You are on page 1of 3

Pangalan: Samal, Lady Mae B.

Obra Maestrang Filipino – Final Exam


1. Ano ang mga suliranin ng Panitikang Filipino?

Maraming kinakaharap na suliranin ang Panitikang Filipino iilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod. Una, Bagama’t malaki na ang iniunlad ng ating panitikang Filipino, kakaunti pa rin
ang tumatangkilik dito, hindi tulad ng pagtangkilik nila sa panitikang banyaga lalo na sa Ingles.
Kung marami man ang tumatangkilik sa panitikang banyaga, lalo na sa Ingles kaysa panitikang
Filipino, bakit hindi natin pag-ibayuhin ang ating punyagi upang mapabuti at mapaganda ang
mga likhang-isip at nang mahikayat ang karamihan ng ating mga kababayan at kabansa na
tumatangkilik sa panitikang Filipino.
Pangalawa, totoo ngang ang panitikang Filipino ay pinag-aaralan sa mga eskuwelahan—may
mga paaralan naman na ni ayaw ibilang ito sa mga asignatura dahil alam na raw ito ng mga mag-
aaral at dahil totoo raw na maraming asignaturang dapat bigyan ng daan. Ang pag-aaral ng
panitikang Filipino sa mga paaralan ay dapat pagsumikapang mapabuti at ang mga
sumusabaybay sa panitikan ay dapat magkaroon ng ibayong lakas ng loob na igiit ang pagtuturo
ng asignaturang “Panitikang Filipino”.
Pangatlo, Mahina ang benta ng mga aklat na pampanitikang Filipino. Maliban na lamang
kung ang aklat ay pampaaralan, walang aklat na isinulat ng isang Pilipino, para basahin ng
kapwa Pilipino, ang makaabot sa pagbebenta ng mahigit na 10,000 kopya, ayon sa bantog na
nobelistang si Celso Al. Carunungan. Kung kulang ang tinatawag na “incentive” o pamukaw sa
tao upang bumili ng aklat pampanitikang Filipino, paganahin pa natin ang ating mga isinusulat.
Pagsumikapan din nating mahikayat ang mga tagalathala na Malaki ang maitutulong nila sa pag-
unlad ng panitikang Filipino, kaya’t ipagpaumanhin na muna nila ang paminsan-minsang
pagkalugi o kaya’y ang maliit na tubo.

2. Pagkakapereho at pagkakaiba ng Noli Me Tangere at El Felibusterismo


Mga Pagkakatulad ng Dalawang Nobela

 Ang pagkakatulad ng  El Filibusterismo at Noli ay Parehong isinulat ni Dr.Jose Rizal.


 Nang isinusulat ni Dr. Jose Rizal ang Fili at Noli Me Tangere ay parehas siyang
nakaranas ng mga sularanin at mga paghihirap.
 Ang Noli Me Tangere at el Filibusterismo ay parehas isinulat ni Rizal upang magising
ang mga Pilipino sa mapang aping pamamaraan ng pananakop ng mga Espanyol.
 Ang Noli at El Filibusterismo ay parehong tumatalakay sa katiwalian ng pamahalaan at
paghahari harian ng mga prayle noong panahon ng mga kastila.  

Sinasabing sa parehong Nobela ay katakot takot ang dinanas na hirap ni Rizal upang ito ay
mailathala salamat sa kanyang mga kaibigan na tumulong sa kanya noong panahong iyon at
matagumpay na nailathala ang naturang mga aklat, ang mga aklat na ito ang nagpamulat sa
maraming Pilipino sa pang aapi ng mga espanyol ito ang nagtulak sa kanila upang ipaglaban ang
kanilang mga karapatan, ang parehong aklat na ito ang dahilan kung bakit nakamtan natin ang
kalayaan.  
Pagkakaiba ng Dalawang Nobela
 Noli me tangere
Mula sa salitang Latin na nangangahulugang HUWAG MO AKONG SALINGIN, hinango ito sa
bibliya sa ebanghelyo ni San Juan

 El filibusterismo
Mula sa salitang Filibustero na ibig sabihin ay taong kalaban ng mga prayle

 Noli me tangere
Nagsimulang gawin ito noong 1884 sa Spain at natapos ito noong Pebrero 1887 sa
Berlin,Germany

 El filibusterismo
Nagsimulang gawin ito noong 1890 sa England at natapos sa Belgium noong 1891

 Noli me tangere
Nakita ni Rizal ang pagkakatulad sa pagmamaltratong malupit ng Spain sa
diskriminasyon ng Amerikanong puti sa itim.

 El filibusterismo
Naniniwala si Rizal na biktima sila ng walang katarungan at kalapastanganan ng Spain sa
tatlong pari na sina Mariano Gomez,Jose Burgos at Jacinto Zamora.

 Noli me tangere
Inihandog ito sa Bayang Sinilangan

 El filibusterismo
Alay para sa tatlong pari na GomBurZa

 Noli me tangere
Nobelang Panlipunan
 El filibusterismo
Nobelang Pulitikal

 Noli me tangere
Sumasalamin sa kalagayang Panlipunan na nagpapakita ng kalupitan ng mga Espanyol na
nagpapagising sa pagkauhaw na makalaya

 El filibusterismo
Ipinapakita ang pagnanasa na makamit ang kasarinlan dahil sa kasakiman ng matataas na
opisyal tulad ng prayle at sibil.
 Noli me tangere
Nalimbag sa tulong ni Maximo Viola sa Germany at bilang pagpapasalamat ay ibinigay
ang orihinal na manuskrito at pluming ginamit sa paggawa.

 El filibusterismo
Sinimulang ilimbag ito noong Mayo 1891 at dahil sa kakapusan ng pera ni Rizal ay
nahinto ito at natapos ang paglilimbag noong Setyembre 1891 sa tulong ni Valentin
Ventura at bilang pasasalamat ay ibinigay ang orihinal at may lagdang manuskrito

You might also like