Professional Documents
Culture Documents
Epiko IBALON PDF
Epiko IBALON PDF
Ibalon o Ibalnon ang naging tawag ng mga Español sa sinaunang lupain ng mga
Bicolano. Naging batayan nito ang mga “ibal” o “ibay” na kauna-unahang pangalan ng tangway
ng Bicol. Salitang pinaikli ang “ibal” ng Ibalyo na nangangahulugan na naging tawiran mula sa
Visaya patungo sa kabilang ibayo sa dakong Timog Luzon.
Dahil sa ipinamalas ni Baltog na pambihirang lakas kaya’t kinilala siyang pinuno ng pook
na Ibalon. Naging mabuti siyang pinuno. Binigyan niya ng katarungan ang lahat ng kanyang
nasasakupan.
Nalungkot si Baltog dahil siya ay matanda na at hindi na niya kayang ipagtanggol ang
kanyang mga nasasakupan. Hindi nagtagal, isang batang-batang mandirigma ang
nagngangalang Handyong ang dumating sa Ibalon. Nang marinig niya ang karaingan ng mga
tao ay muli siyang naging tagapagligtas. Naging matagumpay naman siya sa paglipol ng mga
dambuhala. Hinikayat ni Baltog si Handyong na magkaroon ng isang pangkat ng mga
mandirigma upang tumulong sa paglipol ng mababangis na dambuhala. Kaya’t mula noon si
Handyong naman ang humaliling bayani ng epiko.
Nakalaban din at napatay ni Handyong si Ponong nang bigla itong lumusob sa kanila.
Isa rin itong dambuhala na iisa ang mata at tatlo ang bibig. Ito ay napatay ni Handyong. Ang
labanan ay umabot ng sampung buwan. Ang pating na may pakpak at Simarong kalabaw na
lumilipad ay nalipol lahat. Ang mabangis na “Sarimaw” ay itinaboy sa bundok ng Kolasi. Ngunit
isa pang dambuhala ang nakaligtas sa kamay ni Handyong. Siya’y si Oryol, isang tusong ahas
na nakukuhang maging isang anyo ng kaakit-akit na babae at ang tinig ay parang sirena. Ang
mapanlinlang na serpyente ay nagtatangkang gayumahin si Handyong. Sa kabila ng pang-aakit
na ginawa kay Handyong, pinatunayan ni Oryol na hindi niya mapapasuko si Handyong, kaya’t
naghandog siya ng tulong upang mapuksa ang mga dambuhalang buwaya sa ilog Bicol.
Pagkatapos ng labanan, ang ilog Bicol ay namula sa dugo ng mga buwaya. Nasaksihan ng
ilang orang-utang ang labanang ito at sila’y nasindak.
Nang malipol ang mga dambuhala sa pook, namahinga si Handyong. Mula noon siya’y
nagpatuloy sa pamamahala sa kanyang mga kababayan nang buong tapat at katalinuhan. Sa
kanyang pagpapahinga siya’y nagtanim ng gabi ang laman ay kasinlaki ng pansol. Nagtanim
din siya ng isang uri ng palay na nagtataglay ng kanyang pangalan. Lalo siyang napamahal sa
kanyang mga sakop nang nahikayat niya nang buong lugod ang mga mamamayan upang
gumawa ng mga kapaki-pakinabang na kasangkapan sa ikakabuti ng lipi.
Inilalarawan din sa epiko ang bahay nina Handyong na kung tawagin ay “moog”
sapagkat ito’y nakasalalay sa punongkahoy. Alinsunod sa epiko sila’y tumatahan sa itaas ng
punungkahoy upang maiwasan ang labis na init at maligtas ang mga sarili sa insekto’t hayop na
naglipana sa pook. Ibinigay ni Handyong ang batas na makatarungan na magpapahintulot na
manirahan nang sama-sama ang alipin at umaalipin nang may karangalan at katiwasayan sa
pamilya.
Isang araw, kasalukuyang bumabaha, nagtungo si Bantong kasama ang kanyang mga
tauhan sa yungib at sinalakay si Rabut samantalang ito’y natutulog. Tinaga ni Bantong ang
tulog na dambuhala. Namilipit sa sakit sa Rabut at umalingawngaw ang kanyang tinig sa buong
bayan.
Dinala ni Bantong ang bangkay ni Rabut sa Libnaman. Ipinakita niya kay Handyong ang
dambuhala at hindi siya makapaniwala sa kapangitan ni Rabut. Dito nagwakas ang salin ni Fr.
Jose Castaño: