You are on page 1of 3

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

S.Y. 2018-2019

Pangalan:________________________ Petsa:___________________
Baitang:_________________________ Iskor: ___________________

I. PANG-UNAWA SA NAPAKINGGAN
Panuto: Pakinggang mabuti ang akdang babasahin ng inyong guro. Sagutin ang mga katanungan at piliin
lamang ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Batay sa napakinggan, anong akdang pampanitikan ang kahalintulad nito?


A. Maikling Kwento B. Pabula C. Kwentong Bayan D. Epiko
2. Paano binigyang pagpapakahulugan ang superhero?
A. Malalakas na mga uri ng tao na masasama ang ugali
B. Mayayamang tao na biglang nag-aanyong superhero kapag napapasakamay ang mkapangyarihang
anting anting
C. Normal na taong may ginintuang puso na biniyayaan ng kapangyarihan, lakas at katalinuhan upang
ipagtanggol ang mga naaapi
D. Ordinaryong tao na walang kamalay-malay sa kanilang paligid at pawing walang pakialam
3. Anong katangian mayroon ang mga superhero?
A. Masunurin, mabait, malakas C. Malakas, matalino, mabuti ang puso
B. Mapagbigay, mabait, matapang D. Mabait, matalino, lampa
4. Sinu-sino ang mga nabanggit na superhero sa akda?
A. Krystala, Captain Barbell, Darna, Panday C. Captain Barbell, Krystala, Darna, Spiderman
B. Krystala, Captain Amerika, Superman D. BenTen, Powerpuff Girls, Wolverine
5. Ayon sa akda, siya ay si Tengteng kung pangkaraniwang tao lamang na magbabakal.
A. Panday B. Captain Barbell C. Spiderman D. Captain Amerika

II. PANG-UNAWA SA BINASA


A. Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Sagutin ang mga katanungan batay sa teksto at sagutin ito. Isulat
ang sagot sa patlang na inilaan.
Ang Bidasari ay isang epikong hiram sa Malay na naglalahad ng isang matandang paniniwala na ang buhay
ay napatatagal kung ang kaluluwa ay pakaiingatan sa isang isda, hayop, bato o punongkahoy. Ang orihnal na
epikong Bidasari ay nasusulat sa wikang Malay at ito ay ipinalalagay na isa sa pinakamagandang tula sa buong
panitikang Malay. Ito ay isinalin sa Ingles ni Chauncey C. Strekweather. Walang nakakaalam kung sino ang nagsalin
nito sa wikang Maranao.

Ang mga salitang matatagpuan at mababasa sa kwento ay ang mga sumusunod .


 Kembayat-isang lugar na malapit sa silangang bahagi ng Java, Indonesia
 Garuda- Mula sa salitang Sanskrit na ang ibig sabihin ay malaking ibon.
 Batyaw- Kawal ng mga sultan at sultana
 Indrapura- Isang kahariang namayani sa lugar ng Champa o Lungsod ng Indra noong unang
panahon.

6. Ang epikong pinaniniwalaang ang buhay ay napatatagal kung ang buhay ay pakaiingatan.
_______________________________
7. Ang dayuhang nagsalin sa Ingles ng epikong Bidasari. _________________________________
8. Ito ay nangangahulugang isang kahariang namayani sa lugar ng Champa o Lungsod ng
Indra.___________________________
9. Ang orihinal na wika ng Bidasari ay nasusulat sa wikang _______. ____________________
10. Mula sa salitang Sanskrit na ang ibig sabihin ay isang malking ibon. ______________________
III. PAGLINANG NG TALASALITAAN A. Bunga nito
A. Panuto: Kilalanin ang mga hudyat na nagpapahayag ng sanhi at bunga upang B. Dahil sa
mabuo ang pangungusap. C. Subalit
11. Nagkaroon ng tuloy-tuloy na pag-ulan _____nawalan ng pasok ang ilang paaralan. D. sapagkat
12. ____________maraming mga pasaway na estudyante , hindi sila nakatapos ng E. Kung kaya
pag-aaral. F. kaya
13. Muling nanalo si Pacquiao sa boxing,_____________marami na naman siyang pera.
14. Nalungkot siya ____________iiwan niya ang kanyang pamilya.
15. Nag-aaral ako ng mabuti ____________nakakuha ako ng mataas na marka.

IV. PANITIKAN
A. Panuto: Tukuyin ang uri ng akdang pampanitikan na inilalarawan sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

Hanay A Hanay B
________16. Mga kuwentong nagmula sa bawat pook A. talambuhay
na naglalahad ng katangi-tanging salaysay
ng kanilang lugar.
________17. Isang uri ng panitikan na tumatalakay B. maikling kwento
sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali
ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil C. epiko
may mga tagpuang makababalaghan at
di kapani-paniwala.
________18. Isa itong salaysay o kuwento na ang
mga tauhan ay mga hayop na nakakapagsalita,
ngunit sa mas malalim na pakahulugan ng kuwento, D. kwentong bayan
ang mga hayop na ito ay nagsisilbing
representasyon ng mga tao sa lipunan.
________19. Isang anyo ng tuluyang panitikan na E. pabula
may banghay na kinasasangkutan ng ilang mga
tauhan at kadalasang umiikot sa isang suliranin.
________20. Anyo ng panitikang na nagsasalaysay tungkol sa
tala ng buhay ng isang tao.

B. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang. (1-3)
I. Si Tuwaang at Ang Dalaga ng Buhong Langit
_____ 21. Pagkatapos magkuwento ng dalaga, dumating ang binata ng Pangumanon, balot ng apoy,pinagpapatay niya
ang mga tao sa kaharian ni Batooy.
_____ 22. Nalaman niya ang kahinaan ng binata, pagkalabas niya roon, kinuha ang gintong plawta na nagtataglay ng
buhay niya.
_____ 23. Agad-agad na naghanda si Tuwaang at isinuot ang kanyang armas.
II. Mina ng Ginto
_____ 24. Tinaga nila ng tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga ugat.
_____ 25. Si Kunto ay bata pa, ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kayat siya ang
ginawang puno ng matandang pantas.
_____ 26. Tinupad ng mga tao ang bilin ng matanda, at itinuloy ang kanilang pista.
III. Naging Sultan si Pilandok
_____ 27. "Isama mo ako at nais kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang kamag-
anak."
_____ 28. Pagdating sa gitna ng dagat ay inihagis ang hawlang kinalululanan ng sultan.
_____ 29. "Hindi po ako namatay, mahal na sultan sapgkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang
ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan.

C. Panuto: Tukuyin ang tauhan sa mga akdang natalakay batay sa paglalarawan sa kanila. Isulat lamang
ang letra ng tamang sagot.

A. Kunto B. Suyuk C. Ang Binata ng Sakadna D. Pilandok


E. Tuwaang F. Ang Dalaga ng Buhong Langit G. Indarapatra
____________30.
____________31. Ang matalinong hayop na naging sultan.
____________32. Siya ang tauhang nagtanggol sa dalagang hindi nakikipag-usap sa sinumang lalaki sa kaharian ni
Batooy.
_____________33. Ang may butihing kalooban, matapang at matalino ngunit bata na ginawang puno ng mga
matandang pantas
____________34. Ang nayon kung saan nakatira ang batang pinuno na ginawa ng matandang pantas
____________35. Ang binatang nakalaban ni Tuwaang sa kasalan.
_____________36.

V. WIKA AT GRAMATIKA
A. Panuto: Tukuyin kung anong uri ng Pangatnig ang ginamit ang salitang nakahilig sa pangungusap.
37. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.
38. Umapaw ang ilog sapagakat walang tigil ang ulan.
39. Sina Juan at Jose ay nagtungo sa plaza.
40. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay magbago.

B. Panuto: Bilugan ang mga pangatnig na matatagpuan sa pangungusap.


41. Mas mauunawaan nila ang akda kapag alam na nila ang matatalinhagang salita dito.
42. Ang pabula pati na ang maikling kwento ay may kani-kaniyang katangian na naiiba sa ibang akda.
43. Kapag nakakita ng matandang tatawid ay kailangang tulungan ito.
44. Bunga ng pagmamahalan ni Ibrah at Aminah si Abdullah.
45. Inuutusan ng ina ang bata ngunit hindi ito sumunod.

C. Panuto: Isulat ang tamang pang-angkop sa mga salitang nasa loob ng kahon batay sa ipinapahiwatig
ng pangungusap sa bawat bilang.
46. Lumapit ang anak ___ bunso sa kaniyang ama at saka nakipagusap.
47. Tila maamo___ tupa ang batang napagsabihan ng kaniyang magulang.
48. Isa sa pinakamatanda___ uri ng panitikan ang pabula.

D. Panuto: Isulat ang tamang diin sa mga salitang nasa loob ng kahon batay sa ipinapahiwatig ng
pangungusap sa bawat bilang.

A. PASO B. TUBO C. KITA D. BASA E. BALAT


F. HAPON G. TASA H. BABA
49. Dulot ng mainit na bagay. ___________________
50. Sibol na halaman. ________________________
51. Taong naninirahan sa Japan._________________
52. Pinatulis na lapis _________________________
53. Perang tinubo sa pagtitinda.__________________
54. Dulot ng natapong tubig. ____________________
55. Parte ng katawan ng tao._____________________

VI. PAGSULAT
56-60
Panuto: Gumawa ng isang pagsasalaysay na makapanghihikayat sa mga Pilipino maging dayuhan na
tangkilikin at puntahang muli ang Mindanao ngayong tapos na ang kaguluhan. Isulat ito sa sagutang papel.

Rubriks sa pagmamarka:
1- Kalinisan
2- Nilalaman
1- Orihinalidad
4-kabuuan

Inihanda ni:

JOCELYN G. TEMPOROSA
Guro sa Filipino 7
Binigyang pansin:

ADELIA H. PACIA
Officer-In-Charge

You might also like