You are on page 1of 4

Fourth Quarter

Lecture #1
Paksa: UGNAYAN NG PANGKALAHATANG KITA, PAG-IIMPOK AT PAGKONSUMO
FINANCIAL
INTERMEDIARIES

Commercial Banks
Savings and Loans
Credit Unions
Nag-iimpok Nangungutang Finance Companies
Life Insurance Companies
Mutual Funds
Pension Funds

FINANCIAL
INTERMEDIARIES

7 Habits of a Wise Saver

1. KILALANIN ANG IYONG Alamin kung sino ang may-ari ng iyong


BANGKO bangko – ang taong nasa likod at
namamahala rito. Ang Phil. Deposit
Insurance Corporation (PDIC), Bangko
Sentral ng Pilipinas (BSP), Securities
and Exchange Commission (SEC), at
ang website ng bangko, dyaryo,
magasin, telebisyon at radio ay
makapagbibigay ng mga impormasyong
kailangan mong malaman.
2. ALAMIN ANG PRODUKTO NG Unawain kung saan mo inilalagay ang
IYONG BANGKO iyong perang iniimpok.
3. ALAMIN ANG SERBISYO AT Alamin ang sinisingil at bayarin sa
MGA BAYARIN SA IYONG iyong bangko.
BANGKO
4. INGATAN ANG IYONG BANK Ingatan ang iyong passbook,
RECORDS AT SIGURADUHING automated teller machine. Certificate of
UP-TP-DATE time deposit, checkbook at iba pang
bank record sa lahat ng oras.
5. MAKIPAGTRANSAKSYON Huwag mag-alinlangang magtanong sa
LAMANG SA LOOB NG tauhan ng bangko na magpakita ng
BANGKO AT SA identification card at palaging humingi
AWTORISADONG TAUHAN ng katibayan ng iyong nagging
NITO transaksyon.
6. ALAMIN ANG TUNGKOL SA Ang PDIC ay gumagarantiya ng
PDIC DEPOSIT INSURANCE hanggang 500,000 sa deposito ng
bawat depositor.
7. MAGING MAINGAT Lumayo sa mga alok na masyadong
maganda para paniwalaan. Sa
pangkalahatan, ang sobrang interes ay
bmapanganib.
Fourth Quarter
Lecture #2
Paksa: IMPLASYON

a. Konsepto
 Tumutukoy sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga piling produkto na
nakapaloob sa basket of goods. (Economics Glossary)
 Ang Implasyon ay pataas na paggalaw ng presyo, at ang Deplasyon ay ang pagbaba
sa halaga ng presyo. Parkin at Bade 2010)
 Hyperinflation ay patuloy na pagtaas ng presyo bawat oras, araw at lingo.
Halimbawa nito ay sa Germany noong dekada 1920 at sa Pilipinas sa panahon ng
pananakop ng Japan kung kalian ang salapi ay nawalan nang halaga.
b. Pagsukat sa Pagtaas ng Presyo
 Ang Consumer Price Index ang ginagamit sa pagsukat ng implasyon upang mapag-
aralan ang pagbabago sa presyo ng mga produkto.
 Ang pamahalaan ay nagtatalaga ng mga piling produktong nakapaloob sa basket of
goods.
 Iba’t Ibang Uri ng Price Index
1. GNP Implicit Price Index o GNP Deflator. Ito ang average price index na
ginagamit para mapababa ang halaga ng kasalukuyang GNP at masukat ang
totoong GNP. Sinusukat nito ang pangkalahatang antas ng presyo ng mga
produkto at serbisyong nagawa ng ekonomiya sa loob ng isang taon.
2. Wholesale or Producer Price Index (PPI). Index ng mga presyong
binabayaran ng mga tindqahang nagtitingi para sa mga produktong muli nilang
ibenebenta sa mga mamimili.
3. Consumer Price Index. Sinusukat ang pagbabago sa presyo ng mga produkto
at serbisyong ginagamit ng mga konsyumer .
AYTEM 2011 2012
Bigas 700 750
Asukal 120 130
Mantika 200 220
Isda 175 190
Karne ng BAboy 250 300
Total Weighted Price 1,445 1,590

CPI = Total Weighted Price ng Kasalukuyang Taon X 100


Total Weighted Price ng Basehang Taon
CPI = 1,590 X 100
1,445
= 110.03
Antas ng Implasyon = CPI ng Kasalukuyang Taon – CPI ng Nagdaan Taon X
100
CPI ng Nagdaang Taon
Antas ng Implasyon = 110.03 – 100 X 100
100
= 10.03 %
Batay sa pormula, ang antas ng implasyon ay 10.03%. Ibig sabihin,
nagkaroon ng 10.03% na pagtaas sa presyo ng mga bilihin sa pagitan ng
taong 2011 at 2012. Ibig sabihin mas mahala ang bilihin ngayong 2012
kumpara noong 2011 dahil sa Implasyon.
Purchasing Power = CPI ng Batayang Taon X 100
CPI ng Kasalukuyang Taon
Purchasing Power = 100 X 100
110.03
= 0.9088
Ang kakayahan ng piso bilang gamit sa pagbili sa taong 2012 ay
0.9088. ibig sabihin, ang piso sa taong 2012 ay makabibili na lamang
ng halagang .91 sentimos batay sa presyo noong taong 2011 dahil sa
implasyon. LUMILIIT ANG HALAGA NG PISO HABANG TUMATAAS ANG
CPI. MAPAPANSIN DIN NA HABANG MATAAS ANG CPI AY BUMABABA
NAMAN ANG KAKAYAHAN BUMILI NG PISO.

Uri ng Inflation
1. Galloping Inflation ◦ Umaabot nang doble o tripleng digit ang bahagdan sa isang taon ◦ Madaling nawawala
ang halaga ng salapi kung kaya hindi nagtatago ng malalaking halaga ng salapi
Hal. Sa pagbili ng lupa at alahas
2. Hyperinflation ◦ Nagaganap kapag ang average na presyo ay tumataas nang higit sa 50% bawat buwan ◦ Mas
gugustuhin ng tao na gastusin nang madalian ang kanilang salapi ubang hindi maabutan ng pagbaba ng halaga
nito. ◦ Kapag nangyari ito, babalik ang lipunan sa sistemang barter kung saan walang pagtanggap ng salapi
Uri ng Pagbabago
1. Deflation ◦ Pagbaba ng pangkalahatang presyo
2. Reflation ◦ Panunumbalik ng inflation matapos makaranas ng deflation
3. Disinflation ◦ Positibo ang inflation rate ngunit mas mababa kaysa sa nakaraang inflation rate
Bakit may inflation?
1. Demand-pull ◦ Kapag dumadami ang salapi na hawak ng sambahayan ◦ Dahil dito, napapataas nila ang demand na
magdudulot naman ng shortage sa pamilihan
2. Cost push ◦ Kapag tumaas ang gastusin sa produksyon  Pagmahal ng salik, nanghihingi ng mataas na sahod ang
manggagawa, pagmahal ng langis
MGA talasalitaan
1. Stagflation – sabay ang pagtaas ng inflation at unemployment
2. Speculator – namumuhunang naghihintay na tumaas ang presyo ng produkto
3. Purchasing power of the peso – kakayahan ng piso na makabili ng produkto

You might also like