You are on page 1of 4

PAG-IISANG DIBDIB

PASIMULA

PAGBATI

Pari: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espirito! Santo.

Bayan: Amen.

PAMBUNGAD NA PALIWANAG

PANALANGING PAMBUNGAD

Pari: Ama naming makapangyarihan, iyong itinalaga na ang pag-


iisang dibdib ay maging sagisag ng pag-ibig ni Kristo sa kanyang
banal na Sambayanan. Sa pinagdurugtong na buhay nina N... at N...
na ngayo'y mangibabaw ang ipinahahayag nilang pagmamahalan sa
pamamagitan ni Hesukriisto kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang.

Bayan: Amen.

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

PANGARAL

PAG-IISANG DIBDIB

Pari: Minamahal kong N... at N... sa Binyag at Kumpil, nakiisa kayo


sa buhay at pananagutan ng Panginoon, at sa pagdiriwang ng Huling
Hapunan muli’t muli kayong nakisalo sa hapag ng kanyang
1
pagmamahal. Ngayon nama'y kusang-loob na kayo'y dumudulog sa
Sambayanang ito at humihiling ng panalangin At kayo naman, mga
kapatid, na natitipon ngayon, ay manalangin para kina N... at N... at
bukas-palad silang tanggapin bilang magkaisang-dibdib sa ating
Sambayanang.

Pari: Hinihiling ko ngayon na buong katapatan ninyong ipahayag


ang inyong danadamin sa isa't isa.

Pari (sa babae): N... bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito
upang makaisang-dibdib si N... na iyong pakamahalin at
paglilingkuran habambuhay?

Babae : Opo, Padre.

Pari (sa lalaki): N... bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito
upang makaisang-dibdib si N... na iyong pakamahalin at paglinkuran
habambuhay?

Lalaki: Opo, Padre.

Ang pagtitipan ng nag-iisang-dibdib ay tatanggapin ng pari:

Bilang tagapagpatunay ng Simbahan, pinagtitibay ko't binabasbasan


ang pagtataling-puso na inyong pinagtipan, sa ngalan ng Ama,  at
ng Anak, at ng Espirito Santo.

Bayan: Amen.

2
PAGBABASBAS AT PAGBIBIGAYAN NG MGA SINGSING AT
ARAS

PAGSUSUOT NG SINGSING:

Isusuot ng lalaki sa kinauukulang daliri ng babae ang singsing


habang kanyang sinasabi :

Lalaki : N... kailanma’y di kita pagtataksilan. Isuot mo at


pakaingatan ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at
katapatan. Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

Isusuot ng babae sa kinauukulang daliri ng lalaki ang singsing


habang kanyang sinasabi:

Babae: N... kalianma'y di kita pagtataksilan. Isuot mo at pakaingatan


ang singsing na ito na siyang tanda ng aking pag-ibig at katapatan.
Sa ngalan ngAma, at ngAnak, at ng Espirtu Santo. Amen.

Pari: Mga minamahai kong kapatìd, halinang magkaisa sa


pagdadalangin sa Diyos para sa ating unga bagong kasal na sina N...
at N... at para sa buong Simbahan, sanlibutan at sa ikapagkaisa ng
tanan.

Namumuno:

Para kina N... at N... na ngayo'y pinagbuklod sa pag-iisang-dibdib


upang silay mamuhay sa kalusugan at maligtas sa panganib,
manalangin tayo sa Pangmoon.
3
Para sina N... at N... ay puspusin ng pag-ibig, pagkakasundo at
pagtutulungang matalik, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming banal, pagbigyan mo sila sa pagdulog sa iyong hapag


bilang mga pinabukiod sa pag-ibig na wagas upang kanilang
mapagsaluhan ang piging na di magwawakas sa pamamagitan ni
Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pari: Kayo nawa'y maging katibayang Diyos ay pag-ibig sa


sanlibutan upang sa pagkamatuhmgin ninyo sa tanan kayo’y
papasukin ng Diyos sa kanyang kaharian magpasawalang hanggan.

Bayan : Amen.

Pari: At kayong lahat na nagtipun-tipon dito ay pagpalain nawa ng


makapangyarihang Diyos Ama at Anak  at Espiritu Santo.
Bayan: Amen.

You might also like