You are on page 1of 8

ELIZABETH SETON SCHOOL

Las Piñas Campus


UPPER JUNIOR HIGH SCHOOL DIVISION
Taong Panuruan 2020-2021

FILIPINO 10
MODYUL 1

I. LAYUNIN:

Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa mga sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:


➢ TALASALITAAN:
➢ Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito

➢ PANITIKAN:
➢ Naipahahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa mitolohiya
➢ Natutukoy ang mensahe at layunin ng isang mitolohiya
➢ Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa
nangyari sa:
-sariling karanasan
-pamilya
-pamayanan
-lipunan
-daigdig
➢ Naipapahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay

➢ WIKA:
➢ Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa sa:
-pagsasaad ng aksyon, pangyayari, at karanasan
-pagsulat ng paghahambing
-pagsulat ng saloobin
-paghahambing sa sariling kultura
-pagsulat ng sariling kuwento

II. KONSEPTO O PAKSA:

Ang mga paksa o konseptong tatalakayin sa modyul na ito ay:


➢ TALASALITAAN: Kahulugan ng Salita batay sa Kayarian Nito
➢ PANITIKAN: Mitolohiya
➢ WIKA: Pokus ng Pandiwa

III. PAG-UUGNAY NG PAGPAPAHALAGA at SA IBA PANG DISIPLINA:

Ang modyul na ito ay magpapaunlad ng kaugaliang Setonian na:


➢ Paggalang (Respect)
➢ Pagmamalasakit (Caring)
➢ Pagninilay (Reflection)
➢ Pananagutan (Responsibility)
➢ Katiyagaan (Perseverance)
➢ Matalinong Pagpapasiya (Prudence)

Gayundin, ang modyul na ito ay maiuugnay sa mahahalagang kaisipan sa pagtitinda


(entrepreneur), isyung panlipunan at iba pang disiplina na makikita sa akdang ito upang
higit na maging makabuluhan ang pagtalakay.

IV. PAGTALAKAY SA KONSEPTO O PAKSA

ARALIN SA TALASALITAAN: KAHULUGAN NG SALITA BATAY SA KAYARIAN NITO

Ang salita ay may kahulugan at ang bawat salita ay nagtataglay ng kahulugan sa


tulong / batay na rin ng paggamit / pagsusuri sa kayarian nito.
ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 1
May iba’t ibang kayarian ang salita sa Wikang Filipino at ito ay mauuri sa (1) payak, (2)
maylapi, (3) inuulit, at (4) tambalan.

1. PAYAK
➢ Ang salita ay payak kung ito ay salitang-ugat (kataga, o salitang nasa likas
nitong anyo) lamang, walang panlapi, hindi inuulit , at walang katambal na
ibang salita.
Halimbawa:
bahay, aklat, ganda, takbo

2. INUULIT
➢ Inuulit ang salita kung ang kabuoan nito o ang isa o higip pang pantig nito sa
dakong unahan ay inuulit. At batay sa kung anong bahagi ng salita ang
inuulit, may dalawang pangkalahatang uri ito: (1) Pag-uulit na Ganap at (2)
Pag-uulit na Di-Ganap.

2.1. PAG-UULIT NA GANAP


-Sa uring ito, ang inuulit ay ang buong salitang-ugat.
Halimbawa:
araw-araw, sama-sama, sabi-sabi

2.2. PAG-UULIT NA DI-GANAP


- Sa uring ito, ang inuulit ay ang bahagi lamang salitang-ugat.
Halimbawa:
aawit, tatakbo, bali-baligtad,hahagu-hagulgol

3. MAYLAPI
➢ Ito ay tumutukoy sa salitang-ugat na dinagdagan ng panlapi.
Halimbawa:
umisip, tumulong, unahin, pagsabihan, magsumikap, tinabasan

➢ Ang isang salitang-ugat ay nagkakaroon ng iba’t ibang anyo at kahulugan sa


pamamagitan ng pagdaragdag ng panlapi; may limang pangkalahatang uri ito:
(1) unlapi, (2) gitlapi, (3) hulapi, (4) kabilaan, at (5) laguhan.

3.1. UNLAPI
-Ang panlapi ay ikinakabit sa unahan ng salitang ugat.

PANLAPI SALITANG-UGAT SALITA


um- asa umasa
mag- basa magbasa

3.2. GITLAPI
-Ang panlapi ay isinisingit sa pagitan ng salitang ugat.

PANLAPI SALITANG-UGAT SALITA


-um- basa bumasa
-in- sulat sinulat

3.3. HULAPI
-Ang panlapi ay ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat.

PANLAPI SALITANG-UGAT SALITA


-in sulat sulatin
-an gupit gupitan

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 2


3.4. KABILAAN
-Ang panlapi ay ikinakabit sa unahan at hulihan ng salitang ugat.

PANLAPI SALITANG-UGAT SALITA


ma- , an tanim mataniman
pag- , -an isip pag-isipan

3.5. LAGUHAN
-Ang panlapi ay ikinakabit sa unahan, gitna, hulihan ng salitang ugat.

PANLAPI SALITANG-UGAT SALITA


pag-,-um-, -an sikap pagsumikapan

4. TAMBALAN
➢ Ang dalawang salitang-ugat na pinagsama para makabuo ng isa lamang na
salita at tinawatawag na tambalan. May dalawang pangkat / uri ito: (1)
Tambalang Di-Ganap at (2) Tambalang Ganap.

4.1. TAMBALANG DI-GANAP


-Ito ang uri ng tambalan na nananatili ang kahulugan ng dalawang
salitang pinagtambal/pinagsama. Wala itong ikatlong kahulugang
nabubuo.
Halimbawa:
asal-hayop, ingat-yaman, bahay-ampunan, batang-lansangan

4.2. TAMBALANG GANAP


-Ito ang uri ng tambalan na nagkakaroon ng kahulugang iba sa
isinasaad ng mga salitang pinagtambal/pinagsama.
Halimbawa:
basag + ulo = basagulo
hampas + lupa = hampaslupa

ARALIN SA PANITIKAN: MITOLOHIYA

Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga mito(myth)


at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat ng tao sa
isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos at diyosa (diyos-diyusan) noong
unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.

Ang salitang mito(myth) ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa salitang


Griyego na muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa “mu”, na
ang ibig sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig.

Sa Klasikal na Mitolohiya ang mito(myth) ay representasyon ng marubdob na pangarap


at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong ito upang maunawaan ng mga sinaunang
tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo, ng tao, ng mga katangian ng iba pang mga
nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakatatakot na puwersa ng kalikasan sa daigdig –tulad
ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha, kamatayan, at apoy. Ito ay naglalahad ng ibang
daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga
diyos, diyosa, at mga bayani, tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong
naganap. Karaniwang may kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad


ng tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga pagkagunaw
ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong – bayan at
epiko ng mga pangkat-etniko sa kasalukuyan. Mayaman sa ganitong uri ng panitikan ang
mga naninirahan sa bulubundukin ng Luzon, Visayas, at Mindanao.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa


kanilang epikong “Alim” kung paano nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng
ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 3
malaking pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan
(babae), at Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa
mundo.

Ang Mitolohiya ng Taga-Roma

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal, at


moralidad na ayon sa batas ng kanilang mga diyos at diyosa mula sa sinaunang Taga-
Roma hanggang ang katutubong relihiyon ay mapalitan na ng Kristiyanismo. Kabayanihan
ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuring ng mga sinaunang Taga-
Roma na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito kahit ang mga ito
ay mahimala at may elementong supernatural.

Ang kanilang mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang
nagustuhan ang mitolohiya ng bansang ito, kaya inaangkin nilang parang kanila at
pinagyaman nang husto. Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa mga diyos
at diyosa. Ang ilan ay binihisan nila ng ibang katangian. Lumikha sila ng bagong mga
diyos at diyosa ayon sa kanilang paniniwala at kultura. Sinikap nilang ipasok ang kanilang
pagkakakilanlan sa mga mitolohiyang kanilang nilikha. Isinulat ni Virgil ang “Aenid,” ang
pambansang epiko ng Rome at nag-iisang pinakadakilang likha ng Panitikang Latin.
Isinalaysay ni Virgil ang pinagmulan ng lahi ng mga taga-Roma at kasaysayan nila bilang
isang imperyo. Ito ang naging katapat ng “Iliad at Odyssey” ng Gresya na tinaguriang
“Dalawang Pinakadakilang Epiko sa Mundo” na isinalaysay ni Homer. Si Ovid na isang
makatang taga-Rome ay sumulat din ayon sa taludturang ginamit ni Homer at Virgil sa
kaniyang “Metamorphoses.” Subalit hindi ito tungkol sa kasaysayan ng Roman Empire o
ng mga bayani, kundi sa mga diyos at diyosa, at mga mortal na may katangian ng mga
diyos at karaniwang mga mortal. Lumikha siya ng magkakarugtong na kuwento na may
temang mahiwagang pagpapalit-anyo. Sa mga akdang ito ng mga taga-Roma humuhugot
ng inspirasyon ang mga manunulat at mga alagad ng sining sa buong daigdig mula noon
hanggang ngayon.

Ang labindalawang pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng


Rome at Greece na kilala rin sa tawag na The 12 Great Olympian Gods.

Mitolohiya ng Katangian at Mitolohiya ng


Gresya Kapangyarihang Taglay Roma
Zeus - hari ng mga diyos; diyos ng Jupiter
kalawakan at panahon
- tagapagparusa sa mga
sinungaling at hindi marunong
tumupad sa pangako
- asawa niya si Juno
- sandata niya ang kulog at kidlat

Hera - reyna ng mga diyos Juno


- tagapangalaga ng pagsasama ng
mag-asawa,
- asawa ni Jupiter

Posiedon - kapatid ni Jupiter Neptune


- hari ng karagatan, lindol
- kabayo ang kaniyang simbolo

Hades - kapatid ni Jupiter Pluto


- panginoon ng impiyerno

Ares - diyos ng digmaan Mars


- buwitre ang ibong maiuugnay sa
kaniya

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 4


Apollo - diyos ng propesiya, liwanag, Apollo
araw, musika, panulaan
- diyos din siya ng salot at paggaling
- dolphin at uwak ang kaniyang
simbolo

Athena - diyosa ng karunungan, digmaan, Minerva


at katusuhan
- kuwago ang ibong maiuugnay sa
kaniya

Artemis - diyosa ng pangangaso, ligaw na Diana


hayop, at ng buwan

Hephaestus - diyos ng apoy, bantay ng mga diyos Vulcan

Hermes - mensahero ng mga diyos, paglalakbay, Mercury


pangangalakal, siyensiya, pagnanakaw,
at panlilinlang

Aphrodite - diyosa ng kagandahan, pag-ibig, Venus


- kalapati ang ibong maiuugnay sa
kaniya

Hestia - kapatid na babae ni Jupiter Vesta


- diyosa ng apoy mula sa pugon

Ang mga nabanggit mula sa aklat na Mitolohiya ni Hamilton ay mahahalagang tauhan


sa Olympus na laging nababanggit sa panulat lalo na noong Panahong Klasiko. Ang
impluwensiya ng panahong ito’y nasasalamin sa ating panitikan noong Panahon ng
Panitikang Katutubo kung saan ang unang uri ng panitikan ng Pilipinas ay pasalin-dila
tulad ng alamat, mito, kuwentong-bayan, epiko, at mga karunungangbayan.

-(mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban, Panganiban,1998)

ARALIN SA WIKA: PANDIWA (URI, ASPEKTO, AT POKUS)

KAHULUGAN ng PANDIWA

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalitang nagsasaad-ng kilos o galaw at


nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita.

Ang panlaping ginagamit sa pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.

URI ng PANDIWA
Ang pandiwa ay maaaring mauri sa dalawa: (1) ang palipat at (2) ang katawanin.

➢ PALIPAT
- kung ang pandiwa ay may tuwirang layong tumatanggap ng kilos. Ang layon
ay karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang:
ng, ng mga, sa, sa mga, kay o kina.
Halimbawa:
Si Juan ay gumawa ng pagkain.
pandiwa tuwirang layon
Ito’y kanyang ipinamahagi sa mga tao.
pandiwa tuwirang layon

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 5


➢ KATAWANIN
- kung ang pandiwa ay hindi nangangailangan ng tuwirang layon o tatanggap
ng kilos. Nagtatalay ito ng kahulugang buo na sa ganang sarili kayat hindi na
nangangailangan ng tatanggap ng kilos.
Halimbawa:
Kumulo ang tubig.
Nabuhay si Galatea.

ASPEKTO ng PANDIWA

Ang aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi


pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o
ipinagpapatuloy pa ang pagganap.

Ang lahat ng pandiwa sa Wikang Filipino ay nababanghay sa tatlong aspekto: (1)


Aspektong Pangnakaraan o Perpektibo; (2) Aspektong Pangkasalukuyan o
Imperpektibo; at (3) Aspektong Panghinaharap o Kontemplatibo.

*Aspektong
Aspektong Aspektong Aspektong
Salitang- Pangnakaraan
*Pawatas Pangnakaraan
(Perpektibong
Pangkasalukuyan Panghinaharap
Ugat (Perpektibo) (Imperpektibo) (Kontemplatibo)
Katatapos)

basa magbasa nagbasa kababasa Nagbabasa magbabasa

sira masira nasira kasisira nasisira masisira

*nota bene:
1. PAWATAS
- Ito ang tawag sa kombinasyon ng salitang-ugat at ng panlaping makadiwa. Sa
pawatas nabubuo ang mga pandiwa. Ito rin ay ang tawag sa mga pandiwang
hindi pa nababanghay sa iba’t ibang aspekto
2. PANLAPING MAKADIWA
-Ito ang tawag sa panlaping ginagamit sa pagbuo ng mga pandiwa.

POKUS ng PANDIWA

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng


pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

1. Pokus sa Tagaganap

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na "sino?".

Panlapi: mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-

Halimbawa:
✓ Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
✓ Nagluto ng masarap na pagkain si nanay para sa amin.
✓ Si Juan ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang
suliranin.

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 6


2. Pokus sa Layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na


"ano?".

Panlapi: -in- , -i- , -ipa- , ma- , -an

Halimbawa:
✓ Nasira mo ang mga props para sa play.
✓ Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

3. Pokus sa Ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot


sa tanong na "saan?".

Panlapi: pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an

Halimbawa:
✓ Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
✓ Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.

4. Pokus sa Tagatanggap

Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot


sa tanong na "para kanino?".

Panlapi: i- , -in , ipang- , ipag-

Halimbawa:
✓ Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
✓ Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

5. Pokus sa Gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos
ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".

Panlapi: ipang- , maipang-

Halimbawa:
✓ Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
✓ Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6. Pokus sa Sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na "bakit?".

Panlapi: i-, ika-, ikina-

Halimbawa:
✓ Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
✓ Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
✓ Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

7. Pokus sa direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap;


sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?".

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 7


Panalapi: -an , -han , -in , -hin

Halimbawa:
✓ Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
✓ Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

V. SANGGUNIAN

Dayag, A. M. et al. (2015). Pinagyamang Pluma 10. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Reyes, A.R.C., & Setubal J.S. (2016). Pinagyamang Wika at Panitikan 10. Makati City: Diwa
Learning Systems Inc.

Santiago, A. O., & Tiangco, N. G. (2003). Makabagong balarilang Filipino. Manila: Rex
Book Store.

https://www.wattpad.com/150304082-lectures-in-filipino-for-g10-students-mitolohiya

ELIZABETH SETON SCHOOL/KAGAWARAN NG FILIPINO/T.P.2020-2021/G. ARGEL AT GNG. CINDY 8

You might also like