You are on page 1of 3

GRADE VI

FILIPINO
PAGBASA NG MALAKAS

Basura: Isang Malaking Problema


Inihahanda na ni Kune ang mga basura tulad ng plastic, bote,
garapa at mga lumang magasin at dyaryo galing sa kanilang bahay na
ipagbibili niya kay Mang Pedring na magbobote. Napatigil siya nang
matawag ang kanyang pansin ng isang Editoryal tungkol sa Basura
ng Pilipino Star Ngayon, na ipinalabas noong Nobyember 19, 2000. Ito
ang ilan sa kanyang nabasa:
Problema ang basura sa Metro Manila ngayon at lalo pang
magiging ga-bundok sa hinaharap kung hindi kikilos ang pamahalaan.
Nagbabala ang Greenpeace, isang international campaign group, na
lulubha ang problema sa basura sa Metro Manila kung hindi gagawa
ng estratehiya ang pamahalaan tungkol dito. Isinusulong ng grupo ang
paraan ng recycling at composting kaysa sa tradisyonal na “dump,
bury, burn”.
Sa mga nakaraan naming editoryal, madalas naming sabihin na
ang composting ay isang magandang paraan para malutas ang
problema sa basura. Ang sapat lamang gawin ay katulungin ang
Department of Agriculture upang maisulong ito at matiyak na
makikinabang ang mga magsasaka.
Matapos mabasa ang artiko, napaisip si Kune at tiningnang muli
ang mga bagay na ipagbibili na sana niya. May ilan sa mga yun na
maari pa nilang magamit sa ibang bagay. Dali-dali niyang ibinukod
ang mga iyon at ibinalik sa loob ng kanilang bahay.
GRADE VI
ENGLISH
ORAL READING

Alexander Graham Bell

Alexander Graham Bell accidentally invented the


telephone.
He was testing a new transmitter when it happened.
He spilled a burning acid on it and produced sound waves.
Bell didn’t realize that the sound waves make sound travel
to different places. He shouted for help from Mr. Watson
who was in the kitchen. Mr. Watson was surprised to hear
Bell’s voice clearly. He went to Bell and uttered, “I heard
every word you said.”
This was how telephone was discovered.

GRADE V
ENGLISH
ORAL READING
A Friendly Letter

Read Liza’s letter below.

Dear Shantelle,

Did you know that ballerinas wear “toe-shoes”? They need


a stiff-toed footwear so they can dance on their toes like angels.
Of course, they also use gestures and body movements to tell a
story.
Ballerinas wear “tutus,” too. These are short skirt that flows
gradually as they dance, while their “tights” cover their entire
legs.
Why don’t we watch a ballet performance next week?
Wouldn’t it be fun?

Love,
Liza
GRADE V
FILIPINO
MALAKAS NA PAGBASA

Mga Planeta sa Ating Kalawakan

Ang ating kalawakang araw ay binubuo ng walong


planeta at ilang asteroid, meteor at kometa.

Sa labas ng kalawakang araw may mga 202 pang planeta


na halos kapareho o malaki pa sa Jupiter.

Hindi kasama rito ang ilang mga planeta na


nadiskubreng lumilibot sa naupos na bituin na pulsar at ang
iba’y sa bituing Mu Arae. Ilan din sa mga planetang ito ay
kasinlaki ng Neptuno. May isang planetang lumilibot sa isang
pulang dwendeng bituin na kung tawagin ay Gliese 876. Ito’y
tinatayang anim hanggang walong beses ang bigat nito sa
Mundo.

Hot Jupiters naman ang tawag sa bagong tuklas na planeta


na malapit sa kanilang magulang na bituin. Tumatanggap ito ng
mas matinding radyasyong estrelyar kaysa mga higanteng
planetang gas ng kalawakang araw. Mayroon ding mga hot
jupiter na lumilibot ng napakalapit sa kanilang bituin na
hinihipan palayo na parang buntot ng kometa na tinatawag na
mga planetang Chthonian.

You might also like