You are on page 1of 34

AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS

263 UE Tech Road, Caloocan City

ISANG PAGSUSURI SA PANANDALIANG KASIYAHANG NADUDULOT NG


SOCIAL MEDIA MEMES SA MGA MAG-AARAL NG AMA COLLEGE
CALOOCAN SENIOR HIGH SCHOOL

Isang Pananaliksik na
Iniharap sa Kaguruan ng Filipino
Departamento ng Senior High School
263 UE Tech Road, Caloocan City

Isang Pangunahing Pagtupad


sa mga Pangangailangan sa
Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

FRANCISCO S. RAMBUYONG
ROBERT JOHN R. PALAPAR
JERICHO ALLEN F. TIMBAS
MARIANNE N. CUALES
RICHARD M. GARCIA
ROBERT I. DE LUNA
MARK C. MANABAT
MEMIE V. LAURINO

Marso 2020
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

2
KABANATA I
SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Sa kasalukuyan ay maraming mga mag-aaral ang nahihirapan sa kanilang

pag-aaral. Nakakaranas ng marami at iba’t-ibang paghihirap ang mga mag-aaral,

sa pagtaaas ng kanilang baitang kasabay ding tumataas ang antas ng kahirapan

ng kanilang mga pinagaaralan. Ang mga nararanasang ito ng mga mag-aaral

dagdag pa ang iba’t-ibang problema sa kanilang tahanan o personal na buhay ay

nagdudulot ng stress. Ang stress ay sanhi ng maraming pangangailangan

(stressors), tulad na lamang ng kawalang kakayahan ng tao na mapunan ang

kanyang pangangailangan, at ang malayong agwat ng kung ano ang nakukuha

ng tao sa paligid at kung ano ang hinihingi nitong kapalit (Levi, 1996). Ang stress

na nararanasan ng mga estudyante o kahit anong stress na may kaugnayan sa

pag-aaaral o paaralan ay tinatawag na Academic stress (Acosta-Gomez et al.

2018). Mayroon mang iba’t ibang pinangagalingan ang stress na dulot ng pag-

aaral o academic stress ay madlas na nagmumula sa tambak na takdang-aralin,

hindi tamang pag-gamit ng oras, mababang kakayahang sosyal, kompetisyon sa

mga kamag-aral at iba pa (Fairbrother & Warn, 2003).

Kinakailangan makapagpapawi ng mga mag-aaral sa nararanasang stress

upang maiwasan ang paglala ng kanilang nararamdaman. Ang sobrang stress ay

maaring humantong sa depresyon, pagkabalisa, mga pagbabago sa ugali at iba

pang tulad nito (Deb, Strodl& Sun, 2015;Verma, Sharma & Larson, 2002). Sa

ibang mga pagkakataon ay humahantong pa sa pagpapakamatay ang


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

3
nararanasang academic stress. Gumagawa ang mga mag-aaral ng iba’t ibang

mga gawain o di kaya ay ginagawa nila ang kanilang mga hilig upang

makapaglibang at matakas sa kanilang problema. Ayon sa isang isinagawang

pag-aaral nila Acosta-Gomez et al. (2018) ang mga karamihan sa mga

nakapanayam nilang mag-aaral ay nakikinig sa musika upang matanggal ang

stress, ang pangalawang pinakamaraming sagot ay pakikipag-usap sa kaibigan

at ang pangatlo ay paggawa ng mga pisikal na gawain.

Sa panahon ngayon, sa pag-unlad ng teknolohiya ay mas lalong dumami

ang mga bagay na maaring gamitin ng mga mag-aaral upang makapaglibang.

Ang mga social media apps at sites na tulad ng Facebook, Twitter at Instagram,

ay ginagamit ng mga tao hindi lang upang makipag komunikasyon ngunit para rin

makapag libang. Sa ngayon, ay dumarami at inaasahan pang tumaas ang bilang

ng mga gumagamit hindi lang sa mga kabataan ng mga social media sites na ito,

partikular na ang Facebook (Statista&The Next Web, 2019). Kalat sa mga social

media sites na ito ang mga memes na isa sa mga maraming paraan ngayon ng

paglilibang ng mga tao.

Unang nagawa at ginamit ang salitang meme ng isang evolutionary

biologist na si Richard Dawkins sa kanyang aklat na The Selfish Gene. Ang

saitang ito ay mula sa salitang Griyego na mimema na ang ibig sabihin ay

ginagaya o bagay na siyang ginagaya, pinagsama ito sa salitang Ingles na gene.

Ang memes ayon sa kanya ay isang yunit ng impormasyon mula sa isang kultura

o isang ideya na kumakalat sa pamamagitan ng imitasyon (Dawkins 1976). Sa

paglaon ay unti unting nabago at napaikot ang depinisyong ito ng salitang meme.
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

4
Naging halos magkasing kahulugan na ang salitang meme at biro sa pagdating

ng Internet. Ang aspekto ng unang depinisyon ng salitang memes na pagkalat

gamit ng imitasyon ay halos nanatili pa rin. Karamihan sa mga memes sa

Internet ay may sinusundang pormat, madalas ito ay mga litrato at pinapalitan

ang mga pinapakitang salitang kasama nito upang magsabi ng ibang biro ngunit

halos sa magkaprehong paraan. Ngunit hindi lang larawan ang maituturing na

meme, maari itong maging bidyo, kanta at kung ano ano pa. Hindi rin limitado

ang memes sa mga nakakatawang bagay, may ilang mga memes na naghahatid

ng impormasyon o di kaya paniniwala. Maaring sabihin ito ay mga kakatwang

ideya na pinagpasapsahan at walang tiyak na depinisyon o kriterya upang

kilalanin ito.

Likas na sa mga tao ang humanap ng kasiyahan o paglilibangan.

Pinagtitibay ng mga pag-aaral nina Katz et al. (1974) na isa ito sa mga dahilan

kung bakit gumagamit ang tao ng media upang mapunan ang Affective needs ng

tao,o ang pangangailangang emosyonal o pangkasiyahan ay gumgamit siya ng

iba’t ibang uri ng media. Higit pa dito ay pinupunan din ng paggamit ng media

ang Tension release needs, ito naman ay upang makatakas sa kinakaharap na

problema o para makapaglibang.

Nagdudulot ang memes ng panandaliang pagtakas para sa mga

nakakaranas ng stress (Faucher&Chang, 2019). Madalas malibang ang mga

kabataan o mag-aaral sa paggamit ng kanilang mga cellphone o iba pang

gadgets para gumamit ng social media at isa sa mga madalas na nilang

ginagawa dito ay ang pagtingin sa mga memes. Sa lalo pang paglaganap ng


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

5
paggamit ng social media ay ganoon din ang paglaganap ng pagkahumaling sa

memes higit na sa mga kabataan. Sa kadahilanang ito napagpasiyahan ng mga

mananaliksik na pag-aralan ang panandaliang kasiyahang ito na nadudulot ng

memes sa social media. Layon ng pag-aaral na ito na malaman ang dahilan at

epektong naidudulot ng panandaliang kasiyahan mula sa Social media Memes

sa mga mag-aaral ng senior high school ng AMA Computer College Caloocan

Campus, higit pa doon ay maipaliwanag kung paano ito nagaganap.

Ang Teoryang Uses at Gratification ang teoryang napili ng mga

mananaliksik upang magpatibay sa pag-aaral. Ito ay isang teorya sa

komunikasyon na iminungkahi nina Elihu Katz at Jay Blumler. Ito ay teoryang

nakapokus sa taong gumagamit ng media at hindi sa kung paano naapektuhan

ng media ang tao. Ang bawat tao ay gumagamit ng media sa iba’t ibang dahilan,

maaring para sa kanilang kasiyahan o maari rin namang sa

pangangailangan.Inaayon ng mga gumagamit sa kanilang kagustuhan ang

gagamiting uri ng media na makakapagbigay sa kanila nito. Ayon kay Katz,

Michael Gurevitz at Hadassah Haas ang mga tao ay gumagamit ng media dahil

sa limang kadahilanan:

1. Cognitive needs – pagkuha ng impormasyon, kaalaman at upang

umunawa

2. Affective needs – emosyonal, nakakasayang

3. Personal integrative needs – magpatibay ng kredibilidad, kumpiyansa sa

sarili, katatagan at katayuan


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

6
4. Social integrative needs – mapagtibay ang koneksyon sa mga kaibigan,

pamilya at iba pa

5. Tension release needs – pagtakas at paglilibang

Ang pag-aaral ay sinusuportaahan ng mga pahayag sa teoryang Uses at

Gratifications sapagkat pinapaliwanag nito ang kadahilanan ng paghahanap ng

kasiyahan mula sa memes galing sa social media. Ang mga tao ay palaging

humahanap ng kasiyahan, panadalian man. Ayon nga sa paniniwalang

Hedonistiko na ang layunin ng buhay ng tao ay ang gumawa ayon sa

kagustuhan at iwasan ang sakit. Natural na sa tao ang humanap ng ikasisiya

niya. Maituturing na ang kasiyahan ay isang pangangailangan, ayon nga sa

Teorayang Uses at Gratifications, ito ay isang Affective needs.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

7
Batayang Konseptwal

INPUT PROSESO OUTPUT

 Malaman ang
nilalaman ng isang
meme na
nakakapagsanhi
Deskriptibong ng panandaliang
 Social media Pananaliksik kasiyahan.
memes  Matuklasan ang
 Panandaliang epekto ng iba’t-
kasiyahang dulot  Pangangalap ng ibang nilalaman ng
ngsocial media datos sa isang meme sa
memes pamamagitan ng nabibigay nitong
 Mga Kaugnay na pagpapanayam. emosyon.
Pag-aaral at  Pag-aaral ng mga  Malaman ang
Literatura sagot ng mga epekto sa
 Mga respondante respondante pagkabuuangemos
yon ng isang tao
ng panandaliang
kasiyahang dulot
ng memes

Pigura 1. Paradaym ng Pagsusuri

Pinapakita ng Pigura 1 ang paradaym ng pag-aaral, para dito ay gumamit

ang mga mananaliksik ng IPO model. Ang unang bahagi ay naglalaman ng input,

pinapakita dito ang mga ang mga impormasyong kinakailangan upang

masimulang gawain ang pag-aaral. Kasama dito ang mga kaugnay na mga

literature at pag-aaral na magsisilbing pagpapatibay ng gagawing pananaliksik.

Ang mga respondante na siyang magpupuno ng kinakailangang impormasyon

upang mabuo ang pag-aaral.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

8
Sa ikalawang bahagi ay ang proseso, nakalagay sa proseso ang mga

bagay na gagawain upang makuha ang kinakailangang impormasyon sa

pananaliksik. Kukunin ang mga kailangang impormasyon upang masagot ang

mga tanong sa pag-aaral sa pamamagaitan ng interview.

Sa huling bahagi ay ang output, kung saan makikita ang inaasahang

magiging resulta ng pag-aaral. Ito ang mga inaasahang matuklasan ng mga

mananaliksik matapos gawain ang pananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin
Layon ng pag-aaral na alamin at suriin ang panandaliang kasiyahang

nadudulot ng Social media Memes at ang epekto nito sa mga mag-aaral na

senior high ng AMA Computer College Caloocan Campus. Nais nitong sagutin

ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang nilalaman ng isang meme na nakapagdudulot ng kasiyahan sa


isang tao?

2. Mayroon bang epekto ang iba’t ibang uri ng nilalaman ng memes sa nahahtid
nitong emosyon?

3. Paano nakakaapekto ang panandaliang kaligayahang dulot ng memes social


media sa pangkabuuang nararamdaman ng isang tao?
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

9
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga resulta na makukuha sa pag-aaral na ito ay maaring maging
kapakipakinabang sa mga sumusunod:
Paaralan
Ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng kaalaman sa

administrasyon ng paaralan kung ang mga kumakalat na memes ba ay

makakatulong sa pag-uugali at pananaw ng mga mag-aaral o hindi. Magiging

gabay din ito sa kanila sa mga dapat pa nilang ibahagi sa mga estudyante tungo

sa wastong pag-uugali lalo na sa paaralan.

Mga Guro
Sa pamamagitan ng reulta ng pag-aaral ay maaring magkakaroon ng

ideya ang mga guro kung paano maipapasok ang memes sa kanilang

pagtatalakay ng aralin upang mas higit na ganahan ang mga mag-aaral. Higit pa

doon maaring magamit ang kaalaman sa epekto ng memes sa emosyon ng mag-

aaral upang mas lalong maiangat ang kanilang morale.

Mga Mag-aaral
Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang malubos pa

nilang maunawaan kung ano ba ang nagiging epekto ng memes sa kanilang

emosyon. Ang magiging resulta ng pag-aaral ay maaring makatulong sa paraang

malalman nila kung maari bang magamit ang memes sa pagpapabago o

pagpapabuti ng kanilang emosyonal na nararamdaman.

Mga Mananaliksik
Ang pananaliksik na ito ay maaring magiging gabay ng mga susunod

pang mananaliksik sa mga pag-aaral na may tulad o kaugnay na paksa. Maaari


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

10
ring maging batayan ito sa mga mananaliksik na nais pang palawakin ang pag-

aaal at pag-aralan ang mga hindi na sakop sa pananaliksik na ito

Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral ay naglalayong alamin at suriin ang panandaliang

kasiyahang nadudulot ng Social media Memes at ang epekto nito sa mga mag-

aaral na senior high ng AMA Computer College Caloocan Campus. Nais nitong

malaman ang dahilan at epektong naidudulot ng panandaliang kasiyahan mula

sa Social media Memes, higit pa doon ay maipaliwanag kung paano ito

nagaganap. Ang pag-aaral ay gagawin lamang sa loob ng AMA Computer

College Caloocan Campus. Ang mga respondante ay binubuo lamang ng mga

mag-aaral ng senior high school ngunit hindi limitado sa ano mang strand.
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

11
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Para lubos pang maintindihan ang mga terminong gianmit sa pag-aaral,
ang mga ito ay operasyunal at konseptwal na binigyang kahulugan:

Meme. Ito ay ang mga ideya, simbolo, o mga kasanayan, na maaaring

maipadala mula sa isip patungo sa isa pa. sa pamamagitan ng pagsulat,

pagsasalita, kilos, ritwal, o iba pang mga kamangha-manghang mga bagay na

may gayong tema (Dawkins, 1976). Ito ang mga ginagamit ng mga mag-aaral

upang makapaglibang

Social media. Ito ay isang interactive computer mediated technology. Ito

ayginagamit para makapag bigay ng kaalaman at maka kuha ng kaalaman Ang

isang tao na gumagamit nito (Berry, 1994). Sa social media madalas

matatagpuan ang mga memes.

Stress. Ito ay isang uri ng karamdaman na kung saan nakararamdam ng

pagkabalisa, takot, kaba, pagkabigo at kung minsan ay nauuwi pa sa depresyon

na kung hindi maaagapan ay lubhang delikado sa taong nakararanas nito

(Diokno, n.d.). Ito ang madalas maranasan ng mga mag-aaral dahil sa labis na

mga gawain.
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

12
KABANATA II
REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literature at pag-

aaral mula sa banyaga at lokal na mapagkukunan, ang mga ito ay sumusuporta

sa mga pahayag ng pag-aaral at nagpapatibay sa mga naging konklusyon nito.

Lokal na Literatura
Marami ang nag sasabi sa atin nasa panahon ngayon madali nalang ang

kumuha at makasagap ng impormasyon sa social media, Ayon sa isang

malalathala na si Rebecca Garcia (2017) sa kanyang pahayag na may pamagat

na “Memes: New form of communication and literature?”, marami sa mga

kabataan ngayon o ang mga sinsabi natin na “millennials” ang naadik na sa pag

tingin at pag basa ng mga meme sa social media. Marami sa kanila ay

gumagawa na ng sarili nilang konsepto ng meme para nadin kanilang maibahagi

sa iba pa, marami din sa iba ang pag katapos mag basa ng meme at kanila itong

nagustuhan agada gad naman nila itong itatabi sa kanilang mga telepono para

kanilang tignan muli. sinabi din ni Garcia (2017) na kapag ikaw ay gagawa ng

isang meme ay hindi mona kailangan ng isang sertipiko ng pag aaral para lang

gumawa nito, kundi ang iyo lang dapat na taglay ay isang malawak na pag iisip

at malikhaing gawa. Marami sa mga kabataan ngayon ang natutuwa sa kanilang

mga nakikitang meme, kadalasan ito ang nagiging daan nila para kanilang

panandaliaang kalimutan ang kanilang mga emosyon or mga problem ana

dinadala.
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

13
Isa sa mga naging paksa ng meme ay si dating pangulong Benigno

“NoyNoy” Aquino III, ayon sa isang journalismo na si Roland B. Tolentino (2012)

ang kanyang sinulat ay may pamagat na “Pnoy memes at posibilidad ng

pagbabalikwas” na inilabas sa Bulatlat Journalism for the people. Mula sa isang

makapangyarihan na pangulo hanggang sa panot at bakla na pangulo,

nailalabas ng mga Pilipino ang kanilang mga hinaing tungkol sa pangulo ng

pilipinas. Sila ay gumagamit ng Social media Meme para kanilang maibahagi ang

kanilang nais iparating sa mga tao ukol sa kanilang mga nararanasan,

nararamdaman at nakikita na nagagawa ng dating pangulo ng pilipinas. Ang mga

Pilipino ay gumagamit ng mga litrato na kumakalat sa social media at gagawan

nila ito ng mga nakakatwang salita o imahe para pagtawanan at kumalat sa iba

pa na gumagamit ng social media. Bagamat negatibo ito daw ay nakaka tulong

sa mga tao para sila ay pakinggan at para nadin Makita ang kanilang mga

hinaing laban sa Gobyerno. Madami din naman ang gumagawa ng mga ganitong

meme hindi para dahil ilabas ang kanilang mga hinaing kundi para lang maging

katatawanan sa social media at para ito ay sumikat at mabahagi pa sa iba.

Isa sa mga bagay na ginagawang pampalipas ng mga Pilipino ay ang pag

gamit ng social media marami sa kanila ay gumagamit nito para kumuha ng

impormasyon ng mga bagay na makaka tulong sa kanila o makakapag bigay ng

kasiyahan sa kanila. Ayon sa isang mananathala na si Jermaine Ann (2014)

kanyang pinahayag ang kanyang sinabi sa Wordpress na may pamagat na “ano

naba ang uso ngayon?”, sinabi niya na, kapag ikaw ay malungkot at ikaw ay

makakaita ng mga ganitong meme ikaw ay mapapatawa nalang habang


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

14
mayroong luha sa iyong mga mata, dahil sa mga malilikhaing isip nga mga taong

gumagawa ng mga ganitong konsepto. Samantala sa gitna ng mga positibo at

kasiyahan na dulot ng meme marami naman ang naiinis at nagagalit dito, dahil

kung minsan ang meme ay nagiging isa sa mga dahilan ng pambubulas ng mga

tao o kilala natin sa tawag na cyberbullying, marami sa mga tao ang gumagawa

ng meme patungkol sa kalagayan ng isang tao, marami dito ay natutuwa at

marami naman ang nagagalit at naiinis dahil sa mga ginagawa na ito.

Ang mga literatura na ito ay inilathala ng mga nasabing manunulat upang

makapag bigay ng impormasyon at kaalaman hindi lang para sa mga

mananaliksik kundi nadin para sa mga Tao na nais magkaroon ng kaalaman ukol

sa kanilang mga nakasanayan na Gawain tulad na nga lang ng pag gamit ng

social media. Ito ay nakakapag bigay sa kanila ng mga impormasyon kung tama

paba ang pag gamit nila nito, madalas ay hindi nila alam ngunit nagagamit na

pala nila ito upang makapang bulas ng mga tao sa paligid. Marami naman sa

mga Pilipino ay nagagamit ang social media memes upang makapag bigay ng

mga impormasyon sinabi ni Ronald B. Tolintino (2012) na madami sa mga

Pilipino ang gumagamit ng social media upang masabi nila sa mga tao na

nakaka taas sa kanila kung ano ang kanilang mga napapansin at nararamdam,

ito ay mabisang paraan para masabi nila ang kanilang mga hinaing. Para sa mga

Pilipino naman ngayon na nais mag bigay ng impormasyon sa pamamagitan ng

memes ayon kay Rebecca Garcia (2017) hindi mona kailangan ng edukasyon

para lang makagawa nito ang iyo lang kailangan ay malawak nap ag iisip at ang

iyong malikhaing kakayahan ng pag gamit ng mga salita.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

15
Banyagang Literatura
Isang artikulo ang itinalaga sa isang website na tinatawag na “BUSTLE”

na tinitulohang “Why Do We Love Memes?” na isinagawa ni JR Thorpe. Ang

artikulong ito ay nagbibigay paliwag kung bakit gusto ng karamihan ang memes

at kung ano ito. Isa daw itong digital na larawan na naglalaman ng kaalaman,

political, at kung ano pa na ideya na pwedeng haluan ng humor. Ito ay

kadalasang nakikita sa Facebook, Twitter, at iba pang mga social media site. Isa

rin daw itong sosyal, dahil kadalasan sa mga memes ay naglalaman ng mga

pangkaloobang biro o jokes at pati na rin na isinagawa lamang para sa mga

makakaintindi, halimbawa nito ay ang mga memes na patungkol sa iisang kultura

at ang makakaintindi lamang nito ay ang mga parte ng nasabing kultura. Ang

kadahilanan daw ng paglaganap nito ay dahil hindi mahirap magpakalat ng mga

imahe sa social media, ang lahat ay kayang ibahagi ito sa karamihan kaya lubos

itong lumalaganap.

“Memes helps people cope”, isang artikulong itinalaga sa website na

nagngangalang “The Daily Evergreen” na isinulat ni Amar Joshi sa taong 2018.

Ang artikulong ito ay tungkol sa kung paano nakatutulong ang memes sa pag

bawas sa kalungkutan o depresyong nararamdaman ng isang tao. Nakatutulong

daw ito sa pamamagitan ng pagtingin sa mga memes tungkol sa depresyon na

hinahaluan ng humor. Sa pamamagitan nito ay nailalabas ng isang tao sa

karamihan ang kaniyang nadarama sa panahong kalungkutan gaya ng mga

gumagamit ng Twitter, nakakagaan daw ito ng pakiramdam sa paraang

nalalaman ng iba na hindi lamang sila ang nakararanas ng kanilang sitwasyon.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

16
Nakatutulong din daw ito na makita ng isang tao ang kaniyang nararamdaman sa

ibang perspektibo.

Hindi lamang daw ito nakakatulong sa isang indibidwal ngunit pati na rin

sa isang grupo, maaring magkaroon ng koneksyon ang isang indibidwal sa iba’t

ibang tao sa pamamagitan ng memes. Ayon rin sa artikulo na ang mga taong

kayang gawing biro ang kanilang depresyon ay isang paraan ng pagpapagaan

ng kanilang nararamdaman at sa pagpapababa ng kanilang tension.

Isa nanamang artikulo ang isinagawa upang magbigay liwanag kung ano

ang benepisyong kayang ibigay ng memes. “Why Memes are Good For You”

isang artikulong ginawa ni Adji Djouf sa taong 2018 na itinalaga sa website na

nagngangalang “the talon”. Ang artikulong ito ay naniniwala sa positibong

epektong naidudulot ng memes sa isang indibidwal, gaya ng nabanggit sa

artikulo na ang tawa ay ang pinaka mabisang gamot, tulad ng memes na kayang

magbigay saya sa karamihan sa madaling paraan. Sa simpleng pag basa at pag

gamit lang ng mga social media sites gaya ng Facebook, twitter, snapchat, at iba

pang websites ay kaya nang buuin ang araw ng isang indibidwal.

Ayon din sa artikulo na ang memes ay kayang magbigay komunikasyon

sa karamihan at kaya rin nitong magbigay kaalaman, impormasyon, at pati na rin

ang mga opinyon ng karamihan. Ang tanging problema lamang ay maari itong

magdulot ng distraksyon sa gawain ng isang tao.

Ang mga literaturang nailathala ay hindi lamang nakauugnay sa

isinasagawang pananaliksik. Ang mga ito ay nakatutulong sa pagbibigay liwanag


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

17
at impormasyon kung ano ang memes. Ang mga literaturang ito ay isinagawa

upang ipakita ang benepisyong tinataglay ng memes at paano ito lumalaganap.

Lokal na Pag-aaral
Isang pagsusuri ang naisagawa ukol sa paggamit ng isang social media

site na tinatawag na “Facebook” at matukoy kung ang mga Pilipino ay na-adik na

sa paggamit nito. Ang pagsusuring ito ay binansagang “Social “Narcotic” Site:

Are Filipinos Addicted to Facebook?” (Gayoso, 2015), ang mananaliksik ay

gumamit din ng teoryang Uses at Gratification sa paniniwalang ito ang teoryang

nababagay sa pag-tuklas ng kadahilanan ng patuloy na pag-gamit ng tao sa

Facebook. Ayon din sa pananaliksik, ang Pilipinas ay tinaguriang “Social

Networking Capital in the World” dahil umabot sa halos 30 milyong Pilipino ang

gumagamit ng Facebook noong taong 2013 (Lizan, 2013).

Ang pag-aaral na ito ay sinusubukang malaman ang dahilan ng tuluyang

paggamit ng mga tao ng Facebook sa pamamagitan ng pagtuklas kung para

saan nila ito ginagamit at kung hanggang ilang oras nila ito ginagamit. Upang

maisagawa ang pananaliksiksik ay kumuha ang mananaliksik ng mga kalahok sa

Facebook. Ang mananaliksik ay gumawa ng direktang mensahe at nag-bigay ng

link para sa kaniyang mga friends sa Facebook upang sumagot ng sarbey sa

isang website.

Ayon sa resulta ng isinagawang pagsusuri, napatunayan na hindi pa

tuluyang naadik ang mga Pilipino sa paggamit ng Facebook, subalit may iilan na

ring mga Pilipino ang naadik dito ayon sa resulta ng sarbey. Ayon sa resulta ng
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

18
paggamit ng teoryang Uses at Gratification, karamihan ng mga Pilipino ay

gumagamit ng Facebook para sa komunikasyon at sosyal na interaksyon. Ayon

din sa mananaliksik, base sa kaniyang data na naikalap ay masasabing ang mga

Pilipino ay gumagamit ng Facebook upang mapunan ang kani-kanilang

pangangailangan. Masasabing ang Facebook ay patuloy na ginagamit sa

kadahilang ito ang pumupunan sa kani-kaniyang pangangailan ng mga

gumagamit nito.

Mayroon din isang pagsusuri na umaayon sa pananaliksik na tinatalakay,

ito ay ang “Facebook Usage and Depression Levels of Selected Filipino College

Students” na isinagawa ng mga magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas ng Los

Baños na sina Grace Pauline A. Maglunog at Marison Felicidad R. Dy na

inalathala sa taong 2019. Ang pagsusuring ito ay isang sosyo demograpikong

pagaaral ng mga karakteristiko at sa paggamit ng Facebook ayon sa lebel ng

depresyon ng mga studyante ng kolehiyo. Naitala sa pananaliksik na ang

umaabot sa 350 milyong katao ang mayroong depresyon (WHO, 2016), ito na rin

daw ang pangalawa sa dahilan ng pagkamatay ng maraming tao (WHO, 2018).

Nais matuklasan ng pananaliksik na ito kung gaano katagal gumagamit ng

Facebook ang mga kalahok ng pagsusuri at matuklasan ang lebel ng kanilang

depresyon at mai-ugnay sa oras ng kanilang paggamit sa Facebook. Ang

pagsusuri ay kumuha ng mga kalahok sa pananaliksik sa pamamagitan ng

purposibong sampling. Ang pananaliksik ay gumamit ng questionnaire sa

pagkalap ng data na kinakailangan. Binigyan ang mga kalahok ng questionnaire

batay sa kanilang kasarian, ito ay dahil sa mga naitala na mga pagsusuri na may
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

19
pagkakaiba ang mga lalaki at babae sa karanasan sa depresyon (Galambos,

Leadbeater, & Barker, 2004) at sinasabi rin na ang mga babae daw ay mas

madalas makaranas ng depresyon kaysa sa mga lalaki (American Institute of

Stress, 2016).

Natuklasan ng pananaliksik na nakaapekto ang paggamit ng Facebook sa

depresyon ng isang tao, pag lalong tumatagal ang paggamit nito ay mas tumitindi

ang depresyon. Naitala din sa resulta na ang mga kalahok na mas may

matinding depresyon ay mas matagal ang paggamit ng Facebook kaysa sa ibang

mga kalahok na hindi gaano kalubha ang depresyon. Nakatala din sa

pananaliksik ang iba’t-ibang dulot ng Facebook upang lumala ang depresyon ng

isang tao kagaya ng nililikhang liwanag ng mga gadyets na nasasagap ng

gumagamit ay nakaaapekto sa pagtulog ng tao (Czeisler 2013) at kapag ang tao

ay naapektuhan ang pagtulog ay maaari nitong limitahan ang pagproseso ng

neurotransmitter ng isang tao na maaring magdulot ng mga negatibong emosyon

(Strickland 2014). Ang pananaliksik na ito ay ipinapahiwatig na ang patuloy na

paggamit ng Facebook ay mas nakasasama sa depresyon ng tao at natuklasan

din na ang mga may depresyon ay mas madalas gumamit ng facebook.

Mapapansin dito na ginagamit nila ang mga social media sites or applications

upang malibang ang kanilang mga sarili at tumakas panandalian sa reyalidad.

“Facebook use and adolescents’ emotional states of depression, anxiety,

and stress.” Isa ring pananaliksik ang isinagawa upang matuklasan ang epekto

ng paggamit ng Facebook sa emosyonal na estado ng anxiety, depresyon, at

stress ng kabataan. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa ni Leodoro J. Labrague


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

20
sa taong 2014. Ang pananaliksik na ito ay isang deskriptibong korelasyonal at

ang mga kalahok ng pananaliksik na ito ay mga estudyante ng narsing sa

Unibersidad ng Samar. Ayon sa pananaliksik, ang Facebook daw ay tinaguriang

pinaka sikat na social media site sa Pilipinas at karamihan ng mga gumagamit

nito ay mga kolehiyo, ito ay ginagamit upang kumilala ng mga tao, para makipag

relasyon, at dahil lamang din sa kainipan.

Isinagawa ang sarbey ng pananaliksik sa pamamagitan ng questionnaire,

ang questionnaire na ito ay may tatlong parte, Demograpikong Impormasyon,

Facebook Intensity Scale, at Depression Anxiety and Stress Scale (DASS). Ayon

naman sa resulta ng pananaliksik na walang koneksyon ang paggamit ng

Facebook sa depresyon, anxiety, at stress ng isang tao. Ngunit, ayon din sa

pananaliksik na ang patuloy na paggamit nito may maaring magdulot ng anxiety

sa gumagamit nito.

Ang mga literaturang nailathala ay hindi lamang nakauugnay sa

isinasagawang pananaliksik. Ang mga ito ay nakatutulong sa pagbibigay liwanag

at impormasyon kung ano ang memes. Ang mga literaturang ito ay isinagawa

upang ipakita ang benepisyong tinataglay ng memes at paano ito lumalaganap.

Banyagang Pag-aaral
Sa mga nag daang eleksyon sa Pilipinas ating mapapansin sa mga social

media sites ang kabi kabilang pag sulpot ng kanilang mga Political

Pdvertisement. Ayon sa isang mananaliksik na si Dr. Anushka Kulkarni (2017) sa

kanyang pag aaral na may pamagat na “Internet meme and Political Discourse:
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

21
A study on the impact of internet meme as a tool in communicating political

satire”. Nagagamit daw ang Internet meme bilang isang political satire. Ayon sa

kanyang pag aaral marami sa mga political parties ang ngayon ay gumagamit na

ng Social media upag mag karoon sila ng komunikasyon sa tao, at isa nadin ang

Meme sa nakaka tulong sa kanila para makita ang mga isyu na gustong iparating

ng mga tao. Marami din ang mga nasa political parties ang gumagamit nadin ng

meme upang kritikan o tutulan ang ilan sa mga isyu na kinakaharap ng kanilang

bansa. Karamihan sa mga meme ay ginagamit upang makapag bigay ng

Inpormasyon, kasiyahan, tuwa o iba pang mga bagay pero karamihan din sa

mga political parties ay ginagamit nadin ang meme upang sila ay makapag lahad

ng propaganda sa mga Tao.

Hindi natin maitatanggi na kadikit na ng ating buhay ang pag gamit ng

social media ito na ang ating nakasaayang libangan para mag palipas ng oras.

Ayon sa isang Pag-aaral na ginawa nila Carlson M.A et al 2015 na may pamagat

na “The Spread of memes in a Digital World”, marami sa mga tao ang pwede

maka kuha o makita ng meme ng mabilisan, ito daw ay makaka tulong upang

makapag bigay ng impormasyon o karagdagang kaalaman para sa mga taong

makakakita nito. Makaka tulong din ang meme para sa isang indibidwal na tao

na malaman kung ano ang mga responde ng iba sa mga iba’t ibang bagay na

kumakalat sa social media at para nadin mabawas ang mga hindi pag

kakaunawaan ng mga tao tungkol sa bagay na iyon. Ayon sa kanila ang meme

daw na mayroong backround information ay magagamit bilang kagamitan para

malaman kung ang meme ba na ito ay makaka tulong sa mga tao o hindi, ito ang
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

22
mag papatunay na mas mabilis kumalat ang mga meme na mayroong mga

inpormasyon kaysa sa mga meme na puro katutuwanan ang laman.

Hindi lang sa social media makikita ang mga memes sa katunayan sa

isang pag aaral na ginawa ni Limor Shifman (2013) na may pamagat na “Memes

in a Digital World: Reconciling with a Conceptual Trouble maker”. Ang meme

daw ay isang Culural Units na napapasa o napaparating sa isang tao at sa isa

pa. kahit wala pang mga social media noon o ang mga digital na ginagamit

upang makapag lathala ng impormasyon, ang meme daw ay napapag debatihan

na kahit wala pa ang mga ito, pero ngayon na nag karoon na nang mga social

media ito daw ay mas lalong kumalat at mas madali ng Makita at mapag

debatihan ngayon.

Ang mga pananaliksik na ito na ginawa ng mga ng mga nasabing mag

aaral ay makakatulong hindi lamang sa iba pang mga mananaliksik kundi para

nadin sa ibang mga tao na nais mag karoon ng kaalaman pa tungkol sa mga

bagay na nabanggit at pinag aralan. Sinabi ni Shifman (2013) na ang memes

daw ay isang paraan sa social media upang mag karoon ng isang debatihan,

samantala kanya din sinabi na kahit wala pa man mga social media noong mga

lumipas na panahon kanyang sinabi na mayroon nading mga memes noon, ito

ay sa pamamagitan ng papasa pasang impormasyon sa bawat isa na pinag

mumulan ng isang debate. Ang meme na mayroong backround Information ay

mas mabilis na kumakalat kaysa sa mga memes na puro katatawanan lang ang

laman ito ay pinatunayan nila Carlson Ma. Et al 2015 sa kanilang pag aaral na

may pamagat na “The Spread of memes in a Digital World”. Ang social media din
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

23
ay isa sa mga ginagamit na paraan ng mga Politiko para makapag bigay ng

kanilang mga advertisement sa mga tao ayon sa isang pag aaral na ginawa ni

Dr. Anushka Kulkarni (2017) ang social media daw ay isang Political Satire na

ginagamit ng mga Politiko upang magkaroon ng koneksyon sa mga tao.

Sintesis ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral


Marami na nga sa mga kabataan ngayon ang naadik na sa pag so-social

media, at isa na dito ay ang pag babasa ng meme bukod sa ito ay nakakatulong

na sa kanila para mabawasan ang kanilang mga pagod, karamihan sa kanila ay

gumagawa nadin ng kanilang mga sariling bersyon na meme. Wala na ngang

pinipiling tao ang social media madalas pati ang pinaka mataas na tao pa sa

pilipinas ang nagiging bida, noong kasagsagan ng pamumuno ni dating

Pangulong Noynoy Aquino siya lagi ang mukha ng social media, dahil madaming

tao ang nag lalabas ng kanilang mga hinain patungol dito. Kapag ikaw ay

nalulungkot ay at iyong nahawakan ang iyong telepono at iyo itong binuksan

mapapatawa ka nalang talaga habang may mga luha sa iyong mga mata, sinabi

ni Jermaine Ann (2014) na ang meme ay makakatulong upang makapag alis ng

masamang emosyon sa isang tao, samantala kahit na mabuti ang nadudulot nito

madami padin na mga tao ang naiinis dito dahil marami sa mga tao ang

sinasamantala ang social media upang makapang bulas ng tao, sila ay kukuha

ng mga kakatwang litrato ng ibang tao at gagawan ito ng mga panlalait na salita

para pag tawanan sa social media.

Ang mga panitikang nakapaloob dito ay mga literaturang ay nagbibigay ng

impormasyon kung ano nga ba ang memes, kung paano ito ginagamit at
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

24
papaano ito nakakapag bigay saya sa karamihan. Ang artikulong “Why Do We

Love Memes?” ay nagbibigay liwanag sa tungkol sa kung ano ang memes at

bakit ito lumalaganap at tinutunghayan ng karamihan. Isa daw itong digital na

larawang naglalaman ng biro o mga jokes na ninanais magpasaya ng mga taong

makakakita nito. Sa pamamagitan nito ay kaya nitong magbigay aliw sa mga tao

kahit panandalian lamang. Ang ikalawa naman ay isang artikulo na binagsagang

“Memes helps people cope”. Ang pinapahiwatig ng manunulat sa literaturang ito

ay kung paano nakakapagpababa ng depresyon ang mga memes sa

pamamagitan ng pagbasa ng mga memes tungkol sa depresyon, napapagaan

nito ang loob ng mambabasa dahil nalalaman nito na hindi lamang siya ang

nagdurusa at maaring magkaroon ng koneksyon sa mga tao sa social media

nakararanas ng depresyon sa pamamagitan ng memes. Ang ikatlong artikulo

namang nagngangalang “Why Memes are Good For You”, ayon sa artikulong ito

ay isa ang memes sa mga mabisang gamot para sa kalungkutan. Ito daw ay

isang mabilis at simpleng paraan para magbigay aliw sa isang indibidwal. Sa

pamamagitan ng memes ay makakalimutan na ng isang tao ang problema nitong

dinadala kahit sa maiksing panahon lamang.

Ang nilalaman ng lokal na pagaaral ay naglalaman ng mga pagaaral na

naisagawa upang tuklasin ang mga kadahilan ng paggamit ng mga tao sa social

media at kung paano ito naapektuhan ang gumagamit. Ang unang pagaaral na

naitala ay ang “Social “Narcotic” Site: Are Filipinos Addicted to Facebook?” na

isinagawa upang matuklasan kung naadik na ba ang mga Pilipino sa paggamit

nito at kung ano ang kanilang pakay sa paggamit nito na kanilang binabalik-
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

25
balikan. Ang pagsusuring ito ay gumamit ng Uses and Gratification theory at sa

pamamagitan nito ay kanilang natuklasan na hindi pa tuluyang ang karamihan sa

mga Piipino ay ginagamit ito para sa komunikasyon subalit ayon din sa resulta

ng pananaliksik na may kanikaniyang paraan ng paggamit ang mga respondente

ayon sa Uses and Gratification. Ang ikalawa naman ay ang “Facebook Usage

and Depression Levels of Selected Filipino College Students”, ang pananaliksik

na ito ay nagnanais na malaman kung may kinalaman ang lebel ng depresyon ng

isang tao sa paggamit nito ng Facebook. Ayon sa resulta ng pananaliksik na

nabanggit, naitala dito na ang mga respondent na may mas malubhang

depresyon ay mas matagal gumamit ng Facebook kumpara sa mga may mas

mababang lebel ng depresyon. Ang pananaliksik na ito ay pinapakita ang mga

taong may depresyon ay kadalasang naglilibang sa pamamagitan ng Facebook

upang makalimot sa kung ano mang problema ang kanilang dinadala. At ang

ikatlong pagaaral, ang “Facebook use and adolescents’ emotional states of

depression, anxiety, and stress.”. Isang pagaaral na nagnanais matuklasan kung

nakaapekto ba ang estado ng depresyon, anxiety, at stress ang social media site

na Facebook. Batay sa resultang naikalap ng mananaliksik ay walang kinalaman

ang depresyon, anxiety, at stress sa paggamit nito. Ngunit nabanggit sa pagaaral

na ito na ang patuloy na paggamit nito ay nakapagpapalubha ng anxiety ng isang

tao. Ang mga pagaaral na nakalap ay nagpapatunay na isa sa dahilan nga

kanilang pagbabad sa Facebook ay dahil sa kanilang mga problema, ginagawa

nila ito upang malibang.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

26
Marami na sa mga tao at politiko ngayon ang gumagamit ng social media

meme para sa kanilang pakikipag kilala or sa pakikipag kampanya pinatunayan

nayan ni Dr. Anushka Kulkarni, sinabi niya na nagagamit ang social media meme

bilang isang Political Satire kung saan ang mga political parities ay gumagamit

na ng meme upang iapalathala sa mga tao and kanilang nais iparating. Madali

nalang ang maging masaya ngayon, ialang pindot lang gamit ang mga

teknolohiya maari kana maging masaya at makalimutan ang iyong mga problema

tulad ng sinabi nila Carlson M.A et al, madali na ang mgakahanap ng mga social

media meme lalo na sa panahon ngayon, ilang pindot lang ay makaka kuha kana

ng mga impormasyon. Wala pa man mga social media noong mga nakalipas na

panahon marami padding ibang paraan upang ikaw ay maging masaya sa gitna

ng mga problema, sinabi ni Limor Shifman (2013) na wala pa man mga

teknolohiya noon ay mayroon nang mga pinag didebatihan na meme sa

pamamagitan lamang ng mga pisikal na imahe o mga usapin.

Ang mga nabanggit na mga kaugnay na literature at pag-aaral ay

tumutulong upang mas lubos na maunawaan ang mga konseptong ipinresenta

ng pag-aaral na ito. Nakalagay dito ang mga epektong nagagawa ng memes at

social media sa tao. Higit pa doon ang mga ito ay napili upang suportahan ang

naging pag-aaral ng mga mananaliksik sa pananaliksik na “Isang Pagsusuri sa

Panandaliang Kasiyahang Nadudulot ng Social media Memes sa mga Mag-aaral

ng AMA College Caloocan Senior High School”.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

27
KABANATA III
DISENYO AT PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pamamaraan na ginawa upang

makuha ang datos; ang populasyon, dami ng mga kalahok at ang ginawang

proseso sa pagkuha nito, paglalarawan sa mga respondante, setting ng pag-

aaral, instrumento ng pag-aaral at pamamaraan ng pagkalap ng datos.

Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang

deskriptibo. Ang deskriptibong pananaliksik ay nakapokus sa pagsagot sa

tanong na “ano”. Layon nito na kumilatis at maglarawan ng mga kondisyon o

relasyon sa pagitan ng mga variable, mga opinyon at paniniwala, mga proseso at

epekto, at mga papausbong na trend (Ardales, 2008).

Ang deskriptibong pananaliksik ay angkop para sa pag-aaral sapagkat ito

ay nakabatay sa mga obserbasyon ng mga mananaliksik sa mga magiging sagot

ng respondante sa interbyu at pagkuha ng palagay sa pamamagitan ng

paglalarawan sa kondisyon at variable na ipinresenta.

Seting ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa loob ng nasasakupan ng AMA

Caloocan Campus gusali ng Senior High School. Ang mga interbyu ay nangyari

sa loob ng silid-aklatan ng parehong gusali. Ang mga respondate ay binubuo ng

mga mag-aaral mula sa iba't ibang strand ng senior high school, sa parehong

baitang ng Baitang 11 at Baitang 12.


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

28
Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga inaasahang respondante ng pag-aaral ay binubuo ng mga piling

mag-aaral ng AMA Caloocan Campus Senior High School. Ang pag-aaral na ito

ay ginamitan ng purposive sampling. Kinuha ang mga kalahok sa pag-aaral

batay sa taglay nilang katangian na makakatulong sa pag-aaral. Pinili ang mga

mag-aaral na madalas gumamit ng social media at tumingin ng memes. Sa

bilang na 603 sa mga mag-aaral ng Baitang 11 at 493 sa Baitang 12, na may

kabuoang bilang na 1096 kumuha ang mga mananaliksik ng mga respondante

hanggang magkaroon ng sapat na data para makagawa ng konklusyon.

Limampung (50) mag-aaral ang nakuha upang sumapat sa pangngailangan ng

pag-aaral.

Instrumentasyon

Napgpasiyahan ng mga mananaliksik na magsagawa ng mga

pagpapanayam sa mga napiling respondante mula sa AMA Senior High School

para makuha ang kinakailangang datos sa pag-aaral. Napilli ang interbyu bilang

instrumento ng ginawang pananaliksik sapagkat mas makukuha nito ang mga

kinakailangang detalyadong impormasyon mula sa mga respondante kumpara

sa limitadong maaring maisagot at impormasyong mabibigay ng sarbey. Ang

ginawang mga questionnaire para sa gagawing interbyu ay naglalaman ng mga

open-ended na katanungan sapagkat mas epektibo itong gamitin sa

pakikipanayam na siyang may katangiang qualitative (Creswell, 2012).


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

29
Pamamaraan ng Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay unang nag-isip at naglista ng limang pamagat

na maaring gawing pag-aaral na kanilang ibinigay sa kanilang guro. Matapos

pumili ng kanilang gurong tagapayo sa pananaliksik ng pag-aaral na maari nilang

gawin at maisaayos ang pormat ng pagkakagawa ng pamagat ng nasabing pag-

aaral ay pinagawa naman sila ng research matrix. Ang research matrix ang

magsisilbi nilang gabay sa paggawa ng pag-aaral. Una munang gumawa ang

mga mananaliksik ng Pangkalahatang Suliranin na magiging batayan ng mga

tiyak na tanong na sasagutin sa pag-aaral. Dalawang beses pinarebisa ng

kanilang guro ang nasabing matrix upang masiguradong tama ito. Matapos

maitama ang matrix ay nagsimulang gumawa ang mga mananaliksik ng

Kabanata I. Pinagparte-parte nila ang gawain at indibidwal itong tinapos.

Matapos gawin ang Kabanata I at kasabay na maghanap ng mga kaugnay na

pag-aaral at literature upang suportahan ito, ay sila’y nagpatuloy sa paggawa

naman ng Kabanata III. Nang malaman ang paraan kung paano gagawain ang

pag-aaral ay gumawa ang mga mananaliksik ng isang talatanungan na gagamitin

para sa gagawing interbyu. Ang talatanungan ay una munang ipinasa sa

kanilang gurong tagapayo sa pananaliksik upang maitama at mapagtibay.

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng permiso mula sa administrasyon ng

AMA Caloocan Campus Senior High School kung saan gaganapin ang pag-

aaral. Matapos maaprubahan ang gagawing interbyu ay sunod na kumuha ang

mga mananaliksik ng mga respondante na magiging kalaho ng pag-aaral. Ang

mga makakapanayam ay kinuha batay sa kanilang katangian na siyang


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

30
makakatulong sa pag-aaral. Matapos makapag-interbyu ng sapat ng bilang,

sapat upang makabuo ng konklusyon ang mga mananaliksik ay pinag-aralan ang

mga naging sagot ng mga respondante at bumuo ng konklusyon mula dito. Ang

mga naging konklusyon ay tinipon upang sagutin ang mga suliranin sa pag-aaral.
AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

31
Talatanungan

1. Gaano ka kadalas gumagamit ng social media?

2. Ano ang iyong dahilan o mga dahilan sa paggamit ng social media sa araw araw?

3. Gaano ka kadalas nakakakita ng memes tuwing gumagamit ka ng mga social

media sites?

4. Gaano katagal ang oras na ginugugol mo sa pagtingin sa mga memes?

5. Sinasadya mo bang tumingin ng memes upang malibang o makahanap ng

panandaliang kasiyahan?

6. Sa anong estadong emosyanol (masaya, malungkot atbp.) mo napipiling

makakita o tumingin ng mga memes?

7. Sinasadya mo bang humanap at tumingin ng mga memes kung ika’y nalulungkot?

8. Paano nakakaapekto sa iyong nararamdaman ang pagtingin sa mga memes sa

panahong nakakaranas ka ng paghihirap o kalungkutan?

9. Anong uri (batay sa pormat: video, larawan, o teksto) ng social media meme

ang iyong pinaka gusto?

10. Anong mga uri ng memes (batay naman sa nilalaman o paksa) ang mas

nakapagpapasaya o mas gusto mong nakikita?

11. Ano ang estado ng iyong emosyon (masaya, malungkot atbp.) pagkatapos ng

iyong pagbabasa social media at maka encounter ng mga memes?

12. Nanatili ba ang kasiyahang nararamdaman mo na dulot ng social media memes o

nawawala rin agad ito matapos mong gumamit ng social media?


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

32
13. Paano naapektuhan ng kasiyahang nadudulot ng mga social media memes ang

iyong kabuuoang nararamdaman?

14. Maapektuhan ka ba kung sakaling hindi ka makapagbasa o makatingin ng mga

memes? Bakit?

15. Maituturing mo bang mahalaga para sa iyo ang kasiyahang dulot ng memes?

Ipaliwanag.

16. Sa iyong palagay bakit ka naapektuhan ng mga social media memes?


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

33
TALASANGGUNIAN

Booth, C. (2019, December 16). [Best of 2019] The most popular social media networks

each year, gloriously animated. Retrieved from

https://thenextweb.com/tech/2019/06/11/most-popular-social-media-networks-year-

animated/

Djouf, A. (2018, November 9). Why Memes are Good For You. Retrieved from

https://www.gradedtalon.com/5153/features/why-memes-are-good-for-you/

Faucher, A. (n.d.). Meme Culture and Mental Health. Retrieved from https://shs-lakebreeze-

publications.com/3606/student-life/meme-culture-and-mental-health/

Garcia, R. (2017, November 8). Memes: New form of Communication and Literature?

Retrieved from https://publiclinguist.blogspot.com/2017/11/memes-new-form-of-

communication-and.html

Gayoso, A. (n.d.). Social "Narcotic" Site: Are Filipinos Addicted to Facebook? Retrieved

March 18, 2020, from

https://www.academia.edu/11933963/Social_Narcotic_Site_Are_Filipinos_Addicted_to_

Facebook

Joshi, A. (2018, October 17). Memes can help people cope. Retrieved from

https://dailyevergreen.com/38952/opinion/memes-can-help-people-cope/

Kulkarni, A. (2017). Internet meme and Political Discourse: A study on the impact of

internet meme as a tool in communicating political satire. Journal of Content,


AMA COMPUTER COLLEGE – CALOOCAN CAMPUS
263 UE Tech Road, Caloocan City

34
Community & Communication, 6, 13–17. Retrieved from

https://www.amity.edu/gwalior/JCCC/index.html

Labrague, L. J. (2014). Facebook use and adolescents’ emotional states of depression,

anxiety, and stress. HEALTH SCIENCE JOURNAL, 8(1), 81–89. Retrieved from

http://195.130.100.141/bitstream/11400/1481/1/817.pdf

Maglunog, G. P. A. (2019). Facebook Usage and Depression Levels of Selected Filipino

College Students. International Journal of Psychology and Educational Studies, 6(2),

35–50. Retrieved from https://www.ijpes.com/

Mazambani, G., Carlson, M., Reysen, S., & hempelmann, C. (2015). Impact of status and

meme content on spread of memes in virtual communities. Human Technology, 11.

Retrieved from https://humantechnology.jyu.fi/

Shifman, L. (2013). Memes in a Digital World: Reconciling with a Conceptual

Troublemaker. Journal of Computer-Mediated Communication, 18(3).

The Statistics Portal. (n.d.). Retrieved from https://www.statista.com/

Thorpe, J. R. (2017, February 9). Why Do We Love Memes? Retrieved from

https://www.bustle.com/p/why-do-we-love-memes-34706

You might also like