You are on page 1of 15

PAGSULAT NG ADYENDA

(AGENDA)
1. Nakikilala ang mga katangian ng
mahusay na sulating akademiko sa
pamamagitan ng mga binasang
halimbawa
2. Nakasusunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong sulatin
3. Nakasusulat ng isang Agenda
kaugnay sa sitwasyong nakalaan
ADYENDA
❖Ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa isang pulong .(Sudprasert ,2014)

❖Isa sa mga susi ng ikatatagumpay ng pulong ay


ang maayos at sistematikong adyenda
KAHALAGAHAN NG ADYENDA
1.Nagbibigay ng impormasyon : paksa , taong
magtatalakay sa bawat paksa, oras na nakatakda sa
bawat paksa .
2.Nagtatakda ng balangkas sa pulong.
3.Nagsisilbing talaan o tseklist para makasigurong
natalakay ang lahat ng paksa.
4.Nagbibigay ng kahandaan sa mga kasapi ng pulong
ukol sa paksang tatalakayin.
5.Nakatutulong upang maipokus lamang ang pulong sa
mga paksang kailangan
HAKBANG SA PAGSULAT NG ADYENDA
1.Magpada ng memo na maaring nakasulat sa papel o
nakalaan sa e-mail.
2.Ilahad sa memo na kailangan itong lagdaan bilang
katibayan ng kanilang pagdalo, kung e-mail naman kailangan
nilang magpadala ng tugon.
3.Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin , mas
mainam kung ito ay nakata-table format .
4.Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo , mga
dalawa o isang araw bago gawin ang pulong.
5.Sundin at gamitin ang nasabing adyenda sa pulong
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG ADYENDA
1.Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap
ng sipi ng mga adyenda
2.Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na
mahahalagang paksa.
3.Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible
kung kinakailangan.
4.Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na
nakalagay sa sipi ng adyenda
5.Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama
ng adyenda
HALIMBAWA
MGA BAHAGI NG AGENDA
1. petsa , oras, lugar at paksa
MGA BAHAGI NG AGENDA
2. Pangalan at katungkulan ng dadalo
MGA BAHAGI NG AGENDA
3. Paksa o
agenda ,
taong
tatalakay
at oras .
Bilang isang indibidwal , anong kasanayan at
pag-uugali ang nabubuo sa iyo sa pagsulat
ng adyenda?
TANDAAN
❑ Lahat ng kasapi ay nabibigyan ng direksyon sa
mapag-uusapan at napapanatili ang impormasyong
natalakay sa pulong gaya ng business meeting , one-
on-one , board meeting , teleconference,
videoconference at online meeting.
❑ Katumbas ng pagkakaroon ng malinaw at maayos na
layunin at ambisyon sa buhay , mahalagang maging
malinaw ito upang magkaroon ng ganap na direksyon

You might also like