You are on page 1of 40

DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 8

(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao


Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
UNANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
Pagkatuto. Isulat ang code positibong impluwensya sa sarili. EsP8PB-Ia-1.1
ng bawat kasanayan 2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng tahanan at sa
lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang iba’t ibang malikhaing
pamamaraan.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 2-9


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p.1-18


Pang-Mag-aaral

1
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532


mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga Larawan mula sa internet


Panturo https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHS-bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clip
art+wedding&imgdii=DC3tkxJsEmjguM:&imgrc=IW9BIqGVtPF0KM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isc
h&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHS-bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=clip-
art+family&imgrc=7q2wVgTF1RKOLM:

Mga pangkulay at makukulay na papel


Panturong Biswal: LCD projector, laptop, ESP 8 Modyul para sa Mag-aaral
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang 1. Gamit ang flash cards ipabasa ang mga konsepto sa ibaba. Tumawag ng ilang mag-aaral na
aralin at pagsisimula ng magpapaliwanag ukol dito. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
bagong aralin. Hilig Pamilya Pagpapasiya
Talento Sekswalidad Pagpapahalaga sa pag-aaral

2. Pasagutan ang Paunang Pagtataya para sa pagsisimula ng aralin. (Gawin sa loob ng 5


minuto) (Reflective Approach)

Paunang Pagtataya
Panuto: Isulat sa notbuk ang titik lamang ng mga sagot sa sumusunod na pagsusulit.

2
1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sector. Alin sa mga institusyon sa
lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. Paaralan
b. Pamilya
c. Pamahalaan
d. Barangay

2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang
dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pamamagitan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at
magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.

3. Ang bawat pamilya ay ginagabayan ng batas ng malayang pagbibigay (law of free giving). Alin
sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa nasabing batas?
a. Isang ama na naghahanapbuhay upang maibigay ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
b. Pinag-aaral ng mga magulang ang kanilang anak upang sa pagdating ng panahon sila naman
ang maghahanapbuhay sa pamilya.
c. Naging masipag ang anak sa paglilinis ng bahay dahil nais niyang mabigyan ng karagdagang
baon sa iskwela.
d. Nais ng magulang na may mag-aaruga sa kanila sa kanilang pagtanda kung kaya’t inaaruga
nila nang mabuti ang kanilang mga anak.

4. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon
din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.

3
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.

5. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na


pahayag ang hindi nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao.
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo
nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-loob at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapwa wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa
mga bata.

6. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos


na pamilya?
a. Pinagsama ng kasal ang magulang
b. Pagkakaroon ng mga anak
c. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
d. Mga patakaran sa pamilya

7. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang
pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat
mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag na ang pamilya ang una at patuloy na
pundasyon ng edukasyon para sa panlipunang buhay (social life)?

4
a. Ang pamilya ang siyang may katungkulan napag-aralin ang mga anak.
b. Ang mga magulang ang unang naging guro, gumagabay, at nagtuturo ng pakikitungo sa
kapwa.
c. Ang pamilya ang unang kapwa at madalas na kausap o nakakahalubilo sa loob ng tahanan.
d. Ang mga magulang ang pinagmulan at huling kahahantungan ngating buhay.

9. Ano ang dahilan kung bakit ang pagtutulungan ay natural sa pamilya?


a. Dahil kaligayahan ng bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.
b. Dahil wala nang iba pang magtutulungan kundi ang magkakapamilya.
c. Sapagkat kusang tumutulong ang bawat miyembro ng pamilya sa abot ng kanilang makakaya.
d. Sapagkat natural lang na magtulungan sa pamilya upang maipakita ang suporta ng bawat isa.

10. “Ang mabuting pakikitungo sa pamilya ay daan sa mabuting pakikipagkapwa tao.”


Ano ang ibubunga nito sa isang tao kung ito ang kanyang isasabuhay?
a. Higit na nagiging popular ang isang tao kung maayos ang kanyang pakikipagkapwa tao.
b. Nakatutulong ito sa kanyang suliranin sa buhay upang masolusyunan ang problema.
c. Ang maayos na samahan sa pamilya ay nagtuturo sa tao na maging mabuti sa
pakikipagkapwa tao.
d. Madaling matanggap ng kapwa ang isag tao na maayos ang pamilyang kinabibilangan.

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may
positibong impluwensya sa sarili.
2. Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng bawat kasapi ng pamilya sa loob ng tahanan at sa
lipunang kinabibilangan nito.
3. Nakabubuo ng iba’t ibang pakahulugan tungkol sa pamilya gamit ang iba’t ibang malikhaing
pamamaraan.

5
B. Tingnan at suriin ang bawat larawan. Magbigay ng isang salitang mahihinuha mula sa mga
larawan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Integrative/Constructivist Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Ipamahagi sa mga mag-aaral ang kopya ng tula at ipabasa ng sabayan. Pasagutan ang
halimbawa sa bagong aralin katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective approach)

Ang Aking Pamilya


ni: Julie Ann F. Rosario

Sa mundong ito, simula nang ako’y mabuhay,


Ang mga magulang ko ang aking taga gabay.
Sa mundong puno ng lungkot at problema,
Hindi nila ko hinayaang mag-isa at walang kasama.

Sa loob ng labing-anim na pagkabuhay ko sa mundo,


Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko.
Mula sa araw ng aking pagsilang, sila’y nasa tabi.
Hindi nila ko hinayaan hanggang sa ako’y lumaki.

Laking pasasalamat ko sa kanilang pag-aalaga


Pagkat ako’y lumaki nang maayos at may kuwenta.
Kapag may problema, laging nariyan para umalala
Dahil sa ako’y mahal at anak nila.

6
Bilang isang anak, hindi man ako perpekto.
Ayos lang dahil sila nama’y mahal ko.
Hindi ko man ipakita ang pagmamahal na ito
Alam kong nararamdaman ito ng kanilang puso.

Salamat sa inyo, aking ama’t ina.


Sa walang sawa niyong pagsuporta.
Alay ko sa inyo ang matatanggap na medalya,
Kapalit ng inyong maayos na pag-aaruga.

1. Anong mga katangian ng isang pamilya ang isinasabuhay sa tula?


2. Ano-ano ang mga gampanin ng mga magulang ang isinasabuhay sa tula? Ano-ano ang mga
gampanin ng mga anak?

D. Pagtalakay ng bagong Hatiin ang klase sa apat na grupo at isagawa ang gawaing “Ang Aking Pananaw tungkol sa
konsepto at paglalahad ng Pamilya”. Sundin ang sumusunod na gawain sa paglalarawan ng inyong pamilya. Gamitin ang
bagong kasanayan #1 rubric sa susunod na pahina sa paglalarawan ng pananaw o pakahulugan ng pamilya. Bigyan ng
apat (4) na minuto ang bawat pangkat sa pagbabahagi sa klase ng kanilang gawain. Matapos ang
gawain, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutan ang katanungan sa ibaba. (Gawin sa loob ng
20 minuto) (Collaborative Approach)

Pangkat I
Gumuhit ng larawan o di kaya’y gumupit ng mga larawang maaaring magamit sa paglalarawan ng
inyong pamilya.

Pangkat II
Pumili ng isang Tagalog o Ingles na awiting naglalarawan sa inyong pamilya. Ipaliwanag ang
kaugnayan nito.

7
Pangkat III
Sumulat ng dalawang saknong na tulang naglalarawan sa inyong pamilya.

Pangkat IV
Lumikha ng isang maikling dula ng paglalarawan ng inyong pamilya.

1. Anong isang salita ang maaari mong gamiting paglalarawan sa pamilya? Bakit mo napili ang
salitang ito?
2. Anong karanasan sa pamilya ang nagbunsod sa iyo upang magkaroon ng ganitong pananaw
tungkol sa pamilya?
3. Anong mahalagang mensahe ang nais mong ipaabot sa iyong sariling pamilya?

Kraytirya 4 3 2 1
Komprehensibo Gumamit ng May 1-2 salitang May 3-4 na May 5 o mahigit
ang ginawang simple ngunit hindi salitang hindi pang salitang
paglalarawan malinaw na mga maunawaan ang maunawaan ang hindi
salita tunay na tunay na maunawaan ang
kahulugan kahulugan tunay na
Maiksi ngunit kahulugan
sapat ang Masyadong May kahulugan
ginawang mahaba at sa ginawang Hindi malinaw
paglalarawan maligoy ang paglalarawan ang mensahe o
ginawang nilalaman ng
paglalarawan paglalarawan
Tugma ang mga Lahat ng May isang May dalawang May 3 o mahigit
ginamit na simbolong simbolong hindi simbolong hindi pang
simbolo sa ginamit ay tugma tugma sa tugma sa simbolonghindi
paglalarawan sa paglalarawan paglalarawan paglalarawan tugma sa
paglalarawan

8
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang Hindi nakagawa
pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain ng malikhaing
ng sariling sa kabuuan ng ngunit hindi sa ginawang paglalarawan
pakahulugan sa paglalarawan at gaanoong paglalarawan
pamilya tunay na nakapupukaw ng
nakapupukaw ng pansin
pansin ang
kabuuan ng
paglalarawan
May kalakip na Maikli ngunit Hindi naging Hindi Walang kalakip
maikling malinaw ang tuwiran ang naipaliwanag nito na paliwanag
paliwanag paliwanag paliwanag ang nilalaman ng ang malikhaing
malikhaing paglalarawan
paglalarawan

E. Pagtalakay ng bagong Isagawa ang gawaing “Ang Gampanin ng bawat Kasapi ng Pamilya”. Isa-isahin ang mga naiambag
konsepto at paglalahad ng ng mga kasapi ng iyong sariling pamilya para sa sarili, sa mga kasapi ng pamilya at sa
bagong kasanayan #2 pamayanan. Sundin ang sumusunod na hakbang sa pagsasagawa ng gawain. (Gawin sa loob ng
15 minuto) (Integrative approach)

1. Gumuhit sa notbuk ng isang bahay na nagpapakita ng mahahalagang bahagi nito.


2. Gamitin ang istruktura ng bahay at ang ilang kagamitang naririto upang ilarawan mo ang bawat
kasapi ng iyong pamilya at ang mahahalagang kontribusyon nila sa iyo, sa iba pang kasapi ng
pamilya o sa buong pamilya.

9
Halimbawa:

Ang aking ama ang _______________ Ang aking ina ang ________________
dahil __________________________. dahil __________________________.

Ang aking kuya ang ______________ Ang aking ate ang ________________
dahil _________________________. dahil __________________________.

3. Tiyaking mailalarawan mo ang lahat ng kasapi ng pamilya at ang iyong sarili.


4. Matapos ito ay humanap ng isa pang kapwa mo mag-aaral o kaibigan na pagbabahaginan mo
ng iyong ginawa.
6. Itala sa iyong notbuk ang mahahalagang pangyayaring naganap sa iyong ginawang
pagbabahagi.
7. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod natanong:
a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.
b. Bakit mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang tungkulin?
Ipaliwanag.
c. Paano mo napahahalagahan ang kontribusyon ng bawat kasapi ng iyong pamilya sa iyo at sa

10
iyong pamilya?
d. Anong mga katangian ang taglay mo ngayon ang namana mo sa iyong pamilya?

F. Paglinang saKabihasahan Sagutan ang sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa notbuk. (Gawin sa loob ng 2
(Tungo saFormative minuto) (Reflective Approach)
Assessment) 1. Ano ang iyong nahinuha sa nakaraang gawain tungkol sa iyong pamilya?
2. Anong isang salita ang maglalarawan sa iyong pamilya? Ipaliwanag.
3. Bakit mahalagang magampanan ng bawat miyembro ng iyong pamilya ang kanilang
kontribusyon o gampanin?

G. Paglalapat sa aralin sa Bilang isang anak na bahagi ng isang pamilya, magtala ng limang gampanin o kontribusyon sa
pang-araw-araw na buhay loob ng iyong tahanan na lubos na nakatutulong upang mas mapalago ang samahan ng iyong
pamilya. (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)
1. ___________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________
5.___________________________________________________________________________

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ay binubuo ng isang lipunan na magkakasama at pinamamahalaan ng ama’t
ina na siya ring gumagabay sa mga anak. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may mga bahaging
ginagampanan na makatutulong upang mapalago at mapanatiling matatag ang kanilang samahan.

I. Pagtataya ng Aralin Kumpletuhin ang sumusunod na pangungusap hinggil sa iyong pananaw sa pamilya. Isulat ito sa
isang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Constructivist Approach)
1. Ang aking pananaw tungkol sa pamilya ay ________________________________________.
2. Maihahalintulad ko ang aking pamilya sa __________________ sapagkat _______________.
3. Ang gampanin o tungkulin ng pamilya ay _____________________________________.
4. Mahalagang magampanan ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang tungkulin sapagkat

11
_______________________.
5. Mas mapapatibay ang samahan ng pamilya kung __________________________________.

J. Karagdagang gawain para Magtala sa iyong notbuk ng 5-10 karanasan sa pamilya na nagkaroon ng positibong impluwensiya
sa takdang-aralin sa iyong sarili.
atremediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong

12
ng lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

13
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKALAWANG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama,
Pagkatuto. Isulat ang code namasid o napanood. EsP8PBIa-1.2
ng bawat kasanayan 2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili.
3. Naiuugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa tao.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 9


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 9-10


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532

14
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Larawan ng sariling pamilya


Panturo Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Ipakita ang Concept Web, tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa loob ng kahon ang
aralin at pagsisimula ng tungkulin ng bawat kasapi o miyembro ng pamilya. Ipabasa sa klase ang nabuong kasagutan.
bagong aralin. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective/Constructivist Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Nasusuri ang pag-iral ng pagmamahalan at pagtutulungan sa isang pamilyang nakasama,
namasid o napanood.
2. Naibabahagi ang mga karanasan tungkol sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o
nagkaroon ng positibong impluwensiya sa sarili.
3. Naiiugnay ang mga karanasan sa sariling pamilya sa pagpapaunlad ng pakikipagkapwa tao.

15
B. Paguhitin ang mag-aaral ng isang bagay na sumisimbolo sa pagtutulungan at pagmamahalan
ng kanilang pamilya. Ibahagi sa klase ang iginuhit na simbolo at ipaliwanag ito. (Gawin sa
loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)

C. Pag-uugnay ng mga Makinig sa maikling sawikain ni dating Kalihim Jesse Robredo tungkol sa kanyang mga aral na
halimbawa sa bagong natutuhan sa kanyang pamilya na babasahin ng guro. Magbahagi ng sariling karanasan na
aralin natutuhan mo mula sa iyong pamilya na patuloy na isinasabuhay mo sa kasalukuyan. Tumawag
ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sariling karanasan. (Gawin sa loob ng 3
minuto) (Reflective Approach)

“Sa aking mga magulang ay natutuhan ko ang pagmamalasakit sa kapwa, ang


pagiging matipid, at ang pamumuhay ng simple. Sa aking ama, natutuhan ko na
ang pangangalaga sa integridad ng aking pagkatao at ang karangalan ang
pinakamahalaga sa lahat.”

-Dating Kalihim Jesse Robredo

D. Pagtalakay ng bagong Humanap ng kapareha at isagawa ang Think-Pair-Share sa pagpapakilala ng sariling pamilya.
konsepto at paglalahad ng Gamitin ang larawan ng iyong pamilya sa pagpapakilala. Tumawag ng isa hanggang tatlong
bagong kasanayan #1 pareha upang magbahagi sa klase. Sa paglalarawan gamitin ang mga gabay na pangungusap sa
ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto) (Collaborative Approach)
a. Pagpapakilala sa bawat miyembro o kasapi ng iyong pamilya
b. Pagbabahagi ng mga katangian na maipagmamalaki mo sa iyong pamilya
c. Pagbabahagi ng mga kaugalian na iyong natutuhan sa iyong pamilya
d. Paglalahad ng mga karanasang hindi malilimutan kasama ang iyong pamilya

E. Pagtalakay ng bagong Isagawa ang gawaing “Ako ay Ako dahil sa aking Pamilya”. Sundin ang sumusunod na hakbang
konsepto at paglalahad ng sa pagsasagawa ng gawain. Gamitin ang rubric sa susunod na pahina para sa paglikha ng scrap

16
bagong kasanayan #2 book. (Gawin sa loob ng 25 minuto) (Reflective/Integrative Approach)

1. Isa-isahin mo ang iyong karanasan sa pamilya na iyong kapupulutan ng aral o nagkaroon ng


positibong impluwensiya sa iyong sarili.
2. Suriin mo kung paano ka inihanda o inihahanda ng iyong pamilya sa mas malaking mundo ng
pakikipag-kapwa. Isa-isang itala sa iyong notbuk ang lahat ng mahahalagang reyalisasyon mo
tungkol dito.
3. Lumikha ng isang scrap book. Maaaring gumupit ng mga larawan mula sa lumang magasin at
gamitin ang mga ito upang ipahayag ang bunga ng ginawang pagsusuri.
4. Ibahagi sa klase ang ginawang scrapbook. Gamiting gabay ang halimbawa sa ibaba.

F. Paglinang sa Kabihasahan Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Reflective Approach)
(Tungo saFormative 1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan sa loob ng tahanan?
Assessment) 2. Paano napapayabong ng pagmamahalan ang samahan ng isang pamilya?
3. Ano-anong karanasan kasama ang iyong pamilya ang nagpapakita ng pagmamahalan at

17
pagtutulungan?

G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng family log na nagpapakita ng masasaya at malulungkot na karanasan kasama ang
pang-araw-araw na buhay iyong pamilya. Sundin ang katulad na pormat sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
(Reflective/ntegrative Approach)
Petsa Masasayang Karanasan Petsa Malulungkot na Karanasan

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ang pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
patuloy na namamagitan sa mag-asawa na nakakapagbigay-buhay dahil sa pagmamahalan. Ang
pagtutulungan ay natural ding dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng bawat kasapi ang
makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.

I. Pagtataya ng Aralin Tukuyin kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamahalan at
pagtutulungan. Lagyan ng tsek kung ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng
pagtututlungan at pagmamahalan at ekis naman kung hindi. (Gawin sa loob ng 3 minuto)
(Reflective Approach)
__________1. Sama-samang gumagawa ng gawaing bahay ang buong pamilya.
__________2. Nagtatalo ang mga anak dahil sa hindi pagbibigayan.
__________3. Pagpapatuloy sa sariling tahanan sa mga kaapitbahay na nasunugan ng bahay.
__________4. Pag-unawa sa kakaibahan ng isang anak sa ibang kasapi ng pamilya.
__________5. Pagsasawalang bahala ng mga anak sa mga tungkuling iniatas ng mga magulang.
__________6. Pagsisinungaling ng anak sa kanyang mga magulang.
__________7. Paghingi ng payo ng anak sa kanyang magulang hinggil sa kanyang problema.
__________8. Pagtulong ng panganay na anak sa kanyang bunsong kapatid sa paggawa ng
takdang-aralin.
__________9. Sama-samang pagsimba ng buong pamilya.

18
__________10. Pagpapakita ng kawalan ng galang ng mga anak sa kanilang mga magulang.

J. Karagdagang gawain para


sa takdang-aralin at
remediation
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito

19
nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

20
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo) Petsa/Oras Markahan Una
IKATLONG ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan
at pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
Pagkatuto. Isulat ang code pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
ng bawat kasanayan pakikipagkapwa. EsP8PBIb-1.3
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang
pamilya.

II. Nilalaman Modyul 1 : Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 10-12


Guro

2. Mga Pahina sa Kagamitang Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 11-22


Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk

21
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga larawan mula sa internet


Panturo https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=K7vkcSyIBEvmCM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=zaQqEgt8uTdU_M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=CQ9vGN1k5ZVf5M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=is
ch&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+
bilang+institusyon&imgrc=A8gNgSOeR59rSM:

https://www.youtube.com/watch?v=abchPjTCLac
Larawan ng kotse na may stiker ng pamilya
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Magbigay ng isang natatanging karanasan kasama ang iyong pamilya na sa kasalukuyan ay
aralin at pagsisimula ng patuloy na nakaiimpluwensiya sa iyong pagkatao tungo sa pakikipagkapwa. Ibahagi ito sa harap

22
bagong aralin. ng klase. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng pagmamahalan at
pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili tungo sa makabuluhang
pakikipagkapwa.
2. Natatalakay ang mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
3. Naibabahagi nang wasto ang mga dahilan kung bakit itinuturing na intitusyon ng lipunan ang
pamilya.

B. Ipapaskil ng guro ang katulad na larawan sa pisara at itatanong ang sumusunod na


katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Nakita mo na ba ang katulad na larawang nasa likod ng kotse?
2. Nagkaroon ka ba ng katulad na karanasan?
3. Ano ang iyong naisip matapos mong makita ang katulad na larawan?
4. Ano ang iyong naramdaman nang ito ay una mong makita?
5. Ano ang ipinahihiwatig ng mga ito?

23
C. Pag-uugnay ng mga Panoorin ang maikling video tungkol sa kuwento ng isang pamilya
halimbawa sa bagong aralin (https://www.youtube.com/watch?v=abchPjTCLac). Sagutan ang katanungan sa iyong notbuk.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Paano ipinakita ang pagmamahalan at pagtutulungan sa kuwentong inyong napanood?
2. Ano ang mga suliranin sa kuwentong nakahahadlang upang maisabuhay ang pagmamahalan
at pagtutulungan?
3. Anong aral tungkol sa pamilya ang ipinapahayag sa kuwento?

D. Pagtalakay ng bagong Gamit ang powerpoint presentation, ilalahad at tatalakayin ng guro ang iba’t ibang kahulugan ng
konsepto at paglalahad ng pamilya at ang pitong dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ng lipunan ang pamilya.
bagong kasanayan #1 Pangkatin sa pito ang mga mag-aaral at magtalaga ng isang lider at tagapag-ulat. Atasan ang
bawat pangkat na gumawa ng slogan na may 10-15 salita gamit ang itinalagang dahilan. Bigyan
ng 2 minuto ang bawat pangkat upang ilahad ang kanilang ginawang islogan. Gamitin ang rubric
sa kasunod na pahina para sa pagsasagawa ng slogan. (Gawin sa loob ng 20 minuto)
(Collaborative Approach)
Pangkat I - Ang Pamilya ay Pamayanan ng mga Tao na kung Saan ang Maayos na Paraan ng
Pag-iral at Pamumuhay ay Nakabatay sa Ugnayan
Pangkat II - Nabuo ang Pamilya sa Pagmamahalan ng isang Lalaki at Babaeng Nagpasiyang
Magpakasal at Magsama nang Habangbuhay
Pangkat III - Ang Pamilya ang Una at Pinakamahalagang Yunit ng Lipunan. Ito ang Pundasyon at
Patuloy na Sumusuporta rito dahil sa Gampanin nitong Magbigay-Buhay
Pangkat IV - Ang Pamilya ang Orihinal na Paaralan ng Pagmamahal
Pangkat V - Ang Pamilya ang Una at Hindi Mapapalitang Paaralan para sa Panlipunang Buhay
Pangkat VI – May Panlipunan at Pampolitikal na Gampanin ang Pamilya
Pangkat VII – Mahalagang Misyon ng Pamilya ang Magbigay ng Edukasyon, Paggabay sa
Mabuting Pagpapasya at Paghubog ng Panamampalataya.

24
Kraytirya 10 7 5 2
Mensahe Ang mensahe ay Di gaanong Medyo magulo Walang
mabisang ipinakita ang ang mensahe mensaheng
naipakita mensahe naipakita
Pagkamalikhain Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang di gaanong Malabo ang
mga titik pagkakasulat ng malinaw ang pagkakasulat ng
mga titik pagkakasulat ng mga titik
mga titik
Kahalagahan May malaking Di gaanong may Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang paksa ang paksa paksa ang
islogan islogan islogan
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di gaanong Marumi ang
ang pagkakabuo pagkakabuo malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo

E. Pagtalakay ng bagong Sagutan ang katanungan batay sa mga dahilan kung bakit itinuturing na institusyon ang pamilya.
konsepto at paglalahad ng Isulat ang iyong mga kasagutan sa notbuk at maghanda sa malayang talakayan. (Gawin sa loob
bagong kasanayan #2 ng 15 minuto) (Reflective Approach)
1. Mahalaga ba ang pamilya para sa isang indibidwal? Sa lipunan? Bakit? Ipaliwanag.
2. Anong mga pagbabago ang kinakaharap ng pamilya kasabay ng modernisasyon?
3. Ano ang pinakamahalagang misyon ng pamilya? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalagang bumuo ng magandang ugnayan sa pamilya? Ipaliwanag.
5. Paano napatitibay ng kasal ang isang pamilya? Ipaliwanag.
6. Bakit itinuturing ang pamilya bilang pundasyon ng lipunan? Ipaliwanag.
7. Paano iiral ang isang pamilya bilang orihinal na paaralan ng pagmamahal?
8. Paano magagawa ng pamilyang makatao at mapagmahal ang lipunan?
9. Paano matuturuan ng pamilya ang mga kasapi nito na taos-pusong gampanan ang panlipunan

25
at pampolitikal na tungkulin nito?
10. Ano-ano ang mahalagang gampanin na dapat isakatuparan ng magulang bilang unang guro
sa tahanan? Ipaliwanag.

F. Paglinang sa Kabihasahan Gamit ang graphic organizer buuin ang mahalagang konseptong nahinuha mula sa mga
(Tungo sa Formative nagdaang gawain. Isulat ito sa isang buong papel. Gamitin ang rubric sa kasunod na pahina sa
Assessment) pagpapaliwanag ng graphic organizer. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

Batayang konsepto:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

26
Kraytirya 4 3 2 1
Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang
batayang batayang batayang batayang batayang
konsepto konsepto nang konsepto nang konsepto ngunit konsepto sa
hindi may kaunting kailangan ng labis paggabay ng guro
ginagabayan ng paggabay ng guro na paggabay ng sa kabuuan nito
guro guro
Pagpapaliwanag Malinaw na Mayroong isang Mayroong Mayroong tatlo o
ng batayang naipaliwanag konsepto na hindi dalawang higit pang
konsepto ang lahat ng malinaw na konsepto na hindi konsepto na hindi
mahahalagang naipaliwanag naipaliwanag naipaliwanag
konsepto
Paggamit ng Nakalikha ng Ginamit ang Nakalikha ng Ginamit ang
graphic graphic graphic organizer sariling graphic graphic organizer
organizer organizer na na nasa modyul organizer ngunit na nasa modyul
ginamit upang at maayos na hindi malinaw na ngunit hindi
maibigay o naibigay ang naibigay o malinaw na
maibahagi ang batayang naibahagi ang naibigay o
batayang konsepto gamit batayang naibahagi ang
konsepto ito konsepto gamit batayang
ito konsepto gamit
ito

G. Paglalapat sa aralin sa Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
pang-araw-araw na buhay 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?

H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ay maituturing na isang likas na institusyon sapagkat (1) Ang pamilya ay
pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay

27
nakabatay sa ugnayan, (2) Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang lalaki at babaeng
nagpasyang magpakasal at magsama nang habangbuhay, (3) Ang pamilya ang una at
pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang pundasyon at patuloy na sumusuporta rito dahil sa
gampanin nitong magbigay-buhay, (4) Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng pagmamahal, (5)
Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang paaralan para sa panlipunang buhay, (6) May
panlipunan at pampolitikal na gampanin ang pamilya at (7) Mahalagang misyon ng pamilya ang
magbigay ng edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.

I. Pagtataya ng Aralin Suriin ang mga larawan sa hanay A at tukuyin ang dahilan kung bakit tinuturing na institusyon ang
pamilya sa hanay B. Isulat ang letra ng iyong kasagutan sa patlang bago ang bawat bilang.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

HANAY A HANAY B
A. Ang pamilya ay pamayanan ng mga tao
(community of persons) na kung saan ang maayos
_____1. na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay
sa ugnayan.

B. Nabuo ang pamilya sa pagmamahalan ng isang


lalaki at babaeng nagpasyang magpakasal at
_____2. magsama nang habambuhay.

C. Ang pamilya ang una at pinakamahalagang yunit


ng lipunan. Ito ang pundasyon ng lipunan at
_____3. patuloy na sumusuporta rito dahil sa gampanin
nitong magbigay-buhay.

28
D. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng
pagmamahal.
_____4.
E. Ang pamilya ang una at hindi mapapalitang
paaralan para sa panlipunang buhay (the first and
irreplaceable school of social life).
_____5.
F. May panlipunan at pampolitikal na gampanin ang
pamilya.
_____6.
G. Mahalagang misyon ng pamilya ang pagbibigay ng
edukasyon, paggabay sa mabuting pagpapasiya,
_____7. at paghubog ng pananampalataya.

J. Karagdagang gawain para Magdala ng mga sumusunod na kagamitan para sa gawain:


sa takdang-aralin at a. Bond paper
remediation b. Sinulid, yarn o makukulay na lastiko
IV. MgaTala
V. Pagninilay

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba

29
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punung-
guro at superbisor?

G. Anong kagamitang panturo


ang aking nadibuhong nais
kong ibahagi sa mga kapwa
ko guro?

30
DAILY LESSON LOG Paaralan Baitang/ Antas 8
(Pang-araw-araw na Guro Asignatura Edukasyon sa Pagpapakatao
Tala sa Pagtuturo Petsa/Oras Markahan Una
IKAAPAT ARAW
I. Layunin

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamilya bilang natural na institusyon ng lipunan.
Pangnilalaman

B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.

C. Mga kasanayan sa 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
Pagkatuto. Isulat ang code pagtutulungan sa sariling pamilya. EsP8PBIb-1.4
ng bawat kasanayan 2. Naisasabuhay ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya.
3. Natutukoy ang mga banta sa pamilya na nakahahadlang sa pagganap ng kanilang tungkulin.

II. Nilalaman Modyul 1: Ang Pamilya Bilang Natural na Institusyon


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 12-14


Guro

2. Mga Pahina sa Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 23-27


Kagamitang Pang-Mag-
aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk

31
4. Karagdagang Kagamitan http://lrmds.deped.gov.ph/detail/24/5532
mula sa portal ng Learning
Resource

B. Iba pang Kagamitang Mga larawan sa internet


Panturo https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgrc=K7vkcSyIBEvmCM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgrc=zaQqEgt8uTdU_M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgrc=CQ9vGN1k5ZVf5M:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgrc=A8gNgSOeR59rSM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHSbB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilan
g+institusyon&imgdii=6yUwEWGVKLOTEM:&imgrc=A8gNgSOeR59rSM:

https://www.google.com.ph/search?q=clipart+marriage&biw=1366&bih=662&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=0ahUKEwi007rGyP_RAhXFX5QKHS-
bB9oQ_AUIBigB#tbm=isch&q=ang+pamilya+bilang+institusyon&imgrc=td_LTr 3kR1ROM:

32
http://www.youtube.com/watch?v=UIQIQ_nknKg&feature=related
Panturong Biswal: laptop, LCD projector
III.Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang Pangkatin ang klase sa pitong grupo. Bigyan ng isang larawan ang bawat pangkat. Gamit ang mga
aralin at pagsisimula ng larawan, iugnay at ipaliwanag ng bawat pangkat ang alinman sa pitong dahilan kung bakit isang
bagong aralin. institusyon ang pamilya. Pumili ng isang miyembro sa bawat pangkat na magbabahagi sa klase.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)

B. Paghahabi sa layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
aralin at pagganyak 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling pamilya.
2. Naisasabuhay ang mga hakbang sa pagpapaunlad ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
sariling pamilya.
3. Natutukoy ang mga banta sa pamilya na nakahahadlang sa pagganap ng kanilang tungkulin.

B. Gamit ang flash cards, ipabasa sa mag-aaral ang mga katangian ng pamilya. Tumawag ng ilang
mag-aaral na magpapaliwanag sa bawat katangian. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Reflective/Integrative Approach)
Pagtutulungan Pagkakaisa
Pagmamahalan Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon
Pagkakaunawaan

33
C. Pag-uugnay ng mga Suriin ang mga larawan ng pamilya noon at sa kasalukuyang panahon. Tumawag ng ilang mag-
halimbawa sa bagong aaral upang magbigay ng kanilang mga napansing pagbabago at ang implikasyon nito sa isang
aralin pamilya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)

NOON `NGAYON

D. Pagtalakay ng bagong Magsagawa ng isang pagsusuri ng Kalakasan, Kahinaan, Oportunidad at Banta (SWOT Analysis)
konsepto at paglalahad tungkol sa kung paano mapalalakas ang pamilyang Pilipino gamit ang pitong dahilan kung bakit
ng bagong kasanayan #1 itinuturing na isang intitusyon ng lipunan ang pamilya. Gawin ang pagsusuri sa dalawang aspekto:
una, para sa pamilyang Pilipino at ikalawa, para sa iyong sariling pamilya. Sundin ang katulad na
pormat sa ibaba at ibahagi ito sa klase. Gamiting gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa
bawat kolum. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Reflective/Integrative Approach)

a. Kalakasan – Anong kalakasan mayroon ang pamilyang Pilipino at ang iyong pamilya batay sa
pitong dahilan? Anong natatanging kakayahan o kakanyahan mayroon ang pamilyang Pilipino at
ang iyong sariling pamilya?

b. Kahinaan – Anong kahinaan ng pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang nagiging
balakid sa pagkamit ng tunay nitong layunin? Anong mga suliranin ang nagiging dahilan upang
hindi magtagumpay ang bawat kasapi ng pamilya na gampanan ang kanilang mga tungkulin sa
pagkamit ng kaganapan?

34
c. Oportunidad – Anong oportunidad ang naghihintay na makatutulong upang mapagtagumpayan ng
pamilyang Pilipino at ng iyong sariling pamilya ang layunin nito?

d. Banta – Anong banta sa pamilyang Pilipino at sa iyong sariling pamilya ang kailangang bigyan ng
tuon upang hindi ganap na makaapekto sa pagganap nito ng kanyang tunay na layunin? Anong
puwersa sa loob o sa labas ng pamilya ang maaaring magsilbing balakid sa pagkamit ng pamilya
ng tunay nitong layunin?
Mga Dahilan Kalakasan Kahinaan Oportunidad Banta (Threat)
(Strength) (Weakness) (Opportunity)

E. Pagtalakay ng bagong Gumawa ng repleksyon tungkol sa mahahalagang konseptong iyong natutuhan mula sa aralin.
konsepto at paglalahad Basahin ang sumusunod na hakbang sa ibaba.
ng bagong kasanayan #2
1. Ilagay sa unang pahina ang mga hindi malilimutang karanasan mula sa mga gawain. Gayundin
ang mga tanong at pag-aalinlangan na nananatili sa iyong isipan.
2. Ilagay naman sa ikalawang pahina ang mahahalagang aral na napulot mula sa mga gawain at
babasahin. Maaaring idagdag ang mga payong maaaring ibigay sa mga kakilala o kaibigan
kaugnay ng pagpapaunlad ng pagmamahal at pagtutulungan sa pamilya.
3. Itala ang mga karanasan gamit ang pormat sa ibaba at maglakip ng mga larawan mula sa
pagsasagawa ng mga gawain. (Gawin sa loob ng 15 minuto) (Reflective Approach)

35
F. Paglinang sa Sagutan ang sumusunod na katanungan: (Gawin sa loob ng 2 minuto) (Reflective Approach)
Kabihasahan(Tungo sa 1. Bakit mahalagang magampanan ng bawat pamilya ang kanilang mga tungkulin sa lipunan?
Formative Assessment) 2. Bilang isang kasapi ng pamilya, ano-anong kontribusyon ang iyong maaaring ibahagi sa iyong
lipunang kinabibilangan?

G. Paglalapat sa aralin sa Gumawa ng bond bracelet (gamit ang yarn, anumang sinulid o mga lastiko) gabay ang isang video
pang-araw-araw na buhay sa youtube (http://www.youtube.com/watch?v=UIQIQ_nknKg&feature=related). Sundin lamang ang
mga hakbang na ipinakikita ritopara sa lahat ng kasapi ng pamilya. Matapos ito ay magplano ng
pagkakataon para magtipon ang lahat ng kasapi ng pamilya. Sa pagkakataong magtitipon ang
pamilya ay ibigay sa bawat kasapi nito ang bond bracelet at ipaliwanag sa kanila ang kahulugan at
kahalagahan nito para sa iyo at para sa iyong pamilya. Gamitin ang rubric sa ibaba para sa
pagsasabuhay ng mga hakbang ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya. (Gawin sa
loob ng 10 minuto) (Constructivist/Integrative Approach)

36
Kraytirya 4 3 2 1
Nakalikha ng Nakalikha ng 5 o Nakalikha ng 4 Nakalikha ng 3 Nakalikha ng 1-2
mga tiyak na higit pang tiyak na tiyak na na tiyak na na tiyak na
hakbang na hakbang hakbang hakbang hakbang
katuwang ang katuwang ang katuwang ang katuwang ang katuwang sa
kasapi ng kasapi ng kasapi ng kasapi ng pagpapaunlad ng
pamilya sa pamilya sa pamilya sa pamilya sa pagmamahalan at
pagpapaunlad ng pagpapaunlad ng pagpapaunlad ng pagpapaunlad ng pagtutulungan
pagmamahalan pagmamahalan pagmamahalan pagmamahalan
at pagtutulungan at pagtutulungan at pagtutulungan at pagtutulungan Walang patunay
sa pamilya sa pamilya at sa pamilya at sa pamilya at na kalahok ang
may patunay na may patunay na may patunay na pamilya sa
ginawa ito ginawa ito ginawa ito paglikha ng mga
katuwang ang katuwang ang katuwang ang hakbang
kasapi ng kasapi ng kasapi ng
pamilya pamilya pamilya
Nakagawa ng May patunay na May patunay na May patunay na May patunay na
bond bracelet at nakagawa ng nakagawa ng nakagawa ng nakagawa ng
naibigay ito sa bond bracelet bond bracelet bond bracelet bond bracelet
lahat ng kasapi para sa lahat ng ngunit walang ngunit pinili ngunit ngunit
ng pamilya kasapi ng patunay na lamang bibigyan hindi naibigay sa
pamilya naibigay ito sa nito sa kasapi ng mga kasapi ng
lahat ng kasapi pamilya pamilya
May patunay na ng pamilya
naibigay ang mga
ito sa lahat ng
kasapi ng
pamilya

37
H. Paglalahat sa aralin Ang pamilya ang itinuturing na pundasyon ng lipunan. Kung walang pamilya wala ring lipunan.
upang mas higit na mapaunlad ang lipunan, kinakailangan ng bawat miyembro o kasapi ng pamilya
na magtulungan. Ang pagtutulungan ay natural na dumadaloy sa pamilya sapagkat kaligayahan ng
bawat kasapi na makitang mabuti ang kalagayan ng buong pamilya.

I. Pagtataya ng Aralin Basahin at kompletuhin ang sumusunod na pangugusap. Isulat sa ibabaw ng bawat patlang ang
iyong kasagutan. (Gawin sa loob ng 3 minuto) (Constructivist Approach)
1. Sa pamilya umuusbong ang _______________ ng bawat kasapi ng pamilya.
2. Ang pamilya ang orihinal na paaralan ng ____________________.
3. Nabuo ang pamilya sa pamamagitan ng ___________________ ng isang lalaki at babae.
4. Ang pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasya, at paghubog ng pananampalataya ay
mga _________________ ng pamilya.
5. May _______________ at _________________ na gampanin ang pamilya.
6. Ang ________________ ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng lipunan.
7. Ang maayos na samahan ng mga kasapi ng pamilya ang nagbubuklod dito tungo sa
_____________________.
8. Mahalaga sa isang pamilya ang _______________________.
9. ________________ sa pamilya ang pagmamahalan.
10. Ang pagmamahalan ng isang lalaki at babae na pinag-ugnay ng kasal ay tinatawag na
______________.

J. Karagdagang gawain para Panoorin ang sumusunod na patalastas sa Youtube:


sa takdang-aralin at a. Patalastas ng Hating Kapatid
remediation b. Patalastas ng Lucky Me
c. Patalastas ng NBA
IV. MgaTala

V. Pagninilay

38
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation

C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral


na magpapatuloy sa
remediation?

E. Alin sa mga istratehiyang


pagtuturo ang nakatulong
nang lubos? Paano ito
nakatulong?

F. Anong suliraninang aking


naranasang solusyunan
sa tulong ng aking
punong-guro at
superbisor?

39
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

40

You might also like