You are on page 1of 23

Paggawain/Task

Panuto:  Basahin ang mga impormasyong nakapaloob sa Modyul 2.  Pag-aralan ang
mga ito bilang paghahanda sa Midterm na Pagsusulit sa Agosto 6, 2020 sa loob ng
isang oras lamang

MODYUL 2: Mga Gabay sa Pagsusuri ng Pelikula Batay sa Sumusunod na mga


Elemento

                                                 Tema

                                                Tauhan/Karakterisasyon

                                                Kuha o Shots at Anggulo

                                                Musika, Tunog at Pag-iilaw

                                                Disenyong Tagpuan

                                                Kasuotan

                                               Make-up at Pag-arte

                                               Film Devices/Naratibong Teknik

GABAY SA PAGSUSURI NG ISANG PELIKULA

Ang panunuring pampelikula ay isang paraan ng pagsukat ng kaalaman sa


pamamagitan ng pagbibigay-puna, reaksyon, halaga sa napanood na pelikula. Layunin
nitong mapalutang ang teoryang pampanitikan, nagagamit ang mga paraang natutunan sa
pagsusuri ng isang pelikula at naiuugnay ang sariling karanasan batay sa nais ipahiwatig ng
pelikula.

Ilan sa mahahalagang bagay sa pagsusuri ng isang pelikula ay ang aspektong


pangnilalaman tulad ng tauhan at tema. Kailangang masuri ang mga bagay na ito na
mahalaga sa pagpalutang ng istorya.

TEMA/PAKSA

Ang tema o paksa ang nag-iiwan ng kakintalan sa isipan at damdamin ng manonood


kaugnay ng kanyang karanasan sa buhay. Ang tema sa isang pelikula ay ang mga
nakatagong mensahe, ideya o konsepto na umudyok upang ang isang tauhan ay kumilos
ayon sa nararapat. Bukod sa ito ay nakatagong mensahe maaari din itong isang aral na
ipinaparating sa mga manonood. Iba-iba ang ginagamit na tema o paksa sa isang pelikula.
May mga awtor na nagsasabing ang tema ay nabubuo sa isang salita lamang kagaya ng
obsesyon, pagtataksil, ambisyon, pagseselos, pag-ibig, kahirapan, hustisya, diskriminasyon,
kagandahan ng kalikasan, tagumpay, kabiguan, kamatayan, kultura at marami pang iba.
Samantalang sa ibang awtor, ang tema ay binubuo sa isang pangungusap katulad ng Hindi
sukatan ang layo sa isa’t isa sa tunay na pagmamahalan, Nasusubok ang tunay na
pagkakaibigan sa oras ng kagipitan at marami pang iba.

TAUHAN/KARAKTER AT KARAKTERISASYON

Ang tauhan o karakter ay may iba’t ibang papel na ginagampanan ang mga tauhan sa isang
pelikula. Tauhan ang kumikilos at nagbibigay buhay sa iskrip ng isang pelikula. Itinuturing
silang pinakamahalagang pang-akit sa mga manonood na pinanggalingan ng aktibong
pakikilahok ng manonood sa isang pelikula. Taglay ng mga tauhan sa isang pelikula ang
makilalang bida o protagonista (pangunahing tauhan, ang may problema at humaharap sa
problema at nagdesisyon at gumagawa sa sa paglutas ng problema) at kontrabida o
antagonista. Nauuri din ang mga ito sa lapad kung saan hindi nagbabago ang katangian
mula sa simula hanggang sa katapusan, tauhang hindi sumasailalim ng anumang
pagbabago sa emosyon at pag-uugali. Isa pang uri ay ang pagoging tauhang bilog na may
katangiang magbabago at nag-iiba ang ugali sa kaharap na katunggali na maaaring dahilan
ng pag-unald at pagkatuto. Ang mga tauhang ito ay may malaking kaugnayan o tungkulin sa
papel na ginagampanan bilang tagapamagitan sa mga manood at sa mga karakter sa
pelikula.

GAWAIN

            Panoorin ang pelikulang Ma Rosa at suriin batay sa hinihingi ibaba.

Pormat ng Panunuring Pampelikula

I.              Pamagat (ipaliwanag ang pagpapakahulugan sa pamagat)

II.             Mga tauhan (ilarawan ang papel na ginagampanan at katangian)

a.    Protagonista

b.    Antagonista

III.            Tema/Paksa ng Pelikula (ipaliwanag at patunayan ang paksang tinalakay sa


pelikula)

IV.          Buod ng Pelikula (isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa pelikula)

V.           Teoryang Pampanitikan (magbigay ng limang patunay at ipaliwanag)


KUHA O SHOTS

            Lahat ng mga elemento ng isang pelikula ay pinag-iisipan nang maigi ng isang
tagalikha nito. Ang kaalaman sa “wika” ng pelikula ay pangunahin lalong lalo na sa isang
manunulat. Naging pangangailangan ito ng isang manunulat sa pagbuo  ng kanyang istorya
sapagkat bibigyan buhay ito sa pinilakang tabing. Ibig sabihin, dapat isaalang-alang din ng
manunulat ang galaw at kuha ng kamera sa pagsasapelikula ng kanyang nilikhang akda.

            Ang pagkilos o paggalaw na nakunan ng kamera mula sa pag-andar hanggang sa


paghinto ay tinatawag na kuha o shot. Ang iba’t ibang uri ng kuha o shot ng kamera sa
eksena ay naktutulong upang lubusan madarama ng manonood ang damdaming taglay sa
mga eksena ng pelikula na higit na kailangan maunawaan ng isang manonood. Kaya
mahalaga na mapagplanuhan sa kung anong uri ng kuha o shot ang angkop sa bawat
eksena ng pelikula para sa ikadadali ng pag-unawa at pagpapakahulugan ng mga
manonood sa bawat eksena. Maaari ring magbago ang punto de vista ng isang istorya sa
pamamagitan ng kuha o shot sa mga eksena ng isang pelikula. Natutulungan ng mga tiyak
na kuha o shot ang lubusang pag-unawa ng mga manonood sa taglay na paningin at
damdamin sa isang pelikula.

             May iba’t ibang uri ng kuha o shot na kailangan maunawaan ng isang manonood.
Sinoman ang nagnanais na magsuri ng isang pelikula ay kailangan pag-aralan ang mga
termino sa kuha o shot tulad ng master shot at cover shot.

            Ang master shot ay kinapapalooban ng kabuuang kuha ng mga eksena sa isang
pelikula. Ito ay serye ng mga magkakaugnay na kuha na bumubuo sa isang episodyo ng
isang pelikula (Webster, 1997). Habang ang cover shot ay maikling kuha na nagbibigay ng
kaukulang dramatikong at makahulugang detalye sa bawat sandali. Kinapapalooban ito
ng close-up, medium shot, tracking shot, at long shot.

            Ang close-up shot ay ang kuha kung saan ang distansya sa pagitan ng tauhan at
ng kamera ay maliliit lamang. Ginagamit ito upang ipakita ang damdamin ng artista sa isang
eksena sa pelikula.  Ito rin ang paraan ng direktor para ipakita sa manonood ang mga
detalyeng nais niyang pagtuunan ng pansin. Ang kuha ring ito ay nakakatipid ng ibang
pangangailangang pamproduksyon sapagkat kaunting ilaw, kaunting galaw lamang ng mga
artista. Ibig sabihin, hindi ganoon ka komplikado ang gagawing paghahanda gamit ang
close-up shot.

Tinatawag din na medium shot ang kuha ng pangunahing bagay o tauhan ay pantay sa
taas nito o mula sa baywang pataas. Layunin nitong ipakita ang postura at pakikitungo ng
isang artista kaugnay sa ibang artista. Ginagamit din ang kuhang ito sa pagpapakita ng mga
serye ng mga diyalogo mula sa isang eksena kung saan makatutulong sa mga manonood
na maunawaan ang kumpas at galaw ng mga karakter mula sa isang pelikula.

Samantala, ang tracking shot naman ay tumutukoy sa kuha ng kamera na sumusunod sa 
mga galaw ng karaker o bagay sa isang eksena. Maaaring ang galaw ng kamera ay
paharap, patalikod o sa magkabilang gilid. Ipinapakita ng direktor ang pagsunod ng lahat ng
detalye na kasama sa eksena para mabisang nitong maipakita sa mga manonood.

Ipinapakita ng kuha ng long shot ang pangunahing lugar o tauhan na may malayong agwat
mula sa kamera gaya ng tore, simbahan, o tulay. Maaari rin ipakita nito ang kalipunan ng
mga bagay tulad ng magkakadikit na mga tahanan. Ginagamit ang long shot bilang
establishing shot o pagpapakita  ng lunan ng isang pelikula (Evasco, E. et al., 2011).

Ayon kay Evasco, E. et al., 2011, ang bawat kuha ay may kahulugan. Kailangang pag-isipan
ng manunuri ang dahilan kung bakit kumukuha ng halimbawa ng close-up shot ng isang
bagahe o ang dalawang taong nag-uusap, o dili kaya’y tracking shot ng kabundukan.
Binibigyan ng pagkakataon ng direktor ang kanyang manonood na mag-isip at kung bakit ito
ginagawa at kung paano pinatitingkad ang karakterisasyon at banghay ng pelikula. Esensyal
na makita sa pagsusuri ang damdaming namumuo sa manonood habang pinapanood ang
pelikula sapagkat maaaring mailabas ng manonood ang kanyang emosyon habang
pinapanood niya ito.

ANGGULO

            Sa panonood ng pelikula, nakakaapekto sa pananaw ng manonood ang kuha ng


kamera sa  pagsasabuhay ng artista sa kanyang karakter. Nakakatulong ang tamang
anggulo sa bawat eksena ng mga artista sa pag-unawa sa daloy ng istorya ng isang
pelikula. Kaya kadalasan isinasagawa ng direktor ng pelikula ang pamimili ng iba’t ibang
anggulo ng kanyang kukuhanan para mapalitaw ang tamang timpla sa bawat eksena nito.
Sa pamamagitan ng pagsaalang-alang sa tamang kuha ng anggulo mas mabibigyan ng
pagkakataon ang mga manonood na unawain ang kabuuang produksyon nito.

            May limang (5) pangunahing anggulo ng kamera na isinasagawa sa pagkuha ng


mga eksena. Nalalaman ang mga anggulong ito batay sa pinaglalagyan ng kamera habang
isinasagawa ang pagkuha ng mga eksena.

Minsan kailangan gamitin sa pagkuha ng eksena ang Bird’s-Eye View upang maipakita ang
kabuuang kuha ng eksena. Sa anggulong ito, inilalagay ang kamera sa bandang itaas ng
artista habang isinasagawa ang eksena at nakatutok ito sa artista hanggang sa ibaba. Ang
ganitong uri ng anggulo sa pagkuha ng eksena ay kalimitang ginagamit ng isang direktor sa
pagkuha ng mga kaukulang dramatikong diin sa karakter o eksena. Sa panimula ng
pelikulang Regeneration (1997), isang birds’s-eye shot ang ginamit ng direktor para
maipakita ang sagupaang nangyari sa Unang Digmaang Pandaigdig. Naipakita sa
anggulong iyon ang walang awa at di makataong pagpatay ng mga kalaban sa mga sundalo
sa naturang pelikula.

Ang High Angle ay kuha mula sa itaas kung saan nagpapakita ng kahinaan at kawalang
kapangyarihan sa paglalapat ng mood, setting at effects ng tauhan. Ang anggulong ito ay
simbolikong ginamit ng direktor para sa mga karakter na hindi gaano mahalaga sa isang
eksena kaya nagmumukhang maliit ang isang karakter. Sa eksena sa pelikulang Avenger,
isang magandang halimbawa ng High angle na kuha nina Thor at Captain America na
siyang ginamit ng direktor para magmukhang mahina ang dalawang super hero sa
pagpapatuloy ng kanilang pakikipaglaban na tila may iba na namang silang pupuksain na
kalaban na hindi maubos-ubos. Ang ganun damdamin ay matagumpay na napadarama sa
mga manonood dahil sa tamang pagkakuha ng anggulo.

            Pinakapayak na anggulo na napapanood sa isang pelikula ay tinatawag na Eye-


Level. Ang anggulong ito ay isang “personal view” na tila pagkakuha sa karakter ng eksena
ay parang sa tunay. Hindi ito makabagdamdaming kuha ngunit nagagamit pa rin ito sa
paglalarawan at pagpapaliwanag sa pag-unlad ng banghay ng pelikula. Itinuturing din ang
anggulong ito na “personal view” dahil kapantay lang nito ang taas ng pinaglalagyan ng
kamera sa mga nagsisiganap sa mga eksena.

            Ang low angle ay ginagamit sa mga eksenang nagpapakita ng katapangan at


kapangyarihan sa isang pelikula. Inilalagay rin ang kamera nito sa ibaba ng linya ng mata ng
artista at nakatuon ito pataas. Kaya sa isang eksena na paghaharap ng mayaman at
mahirap inilalagay ang kamera sa baba at itinuton ito sa artistang mayaman para bigyan
puwang ang kanyang estado na ipinapakita ang kanyang kapangyarihan laban sa mahirap
na karakter na nakatuon naman ang kamera sa ibaba.

            Ang literal na pagtingala sa kuwadro ng kamera o pagtungo sa ibaba ng kamera ay


tinatawag Oblique Angle. Ang ganitong anggulo ay ginagamit ng direktor sa pagkuha ng
mahahalagang eksena kaugnay sa kanyang pelikula.  

MUSIKA

            Malaki ang papel na ginagampanan ng musika sa pelikula na hindi maipaghihiwalay


ang dalawa. Mas pinatitingkad, mas pinadadama at mas pinapaganda ng musika ang
pelikula sapagkat kung wala ito ay maaaring lalabas na hindi natural, malungkot at walang
buhay ang isang pelikula.   Taglay ng musika ang sari-saring papel na ginagampanan sa
pelikula na mahalaga sa emosyonal na aspeto ng pelikula o maaaring isang malaking tulong
ito sa paglinang ng nasabing kwento. Napakamahalaga ang musika na aspetong isinaalang-
alang ng mga manggagawa ng pelikula kabilang ang direktor at prodyuser.  Naniniwala sila
na ang reaksyon ng mga manonood ay hindi lamang nakukuha sa mga paraan katulad ng
takot, lungkot at ligaya kundi sa pamamagitan din ng pagpapadanas ng isang pelikula sa
mga manonood, ang tinatawag musika. Bunga nito ang paglahok ng musika sa pelikula ay
masusing pinag-iisipan kaya kabilang ang musika sa kinikilala sa tuwing mayroong
pagpaparangal sa pelikula.

HALAGA NG MUSIKAL NA ISKOR

Karaniwan may mga pagkakataon na sa ating panonood ay hindi natin masyadong


pinahahalagahan ang musika sapagkat nakatuon lamang tayo sa mga nagsisipagganap o
sa mismong kwento ng pelikula. Karaniwan sa mga manonood ay hindi ito napapansin. 
Magkagayunpaman, hindi ito nangangahulugan na walang itong malaking kontribusyon sa
pelikula. Sa katunayan, malaking ang naiaambag ng musika sa kung paano tayo tumutugon
o sa ating mismong pagdanas ng pelikula.   Natatamo ito sa paraang, napapatatag ang
emosyong isinasaad sa mga imaheng nakikita, pinasisigla nito ang ating imahinasyon at
ekspresibong emosyon na hindi naipararating sa mga purong imahe lamang.    

Bunga na rin ng kanyang kahalagahan sa pelikula at ang magiging reaksyon natin


bilang manonood, nagiging palasak na rin ang ating katawagan dito bilang kaligirang musika
(background music).   Hindi dapat namamaliit ang musika sa usaping pelikula.  Maituturing
ang katawagang background music bilang isang misnomer sapagkat mayroon integral na
tungkuling ang musika sa pelikula.Sa halip ituring ang musika bilang pantulong o katuwang
ng pelikula.

Sa aklat ni Bogss (2008), pinaliwanag niya ang dalawang pananaw ng wastong


antas ng subordinasyon.  Ang tradisyonal na pananaw at modernong pananaw. Sa
paniniwala ng tradisyonal, ang musika ng mahusay na pelikula ay nagtatanghal ng barayting
tungkulin na ginagawa nito tayong hindi konsyus sa kanyang presensya.   Sa ibang
pahayag, kung hindi natin namamalayan ang nasabing musika ay maituturing bilang isang
mabuting iskor.   Kaya sasabihin na hindi dapat napakamaganda ang musika sapagkat
maaaaring maagaw nito ang atensyon ng mga manonood.

Samantala, taliwas sa sinundang paniniwala. Ang modernong paniniwala naman ay


nagsasabi na hindi lamang ang musika naghahangad sa ating konsyus na atensyon kundi
kailangang dominahin din nito ang piktyur na nakikita iskrin.  Kailangan lamang ay
napapanatili nito ang kanyang halagang pagkakaugnay sa biswal, dramatiko at ritmong
elemento ng pelikula sa pangkalahatan. 

Parehong ang moderno at tradisyonal na pananaw ay nagkakatagpo sa isang


esensyal na punto:  ang musika na nakakaagaw ng pansin na naisasakripisyo ng ang
pelikula ay hindi maituturing na epektibo.   Ang isang mainam na iskor ng musika ay isang
signipikant na estruktural na element, nagsasagawa ng isang mabuting tungkulin sa isang
maayos na pagkakaugnay na paraan. 

MGA TUNGKULIN NG MUSIKAL ISKOR

            Dalawa ang pangkalahatang pangunahin ng musika, ang pagbuo ng estruktural na


mga ritmo at ang pagganahin ang ating emosyonal na pagtugon,  parehong ang mga ito ay
nagpapataas at nagpapalakas ng epekto ng imaheng nakikita natin sa iskrin.

            Ang musikal iskor ay bumubuo ng estruktural na ritmo parehong sa pelikula bilang
pangkalahatan at sa bawat eksena sa pamamagitan ng pagdebelop ng takbo sa naaayon
hanggang sa paggalaw ng bawat kuha at ang takbo ng mismong pag-iedit.   Samantalang
ang iskor ng pelikula ay gumaganap bilang pamuno at nagdaragdag ng naratibo at
dramatikong estruktura na nagpapagana sa ating emosyonal na pagtugon na kahanay sa
bawat indibidwal na sekwens at sa mismong pelikula bilang kabuuan. Ang damdamin ay
nabubuo sa epektibong paggamit ng musika, samantalang ang musikal iskor naman ay
nagiging mainam na repleksyon sa mga emosyonal na patern at humuhubog sa kabuuan ng
pelikula.

            Ang musika ng pelikula ay nahahati sa dalawa.   Ang mickey mousing na teknik na
halaw sa animasyon.  Ito ay tumpak, kinalkyula na musika at kilos.   Ang ritmo ng musika ay
kapareho sa natural na ritmo sa mga gumagalaw na mga bagay sa iskrin.   Samantala ang
pangkalahatang iskor (generalized score) naman ay walang paghahangad na
magkapareho sa musika at sa pangkalahatang emosyonal na kapaligiran at damadamin ng
sekwens o sa pelikulang bilang kabuuan.  

ANG TUNOG

           Maituturing ang tunog bilang makapangyarihang teknik sa paggawa ng pelikula.  


Katulad ng musika bilang pambihirang apinidad sa pelikula, ang tunog din may mahalagang
papel na ginagampanan sa pagbuo ng pelikula.  Hindi matatawaran ang naiambag nito kahit
sa paggawa ng silent film noon mga taong 1926.   Ang mga silent film noon ay sinasamahan
ng mga tunog mula sa piyano, organ,  ensemble o orkestrang musika.  Sa paglipas ng
panahon, marami na rin ang nadiskubre na higit pang makakatulong sa pagdebelop ng
isang pelikula katulad ng pagrerekord ng mga diyaogo at mga tunog (sound effects) ay
pinatunayan na naman nito ang kanyang ambag bilang epektibong katuwang sa
pagpapalabas ng emosyon at ritmong itinataglay sa mga imahe.  Bunga nito ay hindi
maikakaila na ang tunog ay nakapagdaragdag ng antas kahulugan at nagbibigay ng
emosyonal na estimulo na mas higit pang nagbibigay ng intensidad sa karanasan ng
manonood.

            Dahil sa nakatuon ang ating kamalayan sa mismong pelikula lalong lalo na sa
kwento, ay naisasantabi natin ang malikhaing aspeto ng tunog,  musika o soundtracks.   Ang
mga ito ay pinag-iisipan din kaya mahalagang bilang isang manonood ay sinusuri ang mga
ito, ang impormasyong kanyang ibinabahagi sa mismong eksena at kanya mismo
komplekadong mga teknik bilang pagpapasigla sa damdamin. Sa kasalukuyan,  ang isang
tagadesinyo ng tunog (sound designer) ay maaari ng makapagrekord,  maghalo (mix),
magsala (filter),  pahinain (modulate),  palakasin (amplify),  at maghudyat (cue up) ng mga
tunog kung kinakailangan.  Maaaring ang tunog na ito ay nairekord mula sa totoong buhay o
di naman kaya ay mga inipon nila mula sa mga pananaliksik sa internet.   Mula sa mga pag-
awit ng mga ibon,  pagtunog ng mga doorbell,  tunog ng mga kuliglig sa gabing payapa, 
pagtahol ng mga aso,  hanggang sa mga pagputok ng baril,  ang mga ito ay naggagamit
para sa isang tiyak na eksena para sa pagkokonvey ng isang partikular na emosyon o
kahulugan.     

NAKIKITA AT DI-NAKIKITANG TUNOG

            Sa mga nabanggit, sinasabing ang tunog at imahe ay kailangang magklumentaryo


sa bawat isa.   Ibig sabihin mayroong sinkronisasyon ang isang nairekord na tunog mula sa
biswal na imahe ng iskrin.    Ang nakikita ng mga manonood sa iskrin ay may taguring
nagsasalitang mga larawan (talking pictures), dito mas napapamangha ang mga tao mula sa
mga salitang lumalabas.  Ang pagkapit ng mga tunog na nagiging pantulong sa
pagpapadama ng emosyon sa mga manonood sa pagkakataong iyon na nanggagaling sa
mismong mga imahe ng iskrin.  Ito ay tinatawag na nakikitang tunog (visible sounds).

            Taliwas naman sa nakikita ang hindi nakikitang tunog (invisible sound).   Ito ang
tunog na nagmumula sa isang bagay o pinagmulan na hindi nakikita sa iskrin.   Ginagamit
ito para mas palawigin pa ang dimensyon ng pelikula labas sa nakikita sa iskrin sa
pagtatamo ng higit pang dramatiko epekto.  Nagiging tungkulin ang mataas na eskpresibo o
simbolikong paraan bilang mga malayang imahe.   Patunay ito na sa totoong buhay ay
marami sa ating mga tunog ngayon ang hindi nakikita, sapagkat hindi naman kinakailangan
na alamin pa kung saan ito nanggagaling o imposibleng mahanap pa ang kanyang
pinanggagalingan.   Sa madaling salita ang mga manggagawa ng pelikula ay gumagamit ng
mga tunog hiwalay sa elemento ng pagkukuwento na may kakayahang maglalahad ng
impormasyon saganang sarili. Kung napapakinggan natin ang mga kalampag ng mga
kubyertos at plato kahit ang eksena naman ay nakatuon sa mga taong nag-uusap sa sala ay
maaaring nagpapahiwatig na mayroong naghahanda o kumakain sa kusina.  

PAG-IILAW (LIGHTING)

            Kung ikaw ay kukuha ng video sa pamamagitan ng iyong cellphone o kamera, hindi
mo na inisip ang manipulahin ang pag-iilaw.  Ang modernong digital na pagkuha ay
makaprodyus ng malinaw na imahe sa maliwanag o madilim na mga sitwasyon, at para sa
maraming pakay, ang mahalaga sa lahat  ay malinaw ang paksa.

            Sa artistikong pag-iilaw ng paglikha ng pelikula ay higit lamang sa pananglaw na


nagpapahintulot sa atin na makita ang aksyon.  Ang maliwa-liwanag at madilim-dilim na
lugar sa loob ng kwadro ay tumutulong likhain ang kabuuang komposisyon ng bawat shot at
gabayan ang ating atensyon tungo sa tiyak na mga bagay at kilos.  Ang liwanag ng
inilawang mantsa ay guguhit sa ating mata tungo sa isang susing galaw, habang ang isang
aninag ay naikukubi ang detalye o lumikha ng pananabik tungkol sa anumang maaaring
naroon.  Ang pag-iilaw ay nakapagsasasabi ng mga kayarian:  ang kurba ng isang mukha,
ang butil ng isang piraso ng kahoy, ang guhit ng sapot ng gagamba, ang kinang ng isang
hiyas at iba pa.

Highlights at mga Anino (Highlights and shadows). Ang pag-iilaw ay humuhulma ng mga
bagay pamamagitan ng paglikha ng highlights at mga anino.  Ang isang highlight ay isang
tapal ng kamangha-manghang liwanag sa ibabaw.  Ang highlights ay nagbibigay ng
mahalagang hudyat sa tekstura ng ibabaw.  Kung ang ibabaw ay makinis, gaya ng salamin
o  or krom, ang highlights ay magsisilbing sinag o kislap; ang isang magaspang o
maligasgas na ibabaw, tulad ng isang maligasgas na batong nakaharap, nagbubunga nang
higit na makalat ng highlights. Ang mga anino halos gayundin, nagpapahintulot sa mga
bagay na magkaroon ng porsyon sa dilim (tinatawag na pagtatabing) o patunguhin ang mga
anino papunta sa ibang bagay. 
Direction.  Ang direksyon ng pag-iilaw sa isang shot ay tumutukoy sa daan ng ilaw mula sa
pinagmulan ng pinagmumulan ng bagay na may ilaw.  Para sa kaginhawahan, maaari
naming makilala sa mga frontal lighting, sidelighting, backlighting, underlighting, and top
lighting.

Frontal lighting ay nakilala ito sa pamamagitan ng pagkahilig upang maalis ang mga anino.

Backlighting, sa pangalan pa lamang, nagmumungkahi itong ang ilaw ay nagmumula sa


likod ng paksa. Ang ilaw ay maaaring iposisyon sa maraming angulo:  mataas sa itaas ng
figura, sa iba't ibang mga anggulo sa gilid, itinuturo tuwid ng kamera, o galing sa ilaim o
ibaba.  Ginamit nang walang iba pang mga pinagkukunan ng liwanag, ang backlighting ay
may gawi na lumikha ng silweta (ang madilim na hugis at balangkas ng isang tao o isang
bagay na nakikita laban sa isang mas magaan na bakgrawn, lalo na sa madilim na liwanag).
Kasama ang higit pang mga pangharap na pinagmumulan ng liwanag, ang pamamaraan ay
maaaring lumikha ng isang banayad na tabas. Ang paggamit ng ilaw na ito ay tinatawag na
gilid ng ilaw o rim na ilaw.

Underlighting, nagpapahiwatig na ang liwanag ay nagmumula sa ibaba ng paksa.  Dahil


ang underlighting ay may posibilidad na papangitin ang mga tampok, ito ay madalas na
ginagamit upang lumikha ng mga dramatikong panginginig sa epektong katakot-takot, ngunit
maaaring ipahiwatig lamang nito ang isang makatotohanang pinagmulan ng liwanag, tulad
ng isang tsiminea, o plaslayt.  Gaya ng nakagawian, ang isang partikular na pamamaraan ay
maaaring gumana nang iba ayon sa konteksto.

Top lighting, ang spotlight ay kumikinang mula sa halos direkta sa itaas ng mukha.  Ang
itaas na ilaw ay lumilikha ng isang kaakit-akit na imahe.  “Ito ay isang bagay ng pagiging
totoo - lahat ng bagay ay hindi nakikita sa lahat ng oras”.

Ang pag-iilaw sa pinagmulan ay may kalidad, at may direksyon. Maaari rin itong
makilala sa pinagmulan nito.  Sa paggawa ng isang dokumentaryo, ang filmmaker ay
maaaring obligado na mag-shoot na may anumang liwanag ay magagamit. Gayunman,
karamihan sa mga kathang-isip na mga pelikula ay gumagamit ng mga karagdagang
pinagkukunan ng liwanag upang makakuha ng higit na kontrol sa mga hitsura ng mga
imahe. Kadalasan ang mga table lamp at streetlight na iyong nakikita sa isang set ay hindi
malakas o iba't-ibang sapat upang lumikha ng isang malakas na imahe.  Gayunpaman, ang
filmmaker ay kadalasang lumikha ng isang disenyo ng ilaw na tila pare-pareho sa mga
mapagkukunan sa tagpuan.  Ang mga huwaran ng pag-iilaw ay nagayak ng nakikitang
pinagkukunan.

            Ang mga direktor at mga maninekreto (cinematographers) ng pagmamanipula sa


pag-iilaw ng tanawin ay kadalasang nagpapasiya sa dalawang pangunahing pinagmumulan:
isang mahalagang liwanag (key light) at liwanag na punan (fill light). Ang pangunahing ilaw
(key light) ay ang pangunahing mapagkukunan, na nagbibigay ng pinakamaliwanag na pag-
iilaw at paghahagis ng pinakamatibay na anino. Ang pangunahing ilaw ay ang pinaka-
direktang liwanag, at karaniwang ito ay iminungkahi ng isang pinagkukunan ng ilaw sa
tagpuan. Ang isang ilaw na punan ay isang mas malalim na pag-iilaw na "pumupuno sa,"
paglambot o pag-aalis ng mga anino na itinatapon ng susi na ilaw (key light). Sa
pamamagitan ng pagsasama-sama ng susi (key) at punan (fill), at sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng iba pang mga mapagkukunan, ang ilaw ay maaaring kontrolado ng lubos
na eksakto.

Dalawang Tuntunin ay tumutukoy sa iba't ibang intensidad ng pag-iilaw:

1.    Ang mababa na susi sa pag-iilaw (low-key lighting) ay naglalagay ng karamihan sa


hanay sa anino; ilang mga highlight lamang ang tumutukoy sa paksa. Ang uri ng pag-iilaw ay
nagpapataas ng pag-aalinlangan at lumilikha ng isang madilim na kalooban; kaya, ito ay
ginagamit sa misteryo at panginginig sa takot na mga pelikula.

2.    Ang mataas na susi sa pag-iilaw (High-key lighting), sa kabaligtaran, ay nagreresulta


sa mas maraming liwanag na lugar kaysa sa mga anino, at ang mga paksa ay nakikita sa
gitna ng grays sa higlights, na may mas kaunting kaibahan. Ang mataas na susi sa pag-iilaw
(high-key lighting) ay angkop para sa komik at liwanag na moods, tulad ng sa isang musikal.
Sa pangkalahatan, ang mga eksena sa mataas na kaibahan, na may malawak na
pagkakaiba sa pagitan ng liwanag at madilim na mga lugar, ay lumikha ng mas
makapangyarihan at dramatikong mga imahe kaysa sa mga eksena na pantay-pantay na
naiilawan.

Ang direksyon ng liwanag ay gumaganap din ng isang mahalagang papel sa paglikha ng


isang epektibong biswal na imahe. Halimbawa, ang epekto na ginawa ng pantay sa ibabaw
na pag-iilaw (flat overhead lighting) ay ganap na naiiba mula sa epekto ng malakas na ilaw
sa gilid mula sa antas ng sahig. Ang backlighting at front lighting ay lumikha din ng iba't
ibang epekto.

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Pag-iilaw

1.  Ang pag-iilaw ba ng pelikula sa kabuuan ay a. tuwiran, marahas, at matapang; b.


Kainaman o katamtaman at balanse; c. Malamlam at malaganap? Ang mataas o mababang
susing pag-iilaw ba ay namamayani o nangingibabaw? Paano ang desisyon ng pag-iilaw
umaakma sa kuwento ng pelikula?

2.  Naging artipisyal ba ang pag-iilaw mula sa simula hanggang sa katapusan, mula sa mga
lugar saan walang makitang pagkukunan ng ilaw, o naging likas ang pagmumula nito sa
pinagkukunang nakita o iminungkahi sa tabing?

3.  Paano nakaaambag ang pag-iilaw sa kabuuang emosyonal na saloobin o himig ng


pelikula?

TAGPUAN (SETTING)

KAHULUGAN NG TAGPUAN

Ang tagpuan ay ang panahon at oras kung kailan at saan ang kuwento ng pelikula
nagaganap.  Bagama’t ang tagpuan ay kalimitang nakikitang walang silbi o nakaligtaan, ito
ay isang mahalagang kasangkapan o elemento sa anumang kuwento at gumagawang isang
mahalagang kontribusyon sa tema o sa kabuuang epekto ng isang pelikula.  Nang dahil sa
kompleks na pag-uugnayan ng tagpuan sa iba pang elemento ng kuwento – banghay,
tauhan, tema, tunggalian, simbolismo – ang epekto ng tagpuan sa kuwentong isinalaysay ay
kailangang sinuring mabuti maigi.  At dahil sa kanyang kahalagahang biswal na gampanin,
kailangang maisaalan-alang na isang makapangyarihang elementong pangsinema sa
kanyang sariling kakanyahan.

KAHALAGAHAN NG TAGPUAN

Mahalaga ang tagpuan sa estorya ng isang pelikula.  Sa panunuri, nararapat lamang


mabatid kung saan naganap ang madudulang tagpo ng buhay na inilahad sa pelikula. 
Kailangan ding mabatid kung paano inilarawan ng filmaker ang tagpuan, ang kabutihan nito
sa akda at kung ito ba ay nakalilikha ng isang kapaligiran.

            Mahalagang mabatid ng mga manunuri ang kaligirang panlipunan sa panahong


nalikha ang pelikula.  Kung ang tagpuan ay sa lunsod, mahalagang makita ang kaligiran
tulad ng:  a.) ang pamamaraan ng pamumuhay ng mayyaman at mahihirap; b) ang
kaugaliang umiiral sa mga tao; c) at ang kagandahan at kapangitan ng buhay sa lunsod.

Mula pa noong unang kapanahunan pa ng sinema, ang mga kritiko at manonood ay


naunawaang ang tagpuan ay may aktibong papel sa sinema kay sa karaniwang papel nito
sa teatro.

            Ayon kay Andre Bazin:

Ang indibidwal ay napakahalaga sa teatro.  Ang dula (drama) sa eskrin ay maaaring


magaganap kahit walang mga aktor.  Ang humahambalos na pinto, ang dahon sa pag-ihip
ng hangin, ang paghampas ng alon sa dalampasigan ay nakapagpapatingkad ng isang
dramatikong epekto.  Iilan sa mga obra maestrang pelikula ay gumagamit ng tao bilang
aksesori, tulad ng ekstra, o bilang pampaganada ng kalikasan, kung saan itiuturing na tunay
na pangunahing tauhan o karakter

Sa pagsisiyasat ng tagpuan kung may kaugnayan ito sa kuwento, mahalagang isaalang-


alang ang epekto ng apat na mga salik na ito bilang kabuuan.

1.    Temporal na Salik.  Ang panahon kung kailan nagaganap ang kuwento sa pelikula.

2.    Heograpikong Salik.  Ang pisikal na lokasyon at ang kanyang katangian, kabilang  ang
tipo ng kalupaan, klima, dami ng populasyon (ang kanyang biswal at sikolohikal na impak),
at anumang iabng pisikal na salik ng lokalidad na maaaring nagkakaroon ng epekto sa mga
tauhan ng kuwento at ang kanilang mga aksyon.

3.   Sosyal na Estruktura at Ekonomikong Salik  

4.   Kustombre, moral na kaugalian at mga koda ng kaasalan


Ang bawat salik ay may mahalagang epekto sa mga suliranin, mga tungalian at katangian
ng mga tauhan at kailangang isaalanag-alang bilang integral na bahagi ng banghay ng
kuwento o tema.

PAPEL O TUNGKULIN NG TAGPUAN SA PELIKULA

Tagpuan Bilang Determiner ng Tauhan. Ang apat na aspeto ng tagpuan na nakalista sa


itaas ay mahalaga upang unawain ang natauralistik na interpretasyon ng ginagampanang
papel ng tagpuan.  Ang interpretasyong ito ay nakabatay sa paniniwala na ang ating
katangian, kapalaran, at tadhana ay naipakilala sa pamamagitan ng mga lakas  sa labas ng
ating sarili, na maaaring tayo ay wala kung ihahambing sa mga produkto ng ating minana at
kapaligiran, at na ang kalayaan ng pagpili ay isang ilusyon lamang.  Samakatuwid, sa
pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng kapaligiran , may makabuluhang puwersang
tagahubog o maging isang dominanting tagapagtimpi, ang interpretasyong ito ang
pumupuwersa  sa atin upang isaalang-alang kung paano ang kapaligiran ay humubog sa
mga tauahan kung ano sila – sa ibang salita, kung paano ang kalikasan ng tauhan ay
diniktahan ng mga salik tulad ng kanilang panahon ng kasaysayan, ang patikular na lugar sa
Sanlibutan na kanilang pinanahanan, ang kanilang lugar sa sosyal at eonomikong
estruktura, at ang kustom, moral na saloobin, alituntunin ng pag-uugali na ipinataw sa kanila
ng lipunan o sosyedad.  Ang mga kapaligirang salik na ito ay maaaring mapanghikayat na
sila’y nagsilbing bagay na mas mahalaga kaysa kaligiran para sa banghay ng pelikula.

Sa ilang pagkakataon ang kapaligiran ay gumaganap bilang antagonista sa banghay.  Ang


protagonista ay maaaring makipagbuno laban sa pwersang pangkapaligirang nagdidiin sa
kanila, nagsusumikap upang ipahayag ang kalayaang pumili o tumakas s bitag.  Kaya, ang
marubdob na konsiderasyon ng kalupitan, kapabayaan o kawang-malasakit, o
makapangyaring lakas ng kapaligiran ay kalimitang isang susi upang maunawaan ang
tauhan at ang kanyang suliranin.

Tagpuan bilang Repleksyon ng Karakter (Setting as Reflection of Character).  Ang


kapaligiran kung saan nakatira ang isang tao ay nagpapakita sa mga manonood ng hudyat
upang maunawaan ang papel na kanyang ginagampanan sa pelikula.  Ito’y totoo lalong-lalo
na sa aspeto ng kanyang kapaligiran kung saan ang isang indibidwal ang may hawak.  Ang
isang bahay ay halimbawa ng mahusay na indikasyon ng katauhan ng tauhan. Ang
tagapanood ay kailangang malay sa mga interaksyon sa pagitan ng kapaligiran at tauhan,
kung ang tagpuan ba ay tagahubog ng tauhan o isa lamang repleksyon nito.

Tagpuan Para sa Anyo ng Katotohanan (Setting for Verisimilitude).  Ito ay binibigyang


kahulugan sa pagkamakatotohanan o ang pgiging totoo.  Halimbawa ang pagkakaroon ng
katotohanan sa banghay o imahe ng isang pelikula na nakapagpapakita ng pagiging
realistiko.  Isa sa pinakamalinaw at pinakanatural na tungkulin ng tagpuan ay likhain ang
pagtitipon ng  realidad na nagbibigay sa manonood ng pagiging makatotohanan sa panahon
at lugar at madama ang pagiging doon.  Kinikilala ng Filmmakers ang lubos na
kahalagahang ginagampanan ng isang   awtentikong tagpuan sa paglikha ng pelikulang
kapani-paniwala.  Samakatuwid, maaaring umabot sila ng ilang buwan sa paghahanap ng
isang akmang tagpuan at saka na pakilusin ang crew, mga aktor, at mga ekipo libo-libong
milya upang makuha ang angkop na kaligiran para sa kuwentong tinatangkang gawan ng
pelikula.

Upang makapanghikayat, kailangang maging awtentik ang napipiling tagpuan maging sa


kaliit-liitang detalye ng minuto. 

Tagpuan Para sa Manipis  na Biswal Impak (Setting for Sheer Visual Impact).  Ang
Filmakers ay pumipil ng isang tagpuang may kakayahang maaninag ang biswal impak. 
Kung ang paggawa nito ay pinapayagan sa loob ng ipinahihintulot ng tema at pakay ng
pelikula, ang filmakers ay pipili ng tagpuan na may mataas na antas ng viswal impak o
malakas ang biswal impak.

Tagpuang Lumikha ng Emosyonal na Atmospera o Kapaligiran, Pagkakalarawan, at


Biswal Impak (Setting to Create Emotional Atmosphere, Characterization, and Visual
Impact).  Sa mga espesyalisadong pelikula, ang tagpuan ay mahalaga sa paglikha ng
malaganap na emosyonal na kapaligiran.  Ito’y kailangang sa mga pelikulang katatakutanat
sa iilang mga piksyong agham at pantasya. 

Tagpuan Bilang Simbolo (Setting as Symbol).  Ang tagpuan ng kuwento ng isang pelikula
ay maaaring nagbabadya ng malakas na simbolikong kahulugang ginamit upang ipaglaban
ito o maging kinatawan hindi lamang sa isang lokasyon o lugar.  

Mga Gabay na Tanong sa Pagsusuri ng Tagpuan sa Pelikula (Mayos, Tanawan &


Espique, 2007):

1. Paano ipinakita ng filmmaker ang tagpuan?

2. Ano-anong sangkap ang kanyang ginamit upang ipakita ito?

3. Inilarawan ba ang kaliit-liitang sulok sa kabuuan ng larawan ng pook?

4. Kapani-paniwala ba ang napiling tagpuan upang kumilos ng ganito o ganoon ang mga
tauhan sa pelikula?

5. Ano ang pinakamahalagang bagay ang ginamit ng filmmaker upang ipakita ang tagpuan
ng pelikula?

6.  Angkop ba ang tagpuan sa pagkilos at paksa ng kwento sa pelikula.

Kasuotan

Hindi magiging buo ang isang pelikula hanggat hindi akma ang kasuotan ng mga
magsisipagganap. Kaya malaki ang tungkulin ng isang tagadesinyo ng kasuotan sa
pagdedesisyon kung ano ang pinakamainam na kasuotan na isusuot ng mga artista. Bago
pa man ang pagbuo o magaganap ang syuting ay mahalagang naihanda na sa kanyang
kaisipan, at plano kung ano ang magiging kaanyuan ng mga kasuotan ng mga
magsisipagganap. Sa tagadesinyo nakaatang ang responsibilidad sa pagpaplano at sa
pagsasakatuparan sa mga damit na gagamitin sa produksyon. Sa tulong nito, nabibigyan
niya ng suporta hindi lamang ang pisikal na kaanyuan kundi pati ang emosyonal na aspeto
na siyang mas lilinang pa sa pagsasakarakterisasyon ng mga tauhan.

Bukod sa tagadesinyo ng kasuotan ay isinasangguni ang mga ito sa iba pang


kabilang ng produksyon katulad ng direktor, kostyumer, hairstylist, at mga artista. Ilalahad ng
tagadisenyo ang kanyang tentatibong guhit sa tinatawag na costume plates. Kung ano ang
mapagkakasunduan ng lupon ay siyang gagamitin sa pagsasagawa ng pelikula. Sa totoong
buhay, nagsusuot tayo ng mga damit upang proteksyunan at magmukha tayong kaaya-aya
sa paningin ng iba pero sa pelikula ay mas lalong tinutulungan nito ang isang artista na
mailabas niya mismo ang karakter sa kwento. Sa pelikulang Bituing Walang Ningning, si
Laviña Arguelles (Cherry Gil) ay gumanap bilang isang sikat na mang-aawit. Pinatingkad
ang kanyang karakter sa tulong ng mga magagandang damit na kanyang isinisuot, mga
alahas, at maayos na make-up. Samantalang, si Dorina Pineda (Sharon Cuneta) naman ay
simple lamang ang pananamit na isinusuot para ilarawan ang kanyang karakter bilang
simpleng tagahanga ng mang-aawit. Nangangahulugang,  inilalarawan ng mga kasuotan at
pinagtitibay nito ang katayuan ng mga karakter sa lipunan, pamumuhay, edad, trabaho,
pinag-aralan, at iba pa. Higit pa, nakakatulong din ang mga kasuotan na muli tayong
maibalik sa mga nakalipas na panahon ng ating kasaysayan.

Sa pelikulang Birdshot (2016), si Mendoza (John Arcilla) ay nakasuot ng damit


pampulis. Malaki ang papel na ginagampanan ng kanyang kasuotan para mas maging
kapani-paniwala siya sa kanyang karakter. Mahalaga sa isang aktor  na para mapag-iba siya
sa kanyang tunay na buhay ay makadama siya ng kaginhawaan sa kanyang isinusuot na
damit. Sinasabing ang isinusuot ng isang aktor kung halimbawa isa siyang pulis, guro,
doktor, magsasaka, tambay, o kumadrona ay natutulungan nitong magampanan niya nang
maayos ang kanyang papel. Sa mga artista mas nagkakaroon sila ng internalisasyon sa
karakter na kanilang ginagampanan kung nakikita na nila mismo ang kanilang karakter na
taglay na ang kasuotan.

Isa na siguro sa pinakamahirap na pagdaanan ng isang tagadisenyo ng kasuotan ay


kapag may kinalaman sa kasaysayan ang isang pelikulang gagawin. Sapagkat
nangangailangan ito ng masinsinang pananaliksik. Bawat detalye ay komplimentaryo sa
bawat isa at kailangang makatotohanan mula sa damit, alahas, hairstyle, at iba pa. Tanda
din maturidad ng isang aktor kung nagsasaliksik siya sa kasaysayan ng kwento at ng
kanyang mismong karakter. Bunga naman nito, maaari naman siyang makapagbigay ng
suhistiyon sa tagadisenyo ng kasuotan para sa pagpapaunlad ng kanyang isusuot.

Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/Costume_design ang mga sumusunod ay ang


karaniwang proseso sa pagdidisenyo sa kasuotan.

1. Pag-aanalisa. Ito ang unang hakbang sa pag-aanalisa ng iskrip, musikal na


komposisyon, koreograpi, at iba pa. Ang parametro ng kasuotan sa isang palabas ay
pinagtitibay at pauna ng isinasagawa ang banghay ng kasuotan. Binabalangkas ng
kasuotang banghay kung sinong karakter ang kabilang sa eksena, kung kailan magpapalit
ang mga aktor at kung ano ang mga kasuotan ang nabanggit sa iskrip.
2. Kolaborasyong Disenyo. Ang pinakamahalagang yugto sa proseso kung saan ang mga
tagadisenyo ay makikipagtagpo sa direktor. Dapat malinaw sa bawat isa ang direksyon ng
palabas. Parehong pag-unawa ang direktor at mga tagadisenyo kung ano ang tema ng
palabas at anong mensahe ang gusto nilang makuha ng mga manonood.

3. Pananaliksik sa Kasuotan. Kapag ang direktor at ang mga tagadisenyo ay nasa


parehong pahina, ang susunod na hakbang ng tagadisenyo ay ang magsasagawa ng
pananaliksik. Kailangan may pag-unawa siya hinggil sa kwento, bunga nito ay mas
mauunawaan niya ang mga karakter. Nakatutulong ito para sa higit pang malawak na
pananaliksik sa bawat karakter na pinagtitibay ang bawat personalidad sa pamamagitan ng
kanilang kasuotan.

4. Preliminaryong pagguhit ng plano at pag-lay-out ng Kulay. Kung may sapat na


kaalaman na bunga ng pananaliksik ay maaari ng makapagdisenyo ng kasuotan sa
pamamagitan ng paggawa preliminaryong pagguhit ng plano. Matapos, ang tagadisenyo ay
maaari ng magsagawa ng detalyadong pagguhit at isipin ang mga tiyak na kasuoan at kulay
sa bawat karaker.

5. Pinal na pagguhit ng plano. Kung napagkasunduan na ng tagadisenyo ng kasuotan at


ng direktor, maaari ng isagawa ng tagadisenyo ang pinal na pagguhit. Tinatawag itong
pagsasalin (rendering) at kadalasang ipinipinta gamit ang waterkolor o akrilik na pinta. Ang
pinal na pagguhit ay nagpapakita kung ano ang magiging anyo ng karakter at ang magiging
kulay ng kanyang kasuotan.

Samantala, mayroon namang apat na pagpipilian kung saan kukuha ng kasuotan ang
tagadisenyo. Ito ay maaaring sa paghahanap sa mga tindahan ng mga kasuotan o kostyum,
magrenta, bumili, o maaaring magpaggawa (made to order).

MAKE-UP

Mahalalaga ang make-up para sa karakter ng isang artista sa isang pelikula. Sa tulong
naman ng make-up ay mas lumalabas ang inaasahang hitsura ng isang aktor batay sa
kanyang karakter. Kung naging palasak ang paggamit ng make-up sa teatro katulad ng
Kabuki ng mga Hapones na eksaheradong pagmi-make-up ang isinasagawa gayundin
naman sa pelikula. Nagagawa ng make-up na maitransporma ng isang aktor ang kanilang
sarili sa ibang bersyon na kaiba sa kanyang pagkatao.

Nabanggit ni Downs, et al. (2013) sa kanyang aklat na sa kanluran, nahahati sa dalawang


kategorya ang paglalagay ng meyk-ap.

1. Tuwirang make-up (Straight make-up). Hindi nito binabago ang hitsura ng aktor sa halip
ginagawa lamang nito ang mukha ng aktor na higit pang tatlong dimensional samakatuwid
mas nagiging maliwang siya sa manonood. Minsan ang gumagawa nito ay maaaring ang
mismong artista lamang sa kanyang sarili.
2. Karakter na make-up (Character make-up). Pagnanais naman ito na mabago ang hitsura
ng isang aktor, halimbawa, pagdaragdag ng kulay-abo (gray) sa buhok, at kulubot sa
pagnanais na magmukhang matanda ang isang aktor. Upang magmukhang mas epektibong
may-edad, kailangan din ng aktor na magsuot ng balbas o peluka.

Ang make-up ay napakakailangan din upang mapatingkad ang ekspresibong kalidad ng


mukha ng isang aktor. Sa pelikula, mas nakikita nang malapitan ang mukha lalo pa’t naka-
close up ito sa kamera. Mahalagang maitago sa mata ng mga manonood ang anumang
hindi dapat makita nila. Kabilang sa dapat na maitago kung hindi naman kailangan sa
eksena ay ang peklat, kulubot, at paglaylay (sagging) ng balat sa mukha. Naggawang
mabago ng isang make-up artist ang anumang nais niya sa aktor. Asahan na ang aktor
mababae man o malalake ay parehong maaaring gumamit ng make-up.

ANG PAG-ARTE

Halaga ng Pag-arte

Ilan sa atin kapag nanonood ng pelikula, unang kinososedera ay ang artista. Kung mahusay
ang gaganap sapagkat kilala na natin siya sa kanyang mga nagdaang pelikula ay
pinapanood natin. Malaki ang papel na ginagampanan ng isang artista upang maging
makabuluhan ang isang pelikula sapagkat kung maganda ang kwento pero pangit naman
ang pag-arte ng nagsisipagganap ay magkakaroon pa rin ng kakulangan. Isa ang pag-arte
sa maraming elemento ng pelikula na tinitingnan para sa kabuuan ng estitiko ng pelikula.
Kaya mapadula, mapatelebisyon o mapapelikula ay mahalagang magtataglay ng teknik o
kasanayan ang isang aktor na gaganap sa anumang papel.

Ang aktor ay sinumang gumaganap ng isang papel sa isang pagtatanghal. Siya ang
umaarte. Mahalaga na mayroon siyang teknik sa pag-arte upang makapagbigay ng
maliwanag na pagkaunawa sa mga manonood sa makataong-pag-uugali (human behaviour)
at higit na maunawaan ang sariling pag-uugali gayundin ang sa iba.

Layunin ng Isang Aktor

Ang pangunahing tungkulin ng aktor ay ang papaniwalain tayo nang lubos sa


realidad ng karakter. Dinadala tayo sa dimensyong ginagalawan ng karakter. Kung
malungkot ang karakter nakakadama din tayo ng pagkalungkot. Kung masaya naman siya
ay pagkagalak naman ang ating nadarama pero kung inaapi naman siya ay nakakadama rin
tayo ng galit sa taong gumagawa nito sa kanya. Sa isang aktor na gumaganap sa pelikula
kailangan niyang maging kapani-paniwala, matapat at natural.

1. Kapanipaniwala (Believability). Ang pagiging kapani-paniwala ay kailangang


magkaroon tayo ng simpatiya sa mismong karakter na ginagampanan ng isang aktor.
Nauunawaan natin ang karakter sa pagkakaroon natin ng simpatiya na ang nararamdaman
niya ay katulad din ng sa atin. Ang empatiya naman ay nagkakaroon tayo ng ugnayan sa
karakter sa mundong kanyang ginagalawan sa personal na antas. Nakiki-empatiya tayo sa
kanyang mga pagpapahalaga (values), pag-uugali, at ang kanyang mundo kahit may
kaibahan ito sa atin. Mangyayari lamang ito ng isang manonood kapag naging
kapanipaniwala siya sa kanyang pag-arte.

2. Matapat (truthfulness). Kailangang maipaunawa sa atin ng isang aktor ang katotohanan.


Maggagawa lamang ito kapag mayroon siyang kasanayan. Kasanayan sa pag-arte na
maaaring magpapabago sa buhay ng mga manonood. Mayroon siyang kakayahan at
responsibilidad na gamitin iyon sa isang makabuluhan at makatotohanang layunin.

3. Natural. Ayon sa kasabihan ang pag-arte ay hindi magandang pag-arte, ang pag-arte ay


ang pag-arte ng natural (acting is bad acting, acting is being). Sa madaling salita, ang pag-
arte ay kailangan mapanood kawangis ng natural o sa totoong buhay. Higit sa mga gimik
upang magkaroon ng pagkakilanlan ang karakter ay kailangan nang lalim at personal na
kalidad sa panloob na katauhan.

Sa aklat ni Boggs, et al. (2008) nabanggit niya na dapat taglayin ng isang aktor ang
katalinuhan, imahinasyon, sensitibidad, at kaalaman sa kalikasang pantao na higit na
kailangan sa higit pang pag-unawa sa karakter na kanilang ginagampanan- kaisipan,
motibasyon, at emosyon. Maidagdag pa, ang aktor ay nararapat na magkaroon ng abilidad
na maihayag ang mga ito nang kapani-paniwala gamit ang boses, katawan, kilos, kumpas, o
pangmukhang ekspresyon upang ang kalidad ay totoo sa karakter na ginagampanan at sa
sitwasyong kung saan nakikita ng mga karakter ang kanilang mga sarili. Mahalagang
napananatili ng aktor ang ilusyon ng realidad ng mga tauhan na mayroong konsistensi buhat
simula hanggang sa waga. Dinagdag pa niya na kailangan kontrolin ng aktor ang kanyang
ego, upang makita nito ang kanyang karakter sa tamang perspektibo tungo sa dramatikong
paggawa ng kabuuan.

PAG-ARTE SA TEATRO, PAG-ARTE SA PELIKULA

Bagaman may pagkakapareho pagdating sa elemento pero nagkakaiba pa rin sa maraming


aspeto ang pag-arte sa teatro at sa pelikula. Saklaw ng teatro ang tinatawag na live na
pagganap. Napapakinggan ng mga aktor ang pagsigaw, pagtawa, at pag-iyak ng mga
manonood. Nakadaloy ito sa dalawang direksyon ang napapanood sa entablado at ang
reaksyon ng mga manonood. Samantalang sa pelikula naman ay nakadaloy lamang sa
iisang direksyon sapagkat hindi nalalaman ng mga nagsisipagganap ang reaksyon ng
kanilang mga manonood.

Ang mga artista sa teatro ay tinatawag na mga lehitimong aktor (legitimate actor).
Sila ang mga aktor na umaarte nang live sa mga manonood. Mas madaling maging aktor sa
pelikula kaysa sa teatro. Sapagkat kailangan ng intensib na pag-eensayo kung artista ka sa
entablado. Bagaman, maaari namang maging artista sa pelikula ang isang aktor sa
entablado katulad nina Eugene Domingo, John Arcilla, at Nonie Buencamino, pero hindi
magiging madali para sa isang aktor sa pelikula na makapasok sa pag-arte sa entablado.
Mas madali ang pagpasok bilang aktor sa pelikula kahit ang mga manlalaro katulad nina
Manny Pacquiao, Benjie Paras, Efren “Bata” Reyes, at Onyok Velasco ay nabigyan ng
pagkakataon na maging aktor sa pelikula.

Sa pelikula, maaaring may double sa aktor mula sa pagkanta, pagtalon,


pangangarate, at iba pa. Samantalang sa entablado ay inaasahan ang pag-arte, pagsayaw
at pagkanta lalong lalo na kung kinakailangan iyon sa kanyang papel. Sa teatro naman ay
walang close-up lahat ay wide shot kaya inaasahan ang buong pusong pagganap at
emosyon sa artista. Hindi katulad sa pelikula maaari mong pikiin emosyon kung hindi
nakapokus sa iyo ang kamera.

Samantala, sa teatro ay aabutin ng maraming araw sa pagbabasa ng iskrip at


pagsasaulo ng mga linya. Sa pelikula naman minsan inaaaral lamang ito ng mga artista sa
mismong araw ng syuting. Sa bawat pagkakamali nila sa pagtatapon ng linya ay maaari
lamang magkaroon ng mga panibagong pag-uulit. Sa entablado ay kailangang maging alerto
kung sa anong bahagi magsasalita na dapat nakikita pa rin sa aktor ang karakter na
ginagampanan. Kung magkakamali naman sa linya, may sinapawan, o lumaktaw ng ilang
pahina, wala na itong pangalawang take kaya doble-ingat ang ginagawa ng isang aktor.
Sinasabi rito na kailangang maging tiyak ang aktor sa entablado sapagkat napapakinggan at
nakikita ng mga manonood ang lahat ng kanilang paggalaw sa entablado. Hindi rin
nangangahulugan na walang pag-iingat na gagawin sa pag-arte sa pelikula lalo pa’t sa
bawat pagkilos ng mga mata, ekspresyon ng mukha, gayundin ang mga salita ay hinuhuli ng
kamera. Ang pagkakaroon ng paggalaw ng mga mata o ekspresyon ng mukha na hindi
naman inaasahan sa eksena ay maaaring magpapababa sa kredibilidad at pagiging
makatotohanan ng tagpo. Katulad ng teatro, kailangang lalabas ang pagiging natural sa
pag-arte na hindi nakokonsyus sa sarili. Ipinapakita rin sa pelikula ang kapangyarihan ng
mukha na nakapagsasaggawa ng iba’t ibang emosyon. Sa pag-arte sa pelikula o iskrin mas
binibigyan ng empasis ang pagkakabisa (reacting) kaysa pag-arte. Sa pelikula ang
pagkakuha ng reaksyon (reaction shot) ay tumutukoy sa nagiging saloobin ng taong
apektado sa pag-uusap o kilos. Kailangang maipakita sa iskrin ang nabuong emosyon ng
taong nakinig sa nagsasalita at maipakita niya ito sa kanyang mukha.

Sa aklat ni Boggs (2008) nabanggit niya na may dalawang uri ng pag-arte sa pelikula.

1. Aksyong pag-arte (action acting). Higit itong kinakailangan sa mga aksyong pelikula


sapagkat kinabibilangan ito ng reaksyon, paggalaw ng katawan, pisikal, at espesyal na
kasanayan, pero hindi ito nagmumula sa pinakamalalim na kakayahan ng aktor tulad ng
katalinuhan at nararamdaman.

2. Dramatikong pag-arte (dramatic acting). Tumutukoy sa pagsusustina, masinsinang


diyalogo ng iba pang mga karakter, at nangangailangan ng emosyonal at sikolohikal na lalim
na bihira lamang kinakailangan sa aksyong pag-arte.

Sa madaling salita kinabibilangan ng aksyong pag-arte ang pagsasagawa. Samantalang sa


dramatikong pag-arte naman ay pumapaloob ang nararamdaman, pag-iisip, at pagbabahagi
ng emosyon sa iba pang mga aktor sa loob ng pelikula.

 
MGA TEKNIK SA PAG-ARTE

Hindi maikakaila na sa bawat araw ay madalas tayong umaarte na hindi natin


namamalayan. Minsan, sa pag-alis mo sa bahay ay pinagsabihan ka ng iyong ina na dapat
magtipid-tipid sa paggasta dahil mahal ang bilihin. Hindi alam ng iyong ana na ang perang
ibinigay niya ay naubos sa pang-araw-araw mong gastusin at pangangailangan sa pag-
aaral.  Dahil sa iginagalang mo ang iyong ina ay mas pinili mo ang manahimik ang ikubli ang
iyong nadarama.  Umalis kang nagpaalam na nakangiti kahit sa kaloob-looban mo ay
bahagyang nakadama ka ng pagtatampo. Sa tagpo naman sa paaralan, nag-aasta kang
mayroong pinagkakaabalahan para hindi matawag ng guro sa kanyang oral recitation. Ang
mga ito ay patunay na ang pag-arte ay hindi lamang saklaw sa mga arte kundi bahagi na rin
ng ating pang-araw-araw na buhay. Kaya sa bahaging ito, pag-aaralan natin ang mga teknik
sa pag-arte.

Ayon sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_acting_techniques ang mga sumusunod ay ang


mga teknik sa pag-arte.

1. Klasikal na pag-arte (classical acting) ang pinakaterminolohiya sa pilosopiya ng pag-


arte na kabilang ang ekspresyon ng katawan, boses, imahinasyon, pag-personalize,
improbisasyon, eksternal na stimyulai, at pag-aanalisa ng iskrip. Nakabatay ito sa teorya at
mga sistema ng piling klasikal na mga aktor at direktor kabilang si Konstantin Stanislavski at
Michael Saint-Denis.

2. Sistemang Stanislavski. Kilala rin ito bilang metodong Stanislavski, ang aktor ay


humuhugot sa kanyang sariling nararamdaman at karanasan para maghatid ng katotohanan
sa karakter na ginagampanan. Inilalagay ng aktor ang kanyang sarili sa kaisipan ng karakter
upang makahanap ng mga komong bagay sa pagnanais na makapagbibigay ng
makatotohanang pagsasatao sa karakter.

3. Metodong pag-arte. Saklaw ng mga teknik na ginagamit para maging katuwang sa aktor
para unawain, makaugnay sa at pagsasatao ng karakter, tulad ng binuo ni Lee Strasberg.
Ang metodo ni Strasberg ay nakabatay sa ideya na para makadebelop ng emosyonal at
kognitibong pag-unawa kanilang papel, ang aktor ay nararapat na gamitin ang sariling mga
karanasan sa pagtukoy mismo ng papel na ginagampanan. Nakabatay ito sa aspeto ng
sistema ni Stanislavski.

4. Meisner na Teknik. Nangangailangang ang aktor ay nakapokus nang buong-buo sa isa


pang aktor at isiping siya ay totoo at sila ay nabubuhay (exist) sa mga sandaling iyon. Ang
metodong ito ay tumutulong sa mga aktor sa eksena na mas lalong makatotohanan sa mga
manonood. Nakabatay rin ito sa prinsipyo na ang pag-arte ay makakatagpo ang kanyang
ekspresyon sa tugon ng mga tao sa iba pang mga tao at sa kalagayan. Mula pa rin ito sa
sistema ni Stanislavski.

5. Praktikal na Estetiko. Isang teknik sa pag-arte na orihinal na binuo ni David Mamet at


William Macy, batay sa mga pagtuturo ni Stanislavski, Sandord Meisner, at pilosoper na si
Epictetus. Ilan sa mga pangunahing katangian ay ang pag-aanalisa ng iskrip, adaptabilidad,
at repitesyong pagsasanay na may pagkakatulad sa Meisner na teknik.
6. Metodong Brechtian. Si Bertolt Brecht ang luminang sa estilong “epikong drama” na
umaasa sa replektibong paghihiwalay sa halip na magkaroon ng emosyonal na paglalahok.

URI NG AKTOR

Sa A Primer for Playgoers, nina Edward A Wright and Lenthiel H Downs na nabanggit ni
Boggs (2008) sa kanyang aklat ay tinukoy nila ang mga uri ng aktor sa tatlong uri:

1. Impersonator. Ito ay isang aktor na may mga talento sa paglayo ng kanilang totoong


pagkatao at akuin ang personalidad ng karakter na kung saan mayroon lamang silang
kaunting katangiang komon.

2. Interpreter at Commentator. Gumaganap ng mga papel sa pelikula na may


pagkakahawig lamang sa kanilang personalidad at pisikal na hitsura. Isinasalin nila ang
bahaging ito sa dramatikong kapamaraanan na walang pagkawala ng identidad.

3. Personalidad na Aktor. Mga aktor na ang pangunahing talento ay maging sila lamang sa


kanilang sarili at wala ng iba pa. Ang aktor na ito bagaman popular ay hindi maaaring umako
ng iba pang mga papel sapagkat maglalaho ang kanilang sinseridad sa sarili at ang pagiging
natural kung lalabas sila mismo sa kanilang pagkatao.

MGA NARATIBONG TEKNIK/Film Devices NA GINAGAMIT SA PELIKULA

Sa layuning higit na maunawaan ang mensahe ng isang pelikula, makatutulong ang


pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga naratibong teknik na ginagamit sa pagbuo ng
pelikula. Ang mga teknik na ito ay makatutulong sa pagpapaliwanag sa tagpuang lugar at
panahon, banghay (plot), at tauhan.

TEKNIK KAHULUGAN HALIMBAWA


1.    Backstory Mga eksena    na pinakikita bilang Ang pagsasalaysay sa panimula
panimula upang maiugnay ang dating ng pelikulang The Lord of the
pangyayari sa kasalukuyang Rings (trilogy)ay nagpapakita
magaganap. Ito ay madalas na ng mitolohikal/historical na mga
ginagamit upang mailahad ang tagpuan pangyayari na naganap sa Una
ng pelikula. at Ikalawang Panahon.

2.    Cliffhanger  Ang kuwento sa nasabing pelikula ay FPJ’s Ang Probinsyano


hindi niresolba upang ganyakin ang
mga manonood na panoorin ang
susunod na pangyayari/episode.

3.    Deus ex machina Ito ay pagreresolba ng tunggalian sa Mighty Aphrodite


pamamagitan ng isang pangyayaring
(act of god) walang kaugnayan sa kabuuang
kuwento ng pelikula kaya madalas ay
inuunawa bilang kagagawan ng isang
makapangyarihang puwersa.
4.    Eucatastrophe Isang matinding pangyayari (climatic) Sa wakas ng The Lord of the
na nagpapakita sa bida na nahaharap Rings, sapilitang nakuha ni
sa isang malagim na pangyayari na Gollum ang singsing mula kay
animoy sasapit sa kanyang katapusan Frodo na nagpapahiwatig na si
subalit ito ay nagwawakas na kapaki- Sauron ay siyang maghahari sa
pakinabang para sa bida. Middle Earth, subalit
masyadong maagang natuwa si
Gollum at naihulog niya sa
umaapoy na lava ang singsing.
Kasabay ng pagkawala ng
singsing ay ang pagkawala ng
kapangyarihan ni Sauron na
siyang inaasam nina Frodo at
ang Fellowship of the Ring.

 
5.    Flashback Pangkalahatang tawag sa pagbabago Sa kuwentong The Three
ng sikwens batay sa panahon na Apples ng Arabian
nagdadala sa mga tauhan sa mga Nights matapos madiskubre
naunang pangyayari. ang bangkay ng isang babae,
ipinakita na ang salarin ay
nagkukuwento tungkol sa mga
pangyayaring naganap bago
nadiskubre ang bangkay.
6.    Flashforward Isang eksena na nagpapahiwatig ng Sa pelikulang A Christmas
magaganap sa hinaharap. carol kung saan ang kaluluwa
ng hinaharap ay nagpakita kay
G. Scrooge.

 
7.    Foreshadowing Ito ay mga simbolikong pangyayari na Ang isang eksena na
nagmumungkahi ng maaring maganap nagpapakita ng di-kilalang lalaki
sa susunod na eksena. na  nakikipag-away sa iba dahil
sa isang babae ay naunang
ipinakita, ang kasunod na
eksena ay nagpapakita sa
pangunahing tauhan na sangkot
sa isang suntukan dahil sa
kanyang kasintahan.
8.    Plot twist Ito ay hindi inaasahang pagbabago sa Dalawang karpintero ang
direksyon o inaasahang resulta ng mga tinutukoy na salarin sa pagpatay
kaganapan sa pelikula. ng may-ari ng bahay na inaayos
ng mga karpintero. Tinutukan ito
ng mga pulis at kamag-anak ng
biktima subalit sa kalaunan ay
malalaman na ang salarin
pala ay ang mismong asawa ng
may-ari ng bahay.

 
9.    Poetic  Justice Batay sa pang-uugali at kilos na FPJ’s  Ang Probinsyano
ipinakita ng tauhan, ang kanyang
kabutihan ay gagantimpalaan o di
kaya’y ang kanyang kasamaan ay
parurusahan.
10. Self-fulfilling Isang panghuhula  na nagkatotoo Sa Harry Potter nang marinig ni
Prophecy Lord Voldemort ang propesiya ni
Sybill Trelawney na isang bata
ay isisilang sa katapusan ng
Hulyo at ang mga magulang
nito ay yaong nakipaglaban kay
Voldemort. Diumano, ang
nasabing bata ay ang magiging
katapat ni Voldemort. Ang
nasabing propesiya ay
nagkatotoo at batang yaon ay si
Harry Potter.
10.  Ticking clock  Napipintong panganib  
scenario
11.  Breaking the fourth Animoy direktang pakikipag-usap ng Sesame Street,    Dora the
wall tauhan sa manonood. Explorer
12.  Defamiliarization Pagsulat ng liham ng tauhan tungkol sa  
isang paksa na naglalarawan ng
kanyang kagila-gilalas na karanasan.
13.  First-Person Pagkukuwento sa pamamagitan ng  
Narration pananaw ng isang tauhan, lalo na ang
bidang tauhan.
14.  Hamartia Pagkakaroon ng kahinaan sa katauhan  
ng tauhan na naging sanhi ng kanyang
kasawian.  
15.  Pathetic  Fallacy Ang pagpapakita ng mga pangyayari sa Paggamit ng fireworks upang
kapaligiran o anumang bagay upang ipakita ang masayang
ipahayag ang damdamin ng tauhan. damdamin ng tauhan,
pagpapakita ng kulog, kidlat sa
madilim na gabi upang ipadama
ang matinding galit.

You might also like