You are on page 1of 2

DINLASAN, ROMAR P.

119-0399
BS MARE 21-A2 MR. J. P. DE LA PAZ

Talumpati Hinggil sa Kahalagahan ng Wika

Sa lahat ng tagapagtaguyod ng karunungan at kaalaman, sa administrasyon, mga


kawani, mga dalubguro ng ASIAN INSTITUTE OF MARITIME STUDIES. Lungsod ng Pasay.
Mga kapwa mag-aaral, mga magulang, at mga kaibigan isang punong-puno ng pag-asang araw
po sa inyong tanan!

Ako po si ROMAR P. DINLASAN mula po sa programang BS MARE 21-A2

Pakinggan po ninyo ang aking talumpati kaugnay ng pinal na kahingian sa disiplinang


Komunikasyon sa Akademikong Filipino mula sa pamamatnubay ni Propesor PJ de la Paz

Kahalagahan ng Wika, talumpati ni Jay R. Reyes

Sa bawat kasaysayan ng isang bansa, isa ang wika sa may pinakamahalagang


ginagampanan sa buhay ng bawat indibidwal. Nabibilang kasi ang ating bansa sa may mga
maraming etnolinggwistikong grupo na kung saan, samu’t-sari rin ang ating lenggwahe at
dayalektong ginagamit.

Idagdag pa natin ang mga dayuhang wika na ating natutunan sa ating mga kaibigang
bansa, pati na rin ang mga namana natin sa mga mananakop tulad ng Espanyol. Ang wika ay
nagbibigay ng pagkakaisa ngunit kung minsan nama’y hindi pagkakaunawaan.

Sa dami ng wika na ating ginagamit, hatid nito ay kalituhan. Ibang lugar, iba ang
lenggwahe, at ibang uri ng lahi, iba rin ang wikang gamit. Dahil sa suliraning ito ng di
pagkakaunawaan, isinabatas at iprinoklama ng noo’y Presidente na si Manuel Luis Quezon o
mas kilala bilang ama ng wikang pambansa ang pagkakaroon ng wikang Pilipino bilang ating
wikang pambansa.

Napakahalaga ng wika sa kasaysayan at kultura ng bawat lugar. Ito kasi ang ating
gabay sa pakikipagtalastasan, sa pagpapahayag ng ating mga damdamin, ekspresyon, ideya,
mga pananaw at opinyon. Sa pamamagitan nito malinaw nating naipararating ang ating mga
mensahe, sa panunulat man o sa pananalita.

Sa paglinang at paghubog ng ating pagkatao at kaisipan, wika rin ang instrumentong


ginagamit sa anumang uri at antas ng paaralan. Magmula sa ating simpleng abakada hanggang
sa pagtatapos ng ating mga propesyon, wika ang tanging gabay at naging patnubay ng ating
mga guro.

Sa gitna ng anumang sigalot, away at maging sa digmaan, wika ang pinakamalakas na


sandata. Sa mga lugar na kung saan may mga bangayan at gusot, wika ang ating ginagamit
upang kumalma ang sitwasyon dahil sa ito rin ang susi sa pagkikipagnegosasyon. Lahat ay
nadadaan sa mahinahon at mabuting pakiusapan kapag tamang salita o wika ang ginagamit.
Maging sa mga pinakamataas na lider ng ating lipunan wika rin ang kanilang kalansag at
sandata sa pagpapahupa ng anumang tensiyon sa kanilang kapwa lider o maging sa mga
tagasunod. Gamit ang wika, mas malaki ang tsansa na nagkakabuklod-buklod ang mga
nagkakawatak-watak. Dahil sa wika ay nalalaman ng bawat indibidwal ang ating pinanggalingan
at kung saan pa ang tatahakin sa ating hinaharap. Sadyang napaka mapangyarihan ng wika,
instrumento ito sa pagpapakalat, paglilimbag at paglalathala ng anumang uri ng babasahin.

Lumipas man ang iba’t-ibang uri ng henerasyon, at kahit mawala pa ang ibang wika sa
ating sirkulasyon, walang detalye ang makakaligtaan at habang buhay na magiging parte ng
ating historya ang kahalagahan ng wika.

Mula sa kamusmusan, pagkamulat ng ating kaisipan at hanggang sa ating pagtanda


habang buhay nating magiging instrumento, gabay, kalasag at sandata ang ating wika. Lilipas
man ang mga makalupang panahon at iba pang salik lahi, ang wika ay mananatili pa rin.

Sa pagdating sana ng mga modernong kaalaman at kagamitan, isabay rin natin ang
pagtaas ng ating kalinangan at kaisipan sa pag-aaral sa ating sarilng wika. Tumulong tayo sa
pagpanatili nito at huwag nating hayaan ang unti-unti nitong pagkawala o pagkaluma sa
sirkulasyon ng iba pang mga wika.

Hikayatin natin ang bawat kabataan at mamamayan na bigyan ito ng pagpapahalaga at


respeto. Gamitin natin ito ng may buong puso at pagmamalaki. Dahil saang dako ka man ng
mundo mapadpad, ito ang iyong magiging tatak at sagisag bilang isang tunay na Pilipino.

You might also like