Professional Documents
Culture Documents
Mga Halimbawa NG Epic
Mga Halimbawa NG Epic
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos
hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-
paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko.
Halimbawa ng Epiko
Ibalon (Epiko)
Buod
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga
halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito
ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao
ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa
bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na
namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan
ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay
kay Rabut.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama
man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito.
Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang
ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang tubig,
iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa
pamumuno ni Bantong.
AWITING BAYAN
ALAMAT
Ang alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang
mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook,at mayroong
pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng
mga mito at kuwentong-bayan.Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang
"legend" ng ingles.
KASABIHAN
Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ito ay ipinasa sa atin ng
ating mga ninuno, ang kasabihan ay nagbibigay ng paalala at mabutiing aral
sa atin.
Mga Halimbawa
SALAWIKAIN
Ang salawikain ay binubuo ng mga parirala sa anyong patula na karaniwang
naghahayag ng mga gintong aral.
Nagbibigay na'y
sinasakal pa.
Sagot: BOTE
PALAISIPAN
Halimbawa ng Palaisipan
3. Si Edna ay may 5 alagang aso, pinakain niya ang mga ito. Nabusog ba sila?
(hindi kasi hindi sila kumain)
TULA
Halimbawa ng Tula
TILA KA GAGAMBA
Tila ka gagamba na kung dapithapon
ay manunungaw na sa lupi ng dahon;
ang hibla ng sapot na dala ng simoy
ikinakabit mo sa sanga ng kahoy.
Halimbawa:
PASKO – Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan.
Tumutugtog ang kampana.)
Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay,
mga anak.”
Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak
papuntang simbahan.) Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May
tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.”
Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko rin po sa inyo,
Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.)
Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?”
Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.”
Anak 1: “Pagbilhan po ninyo ako ng puto.”
Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?”
Tindera 2: “Mayruon ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?”
Anak 2: “Dalawa po.”
Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.”
Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”
Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.”
Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina Lolo at Lola.)
Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola)
Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos,
mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin)
Ninong at Ninang: (Naka-upo sa silya.)
Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.”
Ninang at Ninong: “Kaawaan ka ng Diyos.”
Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!”
Lola: “Para sa ating salu-salo ang lahat ng niluto ko.”
Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa
Noche Buena.”
Anak 3: “Gutom na nga ako eh.”
Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si Lola, at masarap pa.” (Matapos
kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi
kina Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at
Manigong Bagong Taon sa lahat.”
Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na
busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang
pagpapaalam.) “Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin
pagkagising sa umaga.”
Lolo at Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon
Mga Tauhan:
Lolo at Lola: Lucas at Pacita Morales
Ninang at Ninong: Thelma Capati at Wilmer Andrada
Nanay at Tatay: Laura Corpuz at Lito Capati
Mga Anak: Aileen Capati, Jennifer at Robert Estoye, Zenaida Falcon
Mga Tindera: Perlita Nichols at Magdalena Raboza
Tagapagsalaysay: Alona Corpuz at Belinda Falcon
Musika: Renato Blancaflor at Daisy Franada
Tilon: Ric Corpuz at Carlito Vero
MAILKLING KWENTO
Halimbawa:
Nagsimula ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa
pananaw ng isa sa kanyang mga estudyante.
Isang hapo’y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan,
nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao
roo’t ang pagpunta niya roo’y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si
Mabuti sa sulok ng silid aklatan na iyon upang umiyak rin.
Kung anong kadahilan ay hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang
estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Wala pang isang taon mula ng siya’y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang
dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang optimismo. Ang kanyang katatagan ay
patuloy ng pagniningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.
Uri ng nobela
Nobela ng Tauhan
Nobela ng Romansa
Nobela ng Kasaysayan
Mga Halimbawa:
Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana
Nobelang Makabanghay
Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa.
Nobelang Masining
Nobela ng Layunin
Nobela ng Pagbabago
Nobela ng Pangyayari