You are on page 1of 18

MGA HULWARANG ORGANISASYON NG TEKSTO

Alin mang tekstong binabasa o isinulat ay lalong nagkakaroon ng kahulugan sa paggamit ng iba’t ibang
hulwarang organisasyon ng teksto ang mga hulwarang ito ay:

Pagbibigay ng Depenisyon

Isang uri ng diskursong espostori na napakadalas gamitin sa pagpapahayag. Kalimitan, ang paghahanap
ng depinisyon ay naibibigay ng mga diksyonaryo at thesaurus, naibibigay ang depenisyon sa pammagitan
gn pormal at di-pormal na pahayag.

Sa pormal na pahayag, nailalahad sa tulong ng tatlong bahagi: ang salita, ang pangkat na kinabibilangan
at ang kaibahan nito.

Hal.:

Ang PAMAHALAAN ( salita) ay pamunuan ng mga taong inihalal ng mga MAMAMAYAN( pangkat na
kinabibilangan) na namamahala sa kapakanan ng BAYAN ( kaibahan).

Sa Di-pormal na pahayag. Naibibigay ang depinisyon sa paggamit ng mga salitang nakapupukaw ng

damdamin at hindi tuwirang sumusunod sa kaayusan ng pangungusap sa pormal na paraan.

Hal.: Ang pamahalaan ay mahalagang sector sa lipunan na siyang nangangalaga sa kapakanan ng mga
mamamayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga batas na magbibigay ng proteksyon at benepisyo
sa mga nasasakupan nito.

DALAWANG DIMENSYON NG PAGBIBIGAY NG DEPINISYON:

Denotasyon ay kahulugang mula sa diksyonaryo o dili naman kaya ay salitang ginagamit sa

pinakasimpleng paraan.

Konotasyon naman ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan sa isang salita.

Pag-iisa-isa o enumerasyon

Ang hulwarang pag-iisa-isa o enumerasyon ay isang mabisang paraan upang matandaan ang mga paraan
o hakbang sa pagsasagawa ng mga bagay na hinihingi ng pagkakataon.

Hal. Pag-iisa-isa sa mga gabay o tuntunin sa masining na pagbasa:

Unang gabay o dimension: pagbibigay ng mga pag-unawang literal sa mga tekstong binasa

Ikalawang gabay o dimension: ganap na pag-unawa sa kaisipang nais ipadama ng may akda

Ikatlong gabay o dimension: pagkilatis sa kaalagahan ng kaisipan

……

Pagsusunod-sunod

Napakahalaga ng pagkakaroon ng maayos pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa ating

pagsasalaysay upang hindi mailto ang mga nakikinig sa atin.

Mayroo nitong tatlong uri.

Sekwensyal – pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan ng mga salitang

una, pangalawa, pangatlom susunod at iba pa.

Kronolohikal – pagsunod-sunod ng mga impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa pagkakaganap

nito. Karaniwang gumagamit ng tiyak na araw o petsa upang ipabatid kung kalian naganap ang mga
naturang pangyayari.

Prosidyural pagsunod-sunod ng mga hakbang o prosesong isasagawa. Ang mga halimbawa nito ay resipi
sa pagluluto, proseso at iba pa.

Paghahambing at Pagkokontrast

Sa pakikisalamuha natin sa ating kapwa sa araw araw, hindi maipagkakaila na tayo ay nagsusuri,
namumuna at nagmumungkahi ng mga bagay upang higit na maging maayos an gating pakikipag-
ugnayan. Sa ganitong paraan, hindi natin maiiwasan ang maglahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng
mga katangian ng mga tao, bagay o mga pangyayari.

Problema at Solusyon

Likas sa buhay ang pagkakaroon ng problema na lagi nating hinahanapan ng solusyon. Walang taong
walang problema at gayundin walang bansang wala nito. Sa pag basa ng mga akdang pampanitikan
kapansin-pansin na ang kwento ay umiinok sa nakatalgang problema na bibigyan ng kalutasan ng mga
tauhang gumaganap.
Sanhi at Bunga

Ang sanhi ay isang ideya o pangyayaring humahantong sa isang bunga, kadalasan ang sanhi o dahilan ay
nagdudulot ng higit sa isang bunga. Sa pagbibigay ng sanhi atbunga ng mga pangyayari kalimitang
ginagamit ang mga katagang: kaya, dahilsa, nang, buhat, magkagayon at iba pa.

MGA KASANAYAN SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG MGA TEKSTONG AKADEMIKO

Ang proseso sa pagkatuto ng pagbasa ng tao ay nagsisimula sa pigura o anyo ng mga bagay na nakikilala
niya. Habang unti-unting natututuhan ang pagbabasa mula sa simpleng pamamaraan hanggan sa mas
komplikadong pamamaraan lalong lumalawig ang isip niya na higit pang matuto sa pagbabasa. Patuloy
na sumisidhi ang kanyang damdamin na matuklasan ang mas malalim pang hiwaga ng mundo sa
pagbasa. Kung kaya’t sa ganitong kalagayan, dapat mabatid at matutuhan ng mambabasa ang iba’t ibang
estratehiya sa mga Gawain at kasanayan sa akademikong pagbasa.

Ang mga sumusunod ay mga kasanayan sa pagbasa at pagsusuri:

Pag-uuri ng mga ideya/detalye

Upang Makita ang tiyak na ideya o detalye ng teksto, kailangan muna nating tukuyin ang mga
sumusunod: paksang pangungusap

Suportang ideya

Pagtukoy sa layunin ng teksto

Mahalaagang malaman ang layunin ng teksto sapagkat tumutukoy ito sa kung ano ang nais
mangyari ng isang awtor

Halimbawa:

manlibang

Manghikayat

Mang –aliw magbigay ng opinion

Magpaliwanag o magbigay ng impormasyon

Magtanggol

Mangaral

Pagtiyak sa damdamin, tono, pananaw ng teksto

Sa pamamagitan ng mga salitang gnamit ng awtor sa isang teksto, maaring matiyak kung ano
ang damdamin,tono at pananaw ng isang teksto.

Damdamin ng teksto – tumutukoy sa kung anong nagging saloobin ng mambabasa sa binasang teksto,
maaring saya, tuwa, lungkot, takot, galit, pagkabahala at iba pa.

Tono ng teksto– tumutukoy sa saloobin ng awtr sa paksang kanyang tinatalakay, maaring masaya,
seryoso, malungkot, mapagbiro, mapanuya at ibapa

Pananaw ng teksto – tumutukoy sa punto de bistang ginamit ng awtor sa teksto

Mga pananaw ng teksto

Unang panauhan - gumagamit ng mga salitang ako, ka, akin, kita, tayp, natin, atin, kami, naming at amin.

Ikalawang panauhan – gumagamit ng mga salitang ikaw, ka, mo, iyo, kaya, ninyo at inyo

Ikatlong panauhan – siya, niya, kanya, sila, nila at kanila

Pagkilala sa opinion/katotohanan

Ang katotoanan o fact ay isang klase ng impormasyong walang kaduda-duda at maaring

mapatunayan an totoo. Ang mga ito ay bihirang nag-iiba sa magkaibang pinanggalingang impormasyon.

Opinion ay pahayag base sa mga saloobin at pagpapalagay. Maaring mag-iba ang mga ito sa pinagmulan
ng impormasyon at hindi ito maaring mapatunayan.

Pagtukoy sa huwaran ng organisasyon

Pagsusuri kung valid o hindi ang ideya o pananaw

Kailangang lagging kilatisin ang mga ideo o pananaw kung iyon ay valid o hindi. Samakatwid,
hindi lahat ng ideya o pananaw n gating mambabasa ay ating tatanggapin agad. May ilang mga batayan
upang masuri ang validity ng isang ideya o pananaw:
Sino ang nagsabi ng ideya o pananaw?

Masasabi bang siya ay may auridad sa kanyang paksang tinalakay?

Ano ang kanyang naging batayan sa pagsasabi ng ideya o pananaw?

Kaano katotoo ang ginamit nyang batayan?

Mapapanaligan ba iyon?

Paghihinuha sa kalalabasan ng pangyayari

Ang kasanayan sa pag-unawa upang makapagbigay hinuha at hula ay mahalaga sa pagbasa ng

isang teksto. Dapat nauunawan ang nilalaman ng teksto, lubos na nauunawan ang mga detalye at
madaling makapagbibigay ng sariling hinuha at hula ng mambabasa tungkol sa tekstong binasa batay sa
kung paano ito nauunawaan.

Halimbawa: sa isang maikling kuwento o nobela, maaring makapagbigay ng kalalabasan ng pangyayari

kahit hindi pa ito natatapos basahin.

Hinuha Vs Hula

Hula ay ang hula na maaring kalalabasan ng pangyayari. Madalas itong gamitin sa pagbabasa ng mga
kuwento o nobela. Ang may akda ang nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig sa akda na bumuo ng
paghuhula o prediksyon.

Paghihinuha o inferencing ay magagawa lamang ng mambabasa kung tunay na nauunawan niya ang
kanyang binasang artikulo o seleksyon. Bawat seleksyon, nagbibigay ng mga pahiwatig ang manunulat
na hindi tuwirang sinasabi o ipinahahayag sa halip ay ibinibigay na implikasyon.

Pagbuo ng lagom at kongklusyon

Ang konklusyon naman ay tumutukoy sa implikasyon mahahango sa isang binasang teksto.

Ang lagom ay buod na tumutukoy sa pinakapayak at pinakamikling anyo ng diskurso na batay sa

binasang teksto. Taglay nito ang pinakadiwa at mahahalagang kaisipan ng teksto.
Mga Gawain

Pag-uuri ng mga ideya/detalye

Paano ba matutukoy ang pangunahing kaisipan at mga kaugnay na kaisipan sa kathang binasa? Ang
sumusunod ay mga mungkahi na dapat isaalang-alang sa pagtukoy nito:

1. Basahin nang may pag-unawa ang buong seleksiyon/akda/artikulo.

2. Pansinin ang pamagat ng katha sapagkat ang paksa ng katha ay karaniwan nang nahihiwatigan
sa pamagat.
3. Itala ang mahahalagang kaisipan sa isang pangungusap habang nagbabasa.
4. Suriin ang mga itinalang kaisipan. Tingnan kung alin sa mga inihanay na kaisipan ang may lalong
malawak na saklaw – ito ang pangunahing kaisipan.
5. Piliin ang pangunahing detalyena sumusuporta sa pangunahing kaisipan, atang mga
pangungusap na nagpapaliwanag nsanmga pangunahing detalye.
6. Upang higit na maging malinaw at maayos ang pagkakakuha ng pangunahing kaisipan at mga
detalye, isulat ito nang pabalangkas.

BASAHIN ANG “ IBA’T IBANG MUKHA SA HALALAN” AT IBIGAY ANG HINIHINGI.

Tekstong Pampolitika
PANGUNAHING
DETALYE/KAISIPAN

PANTULONG NA DETALYE O PANTULONG NA DETALYE O

KAISIPAN KAISIPAN
PANTULONG NA DETALYE O
KAISIPAN
Pagtukoy sa layunin ng teksto

BASAHIN ANG “ SAAN MAKIKITA ANG PANGINOON?”

Tekstong pang-espiritwal

I - SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD:

1. Bakit gustong-gusto ng batang makilala ang panginoon?

______________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

2. Pagkabasa mo ng tekstong ito, ano sa palagay mo ang layunin ng awtor sa pagbabahagi niya sa
inilahad na sitwasyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Paano nagkakatulad ang hinahanap ng bata at ng matandang nakadaupang-palad niya?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Ano angimplikasyon at aral na makukuha sa binasang teksto? Ilahadang mga ito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

II - Humanap ng sipi ng isang awiting tungkol sa buhay ng tao. Isulat iro. Pagkatapos, gumawa ng
replesiyon nito. Tukuin din kung ano sa palagay ninyo ang layunin ng kumatha ng awiting napili mo.
Pagtiyak sa damdamin, tono at pananaw ng teksto.

Tekstong panrehiliyon

Basahin ang “ Islam at ang Mosque sa Quiapo”

Suriin mo

1. Patunayan na totoong nauna ang pananampalatayang Islamiko kaysa sa katolisismong hatid ng

mga Espanyol
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Habang binabasa ang teksto, ano sa palagay mo ang saloobin ng manunulat? May mga
karanasan kaya siya na naging dahilan upang maisulat nya nang maayos ang teksto?

Isabuhay mo

Ibigay ang damdamin I tonong nangingibabaw sa mga teksto sa ibaba.

1. “sa palagay ko, tayong mga Pilipino ay musikang binigyan-buhay kung kaya’t hindi hadlang ang
pagkakaroon ng kapansanan upang mailabas natin ang musika sa ating mga puso.”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. “ Mabuti na lamang at ikaw ang ipinagkaloob na maging kasama ko sa habambuhay. Hindi
nagkamali si inang nang saibhin niya sa akin sa araw n gating kasal na magiging mabuti kang
asawa.”
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. “ Pagnilay-nilayan mo ang iyong nakraan- bigyan-pansin ang mga akusasyon ng iyong dating
kasintahan at kung sa palagay mo ay may pagkukulang ka rin naman sa kanya, huwag kang
mangiming humingi ng tawad.”
Pagkilala sa pahayag kung opinion o katotohanan

Basahin ang “ Ang balikbayan box”

1. Isalaysay ang pinagsimulan ng balikbayan box.

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano ang sinasagisag ng balikbayan box sa buhay at tradisyon ng mga Pilipino? Pangatwiranan
ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Isa-isahin ang mga kattohanang ipinahihiwatig ng balikbayan box hinggil sa katangian ng mga
Pilipino. Magbigay ng tiyak na halimbawa.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isabuhay mo

Balikan ang binasang teksto. Itala sa talahanayan ang mga pahayag na sa palagay mo ay nagsasaad ng
katotohanan at iyong nagsasaad lamang ng opinyon.
Katotohanan Opinyon

Pagtukot sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tekstong binasa

Basahin at unawainng mabuti ang akdang “ Ang Kalupi”.

Tesktong pampanitikan

Suriin mo

1. Paano nagsimula ang kwento?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan ang katauhan nila.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Ano-anong pangyayari ang maituturing na pinagtiyap ng pagkakataon?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Ilahad ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng mga pangunahing tauhan. Paano nila hinarap
ang mga ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Kung walang pananagutan sa batas si Aling Marta, kanino sa palagay mo siya may pananagutan?
Pangatwiranan
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Isabuhay mo
1. Kung ikaw ang nasakalagayan ng bata,paano mo haharapin ang paratang ni Aling Marta?
Ilahad ito sa pamamagitan ng Diyalogo. Sundin ang pormat sa ibaba
Ikaw: _____________________________________________________
Marta: _____________________________________________________

2. Kung ikaw si Aling Marta, magbigay ka ng limang hakbang na gagawin mo upang maibsan
ang nararamdaman mo sa iyong konsensiya?
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________

Pagkilala kung vaild o hindi ang ideya o pananaw

Basahin ang “ Para, Mama, sa tabi lang”

Tekstong pansining

Suriin mo

1. Ilahad ang naging kasaysayan ng pagsilang ng jeepney sa Pilipinas

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ano ang naidulot nito para kabuhayan ng higit na nakararaming Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na mga katawagan:
a. Filipino Ingenuity
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. Borloloy

c. Folk baroque aesthetis

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
d. Filipino Fiesta spirit
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Magtala ng talahanyan sa ibaba ng mga ideya sa binasang teksto na maihahanay bilang mga
ideyang valid ( katanggap-tanggap) at invalid (di-katanggap-tanggap).

Mga ideyang Valid Mga idteng di-valid

Isabuhay mo

Magsalaysay n g isang hindi malilimutang karanasan na may kaugnayan sa iyong pagsakay sa dyip.
Gawing kahika-hikayat ang iyong pagsasalaysay. Ilahad kung paano ito nakaapekto sa iyong sarili at sa
iyong pamilya.

Paghihinuha at paghula sa kalalabasan ng pangyayari.

Basahin ang “ Kamatayan ng mga sanggol sa Megacities”.

Tekstong pang-agham

Suriin mo

1. Bakit maraming sanggol ang namatay sa mga tinatawag na megacities?

______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano sa palagay mo ang maaring mangyari kung sakaling magpatuloy ang ganitong sitwasyon?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang magiging implikasyon ng pangyayaring ito sa ating bansa?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bumo ng iyong pangkalahatang hinuha o pagpapalagay sa maaring maging epekto ng artikulong
ito sa populasyon ng mundo at larangan pangkabuhayan.
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Isabuhay mo
Suriing mabuti ang ilustrasyon. Ibigay pagkatapos ang iyong hinuha o palagay tungkol sa pinag-
uusapan ng dalawa at ano marahil ang kahihinatnan nito.

______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pagbuo ng lagom at kongklusyon

Basahin ang “Red wine, ‘Pampabata ng Puso’.”
Tekstong pangkalusugan
Suriin mo
1. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga terminolohiya:
a. Resveratrol
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. Estrogen

c. Antioxidant

d. Anticoagulant
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
e. Diethylstilbestrol
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
f. Aphrodisiac

2. Ano ang nais ipaunawa ng teksto sa mambabasa?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Tukuyin ang suliranin maaring kaharapin sa larangan ng medisina kung mapatutunayang mabisa
nga ang red wine laban sa sakit sa puso?
______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

4. Paano malulutas ang binanggit na suliranin? Magbigay ng mga mungkahing solusyon.

______________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Likhain
a. Unawaing mabuti ang binasang teksto, pagkatapos, sumulat ng lagom nito na bubuoin
lamang ng dalawampung pangungusap. Angkupan din ito ng isang matibay na kongklusyon.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

You might also like