AP 1 - 2 Week 2 Apendiks

You might also like

You are on page 1of 13

Apendiks 2

Q2/W2/D1/G1
Ito ay isang timeline ng mga pang araw-araw na gawain.Iguhit ang iba’t
ibang gamit sa mga gawaing nabanggit.
Mga Pang-araw-araw Mga bagay- bagay na
na Gawain Kinakailangan
1)Paggising sa umaga ______________________

2)Pagligo sa umaga ______________________

3)Pagbihis ______________________

4)Paghain _______________________

5)Pagpasok sa Paaralan _______________________

Apendiks-3

Page 1 of 14
Q 2/W 2/Day 1/G 1
Tingnan ang mga pangyayari sa larawan.Ayusin ang mga larawan ayon
sa pangyayari. Alin sa kanila ang una,pangalawa,pangatlo,at pang-apat
na pangyayari? Isulat ang bilang sa guhit na nasa itaas ng larawan.

__________ _________ ____________ ___________

Apendiks-1
Q 2/W 2/Day 1/G 2

Page 2 of 14
Basahin:
Sa pagdaan ng panahon, may mga nagbabago sa ating komunidad.
Maraming naipatayong malalaking mga
bahay, paaralan, ospital, tulay at mga kalsada/daan.
Lahat ng mga pangyayaring ito ay naging daan ng
pagbabago/ paglago sa buhay ng mga tao.

May mga hindi rin nabago tulad ng lugar na kinalalagyan nito at


pangalan.

Apendiks 6
Q2/W2/D3/G1

Page 3 of 14
Bumuo ng isang pangkat na may limang tauhan.Humingi ng stick sa
guro.Lagyan ng palamuti ang bawat stick upang maipakita ang iba’t
ibang kasapi ng pamilya.

Ang nabuo ninyo ay isang halimbawa ng puppet.Sa nagawang stick


puppet, isulat ang pang araw-araw na gawain ng bawat kasapi ng
pamilya.

Apendiks-5
Baitang 1,Week 2
Batay sa larawan ng dalawang kamay,isulat ang pantawag mo sa tatay at
nanay o sa nag-aalaga saiyo sa itaas ng larawang kamay.
Page 4 of 14
__________________________ _____________________

Iguhit sa bawat kamay ang inyong mga magulang o nag-aalaga saiyo.

Apendiks 3
Q2/W2/D2/G2

Sa nakahandang timeline pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa


komunidad. Isulat ito sa ibaba ng mga bilang.
Pillin ang tamang sagot at isulat ang bilang sa patlang.

Page 5 of 14
• • • • •
1. 2. 3. 4. 5.

_____ ______ ______ ______ ______

1)Barong tagalog at saya ang damit ng mga tao.


2)Computer ang pinaglalaruan ng mga bata.
3)Nakakausap mo ang mga nasa malayo gamit ang
cellphone.
4)Gumagamit ng mga bato bilang kagamitan.
5)Bus at malalaking sasakyan ang ginagamit ng mga tao.

Apendiks 4
Q2/W2/D2/G2
Tingnan ang timeline sa ibaba at basahin ang mga pangyayari
na nagbago.
Ano-ano ang mga pangyayari na dapat ilagay sa bawat
panahon ng timeline? Kopyahin ang timeline sa papel. Piliin lamang ang
titik ng tamang sagot.

• • • • •

Page 6 of 14
1) 2) 3) 4) 5)

A.Pag-imbento ng mga bus, van, at iba’t ibang sasakyan.


B.Paggamit ng mga computer sa mga paaralan.
C.Pagkasira ng mga istruktura dahil sa mga sumakop sa ating
komunidad/lugar.
D.Pagpapatayo ng mga malalaking istraktura tulad ng mall at
suppermart.
E.Pangangaso ang kabuhayan ng mga tao.

Apendiks 5
Q2/W2/D3/G2
Basahin ang mga pangyayari at pagbabago ng mga bagay-
bagay sa komunidad. Gumawa ng maikling pagpapaliwanag. Isulat ito sa
papel

A. Ginagamit ang bato bilang kasangkapan.


B. Barong tagalog at saya ang kagamitan ng mga tao.
C. Gumawa ng mga iba’t ibang gamit sa loob ng bahay.
D. Dahil sa cellphone nakakausap mo ang mga nasa malayo.
E. Sa computer naglalaro ang mga bata.

Page 7 of 14
Apendiks 2
Q2/W2/D2/G2
Basahin ang mga iba’t ibang pangyayari.Lagyan ng (/)tsek kung
mahalagang pangyayari sa komunidad at (×) kung hindi.
_____1. Pagpapatayo ng mga paliparan.

_____2. Pagdating ng mga dayuhang negosyante.

_____3.Paglago ng agrikultura.

_____4.Paggawa ng mga tulay.

_____5.Pagpapatayo ng mga paaralan.

Page 8 of 14
Apendiks1
Q2/W2/D1/G1
Papel de Liha
Ang nanay ko, ang imis-imis.
Pag may duming nakadikit, kiskis dito, kiskis doon.
Pag may mantsa sa damit, kuskos dito, kuskos doon.
Pag may sebo sa kawali, kaskas dito, kaskas doon.
Dadako siya sa sala at mag-aayos.
Pag may diyaryong nakakalat, ligpit dito, ligpit doon.
Pag may turnilyong maluwag, higpit dito, higpit doon.
Pag may maumbok na kutson, pitpit dito, pitpit doon.
Papasok siya sa kusina at magbubusisi.
Pag may ulam na malamig, salang dito, salang doon.
Pag may isdang sariwa, sigang dito, sigang doon.
Pag may kalan na tabingi, kalang dito, kalang doon.
Tutuloy siya sa silid at titingnan ang aking gamit.
Pag may sintas na maluwag, tali dito, tali doon.
Pag may tastas na laylayan, tahi dito, tahi doon.
Pag may butas na pundilyo, tagpi dito, tagpi doon.
Gagawi siya sa paliguan at mag-uusisa
Pag may wee-wee na nakita, buhos dito, buhos doon.

Page 9 of 14
Pag may aah-aah na naiwan, buhos dito, buhos doon.
Pag may ooh-ooh na sumingit, buhos dito, buhos doon.
IIkot siya sa bakuran, sa may halamanan.
Pag may dahong naglalaglagan, walis dito, walis doon.
Pag may ipot ng ibon, paalis dito, paalis doon.
Pag may uod na naipon, alis dito, alis doon.
Yan si nanay, ang imis-imis.
Maghapon at magdamag, kiskis-kuskos.
Higpit-ligpit, salang-sigang.
Tali-tagpi. Walis-palis.
Isang araw dumating si Tita Maring.
Ang sabi niya: ― Ano ba naman Milagring!
Kaskas-kiskis-kuskos ka nang kaskas-kiskis-kuskos kaya kumapal
at gumaspang ang mga palad mo.
Parang papel de liha na pang-isis.
Hinay-hinay ka lang at magpalambot ng balat at baka hindi
na hawakan ni Turing ang kamay mo.
Hindi na hahawakan ni Tatay ang kamay ni Nanay?
Bakit? Anong papel de liha?
Naghanap ako sa bahay ng papel de liha,
Pero papel de hapon lang ang nakita ko.
Pumunta ako sa tindahan ni Aling Epang
At bumili ako ng papel de liha.
Magaspang ito. Mahapdi sa balat.
Gasgas ang kahoy sa isang kaskas.
Nisnis ang damit sa isang isis.
Ganito nga ba kagaspang ang kamay ni nanay?
Minsan, nilagnat ako at napilitang mahiga.
Si nanay, tumabi sa akin.
Nang tumaas ang lagnat ko, punas dito, punas doon.
Nang sumama ang pakiramdam ko
Lunas dito, lunas doon.
Nang sumakit ang mga buto ko, himas dito, himas doon.
Pero bakit hindi mahapdi ang himas ni nanay?
Bakit hindi nagasgas ang balat ko nang humimas at humaplos
Page 10 of 14
siya sa akin?
Lalo akong guminhawa sa bawat himas ni Nanay.
Mali si Tita Maring.
Hindi papel de liha ang mga palad ni Nanay.
ang magaling na ako, nakita ko na naman si Nanay na
umiikot sa bahay.
Pag di pantay ang laylayan ng kurtina, lilip dito, lilip doon.
Pag may bubuwit sa silong, silip dito, silip doon.

Page 11 of 14
Apendiks 6
Q2/W2/D3/G1
Rubrics para sa paggawa ng stick puppet:

3 pts. Kung nakagawa ng stick puppet na maganda at naisasalaysay sa


dalawang pangungusap ang ginagampanan ng pamilya.

2 pts. Nakagawa ng stick puppet at naisasalaysay sa isang pangungusap


ang ginagampanan sa pamilya.

1pt. Nakagawa ng stick puppet.

Page 12 of 14
Apendiks 2
Q2/W2/D1/G1
Talakayin ang nilalaman ng kuwento. Itanong ang mga sumusunod sa
mga mag-aaral:

a. Sino ang palaging gumagawa ng gawaing bahay sa ating


kuwento?

b. Ano-ano ang nabanggit na ginagawa niya?

c. Sa inyong bahay, sino naman ang gumagawa nito?

d. Bakit kaya kailangang gawin ang mga gawaing bahay


na ito?

e. Sino ang nakapansin sa palaging ginagawa ni nanay?

f. Ano ang sinabi niya? Sino ang nakarinig nito?

g. Ano ang naramdaman ng bata nang marinig niya ito?

h. Naintindihan ba ng bata ang binanggit ni Tita Maring?

i Ano ang ginawa ng bata para maintindihan niya?

Page 13 of 14

You might also like