You are on page 1of 2

Ngujo, Jerubin L.

Sumulat ng sariling Haiku at Tanaga at ipaliwanag kung anong ibig ipahiwatig. Basahin ang
maikling kuwentong "Uhaw ang Tigang na Lupa" ni Liwayway Arceo at ibuod .Sumulat ng
inyong refleksyon.

HAIKU

Huwag mangamba
Sabihin ang problema
Maging matapat ka

Madali lang intindhin ang ginawa kong haiku, ibig sabihin po nito na dapat hindi tayo matakot
sabihin ang problema, at kailangan natin maging matapat kung ano man ito. Huwag tayo
kabahan na aminin ang problemang nagawa at mabuting sabihin ang katotohanan bago pa
malaman sa ibang tao kugn ano ang nangyari.

TANAGA

Parang bituin sa langit


Ako sayo’y naakit
Sana ika’y makamit
Sana ay ipagkait

Ang ibig sabihin po nito ay may ipinapahayag o ipnapahiwatig na pagkagusto ang isang tao.
Para daw bituin sa langit, na ibig sabihin ay maganda at kumukutitap o nagnining sa kagandahan
at dahil dito siya ay naakit. Sa susund na linya dito ay sinabi niya na gusto niya itong maging sa
kanya, o maging irog niya. Gusto niya maangkin ang pag-ibig at sana ay hindi ito ipagkait.

BUOD NG UHAW NA TIGANG NA LUPANI LIWAYWAY ARCEO


Ang kwentong ay tungkol sa dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi
kakikitaan ng paglalambing sa isa`t isa. Parang walang pag-ibig ang kanilang pagsasama.

Hanggang sa isang araw,natuklasan nito na may mahal palang iba ang ama at matagal na nitong
nililihim sa pamilya . Ito ay nang mabasa ng dalagita ang talaarawan ng ama at makita ang isang
larawan ng isang babae.
Ngunit ang ina ay patuloy na nag-aalaga sa kanyang ama ng naratay ito sa kabila ng
katotohanang pagtataksil . At bago ito malagutan ng hininga’y hiniling nito ang pagsang-ayon ng
kaniyang kalaguyo sa bagong pagsasama. Sumagot ang kabiyak at nagkunwang kalaguyo—at
pinagbigyan kahit napakasakit pakinggan ang gayong pagtataksil ng kaniyang asawa o bana.

REFLECTION

Ang kwentong ito ay tungkol sa pagtataksil, at pagmamahal na tunay at pagpapatawad.

Pero bakit kaya nagtaksil ang Ama? Ano ba talaga ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal.
Nabibighani tayo at naakit sa magaganda. Mnsan kahit may mahal tayo, pero may mas lalagpas
pa. Kagaya ng nasa kwentong ito. Pero hindi naka focus ang kwento sa sino ang minahal ng
Ama, pero paano siya manahal ng kanyang tunay na Asawa. Ito ay ang tunay na pagmamahal.
Pagmamahal na nagsasakripisyo, pagmamahal ng kahit nasaktan ka, pero nagmamahal parin.
Hindi ko pa na experience ito. Ang pagmamhal ng Babae sa kanyang asawa ay tunay at
pinatawad niya ito.

Sa kabilang dako naman ay, habang nandito pa ang mga mahal natin, sikapin nating maging
masaya para sa kanila at pahalagahan natin sila sapagkat pagwala na sila, tayo lang naman ang
magsisisi kung bakit di natin sila inalagaan nung nandito pa sila sa ating tabi.

You might also like