You are on page 1of 3

LUMANSOC, YRLDRIAN JUNE

BS AGRICULTURE IV

PANUTO: Ibigay ang kahalagahan at tungkulin ng pagbasa sa sangay ng pananaliksik.

Ang kahalagahan ng pagbasa ayon kay Tyrone Van Kirk C. Regal:


 Mahalaga ang pagbasa sa buhay ng bawat tao sapagkat ito ang nagsisilbing
pangunahing kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan, kung baga ito ang gintong
susi na nagbubukas ng pinto sa daigdig ng karunungan at kasiyahan.
 Ang pagbasa ay isa sa mga kasanayan na siyang kailangan ng tao para mabuhay, tulad
ng isang pagkain ay hindi mabubuhay ang tao kung walang impormasyon
 Ang pagbasa ay sumasaklaw sa kakayahang kumilala sa mga titik, salita at
pangungusap at bumubuo sa tekstong binabasa.
 Ang pagbasa ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na
nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa lenggwahe sa
awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo.
 Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong
nakalimbag.
 Ang pagbasa ay pag-unawa sa mga kaalaman upang matamo ang karunungan,
pagbabalik sa nakaraan, pagtatasa sa kasalukuyan at antisipasyon sa hinaharap.
 Sa pagbasa ay pinapalawak nito ang paningin at pananaw.
 Ang pagbasa ay kasangkapan sa pagbuo ng mga kabatiran ukol sa iba’t-ibang
larangan ng pamumuhay. Baltazar (1977)

Mga kahalagahan para sa mga guro


- Ito ay mahalaga dahil nakakatulong ito sa kanilang pagtuturo. Mas napapalawak
nila ang kanilang kaalaman na maibabahagi nila sa mga estudyante.
Mga kahalagahan para sa mga estudyante
- Nadadagdagan ang kanilang mga nalalaman at mas nahahasa ang kanilang pag-
iisip sa pagtuklas ng mga bagong bagay na kanilang natutunan.
Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik at Mambabasa
Ang isang mananaliksik o mambabasa ay may mga tungkulin at responsibilidad na dapat
gampanan.
1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.

 Pinaparusahan ng batas ang sinumang tuwirang nangongopya ng


impormasyong hindi kinikilala ang pinagmulan.
 Tinatawag na plagiarism ang ganitong gawain.

2. Humingi ng permiso sa orihinal na may-akda kung gagamitin ang kaniyang data


o isinulat ng pananaliksik.

 Isa sa mga paraan ng pagkilala sa awtoridad ng sumulat ng akdang gagamitin


sa pananaliksik ay hingin ang kanilang permiso na gagamitin ang kanilang
akda bilang mga pagbabatayang datos.
 Sa pagkuha ng mga datos buhat sa isang ibang akda ay ang isulat ang ibang
pangalan at taon ng pagkalathala nito.

3. Kilalanin ang awtor ng pananaliksik na ginamit bilang batayan o batis ng mga


datos.

 Sa pagkuha ng mga datos buhat mula sa ibang akda ay isulat ang pangalan ng
sumulat at taon ng pagkalahathala nito. Ito ay pagkilala sa may akda bilang
orihinal at pinagmulan ng ideya.

4. Sumulat ng wastong dokumentasyon ng lahat ng pinagkunang batis.

 Isulat ang tamang dokumentasyon ng lahat ng mga pinagkunang datos bilang


pagpapatunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

5. Ilahad ang totoong resulta ng pananaliksik.

 Mahalagang ipakita sa pananaliksik ang tunay at tiyak na resulta ng


pananaliksik. Hindi dapat ito dayain o manipulahin lalo na kung taliwas sa
hypothesis ang naging resulta.

6. Sundin ang suhestiyon ng tagapayo lalo na sa proseso sa paggawa ng


pananaliksik.
 Makatutulong ito upang maging makatotohanan ang resulta at makaiwas sa
pagtatangkang manipulahin o dayain ang isinagawang pag-aaral.

Iba pang gampanin ng Mananaliksik


Bukod sa mga nabanggit na tungkulin, dapat ding gampanan ng isang mananaliksik
ang ibang gawaing makakatulong upang maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala ang
kaniyang sulating pananaliksik. Narito ang ilang mga gampanin:

 Mahalaga sa isang mananaliksik ang magkaroon ng interes sa kanyang paksa.


Kailangang magkaroon siya ng hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip
at magtanong din sa mga eksperto.
 Kailangan niyang puntahan ang lugar na mapagkukunan niya ng
impormasyon. Kailangan ding maging mapanuri ang isang mananaliksik sa
mga teksto at materyal na pinagkukunan niya ng impormasyon.
 Hanggang maari, magsagawa siya ng ebalwasyon sa mga nakalap na
impormasyon upang lubos na mapatunayan ang isanasagawang pag-aaral.
 Kailangan ay marunong siyang magsama-sama ng mga impormasyon upang
makabuo ng mga bagong konklusyon.
 Kailangan maipakita niya ang resulta ng pananaliksik sa paraang kawili-wili,
may direksyon at may tamang dokumentasyon ng mga pinagkunang
impormasyon.

You might also like