You are on page 1of 4

Ang Pagkawala at ang Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino

Abstrak:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mapaunawa sa mga mamayang Pilipino tungkol sa mga
kaugalian noon na wala na ngayon dito sa pilipinas. Ito ay binigyang pansin para malaman o matutunan
ang kulturang Pilipino sa kadahilanan ng mga lumipas na panahon. Kaya napili naming magsagawa ng
pananaliksik sa kulturang Pilipino upang makita ang mga naging pagbabago mula noon at sa pang
kasalukuyan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mamayang Pilipino na nakatira sa Pilipinas, kasama
rin dito ang mga posibleng kahihinatnan ng pagbabago pa sa kulturang Pilipino.

Panimula:

Marahil marami na sa ating mga Pilipino ang nag iisip kung talaga nga bang unti-unting
nawawala ang ating sariling kultura sa sariling bansa. Ngunit ang iba ay hindi ito napapansin sa
kadahilanang iba ang kinalakihang kultura ngayon, kulturang may halong banyaga. Nais nang mga
mananaliksik na ibahagi ang talakaying ito sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan ng
makabagong henerasyon ng sa gayon ay kanilang malaman kung ano at paano mamuhay ang mga
Pilipino noong unang panahon.

Sa pag-aaral na ito, nais mapukaw ng mga mananaliksik ang atensyon ng mga mambabasa batay
sa kanilang mga opinion at pananaw sa pagkawala at pagbabago ng ating sariling kultura.

Kaligirang Pangkasaysayan:

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin na "cultura" na may literal na kahulugang


"kultibasyon" o "paglilinang". Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa
mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng
pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na
siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.
Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya
sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisasagawa sa
pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay
sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay.

Ang kultura ay likas, ito ay maibabatay sa paraan ng pangaraw-araw na gawi at pamumuhay na


pinaniniwalaan o kinasanayan ng bawat indibidwal sa isang pook o lugar. Ang Pilipinas noon ay mayroon
ng sariling kultura bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop at sa pagdaan ng panahon
lalo itong pinalawak at nilinang ng mga henerasyon.

Ang mga kulturang ito ay nagpapatunay kung sino tayo ngayon. Ngunit bakit parang hindi na
natin ito napapansin at binibigyan ng halaga ngayon.

Batayang Teoretikal:

Nagbabago ang hilig at pangangailangan ng tao at hindi tayo makukuntento kung ano lamang
ang mayroon sa atin ngayon. Ang hiyerarkiya ng pangangailangan ng isang teorya sa sikolohiya na
ipiniresenta ni Abraham Maslow sa kanyang nilathala noong 1943 na “ A theory of Human Motivation”.
Ang teorya ni Maslow ay nagkakaroon ng epekto sa pag-aaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailangan
matutunan ito ng bawat isa sa atin.
Ang unang baitang ay ang pangangailangang sikolohikal. Ito ay ang mga pangunahing
pangangailangan ng tao, kagaya ng pagkain, tubig, pagtulog ,paghinga at iba pa.

Ang pangangailangang seguridad ay ang mga bagay na dapat nating ingatan sa buhay.
Halimbawa nito ay ang ating pamilya, ari-arian, kalusugan at iba pa.

Ikatlo sa hiyerarkiya na ito ay ang layong magmahal. Ito ay ang pagiging maiinit sa
pagmamamahal sa ating mga mahal sa buhay.

Ang ikaapat na baitang ay ang esteem. Ito ay ang nagsusukat ng ating sarili, ang mga ugaling
ating ikinikilos sa pangaraw-araw na buhay.

Ang huling baitang ng hiyerarkiya ay ang self-actualization, dito natin ginagawa ang mga bagay
na dapat nating ikinikilos ay naaayon sa ating iniisip.

Balangkas Konseptwal:

KULTURANG PILIPINO

INPUT PROSESO AWTPUT

Unang paglalarawan: Ang proseso ng kulturang Pilipino


KULTURANG PILIPINO

Ang kaugaliang Pilipino ay Paano nga ba naipapasa ang Ang isang Pilipino ay
isang kultura ng ating bansa mga natutunan nating nagkakaroon ng mabuting
kung saan ipinapamalas ng kaugalian? pakikitungo sa ibang tao, at
bawat tao sa ating bansa ang kung anuman ang ginagawa
Ito ay karaniwang itinuturo sa
mga nakasanayang kaugalian niya’y babalik rin sa kanya.
na maaaring makabuti o hindi atin ng ating mga nakatatanda
habang tayo ay maliit pa. Kapag hindi naturuan ang
sa kanilang buhay. Ang
karamihan sa mga kaugaliang Bukod sa mga pangunahing isang tao na matuto ng dapat
kaugaliang itinuturo sa atin, niyang matutunan, nag-iiba
Pilipino ay namamana mula sa
mga ninuno at ang iba’y sa sinasanay na rin nila tayo sa ang kanyang pananaw at
mga kaugalian kapag may paguugali sa kanyang
mga banyagang sumakop sa
ating bansa. tradisyon sa mga bayan. nakasanayan.

Ikalawang paglalarawan: Paano naipapasa/naipapamana ang kulturang Pilipino

Paglalahad ng suliranin:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga mamayang Pilipino
patungkol sa unti-unting pag-kawala at pag-kalimot sa ating sariling kultura

1. Ano ang mga naging pagkakaiba sa mga kaugalian natin noon at ngayon?
2. Sa modernong panahon natin ngayon, bakit nagbago ang paraan ng pananamit?
3. Ano ang naging epekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya?

You might also like