You are on page 1of 3

“ALAMAT NG ROSAS”

Linggo ng Agosto ay naghahanda na sa pagpunta sa simbahan ang


dalagang si Rosa. Ngayong araw kasi na ito ay kanyang ika dalampu’t apat na
kaarawan. Kaya naman nais nyang umpisahan ang araw na ito sa pagpapasalaat sa
Diyos. Mahilig rin si Rosa sa mga Diyos at Diyosa na pinaniniwalaan ng mga
Griyego. At si Goddess Antheia ang pinaka paborito nya sa lahat.

At kagaya nga ng isang Diyosa, si Rosa ay isang napakagandang


dalaga. Maputi ito na ‘sing puti ng malinis at bagong papel. Ang mga labi’t pisngi
ay mapupula, at natural ang mahaba at medyo kulot nitong buhok. Matangos ang
ilong at mapipilantik ang kanyang mga pilikmata.

Noong araw rin na iyon ay patungo rin sa simbahan ang mala


Adonis na binata. Ang dalawampu’t limang taong gulang na si Eros. Pumasok ito
sa loob ng simbahan at pumwesto sa gilid katabi ng isang tahimik na dalaga.
Parehong abala sa pakikinig hanggang sa matapos ang misa. Sa dami ng tao ay
nasiksik ang dalaga’t binata at nagkatinginan sa isa’t isa. Sa paglabas pa ng
maraming tao ay napunta sila sa gilid. Hindi maiwasang hindi tumingin ng binate
sa dalaga. Lalo na sa mukha nitong napakaganda at inosente.

Sa bahay ay nadatnan ni Rosa ang kanyang ina na may kausap


habang nasa hapag. Sa kanyang palagay ay mag-asawa ang bisita ng kanyang ina
kasama ang anak ng mga ito. Lumapit sya sa mga ito at laking gulat ng makita ang
parehong binate sa simbahan kanina. At napag alaman nyang Eros pala ang ngalan
nito. Sinubukan nyang makipag-usap dito hanggang sa nagging komportable sila ni
Eros sa isa’t isa.

Magmula noon ay nagging matalik na magkaibigan sila ni


Eros. Nalaman ni Eros na mahilig sya sa mga bulaklak dahil sa paborito nyang
Diyosa, kaya naman lagi itong may dalang bulaklak para sa kanya. Kaya naman
hindi maiwasang mahulog ang loob nya para sa binate. At nagpasyang magtapat ng
pag-ibig kay Eros sa susunod na araw pagkatos ng Huwebes.

Bago ang itinakdang oras ng kanyang pagtatapat ay


dumaan muna sya sa malapit na burol sa kanilang lugar. Naroon kasi ang iba’t
ibang uri ng mga bulaklak. Nilanghap nya ang bango ng mga ito, pangpalakas ng
loob ika nya. Humiling rin sya na sana ay gabayan sya ni Goddess Antheia na sa
kanyang pagkakaalam ay ang Diyosa ng mga bulaklak.

Pagkatapos ay nagtungo sya sa bahay ng binata at


tinanong ang ina nito kung nasaan ba ito. Sinabi nito na nasa hardin ito kaya
naman nagtungo sya sa hardin ng may malaking ngiti sa labi kahit na labis na
syang kinakabahan. Ngunit agad na napawi ang kanyang mga ngiti sa kanyang
nasaksihan. Nakaluhod ang isang tuhod ng binata at matamis ang ngiti habang may
hawak na singsing sa harap ng isang umiiyak ngunit magandang babae. Isa lang
ang pumasok sa isip nya ng mga oras na iyon, may ibang iniibig ang binata. At
luhaang umalis sa hardin ang tumungong muli sa burol.

Doon ay tumangis sya dahil sa labis na sakit na kanyang


nadarama. At habang sya ay tumatangis, bilang lumiwanag ang buong paligid at
tumambad sa kanya ang isang napakagandang dilag. May roon itong koronamg
gawa sa bulaklak na nakalagay sa ulo at kumikinang ang suot nitong bistida. Ang
dilag na puno ng awa at simpatya sa napakaganda nitong mukha ay nagpakilala
bilang Antheia. Sinabi nitong sya ang nagapangalaga ng mga bulaklak.

Dahil sa mga nalaman nya mula rito ay may


isang bagay na pumasok sa kanyang isipan. Kaya naman tinanong nya
ito kung maaari ba syang humiling dito. Dahil sa mahal nya ang mga
bulaklak na syang nasa pangangalaga ng dilag ay pumayag ito sa
kanyang sinabi. At dahil sa labis na sakit na nadarama ay hiniling nya na
maging isang bagay na magiging simbolo ng pagmamahal. Pagmamahal
para kay Eros at para sa kanyang mga magulang.
Kinabukasan ay hinanap ni Eros ang kanyang matalik
na kaibigan na si Rosa para sana sabihing ikakalas na sya. Ngunit sinabi ng ina nito
nito na kahapon pa ito hindi umuuwi dahil pumunta ito sa kanyang bahay. Nagulat
si Eros sa nalaman at hinanap nya si Rosa. Hanggang sa makarating sya sa sinasabi
nitong paborito nyang lugar. Tumingin sya sa paligid para hanapin si Rosa, pero
isang bagay ang naka agaw ng kanyang atensyon. Mapupula ang petals at matitinik
ang tangkay ng kakaibang bulaklak na nasa kanyang harapan.

Sa tagal ng pagkilatis ni Eros sa bulaklak ay may isang


bagay syang napansin. Ang mapupulang petals ng bulaklak ay sing pula ng pisngi
ng kanyang matalik na kaibigang si Rosa, pati na rin ang tangkay nito na animo’y
mahahabang pilikmata ni Rosa. Luminga-linga syang muli at sinigaw ang pangalan
ni Rosa para tawagin, pero walang lumalabas na Rosa. Haggang sa umulan at
napatingin sa biulaklak na nasa harapan nya. Ang mga petals nito’y tila lumuluha
dahil sa tubig mula sa ulan.

Doon nya napagtantong maaaring si Rosa ang bagay na


nasa kanyang harapan. At napangiti sya ng mapait habang binibigkas ang pangalan
ni Rosa. Sa pagsikat muli ng araw ay inilibot nya ang kanyang paningin at
nasilayan ang napakaraming mapupulang bulaklak na namumukadkad. Pero hindi
ito kagaya ng pag-ibig ni Rosa para sa kanya, dahil ang pag-ibig nitong
nagsisimula palang mamukadkad ay tuluyan ng nalanta at nawalan ng buhay.

Kaya naman nangako sya kay Rosa na aalagaan nya ang


mga bulaklak dito nya rin ipinangalan ang bulaklak. Hanggang sa paglipas ng
panahon at umunlad na ang kanilang lugar. Marami ng iba’t ibang tao ang
dumadayo sa kanilang lugar at natuklasan ang kakaibang bulalak. May mga
dayuhan rin na mula pa sa iba’t ibang bansa ang dumadayo para lang makita ito. At
nakilala ang bulaklak bilang Rosa na kalaunan ay tinawag ding Rosas.

You might also like