You are on page 1of 16

Family Planning

sa panahon ng COVID-19

Likhaan Center for Women's Health


Abril 2021
May karapatan lahat na magpasya sa tatakbuhin ng
buhay nila. Mahalagang bahagi nito ang sariling pamilya't
anak. Gusto mo ba? Kailan? Ilan? Ayaw mo na ba?
Ito ang sentro ng family planning o kontrasepsyon. Mara‐
ming ipupuhunan sa pamilya't anak. Panahon, pangarap,
pera, paggabay at iba pa. Kaya dapat lang na ikaw o kayo
ang magpasya. Huwag umasa sa bahala na.
Mabigat lalo sa kababaihan dahil sila ang nagbubuntis,
nanganganak—at madalas—nag-aaruga't nagpapalaki.
Maisasabay lang 'yon sa iba pang pangarap at aktibidad
ng babae kung may family planning.

Ligtas ba ang family planning?


Ligtas ang lahat sa tamang paggamit. Siyempre gaya sa
ibang gamot, gagabayan ka ng tauhang medikal.
Palaging binabantayan ng World Health Organization
(WHO) ang mga kontraseptibo. Katunayan, kabilang sila
sa WHO Model List of Essential Medicines—mga gamot
na dapat meron lagi ang mga bansa dahil sila'y pinaka-
mabisa, ligtas, sulit at importante sa publiko.

Ligtas ba sa panahon ng pandemya?


Ligtas pa rin lahat,
Isa sa pinakaligtas gawin sa
sabi ng WHO. Mas sa
panahon ng pandemya ang
biyahe't matataong
lugar dapat mag-
pag-iwas munang magbuntis
ingat. Kaya mas okay ang mga mahaba ang bisa gaya ng
IUD at implant. Lamang din ang madaling kunin at ipunin,
gaya ng pills at condoms.
Napakahirap din ngayon na makakuha ng pangangalaga
sa pagamutan kung buntis o manganganak. Kaya isa sa
pinakaligtas gawin sa panahon ng pandemya ang pag-
iwas munang magbuntis.

2
Mahirap o madali bang gamitin?
Marami sila, kaya malamang may mapipili ka na bagay at
gusto mo. Puwede sa kabataan o may edad na. Puwede
sa may anak o wala kung hindi permanente ang paraan.
Sa tubal ligation (“tali”) at vasectomy, dapat sigurado ka
na dahil hindi na magiging
mabunga ulit.
COPPER IUD. Napakatagal ng
Ta P
bisa (12 taon), kaya walang ga‐ ns lasti
o( c
co
gawin palagi o gagastusan pa. pp
er)
Madaling itago. Madaling 1.4
inc
tanggalin. Mabunga agad he
s
pagtanggal.
IMPLANT. Matagal
(3 taon o higit)
kaya menos sa
asikaso. Simple
ilagay at alisin—
sa braso lang.
Mabunga agad
pag inalis.
Nahihinto ang
regla sa marami. Hindi ito masama. Mas gusto pa nga ng
iba. Nakakapa sa ilalim ng balat, kaya mas panatag ang
iba na “nandyan” pa rin.
INJECTABLE DMPA. Medyo mahaba ang bisa kaya bawas
na rin sa asikaso. Tuwing 3 buwan ang iniksyon. May 4
na linggong palugit na mabisa
pa rin kahit hindi makarating
sa takdang araw. Madaling
itago. Simple ihinto, pero ilang
buwan o higit pa bago maging
mabunga ulit. Nahihinto ang
regla sa marami.
3
28-pill COC: palaging 21 pills lang 21-pill COC: lahat may
ang may hormones (parehong kulay o hormones; kailangan
laki); pantanda ang 7 (reminder pills)— tandaan ang pagbubukas ng
para masanay na araw-araw umiinom; bagong pakete (huwag
ito ang pinakamadalas gamitin lalampas ng 7 araw)

COC PILLS (COMBINED ORAL CONTRACEPTIVES).


Combined dahil may estrogen at
progestin hormones. Generic name ng
pinakamadalas gamitin: ethinyl estradiol
30 mcg + levonorgestrel 125-150 mcg,
mga ₱50 bawat banig. Mas mabuting
kumuha o bumili ng marami, para may supply palagi.
Araw-araw iniinom, kaya mabuting may pananda gaya ng
alarm. Simple simulan at ihinto. Mabunga agad paghinto.
Madalas nagiging regular at banayad ang buwanang
period. Nasa p. 12 ang paraan ng paggamit.
Puwedeng pang-emergency (p.5). Puwede rin na gamitin
sandali (1 o ilang buwan) kung mahuhuli sa susunod na
injection, implant o IUD, lalo ngayong may pandemya.
PROGESTIN-ONLY PILLS O POP. Puwedeng ipunin, para may
supply palagi. Araw-araw at nasa oras ang inom, kaya
dapat may pananda na alarm. Simple simulan at ihinto.
Mabunga agad paghinto. Nahihinto ang regla sa marami.
Nasa p. 13 ang paggamit.
28 pills na parepareho
ang POPs sa Pilipinas.
May progestin hormone
ang lahat ng pills.

4
CONDOM. Bagay sa panakanaka o madalang ang sex.
Tanging may proteksyon pa laban sa impeksyon o STI,
kaya magandang isabay sa ibang paraan. Simple aralin
at gamitin. Puwedeng ipunin, para may supply lagi.
1. Buksan sa gatla sa gilid. Huwag 2. Pisilin ang
gumamit ng matalim na bagay. dulo para
Palitan kung may problema— mawala ang
expired, madikit, malutong, atbp. hangin—dapat
may espasyo
sa lalabas.

3. Habang nakapisil, 4. Kung nilabasan na, 5. Ibalot sa papel o


pababain ang rolyo hawakan sa puno o tissue at itapon sa
(unroll). Kung ayaw, base habang basurahan.
malamang baligtad. hinuhugot ang ari.

Ano gagawin kung napilit magsex, nasira


ang condom, o may unprotected sex?
Magagamit ang COC pills (generic name sa kaliwa)
bilang ECP (emergency contraceptive pills). Puwede
hanggang 5 araw matapos ang sex; pero mas maaga,
mas mabisa. 1st dose: 4 pills, inumin agad, sabay-sabay.
2nd dose: 4 pills ulit, pagkaraan ng 12 oras.
Gamitin alinman sa 21 hormonal pills—pareho ang kulay
at laki nila. Kung masuka sa loob ng 2 oras pagkainom,
ulitin ang dose dahil hindi pumasok sa katawan. Mapipi‐
gilan o maantala nito ang obulasyon kaya mahuhuli rin
ang regla. Huwag makipagsex na di pa bumabalik ang
regla—puwede kang mabuntis. Dahil may pagpalya rin
ang ECP, magpregnancy test kung wala pang regla 3-4 na
linggo matapos ang sex na walang proteksyon.
5
Dapat ba 'kong mag-alala sa side effects?
Lahat ng gamot, may mga sekundaryong epektong hindi
sinasadya. Yun ang side effects. Halimbawa, may aantu‐
kin ka, kaya huwag isabay sa pagmamaneho, pananahi,
atbp. May makakairita sa sikmura, kaya kumain muna.
Dapat lang aralin at maging matalino sa paggamit.
LUMILIPAS. Hormone ng buntis ang ginagaya ng pills,
injectables at implants, para di mag-ovulate. Kaya parang
sa buntis din ang nadarama: hilo, pagsakit ng ulo’t suso,
pagkaduwal at pagbabago sa regla. Gaya ng buntis, ilang
buwan lang lumilipas din pag nasanay na ang katawan.
Sa IUD, natutulak ang katawan na maglabas ng sangkap
na nakakasira sa mga semilya’t itlog. Kaya hindi nabu‐
buntis. Kaya rin lumalakas o sumasakit ang regla. Sa ma‐
rami, bumabalik normal ang regla tapos ng 3-6 buwan.
MAY REMEDYO. Sa simpleng sakit ng ulo (hindi migraine) o
suso, subukan ang aspirin, ibuprofen o paracetamol. Sa
hilo o suka, isabay sa tulog o kain ang pills. Bago guma‐
mit, magtimbang para alam kung totoong pumapayat o
tumataba.
MAY MAGANDA. Halimbawa sa COCs, bumababa ang may
anemia, masakit na regla, at kanser sa obaryo't matris.

Masama bang nahihinto ang regla?


Hindi. Sa POPs, DMPA at implants, nahihinto ang regla sa
marami, lalo kung matagal nang gamit. Sa COCs, nagi‐
ging banayad o mahina. Hindi masama ang mga ito. Mas
nakakatulong pa nga, halimbawa sa pagbawas ng
anemia o panganib ng kanser sa obaryo't matris.
Wala ring regla ang buntis o nagpapasuso. Humihinto
ang regla nila dahil naiiba ang timpla ng hormones, kaya
napipigilan ang obulasyon at regla. Ganito rin ang aksyon
ng pills, DMPA at implants.
6
Sa COCs, walang hormones ang huling 7 pildoras, kaya
lalabas ang lining ng matris na bahagyang pinakapal ng
estrogen ng pills. Iyon ang banayad na “regla”.
Sa POPs, DMPA at implants, may pantay at tuloy-tuloy na
dose ng progestin hormone. Kaya nawawala ang regla sa
kalaunan. Kapag hininto ang paggamit, babalik ang
dating timpla ng mga hormone at ang siklo ng
obulasyon, pagkapal ng lining ng matris at pagregla.

Masama daw ang mga kontraseptibo dahil


naiipon sa katawan? Dapat bang ipahinga?
Walang naiipong sangkap. Gaya
GAMOT NA PUMAPASOK
ng ibang gamot, tinutunaw at nila‐
labas sila ng atay, bato at bituka.
Kaya may nabubuntis kung naka‐
kalimot—wala na kasing sangkap
sa katawan.
Matagal ang bisa ng implant at
IUD dahil unti-unti ang pagpalabas
ng sangkap nila. Pero kung ta‐ ATAY SIKMURA

tanggalin, maaaring mabuntis


agad. Patunay na walang naiipong BITUKA
sangkap, kaya walang dapat
ipahinga.
KUNG MAY MATINDING SAKIT SA ATAY,
hindi nailalabas ang mga patapon
na sangkap ng gamot, pagkain at
inumin. Maninilaw ang balat at LUMALABAS SA DUMI, IHI
mata. Dapat mag-ingat sa lahat ng Walang naiipong sangkap
gamot, pagkain at inumin, gaya ng kontraseptibo kung guma‐
gana ang sistema ng
alak. Kontraseptibong walang
katawan sa pagtunaw at
hormone ang irerekomenda sa iyo, paglabas ng dumi, ihi.
gaya ng IUD, condom, tubal Kaya mabubuntis kung
malimutan ang regular na
ligation o vasectomy. paggamit.
7
PARAAN BISA* SA PAGGAMIT NA: KATANGIAN
TAMA'T SIGE-SIGE KARANIWAN

Implant 99.9% 99.9% Maliit, malambot na tubo; sa


ilalim ng balat ng braso nila‐
lagay; progestin lang ang
laman

IUD na may tanso 99.4% 99.2% Maliit at malambot na plastic


(copper) na may tanso; ipinapasok sa
matris

Tubal ligation, 99.5% 99.5% Permanenteng paraan;


BTL, ligate, “tali” pinuputol o binabarahan ang
fallopian tubes

Vasectomy 99.9% 99.85% Permanenteng paraan;


pinuputol ang tubong daluyan
ng semilya

Progestin-only 99.8% 96% Iniiniksyon sa kalamnan; kada


injectables, 3 buwan sa DMPA (may 4 na
DMPA linggong palugit)

Pills o combined 99.7% 93% May 2 hormone (estrogen at


oral contra‐ progestin); araw-araw iniinom
ceptives (COCs)

Minipills o pro‐ 99.7% 93% Progestin lang ang hormone,


gestin-only pills walang estrogen; araw-araw
(POPs) iniinom

Lactational 99.1% 98% Sa kapapanganak. Dapat wala


amenorrhea (sa 6 na (sa 6 na pang 6 na buwan ang baby;
method (LAM) buwan) buwan) puro pasuso ang binibigay sa
kanya; at wala pang regla.

Condom ng lalaki 98% 87% Pambalot na lapat sa matigas


na ari ng lalaki

Fertility aware‐ 95-99% 85-98% Inaalam kung mabunga sa


ness methods siklo ng regla (mas hindi
(FAM) o natural mabisa), o sa mucus ng cervix
family planning hindi alam sa BBT
at temperatura (mas mabisa)
method

*Bisa = % hindi mabubuntis sa 1 taon na paggamit


8
PAANO GUMAGANA IBA PANG IMPORMASYON

Pinapakapal ang mucus sa Health worker ang naglalagay at alis. 3 taon o


cervix para barahan ang higit ang bisa. Karaniwang nagbabago ang
sperm at di umabot sa itlog; regla—hindi ito masama.
pumipigil sa obulasyon

Sinisira ng tanso ang semilya Karaniwan ang mas mahaba’t malakas na


at pinipigilang makatagpo ng regla sa unang mga buwan, pero di ito
itlog masama. Hanggang 12 taon ang bisa.

Nawawalan ng daanan ang Permanente, kaya mahalagang kusang-loob


itlog at semilya para at nauunawaan talaga ang desisyon.
magtagpo

Nawawalan ng daanan ang 3 buwan bago maging mabisa dahil may


semilya (sperm cells) para semilya pa sa tamod. Walang epekto sa lakas
humalo sa inilalabas na o kakayahan sa sex. Permanente, kaya
tamod (semen) mahalagang kusang-loob at nauunawaan
talaga ang desisyon.

Pareho sa implant Paghinto, ilang buwan o higit pa bago maging


mabunga uli. Nag-iiba ang pagregla, nahihinto
paglaon, pero hindi ito masama.

Pumipigil sa paglabas ng itlog Binabawasan ang kanser sa obaryo't lining ng


mula sa obaryo (obulasyon) matris, dysmenorrhea, iregular na regla. May
1-2 araw na palugit sa nakakalimot, kumpara
sa POP na ilang oras lang.

Pareho sa implant Puwede sa nagpapasuso ng baby na wala


pang 6 na buwan. Mahigpit sa tamang oras
ng pag-inom.

Pumipigil sa paglabas ng itlog Hindi na mabisa kung 6 na buwan na, o


mula sa obaryo (obulasyon) bumalik na ang regla kahit wala pang 6 na
buwan. Batay sa natural na epekto ng pagpa‐
pasuso sa fertility.

Humaharang sa semilya na Proteksyon din laban sa impeksyon mula sa


makapasok sa ari ng babae sex o STI, pati HIV, kaya mabuting isabay sa
ibang kontraseptibo.

Walang sex sa mga araw na Hindi bagay ang pagkalendaryo sa di regular


mabunga o nagko-condom ang regla. Magagamit din ng mga gustong
para di magbuntis magbuntis para sa tamang timing ng
pagtatalik.

9
Puwede daw pagmulan ng kanser ang mga
kontraseptibo?
HINDI. KUNG MAY KANSER NA SA SUSO, kontraseptibong
walang hormone lang ang ipinapayo: copper IUD, con‐
dom, tubal ligation at vasectomy. Napapalaki kasi ng
hormone ang tumor sa suso—sa gamot man o sa kata‐
wan galing ang hormone. Kaya masama din magbuntis
dahil napakataas ng naturang hormone kapag buntis.
SA KANSER SA OBARYO, nakakabawas ang COC pills.
SA KANSER SA LINING NG MATRIS, may malakas na ebiden‐
syang nakakatulong ang COC pills at injectable DMPA.
SA KANSER SA CERVIX, malinaw nang virus ang sanhi nito
(pamilya HPV). Naipapasa sa sex ang virus. Madaling ali‐
sin ang pre-cancer lesions sa cervix. Pap smear o VIA
ang paraan para sila makita. Kaya sa mga babaeng 30 o
higit, mabuting magpasuri tuwing 3-5 taon. Posible ring
may proteksyon ang IUD laban sa kanser sa cervix.
CONDOM AT KANSER. Nakakatulong ang condom na ibaba
ang panganib ng kanser sa cervix. Nababawasan nito
ang hawahan ng HPV at iba pang impeksyon mula sa
sex gaya ng HIV, tulo (gonorrhea), syphilis, atbp.
Peke ang sabi-sabi na may maliliit na butas ang condom,
kaya nalulusutan ng virus. Parehong latex na goma ang
condom at guwantes ng mga health worker. Pareho
silang mabisa na pumigil sa impeksyon.

Kanser sa Nakakabawas ang


• obaryo COCs
• lining ng matris COCs, DMPA, copper IUD
• cervix condoms, copper IUD

10
May sakit ako. Ano ang
magagamit ko?
Depende sa sakit mo. May
bagong gabay palagi ang WHO
dito. Depende sa kalagayan,
sinasabi kung puwede ibigay,
timbangin muna, o huwag.
Ginagamit ito ng mga
nagsanay sa
pagbibigay ng family
planning. Halimbawa:
KALAGAYAN PUWEDE HUWAG O TIMBANGIN
Smoker at edad 35 pataas IUD copper, implant, Huwag: combined pills
injectable, progestin- o COCs (combined oral
only pills (POPs) contraceptives)
Altapresyon: systolic na IUD copper, implant, Timbangin: COCs
140-159, o diastolic na injectable, POPs
90-99
Altapresyon: systolic na IUD copper, implant, Huwag: COCs
160 o higit, o diastolic na POPs
Timbangin: DMPA
100 o higit
Pagdurugo sa puwerta COC, POPs Huwag: IUD copper
(vagina) na hindi pa na-
Timbangin: implant &
diagnose
DMPA
Sakit sa ulo na hindi Lahat
migraine
Migraine at may aura (hal. IUD copper, implant, Huwag: COCs
kumikislap-kislap sa POPs
paningin)
Varicose veins Lahat
Pagbara sa malalim na IUD copper Huwag: COCs
ugat sa binti, baga;
Timbangin: implant,
ngayon o acute
DMPA, POPs
Goiter (sakit sa thyroid) Lahat

Mas bata sa 20 Lahat

May buong listahan sa WHO Medical Eligibility Criteria o MEC:


https://www.who.int/reproductivehealth/publications/family_planning/mec-wheel-5th/en/
11
Paano inumin ang COC pills?
Simulan sa 21 pills na pareho ang kulay o laki. Ito ang
may hormones. Isa bawat araw. Kung masimulan sa
unang 5 araw ng regla, protektado na agad. Gayundin
kung galing sa pills, injectable, implant o IUD na tama't
tuloy-tuloy ang paggamit.
Pero kung hindi, mag-7 araw ng COCs muna. Mag-
condom o huwag mag-sex sa 7 araw na ito.
Pagkaubos ng 21, simulan naman ang 7. O kung 21-pill
COC ang gamit mo, palipasin ang 7 araw. Pagkaubos ng
7 pills o paglipas ng 7 araw, magbagong pakete na.

Paano kung nakalimot sa COC pills?


Sundin ang isa sa A-F, ayon sa nangyari sa 'yo. Pansinin
na mapapainom ka ng 2 pills sa isang araw o isang
inuman. Ok lang yon.
A. 1-2 pills nalimutan mula sa 21 pills. Inumin agad ang 1 sa nalimu‐
tan. Uminom ng 1 pa, ayon sa regular mong timing. Ituloy ang natiti‐
rang pills sa schedule mo. Wala o halos walang risk mabuntis.
B. 1-2 araw nahuli sa pagsimula ng bagong pakete. Pareho sa A.
C. 3 o higit na pills nalimutan, sa unang 2
linggo ng 21 pills. Inumin agad ang 1.
Uminom ng 1 pa, ayon sa regular mong
timing. Mag-7 araw ng COC muna bago
umasang protektado ka ulit. Kaya mag-
condom o walang sex sa 7 araw. Ituloy
ang natitirang COC, sa regular na
schedule. Kung nag-sex sa nakaraang 5
araw, puwedeng mag-ECP (p. 5).
D. 3 araw o higit nahuli sa pagsimula ng
bagong pakete. Pareho sa C.
E. 3 o higit na pills nalimutan, sa ika-3 linggo ng 21 pills. Sundin ang C.
Pero kapag naubos na ang 21 pills, simulan na agad ang bagong
pakete. Itapon ang 7 pills na ibang kulay (walang hormones). O kung
sa 21-pill COC, huwag nang magpalipas pa ng 7 araw.
F. 1 o higit na pills nalimutan sa 7 pills na iba ang kulay o laki. Bale-
wala. Pantanda lang 'yon na araw-araw iinom. Walang hormones, ok
itapon. Pero tiyakin na 7 araw lang ang agwat sa bagong pakete.

12
Paano inumin ang POPs?
Dapat may 28 pills na parepareho ang kulay at laki. Kung
iba, malamang COC pills ang hawak mo.
Simulan sa alinmang pill, isa kada araw. Iwasan talaga
na nahuhuli sa pag-inom.
Kung lynestrenol ang generic name ng POPs mo, dapat
huwag lumampas ng 3 oras kung mahuli man sa pag-
inom. Kung desogestrel, dapat huwag lumampas ng 12
oras. Pinakamabuting mag-alarm sa cellphone o relo.
Pagkaubos ng 28, simulan agad ang bagong pakete.
Pareho sa COC, protektado agad kung masimulan sa
unang 5 araw ng regla, o lilipat mula sa pills, injectable,
implant o IUD na tama't tuloy-tuloy ang paggamit.
Kung hindi, mag-2 araw ng POPs muna. Mag-condom o
huwag mag-sex sa 2 araw na ito.

Paano kung nakalimot sa POPs?


Kung nakalimot ng 1 o higit na pills, o nahuli ng inom
nang lampas sa tamang palugit, gawin lahat ito:
 Inumin agad ang 1 sa nalimutan o nahuli. Uminom ng
1 pa, ayon sa regular mong timing. Makaka-2 POPs ka
sa isang araw o isang inuman.
 Mag-2 araw ng POP muna bago umasang protektado
ulit. Mag-condom o walang sex sa 2 araw.
 Kung nag-sex sa nakaraang 5 araw, puwedeng mag-
ECP (p. 5).
 Ituloy ang natitirang POPs sa regular mong schedule.

Paano kung masuka sa COCs o POPs?


Kung masuka sa loob ng 2 oras pagkainom, uminom
agad ng 1 pa. Pampalit ito sa naisuka. Ituloy lang ang
natitirang pills sa banig sa regular na schedule.
13
Paano nagagawa ng implant ang ilang taon
na pagpigil sa pagbubuntis?
Progestin ang sangkap ng implant, na nanunuot sa paha‐
bang plastic na ipinapasok. Kasinglaki lang ng palito.
Dinisenyo ito para unti-unting lumabas o kumatas ang
tamang dosage. Nasa 3 taon o higit pa ang bisa ng
implant na ginagamit sa Pilipinas.
Sa ilalim ng balat ng braso nilalagay ng health profes‐
sional. Wala pang 5 minuto ang pagkabit at walang 10
ang pagtanggal. May pampamanhid muna, tulad ng sa
dentista. Walang tahi. Tape
lang ang pangsara sa maliit panlagay
na tusok, at may pressure
dressing sa palibot. Hilom
na ang sugat sa 3-5 araw.
implant sa ilalim ng balat

Kinakalawang daw ang IUD sa loob?


Hindi totoo. Plastic na malambot ang katawan at tali ng
IUD. May nakapulupot na manipis na hibla ng tanso o
copper. Parehong di kinakalawang.
Nasisira ng tanso ang semilya’t itlog. Kaya hindi nabu‐
buntis. Hindi ito lason. Gaya ng iron, sangkap ito sa pag‐
buo ng dugo. Kailangan din para sa malusog na ugat,
nerves, buto at immune system. May tanso sa pagkaing-
dagat, butong gulay, tsokolate at multivitamins.
Sobrang bagal matunaw ang tanso ng IUD—12 taon ang
bisa. Napakaliit pa. Walang lason at walang naiipon.
Mga 5-10 minuto kung ipasok sa matris ang IUD; mas
mabilis pa ang pag-alis. Madali itong subukan dahil
napakadali ding alisin kung hindi mo magugustuhan.
May tali ang IUD na hinihila kung aalisin. Hinihipo rin ito
para alam na nandyan pa. Minsan, ito ang nadadama ng
lalaki. Ipaayos sa klinika kung istorbo talaga.
14
Loob ng matris: Fallopian
dito nilalagay tubes:
ang IUD pinuputol
kung mag-
tubal
ligation

Cervix
at puwerta: Obaryo: dito galing
dito pinapa‐ ang itlog, na kailangan
daan ang IUD dumaan sa Fallopian
tube para ma-fertilize
Tali ng IUD: dito kinakapa

Hindi makakalibot sa katawan ang IUD. Iisa ang normal


na daanan nito: palabas ng cervix at ari. Hindi ito
nakakabaog. Puwede nga mabuntis agad pagkatanggal.

Ano ang ginagawa sa tubal ligation?


Karaniwa’y pinuputol ang 2 Fallopian tubes—ang tagpuan
ng itlog ng babae at semilya ng lalaki. Kapag naputol,
walang pagtatagpo, walang pagbubuntis.
Tubo lang ang ginagalaw sa ligation. Matapos maghilom
(1-2 linggo), wala nang ibang pagbabago. Pareho ang
lakas ng katawan. Pareho ang gawi o hilig sa sex. Baka
mas panatag lang dahil walang takot magbuntis. Pareho
din ang siklo ng obaryo at pagregla.

Ano ang ginagawa sa vasectomy?


Pinuputol ang vas deferens, 2 tubo na daluyan ng semilya
o sperm. Sa bayag ginagawa ang semilya. Dadaan sila sa
vas deferens bago humalo sa tamod at ilabas. Kung
walang semilya sa ilalabas, wala ring pagbubuntis.
Iba ang pagkapon sa vasectomy. Sa hayop na kinakapon,
inaalis ang bayag. Sa vasectomy, tubo lang ang pinu‐
putol. Paghilom ng sugat sa 2-3 araw, wala nang ibang
pagbabago. Pareho lang sa dati ang gawi at hilig sa sex.
Pareho ang lakas ng katawan, ang laki at pagtayo ng ari.
15
Mga Klinika ng Likhaan
EASTERN SAMAR: Barangay 05, Giporlos Municipality (nasa national
highway); Tel. 0906 827-2017
MANILA, PORT AREA: 354 Zaragoza St., Barangay 13 (malapit sa Pier 4);
Tel. (02) 7900-7891
MANILA, SAN ANDRES BUKID: 2362-C Crisolita St., Barangay 804 (malapit
sa corner Dagonoy St. at Dagonoy Public Market); Tel. (02) 8732-0327 •
0999 817-2340
MANILA, TONDO: 1909 Road 10, Barangay 107 (malapit sa Herbosa St.
corner Road 10 at Pier 18); Tel. (02) 7369-9747 • 0928 734-2969
NAVOTAS: Units 1B-D, Block 21, Lot 11 Dalagang Bukid corner Karpa Alley
(malapit sa Lapu-Lapu Ave. corner Dalagang Bukid St.), Barangay North
Bay Boulevard South (NBBS); Tel. (02) 8398–2784
PASAY CITY SATELLITE CLINIC: 704-A52 Apelo Cruz St., Barangay 157
(malapit sa EDSA corner Apelo Cruz St.); Tel: 0939 870-5370
QUEZON CITY: 27 Ofelia St, Barangay Bahay Toro (malapit sa Road 20 at
Mindanao Ave.); Tel. (02) 3454-3854 • (02) 8926-6230
SAN JOSE DEL MONTE CITY, BULACAN: 9003 IPO Road Tialo, Barangay
Minuyan Proper; Tel. 0917 850-1429

MAIN OFFICE: 27 Ofelia St, Barangay Bahay Toro, Quezon


City, Philippines
Tel: (02) 3454-3854 • (02) 8926-6230
Email: office@likhaan.org
Web: www.likhaan.org • facebook.com/likhaanph

Abril 2021. Responsibilidad ng Likhaan ang nilalaman. Hindi dapat


ipakahulugang inaako ng mga organisasyon ang nilalaman dahil
nabanggit sila dito. Hindi dapat ipagpalit ito sa konsultasyon at
pamamahala ng tauhang medikal.

Salamat sa suportang pinansyal ng

Women's Fund Asia (WFA)

You might also like