You are on page 1of 5

TAYABAS WESTERN ACADEMY

Founded 1928
Recognized by the Government
Candelaria, Quezon

Module for:

FILIPINO
Grade 8
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

TIME FRAME: WEEK 2 (NOVEMBER 16-20)

LEARNING MODULE
FILIPINO 8
IKALAWANG MARKAHAN

MODYUL 2: SANDIGAN NG LAHI… IKARANGAL NATIN


PANIMULA AT POKUS NA TANONG:
Bilang pagpapatuloy ng mga akdang natalakay sa unang markahan, makikilala mo
naman sa kabanatang ito ang ilang panitikang namayani sa bansa sa panahon ng pag-
unlad ng panitikang Pilipino hanggang sa pagpapahayag ng pambansang kasarinlan
batay sa kahulugan at katangian nito.
Bakit at paano naging sandigan ng lahing Pilipino ang panitikang namayani noong
panahon ng mga Amerikano, Komonwelt at kasalukuyan?
Paano nakatutulong sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip ang pag-aaral ng iba’t-
ibang uri ng panitikan batay sa kahulugan at katangian nito?

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN NG KABANATA:


Naipamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon
ng Amerikano, Komonwelt, at sa Kasalukuyan.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP NG KABANATA:


Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tulang tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao,
bayan, o kalikasan.

SAKLAW NG MODYUL:

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga sumusunod na aralin:


ARALIN 1: Isang Punongkahoy
ARALIN 2: Alin ang nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi
ARALIN 3: Walang Sugat
ARALIN 4: Amerikanisasyon ng Isang Pilipino
ARALIN 5: Saranggola
ARALIN 6: Sandalangin

FILIPINO 8 | IKALAWANG MARKAHAN Page 2|


8
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

Concept Map ng Modyul


Ito ang simpleng concept map ng mga araling tatalakayin sa modyul na ito:

SANDIGAN NG LAHI… IKARANGAL NATIN

Aralin 1: Panitikan: Isang Punongkahoy


Wika: Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula

Aralin 2: Panitikan: Alin ang Nakahihigit sa Dalawa: Dunong o Salapi


Wika: Pagsang-ayon o pagsalungat sa pagpapahayag sa Opinyon

Aralin 3: Panitikan: Walang Sugat


Wika: Pandiwa

Aralin 4: Panitikan: Amerikanisasyon ng Isang Pilipino


Wika: Iba’t-Ibang Paraan ng Pagpapahayag

Aralin 5: Panitikan: Sa Pula, Sa Puti


Wika: Pang-uri at kaantasan nito

Aralin 6: Panitikan: Sandalangin ni Joey A. Arrogante

FILIPINO 8 | IKALAWANG MARKAHAN Page 3|


8
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

ARALIN 1:

Panitikan: Isang Punongkahoy


Wika: Pagpili ng Angkop na salita sa Pagbuo ng Tula

ARALIN PAMAGAT Matututuhan Mong…


1 Panitikan: Isang ➢ mapili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang
Punongkahoy nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-b-24)
➢ maisulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may
paksang katulad sa paksang tinalakay (F8PU-IIa-b-24)
➢ magamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng
orihinal na tula (F8WG-IIa-b-24)

PAGTUKLAS

Basahin at unawain ang tulang Isang Punong Kahoy.

Isang Punong Kahoy


Ni Jose Corazon de Jesus sa mga sanga ko ay nangakasabit
ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
ako’y tila isang nakadipang kurus, Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
sa napakatagal na pagkakaluhod, asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
parang hinahagkan ang paa ng Diyos. at saka ang buwang tila nagdarasal,
ako’y binabati ng ngiting malamlam.
Organong sa loob ng isang simbahan
ay nananalangin sa kapighatian Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
habang ang kandila ng sariling buhay, nagpapahiwatig sa akin ng taghoy,
magdamag na tanod sa aking libingan… ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
batis sa paa ko’y may luha nang daloy.
Sa aking paanan ay may isang batis,
maghapo’t magdamag na nagtutumangis;

FILIPINO 8 | IKALAWANG MARKAHAN Page 4|


8
TAYABAS WESTERN ACADEMY
Founded 1928 | Recognized by the Government | Candelaria, Quezon 4323

ss PAGLINANG

➢ Basahin at unawain ang Alamin Natin sa iyong aklat na Pluma 8, mga pahina 157-159.

➢ Basahin at unawain ang Isaisip Natin sa iyong aklat na Pluma 8, mga pahina 164-166.

PAGPAPALALIM

GAWAIN 1: Buoin Natin


Napipili ang mga pangunahin at pantulong na kaisipang nakasaad sa binasa (F8PB-IIa-b-24)

Buksan ang iyong libro sa pahina 156 at sagutan ang gawain sa isang buong papel.

GAWAIN 2: Madali Lang Yan (A, B at C)


Buksan ang iyong aklat sa mga pahina 166-167 at sagutan ang mga gawain sa ½ lengthwise na
papel.

PAGLALAPAT

GAWAIN 3: PALAWAKIN PA NATIN (Mini Task)


Naisusulat ang dalawa o higit pang saknong ng tulang may paksang katulad sa paksang tinalakay (F8PU-IIa-b-
24)
Nagagamit ang mga angkop na salita sa pagbuo ng orihinal na tula (F8WG-IIa-b-24)

May isang paligsahang inilunsad ang inyong bayan hinggil sa pagsulat ng tulang may temang tungkol sa
pagkakaroon ng buhay na makabuluhan ng mga kabataan. Isa ka sa mga napiling kalahok. Gamitin mo ang
lahat ng natutuhan mo mula sa mga aralin at paksa ng mga tulang nabasa mo upang makabuo ng isang
magandang tula. Gawin ito sa isang short bond paper at maaari mo itong lagyan ng disenyo.

PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS


May orihinalidad at akma sa paksa 15
Hindi bababa sa dalawang saknong ang tula 5
Nagtataglay ng mga elemento ng tula 10
Maingat at akma ang pagkakapili ng mga salitang ginamit 10
Kabuong Puntos 40

FILIPINO 8 | IKALAWANG MARKAHAN Page 5|


8

You might also like