandaan na nagparamdam ang kaniyang anak upang
patawarin na ang kanyang ama sa mga nagawa nitong mga
pagkukulang sa kanya.
4. Patunay na ang ama ay tuluyan nang kakikitaan ng pagbabago
sa pamamagitan ng hindi niya gagastahin sa alak.
5. Ipinakita ng ama ang pagbabago sa pamamagitan ng pag-uwi
niya ng mga pagkain para sa mga anak.
Susi sa Pagwawasto
19
Pagsasanay 2
1. Hindi dapat sinapit ni Mui mui ang maagang pagkamatay kung
naging responsable lamang ang kanyang ama.
2. Ipinadama ng mga ka-nayon na kahit masama ang ugali ng ama
ay nakiramay pa rin sila at ipinakita rin nila ang pagpapahalaga
sa tradisyong nating mga Pilipino na handang tumulong sa mga
nangangailangan.
3. Sa kabila ng kahirapan, ipinakita pa rin ang malasakit sa kapwa.
4. Nakadama ang ama ng labis na kasiyahan dahil sa narinig sa
amo kahit na siya ay hindi naging mabuting manggagawa
ipinakita pa rin sa kanya ang kabutihan at pagtulong sa kanyang
sitwasyon.
5. Nagkaroon ng realisasyon ang ama sa mga nangyari lalo na ang
pagkawala ng kanyang anak na siya rin ang naging dahilan.
Kaya siya ay nakapag-isip na magbago na at humihingi ng tawad
sa anak kahit patay na. Ipinakita niya ang pagtanggap sa
kanyang mga kamaliang
nagawa
MARKA PAMANTAYAN
10 Malinaw na malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda
7 Malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling paghahatol
o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
5 Bahagyang naipahayag/naisulat ang sariling paghahatol
o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
3 Hindi malinaw na naipahayag/naisulat ang sariling
paghahatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob
sa akda
Pagsasanay 3
1. Pagtatalo ng magkakapatid kung ano ang laman ng kahon sapagkat
hindi sila sanay na nagdadala ng ganito ang kanilang ama.
2. Nagpapakita na takot pa rin sila sa ama maaring dahilan ay ayaw
nilang matulad sa kapatid na si Mui mui.
3. Pananabik ng mga anak sa senyas ng ama upang matikman nila ang
dala nitong nasa supot. At pagnanasa ng mga anak sa pagkain.
4. Pag-aabang ng mga anak sa mga gagawin ng ama at pagnanasa sa
dalang pagkain ng ama.
5. Nanatili ang nararamdaman ng mga anak ang takot na masigawan
sila kapag Nakita na sila ay sumusunod sa ama.
20
Panapos na Pagsubok
1. Hindi po, dapat po ay paghati-hatian ng buong pamilya upang walang
magutom.
2. Hindi po ako sang-ayon sa mga ginawa ng kaptid na panganay
sapagkat bilang nakatatanda sila dapat ang nagpapakita ng mabuting
halimbawa sa kanyang mga kapatid.
3. Para po sa akin, hindi po tama na hinahayaan na lamang na siya ay
saktan ng kanyang asawa. Dapat siya ang maging ilaw ng tahanan
upang magabayan niya ang kanyang mga anak at sana ipaglaban niya
ang kanyang karapatan bilang babae na ayon sa batas ay hindi dapat
minamaltrato ang mga kababaihan.
4. Sana po nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mui mui at sana
po hindi niya naranasan ito sa kanyang sariling pamilya.
5. Sang-ayon po ako sa ginawa ng kanyang amo. Ipinakita po ng amo
ang pagmamalasakit sa kanyang mga tauhan kahit pa hindi naging
mabuting manggagawa. Dapat pong tularan angginawa ng amo.
PAMANTAYAN Puntos Marka sa Marka
Sarili ng
Guro
1.Makikita ang malinaw na
kahalagahan ng pagbibigay ng
sariling paghahatol o pagmamatuwid
sa mga ideyang nakapaloob sa akda
2. Taglay ng talata ang mensaheng
nakakaakit sa iba lalo na sa
kabataan upang magbigay ng
sariling paghahatol o pagmamatuwid
sa mga ideyang nakapaloob sa akda
KABUOANG MARKA
5-Napakahusay 2- Di-gaanong
Mahusay
4-Mahusay 1 – Sadyang Di- Mahusay
3- Katamtaman
21
Karagdagang Gawain
Guro ang Magwawasto
Pamantayan Puntos
Nakapagbigay ng maayos na 5
paghahatol at pagmamatuwid.
May kaisahan ang kaisipan. 5
KABUUAN 10PUNTOS
Sanggunian:
22
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:
23