You are on page 1of 7

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Marka- Ika-3 Linggo

Pilyego ng mga Gawain sa


Pampagkatuto

Ang Pamahalaang Komonwelt


Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: __________________________ Seksyon: __________
Paaralan: ________________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: Baitang 6
Kwarter: Ikalawa
Kasanayan sa Nasusuri ang pamahalaang Komonwelt
Pampagkatuto
(MELC):
Koda:
Buwan: Enero, 2021
Linggo: Ikatlong Linggo (Enero 18-22, 2021)
Pamagat ng Gawain 1 – Semantic Web
Gawain: Gawain 2 – Tanong Ko, Sagot Mo
Gawain 3 – Maging News Writer Ka
Mga bolpen pape
Kagamitan:
Layunin:  Natatalakay ang magandang naidulot ng
pamahalaang Komonwelt;

 Nakakasulat ng mga epekto tungkol sa


pamahalaang Komonwelt;

 Naibabahagi ang mga karanasan ng mga Pilipino


sa panahon ng Komonwelt; at

 Nasusuri ang mga mahahalagang pangyayari sa


panahon ng Komonwelt sa pamamagitan ng
paggawa ng balita.

Aralin:

1
Pamahalaang Komonwelt

 Nagkaroon ng pambansang halalan, alinsunod sa Saligang Batas 1935,


noong Setyembre 17, 1935 upang piliin ang mga mamumuno sa
Pamahalaang Komonwelt.
 Manuel L. Quezon -pangulo
 Sergio Osmeña -pangalawang pangulo
 Itinaas ang bandila ng Pilipino at Amerikano sa Luneta bilang hudyat ng
pagsisimula ng Pamahalaang Komonwelt noong Nobyembre 15, 1935.
 Layunin ng pamahalaang ito na sanayin ang mga Pilipino na pamahalaan
ang sariling bansa sa loob ng sampung taon bago ibigay ang kasarinlan
nito sa ika-4 ng Hulyo 1946.
 Ayon na rin sa Saligang Batas 1935, ang pamahalaan ay hahatiin sa
tatlong sangay.
 ehekutibo - pangulo at ikalawang pangulo
 lehislatibo - Pambansang Asamblea
 hudisyal -Korte Suprema.
 Pangulo- tagapagpaganap
-Katulong niya dito ay ang ikalawang pangulo.

 Pambansang Asamblea-tagapagbatas.
-may dalawang kapulungan
 Mababang Kapulungan na binubuo ng 250 kinatawan na inihalal ng
mamamayan
 Mataas na Kapulungan o Senado na binubuo ng 24 senador na inihalal
din ng taong bayan.
 Korte Suprema-tagapaglitis
 Bill of Rights -listahan ng mga karapatan ng mga Pilipino.

Mga Pagbabago sa Panahon ng Komonwelt

1. Pagbabago sa Programang Pampamahalaan

 Nagkaroon ng pagbabago sa politikal, kabuhayan, lipunan at kultura.


 Isa sa mga ginawa ni Pangulong Quezon ay pag-alis sa mga kagawaran o
posisyong hindi mahalaga at pagtatag ng mga panibagong kagawaran na
magbibigay tuon sa mga suliranin ng bansa.

2. Pagtatag ng Tanggulang Pambansa

 Batas ng Tanggulang Pambansa- ang kauna-unahang batas na pinagtibay


ng Pambansang Asamblea.
 Ito ay itinatag upang mapagtanggol natin ang ating bansa laban sa mga
2
panloob at panlabas na panganib.
 Ang Sandatahang Lakas ay binubuo ng Hukbong Panlupa, Pandagat at
Panghimpapawid.
 Hinirang naman ni Pangulong Manuel Quezon na tagapayong militar ng
bansa si Heneral Douglas MacArthur.

3. Pagpili ng Pambansang Wika

 Mula sa walong pangunahing wika (Cebuano, Kapampangan, Waray,


Pangasinense, Tagalog, Bikolano, at Hiligaynon), pumili ng opisyal na
Pambansang Wika.
 Ang Tagalog ang naging batayan ng Wikang Pambansa dahil mas marami
ang gumagamit nito.
 Sa kasalukuyan, ito ay tinatawag na Wikang Filipino bilang pambansang
wika at hinirang naman si Manuel Quezon bilang Ama ng Wikang
Pambansa.

4. Batas para sa Katarungang Panlipunan

 Social justice program -makataong batas na nagsusulong ng kapakanan


ng mga Pilipino anuman ang antas nito sa buhay
 Minimum Wage Law - batas para sa kaukulang sahod ng mga
manggagawa
 Eight Hour Labor Law - batas para sa walong oras na paggawa.
 Tenancy Act - Batas Kasama na dapat ay mayroong kasulatan sa pagitan
ng may-ari ng lupa at kasama
 Homestead Law - Batas Sakahan na nagbigay ng karapatan sa sinumang
Pilipinong makapagmay-ari ng hindi hihigit sa 24 na ektaryang lupang
pansakahan
 Public Defender Act – Batas para bigyan ng tulong legal ang mga Pilipinong
nangangailangan ng magtatanggol sa kanilang karapatan

5. Pagkilala sa Karapatan ng Kababaihan

 Sa ilalim ng pamahalaang Komonwelt, pinagkalooban ang mga


kababaihan ng karapatang bumuto at karapatang mahalal sa posisyon.
 Carmen Planas -unang babaeng konsehal ng bansa
 Elisa Ochoa- unang babaeng nahalal sa Mababang Kapulungan
 Corazon Aquino -unang babaeng pangulo ng bansa
 Gloria Macapagal Arroyo -unang babaeng Bise Presidente

3
6. Pagkakaroon ng Programang Pangkabuhayan

 National Economic Council -isang sangay ng pamahalaang nagpapayo


tungkol sa kabuhayan at pananalapi
 National Development Company -korporasyong ahensiyang namamahala
sa pampublikong korporasyon
 National Rice and Corn Corporation (NARIC) -naatasan mag-angkat ng
bigas na walang taripa upang maipamahagi tuwing may sakuna
 National Produce Exchange -may layuning ayusin ang kalakalan upang
higit na mas makinabang ang mga magsasaka kaysa sa middlemen

Mga Gawain:
Gawain 1: Semantic Web

Panuto: Isulat ang mga pagbabago sa panahon ng Pamahalaang Komonwelt.

Pagbabago sa
Panahon ng
Pamahalaang
Komonwelt

4
Gawain 2: Tanong Ko, Sagot Mo

May maganda bang naidulot ang Pamahalaang Komonwelt? Ano-ano ito?


Ipaliwanag

PAMANTAYAN Napakahus Mas Mahusay Nangan Puntos


ay Mahusay (3) gai-
(5) (4) langan
ng
Pagpapa
buti
(2)
Nilalaman Naglalaman Naglalaman Naglalaman Kulang
ng ng tama at ng tamang ang
komprehensi kalidad na ideya at ipinapak
bo, tama at mga ideya at impormasyo itang
kalidad na impormasyo n mga
mga ideya at n ideya at
impormasyo imporma
n syon

Organisasyon Detalyado, Maayos at Madaling Hindi


maayos at madaling maintindiha gaanong
madaling maintindiha n ang maintind
maintindiha n ang pagsasalays ihan ang
n ang pagsasalays ay ng ideya pagsasal
pagsasalays ay ng ideya aysay ng
ay ng ideya ideya

Gawain 3: Maging News Writer Ka!

Panuto: Pumili ng isang mahalagang pangyayari sa bansa sa panahon ng


Komonwelt at gumawa ng balita tungkol dito. Magsaliksik para sa
karagdagang impormasyon.

PAMANTAYAN 4 3 2 1
1. May tuwirang Naipamala Naipamalas Naipamalas Naipamalas
kaugnayan sa paksa s ng 4 ng 3 mula ng 2 mula ng 1 mula
2. Buo ang diwa mula sa 4 sa 4 sa 4 sa 4
5
3. Magkakaugnay pamantay pamantaya pamantaya pamantaya
4. Makatotohanan an n n n

Konseptong Natutunan:

1. Kailan nagsimula ang Pamahalaang Komonwelt? Sino ang naging


pinuno ng pamahalaang ito?
2. Anu-ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?
3. Anu-ano ang pagbabago sa panahon ng Komonwelt?

Sanggunian:
Ramos, Dexter John V., De Guzman, Apollo D., de Viana, Augusto V. Bayanihan: Mga
Hamon at Tugon sa Pagkabansa. Makati City: Diwa Learning Systems Inc, 2018.

Baisa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.,2017.

Susi sa Pagwawasto:

Gawain 1
Maaaring hindi sunod-sunod

1. Pagbabago sa Programang
Pampamahalaan
2. Pagtatag ng Tanggulang Gawain 2
Pambansa Iwawasto ng
3. Pagpili ng Pambansang Wika guro ang
4. Batas para sa Katarungang Gawain 3
mga sagot.
Panlipunan Iwawasto ng
5. Pagkilala sa Karapatan ng guro ang
Kababaihan mga sagot.
6. Pagkakaroon ng Programang
Pangkabuhayan

Manunulat: SHAINE DZYLL S. KUIZON


Paaralan: Simbalan Central Elementary School
Purok: Buenavista-IV
email address: shainedzyll.kuizon@deped.gov.ph

You might also like