You are on page 1of 57

FAMILY

PLANNING
PROGRAM
FAMILY
PLANNING
PROGRAM
REPUBLIC ACT 10354 - REPRODUCTIVE HEALTH
LAW OR RH BILL
- THE PHILIPPINE LAW THAT PROVIDES
UNIVERSAL ACCESS TO METHODS ON
CONTRACEPTIVES, FERTILITY CONTROL,
SEXUAL EDUCATION AND MATERNAL CARE.
FAMILY
PLANNING
METHODS
ARTIFICIAL
METHOD
FAMILY
PLANNING
METHODS

Pills
May dalawang klase ng pills o pildoras:

(1) Combined Oral Contraceptives (COCs). Hindi ito angkop


sa nagpapasusong ina.
(2) Progestin-Only Pills (POPs). Ito ay angkop sa
nagpapasuso dahil hindi nababawasan ang daloy at dami
ng
gatas ng nagpapasusong ina. Dapat inumin araw-araw sa
takdang oras para sa pinakamabisang epekto.

Ano ang ginagawa ng PILLS?

- Pinipigil ang obulasyon (ang paglabas ng hinog na itlog


mula sa obaryo).
- Pinapalapot ang cervical mucus upang hindi makapasok
ang punlay sa bahay bata o matris.
Gaano Kabisa?

Lubos na ligtas at mabisa lalo na kung iniinom


araw-araw
Sa COCs
99.7% mabisa kung perfectly used (3 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
92% mabisa kung typically used (8 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
Sa POPs
99.5% mabisa kung perfectly used (5 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
99% mabisa kung typically used (1 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

Ligtas para sa halos lahat ng babae, anuman ang


edad.

Mga kabutihan:

- Madaling gamitin; walang kailangang gawin bago


magtalik at habang nagtatalik.
- Nagagawang regular ang pagreregla at
nakakatulong sa pag-iwas sa dysmenorrhea o
pananakit ng puson
pag may regla.
Sino ang maaaring
gumamit?

Ligtas para sa halos lahat ng babae, anuman ang


edad.

Mga kabutihan:

- Madaling gamitin; walang kailangang gawin bago


magtalik at habang nagtatalik.
- Nagagawang regular ang pagreregla at
nakakatulong sa pag-iwas sa dysmenorrhea o
pananakit ng puson
pag may regla.
Mga kabutihan:

- Maaaring gamitin habang ayaw pang mabuntis


ang babae, pero maaari ring ihinto ang pag-inom sa
sandaling gusto na niyang mabuntis; bumabalik
agad ang kakayahang-mabuntis ng babae sa
sandaling itigil
ang pag-inom nito.
- Nakakatulong sa pag-iwas sa ilang klase ng
kanser, anemya (kulang sa dugo), dysmenorrhea,
pagdurugo sa
pagitan ng regla, at iba pang sakit o karamdaman.
Mga Kakulangan:

- Ang mga babaeng naninigarilyo at higit sa 35 taon


gulang at may altapresyon at diabetes ay hindi
maaaring
uminom nito maliban na lang kung ginagabayan ng
doktor.
- Hindi nakakatulong makaiwas sa Sexually
Transmitted Diseases (STDs).
Posibleng
Side Effects:

May mga babaeng nakararanas ng pagkahilo o


pagsusuka, pagdurugo sa pagitan ng pagreregla o
spotting,
karagdagang timbang, bahagyang sakit ng ulo, at
pagiging sumpungin. Walang dapat ikabahala sa
anumang
side effect na ito. Unti-unting nababawasan ito
hanggang sa tuluyan nang mawala makalipas ang
ilang buwan.
FAMILY
PLANNING
METHODS

Injectables
May dalawang klase ng injectables:

(1) Combined Injectable Contraceptive (CIC). Iniineksiyon


bawat
buwan. Hindi ito angkop sa nagpapasusong ina.

(2) Progestin-Only Injectable (POI). Iniineksiyon


bawat 2 o 3 buwan. Ito ay angkop sa nagpapasusong ina
dahil hindi nababawasan ang daloy at
dami ng gatas ng nagpapasusong ina.

Ano ang ginagawa ng INJECTABLES?

- Hinahadlangan o pinipigilan ang obulasyon.


- Pinapakapal ang cervical mucus upang mahirapang
makalusot o makapasok ang punlay sa matris.
- Hindi nakaka-apekto kung buntis na ang babae.
Gaano Kabisa?

Sa CICs
99% mabisa kung perfectly used (1 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
97% mabisa kung typically used (3 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
Sa POIs
99.7% mabisa kung perfectly used (3 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
97% mabisa kung typically used (3 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

- Lahat ng babae, anumang edad, kahit na yung


naninigarilyo.
- Mga inang nagpapasuso.
- Mataba man o payat.
- Mga babae na maaaring kasalukuyang may sakit o
may altapresyon.
Mga kabutihan:

- Lubos na mabisa.
- Napakadaling gamitin; isang iniksyon lang ay
makaka-iwas na sa pagbubuntis; walang kailangang
inumin na Pills araw-araw.
- Walang side effect na dulot ng hormong estrogen.
- Hindi nakakasagabal sa pagtatalik, at nakakadagdag
pa nga sa kasiyahan sa pagtatalik dahil wala nang
kabang mabuntis ang babae.
- Madaling itigil.
- Nakakatulong sa pag-iwas sa ilang uri ng kanser at
iron-deficiency anemia.
- Nababawasan ang pagkukombulsyon ng babaeng may
epilepsy.
Mga Kakulangan:

- Naaantala ang pagbabalik ng kakayahang-


mabuntis ng babae.
- Kailangang regular ang pagbisita sa health center
para sa iniksyon tuwing ika-3 buwan.
- Hindi nakakaiwas sa mga STD, kabilang ang
HIV/AIDS.
Posibleng
Side Effects:

-Pagiging sumpungin at pagkahilo.


-Paghina, paglakas o pagtigil ng regla sa unang
taon ng paggamit; normal lang ito.
-Pagdagdag ng timbang.
-Pananakit ng ulo; pangingirot ng suso.
- Alinman sa mga side effect na ito ay hindi dapat
ikabahala.
FAMILY
PLANNING
METHODS

CONDOM
Nakakatulong sa pag-iwas sa pagbubuntis at STD sa
pamamagitan ng paghadlang sa pagpasok ng mga
punlay at anumang bacteria sa kaluban ng babae.
- Nakakatulong din ang condom sa paghadlang sa paglipat
ng anumang bacterya mula sa kaluban ng babae at
makapasok sa ari ng lalaki.
- Kailangang laging wasto ang paggamit nito upang maging
lubusang-mabisa sa pag-iwas sa pagbubuntis.
- Nakakatulong sa pag-iwas sa mga STD kabilang na ang
HIV/AIDS, gonorrhea, syphilis, chlamydia at
trichomoniasis.
Gaano Kabisa?

98% mabisa kung perfectly used (2 lang ang


mabubuntis sa bawat 100 babae)
85% mabisa kung typically used (15 lang ang
mabubuntis sa bawat 100 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

Lahat ng lalaking nakikipagtalik, anumang edad.


Mga kabutihan:

- Nakakaiwas sa pagbubuntis at STD.


- Madaling gamitin; madaling itago at makakuha.
- Maaaring makakuha nang hindi na kumukonsulta pa
sa doktor, nars, o midwife.
- Madaling itigil ang paggamit.
- Hindi sagabal sa pag-inom ng kahit anong gamot.
- Maaaring gamitin kasabay ng iba pang mga paraan ng
family planning upang makaiwas sa STD/HIV at upang
higit pang matiyak ang pag-iwas sa pagbubuntis.
- Nakakatulong maiwasan ang maagang paglabas ng
semilya o premature ejaculation (at lalo pang
tumatagal
ang lakas at sigla ng lalaki habang nakikipagtalik).
Mga Kakulangan:

- Ang goma at pampadulas na langis (lubricant) ay


maaaring makapagbigay ng allergy sa ibang
gumagamit.
- Maaaring mabawasan ang pakiramdam at gana sa
pagtatalik.
- Kailangan muna tumigil ang mag-asawa ng ilang
sandali sa pagtatalik habang isinusuot ito sa
matigas at
nakatayong titi.
- Maaaring maging marupok kung ito’y nakaimbak
nang matagal o nasa masyadong mainit na
imbakan;
maaaring mabutas habang ginagamit.
Posibleng
Side Effects:

Wala, maliban lang kung mayroong allergy sa


goma.
FAMILY
PLANNING
METHODS
Long-Acting
and Permanent
FAMILY
PLANNING
METHODS
IUD (Intra-
Uterine Device)
Ito ay maliit at malambot na plastik na may hugis-”T” at
may nakapalibot na pinong tansong
alambre. Ito ay pinapasok sa pwerta ng babae upang
mailagay sa kanyang matris.

Ano ang ginagawa ng IUD?

Hinahadlangan ang pagsasanib ng punlay ng lalaki at itlog


ng babae. Pinahihirapan ng IUD na
makalusot ang punlay sa matris at humihina ang
kakayahan nito na sumanib at mapertilisa ang itlog
ng babae. Nakakatulong palaputin ang cervical mucus
para hindi makapasok ang punlay mula sa
kaluban patungo sa matris.
Gaano Kabisa?

Lubos na ligtas at tumatagal hanggan 12 taon ang


pagiging mabisa.
99.4% mabisa kung perfectly used (6 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
99.2% mabisa kung typically used (8 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

Ligtas kaninumang babae, anumang edad, kahit pa


sa mga naninigarilyo o umiinom ng antibiotic o
gamot para sa kombulsyon, mataba man o payat,
nagpapasuso man o may altapresyon.

Mga kabutihan:

- Napakadaling gamitin; walang kinakailangang


gawin sa oras ng pagtatalik.
- Sa minsang lagayan lang, napipigilan ang
pagbubuntis sa matagal na panahon.
Mga kabutihan:

- Hindi nakakasagabal sa pagtatalik at


nakakadagdag pa nga ng kasiyahan sa pagtatalik
dahil wala
nang kabang mabuntis ang babae.
- Walang epekto sa dami at kalidad ng gatas ng
inang nagpapasuso.
- Walang epekto sa pag-inom ng kahit anong gamot.
- Hindi makaka-abala sa anumang regular na
gawain.
- Maaaring ipatanggal anumang oras na naising
muling mabuntis.
- Nakakatulong makaiwas sa ectopic pregnancy o
ang pagbubuntis sa labas ng matris.
Mga kabutihan:

- Maaaring gamitin habang ayaw pang mabuntis


ang babae, pero maaari ring ihinto ang pag-inom sa
sandaling gusto na niyang mabuntis; bumabalik
agad ang kakayahang-mabuntis ng babae sa
sandaling itigil
ang pag-inom nito.
- Nakakatulong sa pag-iwas sa ilang klase ng
kanser, anemya (kulang sa dugo), dysmenorrhea,
pagdurugo sa
pagitan ng regla, at iba pang sakit o karamdaman.
Mga Kakulangan:

- Maaaring makaranas ng pagbabago sa pagreregla


sa unang 3 buwan.
- Mga nagsanay na doktor, nars, o midwife lamang
ang maaaring maglagay nito.
- Hindi nakakatulong makaiwas sa STD.
- Dapat regular na magpatingin sa isang bihasang
doktor, nars, o midwife.
Posibleng
Side Effects:

- Mas matagal at mas malakas na pagreregla;


pagdurugo nang bahagya
o spotting sa pagitan ng pagreregla.
- Bahagyang pananakit ng puson matapos mailagay
ang IUD.
FAMILY
PLANNING
METHODS
BTL (Bilateral
Tubal Ligation)
Pagputol at pagtali ng anurang itlog; operasyon para sa
mga babae

Ano ang ginagawa ng BTL?

Ito ay simpleng operasyon para sa mga babae na ginagawa


ng nagsanay na doktor. Isang
maliit na hiwa ang ginagawa sa tiyan ng babae para
putulin at talian ang anurang itlog na
siyang dinadaluyan ng hinog na itlog sa matris. Dahil
natalian na ang anurang itlog, hindi na
maaaring magsanib ang itlog at punlay ng lalaki. Ang
babae ay patuloy pa ring rereglahin.
Gaano Kabisa?

Lubos na mabisa.
99.5% mabisa (5 lang ang mabubuntis sa bawat
1,000 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

- Para sa mga babae na naisakatuparan na ang nais


na bilang ng anak at nakapagpasya nang
ayaw nang magkaroon pa ng iba pang anak.
- Para sa mga babae na kapapanganak lang ngunit
nakapagpasya nang gusto nila ang
permanenteng paraan ng family planning.
- Para sa mga inang nagpapasuso
Mga kabutihan:

- Permanente. Sa isang madaling operasyon,


matatamasa ang pang-habang buhay na ligtas
at epektibong paraan ng family planning.
- Dagdag na kasiyahan sa pagtatalik dahil wala
nang pangambang mabubuntis.
- Walang kailangang mga gamit o supplies.
- Walang epekto sa gatas ng ina.
- Nakakatulong makaiwas sa kanser sa obaryo.
- Walang epekto sa kakayahan ng babae na
gampanan ang mga regular niyang gawain.
Mga Kakulangan:

- Kadalasang makakaranas ng pangingirot matapos


ang operasyon, ngunit ito ay nawawala
rin makalipas ang isa o dalawang araw.
- Maaaring makaramdam ng kaunting pagka-asiwa
sa mga unang dalawang araw.
- Kinakailangan gawin ang simpleng operasyon ng
isang nagsanay na doktor.
- Hindi nakakaiwas sa STD.
Posibleng
Side Effects:

WARA!
FAMILY
PLANNING
METHODS
NSV (None -
Scalpel
Vasectomy)
Pagputol at pagtali ng anurang punlay o vas deferens;
operasyon para sa lalaki

Ano ang ginagawa ng NSV?

Ito ay simpleng operasyon na ginagawa ng isang nagsanay


na doktor. Gising ang pasyente habang
inooperahan at walang sakit na nara-ramdaman dahil sa
anestisiya. Isang maliit na hiwa ang ginagawa
sa bayag upang putulin at talian ang anurang punlay o vas
deferens. Sa paraang ito, wala nang punlay
ang makakasama sa semilya. Ang lalaki ay maaari pa ring
tigasan at labasan ng semilya, ngunit ang
semilya ay hindi na makakabuntis dahil wala na itong
punlay. Ang operasyon para sa vasectomy ay
tatagal lamang ng 15 - 20 minuto.
Gaano Kabisa?

Lubos na mabisa.
99.9% mabisa kung perfectly used (1 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
99.8% mabisa kung perfectly used (2 lang ang
mabubuntis sa bawat 1,000 babae)
Sino ang maaaring
gumamit?

Para sa mga lalaki na naisakatuparan na ang nais


na bilang ng anak at nakapagpasya nang ayaw
nang
magkaroon pa ng iba.
Mga kabutihan:

Ang operasyon ay maaaring gawin sa klinika o


tanggapan at hindi ito tatagal ng isang oras.
- Permanente. Sa isang mabilis na operasyon,
matatamasa ang pang-habang buhay na ligtas at
epekti_x0002_bong paraan ng family planning.
- Hindi makakasagabal sa pagtatalik.
- Napaka-kombenyente.
- Walang epekto sa kakayahan ng lalaki na
makipagtalik.
- Dagdag na kasiyahan sa pagtatalik dahil wala
nang kaba na mauuwi ito sa pagbubuntis.
- Walang epekto sa kakayahan ng lalaki na
gampanan ang kanyang mga regular na gawain.
Mga Kakulangan:

Kakailanganin ang paggamit ng condom o di kaya’y


pag-iwas muna sa pagtatalik hanggang makalipas
ang 3 buwan matapos ang operasyon.
- May bahagyang kirot sa bayag matapos ang
operasyon na maaaring maramdaman hanggang 3
araw.
- Kinakailangan gawin ang simpleng operasyon ng
isang nagsanay na doktor.
- Hindi nakakaiwas sa STD.
Posibleng
Side Effects:

WARA!
THANK
YOU!

You might also like