You are on page 1of 2

Mga Teknik sa Paghahatid ng Pahayag

Isinulat ni: Mangubat, Rica, Marasigan, Allaine, at Santiago, Katrina

1. Pasalaysay (Narativ)
- may layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na karanasan
sa buhay
- Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kalian, at ano.
- Uri ng Pasalaysay/ Narativ:
a) Pagsasalaysay na totoo - base sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari
b) Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan ng mga mito, pabula, parabola,
anekdota, palaisipan, maikling kwento at nobela
c) Pananaw sa Pagsasalaysay- nagsasaad ng personal na kaugnayan ng
tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang
ikinukwento.

2. Paglalarawan (Deskriptiv)

- naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o


tagapakinig; pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama
- Uri ng Paglalarawan
a) Pangkaraniwang Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan,
hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro
b) Konkretong Paglalarawan – ito ay naglalarawan ng literal at ginagamit dito ang
mga pangkaraniwang paglalarawan gaya ng maganda, maayos, malinis atbp.
c) Masining na Paglalarawan – ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang
makita ang isang buhay na buhay na larawan
d) Abstrakt na Paglalarawan - paglalarawan na gumagamit ng nga di-literal na
paglalarawan; inaaniban ito ng mga idyomatikong paglalarawan. Sangkot ang sariling
damdamin ng sumusulat at gumagamit ng mga tayutay sa ganitong uri ng
paglalarawan

3. Paglalahad (Ekspositori)

- may layuning magpaliwanag o maglahad ng opinyon sa magkabilang panig ng usapin

Mga anyo ng paglalahad:

a. Panuto - ito ay sining na ginagamitan ng sariling likha at tiyak na mga salita upang
maging maliwanag, maikli ang direksyon upang madaling maunawaan
b. Balita - ito’y ulat na naglalarawan ng mga pangyayari sa loob at labas ng bayan maging
tungkol sa paaralan, pamahalaan, lipunan, pulitika, kalakal, relihiyon at iba pa
c. Pangulong-tudling/editoryal - ito ay naglalayong mamatnubay sa mga kuro-kuro ng
madla sa tulong ng maingat na panghihikayat at paglalagay ng sumuslat sa katayuan ng
mambabasa, karaniwan ay kuha sa mga balita at paksa
d. Pagsusuri - maingat na pagiisa-isa ng mga detalye
e. Depinisyon o katuturan
f. Pagbibigay ng halimbawa
g. Paghahambing o kontras

Katangian ng isang mahusay na paglalahad:

a. Kalinawan - ang mga detalye at impormasyon ay ipinababatid ng walang pag-aalinlangan


b. Kaiksian - walang mahaba at nakalilitong mga pahayag o paliwanag
c. Katiyakan - Sapat at angkop ang mga patunay at pagpapatibay

4. Pangangatwiran (Argumentiv)
- may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga
pananalita

Dalawang Uri ng Pangangatwiran


a) Pabuod o Inductive Method
- Sinisimulan ito sa particular na pangyayari, katotohanan o kalagayan, at tinatapos sa
isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t ibang
obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat
kapag narrating na ang katotohanan o prinsipyo

b) Silohismo o Deductive Method


- Pangangatwiran na lohikal kung maghayag ng katotohanan: panghahawakan muna
ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at ditto
ngayon ibabase ang konklusyon

You might also like