You are on page 1of 3

SCRIPT:

NARRATOR: Mga bata nais niyo bang makarinig ng isang kuwento (hintayin na magsabi ng oo) kung ganoon
simulan natin isang kuwento patungkol sa mga diyos ng mitolohiyang norse na nagngangalang ang pagkawala ng
martilyo ni Thor kagaya ng ibang kuwento magsisimula ito sa isang umaga... Masayang gumising si Thor sa kanyang
higaan inaayos niya ang kanyang mahabang buhok at sinuot ang kanyang magarang damit, kukunin na sana niya
ang kanyang martilyo sa lagayan nito ngunit laking gulat niya nung hindi niya ito natagpuan hinanap niya ito kung
saan saan ngunit wala pa rin sinubukan rin niya na itanong sa ibang diyos sa pag asang nakita nila ang martilyo
ngunit nabigo siya

(Entrance ni loki) Thor: Kapatid nakita mo ba ang aking martilyo? Tila nawawala ito sa kanyang lagayan....

Loki: ikinalulungkot ko ngunit hindi ko ito nakita kapatid... hindi kaya't ito ay ninakaw?

Thor:(galit) sino namang "unconscionable" ang maglalakas loob na nakawin iyo?!

Loki:(nagiisip)....... ah!.....isa lamang ang kilala kong magnanakaw na nais nakawin ang iyong martilyo kapatid....
hayaan mong dumako ako kay Freya upamg hiramin ang kanyang balabal...

Narrator: nagtungo si Loki sa malahintong palasyo ni Freya...

Freya: oh! "Bra dag" Loki "hur mår du?" Loki: "bra gjort"

Freya: Ano ang dahilan at napadako ka sa aking palasyo?

Loki: Nais ko sanang humingi ng pabor sa iyo Freya... nais ko sanang hiramin ang mahiwaga mong balabal upang
mapadako sa lupain ng higante...

Freya: ano naman ang layunin mo sa pagpunta roon?

Loki: nais ko sanang tanungin ang pinuno nila na si Thyrm kung nasa kanya ang martilyo ng aking kapatid, sigurado
naman na alam mo ang magiging problema kung mawala ito...

Freya: ( tumango at inalis ang balabal) ang balabal na ito ay galing sa balahibo ng isang makapangyarihang falcon
isa ito sa aking pinakaiingatang yaman alagaan at pahalagahan mo ito ng parang iyong buhay...

Loki: "tack så mycket" Freya hindi ko makakalimutan ang iyong kabutihan..

Narrator: nagdako si loki sa lupain ng mga higante at nadatnaan niya ang mga ito na nagdirirwang

Thyrm: "bra dag!" Mahal na Loki napadako ka ata sa aming lupain, ano ang mapaglilingkod ko po sa inyo?

Loki: (galit pero hindi sumisigaw) napadako ako rito dahil nawawala ang martilyo ng aking kapatid na si thor nais
kong malaman kung konektado ka ba sa katiwalian na ito?

Thyrm: (nakangiti) oo... nasa akin nga ang martilyo ng iyong kapatid at binaon ko ito sa kailaliman ng lupa na ako
lamamg ang maaring makakuha..

Loki:(galit na sumisigaw) "UNCONSCIONABLE!" Ilabas mo na iyon kung ayaw mong maparusahan

Thyrm:( takot ngunit nakangiti) hindi maari kailangan munang magpakasal sa akin ang diyosa na si Freya at kung
ako man ay iyong parusahan o saktan hinding hindi niyo na makukuha ang martilyo na iyo....
Loki:....... marapat lang na tuparin mo ang iyong pangako... ipapaalam ko ito sa ibang diyos...

Thyrm: oo namn mahal na diyos

Narrator: lumisan si Loki at nagdako sa kay thor

Thor: Ano ang iyong balita kapatid?

Loki: Masama ang aking balita ang higante na si thyrm ang nagnakaw ng iyong martilyo At wla siyang balak na ibalik
ito kung hindi magpapakasal sa kanya si Freya

Thor: Hindi ba natin maaring parusan ang "unconscionable" na ito pra ilabas nya ang aking martilyo

Loki: (malungkot) hindi maari kapatid ang higante lamang ang may kakayahan na kunin ang iyong martilyo sa
kailaliman ng lupa kung tatangkain din natin siyang saktan hindi na niya ilalabas ang iyong martilyo

Thor: Pumunta tayo kay Freya at alamin kung papayag ba siya sa alok ng higante

Narrator: Nagpunta ang magkapatid sa palasyo ni Freya at muling isinalaysay ni Loki ang alok ng higante

Freya: "nicht möglich!".... "även om jag dör!" Nawala na ba kayong dalwa sa sariling niyong isip na sa tingin niyo ay
papayag ako sa alok na ito!

Loki: ngunit Freya ito na lamang ang paraan upang muling makuha ang martilyo ng aking kapatid

Thor: Alam mo naman na mawawala ang balanse ng ating mundo kung mawawala iyon ang aking martilyo ay isa sa
pinakamakapangyarihang bagay sa buong mundo kung wala magkakagulo ang lahat

Freya:(naiiyak) ngunit thor... paano naman ako meroon na akong kabiyak at siya ay si Odr... gusto kong maging tapat
sa pag iibigan namin ayaw ko na magmukhang hindi tapat dahil sa pagkasal sa higante na ito

(Silence for 5 sec.)

Thor: tama ka Freya... patawarin mo kami sa aming kabastusan sa pagpilit sa iyo na pakasalan ang
"unconscionable" na iyon....... Loki...

Loki: Ano iyon kapatid?

Thor: Ipatawag mo ang lahat ng diyos upang pagpulungan ang problema na ito sabihin mo sa kanila na nanganganib
ang ating mundo kya dapat dalian nila upang masulusyonan ito

Narrator: Tinawag ni Loki lahat ng diyos at nagsimula ang kanilang pagpupulong

Thor: Sigurado ako na alam niyo ang dahilan ng pagparito niyo dito sa dako na ito.... ang "unconscionable" na
higante na si Thyrm ang nagnakaw ng aking martilyo ngayon nais niya na pakasalan si Freya ngunit hindi ito maari
dahil kasal na si Freya kay Odr ngayon hinihingi ko ang opinyon niyo upang masulusyonan ang problema na ito...

Narrator: wala ang umimik sa kapulungan hanggang sumagot ang pinakamatalinong diyos na si Heimdall

Heimdall: Mayroon akong naiisip na kasagutan sa problema niyong labis ang kaguluhan.

Thor: Ano iyon Heimdall?


Heimdall: ang solusyon ay paglinlang sa isip niyang walang galang atin ngang ipakasal ang ninanais niyang si Freya
na yaon ang akala pero ito lamang ay isang gaya-gaya ang matipunong si thor ang magiging niyang kabiyak siya ay
bihisan para magmukahang tiyak siguraduhin lamang natin na ang katauhan niya'y nakalilim para hindi malaman ang
nakatago nating lihim

Thor: Maganda ang ideya mo Heimdall! Dalian niyo ako ay bihisan ang bawat oras ay di dapat masayang

Narrator: Hindi nga nagsayang ng oras ang laht ng diyos hanggang naayusan ng maigi si Thor... nagpunta sila ni
Loki sa lupain ng higante labis ang kagalakan ni Thyrm nung nakita niya sila.

Thyrm: Nagagalak ako at pumayag kayo sa aking alok mahal na Loki ang nasa iyong likod ba ay ang aking magiging
asawa?

Loki: Oo si Freya ang akin nasa likod nagaga.... (tinulak siya ni thyrm at hinawakan ang kamay ni Freya

Thyrm: nagagalak ako sa iyong pagdating nakahanda na ang lahat para sa ating kasal...

Thor:(pangbabae na boses) nagagalak rin ako Thyrm sa wakas mapapakasalan din kita matagal ko ng inaasam ang
araw na ito.... (Ngumiti si Thyrm at tinaas ang belo tapos nagulat)

Thyrm: Bakit tila lumaki ang katawan mo aking sinta

Thor:(babae na boses at nauutal) ah kasi iyon sa a.. a no....s..aa..

Loki:(mabilis) dahil iyon sa pagdami ng kinain niya kagabi dahil labis ang kagalakan niya sa inyong kasal...

Thyrm: ganoon ba ngunit bakit parang iba ang mata niya kaysa sa dati?

Loki: um...ahh....d..da..dahil yun sa...ano...sa.....hi...hindi niya pagtulog kagabi kaya lumaki ang mata niya

You might also like