You are on page 1of 24

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkilala sa Ginawang
Kabutihan ng Kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagkilala sa Ginawang Kabutihan ng Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSULAT NG MODYUL SA JUNIOR HS


ARALING PANLIPUNAN

Awtor : Iris Louise S. Lopez


Ko-Awtor - Editor : Veronica R. Juanta
Ko-Awtor - Tagasuri : Cyrill S. Manalo
Ko-Awtor - Tagaguhit : Kristine Joie S. Gatbonton
Ko-Awtor - Tagalapat : Kristine Joie S. Gatbonton
Ko-Awtor - Tagapangasiwa : Anna May F. Ventura

MGA TAGAPAMAHALA SA DIBISYON:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagkilala sa Ginawang
Kabutihan ng Kapwa
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang


matukoy ang halaga ng pasasalamat, ano ang mga maaaring gawin
upang maipakita ito at sa anong paraan nababalewala ang tunay
na esensya ng pasasalamat.

2
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan ka na mas


mabigyan ng pansin at pahalagahan ang pagasasabi o pagpapakita ng pasasalamat.
Paano nga ba maipapakita ng isang tao ang pagpapahalaga niya sa sakripisyo ng
kapwa at paanong maingatan na ito ay hindi mabalewala?

Matapos ang modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga


sumusunod:
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa
at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat (EsP8PB-IIIa-9.1)

2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o


kawalan nito (EsP8PB-IIIa-9.2)

1
Subukin

Basahin at unawain ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang titik ng


iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang salitang pasasalamat o gratitude sa Ingles ay nagmula sa sumusunod


na mga salitang Latin, maliban sa .
a. gratia
b. gratis
c. grato
d. gratus

2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong antas ng pasasalamat


ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
a. Pagpapasalamat
b. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
c. Pamamalita sa kabutihang ginawa ng kapwa
d. Pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa na bukal sa loob

3. Ang utang-na-loob ay maaaring magamit sa maling paraan o pang-aabuso.


Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa maling paraan o pang-
aabusong ito?
a. Pag-asa na kakalat ang ginawang kabutihan
b. Paghihintay ng kapalit sa tulong na ibinigay
c. Pagtanggap ng regalo mula sa taong tinulungan
d. Kandidatong umaasa sa boto mula sa taong natulungan

4. Ang pagiging mapagpasalamat ay tumutulong sa paghubog ng aspetong _


at ng tao.
a. emosyonal at ispiritwal
b. moral at ispiritwal
c. pisikal at emosyonal
d. pisikal at moral

5. Ang pagkilala sa ginawang kabutihan ng kapwa upang ikaw ay


magtagumpay ay pagpapakita ng ugaling
a. mabait
b. mabuti
2
c. magalang
d. mapagpakumbaba

6. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pagpapakita ng


pasasalamat, maliban sa .
a. Pagkakaroon ng ritwal ng pasasalamat.
b. Pagpapakalat sa nagawang kabutihan ng kapwa
c. Pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan
d. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang walang hinihintay na
kapalit

7. Ang taong mapagpasalamat ay nananatiling positibo ang pananaw dahil


.
a. lagi siyang nananalangin
b. nagtitiwala siya sa Diyos.
c. bahagi na ito ng kanyang pagkatao.
d. naniniwala siya na may naghihintay na magandang bukas.

8. Isa sa mga paraan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng pasasalamat ay ang


pagkakaroon ng mga pagdiriwang gaya ng mga sumusunod, maliban sa
.
a. Ati-Atihan
b. Dinagyang
c. Kanduli
d. Pasko

9. Ang kawalan ng pasasalamat ay .


a. sintomas ng katamaran
b. nakakapagpababa sa pagkatao
c. pagiging mayabang
d. masamang ugali

10. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa paraan ng pagbabalik o


pagpapakita ng pasasalamat sa taong nagpakita sa iyo ng kabutihang-loob?
a. Pagtulong sa ibang tao
b. Pagsambit ng pasasalamat
c. Pagbibigay ng munting regalo
d. Pamamalita sa kabutihang nagawa ng kapwa

3
Aralin
Pagkilala sa Ginawang
1 Kabutihan ng Kapwa
Mula pagkabata ay malimit nating naririnig at itinuturo sa atin ng ating mga
magulang na magpasalamat sa bawat maliit at malaking bagay na ating
natatanggap. Ngunit bakit nga ba mahalaga na ikaw ay magpasalamat? Gaano ba
ito kahalaga at ano nga ba ang epekto nito sa ating pagkatao?

Sa modyul na ito ay ating aalamin ang mga mahahalagang aspeto na


napapaloob sa pagsambit at pagpapakita ng pasasalamat sa ating kapwa at kung
paano nga ba nagiging mali ang ating pagtingin sa pasasalamat.

Balikan

Gawain 1.
Panuto: Ayusin ang mga salita upang makabuo ng isang linya ng kanta at
sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

SA LAMANG
SARILI
SINUMAN

WALANG PARA
ANG

“ “

Mga gabay na tanong:


1. Nabuo mo ba ng tama ang linya ng kanta? Narinig
mo na ba ito?
2. Ano nga ba ang halaga na makitang hindi tayo
mabubuhay ng wala ang ating kapwa?
3. Naaalala mo pa ba ang ating mga naging aralin sa
pakikipagkapwa noong ikalawang markahan?

Sa ating unang aralin para sa ikatlong markahan ay makikita natin na sa


ating patuloy na pakikisalamuha sa kapwa ay marami tayong natatanggap na dapat
nating ipagpasalamat.

4
Tuklasin

Gawain 2.
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang hilera na naglalarawan sa iyong sarili sa kung
gaano mo kadalas ginagawa ang bawat pahayag o sitwasyon. Gawin ito ng buong
katapatan.

Sitwasyon Palagi Madalas Minsan Hindi


1. Ako ay nagpapasalamat kahit
sa tinapay o kendi na inabot sa
akin ng aking kaibigan.
2. Naglalaan ako ng panahon sa
bawat araw upang alalahanin ang
mga taong nakatulong sa akin.
3. Sinisikap kong maibalik ang
kabutihang ginawa sa akin.
4. Umuusal ako ng panalangin
pagkagising upang magpasalamat
sa panibagong araw.
5. Pinasasalamatan ko ang aking
magulang o tagapag-alaga sa
bawat bagay na ibinibigay nila sa
akin.
6. Kung may kakayahan ay
ginagawa kong magbigay ng regalo
bilang pasasalamat.
7. Ginagawa ko ang maglinis o
magpulot ng kalat kahit hindi ako
inuutusan.
8. Nagsusumikap ako sa pag-aaral
upang maibalik ang pagtataguyod
sa akin ng aking magulang o
tagapag-alaga.

5
9. Sinusuklian ko ang pagpapagod
ng aking mga magulang sa
pamamagitan ng pag-aaral ng
mabuti.
10. Nagbibigay ako ng sulat
pasasalamat sa taong nagpakita
ng kabutihang-loob sa akin.
Kabuuang bilang ng tsek sa
bawat kolum

Interpretasyon:

❖ Kung PALAGI ang may pinakamaraming bilang ng sagot na mayroon


ka, ito ay nangangahulugan na ikaw ay nahubog at nagpapakita ng
pagiging mapagpasalamat

❖ Kung MADALAS ang may pinakamaraming bilang ng sagot na


mayroon ka, ito ay nangangahulugan na ikaw ay nagpapakita ng
patuloy na pagpapaunlad ng pagiging mapagpasalamat

❖ Kung MINSAN ang may pinakamaraming bilang ng sagot na mayroon


ka, ito ay nangangahulugan na ikaw ay nasa proseso ng paghubog
ng iyong pagiging mapagpasalamat

❖ Kung HINDI ang may pinakamaraming bilang ng sagot na mayroon


ka, ito ay nangangahulugan na ikaw ay nangangailangan na bigyang
atensyon ang ating aralin.

6
Suriin

Ang pagpapasalamat ay ang pagiging handa sa pagpapamalas ng


pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang –loob. Ito rin ay ang
pagkakaroon ng masigla at magiliw na pakiramdam tungo sa taong gumawa ng
kabutihan. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitang
Latin na gratus (nakalulugod), gratia (pagtatangi o
kabutihan) at gratis (libre o walang-bayad). Ang
pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng
patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging
birtud. Mungkahi ni Susan Jeffers na may-akda ng
Practicing Daily Gratitude, “simulan ang
kasanayan sa pagsasabi ng pasasalamat kahit
sampung beses sa bawat araw”. Kung ito ay
maging isang birtud, magiging madali para sa iyo
na magkaroon ng pusong mapagpasalamat. Ayon nga kay Aesop, “Gratitude is the
sign of noble souls”. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino may tatlong antas ng
pasasalamat: (1) pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa, (2) pagpapasalamat at
(3) pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.

Ang pasasalamat ay isa sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino. Naipapakita


ito sa utang-na-loob na nangyayari sa panahong ginawan ka ng kabutihan ng iyong
kapwa lalo na sa oras ng matinding pangangailangan. Ayon kay Fr. Albert E. Alejo,
S.J., ang utang na loob ay lumalalim kapag ang tumanggap ng biyaya o pabuya mula
sa sinuman ay nakadarama ng matinding pananagutang mahirap tumbasan lalo sa
panahon ng kagipitan. Ang pagtanaw sa mabuting kalooban ng ibang tao ay
maaaring matumbasan ng pagganti rin ng mabuting kalooban sa iba pang tao bukod
sa pinagkakautangan ng loob. Ngunit sa oras na umasa ng ganti ang nagbigay ng
tulong sa tinulungang tao, ang utang na loob ay lumalabnaw at nagwawakas sa oras
na makabayad sa anumang “utang” na materyal ang tao.

7
Ang pagpapakita ng pasasalamat ay hindi lamang sa taong pinagkakautangan
ng loob, maaari din ituon ang pasasalamat sa pagkakaroon ng mabuting puso at
paggawa ng mabuti sa ibang tao. Dahil sa narasan mong kabutihan ay nagkakaroon
ka rin ng paghahangad na ipakita ang kabutihang ito sa ibang tao.

Ngunit ang utang na loob minsan ay nagagamit din ng ilang tao sa maling
paraan o pang-aabuso. Halimbawa, sa panahon ng halalan ay nagiging bukas-palad
ang mga kandidato na tumulong sa kahit sinong lumapit sa kanila, at kapalit nito
ay ang pagboto sa kanila kahit na hindi ito karapat-dapat sa posisyong ninanais.
Napakahalaga na magamit ang pasasalamat o utang-na-loob nang may
pananagutan at sa tamang paraan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa mga paraan ng pasasalamat ng mga Pilipino sa


pagpapalang natanggap:
a. Ang mga Muslim ay mayroong pagdiriwang na tinatawag na Shariff Kabunsuan
na nagmula sa pangalan ng isang Arabong Misyonaryo na siyang nagpakilala
ng relihiyong Islam sa Mindanao. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng
Kanduli, o isang handaan ng pasasalamat. Ang Kanduli ay pasasalamat din sa
sa bawat mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim para sa kapwa.
b. Ang Ati-Atihan, Dinagyang, Pahiyas at Bacao ay ilan lamang sa mga
pagdiriwang na isinasagawa ng mga Kristiyano bilang pasasalamat sa mga
biyayang natanggap gaya ng magandang ani at iba pa.

8
Ang pagiging mapagpasalamat ay tanda ng isang taong puno ng biyaya, isang
pusong marunong magpahalaga sa mga magagandang biyayang natatanggap mula
sa kapwa. Ang taong kumikilala sa kontribusyon ng iba sa
kanyang tagumpay ay isang taong mapagpakumbaba,
dahil kinikilala niya na ang magandang pangyayari sa
buhay ay hindi lamang dahil sa sariling kakayahan kundi
dahil sa tulong at suporta ng magulang, kaibigan, guro, ng
iba pang tao at lalo’t higit ng Diyos.

Ang taong mapagpasalamat ay nananatiling positibo sa kabila ng mga pagsubok


dahil alam niyang may mabuting Diyos na patuloy na gumagabay sa kanya. Nagiging
daan ito upang maging malakas at magkaroon ng pag-asa sa buhay at malampasan
ang anumang pagsubok. Samakatuwid, ang pasasalamat ay humuhubog sa
emosyonal at ispiritwal na pagkatao sa pamamagitan ng pagtugon sa mga
pagpapalang natatanggap mula sa Diyos. Dahil alam mong pasalamatan ang Diyos
na nagbibigay ng iyong pangangailangan at tumutugon sa iyong panalangin,
natutunan mong gantihan ang kabutihan ang Diyos sa pamamagitan ng paggawa
rin ng mabuti sa kapwa. Napakahalaga na manatili kang positibo lalo na sa oras ng
pagsubok upang makayanan mong malampasan ang anumang hamon sa buhay.

Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat

1. Magkaroon ng ritwal ng pasasalamat. Maaaring gawin sa pamamagitan ng ritwal.


Maaaring maglaan ng ilang saglit upang isipin ang mga tao o mga bagay na
pinasasalamatan mo. Isipin din ang Diyos na patuloy na nagbibigay sa iyo ng
buhay.

2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na


nangangailangan ng iyong pasasalamat. Ito ay maaaring simpleng liham na
nagpapahayag ng malalim na pasasalamat. Nakatutulong din ito sa pagpapalalim
ng magandang samahan at iba ang pakiramdam na naihahatid ng liham
kumpara sa text message, email o Facebook.

9
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. Ito ay
pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang nagawa nila sa iyo gaya ng
pagyakap sa magulang bilang pasasalamat sa pag-aalagang ginagawa nila sa iyo.

4. Magpasalamat sa bawat araw. Sa bawat araw ng iyong paggising, mahalagang


alisin sa isipan ang mga negatibong kaisipan bagkus isaisip ang kagandahan at
layunin ng buhay. Harapin ang bawat araw sa pamamagitan
ng pag-iisip sa mga biyayang natatanggap na siyang
makatutulong sa pagpapasigla sa iyo upang harapin ang
bawat araw.

5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.


Marami tayong naririnig o nababasang quotations na nagpapabago sa ating
kamalayan o nagpapaganda ng ating pakiramdam. Maaari natin itong kolektahin
sa isang aklat upang madalas na mabasa o maalala. Halimbawa: “Ang Panginoon
ang aking pastol, di ako kukulangin sa anuman. Pinahihimlay niya ako sa
luntiang pastulan, inaakay ako sa payapang batisan.” (Salmo 23:1-2)

6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit. Kung


ikaw ay may birtud ng pasasalamat ay magagawa mo ang
mga simpleng bagay gaya ng pagbubukas ng pinto para
sa iba at pagtulong sa pagbubuhat ng mabibigat na
dalahin. Ang mga gawaing ito ay nagpapakita ng
katuparan sa sarili na ikaw ay mahalagang bahagi ng
iyong pamilya, komunidad, bansa at planeta.

10
7. Magbigay ng munti o simpleng regalo. Ang pagbibigay ng simpleng regalo ay isang
paraan ng pagpapakita ng iyong pag-alala sa kabutihang ginawa sa iyo ng iyong
kapwa. Ang mahalaga ay bukal sa puso ang pagbibigay nito.

Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng


kaligayahan sa taong pinagkakautangan ng loob. Kinikilala mo ang kanyang
pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa oras ng kagipitan.

Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagagampanan mo ang


iyong moral na obligasyon, ang kawalan ng pasasalamat (ingratitude) naman ay
isang masamang ugali na nakapagpapababa sa pagkatao.

3 Antas ng Kawalan ng Pasasalamat:

1. Ang hindi pagbabalik ng kabutihang-loob sa kapwa sa abot ng makakaya

2. Pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa

3. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa –


ang pagkalimot ay patunay ng hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo
upang sa simpleng paraan na inialay niya ay maging maganda ang iyong
buhay.

Kailangang maging malawak ang iyong isip sa taong hindi marunong


magpasalamat. Huwag isipin na tinuturuan mo lamang sila na maging abusado; nasa
proseso pa sila ng pag-unlad sa pagiging sensitibo sa kapwa at sa epekto ng kanilang
ginagawa sa kapwa. Maaari ding wala pa silang kakayahan para alalahanin man
lamang ang iyong kabutihan.

11
Pagyamanin

Gawain 3

Panuto: Punan ng angkop na mga salita ang sumusunod na graphic organizer


upang mahinuha ang araling binasa.

Ang pagiging mapagpasalamat ay

ang pagkilala sa

hindi

maaaring ibalik sa pamamagitan ng

12
Isaisip

Gawain 4
A. Panuto: Punan ng angkop na salita na kukumpleto sa diwa ng
pangungusap.

1. Dahil sa iyong
sa ginawang kabutihan ng kapwa
ay nagagawa mong kilalanin at
pasalamatan ang nagawa niya sa
iyo. 2. Ang sa
kabutihang natanggap mula
sa kapwa ay pagpapakita ng
kawalan ng pagpapahalaga
sa nagawa nila para sa iyo.
3. Ang pagkilala sa tulong o
suportang ibinibigay sa iyo ng
ibang tao upang ikaw ay
magtagumpay ay pagpapakita ng
.

4. Hindi ang
kabutihang-loob na
isinagawa ng bukal sa loob.

5. Ang kabutihan ng Diyos ay


maaaring ibalik sa pamamagitan
ng sa kapwa.

13
B. Sumulat ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan ikaw ay nakatanggap o ginawan
ng kabutihan ng iyong kapwa. Isulat din ang paraan kung paano mo pinasalamatan ang
tao o mga taong ito.

Paalala: Kung hindi mo pa nagawang ibalik ang pasasalamat ay isulat kung paano mo
nais ibalik ang pasasalamat sa kanya.

Magaling!

14
Isagawa

Gawain 5
Panuto: Gumawa ng isang listahan na naglalaman ng apat (4) paraan ng
pagpapasalamat sa mga kabutihan at biyayang natatanggap na iyong gagawin sa
araw-araw. Gamitin ang sumusunod na pormat para dito.
Gawain Oras ng Pagsasagawa Mga Ipagpapasalamat

6:00 ng umaga Para sa panibagong araw


Hal.: Pagdarasal pagkagising at buhay

Pamantayan sa pagbibigay ng puntos

5 puntos kung lahat ng talaan ay napunan

3 puntos kung 2 talaan lamang ang napunan

1 puntos kung 1 lamang sa mga talaan ang napunan

5 puntos – para sa bawat kumpletong aytem


20 puntos - kabuuang puntos

Mahusay! Nagawa mo!

15
Tayahin

A. Tukuyin kung TAMA o MALI ang sumusunod na mga pangungusap.

1. Ang utang-na-loob ay utang na dapat bayaran.


2. Ang magandang panahon ay marapat na ipagpasalamat.
3. Ang pagbibigay ng pabor sa taong nakatulong sa iyo ay pagpapakita ng
wastong pagbabalik ng utang na loob.
4. Ang pagpapasalamat sa mga taong nakatulong sa iyo ay paraan ng pagkilala
na hindi ka nagtagumpay ng dahil lang sa sariling kakayahan.
5. Ang pasasalamat sa kabutihan o biyayang natanggap ay maaaring ibalik sa
taong iba sa tumulong sa iyo.

B. Suriin ang sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang tsek ( ) kung ito ay
nagpapakita ng pasasalamat at ekis ( X ) naman kung hindi.

6. Malimit humingi ng nauusong gamit si Joan sa kanyang mga magulang


dahil naniniwala siya na kaya nagpapakapagod ang mga ito sa pagtatrabaho
ay upang mabigyan siya ng magandang buhay.
7. Araw-araw na nagdarasal si Marco pagkagising at bago matulog.
8. Naging maganda ang pamumuhay ni Ella dahil sa pagsusumikap sa buhay
sa kabila ng pagiging ulila. Ipinangako niya sa sarili na hindi makakalimot
na magbigay ng donasyon tuwing Pasko sa isang ampunan na malapit sa
tirahan niya.
9. Pihikan si Clara sa pagkain at pinipiling huwag na lamang kumain kung
hindi niya gusto ang nakahain sa mesa.
10. Naputol ang mga binti ni Jaime dahil sa isang aksidente, ganun pa man ay
naisipan niyang maglunsad ng Youtube Channel upang magbigay ng lakas
ng loob at inspirasyon sa mga taong may katulad niya ng sitwasyon.

16
Karagdagang Gawain

Panoorin ang video ng “Unsung Hero” na isang commercial sa bansang


Thailand sa https://www.youtube.com/watch?v=GdYJr03eJjE at isulat ang napulot
na aral mula sa nasabing video na naglalaman ng 3-5 pangungusap.

17
Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian

Bognot, Regina Mignon, Romualdes Comia, Sheryll Gayola, Marie Aiellen Lagarde, Marivic
Leaño, Eugenia Martin, Marie Ann Ong, and Rhea May Paras. 2013. Edukasyon Sa
Pagpapakatao 8. 1st ed. Pasig City, Philippines: FEP Printing Corporation.

Mga Larawan
"Download Puzzle for Free". 2021. Freepik. https://www.freepik.com/free icon
/puzzle_870243.htm.

"83 Pray Ideas | Prayers For Children, Sunday School Coloring Pages, Children Praying".
2021. Pinterest. https://www.pinterest.ph/didifu338/pray/.

2021. https://www.dreamstime.com/illustration/friends-hugging.html.

"Coronavirus: The Companies And Individuals Showing Acts Of Kindness". 2021. Good
Housekeeping. https://www.goodhousekeeping.com/uk/consumer-
advice/a31942722/coronavirus-big-brands-business-helping/.

"Cotabato Shariff Kabunsuan Festival Celebration Ended Successful - Create Global


Popularity". 2021. Dredlinenews.Blogspot.Com.
http://dredlinenews.blogspot.com/2016/12/cotabato-shariff-kabunsuan-festival.html.

"Fancy Border Frame Clipart Png Clipartxtras Clipart - Free Clipart Png For Free Download
| DLPNG". 2021. Dlpng.Com. https://dlpng.com/png/6475602.

"Free Gift Exchange Cliparts, Download Free Clip Art, Free Clip Art On Clipart Library".
2021. Clipart-Library.Com. http://clipart-library.com/gift-exchange-cliparts.html.

"Free Helping Clip Art With No Background - Clipartkey". 2021. Clipartkey.Com.


https://www.clipartkey.com/search/helping/.

"Office Lady Is Questioning Clipart. Free Download Transparent .PNG | Creazilla".


2021. Creazilla.Com. https://creazilla.com/nodes/37771-office-lady-is-questioning-clipart.

"Speech Bubble.Svg". 2021. En.Wikipedia.Org.


https://en.wikipedia.org/wiki/File:Speech_bubble.svg.

"Thai Life Insurance Ad About This 'Unsung Hero' Will Make You Cry At Work".
2021. Adage.Com. https://adage.com/creativity/work/unsung-hero/34732.

"Télécharger Trophée De L'Équipe Entreprise Réussie Gratuitement". 2021. Vecteezy.


https://fr.vecteezy.com/art-vectoriel/675796-trophee-de-l-39-equipe-entreprise-reussie.

"You Are Being Redirected...". 2021. Panaynews.Net. https://www.panaynews.net/ati-


atihan-organizer-praises-volunteers/.

2021. https://pixabay.com/illustrations/note-book-paper-flower-book-diary-4892501/.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

20

You might also like