You are on page 1of 1

Ako po si Neale Yuzon na pansamantalang nanunuluyan sa 7 Atherton Street North

Fairview Quezon City. Pinagbigay alam po sa akin na ang aking may bahay na si Vina
Morales Yuzon ay nagsadya sa tanggapan ng ating Barangay at humiling na ang ating
Lupon ng Tagapamayapa ay mamagitan sa ano mang di namin pagkakaunawaan na mag
asawa. Kaisa po nya ako sa layunin nyang mahanapan ng payapang solusyon ang kanyang
mga agam agam. Hinihiling ko lamang po na ayun sa alituntuning tinakda ng IATF COVID19
na nag babawal sa paglabas sa bahay ay ganapin ang ating pag aayos online. Maari po
itong gawin sa Zoom o FaceBook messenger. Ang cellphone number ko po ay (number) at
ang FB Messenger ko po ay (account). Ang magalang na pag hiling po ng online conference
ay sa kadahilanan na ang tatlong anak po namin ay bata pa na walang hihigit sa 15 taong
gulang. Dagdag pa po dito ay kasama ko sa aking tinutuluyan ang aking ina na Senior
Citizen na may edad na (age). Hindi ko po mapapatawad ang sarili ko kung ang aking
paglabas ay syang maging dahilan sa pagkakasakit ng aking pamilya. Alam ko na kaisa ko
ang aking may bahay na si Vina sa layunin na ito kaya sigurado akong sya ay sangayon sa
online conference.

Gumagalang,

Neale Yuzon

You might also like