You are on page 1of 8

Pamagat Tayutay

Iglap Eksaherasyon o Hyperbole


Palatandaan Pagtatao o Personification
Pananda Pagdaramdam
Biyaya ng Kutob Pagtatao oPpersonification
Rosaryo ni Nanay Paramdam
Pagtatao o Personification
Antolohiya ng Ina Paglilipat-saklaw o Synecdoche
Pangitain Pagtatao o Personification
Pagwawangis o Metaphor
Pagtatao o Personification
Engkwentro Eksaherasyon o Hyperbole
Labandera Pagtatao o Personification
Eksaherasyon o Hyperbole
Betamax Pagpapalit wika
Bahay na Bato Pagwawangis o Metaphor
Pagtatao o Personification
Pagwawangis o Metaphor
Landing Paglilipat-saklaw o Synecdoche
Oktubre, tiempo muerto Eksaherasyon o Hyperbole
Dapit Hapon Pagwawangis o Metaphor
Man Pedrian Pagtanggi o Litotes
Sampalataya sa Wala Paglilipat wika
Katawan sa Banig Pagtatao o Personification
Dambana Paghihimig o Onomatopoeia
Pagtatao o Personification
Huling Gabi Pagtanggi o Litotes
Eksaherasyon o Hyperbole
Para sa kanilang walang ngalan Pagwawangis o Metaphor
Pagsilang Pagtatao o Personification
Eksaherasyon o Hyperbole

Pamagat Tono
Iglap Nangangamba
Palatandaan Takot
Pananda Pagkalungkot
Biyaya ng Kutob Nag-aalala
Rosaryo ni Nanay Nag-aalala
Antolohiya ng Ina Pagmamahal
Pangitain Nangangamba
Engkwentro Nag-aalala
Labandera Nagdadalamhati
Betamax Pagkatakot
Bahay na Bato Pagkalungkot
Landing Pagkakalma
Oktubre, tiempo muerto Pagdadalawang-isip
Dapit Hapon Kalmado/Pagod
Man Pedrian Kalmado
Sampalataya sa Wala Pag-aalala
Katawan sa Banig Pagdadalamhati
Dambana Pagkagalit
Huling Gabi Kalungkutan
Para sa kanilang walang ngalan Kalungkutan
Pagsilang Pagkagalak

Eksaherasyon o hyperbole ang uri ng tayutay na nakita sa linyang “pagtataka ang kumain sa
akin” na mula sa tulang Iglap. Ang tono na ipinapahayag sa kabuuan ng tulang ito ay ang
pangamba.

Ang linyang “ginuhit ng hamog, ang kurba ng bundok” sa tulang Palatandaan ay nag
papakita ng uri ng tayutay pagtatao o personification. Pagkagalak ang ipinakitang emosyon o
tono sa tula.

Sa tulang Pananda ay ipinakita sa linyang “Kung ang rebolusyon ay isang antolohiya,


ang bawat pahina ay may nakalaang patlang para sa mga lihim” ang uri ng tayutay na ipinakita
dito ay ang pagdaramdam. Ang tonong mababatid sa tulang ito ay kalungkutan.

Sa linyang “magdabog ang nalalabing tiwala” sa tulang Biyaya ng Kutob ay nagpapakita


ng uri ng tayutay na pagtatao o personification. Nagpapakita rin ito ng tono o emosyon na nag-
aalala.

Pagdaramdam ang mababatid na uri ng tayutay sa tulang Rosaryo ni Nanay na may


linyang “dilaw na bumbilya sa dibdib ng porselanang madonna” at Pagtatao o personification
naman sa linyang “gumapang ang usok sa altar mula sa kusina”. May emosyon o tonong nag-
aalala na mababatid sa tula.
Paglilipat-saklaw o synecdoche naman ang uri ng tayutay na nakita sa tulang Antolohiya
ng Ina na may linyang “may espasyo ng pasensya”. Ito ay may emosyon o tonong pagmamahal
na mababatid sa tula.

Sa tulang Pangitain ay may tatlong nagpapakita ng uri ng tayutay nariyan ang linyang
“hinila ng hangin ang hibla ng buhok ko” na may uri ng tayutay na pagtatao o personification,
pangalawa sa linyang “bumubula ang bibig ng dagat, umaalpas sa indayog ng makina” na
nagpapakita ng uri ng tayutay na pagwawangis o metaphor, pangatlo ay sa linyang “humikab ang
dagat” na may uri na tayutay na pagtatao o personification at huli ang linyang “tumilaok ang
langit” na may uri ng tayutay na pagpapalit wika. Nakinakitaan ng emosyon o tonong
nangangamba.

Eksaherasyon o hyperbole naman ang uri ng tayutay na mababatid sa tulang engkuwentro


sa linyang “alimpuyo ng alikabok” na nagpabatid ng tono o emosyon na pag-aalala.

Sa linyang “nagdiriwang ang mga langaw” mula sa tulang labandera ay nag papakita ng
uri ng tayutay na pagtatao o personification at sa sumunod na linya na “dugong sumirit mula sa
tiyan” ay may uri naman ng tayutay na eksaherasyon o hyperbole. Ang tulang ito ay kinakitaan
ng tono o emosyon na nagdadalamhati.

Sa tulang Betamax ay may uri ng tayutay na pagpapalit wika na nakita sa linyang “umirit
ang katahimikan”. Ang tulang ito ay mayroong tono na pagkatakot.

Sa linyang “ngunit ang armadura ng mga bintana, haligi at pinto ay likas na


kayumanggi” ay nagpapakita ng uri ng tayutay na pagwawangis o metaphor samantalang sa
linyang “narito ang terasang nakatunghay sa kasaysayan” ay kinakitaan naman ng tayutay na
pagtatao o personification at huli sa linyang “sa nagdaang mga panahon, ang bahay ay isang
parola” ay kinakitaan parin ng uri ng tayutay na pagwawangis o metaphor na mula sa tulang
Bahay na Bato at ito’y may tono o emosyon na pagkalungkot.

Ang tulang Landing na may linyang “inaalsa ang laylayan” ay may uri ng tayutay na
paglilipat-saklaw o synecdoche na may tono o emosyong pagkakalma.
Eksaherasyon o hyperbole naman ang uri ng tayutay na nakita sa tulang Oktubre, tiempo
muerto sa linyang “kung banat na banat na ang buto”. Ang tulang ito ay may tono o emosyong
pagdadalawang-isip.

Sa tulang Dapit-hapon ay ipinakita sa linyang “karayom na tumutusok sa mga mata” ang


uri ng tayutay na pagwawangis o metaphor at may emosyon o tonong Kalmado/Pagod.

Pagtanggi o litotes naman ang uri ng tayutay na nakita sa tulang Man Pedrian sa linyang
“lahat ng mga nalulunod at hindi nagsatubig”. Ang tulang ito ay nagpakita ng emosyon o tonong
kalmado.

Paglilipat wika naman ang uri ng tayutay na nakita sa linyang “kulay putik” sa tulang
Sampalataya sa Wala. Ang tulang ito ay nagpabatid ng tono o emosyon na Pag-aalala.

Sa linyang “hindi maaaring salubungin ng parada ang agos ng tubig” mula sa tulang
Katawan sa Banig ay kinakitaan ng uri ng tayutay na pagtatao o personification. Ang tulang ito
ay nagpakita ng emosyon at tono na Pagdadalamhati.

Sa tulang Dambana ay ipinakita sa linyang “kaluskos ng papalapit na kung sino, baril na


ikinasa, mga punglong mabilis na kumawala sa kaawalan may alingawngaw” ang uri ng tayutay
na paghihimig o onomatopoeia at pagtatao o personification naman sa linyang
“mapagkumbaba”. Ang tono o emosyon na ipinahayag sa kabuuan ng buong tula ay Pagkagalit.

Pagtanggi o litotes naman ang uri ng tayutay ang nakita sa linyang “hindi magiging
madali ang pamamaalam” at eksaherasyon o hyperbole naman sa linyang “mga mata niyang
walang katapusan” mula sa tulang Huling Gabi. Ang tulang ito ay may emosyon o tono na
kalungkutan.

Sa tulang Para sa Kanilang Walang Ngalan ay ipinakita ang uri ng tayutay na


pagwawangis o metaphor mula sa linyang “nasagap ng hangin ang lahat ng nais mong sabihin”
na may tono o emosyong kalungkutan.

Pagtatao o personification naman ang uri ng tayutay ang nakita sa linyang “humalik sa lupa at
lumikha” at eksaherasyon naman o hyperbole sa linyang “ilanlibong ulit kang iluluwal” mula sa
tulang Pagsilang at nagpakita rin ito ng emosyon o tonong pagkagalak.
Tugmaang Ganap
Pamagat Tugmang
Di-ganap
Patinig na Patinig na Katinig na Katinig Walang
May Impit Walang Mahina na tugma
Impit Malakas
Gabi-Gabi 
Orthopedic 
Room
Para sa Anak 
na Babae
Mobius Strip 
Switch 
Rasyon 
Impake 
Timyas 
Pira-Pirasong 
pilas
Pagitan 
Kwarto 
Oversleeping 
Ipon 
Balo 
Glottal Stop 
Oblivion 
Hinahon 
Tugatog 
Talampad 
Sumpa 
Ampiyas 
Alamat ng 
Lindol
Waze 
Iglap 
Palatandaan 
Pananda 
Biyaya ng 
Kutob
Rosaryo ni 
Nanay
Antolohiya ng 
Ina
Pangitain 
Engkwentro 
Labandera 
Betamax 
Bahay na Bato 
Landing 
Oktubre, 
tiempo muerto
Dapit Hapon 
Man Pedrian 
Sampalataya 
sa Wala
Katawan sa 
Banig
Dambana 
Huling Gabi 
Para sa 
kanilang
walang ngalan
Pagsilang 

Talahanayan ___

Sa talahanayang ____ ay ipinakita ang tugmaan ng mga tula sa mula sa unang kabanata
hanggang pangatlong kabanata ng mga tula sa librong Pira-pirasong Pilas.

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t-ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha. Isa sa kailangang pagtuunan ng pansin sap
ag-aaral ng mga akdang pampanitikan ay ang pagsusuri ng mga ito. Hindi sapat na binasa lang
ang akda. Kinakailangang naiintindihan ng husto ng mga mgaaaral ang ideyang nais iparating ng
may-akda lalong lalo na sa pagbasa ng tula. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging
maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad. Sa pagsusuri ay
mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa, mahusay ang pagtatalakay at
organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na kinapapalooban ng malinaw na tesis o
argumento na sinundan ng buong sanaysay, may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol
sa panitikan at mahusay at makinis ang pagkakasulat.

Sa pag-aaral ni Rizal, tinawag niya ang unang grupo na tugmang malakas; ang ikalawa
nama’y tugmang mahina. May makabuluhang tradisyon ang pagtulang may tugma at sukat. Una
itong sinikap isakodigo ni Fray Gaspar de San Agustin noong sirka 1779 ngunit higit na luminaw
sa lektura ni Jose Rizal sa Berlin noong 1887. Ang paglirip ni Rizal ang naging batayan ng mga
dagdag na kodigo nitong ng Americano sa pangunguna ng Peculiaridades de la poesia tagala
(1929) ni Lope K. Santos. Ngunit iginiit ni T.A. Agoncilla na “Ang tugma, lalo na sa Tagalog, ay
nauukol sa tunog sa huling pantig.

Ang ilan sa mga tula mula sa ikatlong kabanata ay may tugmaang ganap na katinig na mahina,
katinig na malakas, tugmaang di-ganap at walang tugma. Ang katinig na mahina ay may mga
letrang L, M, N, NG, R at Y na ginagamitan din ng mga patinig na A, E, I, O, U. Samantalang
ang katinig na malakas ay ginagamitan ng patinig na nahati sa tatlong lipon-patinig na A, E, I at
O, U/ B, K, D, P, S, T. Sa tugmaang di-ganap ay may iisang uri ng pantig na ang huling titik ay
magkakaiba at sa walang tugma ay mga tulang nasusulat ng walang sinusunod na sukat o tugma
at malayang naiipahayag ang damdamin.

Homes F. (2020). Rebelyon sa tugmaang tradisyonal. Retrive from


https://www.facebook.com/103823454764158/posts/rebelyon-sa-tugmaang-tradisyonalsi-amado-v-
hernandez-ay-isang-makatang-nahubog-s/128990752247428/

You might also like