You are on page 1of 8

Paaralan BANCAL INTEGRATED SCHOOL Baitang Tatlo

Daily Lesson Plan Guro Assignatura FILIPINO


Petsa Markahan Una

Seksyon
Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa
sa napakinggan.
B. Pamantayan sa Pagganap Maipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa
sa napakinggan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasagot ang mga tanong sa kuwento
(LC Code) Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento.
(F3PN-Ic- 1.4)
II. NILALAMAN Karapatan Ko
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG pahina Pahina 48-49
2. LM pahina Pahina 31-32
3. Teksbuk pahina Pahina 38, bilang 141
4. Karagdagang Kagamitan ICT-TV, tsart, larawan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Ano ang ginagawa ng iyong mga magulang noong kayo ay bata pa?
B. Paghahabi ng Layunin Ano-ano ang alam mong karapatan mo?
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ano-ano ang mga salitang maiuugnay ninyo sa salitang mapalad?
Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin sa mga bata.
Ano kaya ang nangyari kay Marina? Isulat ang sagot ng mga bata
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Basahin ang kuwento.
Marinang Mapalad
Si Marina ay isang batang ulila. Bata pa siya ay namatay na ang
kaniyang
mga magulang sa isang aksidente. Kaya nga’t siya ay kinupkop ng
kaniyang
tiyahin na walang anak. Itinuring siya ay parang tunay na anak. Pinag-
aral siya. Ibinili ng lahat ng kaniyang pangangailangan. At higit sa
lahat binigyan ng isang pamilya na kaniyang matatawag. Tunay na
mapalad si Marina.

Itanong
Sino ang inilalarawan sa kuwento?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Bakit siya mapalad?
Ano-anong karapatan ang naibigay sa kaniya?
Ano-ano ang karapatang naibibigay sa iyo ngayon?
Paano mo pahahalagahan ang mga karapatang ito?
E. Paglalahad ng bagong aralin. Ipakuha sa mga bata ng kagamitan para sa paggawa ng poster.
Ipaguhit ang mga dahilan ng pagiging mapalad ni Marina.
F. Paglinang sa kabihasaan Magpagawa sa mga bata ng isang maikling liham ng pasasalamat sa
(tungo sa formative test) magulang sa pagbibigay-buhay at pagpapaaral sa kanila.
G. Paglalahat Anu-ano ang mga karapatan mo bilang isang bata?
Natatamasa mo bang lahat ito?
Karapatan ng Bata
 Karapatan na maisilang at magkaroon ng pangalan at
nasyunalidad.
 Karapatan na maging Malaya at magkaroon ng pamilyang
mag-aaruga.
 Karapatan na mabigyan ng sapat na edukasyon.
 Karapatan na mapaunlad ang kasanayan.
 Karapatan na magkaroon ng sapat na pagkain at tirahan,
malusog at aktibong katawan.
 Karapatan na matutuhan ang mabuting asal at kaugalian.
 Karapatan na mabigyan ng pagkakataon na makapaglaro at
makapaglibang.
 Karapatan na mabigyan ng proteksyon laban sa
pagsasamantala, panganib at karahasan bunha ng mga
paglalaban.
H. Paglalapat ng aralin sa pang- Bumuo ng maikling liham pasasalamat para sa mga magulang kaugnay
araw-araw. sa mga
Karapatang tinatamasa.
I. Pagtataya Basahin at unawain ang kuwento sagutin ang mga tanong.
Masuwerte si Olga
Sanggol pa lamang si Olga ay ulila na ito. Parehong namatay ang
kanyang mga magulang sa isang aksidente. Kasama ang mga ito noong
lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito. Kinupkop si Olga ng
isang mayamang negosyante mula sa ampunang pinagdalhan sa kanya.
Binigyan siya ng mga ito ng pangalan. Itinuring siya ng mga ito na
parang tunay na anak. Pinag-aral siya sa isang mamahaling paaralan,
ibinili ng mga damit at iba pang pangunahing pangangailangan,
binigyan ng masisilungan at higit sa lahat ay binigyan siya ng isang
kumpletong pamilya na kanyang matatawag.
1. Sino ang inilalarawan sa kwento?
2. Bakit maagang naulila si Olga?
3. Ano ang nangyari sa kanyang mga magulang/
4. Bakit masasabing masuwerte si Olga?
5. Sino ang kumupkop kay Olga?
J. Kasunduan isulat ang limang karapatang tinatamasa ninyo ngayon.
V. MGA TALA 5-
4-
3-
2-
1-
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng 75% sa ______ mula sa _______ o _______% ang nakakuha ng 75% sa
pagtataya pagtataya
B. Bilang ng kailangan ng ______ mula sa _______ o ______ ang nangangailangan ng
remediation remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Oo, _____ mula sa _____ 0 _____ ang nakaunawa sa aralin.
Bilang ng nakaunawa.
D. Estratehiyang Panturo Direktang pagbibigay ng mga panuto at malinaw na pagtatanong
upang ang mga mag-aaral ay makapagbigay ng kanilang sagot.
E. Suliraning naranasan
F. Kagamitang panturo na nais
ibahagi sa kapwa guro
Paaralan BANCAL INTEGRATED SCHOOL Baitang Tatlo
Daily Lesson Plan Guro Assignatura FILIPINO
Petsa Markahan Una

Seksyon
Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat.
B. Pamantayan sa Pagganap Magkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasasagot ang tanong tungkol sa binasang kuwento
(LC Code) Nakapagbibigay-wakas sa binasang kuwento.
(F3PB-Ih-14)
II. NILALAMAN Karapatan Ko
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG pahina Pahina 49-50
2. LM pahina Pahina 33-34
3. Teksbuk pahina Pahina 38 bilang 141
4. Karagdagang Kagamitan ICT-TV, tsart, larawan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Ano-ano ang mga karapatan na tinatamasa ninyo?
B. Paghahabi ng Layunin Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasan ng kanilang
pamamasyalkasama ang pamilya.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Anong lugar sa Pilipinas ang nais mong mapuntahan?
Bakit gusto mong makarating dito?
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
Itanong: Ano kaya ang mangyayari pagkatapos ng limang tulog?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Pagbasa ng kuwento.
Limang Tulog
ni Florenda B. Cardinoza
Limang tulog na lang. Excited na ako. Mamamasyal kami sa
Maynila. Naisip ko tuloy ang mga naglalakihang gusali.
Ang maiingay na busina ng mga sasakyan at ang mga taong parang
langgam sa dami at sa bilis ng lakad.
Naisip ko rin ang mga bibilihin kong gamit sa paaralan.Kailangan ko
ng ruler, lapis, notebook, bag, at sapatos. Hindi ko namalayan na
nakatulog na pala ako.
Kinabukasan maaga akong nagising . Ang sakit ng ulo ko.
Giniginaw rin ako. Paano na ako makasasama sa Maynila? Pagpasok
ni Nanay, may dala siyang isang basang bimpo at gamot.

Itanong:
Bakit excited si Flor?
Ano ang nangyari sa kaniya?
Sa palagay mo,nakasama kaya siya? Bakit mo nasabi?
Ano ang gagawin mo kung hindi ka makakasama dahil may sakit ka?
Ano ang gusto mong maging wakas ng napakinggang kuwento?
Ano-anong karapatan ang tinamasa ni Flor sa kuwento?
Natatamasa mo rin ang mga ito?
E. Paglalahad ng bagong aralin. Pangkatin ang mga bata. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat
upang
tapusin ang gawaing iaatas sa kanila.
Gawain 1 Isadula kung bakit excited si Flor.
Gawain 2 Iguhit ang mga naisip ni Flor.
Gawain 3 Isulat ang mga pangyayari sa kuwento.
Pagtatanghal ng bawat pangkat.
Balikan ang kasagutan sa pag-uumpisa ng klase.
Tama ba ang naging hula ninyo?
F. Paglinang sa kabihasaan Kasama ang iyong pangkat, ipakita sa isang dula-dulaan ang maaaring
(tungo sa formative test) maging wakas ng isang sitwasyon na mapipili ng inyong pangkat.
1. May sakit si Celia. Dinala siya sa doktor.
2. May pagsusulit sina Peachy. Napuyat siya dahil sa computer games.
3. Maraming basura sa paligid ng bahay nina Kenneth.
4. Sa umaga ay nagtitinda muna ng diyaryo si Jayson bago pumasok sa
paaralan.
G. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 32.
H. Paglalapat ng aralin sa pang- Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32.
araw-araw. Tumawag ng ilang bata at pabasa ang natapos na gawain.
Kunin ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot.
Bigyan ng puna kung paano isinulat ang talata. Matapos bigyan ng
puna, ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ang talata.
I. Pagtataya Sipiin ang isang sitwasyon at tapusin ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng sariling wakas.
1. Namasyal ang magkaibigang Rino at Lito. Nagpasya silang
manood ng sine. Papasok na sila sa sinehan nang mapansin ni
Lito na nawawala ang kaniyang pitaka.
2. Sumama si Anna sa kanilang field tripsa Maynila. Nawili siya
sa panonood ng iba’t ibang hayop. Hindi niya namalayan na
napahiwalay na siya sa kaniyang grupo.
3. Lahat ng barya ay inihuhulog ni Buboy sa kaniyang maliit na
alkansiya. Minsan, kailangan niyang makabili ng gamit sa
kaniyang proyekto at kulang ang ibinigay ng kaniyang Tatay.
4. Namasyal ang magkapatid na Lorna at Sabel sa parke.
Maraming tao sapagkat mayroong banda sa entablado.
Nakipagsiksikan sila sa mga tao upang mapanood ang banda.
Pauwi na sila ng maalalang kapain ni Sabel ang pitaka sa
kanyang bulsa. Laking gulat niya ng wala na ito.
5. Isinama ni Fred ang kanyang ina sa palengke. Nakasunod
lamang si Fred sa kanyang ina habang dala ang mga pinamili
nito. Habang naglalakad si Fred ay text siya ng text sa
kaklase. Pagtunghay niya hindi na niya Makita ang kanyang
ina.
J. Kasunduan Manood ng isang teleserye at isulat kung ano kaya ang magiging
wakas nito.
V. MGA TALA 5-
4-
3-
2-
1-
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng 75% sa ______ mula sa _______ o _______% ang nakakuha ng 75% sa
pagtataya pagtataya
B. Bilang ng kailangan ng ______ mula sa _______ o ______ ang nangangailangan ng
remediation remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Oo, _____ mula sa _____ 0 _____ ang nakaunawa sa aralin.
Bilang ng nakaunawa.
D. Estratehiyang Panturo Direktang pagbibigay ng mga panuto at malinaw na pagtatanong
upang ang mga mag-aaral ay makapagbigay ng kanilang sagot.
E. Suliraning naranasan
F. Kagamitang panturo na nais
ibahagi sa kapwa guro
Paaralan BANCAL INTEGRATED SCHOOL Baitang Tatlo
Daily Lesson Plan Guro Assignatura FILIPINO
Petsa Markahan Una

Seksyon
Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
Pangnilalaman ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
B. Pamantayan sa Pagganap Maipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.
C. Mga Kasanayan sa Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa panghihiram ng gamit .
Pagkatuto (F3PS-If-12.2)
(LC Code) Nagagamit ang ito, iyan / iyon sa pangungusap. (F3WG-Ie-h-3.1)
II. NILALAMAN Karapatan Ko
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG pahina Pahina 50-51
2. LM pahina Pahina 32-33
3. Teksbuk pahina Pahina 38, bilang 141
4. Karagdagang Kagamitan ICT-TV, tsart, larawan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Sabihina ang magiging wakas ng kuwento.
Hilig ni Gemma ang uminom ng softdrinks sa umaga, tanghali at hapunan.
Nakakalimutan na niyang uminom ng tubig at gatas. Minsan siya ay nasa
paaralan, biglang sumakit ng matindi ang kanyang tiyan hanggang siya ay
mawalan ng malay.
B. Paghahabi ng Layunin May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo?
C. Pag-uugnay ng mga Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”?
halimbawa Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 31
Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang
gamit sa paaralan pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya?
Ano kaya ang sasabihin niya? Isulat ang sasabihin ng mga bata.
D. Pagtalakay ng bagong Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata.
konsepto Itanong:
Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng
gamit?
Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 32.
Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan

E. Paglalahad ng bagong Itanong:


aralin. Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor?
Ano-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram?
Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka?
Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan?
Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan?
Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan?
Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan?
Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa?
Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral?

F. Paglinang sa kabihasaan Humanap ng kapareha. Gumawa ng usapan tungkol sa


(tungo sa formative test) panghihiram ng gamit.
G. Paglalahat Ang ito ay ginagamit kung _________________, ang iyon
naman ay kung ____________ at ang iyan ay kung __________.
H. Paglalapat ng aralin sa Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.31.
pang-araw-araw. Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid.
Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon.
I. Pagtataya Punan ng angkop na panghalip na ito, iyon at iyan ang patlang upang mabuo
ang pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot.
1. Ang daming nagkumpulang ibon sa mga sanga ng puno. Kay
gandang pagmasdan ng mga ______.
2. Paborito ko ang damit na suot ko. _______ ay bigay sa akin ng aking
ninang.
3. Para sa iyo ang sapatos sa tabi mo. _____ ay binili ko para sa iyo.
4. Ininato ni Miko ang aking tsinelas sa taas ng puno. Ngayon ay hindi
naming ______ makuha.
5. ______ bang dyaryong hawak mo ay bago.
J. Kasunduan Tumingin sa paligid. Humanap ng bagay na maaring ituro gamit ang ito, iyan
at iyon.
V. MGA TALA 5-
4-
3-
2-
1-
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng ______ mula sa _______ o _______% ang nakakuha ng 75% sa pagtataya
75% sa pagtataya
B. Bilang ng kailangan ng ______ mula sa _______ o ______ ang nangangailangan ng remediation
remediation
C. Nakatulong ba ang Oo, _____ mula sa _____ 0 _____ ang nakaunawa sa aralin.
remedial?
Bilang ng nakaunawa.
D. Estratehiyang Panturo Direktang pagbibigay ng mga panuto at malinaw na pagtatanong upang ang
mga mag-aaral ay makapagbigay ng kanilang sagot.
E. Suliraning naranasan
F. Kagamitang panturo na
nais ibahagi sa kapwa guro

Paaralan Baitang Tatlo


Daily Lesson Log Guro Assignatura FILIPINO
Petsa Markahan Unang Marka
Seksyon
Oras
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat.
Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang mauunawaan ang iba’t
ibang teksto.
B. Pamantayan sa Pagganap Magkakaroon ng pagpapaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na
pagsulat.
Maipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang mauunawaan ang
iba’t ibang teksto.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa
(LC Code) Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na
may tatlo o
apat na pantig . (F3PV-Ih-2.1)
Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng
impormasyon
(F3EB-Ib-h-5)
II. NILALAMAN Karapatan Ko
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. TG pahina Pahina 52-53
2. LM pahina Pahina 33-34
3. Teksbuk pahina Pahina 38 bilang 141
4. Karagdagang Kagamitan ICT-TV, tsart, larawan
IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral Kalian ginagamit ang mga panghalip na ito, iyan at iyon?
B. Paghahabi ng Layunin Ipalaro : Pinoy Henyo
Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Ano-ano ang mga bahagi ng aklat?
Talakayin ang ibat ibang bahagi ng aklat.
D. Pagtalakay ng bagong konsepto Buksan ang Talaan ng Nilalaman ng Kagamitan ng Mag-aaral.
Hanapin at isulat sa notebook ang pahina ng Aralin 8 - Karapatan Ko.
Mula sa kuwentong “Limang Tulog,” sumipi ng dalawang salita na
may tatlo o apat na pantig. Isulat ang kahulugan ng mga ito mula sa
diksiyunaryo.
E. Paglalahad ng bagong aralin. Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin?
Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?”
Kung wala ang “Talaan ng Nilalaman,”ano pang bahagi ng aklat ang
maaaring
pagkunan ng pahina ng isang tekstong kailangan?
Paano mo pangangalagaan ang mga aklat?
Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng
pagkakataon na
makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng
impormasyon na
kailangan mo sa pag-aaral?
Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito
sa mga bata sa pisara. Ilang pantig mayroon ang bawat salita?
Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusa
F. Paglinang sa kabihasaan Buksan ang Talaan ng Nilalaman. Sumipi ng dalawang aralin at ang
(tungo sa formative test) pahina nito. Sumipi ng isang salita na nabasa mo sa mga nagdaang
aralin. Isulat ang kahulugan nito mula sa diksiyunaryo. Sipiin ang
isang pangalan ng sumulat ng aklat na ito.
G. Paglalahat Natutuhan ko sa aralin na ito na _______________________.
H. Paglalapat ng aralin sa pang- Kunin muli ang ginawang dummy ng isang aklat sa naunang aralin.
araw-araw. Isulat sa bawat bahagi nito ang mga makikitang impormasyon dito.
I. Pagtataya Muling kuhanin ang aklat sa Filipino.
Punan ang tsart ng hinihingi nito.
J. Kasunduan
V. MGA TALA 5-
4-
3-
2-
1-
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng 75% sa ______ mula sa _______ o _______% ang nakakuha ng 75% sa
pagtataya pagtataya
B. Bilang ng kailangan ng ______ mula sa _______ o ______ ang nangangailangan ng
remediation remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Oo, _____ mula sa _____ 0 _____ ang nakaunawa sa aralin.
Bilang ng nakaunawa.
D. Estratehiyang Panturo Direktang pagbibigay ng mga panuto at malinaw na pagtatanong
upang ang mga mag-aaral ay makapagbigay ng kanilang sagot.
E. Suliraning naranasan
F. Kagamitang panturo na nais
ibahagi sa kapwa guro

You might also like