You are on page 1of 1

KRISTINE B.

CAMILO ABS1

1) Ang mga katangian ng wika ay isa sa mga mahahalagang biyaya ng Diyos sa atin,
upang tayo ay mabuhay sa mundong ito na may kabuluhan at makamit natin ang ating mga
pangarap . Ang wika ay may sampong katangian. Una ay ang masistemang balangkas ito
ang ginagamit ng bawat tao sa daigdig na sistemang nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa si lara ay nag aaral nang mabuti upang makapasa sa eksamin. Ang pangalawa
naman ay ang sinasalitamg tunog , ang wika ay nagtataglay nang tunog subalit hindi lahat
nang tunog ay may kahulugan. Ang pangatlo naman ay ang arbitayon simbolo ng tunog ,
ito ay uri ng katangian na mga simbolo ng salita. Ang pang apat naman ay ang wika ng
komonikasyon , ito ay may kasangkapang pang komunikasyon ng dalawa o higit pang nag
uusap na mga tao.
Ang oanglima naman ay ang wika ay pantao, ito ay isang eksklusibong wika na pag
aari ng mga tao ,na kung saan ito ang lumilikha o gumagamit. Ang pang anim ay ang wika
ay kaugnay ng kultura, kung saan binubuo ng kultura ang sining, panitikan, karunungan,
kaugalian, kinagawian at paniniwala ng mamamayan. Ang pang pito naman ay wika ay
ginagamit , ito ay tumutukoy s paggamit nang wika dahil kung walang gagamit , mawawali
rin ito. Ang pang walo naman ay ang wika ay natatangi ,ito ay katangian nang wika na
natatangi dahil walang magkakaparehong wika, may sariling sistema ang wika at sariling
set ng mga bahagi. Ang pang siyam naman ay ang wika ay diyameko, ito ay tumutukoy sa
patuloy na pagbabago nang dahil sa patuloy na pagbabago nang pamumuhay ng tao. At
ang pang sampo naman ay ang wika ay malikhain, tumutukoy ito sa abilidad ng wika na
nakakabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap.

2.) Mahalaga ang wika dahil ito ang instrumento ng komunikasyon. Mahalaga ito dahil
ito ay natatangi. Sa pamamagitan nito nakakapagpahayag tayo nang nang ating mga
damdamin at ideya. Ito ang lumilinang sa ating mga kaisipan. Ang wika ang nagbubuklod
sa ating bansa.
Ang wika ay sumisimbolo ng ating pagkatao . Maraming mga magagandang
naidulot ang ating wika sa ating mga Pilipino. Malaki ang parte ng wika sa ating
pagkatao ,nagagamit natin ito upang tayo'y magkakaintindihan. Bahagi na ng ating
pagkatao ang wika. Malaki ang na i-ambag ng wika sa ating mga Pilipino dahil binubuo
nito ang ating mga personalidad bilang isang Pilipino.

3. ) Teoryang Bow-wow — Ang teoryang ito ay nakakalikha ng tunog gawa ng ihip ng


hangin, tunog ng kalikasan atbp. Ayon pa sa teoryang ito maaring ang wika ng mga tao ay
nagmumula sa mga tunog na nanggagaling sa ating kalikasan. Sa tuwing nakakarinig tayo
ng mga tunog na nagmumula sa ating paligid. Halimbawa nito ay ang tahol ng aso, huni ng
mga ibon sa himpapawid , nahihinuha natin agad na ito ay Teoryang Bow-wow. Sinasabi rin
na ang mga primitibong tao di umano ay kulang sa bukabularyong magagamit.

Teoryang Ding-Dong — ito ay tumutukoy sa sariling tunog ng lahat ng bagay sa ating


kapaligiran. Halimbawa ay ang tunog ng tren o tunog ng orasan. At ang panghuli naman ay
ang Teoryang Pooh-pooh. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng bibig . Kung saan nakakalikha ng
mga tunog na galing o dala ng emosyon tulad ng saya, lungkot, at galit ng isang tao.

You might also like