You are on page 1of 1

Kartilya ng Katipunan

“Kartílya ng Katipúnan” ang popular na tawag sa akda ni Emilio


Jacinto na naglatag ng mga batas at prinsipyo ng Katipunan at  nagsilbing  gabay  para  sa  mga 
kasapi nitó. May katulad ding akda si Andres Bonifacio na pinamagatan namang “Katungkulang
Gagawin ng mga Z.Ll.B.”  ngunit  ipinasiya  niyang  ang  isinulat  ni  Jacinto ang ikabit sa
sinusumpaang kasulatan ng magiging kasapi ng Katipunan. Ang orihinal na pamagat ng “Kartilya ng
Katpunan” ay “Mga Aral ng Katipunan Ng Mga Anak ng Bayan” at hinahangaan noon ar ngayon
dahil sa matalinghaga ngunit eksaktong pormulasyon ng mga tuntunin sa buhay na dapat sundin ng
isang Katipunero. Ang unang pangungusap nitó: “Ang kabuhayang hindi ginugol sa isang malaki at
banal na kadahilanan ay kahoy na walang lilim kundi man damong makamandag” ay tila isang kredo
hinggil sa paglilingkod sa bayan at sa kapuwa tao.
Mapapansin  sa  “Kartilya  ng  Katipunan”  ang  tuntuning moral at etiko na nais pairalin sa
Katipunan bilang tunay na kapatirang Filipino. Idinidiin nitó ang pag-ibig sa kapuwa at
pagtutulungan, ang paniniwala sa katwiran, at ang pag-iingat sa dangal at puri bilang tao.
Gayunman, taglay din nitó ang pangunahing mga simulaing demokratiko, gaya ng pagkakapantay
ng tao anuman ang kulay ng balát, antas ng kabuhayan, at pinag-aralan. Ipinangangaral din nitó ang
mataas na pagtingin sa kababaihan at ang mabigat na tungkulin ng lalaki na alagaan ang asawa at
anak. Sa dulo, iginiit ang pag-ibig sa kalayaan at ang kahandaan ng kasapi na ihandog ang sarili
para sa bayan. Wika nga ni Jacinto, ang “kamahalan ng tao” ay tinitimbang alinsunod sa
“magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri” at lalo na”y “di napaaapi’t di
nakikiapi,” at “marunong magdamdam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.” (KLL)

Code of katipunan-1892, Manilla. The Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng


mga Anak ng Bayan (Supreme and Venerable Society of the Children of the Nation), or
Katipunan formed to fight for independence from Spain. Led by- Andres Bonifacio and
Emilio Aguinaldo, Purpose of code of katipunan--the Katipunan maintained a secret war
against Spanish oppression. Symbols, cryptologic languages, and clandestine rituals marked
the Katipunan's operations. These necessary tools ensured that the Spanish remained
unaware of their plans.

You might also like