Professional Documents
Culture Documents
Done Eee
Done Eee
Alamin ang naging kalagayan ng mga katutubong minorya mula sa paglipas ng panahon hanggang sa
kasalukuyan.
Tila alingawngaw na bumasag sa katahimikan ng mga katutubong Pilipino ang kaliwa’t kanang suliraning
nag-udyok sa kanila upang iparinig ang kanilang tinig. Kahit sila pa ang kaunaunahang humubog sa ating
kasaysayan at kultura, mistulang kulang pa rin iyon upang ang sitwasyon ng mga ethnic minorities ay
bigyang pansin ng lipunan at pamahalaan.
Natatanging pagkakakilanlan
Ang katutubo o minorities ay salitang ginagamit upang ilarawan ang mga pangkat etniko na naninirahan
sa isang rehiyon o lugar na samasama. Sila ay may koneksyong pangkasaysayan, mga bagay na nag-
uugnay at nagbubuklod sa kanila na ipinapamalas nila sa gawi ng kanilang pamumuhay. Matatagpuan
sila sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at may tinatayang 14 hanggang 17 milyong Indigenous Peoples na
kabilang sa 110 grupo ng ethno-linguistic; ang mga ito ay pangunahing nakatuon sa Mindanao (61%) at
Hilagang Luzon (Cordillera Administrative Region, 33%), kasama ang ilang mga grupo sa Visayas, ayon sa
datos ng United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, isang organisasyong
nagsusulong na itaguyod at protektahan ang mga karapatan ng mga katutubong mamamayan.
Kabilang na ang mga Mansaka ng Compostela Valley, Mangyan ng Mindoro, Lumad ng Mindanao, mga
Aeta ng Sierra Madre, at Tau’t Bato ng Palawan sa maraming uri ng katutubong etniko o minorya sa
ating bansa sa bilang ng mga pangkat na hindi nakakatanggap ng karampatang pagkakakilanlan. Hindi
maikakaila ang ambag ng mga katutubo sa ating kultura at tradisyon; isa na rito ang sistema ng paglikha
ng mga Ifugao sa Banaue Rice Terraces dahil sa natatanging istruktura nito, mga ipinamanang kasuotan
na sumasalamin sa sinaunang kultura, at marami pang iba. Maging sa paglipas ng panahon ay
kamanghamangha na napanatili nila ang natatanging katutubong kultura ng sinaunang Pilipino.
Ayon sa pananaliksik ng United Nations Development Program noong Marso, isang organisasyong
sumusuporta sa kaunlaran ng bansa’t pagtupad ng Millennium Development Goals nito, kadalasa’y mga
minorya ang biktima ng diskriminasyon sa benepisyong pampubliko dahil karamihan sa kanila’y nakatira
sa malalayong lugar na hindi gaanong abot ng kabihasnan. Kabilang sa mga problema ay kulang na
suplay ng malinis na tubig, tulong medikal gaya ng mga health centers, mga kagamitan at pasilidad para
sa edukasyon, at iba pa.
“A stronger focus on those excluded groups, and on actions to dismantle these barriers is urgently
needed to ensure sustainable human development for all,” ayon sa naturang ulat
Kasama rin sa pagsubok ng mga katutubo ang paglaban nila para sa kanilang lupaing ninuno (ancestral
domains) at likas na yaman sa kamay ng mga kapitalista at mga dayuhan. Ayon sa Human Rights Watch
Organization, isang organisasyon na naglalayong protektahan ang mga minorya, marami ang nakasaksi
sa pagpatay ng mga hinihinalang paramilitar sa mga Lumad, sinundan pa ng madugong pagtugon ng
kapulisan sa protestang ginanap ng mga katutubo sa harap ng embahada ng Amerika at marami pang
iba. Idagdag pa dito ang pahayag ng mga katutubo ukol sa pag-usbong ng mga corporate extractive
industries na pumapasok sa kanilang lupaing ninuno (na tinatago sa tawag na development projects),
tulad ng mga minahan, pagtotroso, quarrying, proyektong pang-enerhiya, at iba pang malawakang
plantasyon at proyektong pangturismo na hindi angkop sa kanilang kultura.
Mayroong panukalang batas para sa mga minorya gaya ng Republic Act 8371 o Indigenous People Rights
Act, na naglalayong protektahan at pangalagaan ang mga katutubo at ang pinagmumulan ng kanilang
kabuhayan at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na nagraraos ng National Indigenous
Peoples Conference, isang taunang pagpupulong upang paigtingin ang pagtanggap sa mga minorities
(kaakibat nito ang kamakailan lang na paglagda sa isang kasunduan ng NCIP at Technical Education and
Skills Development Authority (TESDA) sa pagsulong at pakikiisa nila sa mga minorities at mga Indigenous
Cultural Communities). Sa kabila ng mga nasabing pamamaraan ng gobyerno, hindi pa rin maiiwasan ang
katotohanan na kulang ang mga ito upang masigurado ang epektibong tugon ng pamahalaan.
Sa patuloy na pagabante ng ating bayan sa kinabukasan, hindi dapat talikuran ang kultura at ang mga
palatandaan ng ating kasaysayan. Ang ating bayan ay hindi lamang para sa mga taong nasa kabihasnan
kundi para sa lahat, minorya man o hindi.
Panitikang Maralita
Natitipon dito ang iba't ibang sulatin hinggil sa mga isyu ng maralita, tulad ng karapatan sa pabahay,
paglaban sa demolisyon, kahirapan, ang adhikaing pagbabago ng sistema, pagsusulong ng sosyalismo, at
iba pa; inilathala bilang aklat na "KOMYUN: Katipunan ng Panitikang Maralita", na nakapaglathala na ng
dalawang aklat (Unang Aklat - Disyembre 2007, Ikalawang Aklat - Disyembre 2008), at inilathala ng
Aklatang Obrero Publishing Collective.
Tula ng Kahirapan
Tula ng Kahirapan
kathanimona
Sa baryo Binagoongan
Galunggong, kangkong
Tanghalian, hapunan
Pagkaing karne
Tanging pangmayaman
Almusal ay pandesal
Mantikilyang palaman
Pamutat ay saging
Bukayo paminsan
Walang reklamo
Makaraos lamang
Sa aking bayan
Di makapag ulam
Sagad sa kahirapan
Gumagawa ng paraan
Basura kinakain
Malamnan lang
Ang tiyan
Di pakinabangan
Ng maralita
Anong ginagawa
Inutil na pamahalaan
Sa kaban ng bayan
Meron bang konsiyensiya
Sa mundo ng burgesya
Silang naghahari
Bulok na burukrasya
Nakita ko si ineng
Pumasok sa iskwela
Kuwaderno ay kulang
Sikmurang mahapdi
Masakit kumakalam
Walang pamasahe
Utak nagugulumihan
Sustansiya ay salat
Musmos na mukha
Nagkalat sa lansangan
Nanghihingi ng limos
Damit ay basahan
Sa anak ng bayan
Nalimutang tao
Na may pangangailangan
Sila ay biktima
Gobyernong mapanlinlang
Tanging adhikain
Sarili mapayaman
Sa dulo ng tulay
Mayroon hangganan
Di maglalaot
Maaalsa,lalaban
Silang nagugutom
Pulang rebolusyon
Maglilibing sa gahaman
November 4, 2016
Tao pa ako
November 3, 2016
galling sa inyo,
Tao po
November 2, 2016
Tao po
Tao Ako
November 2, 2016
Magulong Estudyante
November 2, 2016
Sa umaga at sa hapon
Disiplina ay importante
Disiplina ay pahalagahan
Habang maaga pa
Magulong Estudyante
November 1, 2016
Mapa-Amerikano o Pilipino
November 1, 2016
November 1, 2016
Sigaw ko ay “Tulong!”
Hindi ko ginusto.
Kahit ilang bulong,
November 1, 2016
Tayo Lahat
November 1, 2016
Panitikang Manggagawa
- gregoriovbituinjr.
01.01.2021
Ako'y tibak
Ako'y tibak
- gregoriovbituinjr.
- gregoriovbituinjr.
- gregoriovbituinjr.
- gregoriovbituinjr.
- gregoriovbituinjr.
* kuha ang mga litrato sa Living Gifts Nursery na hardin ng samutsaring cactus sa Barangay Alno, La
Trinidad, Benguet, 10.10.2020
- gregoriovbituinjr.
Mga Sanaysay Tungkol sa Kahirapan (7 Sanaysay)
Ang kahirapan ay isa sa mga pangunahing problema ng ating bansa. Halos kalahati ng ating populasyon
ang nagsasabi na nabibilang sila sa isang maralitang pamilya. Dahil dito, kinalap namin at pinagsama-
sama ang ilang mga halimbawa ng sanaysay tungkol sa kahirapan. Mayroong mga halimbawa rito ng
pormal at di-pormal na uri ng sanaysay. Nawa ay makatulong sa inyo ang koleksyong ito at mangarap ng
mas mataas para umasenso sa buhay.
Kahirapan sa Pilipinas
Kahirapan sa Pilipinas
Akda ni Ghie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na
tamad?
Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”. Tama sila, at tama rin naman ang mga taong
nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa
kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang
mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at
manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa
isang araw. Pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng
kahirapan.
Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa
kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng
mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay
sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang
nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin
singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado
lamang.
Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili
nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang
malaking kamalian sa parte ng mga pinuno.
Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng
paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang
walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at
walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin.
Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang
kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa
ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero mukhang hindi nauubusan ng
dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
Ang katotohanan ay tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa
natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas
ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad
nating lahat.
Isa itong alaala na inaamin kong ninais ko nang kalimutan ngunit hindi ko magawa, isang alaalang
nahihiya akong alalahanin pa. Ngunit may isang parte sa akin na nagnanais na ipahayag at ikwento ito
dahil sa isa itong riyalidad tungkol sa akin at sa pagkatao ng isang taong ibang-iba sa akin.
Hindi ko alam sa aking sarili kung bakit ko ito ikinahihiya. Marahil sa dahilang may pagkamatapobre
talaga ako. At dahil iniisip kong baka isipin ng ibang tao sa akin ay cheap ako at mababaw. At inaamin
kong wala pa talaga akong alam at napakababaw pa talaga ng aking pag-iisip nang mga panahong iyon.
Iyon ang mga panahong nagrerebelde pa ako at inip na inip sa buhay.
Dahil nga sa mas nakakaangat pa kami sa buhay nang mga panahong iyon, naging medyo pabaya ako at
naging walang pakialam sa mundo. Kaya isang araw, ay nabagok yata ako at bigla kong naisipan na
tingnan ang buhay mula sa ibang perspektibo, sa ibang lebel ng pagtingin, na malayong-malayo sa akin.
Tumawa siya, at sa tono pa lamang ng kanyang boses ay malalaman mong nagbibinata pa lamang siya.
Parang ipit at kumbaga, basag. Medyo nanginginig ang aking kamay habang hawak ang telepono,
pinipigil na matawa sa kanya at sa kung paano siya mag-salita. May accent kasi siya at hindi marunong
mag-Ingles. Marahil ang alam lang niya ay ang katagang ‘I luv u’ na nababasa niya lang sa mga quotes sa
text.
Tawagin na lang natin siyang Jon-jon. Probinsyano, taga Iloilo, Bisaya. Labim-pitong taong gulang. Grade
3 pa lamang nang siya’y tumigil sa pag-aaral. Walo silang magkakapatid, at mukhang madadagdagan pa.
Pumasok sa pagawaan ng asukal bilang kargador ng tubo. Sumasideline ang kanyang ama sa pangingisda
at pagsasaka at sa bahay naman ang kanyang ina, nag-aalaga sa kanyang mga nakababatang kapatid.
Madalas siyang nakikitulog sa bahay ng kanyang mga tiyahin kasama ang kanyang mga pamangkin.
Paglalaro lamang ng basketbol ang kanyang nakahiligan.
Ala-singko ng umaga siya gumigising para pumasok sa tubuhan at matatapos siya ng hapon, mula Lunes
hanggang Biyernes siyang ganoon. At kapag Sabado ay tumutulong naman siya sa palayan. Ganoon ang
buhay nila sa probinsya, ani niya. Mahirap pero kinakaya. Kahit na hikahos ay kakayanin niya ang lahat
para sa kaniyang pamilya. Tinanong ko siya minsan kung may pangarap ba siya at sa naalala ko’y hindi
muna siya nakasagot. Umahon ata sa kahirapan. Tinanong ko siya kung gusto ba niya mag-aral, at ang
una niyang sinagot ay ‘wag na. Ayaw na daw niya dahil sa matanda na siya at maraming taon na ang
lumipas nang siya’y tumigil. Marami silang magkakapatid at hindi na rin siya kayang pag-aralin pa ng
kanyang mga magulang.
Bakit pa nga ba? Ang gusto nalang niya ay ang magtrabaho para kumita ng pera. Sabay sabi naman
akong, ‘may mangyayari ba sa pagbubuhat ng tubo?’
‘Ang pwede lang ata mangyari sa iyo ay ang matusok ka at magkasugat-sugat ka dahil sa tubo, mahulog
ka sa trak, mabagsakan ka ng mga tubo, o tumandang ganoon ang trabaho at manatili na lang na isang
kahid, isang tuka ang pamumuhay.’
Pero sa isip ko na lang ito nasabi. Hindi ko na nagawang idugtong pa ito. Ngunit ano nga ba ang kanyang
magagawa? Tinanong ko sa aking sarili. Kung ako ba ang nasa kanyang posisyon, ano ba ang aking
gagawin? May magagawa ba ako para sa ikauunlad ko at ng aking pamilya? At naisip kong baka matagal
na akong sumuko kung ganoon. Hindi ko kaya ang ganoong pamumuhay. Ni magbuhat ng tubo ay hindi
ko kaya at ni mag ani ng palay at magbabad sa matinding sikat ng araw. Ni ayaw ko ngang umitim,
magtrabaho pa kaya at mamuhay nang ganoon?
Tila ngang napakadaling magsalita, ng isang katulad ko ukol sa mga ganoong bagay. Kay dali magsalita
tungkol sa mga ambisyon at buhay. Madali nga lang naman magdunong–dunungan dahil nga naman sa
wala ako sa ganoong kalagayan.
Minsan ay tinanong ko siya kung ano’ng ginagawa niya at sabi niya ay nagluluto siya ng talong, tortang
talong sa bagoong. Ang alam ko nga lang ay’ yung tortang talong na may ground beef tsaka pinipirito. Sa
kanila naman ay usong substitute ang bagoong sa ground beef para ilagay sa tortang talong. Hindi kaya
maalat yun? Masarap naman daw at yun daw ang kanilang hapunan.
Madalas nga daw ay wala na siyang ganang kumain. Parang busog na daw ang kanyang tiyan na walang
ibang laman kundi alak pagkatapos nila mag-inuman ng kanyang mga kapatid nang walang pulutan. Ang
naging biro ko na lang sa kanya ay bakit hindi niya minsan subukang manghuli ng mga butiki sa pader at
bubong ng kanilang bahay, para pampulutan. Para lang maiba. At bata pa lang daw siya nang matutong
manigarilyo. Sayang nga at hindi ko na siya naalok ng rugby at baka nagustuhan din niya.
Sinubukan ko na lang isipin kung anong klaseng lugar ang kanyang kinalakihan. Kargador din ang isa
niyang kapatid at katulad niya ay napaaga din ang retirement sa eskwelahan. Ganoon na din ba ang
magiging kapalaran ng kaniyang iba pang nakababatang kapatid? Para na lang kasi silang nasa isang
Cycle, mula sa magulang hanggang sa mga anak hanggang sa mga apo at apo sa tuhod… Cycle ng
kahirapan. Nasaan na ang lugar ng edukasyon at pangarap? Naisip ko na lang na buti ay apat lang
kaming magkakapatid sa aming pamilya.
Marahil ay nakapagtataka nga kung paano ko siya nakilala, si Jon-jon na isang taong malayo-malayo ang
estado ng buhay sa akin. Ito ay dahil sa tiyahin niya kasi ang isa naming kasambahay noon, na siyang
dahilan kung bakit ko na rin siya nakilala. Pala-kwento rin kasi ang tiyahin niyang iyon at palaging
tumatawag sa kanyang anak at ibang kapamilya na kanyang iniwan sa probinsya.At lagi ko naman
kinakausap ang kanyang tiyahin dala lang ng kainipan. At minsan nga ay natiyempohang si Jon-jon ang
kausap, at naisipang ipakausap sa akin.
Madrama rin ang buhay ng tiyahin niyang iyon. Mag-isa na lang kasi nitong tinataguyod ang kanyang
anak mag-mula nang iwan siya ng kanyang asawa para sa kabit nitong naanakan. Ang sakit siguro noon
‘no? Iyong piliin ng iyong asawa ang kanyang kabit kaysa sa iyo, na legal niyang asawa, at ang mas
masakit pa, pinakasalan lang daw siya nito pagkatapos siyang gahasain at mabuntis. Ang kanyang
pamilya na lang daw ang kanyang pinaghuhugutan ng lakas ng loob para magpatuloy. Parang naging
anak na rin daw niya kasi si Jon-jon na siyang naging pinakamalapit sa kanya sa lahat ng kanyang mga
pamangkin, at sa pagmamahal ng kanyang anak ay hindi narin niya gaanong naramdaman ang
pagkukulang sa kanya ng kanyang asawa. Parang sa telenobela. At dumating ang pagkakataong nahulog
sa puno ng niyog ang kanyang anak, at sa aksidenteng iyon ay napilitan siyang umuwi at hindi na siya
muling nakabalik sa amin dahil sa wala na siyang perang pamasahe. Talaga ngang parang sa telenobela
ang buhay nila. Naawa na lang ako at naiyak sa buhay nilang mga bida.
Ngunit napagisip-isip ko… Aanhin ba ni Jon-jon ang aking awa? Aanhin ba nila ang aking awa? Tila ang
dami ko nang nalaman tungkol sa kanila sa pakikipag-usap lamang sa telepono. Tila nagkaroon na rin
talaga ako ng kagustuhan makilala si Jon-jon at ang kanyang pamilya. Sinubukan kong may magawa,
sinubukan kong makatulong; kaya pinadalhan ko sila ng damit, at ang isang t-shirt ay A/X pa.
Ngunit sa huli, bakit parang kulang pa rin? Bakit parang ang lahat ng iyon ay parang isa lamang
pangyayari na aking kinahihiya? Na parang hindi bukal sa akin ang pagtulong….na isang maykaya na
katulad ko ay nakipagkaibigan sa katulad nilang mahirap. Pero ano nga ba ang aking natulong? Ano bang
magagawa noong mga damit na iyon na aking pinadala para sa batang nahulog? Pambalot sa nabaling
buto? Naawa talaga ako. At parang hanggang doon nalang talaga ako, hanggang awa nalang.
Wala kasi akong ibang alam sa buhay. Ano ba ako noon… at hanggang ngayon? Isang teenager na
umaasa sa magulang. Ni kumita ng pera at magbanat ng buto ay hindi ko pa nagagawa. Paano pa kaya
ang tumulong sa ibang matindi ang pangangailangan?
Tinanong ko siya uli noon kung gusto na niyang mag-aral at umoo siya. Gusto na daw niya at magsisikap
siya sa pagtratrabaho para makaipon ng pera para makapag-aral. Pinangakuan ko pa yata siya na
tutulungan ko din siya para makapag-aral. Mukhang malabo ko nang magawa pa iyon.
Nakita ko talaga ang pagiging tao ni Jon-jon, kahit sa maikling panahon lamang. Na tulad ng ibang tao, na
tulad namin may mga kaya sa buhay, may iba pa rin silang mga problema bukod sa kahirapan. Na ang
katulad ni Jon-jon ay marunong din umiyak at napapagod din. Nasabi niya sa akin yun. Na napapagod na
siya at sa talagang mahirap daw; hindi lamang ang trabaho kundi ang maging isang anak ng kanyang mga
magulang at maging isang taong katulad niya. Na minsan ay gusto na niyang sumuko pero hindi niya
magawa. Dahil sa kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang sarili at pamilya, para balang araw
daw, ay may magagawa din siya para sa ikaaahon ng kayang mga mahal sa buhay. Naiyak na lang ako
habang pinakikinggan siya….dahil naramdaman ko na rin kahit papaano ang nararamdaman niya ng mga
oras na iyon. Kung anu-ano na lang yata ang nasabi ko sa kanya nuon, hindi ko na rin maala kung tama
ba o mali yuong mga pinayo ko; naisip ko na lang na… Oo, sana nga Jon-jon, balang araw.
Si Jon-jon ay isang ehemplo ng isang taong pinanganak na mahirap, lumaking mahirap at tila hindi pa
alam ang landas na kanyang tatahakin at kahahantungan. Kungsanalang ay naging isang tao akong
nakapagturo sa kanya ng tamang landas na iyon.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa kanya; kung natupad ba niya ang kanyang mithiin na
makapag-aral o tuluyan na siyang napariwala. Hindi ko na gaano pa naaala ang tungkol sa kanya o sa
kanyang tiyahin na nagkwento sa akin ng napakaraming bagay tungkol sa kanilang lugar at sa
pamumuhay ng mga tao doon. Hindi ko narin gaanong naaalala ang mga kwento nila ng kahirapan, ang
mukha ni Jon-jon na sa aking imahinasyon ay puro bakas ng kahirapan at pagkatakot sa kawalan. Hindi
ko na talaga maalala pa dahil tatlong taon na rin ang lumipas.
Nakikita ko nalang ang mga bata na sumasabit sa dyip tuwing ako’y umuuwi mula sa paaralan, mga
batang kulang na lang ay itapon sa kalsada ng drayber na nanggagalaiti sa pagsigaw sa kanila. Isang
batang musmos na ang ngayo’y sumakay na sa dyip…..tinitignan ko na lang ang kanyang repleksyon sa
tila makintab na mga sapatos naming mga pasahero; habang siya’y nakaluhod at nagmamadaling
magpunas at magpahid ng kanyang maduming basahan sa aming mga paanan. Umaasang bibigyan ng
kakaunting barya at limos mula sa amin na nakakaangat.
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling
pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na
tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga
taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali.
Ang rason kung bakit patuloy pa rin ang paghihirap ng ating bansa ay ang mga sumusunod:
Digmaan
Pagmamalabis
Krisis
Nabalitang corruption
Ang hirap lang kasi yung iba wala naman yata sa bokabularyo nila ang salitang disiplina. Yun lang naman
ang kelangan natin talaga. Hindi naman magagawa ng iisang tao ang pagbabago ng buong bansa. Tayong
lahat ang dapat gumalaw para magbago.
Tigilan na rin natin siguro ang crab mentality. Imbes na matuwa dahil may nararating ang iba, naiinggit
pa ang iba. Imbes na magsikap para sa sarili nila, naghihintay na may ibigay na lang ang gobyerno sa
kanila. Kaya walang nararating ang iba sa atin.
Disiplina nga ang kailangan. Karamihan sa atin, lahat na ng pangit na nangyayari sa buhay nila, sa
gobyerno nila sinisisi. Hindi sila nakapag aral, gobyerno ang sisisihin, wala sila trabaho, gobyerno
nanaman ang may kasalanan. Wala silang makain, gobyerno nanaman. Nakakapagtaka tuloy bakit may
mga indibibwal na nagmula din sa miserableng buhay, subalit sa pagsisikap ay nakaahon.
Disiplina nga ang kailangan. Kapag may disiplina lahat ng magagandang kaugalian ay susunod na.
Matutong magsipag at magtiyaga ang isang tao. Hindi rin gagawa ng mali. Hindi rin aasa lang sa bigay ng
gobyerno at lalong hindi nito sisisihin ang gobyerno. Pero ang tanong, paano matuturuan ng disiplina
ang taong wala nito?
Kumilos na tayo hangga’t may oras pang natitira. Masosolusyunan natin ang kahirapan basta tayo ay
nagtutulungan. Kaya kung ako sayo, tulungan mo ang sarili mo na magkaroon ng disiplina at maya-maya
kapag talagang sa tingin mong tiyak na mayroon ka ng disiplina, tumulong ka na sa komunidad upang
makagawa tayo ng mas maunlad at mabuting bansa.
Ayon sa gobyerno, kailangang labanan ang kahirapan. Pero ang solusyon nila para labanan ang
kahirapan ay itaboy ang mga mahihirap. Ang pananaw na ito ng gobyerno, pati na rin ng mga kapitalista
at naghaharing iilan sa lipunan, ay makikita sa sumusunod na kwentong bayan:
“Bibisita ang isang hari sa probinsyang kanyang nasasakupan, at ipinabatid niya ito sa mga namumuno sa
bayang yaon. Dahil dito, naghanda ang gobernador ng lalawigan at inatasan ang lahat ng kanyang mga
kabig na kailangang matuwa ang hari sa pagdalaw nito sa kanilang bayan. Ngunit sa dadaanan ng hari ay
may mga barung-barong na pawang mga mahihirap ang nangakatira. Hindi nila maitaboy agad-agad ang
mga tao dahil tiyak na lalaban ang mga ito. Kaya ang ginawa ng gobernador ay pinatayuan ang paligid
nito ng mahabang pader upang sa pagdaan ng hari, ay hindi nito makita ang karumal-dumal na
kalagayan ng mga mahihirap.”
Hindi ko maalala kung saan ko nabasa ang kwentong ito, pero ang aral ng kwentong ito’y nahalukay ko
pa sa aking memorya. Sa esensya, karima-rimarim sa mga mata ng naghaharing uri sa lipunan ang mga
mahihirap dahil ang mga ito’y “nanlilimahid, mababaho, mga patay-gutom at mababang uri”. Kaya
nararapat lamang na ang mga mahihirap na ito’y itago sa mata ng hari, at palayasin o itaboy na parang
mga daga sa malalayong lugar.
Kaya naman pala patuloy ang demolisyon sa panahong ito. Demolisyon ng barung-barong ng mga
mahihirap dahil sila’y masakit sa mata ng gobyerno’t kapitalista. Demolisyong ang pinag-uusapan
lamang ay maitaboy sa malalayong lugar ang mga mahihirap. Demolisyong hindi pinag-uusapan ang
kahihinatnan ng mga mahihirap sa lugar ng relokasyon at pagkalayo nila sa lugar ng kanilang
hanapbuhay.
Kung ganoon, para sa gobyerno’t kapitalista, para labanan ang kahirapan, itaboy ang mahihirap. Ito ang
esensya ng demolisyon.
Pero para sa mahihirap, para labanan ang kahirapan, itaboy ang nagpapahirap. Ito ang esensya ng
rebolusyon.
Teka, hindi pa tapos ang kwento: “Nang dumating ang hari sa bayang nasabi, ipinagbunyi siya ng mga
tao at nakita ang kaayusan at kaunlaran ng lugar. Kaya ang sabi ng hari ay gagantimpalaan niya ang
gobernador dahil sa malaking nagawa niya sa lalawigan. Sa pag-uwi ng hari mula sa maghapong
pagdalaw sa probinsya, napansin niya ang mahabang pader na agarang ipinatayo ng gobernador.
Hiniling niyang makita ang nasa kabila nito. Walang nagawa ang gobernador. Dito’y agad nakita ng hari
ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga nakatirang mahihirap sa kabila ng pader. Itinatago pala ng
gobernador ang tunay na kalagayan ng lalawigan. Bumaba ang hari’t nakitang maraming namamayat at
ang iba’y halos mamatay sa gutom, marami ang nagkakasakit at walang nag-aasikaso. Dahil dito, binawi
ng hari ang gantimpalang sana’y ibibigay niya sa gobrnador.”
Sa pinakasimple, para itaboy ang kahirapan, dapat resolbahin ito ng pamahalaan pagkat sila ang
namumuno at nasa poder ng kapangyarihan. Hindi nararapat na basta na lamang itaboy ang mahihirap
pagkat sila’y biktima lamang ng kahirapan, biktima ng bulok na sistemang nag-anak sa kahirapang
kanilang nararanasan. Walang silbi ang isang gobyernong hindi kayang lutasin ang problema ng kanyang
mga nasasakupan. Dahil doon, nararapat lamang silang mawala sa poder.
Maganda ang forecast sa ekonomiya ng Pilipinas ngayong 2015. Maaari raw umangat ng 6-7 percent ang
kabuhayan. Nakikita na umano ang mga palatandaan. Noong 2012, umangat ang ekonomiya ng bansa ng
6.6 percent. Tuwang-tuwa si President Noynoy Aquino sa pag-angat na ito. Ipinagmalaki niya ito. Sabi,
ang pag-angat ng ekonomiya ay dahil sa “maayos na pamamahala” ng kasalukuyang pamahalaan.
Ang nakapagtataka, sa kabila na umaangat ang ekonomiya, bakit marami pa rin ang naghihirap at
nagugutom. Bakit marami pa rin ang walang trabaho? Bakit marami pa ring palaboy?
Sa latest Pulse Asia survey, 40 percent ng mga Pilipino ang nagsabing hindi sila satisfied sa ginagawa ng
gobyerno kung paano malulutas ang kahirapan ng buhay. Wala pa ring pagbabago sa buhay ng mga
dukha at lalo pa umanong nalulubog sa kumunoy ng kahirapan. May ginagawang paraan ang gobyerno
gaya ng pagbibigay ng financial na tulong sa mga mahihirap na pamilya pero ito ay hindi garantiya na
magpapabago sa buhay ng mga dukha, sa halip tinuturuan lamang na umasa at maging depende sa
pamahalaan. Hindi na nagnanais magsikap at bagkus naghihintay na lamang ng babagsak sa kanilang
bunganga.
Hindi magawa ng gobyerno na mapagaan ang pasanin ng mga mahihirap. Kahit na maraming beses nang
nag-rollback ang petroleum products, ang presyo ng mga pangunahing bilihin ay nananatili pa ring
mataas. Walang makitang pagsisikap ang pamahalaan para mabigyan ng kagaanan ang maraming Pinoy
na isang kahig, isang tuka.
Marami sanang mapagkukunan ng ikabubuhay sa bansang ito pero kulang ang pagsisikap ng gobyerno.
Ang agricultural sector na maraming pagkukunan ng pagkakakitaan ay nakakaligtaan. Sa halip na
tulungan ang mga magsasaka na kumita mula sa inaani, mas pinapaboran pa ang pag-iimport ng
produkto – halimbawa ang bigas at sibuyas.
Hindi matatakasan ang kahirapan at kagutuman, dahil walang sistema ang gobyeno kung paano lulutasin
ang problema. Nababaluktot ang daang matuwid.
Bakit ba mahirap tayo kahit na umaangat daw ang ekonomiya ng ating bansa? Ilang pangulo na ba ang
nagsabing umuunlad na ang ekonomiya ng bansa ngunit ito ba’y nararamdaman ng karaniwang
mamamayan? Sino ba ang nakikinabang sa pag-angat ng ating ekonomiya? Babalik tayo sa tanong noon
ng mga awtor o manunulat patungkol sa human development na “Development for Whom?” “Para
kanino ba ang pag-unlad”?
Masalimuot ang usaping kahirapan sa ating bansa. Kung tatanungin natin ang mga mayayaman ang tiyak
na sasabihin nila’y “marami kasi sa atin ang tamad”. At hindi naman natin sila masisisi sa ganitong
pananaw dahil umagang-umaga pa lamang nakikipag-inuman na ang ibang mga kalalakihan sa barangay,
walang kusang magbanat ng buto, at naghahangad na lamang ng biglaang kita na parang “instant
coffee”. Ang iba sa halip na maghanap ng kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal, at
habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa
utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan. Ang lalong nagpapabigat sa ganitong problema, wala na
ngang trabaho, ayaw magbanat ng buto, saksakan pa ng bisyo – sugal, alak o droga. Siga pa, palaaway,
nambubugbog ng asawa o mga anak. Kaya paano nga naman aasenso?
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan, ayaw magbanat ng buto, pero nangangarap ng
masarap na buhay? Ay di hanggang pangarap na lang tayo?
Kung tatanungin naman ang mga aktibista kung bakit mahirap tayo ang kanilang sasabihin ay “dahil sa
pagkakasakal ng mga mayayaman at naghaharing-uri sa lipunan” katulad ng mga panginoong may-lupa
at mga negosyante na madalas sila rin ang mga pinuno sa pulitika. At dahil sila ang mga namumuno sa
pulitika ang kanilang mga balakin at gawain ay patungo sa higit na pagpapaibayo ng kanilang mga
interes, ng kanilang mga negosyo at ng kapakanan ng kanilang mga pamilya lamang. Kaya nga sila
tumatakbo sa pulitika ay upang ma-proteksiyunan ang kanilang mga negosyo at iba pang mga interes,
hindi talaga kapakanan ng mga tao ang layunin nila. Kaya patuloy na lumalaki ang agwat ng mayaman at
mahirap.
Kaya ano nga ba ang dahilan ng ating kahirapan? Katamaran nga ba? O ang paghahari ng mga
mayayamang panginoong may-lupa o may-negosyo?
Maaaring may katuwiran ang parehong argumento, at higit pa, sapagkat maaaring may kaugnayan ang
dalawang dahilang ito.
Panahon pa ng mga Kastila’y naobserbahan na ang katamaran daw ng mga “Indiyo” (“Indiyo” ang tawag
noon ng mga Kastila sa mga katutubong Pilipino). Ang kanilang obserbasyon, magtatrabaho lamang daw
ng ilang oras ang mga Pilipino pagkatapos ay uuwi na sa bahay at wala nang gagawin, tatambay na kung
baga, hanggang hapon na. Pagkatapos sa hapon naman ay pupuntang muli sa linang na sinasaka
magbubungkal ng kaunti tapos uuwi na at kung may makakasama ay mag-iinom na ng “tuba” o kahit na
anong alak. Kaya naturingang tamad ang mga ninuno natin.
Ang hindi naisip ng mga Kastila ay magkaiba ang klima ng Pilipinas at Espanya. Sa Espanya malamig at
iba’t iba ang panahon, may tag-araw (summer), may tag-yelo (winter), may tinatawag na tagsibol
(spring) at taglagas (autumn/fall). Sa Pilipinas dalawa lang ang panahon, tag-araw at tag-ulan. Sa
Espanya iba’t ibang panahon iba’t ibang pamamaraan ng pagtrabaho, madalian ang pagtanim dahil
tatlong buwan lang ang tagsibol, kailangang mayroon sapat ng supply ng pagkain sa panahon ng
taglamig dahil walang tumutubo sa panahong ito. Samantalang sa Pilipinas napakasimple lang ng
panahon at sa buong taon ay maaaring magtanim, at noong panahong iyon sagana sa kagubatan at mga
hayop. At dahil mainit ang klima hindi maaaring magtrabaho sa maghapon kung kaya nagpapahinga ang
mga tao sa tanghali hanggang hapon.
Hindi dahil sa katamaran ang dahilan kung bakit naghirap ang ating mga ninuno. Ang dahilan ay ang
pananakop ng mga Kastila na kumamkam ng ating mga lupain. Nawalan ng lupang sasakahin ang mga
Indiyo at ang mga ito’y napunta sa kamay ng mga dayuhang mananakop. Ano’ng nangyari sa mga
Indiyong ninuno natin? Sila’y naging mga mangagawa sa mga malalawak na hacienda ng mga Kastila at
nang mga may dugong Kastila, na halos mistulang alipin ng mga mananakop. Ang iba’y sapilitang
pinagtrabaho sa mga pagawaan ng “galleon” at sumasama sa paglaban sa mga pirata, at iba pang mga
gawain tulad ng paggawa ng mga Simbahan, mga gusali ng gobyerno at ng mga kalsada. Ang tawag
dito’y “polo” o “forced labor” at walang bayad.
Sino ang gaganahang magtrabaho sa ganitong kalagayan? Araw-araw, taun-taon, dekada kada dekada,
at daang taon, ang mga ninuno natin ay naging mga alipin ng mga mayayamang haciendero at walang
nakikinitang paglaya sa ganitong uri ng pagkaalipin, kung kayat napaniwala nila ang kanilang mga sarili
na iyon na talaga ang swerte ng kanilang buhay. Kailangang magtiis dahil sa langit, ayon sa turo ng
Simbahan, ay may nakalaang biyaya ng kaligtasan at kaluwalhatian. Kaya tinawag na “fatalistic” ang mga
mahirap dahil sa paniniwalang ang kahirapan ang swerte nila sa buhay.
Ang mga ninuno natin sa gitna ng kaapihan at pagkaalipin ay madalas pang inaalipusta ng mga
mayayamang haciendero komo sasabihing sila’y mga hampaslupa, walang pinag-aralan, mga bobo at
ignorante, patay-gutom, at ito’y natanim sa kanilang diwa sa mahabang panahon hanggang sa ngayon,
kung kaya’t ganoon na nga ang paniniwala ng mga mahihirap. Ang pakiramdam nila’y kulang ang
kanilang pagkatao, kakaiba sila sa mga marangya at nakakataas sa lipunan. Kaya’t sa tuwing
makakaharap sa mga mayayaman ay sunud-sunuran lamang ang mga ito at wari’y nanginginig pa, hindi
makapangatwiran kahit na hindi makatarungan para sa kanilang ang ipinagagawa o ang nais mangyari ng
mga naghaharing uri.
Sa panahon ngayon ito’y nagaganap pa rin, katulad ng pagtrato ng mga namamahala ng mga kumpanya
sa kanilang mga empleyado o ng mga pinuno ng pamahalaan o burukrasya sa mga karaniwang kawani
nito, maging sa Simbahan man sa pagitan ng mga pari at madre at ng karaniwang layko, o sa tahahan
mismo kung paano ituring ng mga amo ang kanilang mga katulong o kasambahay. Dahil sa pag-tratong
may pang-aalipusta ang mga mahirap ay tuluyan nang nawalan ng tiwala sa sarili nilang kakayahan sa
paniniwalang wala silang magagawa dahil sa sila’y “pobre” lamang. At dahil dito’y hindi na nagkaroon ng
hangad na magsikap kaya’t naging “apathetic” na rin sila. Nakaukilkil na sa kanilang mga puso, isip at
kaluluwa na ganito na talaga ang buhay. At ito’y namana natin sa ating mga ninuno hanggang sa ngayon.
Ngunit sa kabila ng kanilang mababang pagtingin sa sarili ang mga mahirap ay nangangarap din na
magkaroon ng magandang buhay, na maging katulad ng mga mayayaman at naghaharing uri sa lipunan.
Sa kanilang palagay ang pagiging ganap na tao ay ang katulad ng mga mayayaman, at sa tingin nila
magiging ganap lamang ang kanilang pagkatao kung sila’y makaahon sa kahirapan. Kaya nga marami sa
mga mahihirap, na tinatawag na “masa”, ang nalululong sa mga telenobela o mga palabas sa telebisyon
lalo’t kung may kuwento ng mahihirap na umasenso, pagka’t sa sandaling panahon ng panonood ay
nakakalimutan nila ang kanilang mga suliranin sa buhay at nakikita nila ang kanilang mga sarili doon sa
mga bida sa mga telenobela at nangangarap na mangyari din ang pagtatagumpay sa kanilang buhay.
Ganito rin maipapaliwanag ang pagkakalulong ng mga mahihirap sa alak. Sa karaniwang araw ang turing
nila sa kanilang mga sarili’y mga hampaslupa, walang kwenta at api, ngunit sa kaibuturan ng kanilang
mga puso’y naghahangad ding umasenso at makaahon sa kahirapan. Datapwa’t dahil wala silang
nakikinitang pag-asa sa abang kalagayan, ay idinadaan na lamang ang kanilang mga problema sa pag-
inom kung saan panandaliang nakakalimutan nila ang kanilang abang kalagayan. Sa kalasingan
nagkakaroon sila ng sariling mundo, ang mundo na nais nilang manyari sa kanilang buhay na hindi
nangyayari sa tunay na buhay. Kapag sila’y nalalasing lumalabas sa kanilang mga bibig ang mga hindi nila
masabi sa karaniwang araw, katulad ng mga hinaing, mga hinanakit, o mga hangarin nila sa buhay,
kasama na rin ang pagyayabang na kaya nilang gawin ang lahat.
Sa lipunan ang mayayaman ang nagdidikta ng mga kalakaran sa pulitika at sa ekonomiya. Kailangang
maproteksiyunan nila ang kanilang mga lupain at mga negosyo, kaya kailangang may kakampi sila sa
gobyerno lalo pa’t ang gobyerno’y umaasa sa kanilang mga buwis. Kaya naman ang gobyerno’y sunud-
sunuran sa mga mungkahing mga patakaran o batas ng mga mayayaman. Kaya nga kung may mga batas
na magiging mapanira sa kanilang mga interes, katulad na lamang ng reporma sa lupa o tinawag na
“Comprehensive Agrarian Reform Program”, ito’y puno naman ng butas upang hindi talaga tuluyang
maipamigay sa mga magsasakang walang lupa ang mga lupain ng mayayaman. Karamihan sa mga
naipamahagi nitong nakaraang panahon ay lupang gobyerno, at hanggang ngayon maraming lupaing
prime agricultural land ay nasa kamay pa ng mag panginoong may lupa o kaya na-i-convert sa layuning
pang-industrial kaya’t hindi na maipamahagi.
At upang tuluyang maisulong nila ang kanilang mga interes, ang mayayaman na mismo ang mga
namamayani sa pulitika bilang mga alkade, gobernador, congressman, senador at iba pa, at sila ang mga
may koneksiyon at kapangyarihan upang magtalaga ng kanilang mga kaibigan sa gabinete at iba pang
mga katungkulan sa burukrasya upang kanilang maging mga kakampi. Ang mga mayayaman ay wala
naman talagang pakialam sa karaniwang mamamayan. Pinapasok nila ang larangan ng pulitika upang
isulong ang interes ng kanilang pamilya at mga negosyo. Kaya may “political dynasty” na kung saan ilang
pamilya lamang ang naghahari sa isang lugar, o kaya hindi napapalitan ang mga pinuno sa isang lugar at
nagpapasalin-salin lamang ito sa mga kasapi ng iisang pamilya. Ginagamit lamang nila ang mahihirap
upang patuloy silang manatili sa kanilang mga puwesto.
Paano ginagamit ng mga mayayaman ang mga mahihirap upang manatili ang kanilang political dynasty?
Dito pumapasok ang usaping “patronage politics” na siyang laman o katangian ng tinatawag nating
“traditional politics” o “trapo”. Ang mga mayayamang pulitiko ay nagmimistulang mga “patron” ng mga
lugar na kanilang nasasakupan. Dahil sila’y patron, sa kanila tumatakbo ang mga mahihirap tuwing may
mga pangangailangan, halimbawa’y gamot, pambayad sa ospital, pampalibing, pang-eskuwela ng mga
bata, at iba pang mga pangangailangan. Kaya nga ang mga bahay ng mga pulitiko ay palaging maraming
tao sa araw-araw sapagkat maraming mga mahihirap ang dumudulog upang humingi ng kaunting tulong.
Ang kaunting tulong na kanilang natatanggap sa kanilang mga pulitiko ay kanilang tinatanaw bilang
utang-na-loob kung kaya’t sa susunod na eleksiyon iboboto nila ang mga pulitikong ito bilang pagtanaw
ng utang-na-loob. Ginagamit ng mga trapo ang utang-na-loob na ito upang mapanatili sila sa kanilang
mga puwesto.
Kaya ang kalakarang ito ang ibig sabihin ng patronage politics. Tinatangkilik ng mga tao ang mayayamang
pulitiko dahil sa mga kaunting tulong na tinatanggap nila sa mga ito, kung kaya’t nananatili ang mga
mayayamang pulitiko sa kanilang mga puwesto. At ito ang ibig sabihing ng traditional politics o “trapo”,
na hindi kuwalipikasyon o kakayahan ng pulitiko o plataporma de gobyerno ang tinitingnan ng mga tao,
kungdi kung ano ang ibinibigay sa kanila ng mga trapo na tinatanaw nilang malaking utang-na-loob. At
dahil sa ginagamit nga lang naman ng mga trapo ang mahihirap, walang tunay na pagbabago sa
kalagayan ng lipunan ang nagaganap kungdi ang patuloy na pananamantala ng mga mayayamang
pulitiko gamit ang kanilang kapangyarihan, upang lalo pa silang yumaman sa pamamagitan ng
kurapsiyon at iba pang pang-aabuso sa gobyerno, samantalang ang mahihirap ay patuloy na naghihirap,
walang tunay na pag-asenso kungdi ang umasa na lamang kakarampot na ibinibigay sa kanila ng mga
trapo.
Ang masaklap hindi batid ng mga mahihirap na ang ginagamit ng mga trapo ay nagmula rin naman sa
buwis ng mga mamamayan ngunit sa akala nila’y napakabuti na sa kanila ng mga trapo sa kaunting
biyayang ambon. Ang mas masaklap ang ibang ginagamit ng mg trapo ay galing sa pandarambong o kaya
sa mga illegal na gawain tulad ng illegal na pagtotroso, illegal na pagmimina, illegal na pangingisda,
huweteng, smuggling o droga. Natatakpan ang kanilang mga illegal na gawain sa pamamagitan ng mga
kaunting tulong na ibinibigay sa mahihirap na dahil dito’y patuloy na naniniwala sa kabutihan ng mga
trapo.
Sa ating bansa ang pulitikang patronage politics o traditional politics ay tinatawag ding “Oligarchy” na
ang ibig sabihin ay pamumuno ng iilan lamang, at sila ang tinatawag ng mga aktibista na “naghaharing
uli” o “ruling elite”. Kapag ang iilang mga naghaharing ito’y mga mayayaman lamang ang tawag naman
dito’y “Plutocracy”. Ito’y mga magkakaugnay na mga terminolohiya. Ang Plutocracy na isang uri ng
Oligarchy ay traditional politics o “trapo”. Ang katangian ng mga trapo ay patronage o paggamit ng
“utang-na-loob” sa pamamagitan ng pamumudmod ng maliliit na tulong sa mga mahihirap. At dahil sa
patuloy nilang pananatili sa puwesto nagpapasalin-salin lamang sa mga kasapi ng pamilya ang kanilang
pamumuno sa pulitika. Ang tawag dito’y political dynasty. At dahil interes lamang ng pamilya ang
mahalaga sa political dynasty ang mahihirap ay patuloy na naghihirap at walang pag-asang makaahon sa
kanilang kahirapan.
Ayon sa isang batikang edukador na nagngangalang Paolo Freire mula sa bansang Brazil, ang mga
mahihirap, dahil sa napakatagal na pagkaalipin sa mga dayuhang mananakop ay walang kakayahang
iangat ang antas ng kanilang kamalayan upang maunawaan ang kanilang tunay na kalagayan pagkat para
sa kanila, ayon kay Freire, napaniwala nila ang kanilang mga sarili na ganito na nga ang swerte ng
kanilang buhay, na ganun talaga ang buhay, kung kaya’t wala nang kusang magsikap upang makaalpas sa
ganitong kalagayan. Kailangang itaas ang antas ng pag-iisip ng mga mahihirap ayon kay Freire, upang
maunawaan nila na ang buhay ay hindi “swerte-swerte” lamang, at malaki ang kanilang magagawa sa
pagbabago ng kanilang buhay kung mababago ang kanilang pananaw sa buhay.
Ang mga mahirap na nagsikap at nakaalpas na sa kahirapan ay mga taong tumaas na ang antas ng
kanilang kamalayan, naunawaan nila na nasa kanilang mga kamay ang ika-aasenso ng kanilang buhay,
hindi “swerte-swerte” lang, o hindi ang pagdulog na lamang sa mga pulitiko. Sa mga mayayamang bansa
na ang mga tao ay may kusa at masipag na naghahanap ng mga paraan upang umasenso, hindi sila
interesado sa pulitika. Para sa kanila ang pulitika ay pagsasaayos ng mga alintuntunin sa pamahalaan
upang ito’y makapagbigay ng mga tama at sapat ng mga serbisyo sa ikakaayos ng buhay ng mga tao
hindi ng mga pulitiko lamang.
Makakaalpas tayo sa kahirapan kung mababago ang pananaw ng mga mahihirap, na aasenso tayo kung
magsisikap at hindi aasa sa iba. Hindi ikakahiya ang pagbabanat ng buto sa marangal na
paghahanapbuhay, at hindi maghahangad ng agarang pagyaman kundi pagtitiyaga.
Kung pagbabago ng lipunan ang pag-uusapan, malaki ang magagawa kung magsasama-sama ng lakas
ang mahihirap. Hindi pagagamit sa mga trapo sa maling pagtanaw ng utang-na-loob. Sa gayon ang mga
mahihirap ay makakawala sa pagkakasakal ng mga political dynasty na patuloy nang mabubuwag kung
hindi na tatangkilikin ng mga mahihirap. Hindi ipagbibili ang boto tuwing darating ang eleksiyon at pipili
ng mga kandidatong higit na kuwalipikado at may maayos na platoporma de gobyerno lalo’t kung ang
programang ilalatag ay bunga ng konsultasyon sa mga tao.
Malaki ang papel na gagampanan ng mga pamilya. Sa pamilya mag-uumpisa ang pagbabago kung ang
mga magulang ay magbibigay ng magandang halimbawa sa kanilang mga anak ng kasipagan, katapatan o
“honesty”, pagtutol sa pandaraya o kurapsiyon, pag-iisip ng tama at paggawa ng mabuti at pagtulong sa
kapwa.
Maraming pamilya sa lipunan natin ang napariwara na dahil ang mga magulang mismo ang nagtuturo sa
kanilang mga anak ng hindi maganda. Karaniwan nang naririnig sa mga magulang ang ganito: “Anak,
dalawang klase lang ang tao sa mundo, ang mga manloloko at ang mga nagpapaloko, kaya maging wais
ka para hindi ka maloko”. O kaya, “Mas mabuti pang ikaw na ang manloko huwag ka lang maloko”.Sa
murang isipan ang mga bata’y nahuhubog na kaagad sa pandaraya at kurapsiyon.
Kaya kailangang magbago ng pananaw sa buhay ang mga tao. Hindi swerte-swerte lamang ang buhay.
Kailangang maunawaan natin na may mga balangkas o istruktura sa lipunan na siyang dahilan ng patuloy
na pagkakalugmok ng mga tao sa kahirapan. Kung tataas ang antas ng ating kamalayan, bubuwagin natin
ang oligarchy at patronage politics ng mga trapo at mga political dynasty, hindi aasa na lamang sa kanila
kundi magsusumikap na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto. Kung
nabuwag na ang oligarchy maaari tayong magsama-sama upang magtayo ng bagong uri ng pamahalaan
na tunay na para sa tao na tutugon sa kanilang mga karapatan at pangangailangan bilang mga
mamamayan ng bansa, at hindi pamahalaan para sa interes ng iilan lang na naghaharing uri.
Ang Lola Igna ni Eduardo Roy, Jr. ay isang entri sa Pista ng Pelikulang Pilipino, taong 2019. Pinangunahan
ang pelikula nila Angie Ferro (bilang Lola Igna) at Yves Flores (bilang Tim). Kasama rin dito sila Meryll
Soriano (bilang Ana) at Maria Isabel Lopez (bilang Nida). Bagama’t ang pelikula’y noong nakaraang taon
pa ipinalabas, mainam pa ring sariwain kung bakit naging epektibo ang pagbaligtad nito sa maraming
paniniwala at temang karaniwan sa mga pelikulang komedi sa Pilipinas.
Ang puso ng kanayunan ay si Lola Igna mismo, bilang pinakamatandang residente nito. Ang kaniyang
palayaw na “Igna” (mula sa Ignacia) ay nangangahulugang “apoy” sa wikang Kastila. Sa antas ng
metapora, si Ignacia Rivera ang isang apoy na isang siglo nang naglalagablab. Para sa mga kanayon, ang
kaniyang patuloy na pamumuhay ay nagsisilbing init at ilaw sa komunidad. Mapanglaw ang kasalukuyan
at hinaharap ng nayong tinitirhan ni Lola Igna. Pagsasaka lamang ang pangunihang pinagkakakitaan ng
mga tao. Malayo sila pare-pareho sa bayan, at hindi karaniwang kumikita ng sapat ang mga tao. Makikita
ito sa biglaang pagtitinda ng mga kapitbahay ni Lola Igna nang siya’y simulang dalawin ng mga turista na
nakita siya sa telebisyon. Sa ganitong paraan din siya natuklasan at napuntahan ni Tim, ang kaniyang apo
sa talampakan.
Ganoon na lamang ang pagpapahalaga ng mga tauhan kay Lola Igna sapagkat sa kulturang Pilipino, isang
natatanging karangalan ang magkaroon ng kapamilyang matanda. Simbolo daw ang pagtanda ng
karunungan at pagiging dalubhasa sa buhay. May anggulo ring handog ng langit ang mahabang buhay.
Ang mga matatanda rin ang madalas tanungin tungkol sa mahahalagang pagpapasiya, kapag ang pinag-
uusapan na’y mabibigat na bagay tulad pag-aasawa, pagpili ng karera or propesyon, pagbili ng bahay at
lupa, at madalas din, kapag may hidwaang hindi masolusyonan ng mga nakababatang miyembro ng
pamilya.
Sa antas ng metapora, si Ignacia Rivera ang isang apoy na isang siglo nang naglalagablab. Para sa mga
kanayon, ang kaniyang patuloy na pamumuhay ay nagsisilbing init at ilaw sa komunidad.
Ang pangunahing kasabikan sa pelikula ay ang posibilidad na magawaran ang matanda ng parangal na
“world’s oldest living grandmother.” Sa posibilidad ng parangal na ito nabuhay ang nayon at nabaliktad
ang minsa’y tahimik na buhay ng matanda. Ngunit siya mismo’y hindi kumbinsido sa awtentisidad ng
nasabing parangal. Sa isang eksena, tinanong niya ang kaniyang apong si Nida: “Punyeta, tumanda lang
pararangalan na? O, e paano yung mga tumandang wala namang pinagkatandaan? Puro kayo
kalokohan.”
Naging isang malaking pasakit sa matanda ang kaniyang patuloy na pamumuhay. Malinaw sa tauhan ang
kaniyang pagnanais nang mamatay. Ang kamatayan, ayon sa kaniya, ay hindi dapat katakutan. Taliwas
naman ang paniniwala ng mga mas bata niyang kamag-anak. Walang nagnanais na pag-usapan ang
posibilidad ng kaniyang kamatayan kahit siya 118 na taon na. Ito ang sentral na absurdidad ng naratibo
na nagkakawing kay Lola Igna sa buong bayan.
Walang may nais na siya’y pumanaw. Walang may nais isipin na may katapusan din ang napakahabang
buhay ng matanda. Alam ng matanda ito, kaya paulit-ulit niyang isinisingit sa mga usapan ang
kagustuhan niyang mamatay. Lumampas na si Lola Igna sa antas ng pakikipagkompromiso sa langit—
sabik na siyang sunduin ng kaniyang yumaong asawang si Carias.
(Screenshot: Netflix)
Sa tagal ng kaniyang buhay, pakiramdam niya kasi’y pinagdamutan na siya ng langit. Nag-iisa na lamang
siya sa lumang buhay, at binibisita na lamang ng pamilya ng kaniyang apong si Nida. Sa isang eksena
kung saan nanggaling sila ng kaniyang apong si Tim sa burol ng pinakaunang taong tinulungan niyang
iluwal, nagngangalit sa galit ang matanda sa kaniyang naging kapalaran.
“Mga anak ko, nauna pa sa akin, aking asawa, at lahat ng aking kaibigan. Bagot na bagot na ako sa
buhay. Hindi ko na kilala ang mga tao rito. Hindi ko na kilala ang bayang ito.”
Hindi lang siya ang pinakamatandang residente ng nayon. Siya rin daw ang nagpaanak sa halos lahat ng
tao doon. Nagsilbing kumadrona si Lola Igna sa matagal na panahon. Ang unang batang kaniyang
tinulungang isilang ay nauna ring mamatay sa kaniya. Sa huli, tinigilan daw niya ang pagkokomadrona at
tila sa bawat batang kaniyang tinutulungang isilang ay humahaba lalo ang kaniyang buhay.
Tampok rin sa kuwento ang malinaw na pag-eespasyo ng bayan: ang apong si Ana na matagal na
panahong nawala ay simbolo ng migrasyon o internal na diaspora mula sa mahirap na kanayunan
patungong ‘matiwasay, masaya at masaganang’ sentro (tulad ng Maynila). Ang
periphery/margin/laylayan naman ang kanayunan. Ang signifikasyong ito ay nagmula sa mas malawak
na sistemang sinimulan ng imperyalistang Europeo, kung saan ang Europa naman ang ‘sentro’ habang
ang buong mundo ang ‘laylayan’ (Masood, “Center/Periphery”).
Ang tuwirang naratibo ang marka ng awtentisidad ng paglalahad, at tapat ang representasyon sa
katotohanang mayroon ngang penomena ng migrasyon dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan sa
kanayunan.
Iniwasan ng pelikula ang karaniwang paghahambing at fetishismo sa sentro sa mga simpleng paraan.
Hindi humihingi ng paumanhin ang nayon sa mga taga-sentro o bayan. Ang kapayakan ng pamumuhay
ang siyang normalisado, at sa pagkakataong ito, ang taga-sentro (ang apong si Tim) ang kailangang
makibagay at umayon sa patakaran ng nayon. Ang tuwirang naratibo ang marka ng awtentisidad ng
paglalahad, at tapat ang representasyon sa katotohanang mayroon ngang penomena ng migrasyon dahil
sa kakulangan ng pagkakakitaan sa kanayunan.
(Screenshot: Netflix)
Ang naratibisasyon sa Lola Igna ay kahilera ng pagkukuwento ni Jun Cruz Reyes sa Ang Huling Dalagang
Bukid at Ang Autobiography na Mali: Isang Imbestigasyon:
“Nangyari ito kung kailan halos wala nang interes na magbungkal ng bukid. Tinatamad na ang mga
magbubukid. Ayaw na nila sa bukid. Hayaan itong tubuan ng talahib kung tag-ulan. Hayaang ahasin.
Hayang magkabitak-bitak kung tag-araw. Hayaang hangin na lang ang kumilos at damo ang mabuhay.
Pati ang kalabaw ay pinagpahinga na rin. (Reyes, 11)
Ang Pagkatanda ni Lola Igna
Ang katahimikan sa nayon ay hindi garantiya ng kapayapaan. May pakla at galit sa pagitan ng
magkapatid na Ana at Nida, sapagkat inaasahan ng lahat na mananatili ang pinkamalalapit na kamag-
anak upang mag-aruga ng matatandang kapamilya. Isang pagtatanong din ang pelikula sa nakasanayang
gawi na ito. Si Lola Igna ang siyang sagot sa katanungan. Ayon sa kaniya, hindi niya pinigilan ang pag-alis
ng kaniyang apong si Ana noon, sa pag-aakalang sa pupuntahan ni Ana matatagpuan ang kaligayahan ng
apo. Walang bahid ng paninisi ang matanda, sapagkat ninais lamang niyang maging masaya ang
kaniyang mahal sa buhay.
Makikita rin ito sa kaniyang masuyong pagtanggap kay Tim sa biglaang pagdating nito sa nayon. Na kahit
ayaw niya sa mga “bagong uso” tulad ng selpon at digital camera ay pinayagan niyang i-vlog lang siya
nang i-vlog ng apo sa talampakan. Taliwas ang mga paniniwala ni Lola Igna karaniwang ideolohiya ng
walang katapusang utang na loob na pinaiiral sa kulturang Pilipino, kung saan ang mga kamag-anak na
tinulungan at sinuportahan ay kailangang mag-alay ng kanilang buong buhay sa mga magulang o kaanak
na tumulong. Hindi na nalalayo sa pang-aalipin ang sistemang ito sa kasamaang-palad ay palasak pa rin
sa iba’t ibang uri ng Pilipino.
(Screenshot: Netflix)
Pinakita ni Lola Igna ang uri ng “pagkatanda” na marunong umunawa sa pagbabago ng panahon at
pangangailangan ng mga tao sa paligid. Tanggap niya ang mga pagbabago, ngunit may hapdi ring dulot
ito sa kaniya—ang pagbabago ng bayan sa loob ng mahabang panahon ang siya ring nagbura ng
kaniyang pagkakilala sa sariling bayan.
Ang elementong ito ng absurdismo, ng isang taong humihiling nang mamatay ngunit hindi
pinagbibigyan, ang nagbibigay ng mas matingkad na pagpapahiwatig sa eksistensiyal na mga
katanungang bumabagabag sa mga tao…
Sa kabila nito, nananatiling masuyo ang matanda sa kapwa. Ang kaniyang mga hinanakit ay sa pagitan
lamang niya at ang langit. Gabi-gabing nagtutuos si Lola Igna at ang Diyos sa kaniyang kinahinatnan. Ang
elementong ito ng absurdismo, ng isang taong humihiling nang mamatay ngunit hindi pinagbibigyan, ang
nagbibigay ng mas matingkad na pagpapahiwatig sa eksistensiyal na mga katanungang bumabagabag sa
mga tao paminsan-minsan, tulad ng “bakit nga ba kailangan pang mabuhay?” at “ano/sino ang
nagbibigay ng saysay sa buhay?”
Sa huli, nagsilbing ilaw si Lola Igna sa madilim na espasyong hindi natin tinitingnan, sapagkat ito ay
kabaligtaran ng buhay: ang kamatayan at ang mga posibilidad at pangangailangan para rito, at kung
paano natin ito maaaring yakapin bilang bahagi na rin ng ating pananatili sa mundo.
Sanggunian:
Reyes, Jun Cruz. Ang Huling Dalagang Bukid At Ang Autobiography Na Mali. Anvil, 2011, p. 11.
Abstract:
Ang panitikang pambata ang madalas na nakakaligtaang uri ng panitikan. Nakakaligtaan dahil kakaunting
kritiko ang naglaan ng panahon at isip upang suriin ito. Kadalasan ang pagsusuri ay nagtatapos lamang sa
tanong na kung ang kwento ba ay nagbibigay-aral o hindi sa mga bata. Hindi sapat ang mga pagsusuri
ukol sa panitikang pambata upang makita ang kalagayan nito sa kasalukuyan.
Hanggang kailan iiwasan ng panitikang pambata o ng mga manunulat ang maseselang paksa tulad ng
isyu sa kasarian, ng pagiging gay o lesbian? Ng pagsasama ng dalawang lalaki o babae? Hanggang kailan
bubugbugin ang mga bata ng mga kwentong malayo na sa kanilang nararanasan? Hanggang kailan
ituturing ang panitikang pambata na tagapaghubog sa halip na tagapagmulat? Sisikapin ng papel na ito
na maipakita ang representasyon ng kasarian sa mga kwentong pambata.
Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng Mga Pangkat Minorya
Katutubo