You are on page 1of 9

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Marka- Unang Linggo

Pilyego ng mga Gawain sa


Pampagkatuto

Ang mga Uri ng Pamahalaan at


Patakarang Ipinatupad sa Panahon
ng mga Amerikano
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________
Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: Baitang 6
Kwarter: Ikalawa
Kasanayan sa Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang
Pampagkatuto ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano
(MELC):
Koda:
Buwan: Enero
Linggo: Unang Linggo (Enero 4-8, 2020)
Pamagat ng Gawain 1 – Punan ng Dahilan
Gawain: Gawain 2 – Tsek o Ekis
Gawain 3 - Pagtugmain

Mga Papel
Kagamitan:
Layunin:  Natatalakay ang mga patakarang ipinatutupad
sa panahon ng mga Amerikano;
 Nabibigyang katwiran ang mga patakaran at
uri ng pamahalaang ipinatupad sa panahon ng
Amerikano;
 Naiisa-isa ang uri ng pamahalaan na
ipinatupad sa panahon ng Amerikano; at
 Nasasabi ang mga epekto ng mga uri ng
pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon
ng Amerikano sa mga Pilipino.

Aralin 1:
Uri ng Pamahalaan sa Panahon ng mga Amerikano

Simula Agosto 1898, isang Pamahalaang Militar ang pinatakbo ng mga


Amerikano upang mas madaling matigil ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino.

1
Sa pamamagitan ng mapanupil na batas sa ilalim ng Pamahalaang Militar,
unti-unting humina ang pakikibaka ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.

Komisyong Schurman

 Noong ika-20 ng Enero 1899, binuo ni Pangulong William McKinley ng


Estados Unidos ang Komisyong Schurman, ang unang komisyon sa
Pilipinas.
 Ang komisyong ito ay kilala rin sa tawag na First Philippine Commission
na pinamunuan ni Jacob Gould Schurman. 
 Layunin ng komisyong ito na alamin ang kalagayan ng Pilipinas, at
magbigay ng rekomendasyon ukol dito.

Komisyong Taft 

 Pinadala ni Pang. McKinley ang Komisyong Taft noong ika-16 ng Marso


1900.
 Ito ay kilala rin sa tawag na Second Philippine Commission, na
pinamunuan ni William Howard Taft, kung saan hango ang pangalan
nito.
 Ito ay ang komisyong nakapagbalangkas ng mga batas na nagsasaayos
sa sistema ng serbisyo sibil.

Noong ika-4 ng Hulyo 1901, naisakatuparan ang Pamahalaang Sibil sa


pamumuno ni William Howard Taft. Ito’y itinatag upang matakpan ng mga
Amerikano ang diumano’y “pag-aalsa ng mga Tagalog” at ipinapaniwala sa
buong mundo na mapayapa at matiwasay ang kanilang pagsakop sa
Pilipinas.

Aralin 2:
Mga Patakarang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano

1. Patakaran sa Pagtakbo ng Kalakalan

Sa pagkontrol ng Estados Unidos sa Maynila at iba pang daungan,


isinaayos nila ang pagpataw ng mas mababang taripa para sa produktong
Amerikano kaysa sa ibang produktong dayuhan.

 Payne-Aldrich Act
 Binuo ito noong ika-1 ng Abril, 1909.
 Ito ay may probisyon tungkol sa kalakalan sa Pilipinas at isinasaad

2
na hindi papatawan ng taripa ang mga produkto mula sa Estados
Unidos na ipapasok sa Pilipinas; samantalang may inilaang kota sa
mga produktong Pilipino tulad ng asukal, tabako, sigarilyo na ipasok
sa Estados Unidos.
 Nakinabang nang husto ang mga Amerikano sa kalagayan nito dahil
malaya silang nakakapag-angkat sa bansa ng anumang produkto. Sa
kabilang dako naman, ay nalimit ang oportunidad ng mga
negosyanteng Pilipino na makapagbenta ng kanilang produkto sa
Estados Unidos.
 Underwood-Simmons Act
 Ito ay naglalayong isaayos ang hindi balanseng kalakalan sa pagitan
ng Pilipinas at Estados Unidos sa pamamagitan ng pagbuwag sa mga
kota ng produktong Pilipino.
 Sa unang tingin, aakalain mong naging mabuti ito para sa mga
negosyanteng Pilipino. Ngunit, nagkaroon ng pagbabago sa mga lokal
na industriya na sumentro na lamang sa paggawa ng produktong
Amerikanong mailuluwas sa Estados Unidos.

1. Patakaran sa Karapatan sa Likas na Yaman

Sa pananakop ng Amerikano sa Pilipinas, napakinabangan din nila nang


husto ang likas na yaman ng bansa.

 Parity Rights
 Ang patakarang ito ay pagbibigay ng pantay na karapatan ng Pilipino
at Amerikano sa paggamit ng likas na yaman ng bansa.
 Mas madaling napaunlad ng patakarang ito ang industriyang
kalakalan na binuo ng Amerikano sa bansa.

2. Patakaran sa Pagmamay-ari ng Lupain

Kinausap ni Taft ang Pope upang ipagbili ang mga asyenda ng kaparian
sa Pilipinas. Napagkasunduan na magbibigay ng $7, 000, 000 si Taft kapalit
ng 166, 000 ektarya. Kasama rin sa kasunduan ang pagpapahintulot ng
Simbahang Katoliko na unti-unting mapalitan ng mga Pilipinong pari ang mga
Kastilang pari.

 Friar Lands Act


 Ito ay naglilinaw sa mga lupaing maaaring ipagbili, ipa-upa, o
pangasiwaan ng pamahalaan.
 Ang mga lupaing ibinenta ay nabili ng mga kasama sa bukid pero ang
malaking bahagi nito ay nabili ng mga maykaya at dati ng may lupa.

3
 Land Registration Act No. 496
 Ipinatupad ng mga Amerikano ang pagpaparehistro ng mga lupain.
 Sa pamamagitan ng Torrens title, inaasahan ang mga magsasaka na
magparehistro upang kilalanin ang kanilang pagmamay-ari ngunit
hindi ito nila kaagad nagawa. Mas nauna pa ang mga Pilipinong
panginoong (landlord) maylupa na magpa-rehistro kahit ito’y hindi
legal na sakop ng kanilang pagmamay-ari.

3. Patakaran sa Pampublikong Pangkalusugan

 Pinabuti ng mga Amerikano ang kalusugan at sanidad ng bansa.


 Nagtayo ang mga Amerikano ng mga board of health na nangasiwa sa
mga programang pangkalusugan. Nagpatayo sila ng mga ospital.
 Nagkaroon din ng programa na nagtutungo sa mga kabahayan upang
tingnan ang mga kailangang isaayos sa kalinisan ng mga Pilipino.
 Isinaayos ang malinis na suplay ng tubig, nagbuo ng mga kanal at
sewer, pinagbuti ang pail conservancy system, nagpatayo ng
pampublikong paliguan at labahan at epektibong kinolekta ang mga
basura upang sunugin.

4. Patakaran sa Relihiyon

 Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa, ipinakilala nila ang iba’t-


ibang uri ng denominasyon ng Protestantismo.
 Ang Protestantismo ay sekta ng Kristiyanismo pero hindi
pumapailalim sa pamumuno ng Pope sa Roma.

5. Patakaran sa Imprastraktura

 Nagsagawa ng malawakang programa para mapaunlad ang


imprastraktura ng bansa. Pinabuti nila ang transportasyon at
komunikasyon.
 Nagkaroon ng mga programang naglalatag ng kalsada at pagpapatayo
ng mga tulay.
 Isinakatuparan din ang pagpapatayo at pagpapalaki ng mga piyer at
paliparan sa bansa.

4
6. Patakaran sa Edukasyon

Ang edukasyon ang naging daan para makuha ang puso’t isipan ng mga
Pilipino. Sa pagsakop ng Estados Unidos sa Maynila, sinimulang turuan ng
mga Amerikanong sundalo ang mga kabataang Pilipino. Kalaunan ay
dumating ang mga Amerikanong guro na tinawag na Thomasites hango sa
barkong sinakyan nila na USS Thomas na humalili sa mga sundalo sa
pagtuturo.

*Philippine Commission Act No. 74


Isinakatuparan din ang batas na nagbibigay ng libreng pampublikong
edukasyon para sa mga Pilipino, pagsasanay ng mga guro, pagbabawal
sa pagtuturo ng relihiyon sa mga paaralan, at pagtatag ng paaralang
normal, at paaralang para sa kalakalan at sining. Ang wikang Ingles
naman ay itinuro sa mga paaralan.

*Philippine Commission Act No. 372


Sa pamamagitan ng batas na ito, ipinatupad ang pagtatatag ng mga
sekundaryang paaralan sa lalawigan.

*Pensionado Act
Pagpapadala ng mga Pilipinong mag-aaral sa Estados Unidos upang
matuto at masanay.

Mga Gawain:
Gawain 1: Punan ng Dahilan

Panuto: Punan ang dayagram sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong


tungkol sa Pamahalaang Militar at Pamahalaang Sibil.

Pamahalaang Pamahalaang
Militar Sibil
Bakit itinatag Bakit itinatag
ang ang
pamahalaang pamahalaang
ito? Uri ng ito?
_________________ Pamahalaan sa _________________
_________________ Panahon ng _________________
_________________ Amerikano _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________
_________________ _________________

5
Gawain 2: Tsek o Ekis

Panuto: Lagyan ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang isinasaad sa


pangungusap ay tama at ekis ( x ) kung mali. Gawin ito sa sagutang
papel.

_______1. Mas nagkaroon ng karapatan ang mga Pilipino sa mga likas na


yaman ng bansa kaysa sa mga Amerikano sa patakarang Parity
Rights.
_______2. Ang Protestantismo ay ang relihiyong pinakilala ng mga Amerikano
sa mga Pilipino.
_______3. Isinakatuparan ng mga Amerikano ang batas ng nagbibigay ng
libreng pampublikong edukasyon sa mga Pilipino.
_______4. Nagtayo ang mga Amerikano ng board of health upang
mapangasiwaan ang programang pangkalusugan.
_______5. Hindi itinuro sa Panahon ng mga Amerikano ang wikang Ingles sa
mga paaralan para manatiling mangmang ang mga Pilipino.

Gawain 3: Pagtugmain

Panuto: Hanapin ang inilalarawan ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B.


Isulat ang titik ng wastong sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

_____1. Pagsaayos sa hindi balanseng a. Land Registration Act


kalakalan sa pagitan ng Pilipinas
at Estados Unidos
_____2. Pagtanggal ng taripa sa mga b. Payne-Aldrich Act
produktong Amerikano na
pumapasok sa bansa
_____3. Mga Amerikanong guro c. Parity Rights
_____4. Pagpapadala ng mga Pilipino sa d. Pensionado Act
Estados Unidos upang makapag-
aral
_____5. Pagpaparehistro ng mga lupain e. Thomasites

6
f. Underwood-Simmons
Act

Konseptong Natutunan:
Sa iyong palagay, naging mabuti kaya ang kalagayan ng mga Pilipino sa mga
patakaran at uri ng pamahalaang ipinatupad ng mga Amerikano sa bansa?
Ibigay at isulat ang iyong katwiran.

Sanggunian:
Ramos, Dexter John V., De Guzman, Apollo D., de Viana, Augusto V. Bayanihan: Mga Hamon
at Tugon sa Pagkabansa. Makati City: Diwa Learning Systems Inc, 2018.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain
Gawain 32
1.
1. fX
Pilipinas
pagsakop sa 2.
2. b√
3. e
matiwasay ang 3. √
4. d
buong mundo na 4. √
5. a
mapaniwala ang Amerikano
aalsa ng at sa Panahon ng ang mga pag-aalsa 5. X
an diumanoy pag- Uri ng Pamahalaan madaling matigil
ng mga Amerikano Upang mas
Upang matakpan pamahalaang ito?
pamahalaang ito? Bakit itinatag ang
Bakit itinatag ang Gawain 1 Militar
Pamahalaang Sibil Pamahalaang

7
Manunulat: SHAINE DZYLL S. KUIZON
Paaralan: Simbalan Central Elementary School
Purok: Buenavista-IV
email address: shainedzyll.kuizon@deped.gov.ph

You might also like