You are on page 1of 2

PARAAN NG PAGSASALIN

May mga uri o paraan ng pagsasalin:

a. MALAYANG PAGSASALIN. Ang minamahalaga sa pagsasalin ay ang kahulugan kaysa sa


istruktura ng pangungusap. Hindi ito nakakulong sa mahigpit na balangkas ng wikang
isinasalin kundi ang mensaheng gustong ipahayag.

Halimbawa:

I bought a new car. Bumili ako ng bagong kotse.

Ako ay bumili ng bagong kotse.

Bagong kotse ang binili ko.

b.DI-MALAYANG PAGSASALIN. NakaIukob na ang tagasalin sa estruktura ng


pangungusap dahil ito ang nagtatakda ng kahulugan sa nais ipahayag.

Halimbawa:

1. How do you do? Kumusta ka? (Hindi maaari ang saling,

"Kumusta?" o "Paano ka, kumusta?")

2. Give him a hand. Tutungan mo siya. (Hindi maaari ang saling, "Bigyan
mo siya ng kamay.")

c. ADAPTASYON. Pinakamalaya sa lahat ng paraan na kung minsan ay malayo na sa


orihinal

Halimbawa:

But to act that Kundi ang gumawa upang bawat

each tomorrow bukas ay maging mayabong

Find us further Maging mabutaktak at maging

than today mabungang higit kaysa noon


d. MATAPAT. Sinisikap dito na makagawa ng eksakto o katulad na katulad na kahulugang
kontekstwal ng orihinal.

Halimbawa:

Where there is hatred, Itulot mong ako’y maghasik ng pag-ibig kung

let me sow love saan may galit

e. IDYOMATIKONG SALIN. Mensahe, diwa, o kahulugan ng orihinal na teksto ang


isinasalin. Iniaangkop ang salin sa natural na anyo ng wikang pinagsasalinan.

Halimbawa:

Hand to mouth existence Isang kahig isang tuka

f. SALING SEMANTIKA. Pinagtutuunan ang halagang estetiko gaya ng maganda at natural


na tunog.

Halimbawa:

And lights her leafy arms Ang dahumang bisig ay nangakataas sa

to pray panalangin

g. KOMUNIKATIBONG SALIN. Nagtatakda itong maisalin ang eksaktong kontekstwal na


kahulugan ng orihinal sa wikang katanggap-tanggap at madaling maunawaan ng
mambabasa.

Halimbawa:

I was given poverty Binigyan niya ako ng karalitaan

that I might be wise. nang matuto sa buhay

You might also like