You are on page 1of 15

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG AARAL

PANIMULANG BAHAGI

Ang edukasyon ay ang kaalaman, kadalubhasaan, kabatiran o pang


unawa na iyong makukuha sa pagpasok sa paaralan, kolehiyo o
unibersidad(merriam’s webster).Ito ang isa sa pinakaimportanteng bagay na nais
makamit at maranasan ng isang tao. Ang edukasyon ay ang nagsisilbing sandata
ng isang inbiduwal sa anumang pagsubok na makakaharap nito.

Ang bawat mag aaral ay mayroong kani-kaniyang talino. Mayroong kani-


kaniyang estilo at pamamaraan upang matuto at mapalawig pa ang pag iisip nito.
Mayroong kani-kaniyang estratehiyang ginagamit ang bawat estudyate sa
pagkatuto upang maipasa ang aisgnaturang pinag aaralan nito at makakuha ng
mataas na grado.

Ang paggamit ng iba’t-ibang estratehiya sa pagkatuto ay nagpapakita din


ng iba’t-ibang resulta sa grado ng isang mag-aaral.

RASYUNAL NA PAG-AARAL

Ayon sa pag aaral ni Princeszzarah , na isang Filipino blogger na


nagsusulat ng mga iba’t ibang pag-aaral( March 5, 2017), “ mayroong iba’t ibang
paraan ng pagkatuto na nakatutulong ng husto sa isang tao”. Ngunit hindi
maitatanggi na may mga estudyanteng nahihrapan pa din sa kanilang pag aaral

1
ng kanilang mga nakaraang paksa. Hindi rin maipagkakaila na may mga
estratehiya hindi gaanong epektibo para sa mag aaral, lalo na kung may mali sa
paggamit ng estratehiyang napili.

Ang bawat estudyante ay may kani-kaniyang kagustuhan sa pagrerebyu


at nakasalalay ito sa pagiging komportable at madiskarte ng mag-aaral sa
paggamit nito. Importanteng malaman ng mga mag-aaral kung paano matuto at
paano magkaroon ng epktibong pakikinig at pagkatuto sa loob ng silid-aralan.

Ang iba’t ibang estratehiya ng pagkatuto ay may mahalagang koneksyon


sa mga performance examinations, at motibasyon para sa pagkilala sa
edukasyon. Isasagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang epekto ng iba’t-
ibang estratehiyang sinasangayunan at ginagamit ng mga mag aaral sa ikapitong
baitang hanggang ika-labing dalawang baitang. Hinahangad ng pananaliksik na
ito na makatulong sa mga mag-aaral ng St. John’s Cathedral School sa
pamamagitan ng pagtuklas sa mga istratehiyang makatutulong sa mga mag-
aaral upang makakuha sila ng mataas na marka sa kanilang pag-aaral.At ng
maiwasan ang paggamit ng di epektibong estratehiya na nagreresulta ng
pagkakaroon ng mababang marka.

SULIRANIN NG PAG AARAL

Ang pangunahing layunin ng pag aaral na ito ay upang matukoy kung


ano- ano ang positibong epekto ng pagbasa bilang estratehiya sa pag-aaral ng
Senior High School sa St. John’s Cathedral School.

Ito ay nakatutok sa paghahanap ng mga sagot sa mga naturang tanong;

2
1. Pagkakakilalan ng mga manunugon;

a. Kasarian

b. edad

c. Paraan ng Pag-aaral

d. Mga estratehiyang gamit

2. Ano-ano yung mga estratehiyang gamit ng mga mag-aaral?

3. Paano nagiging epektibo ang mga napiling estratehiya ng mga mag-aaral

sa kanilang pag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pagkatuto ng mga mag aaral ay napaka-importante lalo na’t ito ang
nagsisilbing daan tungo sa magandang kinabukasan.

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang tulungan ang mga mag aaral ng
Junior High School at Senior High School sa iba’t ibang estratihiya nila sa
pagkatuto.

Kaya ang pag aaral na ito ay kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sakanila upang


kanilang malaman ang tamang paraan o estratehiya upang sila’y matuto at
makuha ng mataas na grado. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sakanila
upang maiwasan ang mga salik na nakakaapekto sa paggamit ng istratehiya s
pagkatuto.

3
Sa mga mambabasa. Ang pag aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng
kaalaman ukol sa kahalagahan ng pagkatuto sa loob ng paaralan. At
makapagbibigay sakanila ng impormasyon.

Sa mga susunod na henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maaari magsilbing


daan sa mga susunod na henerasyon upang magkaroon ng ideya sa pagbasa
bilang estratehiya sa pag-aaral.

Sa mga magulang. Ang pagaaral na ito ay magiging makabuluhan sa mga


magulang sapagkat ito ay magiging daan upang mas mapalapit at mas
mapatibay ang relasyon ng bawat magulang sa anak.

Ang mga magulang ay tagapagbigay linaw sa kanilang isipan na ang pagbibigay


atensyon ay isa sa pagpapakita ng tunay pagmamahal at pagpapakaloob ng
tiwala.

4
Batayang konseptual

Input Proseso Awtput

1. Interpretasyon
1. Pagkakakilanlan ng pagkakakilanlan
 Pagsasaayos ng
ng mga manunugon.
ng mga mga nakalap na
manunugon 2. Pahambing na mga datos
pagsusuri sa mga batay sa
manunugon at ang kanilang mga
a. Kasarian; positibong epekto ng sagot.
pagbasa bilang
b. Edad estratehiya sa pag-  Pagbibigay ng
c. Paraan ng aaral senior high karampatang
Pag-aaral school reaksyon at
d. Mga
pagpapakahul
estratehiyan
g gamit ugan sa mga
sagot.
2. Positibong  Paggawa ng
epekto ng pagbasa isang “action
plan”.
bilang estratehiya
sa pag-aaral senior
high school.

figure 1: Ipinapakita sa Diyagram ng pag aaral kung ano-ano ang mga nais
malaman ng mga mananaliksik, pagkakakilanlan base sa edad at kasarian nito at
ang epekto ng iba’t ibang estratihiya ng pag aaral ng Junior high school at Senior
high school. Inilahad din ang mga hakbang na isasagawa sa nasabing pag aaral.
At ang mga nais maisagawa at mangyari ng mga mananaliksik.

5
Haypotesis

- Walang halagang haypotesis

Walang koneksyon ang pag-aaral ng mga mananaliksik sa mga junior


high school.

- Alternatibong Haypotesis

Makatutulong ang pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sa epekto ng


pagbasa bilang estratehiya sa pag-aaral sa mga mag-aaral ng Senior high
school.

BATAYANG TEORETIKAL

Sa pananaliksik na ito, napili ng mga mananaliksik ang epekto ng iba’t-


ibang estratehiya ng pag aaral ng mga mag-aaral ng junior high school at senior
high school.

Ayon kay Maria Khrishna paligutan,isang pilipinang manunulat, na ang


isang Social Cognitive Theory, napakakumplikadong isa sa mga proseso ng pag
aaral ng mga mag-aaral ay ang pagbabasa Nangangailangan ng kumbinasyon
ng pakikinig at pagmamasid. Sangkot na estrateihiya na nangangailangan ng
aktibo. Ayon dito dapat mayroong epektibong ugali sa pagkatuto.

1. Pagiging Alerto 2. May Pokus 3. Nakapagsasarili

Sa Learning of Mastery Theory ni Mczian Bautista, isang pilipinang guro,


at manunulat sa website na Academia (2013) ang pagtuto, ditto nakaranas ng
mga iba’t ibang pahiwatig sa pag-aaral na may kaugnayan sa mga araling kaya’t
nangangailangan ito ng pag-uunawa sa pamamagitan ng “Pagtatanong”

6
Si Burrhus Frederic Skinner, na mas kilala bilang B. F. Skinner, na isang
Behaviorist, American psychologist,author,inventor, at social philosopher, ay
inilalahad na ang mga estudyante ay nasasagawa ng mga Gawain para sa
kanilang ipinakikita na interaksyon sa pagkatuto.

Ayon sa Informational Social Theory ni Cialdini,na isang propesor sa


Emiritus ng Psychology at Marketing ng Regents sa Arizona State University at
isang visiting professor ng marketing, negosyo at sikolohiya sa Stanford
University, gayundin sa University of California sa Sta. Cruz, Bumabatay ang
mga mag-aaral sa teknolohiya na nagiging sanhi ng kanilang hindi pagkinig sa
kanilang mga guro. At inaasahan lamang ang pananaliksik sa Internet.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

SAKLAW

 LAYUNIN

Ang layunin ng mga mananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Upang malaman ang iba’t ibang estratehiya.

2. Upang malaman kung nagiging epektibo ang napiling


estratehiya.

3. Upang malaman ang maaaring kalabasan ng estratehiyang


ginamit sa pagkatuto.

 PAKSA
Ang paksa na ito ay tungkol sa iba’t ibang estratihiya ng pagkatuto.
Isang pamamaraan ng pagbabalik aral sa mga araling natalakay o
napag-aralan, na kung saan naisasagawa ang iba’t-ibang

7
estratihiya sa pagbasa, pagsulat at, pagsasaulo ng mga araling
natalakay.

 ASPEKTO NG PAG AARAL

Maisasagawa ng mga mananaliksik ang pag aaral sa pamamagitan


ng pagsasagawa ng sarbey o talatanungan na kung saan pipili ang
mga mananaliksik ng tatlong seksyon sa bawat baitang mula sa
ikapito hanggang ika-12 baitang.

LIMITASYON

 SINO
Para sa mga estratihiyang nasa ika-pito hanggang ika-labing
dalawang baitang ng St.John’s Cathedral School.

 SAAN
Kasalukuyang nagaganap saloob g paaralan ng St.John’s
Cathedral School.

 KAILAN
Ang pananaliksik ay nag-umpisa ng unang semester ng unang taon
sa Senior High School taong dalawang libo’t labing-pito

PAGBIBIGAY KAHULUGAN SA MGA SALITA

Aspekto- pananaw ng isang indibiduwal sa isang bagay

Epekto – pagkakaroon ng resulta kapag ang isang bagay ay naisagawa o


natapos.

8
Estratehiya- paraan ng isang estudyante sa pag-aaral ng kanyang mga
aralin.

Limitasyon- pagbibigay hangganan sa isang bagay o Gawain.

Pagaaral- isang pamamaraan kung saan natuto ang isang indibiduwal.

Pagbasa- pamamaraan ng isang tao upang malaman ang mga salita at


simbolong nakasulat sa isang papel o bagay na maaaring sulatan.

Pagsulat- pamamaraan ng isang tao kung saan gumagamit ng lapis, ballpen


o kung ano man na bagay na maaaring makapagtala ng mga mensaheng
nais ipahayag.

9
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Nakalahad sa kabanatang ito ang mga literatura at pag-aaral na may kaugnayan


sa pagsusuring isinasagawa ng mga mananaliksik.

Lokal na Pag aaral

Ang lahat ng mga gawain ay nangangailangan at ginagamitan ng pamamaraan o


estratihiya upang matapos ang naturang gawain.

Ayon sa pag-aaral ni Kurasuchi Cuadra na isang manunulat sa scribd.com(August


08, 2012) , Ang mga paraan ng pagkatuto o learning styles ay isa sa mga paksang madalas
na gamitin sa mga araling pananaliksik, dahil na rin sa ito ay lubhang makatutulong sa
pagpapabuti ng pag-aaral ng isang estudyante, at pati rin sa mga paraang maaring gamitin
upang mas maging epektibo ang pagtuturo at pagkatuto.

Ang mga paraan ng pag aaral na ginamit sa araling pananaliksik na ito ay base na rin
sa Sistemang VARK, na kung saan napapabilang ang bawat nilalang sa Visual, Auditory,
Reading at Kinesthetic Learning Preferences. Ang mga visual learner say madaling
natututo sa pamamagitan ng mgadiagram, tsart, litrato, at iba pang nakikita ngmata.
Kinakailangan nilang makita ang body language atfacial expressionng kanilang mga
guro habang nagtuturo upang lalo nilang maintindihan ang leksyon. Kadalasan din silang
nagkakaroon ng interes sa pag-aaral kapag mayroon silang nakikitang mga bagay-bagay.

Ang mga taong may Mild Kinesthetic Learning Preferences naman ay natututong


husto sa pamamagitan nghands-on approach. Kinakailangan nilang makipagsapalaran
upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman, at mas madali silang matututo kung ang

10
isang bagay ay nasubukan na nila. Ang Mild Visual Learning Preferences naman ay
nangangailangang makakita ng mga mga diagram at mga tsart upang mas
maintindihan ang paksang pinag-aaralan. Gusto nilang kumuha ng detalyadong
mganotes upang mas lalo nilang maintindihan ang mga impormasyon.Samantala, mayroon
naming Multimodal (ARK), na kung saan ang isang tao ay pwedeng mapunta sa iba’t ibang
lugar sa Visual,Auditory at Kinesthetic. Mayroon silang iba’t ibang kapasidad upang
maresolba ang kanilang mga problema, at mas natututo sila kung halu-halo ang mga paraan
ng pagtuturo ng bawat guro.

Lokal na Literatura

Ayon sa siyensiya at pag-aaral ni Jan Alwyn Batara, na isang manunulat ng


theAsianparent, mayroong labing dalawang sikreto ng mga matatagumpay na mag aaral.
Una, ay ang pagtatala sa papel. Ikalawa, paganahin ang active recall. Ikatlo, pag
aaral kasama ang isang grupo sa halip na mag-isa. Ikaapat, huwag mag-
multitask. Ikalima, ngumuya ng chewing gum. Ikaanim, pagkain ng mga
masusustansyang pagkain. Ikapito, magpahinga, ikawalo, payuhan silang
maglakad-lakad. Ikasiyam, bigyang importansya ang tindig o pustura. Ikasampu,
pagtulog ng mahimbing. Ikalabing isa, pag eehersisyo, at ang ikalabing dalawa
ay ang pagtatanong.

Ang pagbasa ay pagkilala, pag-unawa, pagpapakahulugan, at pagtataya


ng mga ideya sa mga nakalimbag na simbolo. Ang pagsulat ay ang pagsalin sa
papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsalinan ng mga
nabuong salita, simbolo mula sa libro(study-everything.blogspot.com,2014).

Iba’t ibang paraan ng pag aaral, Basahin, magkatapat ang mga salita o
pangungusap sa iyong wika at sa wikang pinag aaralan mo. Pakinggan,
rekording ng pagbasa ng mga salita. Panoorin, video o palabas na ipinapanuod

11
upang malaman ang kagandahan ng paksa at ang maaaring mabahagi nito na
pag aaral at quiz, ito naman ay gumagamit ng Flash-card mode(jwg.org)

Sintesis

Ang pagkatuto ng bawat tao ay magkakaiba. Mayroong iba’t-ibang


estratihiya o pamamaraan ng pagrerebyu o pagkatuto. Isa na dito ang
sistemang VARK, na binubuo ng Visual, Auditory, Reading at Kinesthetic
Learning Preferences.

Ang isang mag-aaral ay madalas gumamit ng mga estratehiya o pamamaraan sa


pagbasa upang mapabilis ang kanilang pag-aaral sa kanilang mga paksa. Mayroong iba’t
ibang estratihiya o pamamaraan ng pag-aaral at para malaman ito nagsasagawa ang mga
mananaliksik ng iba’t ibang pag-aaral patungkol dito.

12
KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Ang mga gagamiting pamamaraan at hakbang na gagamitin para sa pag-


aaral ay ipaliliwanag sa kabanatang ito. Napapaloob dito ang disenyo ng
pananaliksik, hanguan ng mga datos, mga instrumentong ginamit, hakbang sa
pagkalap ng impormasyon at etikal na konsiderasyion

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pamamaraang deskriptibo at kwaliteytib na pananaliksik, ay


magagamit sa pagaaral na ito.

“Descriptive research aims at defining or giving a verbal portrayal or picture of a


person, thing, event, group, situation, etc.” (Baraceros, 2016). Ito ay gagamitin
upang maunawaan at maintindihan ang mga nakalap na datos.

Ang kwaliteytib na pananaliksik ay isang uri ng pananaliksik na tumutukoy sa


malinaw at tiyak na kuro-kuro.

Populasyon at Manunugon

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa isa sa mga pribadong paaralan sa lungsod


ng Dagupan. Ang St. John’s Cathedral School ang napiling paaralan kung saan
isasagawa ang nasabing pag-aaral.

13
Ang bilang ng papulasyon na kailangan para sa pag-aaral ay 580 na mag-aaral
mula sa ika-pitong na baitang hanggang ika-labing dalawang baitang.Mabibigyan
ang mga manunugon na kanikanilang questionnaires para sa pagsasagawa ng
pag-aaral.

Pangkat Bilang ng mga mag- Bilang ng mga guro


aaral
11- GAS/HUMMS 51 1
11- STEM 1 34 1
11- STEM 2 31 1
11- ABM 1
12- GAS 1 1
12- GAS 2 1
12- GAS 3 1
12- ABM 1
Kabuuang bilang 8

Figure 2:Naipapakita sa tsart ang populasyon ng bawat pangkat na napili ng mga


mananaliksik bilang kanilang manunugon. Ipinapakita rin ang kabuuan ng bawat
bilang ng mga mag aaral at ang kabuuan ng bilang ng mga guro.

Instrumento sa pag-aaral

Ang mga datos na nakalap ay may kinalaman sa mg instructional


materials ng mga manunugon.

Ang mga pangunahing datos na gagamitin upang maisagawa ang pag-


aaral na ito ay ang palatanungan, at survey.

Instrumentation, ang siyang kumokontrol sa elemento at proseso ng


computer control systems sa lahat ng manufacturing process environment ay
analisa at kontrolado.

Ang mga palatanungan na nagawa ng mga manunuri ay susuriin pa ng


kanilang guro at ibibigay rin sa mga miyembro ng panel upang kanilang masuri.

14
Lahat ng palatanungan ay babaguhin ayon sa mga nakitang pagkakamali ng
mga panel na maaring baguhin pa ng manunuri.

At pagkatapos sumangayon ng mga panel ay hihingi ng permiso ang mga


manunuri sa punong guro ng paaralan ng St. John’s, upang maisagawa ang
naturing pag-aaral. Ang coordinasyon sa pagitan ng mga manunuri at opisyal ng
paaralan ang kailangan upang maisagawa ang pag-aaral.

Paraan ng pagkakalap ng datos

Ang pangunahing datos para sa pagsusuri ay ang mga palatanungan, at sarbey.


Ang talatanungan ay personal na inihanda ng mga mananaliksik.

Ang mga talatanungan na gawa ng mga mananaliksik ay iprinesenta sa


kanilang guro sa asignaturang Filipino sa Piling Larangan ng Akademiks para sa
ebalwasyon at validasyon. Ang palatanungan ay papalitan at aayusin base sa
mga komento at mga suhestisyon naturang guro.Pagkatapos ng validasyon ng
talatanungan, hihingin ng mga mananaliksik ang pahintulot ng punong guro sa
St. John’s Cathedral School para sa pagsasagawa ng sarbey. Maayos na
kooperasyon kasama ang mga opisyales ng paaralan ay isasaalang-alang sa
pagsasagawa ng sarbey.

15

You might also like