You are on page 1of 11

IKATLONG KABANATA

Tula Simbolo Interpretasyon


Iglap Iglap  Makalilimutin

Palatandaan Palatandaan  Masigasig

Pananda Pahina  Pag gunita

Tuldok  Desisyon

Biyaya ng Kutob Oras  Gabay sa panahon

 Gabay sa buhay ng

tao
Rosaryo ni Nanay Ilaw  Moralidad
Aklat  Sumisimbolo sa

buhay ng isang ina.

Antolohiya ng Ina Aklat  Karanasan

Pangitain Dagat  Gulo

Engkwentro Panganib  Masamang pangyayari

Labandera Dalahira  Mahilig magdagdag

(Tsismosa) ng kwento

Betamax Betamax  Isang eksina sa

palabas
Bahay na Bato Bahay na bato  Matibay

 Saksi

Landing Araw  Pangyayari


Oktubre, tiempo muerto Oktubre  Buwan ng sugal

Sugal  Pakikipagsapalaran

Dapit Hapon Ilog  Ikot ng buhay


Man Pedrian Man  Mulat sa pagkatao
Sampalataya sa Wala Dapit Hapon  Lokasyon ng

kamatayn
Katawan sa Banig Ilog  Pagkawala

Dambana Dambana  Pakikipagsapalaran

Huling Gabi Pamamaalam  Pag-alis o paglisan

Para sa kanilang walang Hangin  Karahasan

ngalan  Emosyon
Pagsilang Dugo  Sakripisyo

Talahanayang 4.5

Ipinakita sa talahanayang 4.5 ang mga simbolo na maaaring makita sa pangatlong

kabanata ng mga tula sa librong Pira-pirasong pilas.

Sa tulang Iglap ay sumisimbolo parin ang salitang iglap dahil ito ay nangangahulugang

daling paglaho o pagkawala. Ito ay may interpretasyon na mabilis na pagkalimot sa isa o mga
mahahalagang bagay. Sa tula ipinapakita kung paano kabilis nawala sa kanyang isipan ang mga

bagay-bagay kung saan ay pilit at pilit babalikan at aalahanin kung paano, ano at saan muli

magsisimula at kung paano ulit ito makakabalik at makukuha.

Sa tulang Palatandaan ay sumisimbolo ang salitang masigasig na may interpretasyon na

pagiging masipag. Sa tulang palatandaan ipinakita ang sipag ng mga magsasakang naglaan ng

pagod, oras, panahon at malaking halaga para sa magiging katiwasayan ng kanilang pamumuhay.

Sa tulang Pananda ay sumisimbolo ang mga salitang pahina at tuldok. Sa pahina ay may

interpretasyon na lihim o kwentong itinatago at sa tuldok naman ay desisyon. Ang bawat pahina

ay mayroong mga kabata na naglalahad ng mga pangyayari at tinutukoy sa tulang ito ang isang

lihim na sinimbolohan ng salitang pahina at tuldok. Sa kabuuan ng tula ito ay tumutukoy sa pag

papasya o pagdedesisyon sa isang bagay matapos malaman o mabunyag ang mga lihim na

itinatago.

Biyaya ng Kutob

Ang simbolong oras sa tulang Biyaya ng Kutob ay nagpapahayag sa gabay sa panahon o

gabay sa buhay ng tao. Ayon kay J.E Cirlot (1971) sa aklat ng A Dictionary of Symbols ang oras

ay anyo ng paggabay sa panahon at sa buhay ng tao. Ang tulang biyaya ng kutob ay tumutukoy

sa pag-aalala ng isang ina sa kanyang mahal sa buhay tuwing sasapit ang takipsilim sapangkat sa

tuwing sasapit ang takipsilim ay maraming maaaring nakaambang hindi inaasahang pangyayari.

Sa tulang Rosaryo ni Ninay ay sumisimbolo ang mga salitang Rosaryo at Ilaw. Ang

Rosaryo ay may interpretasyon mga sinasabi ng isang ina. Bawat pirasong mga bilog nito ay

kumakatawan sa dami ng sinasabi ng isang ina habang nag-aalala sa kanyang mga anak

samantalang ang ilaw naman ay sumisimbolo sa isang ina bilang ilaw ng tahanan. Sa Rosaryo ni
Nanay ay inilahad ang pangyayari kung saan ang isang ina ay maraming katanungan sa kanyang

anak tungkol sa kapatid nito at ipinapakita din sa tulang ito na nakaligtaan ng magkapatid ang

kanilang niluluto na pinagmulan ng usok na kumalat at umabot hanggang sa altaran.

Sa Tulang Antolohiya ng Ina ay sumisimbolo ang mga salitang Aklat at Pahina. Ang

Aklat ay may interpretasyong sumisimbolo sa buhay ng isang ina at ang pahina naman ay

tumutukoy sa mga pangyayaring nagaganap sa buhay nito. Sa kabuuan ng tula ito ay tumutukoy

sa bawat pangyayari na nagaganap sa buhay ng isang ina kung saan ay nananatili parin ang haba

ng pasensya at pagmamahal nito sa kanyang mga anak sa kabila ng lahat ng pangyayari.

Pangitain

Sa Tulang Pangitain ay sumisimbolo ang salitang dagat. Ayon kay Machael Ferber

(1999) sa aklat na A Dictionary of Literary Symbols ang dagat ay nangangahulugang

gulo, buhay at kamatayan. Ang tulang Pangitain ay nangangahulugan na maaaring ang

kinakaharap ng mga tao ang nagiging dahilan ng paggawa ng mga pagkakamali o mga bagay na

mag dadala sa isang sitwasyong labis na pagsisisihan kung saan ay may pagkakataong

mahihirapan bumangon ngunit may isang tao parin ang mananatali at tutulungan kang maiahon

at maibangon mula sa iyong pagkakadapa.

Sa Tulang Engkwentro ay sumisimbolo ang salitang panganib na may interpretasyon na

masamang pangyayari. Sumimbolo ang panganib bilang pagbabadya ng isang kapahamakan

sapagkat sa bawat oras ay may posibilidad ng masamang pangyayari na maaaring magdulot o

nagdala sa isang tao sa bingit ng kamatayan o kapahamakan.

Sa Tulang Labandera ay sumisimbolo ang salitang dalahira o tsismosa. Ito ay may

interpretasyong mga taong mahilig magdagdag ng mga kwento at mahilig makisawsaw sa mga
pangyayaring labas o hindi naman konektado sa kanilang buhay. Dalahera o mga taong mahilig

mamakealam sa problema at buhay ng iba na nagpapalala ng isang sitwasyon.

Sa Tulang Betamax ay sumisimbolo parin ang salitang Betamax at ito ay may

interpretasyong isang eksina sa palabas. Sa tulang ito ipinakita ang pagkakagulo dulot ng

dalawang taong nagkakainitan o nag-aaway sa labas ng bahay at upang makaiwas sa

kapahamakan ang ina ay nagbabala na walang lalabas dahil ang pangyayaring nagaganap ay

hindi isang palabas na ari nilang panuodin.

Sa Tulang Bahay na Bato ay sumisimbolo parin ang salitang bahay na bato at ito ay may

interpretasyong matibay at saksi. Dahil nakapaloob sa tulang ito na nagmimistulang saksi ang

bahay na bato dahil sa tibay at tagal ng itinatagal nito na siya naring nakasubaybay sa bawat

pangyayari mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

Landing

Sa Tulang Landing ay sumisimbolo ang salitang araw. Ayon kay J.E Cirlot (1971) sa

aklat na A Dictionary of Symbols ang araw ay tumutukoy sa mga pangyayari o mga sandali. Sa

tula tinukoy ang mga pangyayaring nagaganap sa pang araw-araw na buhay mga tao. Kung saan

ipinakita ang patuloy na pagsusumikap para makaraos sa hirap ng buhay o patuloy na

paghahanap buhay para sa mga pamilyang uuwian.

Sa tulang Oktubre, Tiempo Muerto ay sumisimbolo ang mga salitang Oktubre at Sugal.

Ang Oktubre ay may interpretasyon na buwan ng sugal para sa mga magsasaka at ang

paghahalaman ang nitutukoy na sugal o pakikipagsapalaran ng mga ito. Sa tula sinabing subukan

mong tumaya dahil ito ang maaaring makapagpaganda ng iyong buhay dahil hindi mo/nila

masasabi kung kailan sila may magandang ani o kailan sila malulugi. Ang paghahalaman ay
parang paghawak mo ng baraha dahil kahit gandahan mo ang balasa kung ikaw ay suswertehin

ay para sayo talaga.

Dapit Hapon

Sa Tulang Dapit Hapon ay sumisimbolo ang salitang Ilog. Ayon kay AP Lang Gonzo

(N.D) ang salitang ilog ay nangangahulugang ikot ng buhay. Sa tulang ito tinutukoy ang buhay at

mga gawaing paulit-ulit na ginagawa ng mga magsasaka sa kanilang pang araw-araw na sa

tuwing sasapit ang dapit hapon ang pagsisilid ng palay ay nagmimistulang bagong gawain sa

kanila upang tipunin ang mga ito.

Man Pedrian

Sa Tulang Man Pedrian ay sumisimbolo ang salitang man. Ayon kay kay J. E Cirlot

(1971) sa aklat na A Dictionary of Symbols ang man ay nangangahulugang mulat sa kanyang

pagkatao. Sa tulang man pedrian ay pinakita ang kakayahan ng isang lalaki na kaya nitong

harapin kahit anumang pagsubok, trabaho o gawain ang kaharapin nito na may kasamang

pagpapakita ng lakas ng loob.

Sampalataya sa Wala

Sa Tulang Sampalataya sa Wala ay sumimbolo ang salitang dapit-hapon. Ayon kay kay J.

E Cirlot (1971) sa aklat na A Dictionary of Symbolsang dapit-hapon ay nangangahulugang

lokasyon ng kamatayan. Sa tula ang interpretasyon ng dapit-hapon ay pagbawi ang bawat

kasalanang ginagawa o ginawa ay laging may kabayaran at kapalit.

Katawan sa Banig
Sa Tulang Katawan sa Banig ay sumisimbolo ang salitang ilog. Ayon kay J. E Cirlot

(1971) sa aklat na A Dictionary of Symbols ang ilog ay sumisimbolo sa pagkawala. Inihayag sa

tulang ito ang pangyayari sa mga taong namamatay o lumilisan sa mundong ibabaw. At sinasabi

rin kung ito ay haharangan maaaring ang kaluluwa ng mga ito ay hindi makakarating sa kanilang

pupuntahan. Itatapat sa simbahan upang mabigyan ng dasal ng sila’y makatawid ng maginhawa

ng walang hadlang sa kabilang buhay.

Sa Tulang Dambana ay sumisimbolo parin ang salitang dambana na may interpretasyong

pakikipagsapalaran o pagsugal. Dambana ang naging simbolo sapagkat ito’y nagbibigay

kabatiran at pagiging bukas ang isipan sa anumang pagbabago na maaaring magdulot ng

masaklap na kapahamakan. Tulad ng pagpapakita sa mga paghihirap ng mga manggagawa sa

paglalaan ng oras, pagod at panahon na napunta lang sa wala dahil sa isang hindi inaasahang

pangyayari.

Sa Tulang Huling Gabi ay sumimbolo ang salitang Pamamaalam na nangangahulugang

pag -alis o paglisan. Naging simbolo nito ang salitang pamamaalam sapagkat tumutukoy ito sa

mga pangyayari kung saan ang isang mahal sa buhay ay lumisan at kahit anong gawin nila ay

hindi-hindi na nila ito makakapiling pa at hinding hindi na maibabalik.

Para Sa Kanilang Walang Ngalan

Sa Tulang Para Sa Kanilang Walang Ngalan ay sumisimbolo ang salitang hangin. Ayon

kay J. E Cirlot (1971) sa aklat na A Dictionary of Symbols ang hangin ay nangangahulugang

karahasan at emosyon. Inihayag sa tula ang isang masamang pangyayari na nagdulot ng

pagpapakita ng emosyon ng mahal nito sa buhay. Kung saan sinasabing ikaw ay kasama sa

hangin at muling magpaparamdam bago tuluyang lumisan. Yayakap muli kahit sa huling sandali
at dadamahin ang hangin hanggang sa huling pamamaalam. Hangin sapagkat ito katulad ng isang

namayapa na may malamig na enerhiya na siyang dadampi sa balat ng mga mahal nito sa buhay

upang tanda ng pamamaalam.

Pagsilang

Sa Tulang Pagsilang ay sumisimbolo ang salitang dugo. Ayon kay Hancock, E. (1972)

ang dugo ay nangangahulungang sakripisyo. Sa tula ipinahayag ang paghihirap o karanasan ng

isang ina bago siya tuluyang magsilang. Karanasan kung saan andoon ang kaligayahan at ang

koneksyon ng puso ng dalawa ay iisa at ang kaligayahan at pagmamahal ng isang ina sa kanyang

mumunting anak.

Hancock, E. (1972). Techniques for understanding Literature. Belmont, CA.


Tugmaang Ganap
Pamagat Tugmang
Di-ganap
Patinig na Patinig na Katinig na Katinig Walang
May Impit Walang Mahina na tugma
Impit Malakas
Gabi-Gabi 
Orthopedic 
Room
Para sa Anak 
na Babae
Mobius Strip 
Switch 
Rasyon 
Impake 
Timyas 
Pira-Pirasong 
pilas
Pagitan 
Kwarto 
Oversleeping 
Ipon 
Balo 
Glottal Stop 
Oblivion 
Hinahon 
Tugatog 
Talampad 
Sumpa 
Ampiyas 
Alamat ng 
Lindol
Waze 
Iglap 
Palatandaan 
Pananda 
Biyaya ng 
Kutob
Rosaryo ni 
Nanay
Antolohiya ng 
Ina
Pangitain 
Engkwentro 
Labandera 
Betamax 
Bahay na Bato 
Landing 
Oktubre, 
tiempo muerto
Dapit Hapon 
Man Pedrian 
Sampalataya 
sa Wala
Katawan sa 
Banig
Dambana 
Huling Gabi 
Para sa 
kanilang
walang ngalan
Pagsilang 

Talahanayan ___

Sa talahanayang ____ ay ipinakita ang tugmaan ng mga tula sa pangatlong kabanata ng


mga tula sa librong Pira-pirasong Pilas.
Ang ilan sa mga tula mula sa ikatlong kabanata ay may tugmaang ganap na katinig na
mahina, katinig na malakas, tugmaang di-ganap at walang tugma. Ang katinig na mahina ay
may mga letrang L, M, N, NG, R at Y na ginagamitan din ng mga patinig na A, E, I, O, U.
Samantalang ang katinig na malakas ay ginagamitan ng patinig na nahati sa tatlong lipon-patinig
na A, E, I at O, U/ B, K, D, P, S, T. Sa tugmaang di-ganap ay may iisang uri ng pantig na ang
huling titik ay magkakaiba at sa walang tugma ay mga tulang nasusulat ng walang sinusunod na
sukat o tugma at malayang naiipahayag ang damdamin.

Anyo ng Tula
Pamagat Malayang Tradisyunal na Tula Walang sukat na
taludturan tugma
Gabi-Gabi 
Orthopedic Room 
Para sa Anak na 
Babae
Mobius Strip 
Switch 
Rasyon 
Impake 
Timyas 
Pira-Pirasong pilas 
Pagitan 
Kwarto 
Oversleeping 
Ipon 
Balo 
Glottal Stop 
Oblivion 
Hinahon 
Tugatog 
Talampad 
Sumpa 
Ampiyas 
Alamat ng Lindol 
Waze 
Iglap 
Palatandaan 
Pananda 
Biyaya ng Kutob 
Rosaryo ni Nanay 
Antolohiya ng Ina 
Pangitain 
Engkwentro 
Labandera 
Betamax 
Bahay na Bato 
Landing 
Oktubre, tiempo 
muerto
Dapit Hapon 
Man Pedrian 
Sampalataya sa 
Wala
Katawan sa Banig 
Dambana 
Huling Gabi 
Para sa kanilang 
walang ngalan
Pagsilang 

Talahanayan ___

Sa talahanayang ____ ay ipinakita ang Anyo ng mga tula sa pangatlong kabanata ng mga
tula sa librong Pira-pirasong Pilas.

Ang lahat ng mga tula sa pangatlong kabanata ay may malayang taludturan kung saan
ang bawat isa sa mga tulang ito ay nasusulat ng walang sinusunod na sukat o tugma at malayang
naiipahayag ang damdamin. Ang bawat nilalaman ng tulang ito ay pawang base sa pangamba,
panaginip at pag-aalala ng may akda.

You might also like