You are on page 1of 7

Filipino 8 K- /10

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


S.Y 2016-2017 P- /18
U- /22
Pangalan: ______________________________ Petsa: ______________ Marka: Total: /50

I. Kaalaman (10 points)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Para sa bilang 1 – 5:

“Iniligtas niya ako sa kuko ng leon. Kinalag niya ang gapos ng makamandag na baging na
nakapulupot sa aking katawan. Pinalakas niya ang nalulupaypay kong katawan. Pinatutunayan niya na
ang relihiyon ay hindi hadlang sa paggawa ng kabutihan. Ngayon, malakas na ako. Ako naman.”

_______ 1. Sinong Moro ang nagligtas kay Florante sa kuko ng leong tinutukoy sa
pahayag?
A. Aladin C. Menandro
B. Heneral Osmalik D. Sultan Ali-Adab

________ 2. Ano ang sumasagisag sa salitang makamandag mula sa pahayag?


A. ahas C. kapangyarihan
B. kamatayan D. lason

________ 3. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?


A. Gumawa ka ng mabuti sa kapwa.
B. Gumanti ka sa taong gumawa ng kabutihan.
C. Ang paggawa ng kabutihan ay walang pinipili.
D. Ang relihiyon ay sandata sa paggawa ng mabuti.

________ 4. Ano ang kahulugan ng pahayag na nasa ibaba?

“Ngayong malakas na ako, ako naman.”

A. paghihiganti C. pagliligtas sa nagigipit


B. pasasalamat D. pagbabayad ng utang na loob
________ 5. Ano ang implikasyon ng kabuuan ng pangyayari?
A. pag-aalsa C. pagkakasundo
B. pagkakaibigan D. pagtitiwalag

________ 6. Alin ang HINDI kabilang sa wakas ng Florante at Laura?


A. Nakulong si Sultan Ali-Adab.
TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 1
B. Naging hari si Florante at reyna si Laura sa Albanya.
C. Bumalik sina Aladin at Flerida sa kaharian ng Persya.
D. Nakabangon ang nalulugami at nangatuwa ang nagpipighati.

________ 7. Ilang buwan nanatili ang hukbo ni Florante sa Krotona?


A. isa C. lima
B. tatlo D. pito

________ 8. Ano ang ginawa kay Florante nang siya ay napagbintangan?


A. binugbog C. pinatay
B. ibinitay D. piniit sa karsel

________ 9. Kanino inihambing ni Florante si Laura sa una nilang pagtatagpo?


A. Benus C. Marte
B. Kupido D. Pluto

_______ 10. Sino ang unang nakita ni Plorante sa kaniyang pagbabalik sa bayan ng
Kangkong?
A. Berting C. Renato
B. Poldo D. Sinoyan

II. Proseso (18 puntos)


Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong husay.

11-13. Alin sa mga sumusunod na salita ang kukumpleto sa analohiyang nasa ibaba?

uliran : huwaran :: habag : _____________

A. awa C. limos
B. higanti D. parusa
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Piliin at isulat ang titik ng iyong sagot. Bakit ito ang iyong napili? Ipaliwanag.

14-16. Ano ang nais ipahiwatig ng saknong bilang 313? Makatotohanan ba ito? Bakit o
bakit hindi? Patunayan ang iyong sagot. (3 puntos)

“Dito naniniwala ang bata kong loob


na sa mundo’y walang katuwaang lubos;
Sa minsang ligaya’y tali nang kasunod –
makapitong lumbay o hanggang matapos.”

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 2


17-19. Mula sa sanaysay na “Amerikanisasyon ng Isang Pilipino,” maglahad ng isang
negatibong epekto ng labis na pagpapahalaga sa wikang Ingles at paraan o
hakbang upang maging kapakinabangan din ito para sa atin. Kumpletuhin ang
talahanayan. (3 puntos)

Negatibong Epekto ng Malabis na Paraan o Hakbang upang Ito ay Maging


Pagpapahalaga sa Wikang Ingles Kapakinabangan sa Atin

Paliwanag:

20-22. Tinanong ni Bb. Esyll ang kaniyang mga mag-aaral kung anong uri ng paglalahad
ang halimbawang nasa ibaba. (3 puntos)

Ang taong makabayan ay may katangiang kagaya ng sumusunod:


a. tumatangkilik sa sariling produkto
b. nagmamalaki at gumagamit ng sariling wika
c. iniisip at gumagawa para sa bayan

Jasper : Ang halimbawa ay nasa anyong pag-iisa-isa.


Ally : Ang paglalahad ay isang pagbibigay ng halimbawa.
Nathan : Ang pangungusap ay nagpapakita ng paglalahad na pagsusuri.
Maribeth : Ang paraang ginamit ay halimbawa ng paghahambing at pagsasalungatan.
Sino sa mga mag-aaral ang nagbigay ng tamang sagot? Bakit? Ipaliwanag.

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 3


Para sa bilang 23-28, basahin at unawain ang mga katanungan mula sa akdang Kangkong 1896. Sagutin
ng dalawa o higit pang pangungusap.

23-25. Anong kaugaliang Pilipino ang masasalamin mula sa pahayag na nasa ibaba?
Paano ito nakabubuti at nakasasama sa buhay ng mga Pilipino? Ipaliwanag.
(3 puntos)

“Madalas sabihing pabayaan mo raw sa mahihirap at walang pinag-aralang


Indio ang magtawa at magwalang-bahala at magpaubaya na lamang ng
lahat sa Diyos. Hula ko, iyo’y nasa aming likas at katutubong nasa ng tao, sa
aming kapalaran at gawing pamumuhay.”

26-28. Paano nagkakaiba at nagkakatulad sina Clara ng Kangkong 1896 at Laura sa


Florante at Laura? Gamitin ang Venn Diagram upang sagutin ito. (3 puntos)

Clara Laura

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 4


III. Pag-unawa (22 puntos)
A. Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Sagutan nang lubos ang mga ito upang makuha ang
buong puntos sa bawat bilang.

29-31. Kung hindi mo man magawang ialay ang iyong buhay para sa bayan tulad ni
Florante at ng iba pa nating bayani, ano-ano ang maaari mong gawin para
maipakitang mahal mo ang bayan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot. (3 puntos)

32-37. Ilarawan ang mga katangian nina Florante at Adolfo sa pamamagitan ng


pagsagot sa compare and contrast chart sa ibaba. (6 puntos)

Mga Katangian ni Florante Pagkakapareho nina Florante at Mga Katangian ni Adolfo


Adolfo

Ang isang lider sa kasalukuyang Ang isang lider sa kasalukuyang


panahon na maihahalintulad mo panahon na maihahalintulad mo
kay Florante ay si kay Adolfo ay si
__________________________. __________________________.

Bakit? Bakit?

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 5


38-43. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong baguhin ang naging kinahinatnan o
wakas ng akdang Florante at Laura, paano mo ito tatapusin? Magbanggit ng
tatlong (3) paborito mong tauhan sa awit at bigyan ng sariling wakas. (6 na puntos)

44-50. Pumili ng isa sa mga paksa sa ibaba at sumulat ng isang sanaysay tungkol dito.
Gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka sa iyong pagsulat. (7 puntos)
Pagpapahalaga sa Wikang Filipino
Hindi Pantay na Karapatan ng Mayayaman at Mahihirap
Pagkamakabayan o Pagmamahal sa Bayan
(Paglaganap ng Kaisipang Kolonyal)
Pamantayan sa Pagmamarka:
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Nagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag. 3
Napalawak ang kaisipang kaugnay ng paksa 3
Malinis at maayos ang pagkakasulat 1
Kabuuang Puntos 7

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 6


Walang naidudulot na mabuti ang mabilis na pagsuko. 

TEACHER LYNETTE | FILIPINO 8 7

You might also like