You are on page 1of 13

RITU NG PAGBABASBAS

NG PUNTOD NG
YUMAONG KRISTIYANO
Ang pagbisita sa puntod ay hindi dapat magtapos sa pag-aalay ng
bulaklak. Higit na mahalaga ang pag-alay ng panalangin sapagka’t
iyon ang tunay na kailangan ng namayapa. Maganda rin itong samahan
ng pagbabasbas.
PASIMULA
Namumuno:

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, + at ng Espiritu Santo.


Bayan:

Amen.
Namumuno:

Purihin ang Diyos na bumuhay na muli kay Hesukristo.


Bayan:

Purihin at ipagdangal ang Diyos magpakailanman.


Namumuno:
Manalangin Tayo.

Panginoong Hesukristo, sa tatlong araw na pagkahimlay


Mo sa libingan, pinabanal Mo ang pinaglalagakan ng lahat
ng sumasampalataya sa Iyo. Pagkalooban Mo ng
pamamahinga sa kapayapaan ang aming (mga) kapatid na
si/sina ____________. Ikaw ang buhay at muling
pagkabuhay kaya’t umaasa kaming bubuhayin Mo siya/sila
sa Iyong kaluwalhatian magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.
PAGBASA NG SALITA NG DIYOS (2 Corinto 5:1-5)

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa


mga taga-Corinto.

Talos natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan natin


ngayon, ang ating katawang-lupa, tayo'y may tahanan sa
Iangit, hindi nasisira, isang tahanang ginawa ng Diyos,
hindi ng tao. Dumaraing nga tayo sa tirahan nating ito at
Iabis nating pinanabikan ang tahanang panlangit upang
kung maibsan na tayo nito, hindi tayo matatagpuang hubad.
Habang tayo'y nakatira pa sa toldang ito - sa katawang-lupa
- tayo’y namimighati’t dumaraing, hindi upang mawala ang
katawang panlupa kundi upang mapalitan ng katawang
panlangit. At sa gayon, ang buhay nating may katapusan ay
mapapalitan ng buhay na walang hanggan. Ang Diyos na
rin ang nagtalaga sa atin para sa pagbabagong ito at
ipinagkaloob niya sa atin ang Espiritu bilang katunayan na
babaguhin niya tayo.

Ang Salita ng Diyos.

Bayan:

Salamat sa Diyos
SALMONG TUGUNAN
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.

Buhay ko’y di magdarahop, ako’y di maghihikahos. Sa


mainam na pastulan ako ay pinahihimlay. Ako ay inaakay
sa tahimik na batisan upang lakas ay makamtan. (Tugon)
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.

Ang Pangako Niya sa aki’y tapat at di babawiin; Ako’y


Kanyang aakayin sa matuwid na landasing hahawiin niya
sa dilim. Hindi ako nangangamba kapag ikaw ay kasama;
Ang tungkod Mo ang panangga, Panginoon ko, sa tuwina
walang ikababalisa. (Tugon)
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.

Inihanda Mo ang dulang upang mapakinabangan; Pagkain


pagsaluhan nang Makita ng kalaban na ako ay Iyong mahal.
Sa ulo ko’y ibuhos ang langis ng Iyong lugod; Pati kopa
ko’y pinupuspos sa Iyong pag-ibig na lubos na sa aki’y
Iyong kaloob. (Tugon)
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.

Pag-ibig Mo’t kabutiha’y tataglayin ko kailanman, at ako


ay mananahan sa buhay Mong dalanginan magpasawalang
hanggan. (Tugon)
Pastol na nagtataguyod, sa akin ay kumukupkop.
PANALANGIN SA PAGBABASBAS
Namumuno:

Panginoong naming Diyos na walang katapusan, ang


habag mo ay walang hanggan. Lagi mong ipaalaala sa amin
na maikli ang buhay at ang oras ng kamatayan ay Iingid sa
aming kabatiran. Gabayan sana ng iyong Banal na Espiritu
ang mga araw namin sa mundong ito upang Iagi naming
tahakin ang daan ng kabanalan at katarungan. Kaisa ng
iyong simbahan, mapaglingkuran ka sana namin sa
matinding pananampalataya, matatag na pag-asa at sa pag-
ibig na ganap. At sa pagwawakas ng aming paglalakbay sa
daigdig na ito,akayin mo kami nang may galak patungo sa
iyong kaharian, kung saan ka nabubuhay magpakailanman.

Bayan:

Amen.
PAGTAWAG SA MGA BANAL
Namumuno:

Kinikilala natin si Kristong Panginoon na siyang ating


inaasahan upang ang ating marupok na katawa’y matulad
sa kanya sa kaluwalhatian. Tayo ngayo’y dumulog sa
maawaing Diyos at hingin ang pakikiisa ng lahat ng mga
banal sa ating pananalangin para sa ating mga kapatid na
yumao.
Panginoon, maawa Ka sa amin;
Panginoon, maawa Ka sa amin.
Kristo pakinggan Mo kami;
Kristo, buong habag, pakinggan mo kami.
Diyos Ama sa langit,
maawa Ka sa amin
Diyos Anak, Manunubos ng buong daigdig,
maawa Ka sa amin.
Diyos Espiritu Santo,
maawa Ka sa amin
Santisima Trinidad, iisang Diyos,
maawa Ka sa amin.

Santa Maria*
*Ipanalangin mo ang mga yumaong mananampalataya
Santa Maria Ina ng Diyos*
San Miguel*
San Gabriel*
San Rafael*
Lahat kayong mga Banal na Anghel*
San Juan Bautista*
San Jose*
San Pedro at San Pablo*
San Andres*
San Juan*
San Lucas*
Lahat kayong mga banal na Apostoles at Ebanghelista*
San Esteban*
San Lorenzo Ruiz*
San Pedro ng Verona*
Santa Catalina ng Siena*
Santa Teresita*
Santa Lucia*
Santa Agnes*
San Vicente Ferrer*
San Antonio ng Padua*
Santo Domingo at San Francisco*
Santa Cecilia at Santa Anastasia*
Santa Perpetua at Felicidad*
Santa Faustina ng Kowalska*
San Jose Cupertino*
Lahat kayong mga Banal sa piling ng Maykapal*

Kristo Pakinggan mo kami


Kristo Pakinggan mo kami
Kristo buong giliw na pakinggan mo kami
Kristo buong giliw na pakinggan mo kami
Panginoon maawa ka sa amin
Panginoon maawa ka sa amin
Ipanalangin ninyo kami, kayong mga banal ng Diyos
Ng maging karapat-dapat nawa kami sa mga pangako
ni Hesukristo na aming Panginoon.

Namumuno:
Manalangin tayo.

O Diyos, dakilang maylikha at manunubos ng lahat ng


mananampalataya, ipagkaloob mo sa mga kaluluwang
iyong lingkod na nahimlay na, ang kapatawaran ng
kanilang mga kasalanan; Sa pamamagitan ng aming taos –
pusong panalangin, makamtan nawa nila ang pinakaaasam
na kaligtasan ng kanilang kaluluwa. Ikaw na nag
papatawad at nagliligtas ng sangkatauhan, nagsusumamo
kami sa iyong habag, na ipagkaloob sa mga yumao ang
grasya na makibahagi sa walang hanggang kaligayahan sa
pamamagitan ng Birheng Maria at ng lahat ng Santo
hinihiling naming ito sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Bayan:

Amen.
Dito maaaring wisikan ng Banal na tubig ang puntod.

PAGLUHOG (Hinango sa "Panlangin ng mga Kristiyano sa


Maghapon")

Namumuno:

Kinikilala natin si Kristong Panginoon na siyang ating


inaasahan upang ang ating marupok na katawa’y matulad
sa kanya sa kaluwalhatian. Manalangin Tayo.
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

O Kristong Anak ng Diyos, na bumuhay kay Lazaro na


iyong kaibigan, mula sa mga patay: buhayin at luwalhatiin
ang mga yumao na iyong tinubos sa pamamagitan ng iyong
dugong banal. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.
O Kristong tagapag-aliw sa mga nagdadalamhati, pinahiran
mo ang mga luha ng angkan ni Lazaro: aliwin ang
nagdadalamhati dahil sa mga yumao. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

O Kristong Tagapagligtas, wasakin ang paghahari ng


kasalanan sa aming katawang makasanlibutan upang
matamo namin sa pamamagitan mo ang walang hanggang
buhay. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

O Kristong Manunubos, tunghayan ang mga walang pag-


asa dahil hindi ka nakikilala. Makatatanggap nawa sila ng
pananampalataya sa muling pagkabuhay at sa buhay na
walang hanggang buhay. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

Ipinahayag mo ang iyong sarili sa isang taong bulag na


humuhingi sa iyo ng Iiwanag para sa kanyang mga mata.
Ipakita ang iyong mukha sa mga namatay na pinagkaitan
ng iyong Iiwanag. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.

Kapag dumaiing na ang panahong maglaho na ang aming


pansamantalang tirahan sa sanlibutan, bigyan kami ng isang
tahanang di tulad ng gawa sa Iupa, kundi tirahang walang
hanggan doon sa kalangitan. (Tugon)
Panginoon, ikaw ang aming buhay at muling
pagkabuhay.
Maaring magdagdag ng iba pang kahilingan.

Namumuno:

Manalangin tayo bilang isang angkan ng Diyos kay


Hesukristo na ating Panginoon sa pamamagitan ng
panalangin na kanyang itinuro.

Bayan:

Ama Namin...
PAGWAWAKAS
Namumuno:

Pagkalooban mo sila ng kapayapaang walang hanggan.


Bayan:

Silayan mo sila ng liwanag na walang katapusan.


Namumuno:

Mapanatag nawa sila sa kapayapaan.


Bayan:

Amen.
Namumuno:

Kahabagan ng Diyos ang kanilang kaluluwa at ng lahat


ng mga mananampalataya, at mapanatag sila sa
kapayapaan.

Bayan:

Amen.
Ang lahat ay mag-aantanda sa pagwawakas ng Namumuno.

Namumuno:

Sa kapayapaaan ng Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo


ay atin sanang matanto ang dakilang pag-ibig at pag asa sa
muling Pagkabuhay.

Bayan:

Amen.
Ika-24 ng Oktubre
FSN

You might also like