You are on page 1of 4

Paunang Pagsusulit

Filipino 8
T.P. 2018-2019

Pangalan:____________________ Petsa:_________
Baitang:_____________________ Iskor:_________
Petsa:___________

I.Akda sa Pakikinig
Panuto: Makinig mabuti sa akdang babasahin ng guro. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Anong anyo ng panitikan ang tekstong binasa ng guro?


_______________________
2. Sino ang ama ni Aliguyon?
_______________________
3. Saang bayan ipinanganak si Aliguyon?
_______________________
4. Anong katangiang taglay ni Aliguyon at Pumbakhayon?
______________________________
5. Sino ang may akda ng The Epics ?
______________________________

II. Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

“ Huwag kang makialam matandang hukluban! Bubunutin naming lahat ang aming
magustuhan upang mailipat sa aming tahanan”. Sabay-sabay na nagtawanan ang nga
kabataan. “Mga lapastangan! Hindi pinansin ng mga kabataan ang sinabi ng matanda,
bagkus lalo pa silang naghagikhikan at nagtawanan. Hindi nila namalayan na unti-unti
silang lumiliit at tinutubuan ng pakpak. Sila ay naging mga bubuyog. Nagliparan sila sa
paligid ng mga bullaklak habang nagbubulungan. Bzzzzzzzz…….Bzzzzzzzzzz………

Halaw mula sa Alamat ng Bubuyog

6. Anong damdamin ng matanda ang ipinakita sa binasang teksto?


a. pagkagalit c. pagkagulat
b. pagkatuwa d. pagkaawa

7. Bakit pinarusahan ang mga kabataan?


a. Dahil nakagawa sila ng kabutihan sa kapwa kaya sila ay ginantimpalaan.
b. Nakatulong sila sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kalikasan
c. Sila ay may malasakit sa kapwa
d. Sila ay mga lapastangan at hindi marunong gumalang sa nakatatanda.

8. Anong anyo ng panitikan ang binasang teksto?


a. Tula c. alamat
b. Dula d. epiko

9. Ang pag-uugali ang ipinamalas ng mga kabataan sa matanda?


a. Paggalang c. pagiging matapat
b. Pagiging masunurin d. kawalang-galang

10. Anong kaparusahan ang natanggap ng mga kabataan?


a. Sila ay naging diwata
b. Ang mga kabataan ay naging duwende
c. Sila ay ginawang bubuyog
d. Naging superhero ang mga kabataan

III. Pagtatapat-tapat

Panuto: Hanapin sa hanay A ang kaugnay na salita sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot
bago ang bilang.

A. B.

11. Itinuturing na pinakakaluluwa A. Manonood


ng isang dula.
12. Kung saan naganap ang B. tanghalan
pangyayari sa isang pagtatanghal. C. direktor
13. Gumaganap at nagbibigay buhay sa dula D. iskrip
14. Mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal E. aktor
15. Nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan
sa isang iskrip .

IV. Panitikan

Panuto: Tukuyin ang tamang sagot na hinihingi sa bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

16. Ang larawan ay halaw sa kwentong nakapaloob sa isang epiko. Ano ang epiko bilang akdang
pampanitikan?
a. Tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa pang-araw-araw na
buhay.
b. Kwentong-bayan na maaring kathang-isip na pumapaksa kung paano malalampasan ang
anumang pakikipaglaban sa buhay.
c. Ito’y pasalindilang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng isang
nilalang.
d. Ito’y kwento tungkol sa mga bathala sa paglikha sa daigdig at iba pa.

17. Pansinan ang alamat sa bilang 6, Ano ang kapuna-puna sa pangyayari?


a. Makatotohanan c. posibleng maganap
b. Kapani-paniwala d.hindi-kapani-paniwala

18. Anong uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng dalagang nahulog sa
dagat?
a. Duplo c. karagatan
b. Paligsahan d. Huego de prenda

19. Alin sa mga patnigan ang gumagamit ng tsinelas bilang palamtorya na ipinamamalo sa palad
ng sinomang mahatulan ng kaparusahan.
a. Balagtasan c. karagatan
b. Batutian d. duplo

20. Paano mo malalaman na Haiku ang tula?


a. may 3 taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na (5-7-5) o (5-5-7) o (7-5-5)
b. May 3 taludtod na may 18 pantig na may pardon na (10-4-4) o (5-5-8) o (8-4-6).
c. May 3 taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na (4-4-4) o (8-2-2) o (2-8-2)
d. May 3 taludtod na may 14 na pantig na may pardon na (5-4-5) o (4-5-5) o (5-4-4)

21. Ano ang ipinagkaiba ng tanaga sa Haiku?


a. tula na may apat na taludtod, binubuo ng pitong pantig
b. tula na may tig-5 taludtod ang bawat saknong
c. tula na may apat na taludtod at binubuo ng walong pantig
d. tula na may 6 na taludtod ang bawat saknong

22. Bakit tinawag na dulang pantahanan ang duplo?


a. Ito ay nilalahukan ng mga kasapi ng pamilya.
b. Idinaraos ito sa bakuran o loob ng isang tahanan
c. Ang mga paksa ng pagtatalo ay tungkol sa tahanan.
d. Ibinibigay sa ilaw ng tahanan ang gantimpala ng mga kalahok.

23. Ang sumusunod ay pagpapatunay sa angking husay ng mga Pilipino sa pagtula. Alin sa
mga ito ang hindi kabilang?
a. Ang pagtatalong patula ay ginagamitan ng mga talinghaga.
b. Nagpapalitan ng mga katuwiran sa tulong ng tulang may sukat at tugma.
c. Ang paksa ay tungkol sa nawawalang loro ng hari.
d. Nagtatalo at nagpapalitan ng matuwid sa paraang agaran o walang paghahanda.

24. Sa panahon ng Español, karamihan ng mga akda na binabasa o itinatanghal man ay tungkol
sa mga santo/santa. Nagsisimula ito sa panalangin. Samakatuwid, ano ang ibig sabihin nito?
a. Iniangkop sa panitikan ang relihiyon.
b. Likas na relihiyoso ang mga Pilipino.
c. Mahilig sa mga pagtatanghal ang mga Pilipino.
d. Ibinahagi ng mga Español ang paraan ng kanilang pananampalataya.

25. Ano ang tawag sa mga binata at dalaga na naglalaro ng duplo na sila rin ang nagtatalo?
a. bilyako/bilyaka b. mambibigkas
c. manunula d. prinsipe/prinsesa

V. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.


26. .Pangulo ka ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL)at sa darating na
pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito, napag-usapan ninyo ng pamunuan ng inyong
samahan na magkakaroon ng paligsahan sa pagtatalong patula gamit ang fliptop. Alam mo na
ito ay lubhang kinagigiliwan ng mga mag-aaral na katulad mo sa kasalukuyan. Ano ang
pangunahing layunin ng SAMAFIL sa pagdaraos nito?

a. Mahikayat na maging kasapi ng SAMAFIL ang lahat ng mag- aaral sa paaralan.


b. Mahikayat na lumahok ang mga mag-aaral sa paligsahan.
c. Maging bago sa paningin ng mga guro ang fliptop.
d. Malinang at maibigan ng mga mag-aaral ang sining ng pagtula.

27. Anong katangian ng mga Pilipino ang taglay sa paggamit ng eupemistikong pahayag?
a. tapat
b. magalang
c. madaling umunawa
d. malumanay magsalita

28. Ano ang lumulutang na paksang ginamit ng manunulat sa mga akdang pampanitikan sa
Panahon ng Himagsikan?
a. pag-ibig sa bayan
b. mga kaugaliang Pilipino
c. pagmamahalan ng pamilya
d. pagpupuri sa pamahalaang España

29. Paano ipinakita ni Dr.Jose Rizal ang kaniyang pakikipaglaban sa mga Espaῆol?
a. Nakipag-usap sa kinauukulan.
b. Ginamit ang mga akdang pampanitikan upang gisingin ang damdaming makabayan ng
mga Pilipino
c. Nangibang-bansa siya upang hikayatin ang kapwa mga Pilipino na magkaisa sa
paglaban sa pamahalaang Espaὴol.
d.Nagtatag ng samahang tutuligsa sa Espaὴa.

30. Si Alex ay mag-aaral sa Baitang 8. Mahilig siyang sumulat at bumigkas ng tula. Paano
malilinang sa paaralan ang kaniyang talento sa pagtula?
a. Mag-aral ng asignaturang Pamamahayag.
b. Dumalo sa mga sa mga seminar-worksyap ng Samahan ng mambibigkas sa paaralan.
c. Laging lumahok sa mga patimpalak ng pagbigkas ng tula.
d. Maghanap ng masasalihang samahan ng mga manunula.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

Jocelyn G. Temporosa Adelia H. Pacia


Guro 1 Ulong Guro

You might also like