You are on page 1of 6

Isang pagsusuring akdang ANG KALUPI ni BENJAMIN PASCUAL

1. Pagkilala sa may akda:

Si Benjamin P. Pascual - pinanganak sa Tondo, Manila noong Enero 16, 1928. Anak nina
Domingo pascual at Adriana Punong- bayan. Isa siyang fictionist at playwright. Kasal siya kay Erminda
Besabe. Sila ay may 5 anak. Siya ay din ay nagtrabaho sa Phil. Free Evening News Magazine at This
week. Isinulat niya ng Ang Kalupi´ na na inilimbag sa Liwayway. Nagtrabaho din siya sa Liwayway
bilang comis editor at copy editor simula 1956-1981. Isinulat din niya ang ilang sa mga Kahilingan 1st
prize 1963 at iba.Nanalo di siya ng pangalawang beses sa Filipino of CCP Literary Contest for General
Goyo noong 1971. Ang kanyang nobelang Utos ng Hari- nanalo ng grang prize sa nobelang Filipino
noong 1975.

2. Uri ng Panitikan:
Ø Ang Kalupi ay isang Maikling Kwento, at isang masing na anyo ng Panitikan isang maigsing salaysay
hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilangtauhan at may iisang
impresyon lamang.

3. Layunin ng akda:
Ø Ang layunin ng kwentong ito na maipahiwatig ang tunay na nagyayari sa ating lipunan, ang kahirap
at kawalan ng hustisya.
Ø Upang malaman ng mambabasa kung ano ang kahantungan ng panghuhusga sa kapwa.
4. Tema o Paksa ng akda:

Ø “Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban.”

5. Mga Tauhan sa akda:

Ø Aling Marta -pangarapnamakatapos ang dalaga.Siya ay may katandaan na, mainitin ang ulo,
mapagmarunong sa autorodad at makakalimutin din kung minsan. MInsan ay may pagkasinungaling
at mapanghusga. Siya ay isang madisiplinang ina pagkat ang isang kasalanan at ipipilit niyang may
kaparusahan.

Ø Andres Reyes - napagbintangan na kumuha ng pitaka at mudos operandi. Walang permanenteng


tirahan, anak mahirap, walang pinag -aralan ngunitmapagmahal sa pamilya.

Ø Asawa ni aling Marta -matiyagang nagtratrabaho para sa kanila, mahilig manigarilyo at siyang
kumukuha sa kalupi ni Aling Marta ng walang paalam kaya niya ito nakalimutan.

Ø Mga Pulis - Sila ang humuli at nag-imbestiga sa inaakusang pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.

Ø Aling Godyang - Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng pambili ng panghanda.

Ø Dalagang Anak ni Aling Marta - Ang magtatapos sa hayskul at paghahandaan ni Aling Marta ng
garbansos na siyang
paborito nito.

6. Tagpuan/ Panahon:
Ø Palengke, Bahay at Pulisya.

7. Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari:

Ø ang pagayayari ay nagpapahayag ng pananawa ng may akda. Ang mga pagkapit ng mga
pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas.

8. Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda:

Ø Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang mahirap makamit ang hustisya para sa mga dukha.
Ang gusting ipabatid sa atin ng manunulat na hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na
batayan.

9. Istelo ng Pagkakasulat:

Ø Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa isang sitwasyon ,pangyayari o karanasan sa buhay.

10. Buod:

Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapaghanda ng masarap na putahe para
sa tanghalian. Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa labas habang iniisip
ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasa loob pa ang bilihan ng manok kaya pumasok
siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabi ni Aling Marta "Pasensya na po." Sabi
ng bata. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang lilis ang
laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hangang pusod, na ikinalitaw ng
kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.
"Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-ingat mo ay pagpapasensiyahan nang
pagpapasensiyahan ay makakapatay ka ng tao." Pagdaan niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay
bumili na rin siya ng mantika. Nang mangyaring kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa
kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e, nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni
Aling Marta. "Ku, e, magkano ho naman ang laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman
ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang
gabi, Sabado. Ngunit ewan ba niya kung bakit ang di pa ma'y nakikiramay nang tono ng nagtatanong
ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso." Nanatili siya sa
pagkakatayo nang ilang saglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari.Maya-
maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga.
Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin kita!" ang sabi niyang
humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!" Tiyakin ang kanyang
pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo.
Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot: "Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong
kinukuhang pitaka sa ninyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot
ng pitaka ko at wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang
sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at
kinausap sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari ay sumama
kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Sumama ang dalawa sa
pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling Marta
at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!"
Sabi ng bata sabay takbo ng walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya
namang dahilan ng pagkaaksidente ng bata. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa
akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng apgkawala nito. Namutla si Aling Marta.
Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina
pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na
siyang pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at
anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak" "Saan pa, e di sa pitaka." "Ngunit
naiwan niyo ho ang inyong pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng
bata na kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin.”

Aral:
Huwag maghusga ng tao sa panlabas nitong anyo ng walang sapat na batayan, isiping maigi ang mga
desisyon. Dahil marami ang namamapatay sa maling akala.

“Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban.”
I. PAGKILALA SA MAY AKDA

Benjamin P. Pascual

Ang nobelistang si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Marami na
siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa
wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Ilan sa mga isinulat ni
Benjamin P. Pascual ay ang Babaeng Misteryoso, Lalaki sa Dilim, Landas sa Bahaghari at isa sa mga
sikat na maikling kuwento na kanyang nailimbag ay Ang Kalupi. Isa sa mga bagay na nag-udyok sa
kanya upang likhain ang kuwentong ito ay gusto niyang ibahagi sa mga tao ang kawalan ng hustisya sa
ating lipunan at ang sanhi ng maling akala.

II. URI NG PANITIKAN

Ang Kalupi ay isang maikling kuwento. Ito ay nagpapakita ng realidad na may mga bagay na hindi
nabibigyang hustisya sa lipunan. Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng
realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap
sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kuwento.”

III. TEORYA NG PANITIKAN

Teoryang Realismo
Ang Kalupi ay isang teoryang realismo dahil layunin nito na ipakita ang mga karanasan at nasaksisan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi
tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat.

IV. LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng may akda ay maipakita ang realidad at mamulat ang mga tao sa tunay na mga
pangyayari sa lipunan at sa mundong ating ginagalawan, ang kawalan ng hustisya at epekto ng
mapanghusgang isipan ng tao. Sinasalamin nito ang katotohanan na hinuhusgahan ang isang tao base
sa anyo at estado nito sa buhay. Ipinapakita sa Ang Kalupi ang isyu ng kahirapan ang nagiging dahilan
ng kawalan ng boses at balakid sa hindi pagkamit ng hustisya.

V. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng akda ay makabuluhan sapagkat ito’y nagpapamulat sa mga mambabasa kung
ano ang magiging epekto ng mapanghusgang isipan ng tao dahil lamang sa pisikal na anyo o kalagayan
ng isang tao. Maaari ding sabihin na ang paksa o tema nito ay napapanahon sa kadahilanang
maraming namamatay at biktima ngayon na kailanman ay hindi parin nakakamtan ang hustisya na
inaasam-asam.

VI. MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

1. Aling Marta – isang pangkaraniwang nanay at asawa na nagsusumikap para sa kinabukasan ng


mahirap nilang pamilya. Mayroon siyang anak na dalagang magtatapos na ng hayskul. At bilang regalo
ditto, ay surpresa niya itong hahandaan. Ang tanging pangarap niya ay makapagtapos ng kolehiyo ang
kanyang dalaga at umunlad ang kanilang buhay. Siya ay may katandaan na at medyo mainitin na ang
ulo, mapagmarunong a otoridad at makakalimutin minsan. Minsan may pagkasinungaling din at
mapanghusga sa ibang tao.
2. Andres Reyes – Gusgusing batang aksidenteng nabangga si Aling Marta at napagbintangang
nagnakaw ng kanyang pitaka. Siya ay walang permanenteng tirahan, minsa’y tumutuloy sa kanyang
tiyahin o di kaya’y sa kanyang lola. Kahit na anak-mahirap, hindi ito magnanakaw. Siya ay nasagasaan
habang tumataka kay Aling Marta at yumaon ay binawian ng buhay.
3. Mga Pulis – Sila ang humuli at nag-imbestiga sa inaakusang pagnanakaw ng kalupi ni Aling Marta.
4. Aling Godyang – Ang tinderang inutangan ni Aling Marta ng pambili ng panghanda.
5. Dalagang Anak ni Aling Marta – Ang magtatapos sa hayskul at paghahandaan ni Aling Marta ng
garbansos na siyang paborito nito.
6. Asawa ni Aling Marta – Matiyagang naghahanap buhay para sa kanyang pamilya. Siya ay mahilig
manigarilyo at siyang kumuha sa kalupi ni Aling Marta ng walang paalam kaya niya ito nalimutan.

VII. TAGPUAN O PANAHON

1. Maliit na barung-barong – Isang bahay na tinitirhan ng pamilya ni Aling Marta. Dito naiwan ni Aling
Marta ang kanyang kalupi na pinaniniwalaang kinuha ni Andres Reyes.
2. Pamilihang bayan ng Tondo – Dito palaging namimili si Aling Marta. Dito rin niya natuklasan na wala
sa kanyang bulsa ang kanyang kalupi.
3. Kalsada malapit sa outpost – Dito kinausap ng Pulis ang bata. Sa lugar na ito binawian ng buhay ang
bata.

VIII. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Sa maikling kuwento ni Benjamin Pascual, ipinapakita ang pagiging mapanghusga ng lipunan dahil
lamang sa panlabas na anyo ng isang tao. Sinsabi sa atin ng manunulat, na hindi dahil sa gusgusin at
mahirap ang isang tao, ay magnanakaw na ito. Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang
mahirap makamit ang hustisya para sa mga dukha. Ang gustong ipabatid sa atin ng manunulat na
hindi tamang maghusga tayo ng walang sapat na batayan. Isipin munang mabuti ang sitwasyon, at
huwag magpadalos dalos.

IX. BUOD

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong
upang mamalengke para sa hahandaing mga pagkain para sa pagtatapos ng kanyanv anak. nakarating
na siya sa palengke ngunit ng dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na
papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaking nakapantalon ng maruming
maong na sa kahabaan ay pinag-ilang-lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula
sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Sa kanilang
pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
"Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. -tig-bebente, sa loob-
loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag
mamadali ho ako, e."
"PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at
bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestida upang
magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo. Mayamaya ay parang
kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng
palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng
kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig.
"Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng piataka ko, ano? Huwag kang
magkakaila!""Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka"
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa
kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood"Kung maari ay sumama kayo sa amin sa pulisya
upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.
Sumama ang dalawa sa pulisya.Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na
nakapagtimpi si Aling Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito.
"Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbo ng walang
lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng isang sasakyan na siya namang dahilan ng pagkaaksidente
ng bata.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin" Ang Mga huling Salita na nasambit ng
bata kasabay ng pagkawala nito.
Namutla si Aling Marta. Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. sa kanyang isipginawa niya lamang
ang dapat gawin nino man at para malaman ng ahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng
bata sa kanyang nagawang kasalanan. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na kanina
pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang wala na
siyang pera.
Nangutang siya sa tindahan.
Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili,
inay?" tanong ng anak""Saan pa, e di sa pitaka."
"Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka."Sabi naman ng kanyang asawa.
Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan.
"Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala kayong makikita sa akin."

X. ARAL

Makabuluhan ang kuwento ng Ang Kalupi sapagkat ito’y nagsasabi at nagbibigay malay sa bawat isa
na kahit mahirap ang estado sa buhay ng isang tao o hindi gaanong maganda ang sitwasyon sa buhay
o kaya’y isa s’yang pulubi sa lansangan ay hindi nangangahulugang maryoon itong masamang iniisip
dahil sa katunayan hindi natin sila kilala at wala rin tayong karapatang husgahan ang kanilang
pagkatao. Hindi man natin maitatanggi ang katotohanan na paminsan-minsan ay nahuhusgahan natin
ang kapwa natin maganda kung itutuon na lang natin ang ating atensyon sa ibang bagay para hindi
tayo makapanakit ng iba. Lahat tayo ay may karapatang maging malaya at lahat din tayo ay may
karapatang makamtan ang hustisya sa buhay, kahit tayo ay mangmang o walang narating sa buhay
ang importante ay malakas ang iyong loob na harapin ang mga pagsubok sa buhay at tiwala sa sarili
ang kailangan. Higit pa rito dapat malaki ang tiwala sa ating Poong Maykapal sapagkat siya lang ang
makakatulong sa ating mga ahirapan sa buhay.

XI. KALAKASAN AT KAHINAAN NG AKDA

Magaling ang pagkakasulat ng kwento at marami ang maaaring maging interpretasyon ditto dahil sa
napakahusay at napaka-angkop na pagkakasalaysay sa kwento. Nakakapukaw ng isipan at damdamin
ang huling bahagi ng kwento sapagkat hindi mo akalaing ganun pala ang magiging kahinatnan nang
susunod na kaganapan. Maganda rin ang paggamit sa mga tauhan dahil malaki ang impakt ng mga ito
sa mga mambabasa. Hindi nga lang masyadong malinaw ang ilang mga bagay rito tulad ng kung saan
kumuha si Aling Marta ng pera upang mabili niya ang kanyang mga pinamili. Dahil nakakabitin ang
kwento nakakalito rin kung ano ang nagging nangyari pagkatapos mahimatay ni Aling Marta at kung
ano ang naging reaksyon ng kanyang anak at asawa. Dapat mas naging detalyado pa sa bandang
wakas ang kwento. Kahit hindi naging detalyado ang kwento ay naging maganda parin ito sa aking
puso’t isipan.

You might also like