You are on page 1of 22

AKO AT ANG CHEMOTHERAPY

PARA SA INYO, ANO ANG IBIG


SABIHIN NG CHEMOTHERAPY?
• Ang chemotherapy, na tinatawag ring chemo, ay
mga gamot na ginagamit upang malunasan ang
kanser. Sinisira ng mga gamot na ito ang mga selula
ng kanser, pinipigilan ang mga ito na lumaki at
kumalat, pinapaliit ang sukat ng tumor o
pinapagaan ang mga sintomas ng kanser.
ANO ANG INYONG PAKIRAMDAM O
NARARAMDAMAN HABANG
NAGPAPA-CHEMO?
• Maaaring magkakaiba ang maramdam at maging
epekto sa katawan ng bawat pasyenteng
sumasailalim sa chemotherapy. Nakadepende ang
inyong maaaring maramdaman sa mga sumusunod
na salik:
• Kalusugan bago mag-chemo
• Uri at stage ng sakit
• Uri at dose ng gamot na ginagamit pang-chemo
• Individual tolerance sa mga gamot
NARARANASAN NIYO BA ANG
MGA SUMUSUNOD HABANG
KAYO AY NAGPAPA-CHEMO?
1. PAGKAHILO AT PAGSUSUKA
2. PAGKAKAROON NG SINGAW AT
PAGDURUGO NG GILAGID
3. PAGLALAGAS NG BUHOK O HAIR
LOSS
4. PAGKAHAPO O FATIGUE
5. PAGBABA NG RESISTENSIYA O
MADALING PAGKAKASAKIT
ANU-ANO ANG MAAARI KONG GAWIN
UPANG MABAWASAN O MAKONTROL
ANG MGA SIDE-EFFECTS NA DULOT NG
CHEMOTHERAPY?
PAGKAHILO AT PAGSUSUKA

• Pag-inom ng mga gamot na anti-emetic gaya ng


metoclopramide at ondansetron
• Pag nguya ng ice chips
• Pagkain ng bland crackers o comfort foods na
medaling nguyain
• Kumain ng paunti-unti o small, frequent feeding
• Dahan – dahang bumangon sa kama o gumalaw
para maiwasang mahilo
PAGKAKAROON NG SINGAW AT
PAGDURUGO NG GILAGID
• Maaaring magmumog gamit ng mga mouthwash
tulad ng Nystatin at Bactidol
• Ugaliin ding mag-sipilyo pagkatapos kumain gamit
ang soft-bristled toothbush
• Iwasang gumamit ng dental floss o toothpick
• Iwasan ding kumain ng mga maaanghang, sobrang
init at sobrang matitigas na pagkain
• Uminom ng at least 1.5 litro na tubig kada araw
PAGLALAGAS NG BUHOK O HAIR LOSS

• Maaaring gumamit ng bandana, scarf, bonnet o


wig upang maprotektahan ang anit o scalp
• Ugaliing gumamit ng mild shampoo o sabon ang
anit o scalp kapag naliligo
• Maaaring tumubo na uli ang buhok 2 – 3 buwan
matapos mag-chemo
PAGKAHAPO O FATIGUE
• Matulog ng at least 8 oras sa isang gabi. Maaari ring
umidlip ng 1 – 2 oras sa umaga at hapon.
• Limitahan o siguruhing may pahinga sa bawat pang
araw-araw na gawain.
• Magpatulong kung kinakailangan lalo na sa mga
mabibigat na gawain.
• Gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ng
pagrerelaks o relaxation techniques
PAGBABA NG RESISTENSIYA O
MADALING PAGKAKASAKIT
• Ugaliing regular na maghugas ng kamay
• Magsuot ng face mask
• Iwasang manatili sa mga mataong lugar tulad ng
mall at palengke
• Iwasang lumapit ssa ga may ubo, sipon at lagnat
• Mag-ingat sa pag-gamit ng mga nail cutter at
paggamit ng kutsilyo
• Iwasan munang kumain ng mga hilaw o
undercooked na pagkain

You might also like